Chapter 12 - Chapter 11

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang pagbuhos ng malamig na likido sa aking ulo. Ramdam ko rin ang pagkabasa ng katawan ko. Kumikirot ang ulo ko at nahihilo ako. Ipinaling-paling ko ang aking ulo at nagdilat ng mata. Wala akong makita. Bakit ang dilim? Hindi ko rin maigalaw ang mga kamay at paa ko. Bakit ako nakagapos? Bakit ako nakapiring?

"May tao ba diyan?" tanong ko na nanginginig ang boses.

"I told you, guys. Soaking her with water will wake her up," sabi ng isang boses babae. Pero hindi ako pamilyar sa kaniya.

May mga tawanan akong narinig. Mga lalaki lahat maliban sa nagsalita kanina. Napalunok ako at nanginig ang katawan. Nagpumiglas ako sa kinauupuan ko. Nagsimulang umahon ang matinding kaba sa dibdib ko.

"Sino kayo? Bakit niyo ginagawa sa akin 'to," sigaw ko sa kanila.

Naulinigan ko ang papalapit na mga yabag ng paa sa akin. May biglang pumiga sa baba ko at puwersahan akong itiningala.

"Who are we? Try to guess? Sino nga ba kami?" Ramdam ko ang pagbuga ng hininga niya sa tapat ng aking mukha. Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakapiga niya na parang gustong durugin ang mukha ko.

"You don't need to know, Honey" anito. "But rest assured, you'll enjoy our company tonight. I am right boys?"

Biglang bumigat ang balikat ko nang ipatong niya ang kamay sa akin at piniga ito. Nagsigawan naman at nagpalakpakan ang mga lalaking kasama niya. Napakagat ako ng madiin sa labi. Ramdam ko ang kilabot sa bawat himaymay ng kalamnan ko. Ang daming nagsusulputan na masasamang ideya sa isip ko. Mahigpit kong naikuyom ang mga kamay ko. Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok at paulit-ulit na humugot malalim na hininga. Naramdaman ko ang pamamasa ng gilid ng mata ko. Napasinghot ako.

"Parang awa niyo na, pakawalan niyo ako. Wala naman akong kasalanan sa inyo. Hindi ko kayo kilala," pagmamakaawa ko sa kanila.

Napasinghap ako no'ng biglang umangat ang katawan ko. Narinig ko ang paglangitngit ng inuupuan ko. Nakatagilid ang katawan ko at nasasalo lang ng matigas na bagay ang aking likod. Naramdaman ko ang pagpalatak ng babaeng malapit sa akin.

"So, you really have no idea what you did wrong?" Sinampal niya ako ng malakas sa pisngi at bigla itong namanhid. Napatiim ako ng baga para pigilan ang paglabas ng ungol sa aking bibig.

"Scream bitch!" Sinampal niya uli ako ng malakas at magkabilaan pa. Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa sakit noon. Kinagat ko ang aking ibabang labi para walang lumabas na ingay mula sa akin.

"Oops, sorry. Baka masira ang maganda mong mukha," bulong nito sa punong tainga ko habang hinihimas ako sa pisngi at saka humalakhak ng malakas. Para siyang sinasaniban ng demonyo. Rinig ko pa ang pagpadyak niya ng paa.

"Pakawalan niyo ko rito. Mga hayop kayo! Pakawalan niyo ko!" Naghurumintado na ako. Inalog ko ang upuan at pilit na hinihila ang pagkakatali sa akin. Sumakit ang katawan ko sa pagpupumiglas.

"Boss, kailan ba natin sisimulan ang saya?" tanong ng isang lalaki.

"Naiinip ka na ba? Ang aga pa, Cody," sagot nong babae. "Punasan mo nga iyang laway mo. Kadiri ka talagang, manyak ka!"

"Nanggigil na kasi ako sa kaniya. Ang kinis at ang ganda ng mga umbok sa katawan! Ang ganda ng proportion!" sabi ng boses palakang lalaki. Nagtaasan ang balahibo ko at napausal ako ng panalangin. Nag-umpisang manginig ng husto ang katawan ko nang may gumapang na kamay sa hita ko. Hindi ko maiwasang mapahikbi.

