Nakatulog pala ako dito sa gym. I creased my forehead when I heard someone murmuring. Pagdilat ko ng mata, si Trixie ang nabungaran ko. Napabangon ako nang bigla siyang ngumisi.
I was caught off guard when she suddenly kiss me. I freeze for seconds.
"Craige?"
When I heard that familiar voice, I suddenly snap back to reality. I pushed Trixie then face Keana.
"Keana!"
I was alarmed when I saw her face. I opened my mouth by couldn't say anything. I gulped as she turn around and walk away.
"Keana, wait!"
Trixie grabbed my hand when I tried to follow Keana.
"Let her be," anito na malapad ang ngiti.
I clenched my jaw, and I could probably punch her if she's a he. "Let go of my hand, Trixie."
"Okay." She raised her hands and smiled annoyingly.
Nagmamadali akong lumabas ng gym para habulin si Keana. I let out a deep sigh when I noticed she was nowhere to be seen outside.
Bumalik ako sa loob at hinarap si Trixie. Nakaupo lang siya at may kausap sa cellphone.
Hinablot ko ang cellphone niya at pinatay. Pinukol ko siya ng masamang tingin.
"Craige, what the hell?"
"Yes, I am sending you to hell so be still. Tell me, what did you do? Why did you do it?" I grabbed her hand tightly.
"Let go, I'm hurting!"
"You should. Stop meddling with my life, Trixie. I'm warning you," I said as a dart her my cold eyes.
Nagmadali akong lumabas uli ng gymnasium at pinuntahan si Keana. Nabanggit niya kung saan ang huling klase niya. I won't let her misunderstood what happened earlier. I just started knowing her but Trixie was trying to ruin it. When I saw her from afar, I stopped. I just simply watched her busy in her class.
I sigh. Hihintayin ko na lang siya mamaya sa may harap ng gate. Paalis na ako nang mapansin ko na nakatingin siya sa gawi ko. Muli siyang lumingon at nag-iwas ng tingin nang magkasalubong ang mga mata namin. I just walk away and attend my last class.
Keana's POV
Mula sa kinaroroonan ko, natanaw ko si Craige na nakatingin sa classroom ko. Nagbawi ako ng tingin nang magkatinginan kami. Napakapit ako ng mahigigpit sa aking palda. Huminga ng malalim at muling tumingin doon sa dakong kinatatayuan niya pero wala na siya. Pinilit kong ituon ang atensiyon sa pag-aaral ngunit tuksong lumilitaw sa aking balintataw ang nasaksihan kanina. Natapos ang klase namin na wala akong naunawaan. Lumilipad ang akong isip.
I inhaled and exhaled deeply. Bakit ako maaapektuhan?
Girl kayo ba? Ngayon lang kayo nagkausap ng maayos, hindi ba?
Feeling close? Hoy me, wake up. Tinampal-tampal ko ng dalawang palad ang mukha ko.
"Anong ginagawa mo, Keana?" Napalingon ako kay Yana. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin. Hindi pa pala ito umalis at hinihintay ako.
"Wala, nagpapaalis lang ng antok," sagot ko at tumayo. Inayos ang mga notes ko sa loob ng bag. "Tara na."
Isinukbit ni Yana ang kamay sa braso ko habang naglalakad kami palabas ng aming room.
"Asan na nga pala iyong stalker mo?" tanong nito.
"Stalker?"
"Iyong guwapo na sumunod sa iyo sa room," paliwanag nito.
"Hindi ko stalker iyon. May utang ako doon kaya inalam iyong room ko. Baka raw takasan ko," sagot ko sa pangungulit niya.
Napatanggal ito ng pagkakakapit sa akin. Tinaasan ako ng kilay at ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"Hindi raw, eh bakit nakaabang na naman sa iyo?" anito at sabay na ngumuso patungo sa gate.
Sinundan ko nang tingin ang tinutukoy nito. Si Craige, nakasandal sa poste ng gate at nakatungo. Napahinto ako sa paglalakad ng mapatingin siya sa gawi namin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nanatili akong nakatayo habang tinatalastas niya ang daan patungo sa amin.
"Grabe, Keana. Ang guwapo ng creditor mo!" sabi ni Yana na nakangiti ng abot-tainga.
Creditor? Ah, sabi ko nga pala pinakakautangan ko.
"Keana..." Malamlam ang mata nitong nakatingin sa akin habang binibigkas ang pangalan ko. "Puwede ka bang... makausap?
"Ay, naalala ko may pupuntahan pala ako," singit ni Yana sabay kindat sa akin. "Ikaw na bahala sa kaibigan ko, Mr. Creditor."
Nagtatanong ang matang ipinukol sa akin ni Craige. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin. Sa totoo lang, hindi naman siya dapat magpaliwanag.
