Tapos nang magbanyo si Craige pero matiim pa rin kaming tinitititigan ni manang Loring. Kasalukuyang nakaupo si Craige sa kama niya habang nakasandal sa headboard.
"Nay, we're really not doing what you think. I just slipped when I tried to get up," paliwanag ni Craige. "I swear, it was a pure accident."
Tinititigan pa rin ni manang si Craige, tinatantiya ang sinasabi nito. Tiningnan din ako nito. Nakatungo ako at nakagat ang ibabang labi. Nakakaiskandalo naman kasi iyon naabutan ni manang.
"Sa susunod, mag-iingat na lang kayo, ha!" anito sa amin.
"Opo, ahm... Aalis na rin po pala ako," paalam ko. "May pasok pa po ako."
"Anong oras na, may pasok ka pa?" takang tanong ni manang. Nakatingin ako Kay Craige.
"Hindi po sa school, sa trabaho po. May part time job po ako," paliwanag ko. Natigilan si manang noong narinig ang tungkol sa part time job ko.
"Bakit kailangan mo magtrabaho? Mabuti't pinayagan ka ng magulang mo? Hindi ka ba nahihirapan sa pag-aaral mo?" takang tanong nito.
"Wala na po akong magulang, ang kapatid ko na lang po ang kasama ko," paliwanag ko.
"Paano ka nakapasok sa school nila Craige?"
"Nay, awat na po. Ang dami niyo pong tanong," awat ni Craige. Napaparami na kasi ang tanong sa akin.
"Abay nagtatanong lang naman dahil ako'y nagtataka. Masama na iyon?" Mukhang nagtampo si Manang. Inayos-ayos nito ang sout na salamin sa mata.
"Ako na pong sasagot, scholar po siya sa GSMIC," ani ni Craige na nagpataas ng kilay ko. Nakita niya iyon kaya nag paliwanag siya.
"What? I just asked about your info in the registrar," sabi nito. "Sige na, just go. You're running late."
I smile and wave goodbye. Nginitian naman niya ako. "See you at school tomorrow."
"Okay." I said. Inihatid ako ni manang sa baba.
Nakangiti akong lumabas mg bahay nila Craige at nag-umpisang naglakad pabalik sa gate nang may humintong kulay abong sports car. Nang bumukas ang hood nito ay bumungad ang nakangiting si Kenly.
"Come on, I'll give you a ride," aya nito.
"Hindi na, maglalakad na lang ako," tanggi ko at nag-umpisang maglakad. Sumunod pa rin siya sa akin.
"Hey, Keana. I don't bite," sabi nito sabay bumaba sa kotse. Hinabol ako at hinarang. Nakapamaywang siyang tumayo sa dinadaanan ko.
"Come on, Keana. Hindi ako masamang tao. I'm just going to town and it just happened I saw you," nagpuppy eyes siya habang nakangiti.
"Please?"
"Okay, sige na," nakangiti kong sagot.
Malapad ang ngiti nito na binuksan ang pinto ng kotse sa shotgun seat.
Nagkakandahaba ang leeg ng mga kasamahan ko sa Drix nang bumaba ako sa sports car. Dinumog kaagad ako ng mga kasamahan ko. Nangunguna na si Lexi.
"Ibalato mo na lang sa akin iyong bagong Oppa mo," sabay inginuso si Kenly na kumakaway sa labas at nakangiti.
"Alam mo ba ang ibig sabihin ng Oppa?" tanong ko sa kaniya.
Inismiran ako nito."Naman, ano ang akala mo sa akin? Shuta gurl, ang lalim ng dimple, puwede mag-dive!" Tili nito habang inaalog-alog ang balikat ko.
"Puwede ba, nahihilo ako sa ginagawa mo! Isa pa, hindi ko Oppa iyon!" sabi ko kay Lexi habang nakatingin kay Kenly na paalis.
"Hmp, damot," nakangusong sabi nito at nagdabog na bumalik sa counter niya.
"May isa ka nang Oppa, ayaw magshare. Che!" pahabol nito sabay irap. Napailing na lang ako. Alam ko namang nagbibiro lang ito.
Malapit na matapos ang shift ko nang pumasok si Trixie na kasama iyong dalawang kaibigan niya. Nahagip niya kaagad ako at kumekendeng na lumapit sa counter ko. Tinaasan ako nito ng kilay.
"Bigyan mo kami ng isang medium size ng pizza beef overload, three large ice tea," sabi niya at nakangisi nitong inabot ang card sa akin.
"It's seven hundred ninety five ma'am," sabi ko pagkabalik ko nang card sa kaniya. Inabot ko rin iyong serving card sa kaniya.
"Just take your order from that counter ma'am." Sabay turo ko sa counter ni Lexi.
"Hindi ba puweding special service dito? Pahatid na lang sa table namin," anito sabay irap at iniwan sa counter ko ang serving card niya. Wala akong nagawa kung hindi damputin ang card.
"Lexi, pa ready nang order sa table eight," sabi ko na inabot at serving card at receipt.