"Bakit ka umiiyak, Baby? Dadalhin ka namin sa heaven. Hindi ba mga p're?" sigaw nito sabay baklas sa piring ko.

Napapikit ako nang may sumalubong sa akin na nakasisilaw na liwanag. Pagkadilat ko uli ay nanlalabo ang mata ko. Hindi ko maaninag ng maayos ang mga tao sa loob. Nasa madilim kaming silid at ang tanging liwanag lang ay ang nanggagaling sa isang bombilya na nakatapat sa akin. Makailang ulit akong nagbukas sara ng mata bago luminaw ang paningin ko. Lima lahat sila. Isang babae at apat na lalaki. Lahat sila ay nakamaskara ng kalahati ang mukha. Ang tanging nakalabas ay ang mga mata nila at ang parteng baba ng labi. Itim ang maskarang plastic at ang mga damit nila ay puro itim din na pantalon at long sleeves. Magpumiglas uli ako ng isa-isang lumapit ang apat na lalaki sa akin. Iyong isang pinakamatangkad at maputing lalaki ay biglang winasak ang pang-itaas ko. Natanggal ang lahat ng butones ng blusa ko at tumambad ang dibdib ko na ang tanging nakatabon ay ang bra. Impit akong napahiyaw habang sila naman ay nagtatawanan ng malakas. Umupo iyong babae sa isang sulok at nakangisi itong pinagmamasdan ang ginagawa ng mga kasamahan nito. Nanikip ang aking dibdib at bumuka ang bibig ko para lumanghap ng hangin. Bumaha ng tuluyan ang luha ko. Amoy alak silang lahat. Dumukot ng cellphone iyong isang payat na lalaki na kulot ang buhok at itinapat sa akin.

"Ayos may pang-profile na ako," anito na malapad ang ngiti. Parang isang asong ulol ito na paulit-ulit akong kinuhanan ng litrato.

Nagsigaya na rin ang lahat. Kaniya-kaniya silang labas ng cellphone at kuha ng litrato. Nang manawa na sila ay nag-ayos naman ang isa ng tripod at ikinabit dito ang isang cellphone.

"Start mo ang video recording, pre," sabi naman ng pinakamaliit sa kanila.

Matapos may pindutin sa cellphone iyong matangkad na lalaki ay lumapit ito sa tagiliran ko at nakakakilabot na sininghot ang gilid ng leeg ko. Muntik nang bumaligtad ang sikmura ko nang naramdaman ang basa niyang dila na nagsimulang dumantay sa balat ng leeg ko. My heart almost stopped beating when I felt his sticky tongue on my nape. I swallowed my lump continuously. Napapikit ako at kagat labing umiyak. Craige please help me.

Craige's POV

"Hello, mom. I'm sorry I couldn't join you for dinner. May kailangan lang akong puntahan. Okay mom, thank you, I love you." I ended my call with mom and check the time on my wrist watch. It's almost seven in the evening. I dialed Keana's number. I hope she did not wait too long. Hindi ko na siya natawagan pagkatapos ko magmessage kanina. Dumating kasi sa bahay sina Tito Russell at Tita Ashley kaya natagalan akong makaalis. I just sneaked out when I noticed that it was getting dark outside.

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.

I creased my forehead when Keana did not answer. I dialed her number again but then, the same thing happened. I don't know but somehow my chest began to felt heavy. I held my steering wheel tightly then step on the gas brake to accelerate. I felt anxious that I started clenching my teeth together. Sinubukan kong i-dial uli ang number niya pero wala pa ring sumasagot. I can't even call anyone at their home, I don't have their contacts. Wala rin akong contact sa trabaho niya kong sakaling nakaduty na siya kaya hindi masagot ang tawag ko. Binilisan ko pa lalo ang pagpapatakbo nang wala ng masyadong sasakyan sa kalsada. After about fifteen minutes I arrived in school. Hindi na pinayagan ng guard na ipasok ko ang sasakyan kaya iniwan ko na lang ito sa labas ng gate. Pagkapasok ko sa loob, lakad takbo ako. The surrounding was all dark except the part which was near those street lights. I was panting when I rested for a while.

