"Who's that, Trixie?" sumilip ang isang lalaki sa tabi ni Trixie. Nagkandahaba ang leeg nito habang pilit na inilalabas ang ulo sa bintana ng sasakyan. Ngumiti ito nang magtama ang aming mata. Nakalitaw ang mapupuputi at pantay-pantay nitong ngipin. May dimples din ito sa kabilaang pisngi.
"Ano ba, Kuya! Umurong ka nga," nakasimangot na sabi ni Trixie habang itinutulak ang mukha ng kapatid. Bumalik ang atensiyon niya sa akin na nakapagkit pa rin ang kilay.
"So, ano nga ang ginagawa mo rito?" naiiritang tanong nito.
"Ma'am, wala pong sumasagot sa bahay ng mga Montello." Napalingon ako bigla noong nagsalita ang guard.
"Ah, papunta ka pala kina Craige," tatango-tango nitong sabi sabay ngisi. "Paano iyan, unless na-inform sila about your presence, the guard won't let you in."
Bumaling ito sa harap ng sasakyan nila. "Manong, tayo na po."
May is-in-wipe na card ang driver sa monitor na nasa pillar ng gate. Automatic na bumukas ang gate at nag-umpisang umusad ang sasakyan.
"Bye, Keana. Good luck sa paghihintay diyan," kumakaway ang daliri na sabi nito.
Hindi pa tuluyang nakapapasok ang kotse ay muling itong huminto at nagbukas ang pinto sa likod. Bumaba mula rito iyong tinawag na kuya ni Trixie. Naglakad ito patungo sa akin habang si Trixie naman ay hindi maipinta ang mukha na dumungaw sa may bintana.
"Hi," bati nito habang kumakamot sa batok. "Sumabay ka na sa amin. Katabing bahay lang namin sila Craige."
"Hindi, okay lang. Salamat na lang." Alanganin ang ngiti ko habang nakatingin sa kaniya. Nakatingala ako habang kausap siya dahil hanggang balikat lang ako dito.
"No, I insist. Minsan hindi napapansin ang tawag sa bahay nila. Kung hihintayin mo pa iyon, aabutan ka ng dilim dito sa labas," sabi nito na nakangiting ulit. Ang amo ng mukha nito at mukhang mabait. Ang layo sa kapatid niya na nakatirintas yata ang kilay. Sa tuwing nakikita ko kasi ay hindi manlang ito maghiwalay.
"O sige, salamat," tipid kong sagot.
Sumunod ako sa kaniya at alanganing nakatayo nang buksan nito ang pinto sa likod. Naroon kasi si Trixie. Tinaliman ang tingin nito sa kapatid.
"Bakit dito, Kuya?
Tumungo ito at sinilip si Trixie. Ako naman ay nakatayo lang sa harap ng pinto ng kotse.
"Hindi naman siguro kayo magsasabunutan diyan sa likod, hindi ba, Trixie," nakangiting sabi nito bago tumingin sa akin. "Sakay ka na... ano nga palang pangalan mo?"
"Keana na lang," nakangiti kong sabi at pumasok na sa loob ng kotse.
Inirapan ako ni Trixie bago umusog. Sa shotgun seat naman pumuwesto iyong kuya ni Trixie. Pagkakabit ng seatbelt ay agad itong pumihit paharap sa amin. Pinatakbo na ni manong iyong kotse.
"Ako nga pala si Kenly—Kenly Arevalo." Pilit na iniaabot ang kamay nito sa akin.
Napangiti ako sa hitsura niya. Nakapilipit na ang katawan nito sa harapan. Inabot ko ang kamay nito para kamayan.
Umayos na ito ng upo pero nakatingin pa rin sa akin mula sa rearview mirror. "So, sa GSMIC ka rin pala nag-aaral."
Napatingin ako sa sout ko. Naka-uniform pa pala ako. Tumango ako.
"Ngayon lang kita nakita. Transferee?" tanong ni Kenly.
"Hindi, freshman pa lang ako," sagot ko.
Tumango-tango ito. "Paano kayo nagkakilala ni Craige?"
"Bakit ba ang dami mong tanong, Kuya?" iritableng sabat ni Trixie.
"Okay hindi na," sagot nito.
Hindi na ako nakapagsalita. Tumingin na lang ako sa labas. Napanganga ako habang tinitingnan ang nadaraanan namin. Malinis ang paligid at may nakahilirang halamang namumulaklak sa gilid ng kalsada. May katamtamang taas din ng puno sa gilid na animoy nakatrim. Kulay berde ang ilalim ng mga puno dahil sa nakalatag na bermuda grass.