Paki ko ba kung may kahalikan siya? Bago lang naman kaming magkakilala, bakit siya magpapaliwanag. Pero sa loob ko, gusto kong malaman iyong part na pinagseselos niya si Trixie sa pamamagitan ko. At bakit ako? Marami naman diyan.
Pagkaalis ni Yana ay nagsimula na akong maglakad. Sinundan ako ni Craige at hinawakan ang kamay ko.
"Please Keana, listen..." nagsusumamong sabi ni Craige.
Hinarap ko si Craige. "Look Craige, wala ka namang dapat ipaliwanag. Ano ba ang paki ko kung may kahalikan ka man."
Napaawang ang labi niya at binitawan ako. He opened his mouth but could not say anything.
"Uuwi na ako," sabi ko sabay talikod.
"Wait," sabi niya sabay hatak sa akin paharap. "Even if you think that this doesn't concern you, I still want to explain. I don't want you to misunderstood."
Tiningnan ko siya sa mga mata."Pero bakit?"
"Dahil magkaibigan tayo?" nakasulobong ang kilay na tugon niya. Medyo malikot ang mata nito na nakakamot sa batok. "Oo, dahil magkaibigan tayo! Ayokong isipin mo na hindi ko pinahahalagahan iyon," paliwanag nito.
"Okay, go on. I'm all ears," I said.
"Okay?— Look... hindi ko girlfriend si Trixie at siya ang humalik sa akin. I was on a nap when I heard her. I don't even know what she was saying before I woke up. She was grinning there and toke me by surprised."
"Hmm... Okay, point taken. Can I go now?" sabi ko sa kaniya. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin.
"Can I take you home?" he asked.
"Hindi na, kaya ko naman mag-isa. Salamat na lang," sagot ko sa kaniya at nagmamadaling iniwan siya.
Nakatawid na ako at naghihintay ng masaksakyan noong mapansin kong naglakad siya papuntang parking area ng school, laglag ang balikat.
Dumirecho ako sa trabaho pagkagaling sa school. Nasa locker ang uniform ko sa trabaho kaya doon na ako nagpalit. Buong trabaho akong wala sa sarili. I barely manage to work smoothly. Malapit nang matapos ang shift ko noong biglang kumulog. Gumuhit din ang matatalim na kidlat sa kalangitan. Wala pa naman akong dalang payong.
Saktong nag-out ako sa trabaho nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napatakbo ako sa malapit na waiting shed at ginawang pantakip ng ulo ang aking bag.
Ilang minuto ang lumipas at wala pa rin akong masakyan. Nangangawit na ako habang nakatayo sa may waiting shed, naghihintay ako ng jeep na masasakyan. Nakayakap din ako sa sa sarili dahil nanginginig na ako sa lamig. Malakas kasi ang buhos ng ulan na may kasama pang malamig na hangin. May low pressure area pala at nagsisimula na ring bumaha sa kalsada. Siguro mga ilang minuto na lang ng ulan ay aabutin na ang kinatayuan kong semento. Medyo basa na rin ang laylayan ng sout kong gray slacks uniform ko. Wala akong dalang payong o jacket man lang. Maganda pa naman kasi ang sikat ni haring araw kanina nang pumasok ako kaya hindi na ako nagdala ng panangga sa ulan. Hindi ako girls scout na laging handa.
"Whew..." Napahigpit ang yakap ko sa sarili dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin. Bakit naman kasi ang tagal ng jeep? Ang dilim pa ng paligid kahit may mga streetlight dahil makapal ang buhos ng ulan.
May humintong puting kotse sa tapat ko. Bumaba ang wind shield ng sasakyan at dumungaw dito si Craige. Binuksan niya ang sasakyan sa shotgun seat. "Get in, ihahatid na kita."
Hindi ako kumilos sa pagkakatayo ko. Tiningnan ko lang siya.
"Please get it, Keana. Malalim na ang gabi at masama ang panahon. Delikado dito," pakiusap ni Craige.
Muling umihip ang hangin ng malakas kaya napilitan akong sumakay. Nagsimula na kasing manginig ang katawan ko. Ikinabit ko ang seatbelt at tumingin kay Craige.
Napaigtad ako ng punasan niya ang basa kong ulo ng bimpo. Napahinto siya nang titigan ko.
"Here, dry yourself up," sabi niya sabay abot sa akin ng towel.
"Salamat. Saan ka nga pala papunta sa ganitong oras at panahon?" tanong ko sa kaniya.
"To pick you up," tugon nito. Lumingon ito sa likuran at may inabot. "I was already lying in bed but I'm so worried sick and couldn't sleep. So I decided to pick and take you home — here, I brought a jacket for you."
I was touched. Bago ko pa man maabot ang jacket ay ikinumot niya na ito sa akin. "Thank you."