There was no one around. Hingal na hingal na ako sa kaiikot. After thirty minutes of searching the place and called for her, I found no one. I decided to go back. Pagkasakay ko ay agad kong pinaharurot ang kotse papunta sa Drix. I hoped that she was only on duty and couldn't take my call. Nahampas ko ang manibela nang biglang may siksikan nang sasakyan sa down town. Ilang minuto rin ang lumipas bago lumuwag ang traffic at nakausad ang sasakyan ko. I hurriedly park my car in front of the pizza house then rushed outside. Nakita ko kaagad iyong kasamahan ni Keana na gay pagkapasok sa loob. Nilapitan ko siya nang wala na itong customer.

"Excuse me, is Keana here?" tanong ko rito.

"Oh hi, pogi. Wala pa siya rito. Late na nga siya eh, mag-aalas otso na," nakangiti nitong sagot.

"Ah, okay thank you." I hastily turned around and ran towards my car. Pagkapasok ko sa kotse ay umarangkada naman ako papunta sa bahay nila Keana. It would be my last stopped. Hindi ko na alam ang gagawin kapag wala pa rin siya doon. Habang papalapit ako sa bahay nila Keana ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. I kept on praying on my way to their house. I tried to calm my nerves before going out my car. Huminga ako ng malalim bago tumawag sa may harap ng bahay.

"Tao po," I called. Lumangitngit ang pinto ng bahay nong bumukas at bumungad doon si Aira.

"Kuya Craige, napadalaw ka!" nakangiti nitong bungad. Aira craned her neck, widen her eyes then pouted. "Bakit wala kang dalang roses at chocolates?"

I smiled though my heart began to sank. I did not see Keana. "Ah... ano kasi nagmamadali lang ako. Nandiyan ba si Ate mo?"

She shook her head arms crossed. And that made my heart beat past.

"Wala po, Kuya. Usually kapag ganitong oras nasa trabaho na siya. Dumederitso na siya roon galing school," sagot nito. She was playing her mouth with inflated cheeks.

"Ah, ganoon ba?" I said as I balled my fist. "Alis na pala ako, doon ko na lang siya pupuntahan," I lied. I don't know if it's a good idea to inform them. I don't want them to panic especially Aira. She's too young to handle the situation.

I wave goodbye before going to my car. Huminga ako ng malalim. Ayaw ako tantanan ng kaba ko. I hit my face on the steering wheel many times. Kinuha ko ang cellphone ko at muling nagdial. Still no answer. I squeezed my head and an idea popped up to my head. Nag-install nga pala ako ng tracker app sa phone na binigay ko sa kaniya. I opened the app quickly. Nang lumabas ang location niya ay napakunot ang noo ko.

"Why is she on our place," naguguluhan kong sambit. Binuhay ko ang makina at nagmadaling pinatakbo ang sasakyan.

Nang makabalik na ako sa Las Castillo De Montello ay ipinark ko sa harap ng bahay namin ang kotse. Sinimulan kong tuntunin ang lugar na nakaturo sa tracker. Malapit na akong lumagpas sa convention hall ng village nang makita ko si Kenly. He was sitting on the bench located at the facade of the building. He got up and walked towards me.

"Saan ka pupunta, Craige?" tanong niya sa akin nang makalapit siya. Nakapamulsa siyang sumabay ng lakad sa akin.

"Have you seen, Keana?" I asked instead.

A confused reaction registered on his face. "Why are looking for her here, at this hour? It's almost nine."

"I traced her location here." Inabot ko sa kaniya ang cellphone ko.

"Wait," he said. "Wala ng bahay sa part ng lugar na ito."

"I know, that's why I'm puzzled. How the hell would her cellphone get there," I said speeding my pace.

"Hold on." He halted. "Naalala ko na. May abandoned house malapit sa kakahuyan dito. I used to go there when dad scolded me during my elementary days."

"Let's go there," sabi ko sa kaniya.

Tumakbo kaming dalawa. Nauuna siya at nakasunod ako. Malayo na sa kabahayan ang kakahuyan na tinutukoy ni Kenly. Napakadilim at malago ang mga damo sa daanan. Ang maririnig lang sa paligid ay iyong tunog ng mga kulisap maging ang yapak namin sa mga damo at tuyong mga dahon at sanga. I wrinkled my nose when some unpleasant smell found its way to my nostrils. I turned the flashlight on in my cellphone then checked the app. We're heading to the right direction. Not far from where we we're standing, I saw the house, it was lit.