Unti-unting bumagal ang kotse at huminto sa tapat ng isang malaking bahay na kulay puti at gray. Nilingon ako ni Kenly.
"Diyan ang bahay ni Craige." Itinuro nito ang bahay sa tapat. Tinanggal nito ang seatbelt at lumabas. Binuksan nito ang pinto sa likod ng kotse at tumungo ito. Nginitian ko siya saka lumabas. Isinara nito ang pinto at muling bumalik sa harap.
"See you on school, Keana," sabi nito bago nagsara ng pinto.
Tinanaw ko ang kotse na huminto lang sa kasunod na bahay. Humugot ako ng malalim na hininga bago hinarap ang malaking bakal na pinto.
"Tao po," tawag ko habang kumakatok sa pinto.
"Tao po! Tao po!" Nagkakandahaba ang leeg ko katatanaw kung may parating. Gawa sa makapal at malinaw na salamin ang dingding sa harapan ng bahay. Kitang-kita mula sa kinatatayuan ko ang loob. May mga plantita sa sulok ng mga kanto. May dalawang mahabang upuan kahoy na kulay brown. Sa kaliwang parte ng loob, may isang bilugang mesa sa tapat ng bintanang nakabukas. Mayroong nakapaikot dito na apat na upuang kahoy na pabilog din ang hugis. Mula sa tapat ng bintana matatanaw ang isang maliit na hardin.
"Tao po!" Tumawag uli ako ngunit wala pa ring tao. Hinalungkat ko ang bag at hinanap ang cellphone.
Tawagan ko kaya? Napangiwi ako nang makitang dead bat na pala ako. Bagsak ang balikat na tumungo ako. Tinanaw ko ang pinanggalingan namin na gate kanina. Malayo-layo pa naman kung lalakarin. Naka isang hakbang na ako nang may tumawag sa atensiyon ko.
"Bakit nasa labas ka pa rin?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Kenly, nakapambahay na.
Nakapambahay nga ba? Nakaputing polo shirt ito na may maliit na buwaya sa dibdib. Kulay khaki naman ang lagpas tuhod na short na may dalawang malaking bulsa sa tagiliran. Nakataas sa bandang bumbunan ang pagkasuklay ng kayumangging buhok nito na sumasayaw-sayaw habang naglalakad ito. Lumabas ang magkabilaang dimple nito sa pisngi nang ngumiti ito.
"Keana, bakit nandito ka pa?" tanong nito pagkahinto. Pinindot nito ang nakakabit na hugis rectangle sa tabi ng pinto. Kulay itim ito sa taas at gray sa baba na may pabilog na button.
Napakagat-labi ako at biglang tumungo. Akala ko camera iyon, doorbell pala. May umiilaw na bilog kasi sa taas.
Ngumiti uli ito habang nakatitig sa akin. Ilang dangkal lang ang pagitan namin kaya pilit na nagsusumiksik sa ilong ko ang pabango niya na parang pinaghalong citrus at bulaklak. Wala akong alam sa pabango. Basta ang alam ko, amoy mamahalin siya pero mild lang. In short, hindi masakit sa ilong. Sensitive pa naman ako sa matatapang na perfumes.
"Maghintay lang tayo ng kaunti, siguradong parating na si Manang Loring," anito na nakangiti.
Maya-maya ay bumukas ang pinto. Bumungad dito ang isang matandang babae. Maigsi ang kulot na buhok nito at marami na ring uban. Bilugan ang mukha nito na tsinita ang mata at may matangos na ilong.
"Kenly, hijo ikaw pala. Nabalitaan mo siguro na may sakit si Craige ano, kaya napadalaw ka?" wika ng matanda na nakangiti.
"Maganda ng hapon po, Manang Loring. Opo, dadalawin ko nga po si Craige. Kasama ko po ang kaibigan ko, si Keana," tiningnan niya ako tapos ay kumindat.
Saka lang ako napansin noong matanda. Medyo nanlaki pa nga ang maliit nitong mga mata bago ngumiti.
"Magandang hapon po," nakangiting bati ko.
Tinanguan lang ako nito saka binalingan uli si Kenly. "Pasok kayo."
Nagbigay daan ito sa amin at pagkapasok namin ay agad na isinara ang pinto. Napamangha ako noong pumasok kami. Ang natatanaw ko pala kanina ay nagsisilbing porch pa lang ng bahay. Mayroon pang isang malaki at tinted na sliding glass door.