Tumango siya at ngumiti. Binuhay niya na ang makina at pinaandar. Malakas ang hampas ng hangin sa windshield ng kotse. Malakas din ang ulan at halos zero visibility na sa daan. Makalipas ang ilang minutong biyahe ay napahinto si Craige. Bigla niya ng iniatras ang sasakyan dahil nag-overflow ang tulay sa may unahan ng daanan. Iikot sana pabalik si Craige nang may biglang bumagsak sa malapit sa likod ng kotse. Ibinaba niya ang bintana at sinilip ito.
"Shit, may bumagsak na puno sa gitna nang kalsada. Hindi tayo makakaraan," anito na napabuntong hininga.
"Ha! Naku paano 'yan?" nag-aalala ko siyang tiningnan. Wala pa namang kabahayan dito sa nahintuan namin at lalong sumasama ang panahon.
Napansin kong may hinahanap siya. Kinakapa niya sarili at binuksan ang glove compartment sa tapat ko. Napabuga ito sa hangin at napakamot sa ulo.
"Bakit?" litong tanong ko.
"I forgot my cellphone," he said in weary voice. "How about you?"
Biglang napako ang tingin ko sa loob ng bag. Nakapa ko iyong cellphone ko pero nag-aalinlangan akong ilabas. Isa pa, wala din naman itong load.
Napatingin ako sa kaniya na nakatitig pala sa akin. Napalunok ako nang bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Nag-iwas ako ng tingin at sa taranta ay naiabot ko sa kaniya ang cellphone.
"Ano ito?" tanong nito habang nakatingin sa kamay ko na naka-extend sa harap ng mukha niya.
Napapikit ako ng mariin. Shocks naman, Keana. I cleared my throat.
"Ce — cellphone!" mabilis kong sagot sabay harap sa labas ng sasakyan.
Kinuha niya ito mula sa kamay ko. Tumaas ang isang sulok ng labi niya. Binali-baligtad niya ito. "I thought you're giving me a toy phone."
"Hoy, grabe siya! Cellphone iyan, original iyan na Nokia 3210," pagmamalaki ko.
Napabulinghit siya ng tawa. "Cool, antique ang phone mo!"
He was grinning from ear to ear. Halos nakapikit na ang mga mata. I was dumbstruck when I felt my heart racing. Paano nga bang ang katulad ko ay nasa loob ng mamahaling sasakyan kasama ang isang Craige David Montello? Napakagat ako sa ilalim ng labi ko habang pinagmamasdan siya—Isang magandang tanawin.
"Can I used this to call for help?" he asked still smiling. Iyong ngiti na akala mo wala kami sa gitna ng daan at binabagyo.
Tumikhim ako. "Puwede naman...sana."
"Sana?"
"Sana, kaso wala akong load," sagot ko na nakangiti ng alanganin sabay kamot sa baba ko. "Paano na iyan?"
Binuhay niya ang makina ng sasakyan ang ipi-nark sa tabing kalsada. He unbuckle his seatbelt and open the door beside him. May inabot siyang payong sa likuran bago bumaba. Umikot siya sa tapat ko at binuksan ang pinto. Dumungaw siya sa akin.
"Come down, maghanap tayo ng malapit na bahay. Makisilong muna tayo." Iniabot niya ang kamay niya sa akin.
Tinanggal ko ang seatbelt at inihakbang ang mga paa pababa. Saktong pagkalabas ko nang biglang gumuhit ang matalim na kidlat at dumagundong ang kalangitan. Napatili ako at napatalon na yumakap kay Craige. Naramdaman ko ang biglang pagkislot ng katawan niya. Nakasiksik ako sa leeg niya at amoy na amoy ang mild citrus perfume ni Craige. Walang anu-ano'y nakarinig ako ng nakabibinging kabog ng dibdib.
Is it mine? Or his?
Biglang gumalaw ang leeg niya sa paglunok. Para akong binihusan ng malamig na tubig nang maisip ang posisyon namin. Iniangat ko ang katawan para humiwalay sa kaniya pero bigla niya akong hinatak payakap. Naramdaman ko ang paghigpit ng yapak niya sa baywang ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang init ng katawan niya. Hindi ko maramdaman ang lamig na dulot ng hangin at ulan. Napalunok akong tiningala si Craige. As I look at him, our eyes meet. Nangungusap ang mga matang ipinukol niya sa akin.
"I like you, Keana."
Napaawang ang mga labi ko at nakatingin sa mga mata niya. Nakapapaso ang tingin niya kaya nag-iwas ako ng tingin. Ngunit bigla niyang hinawakan ang baba ko at iniharap ang mukha ko sa kaniya.
"I like you. I like you. I like you so much, Keana," paulit-ulit niyang pagtatapat.
Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya at walang masabi. Napansin ko ang unti-unting paglapit ng mukha niya sa akin. He stops when our forehead touch. Halos mapugto ang hininga ko dahil sa kaba ng dibdib. Salong salo ko ang mainit at mabango niyang hininga. Napapikit ako dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya.
Tanga, bakit ka pumikit?
*****