Nagkatinginan kami ni Kenly nang makarinig ng ingay mula rito. Mga lalaking nagtatawanan at babaeng umiiyak? Pakiramdam ko nagkadabuhol-buhol ang bituka ko. Sabay kaming napatakbo papunta sa bahay. Habang papalapit kami ay palakas ng palakas ang tawanan at ang iyak ng babaeng nagmamakaawa. Naikuyom ko ang aking palad habang nagngangalit ang panga ko.

If that was Keana, I will kill them!

Tinadyakan ni Kenly ang pintuan kaya bumukas ito nang padarag. Napatingin silang lahat sa amin at natigil ang tawanan. Pero ang nagpaapoy ng galit ko ay ang nakitang babae na nakagapos sa upuan. Nakatapat sa kaniya ang ilaw. Wasak ang blouse niya at nakalantad ang harap ng katawan niya.

Keana!

"Back off bastards, I am going to kill you!"

Keana's POV

Napahagulhol na ako ng tuluyan nang dahan-dahang gumagapang pababa ng leeg ko ang dila niya. An mga kasamahan naman nito ay nagsipaghubaran ng mga pang-itaas at iwinagayway ito bago itinapon.

"You taste amazing, babe," bulong nito sa punong tainga ko noong huminto siya sa ginagawa. Gumapang sa bawat himaymay ng laman ko ang kilabot sa sinabi niya. I'd rather die than be molested by these beast.

Huminto silang lahat sa tawanan ang pabalyang bumukas ang pinto. A silhouette of two men appeared in front of the door.

"Back off bastards, I am going to kill you!"

Nakilala ko kaagad ang boses nito. Nakahinga ako ng maluwag pero tuloy parin ang pagbaha ng luha sa pisngi ko.

"Craige," mahinang sambit ko sa pangalan niya.

Tumalsik sa pader ang unang lalaki na sinipa ni Craige. Kumilos din ang kasama ni Craige at sinuktok sa mukha iyong matangkad na lalaki. Tumimbuwang ito sa sahig. Napamaang ako nang makita kung sino ito.

"Kenly!" tawag ko sa pangalan niya pero mahina lang ito.

Bago pa man makatayo iyong dalawa ay sinundan na naman ito ng suntok at tadyak nila Craige. Iyong dalawang lalaki naman ay nagtangkang lumabas pero biglang pumihit si Kenly at umigkas ang isang paa nito. Naglanding ang sipa niya sa dibdib ng isang lalaki kaya lumipad ang katawan nito sa sahig. Maliit kasi iyong lalaki samantalang si Kenly ay hindi hamak na mas malaking lalaki kaysa kay Craige.

Hinablot naman ni Craige ang pantalon ng isa pang lalaki at inundayan ng suntok sa sikmura. Namilipit ito at napahawak sa tiyan. Nagmadaling lumapit sa akin si Craige at hinubad ang suot niyang polo saka ikinumot sa akin.

"Sandali lang, Keana," he said to me.

Nanlaki ang mga mata ko at napahiyaw ng biglang sumulpot ang isang lalaki sa likod ni Craige at may hawak na kahoy. Naalerto naman siya at naiwasan ang paghampas sa kaniya. Nasalo niya ang kahoy at inagaw ito sabay suntok dito. Gumapang ang lalaki habang umuungol. Nang makita ni Craige na abala si Kenly sa pakikipagbunuan sa ibang lalaki ay nagmadali siyang binaklas ang pagkakagapos sa akin.

"Are you all right?" sabi niya sabay yakap sa akin.

Napahikbi akong tumango at yumakap din ng mahigpit sa kaniya. Hinaplos niya ang likod ng ulo ko kaya napakislot ako. Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at nag-aalala akong tiningnan.

"You're bleeding, Keana," anito sa akin. "I'll bring you to the hospital."