Bumungad sa mata ko ang malawak na lounge area. Kasya marahil dito ang limang doble na laki ng bahay ni ate Monica. Mukhang mahilig sa tanim ang magulang ni Craige. Sa isang sulok na malapit sa glass wall, may isang burgundy rubber plant na sa tantiya ko ay mahigpit isang metro ang taas. Sa opposite direction nito naman ay may white lamp na kasing taas noong puno. At ang stand nito ay kulay gold at pa-hook shape patanghod sa tapat ng emerald ceramic center table. Nakakahiyang upuan ang sofa na puting-puti at may throw pillow na may strife ng white at beige. Iyong sahig ay marbled black na may maliit na traces ng gold at white.
Iniikot ko ang paningin sa sala. Malinis ito tingnan sa pinturang puti na may linings na gray at beige. Natigil ako sa pagmamasid nang nagsalita si manang Loring.
"Sumunod na lang kayo sa akin sa taas. Hindi kayang bumaba ni Craige at masama ang pakiramdam," sabi nito at nagsimulang humakbang sa handanan.
Shemay, grand staircase ba ito?
Sa tantiya ko mahigpit isang metro ang lapad nito at may black steel railings na ang design ay parang mga bulaklak. Spiral shape ito. Halos malula ako sa taas ng hagdan at ang lamig lang sa mata noong sahig ng paakyat. White marble na may manipis na linya na kulay gold at silver. Sa pinakadulo ng hagdan, nakatanghod dito ang malaking bronze na chandelier. Napatingin ako kina Kenly at manang Loring habang umaakyat. Napahinto ako nang may mapagtanto.
Nakapanliliit.
Hindi ako bagay sa bahay na ito. Para akong insekto na naligaw sa palasyo. Imbes na humakbang pataas, pababang humakbang ang mga paa ko. Napahinto ako nang lingunin ako ni Kenly. Medyo malayo na ako sa kanila. Patakbo akong binaba nito at hinatak.
"Bilisan na natin," sabi nito na nakaharap sa taas at patuloy ang paghakbang.
Huminto kami sa harap ng isang kulay puting pinto at kinatok ni manang Loring.
"Craige, hijo, may bisita ka," anito habang pinipihit ang doorknob pabukas. Tumabad ang loob ng kuwarto na napipinturahan ng puti. Nasa kama si Craige na kulay dark blue.
Pumasok si manang at pinapasok din kami. Tulog pa rin si Craige. Maputla ito at nakakumot habang ang ulo lang ang nakalabas. Sa tabi ng kama nito, may nakapatong na ceramic na pitsel at cup.
"Gising ka ba, Hijo?" tanong ni manang Loring pagkapasok.
Bahagyang kumilos si Craige paharap kay Manang Loring. Dumilat ito at kumurap-kurap bago bumaling ang tingin sa akin.
"Keana?" Napabalikwas ito ng bangon. Malamlam ang mata ni Craige, maputla pa rin siya.
Nataranta akong lumapit sa kaniya. "Huwag ka na munang bumangon. May sakit ka pa," nag-aalala kong sabi.
Nahigit ko ang aking hininga nang bigla niyang abutin ang kamay ko. Hinila niya ako kaya napaupo ako sa gilid ng kama niya. Nanlaki ang mga mata ko nang sumiksik siya sa tagiliran ko at iniyakap ang mga kamay sa aking baywang bago muling pumikit. Alinlangan akong napatingin kay Kenly at manang Loring na napatulala sa ginawa ni Craige.
I cleared my throat. "Mainit po si Craige, puwede ko po ba siyang painumin ng gamot?"
"O, sige ikaw ang bahala. Kaya lang hindi pa siya kumakain mula kaninang umaga. Wala daw gana. Magdadala ako ng lugaw, kumain muna siya bago uminom ng gamot," anito.
"Opo, manang," sagot ko sabay kuha ng binili kong gamot.
"O hala sige at bababa ako para initin ang lugaw bago ipanhik dine," sabi ni manang Loring.
"Sasabay na po ako pababa, Manang," sabi ni Kenly sabay tumingin sa akin bago ngumiti.
Nagtatakang napatingin si manang kay Kenly. "Uuwi ka na?"
"Opo, naalala ko, may kailangan pa pala akong gawin," sagot nito. "Keana, maiwan na kita dito."
"Sige, salamat Kenly," nakangiti kong paalam sa kaniya.
Sabay na silang lumabas ni manang at isinara ang pinto. Binalingan ko si Craige at idinampi ang palad sa noo niya.
"Ang taas ng lagnat mo," nag-aalala kong sabi.
Dumilat siya at ngumiti. "It's nothing, I already have medicine."