Pinangko niya ako kaya naikawit ko ang aking mga braso sa leeg niya. Si Kenly naman ay mahigpit na hawak ang isa sa mga lalaki. Nakatakbo na iyong tatlong kasamahan nito. Iyong babae naman ay bigla na lang naglaho habang nagkakagulo kanina.

Lumapit sa amin si Kenly habang hinihila ang lalaking nahuli niya. Nakatali na ang mga kamay nito sa likuran. Ginamit ni Kenly iyong taling ipinanggapos sa akin.

"Okay ka lang ba, Keana?" tanong niya sa akin. Tumango ako saka sumiksik sa dibdib ni Craige.

Ibinalya ni Kenly paupo iyong lalaki saka itinali sa upuan. Binusalan din niya ang bunganga nito. Kinuha niya ang cellphone at nag-dial.

"Hello, is this the police station?" tanong ni Kenly. "Good evening Lieutenant Jack, may irereport lang akong krimen. Yes, please. Opo, dito sa Las Castillo De Montello. Hawak po namin ang isa sa mga suspek. Hihintayin po namin kayo dito sa crime scene. Thank you po."

Pagkatapos ng tawag ay binalingan niya kami. "Mauna na kayo, Craige. You should bring her to the hospital. She's pale. She looked traumatized."

"Sigurado kang okay ka lang dito?" tanong sa kaniya ni Craige. Ako naman ay hindi makapagsalita. Nanginginig pa rin ang aking mga kalamnan.

"I can manage. Don't think of me. Worry about Keana. I think she's going to pass out," anito.

Nagsimula nang maglakad si Craige nang biglang sumara ang pinto. Tinakbo niya ang pinto habang karga ako pero nakasara ito sa labas. Binangga niya ito ng balikat pero hindi man lang natinag.

"I'll put you down for a while, Keana," sabi niya sa akin at iniupo ako sa silya bago bumalik sa pinto.

"What happened, Craige," tanong ni Kenly at lumapit sa kaniya.

"Someone lock the door outside," sagot ni Craige at binangga nang binangga ang pinto gamit ang sariling katawan. "It's useless."

"Let me," sabi ni Kenly. Inalis niya sa pagkakatali iyong lalaki sa upuan saka binitnit ang silya. Buong lakas niya itong inihampas sa pintuan pero walang nangyari. Nasira lang iyong upuan.

"Amoy usok, Craige," sabi ko at biglang lumiwanag sa labas.

Napatakbo si Craige sa may bintana nang may dumilang apoy dito. Nasusunog ang paikot ng bahay. Nagmamadaling kinuha naman ni Kenly iyong sirang upuan at inihampas sa may bintana.

"Shit, may bakal na grills iyong bintana," anito at napatungo habang nakatukod ang mga palad sa tuhod niya. Nagkatinginan kaming tatlo.

"Anong gagawin natin?" tanong ko sa kanila. Naipagsalikop ko ang dalawang kamay at piniga ang mga ito. Napakagat labi ako dahil muling nagbabadya ang mga luha ko. Lumunok ako at tiningnan sila.

Kinuha nila ang kaniya-kaniyang cellphone at parehong nagdial. Kasalukuyang nasa tawag sila nang tuluyang lumaki ang apoy at gumapang sa bubungan ng bahay. Napasigaw ako sa biglang pagputok ng bombilya. Lumapit sa akin si Craige at nag-aalalang tiningnan ako sa mga mata. Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko at piniga.

"Don't worry, makakalabas tayo ng buhay dito," sabi niya at iniikot ang paningin sa loob.

"Craige, parating na ang mga pulis. I just received a call. They're bringing the fire fighter. I told them we're trap on fire," pagpapaalam ni Kenly.

"Really? I hope they'll come sooner," sagot ni Craige.

Nagsimula nang kumapal ang usok sa loob kaya inubo na kami. Tinakpan ni Craige ang ilong ko gamit ang palad niya. Paliwanag na rin ang loob dahilsa lakas ng apoy at tuluyang nilalamon ang kisame. Naglalagitikan ang mga nasusunog na kahoy at painit ng painit na sa loob.

Biglang kaming may narinig na malakas na paglagutok. Noong tumingala ako ay agad akong napasigaw. Kitang-kita ko ang pagbagsak ng nasusunog na kahoy sa amin.

****