Napakunot ang noo ko. "Anong medicine? Eh, hindi ka pa umiinom ng gamot."
Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama. Pinagsalikop niya ang kamay niya hawak ang kamay ko. "You're my medicine."
Napakagat ako sa ilalim ng labi para pigilan ang mapangiti. "Ano ka ba, puro ka biro."
"I'm serious. Do have any idea how much I missed you?" sabi nito at inihilig ang ulo sa balikat ko. Umangat ang ulo niya at tinitigan ako sa mukha. Napakurap-kurap ako nang hawakan niya ang baba ko habang namumungaw ang mga mata. Napalunok ako ng ilang beses ng unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin.
"Nandito na ang lugaw, Craige," bungad ni manang Loring sa pinto.
Napalikwas ako ng tayo sabay tulak kay Craige. Sapu-sapo ko ang dibdib habang hinihingal. Parang kabute naman na biglang sumulpot si manang pero buti na lang. Save by the lugaw. Napabuga ako nang malalim na buntong hininga.
"Anong nangyayari sa iyo, hijo?" nakangangang tanong ni manang sabay lipat ng tingin sa akin.
Nagmadali akong dinaluhan si Craige na napasubsob pala sa kama. Napabilis ang paglapag ni manang noong tray na hawak niya at tumulong na ibangon si Craige.
"Ano na kasing pinaggagagawa mong bata ka?"
Nangingiting nakahawak sa batok si Craige. "Wala po, bababa po sana ako para magpunta sa banyo kaso nagkamali ako ng bangon."
Bakas sa mukha ni manang Loring ang alinlangan at nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa.
"Siguraduhin niyo lang na wala kayong ginagawang kababalaghang mga bata kayo. Kababata niyo pa. Maghintay kayo na dumating sa tamang edad. Kung kayo talaga, kahit gaano pa iyan katagal eh kayo pa rin ang magkakatuluyan. Huwag kayong mag-apura," mahabang litanya ni manang habang inaayos ang pagkakakumot kay Craige habang nakaupo ito.
Nagkatinginan kami ni Craige. Ngiting-ngiti ang loko na akala mo walang naramdaman.
"Madaling gumawa ng milagro pero mahirap pangatawanan," patuloy nito. Hindi pa pala tapos si manang. "Siya, pakainin mo na si Craige habang mainit ang lugaw at ako'y bababa na. Marami pa akong gagawin"
"Opo," magalang kong sagot. Pagkasara ng pinto ay nakahinga ako ng maluwag. Si Craige naman ay hindi na napigilan ang tawa.
"Ang pilyo mo rin pala, ano?" Inismiran ko siya. "Kumain ka na para makainom ka ng gamot."
"Ah," anito na nakanganga.
"Hindi mo ba kayang kumain mag-isa?" Napairap ako nang hindi ito magsalita at nanatiling nakanganga. Inabot ko ang mangkok ng lugaw sa bed side table at umupo sa tabi ng kama. Napangiti ito ng damputin ko ang kutsara ang nag-umpisang sumandok ng lugaw. Nang makailang subo siya ay inabutan ko siya ng tasa ng tubig. Kumuha din ako ang gamot na dala ko at inabot sa kaniya.
"I don't need that. I told you already, you're my medicine," nakangusong sabi nito.
"Hoy, Craige David Montello, kapag hindi ka uminom ng gamot, hindi na kita papansinin sa school!" banta ko sa kaniya.
"Pero siyempre dahil ikaw ang bumili ng gamot, iinumon ko," nakangiting sabi nito. "Hindi mo naman ako pinatapos sa sasabihin ko.
"Kunwari ka pa!" Inirapan ko siya. Mag-uumpisa na ako subuan siya nang harangin niya ng kamay.
"I need to go to the bathroom," aniya.
"Can you get up on your own?"
Ibinaba ko ang mangkok sa mesita. Inalalayan siya para makatayo. Bago pa man kami makalayo sa kama ay nabuwal si Craige papunta sa akin. At dahil 'di hamak naman na mas malaki at mabigat siya sa akin, pareho kaming natumba. Napapikit ako dahil sa gulat. Pagkadilat ko ay nakapatong siya sa akin at natabunan ng kumot ang ibabang parte ng katawan namin. Sumakit ang likod ko sa sama ng bagsak namin. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang kamay niya na nakapatong sa dibdib ko. Nasa ganoong posisyon kami nang biglang bumukas ang pinto.
"Hesusmaryusep, anong ginagawa ninyong mga bata kayo?" Bungad ni manang Loring na nakanganga at napaantanda.
*****