"Here's your order ma'am," sabi ko sabay inilapag ang tray sa table nila. Naghahagikhikan iyong dalawang kasama ni Trixie habang ang talim ng tingin nito sa akin. Tumalikod na ako pagkalapag ng tray pero bago pa ako makahakbang ay tinawag ako ni Trixie.
"Can you please pick up my card? I drop it," naka taas ang kilay na sabi nito.
I rolled my eyes. Umupo ako para pulutin ang card pero agad akong napasinghap ng naramdaman ko ang malamig na tubig na naglandas sa ulo ko. Agad akong nakatayo at hinarap sila. Hagikhikan ang dalawa nitong kasama.
"Oh, that was epic, Trixie. Hey did you get it, Daphne?" sabi ng isang kasama nila na kapatid ni Dora the explorer. Kapareho kasi ng haircut ni Dora.
"Yes, I got the perfect shot, Eula," that Daphne said to Eula and wink.
"Oops, that was an accident. It slipped on my hand, sorry." Wala namang sa itsura nito ang paghingi ng sorry.
Napatiimbagang ako. Nagpakawala ng malalim na hininga. Naihawak ko sa slacks ang isang kamay. Pinilit kong ngumiti.
"Here's your card ma'am." Nanginginig ang kamay ko habang inaabot ko iyon sa kaniya.
"Oops sorry, it slipped on my hand," sabi ni Nancy habang ibinubuhos ang isang basong iced tea sa ulo ni Trixie sabay kindat sa akin.
Napatili ang tatlo sa ginawa ng kaibigan ko. Napatayo si Trixie.
"You bitch," sabi nito na nakaduro kay Nancy at nandididilat.
"Yes, I'm a bitch. Witch pa nga eh! Oh ano ngayon?" Pinanlakihan din ito ng mata ni Nancy.
Naiiritang dinampot nito ang bag at nag-walk out. Sumunod naman iyong dalawa na umalis pero maagap hinablot ni Nancy iyong braso noong Daphne.
"Hoy, Bisky! May nakalimutan ka ata? Iyong cellphone mo, pakibura lang iyong stolen shot. Paparazzi lang ang peg?" sabi ni Nancy habang mahigpit ang hawak sa kamay nito.
Ipinakita nito kay Nancy noong binura ang mga litrato kaya binitawan niya ito.
"Sa susunod, kay Hisoka ka na lang magnakaw ng picture. Okay?" Inambahan pa ito ni Nancy na susuntukin.
"Sino si Bisky at Hisoka?" litong tanong ko kay Nancy nang makalabas na ang mga ito.
"Si Biscuit Krueger, iyong nag-train kina Gon at Killua na gumamit ng nen. Magkasing laki kasi sila ng braso ng bruha kanina. Si Hisoka naman iyong crush ni Biscuit," paliwanag nito na hindi ko maintindihan.
"Hindi ko gets," salubong ang kilay na sabi ko.
"Bayaan mo na. Hindi mo talaga maiintindihan kasi hindi ka naman nanonood ng anime. Character iyon sa hunter x hunter. Alam mo, kalahati ng buhay mo ang nawawala kasi wala kang alam sa anime. Maiba ako, sino ba ang mga iyon?" tanong nito sabay upo at kumuha ng isang slice ng pizza na iniwan nila Trixie. Uminom din sa baso ng iced tea.
"Nag-aaral iyon sa school ko. May gusto kay Craige iyong isang binuhusan mo," paliwanag ko.
Tumango-tango ito. Nilunok muna ang nginunguya bago magsalita. "So ibig sabihin, hindi siya type ni Craige kaya pinag-iinitan ka?" Umiling-iling ito." Sa sumunod huwag kang pumayag na inaano ka noong mga iyon ha! Sinasabi ko sa'yo."
"Oo na, customer kasi kaya hindi ko mapatulan. Teka lang at mag-a-out muna ako," paalam ko sa kaniya saka bumalik sa counter para magtender ng cash register ko.
Pagkatapos ay nagpaalam ako sa mga kasamahan ko. Natagalan pa nga ako makalabas dahil nag-usyuso pa sila sa nangyari. Katakot-takot na paliwanagan at palaamanan pa ang nangyari bago ako tuluyang nakalabas. Nakasakay kaagad kami ni Nancy kaya mabilis akong nakauwi. Naligo ako kaagad pagkauwi dahil nanlagkit ang buhok ko dahil sa iced tea. Mag-aalas onse na nang makatulog ako.
KINABUKASAN pagkalabas namin ni Aira ay may nakahinto na itim na van sa harap ng bahay. Agad ito nagbukas ng pinto at nakangiting bumaba si Craige.
"Good morning," bati niya sa akin at nag- fist bump kay Aira. Napailing ako ng game naman na nakipagbangaan ng kamo ang little sister ko.
"Anong ginagawa mo rito?" tinaasan ko siya ng kilay.
"What else? I'm picking up my girl—, Hindi na natuloy ang sasabihin ni Craige dahil maagap kong tinakpan ang bibig niya. Naestatwa ako at inalis ang kamay ko nang maramdaman na hinalikan niya ang palad ko.
Pilyong ngumiti ito. "Tayo na," aya nito at pinauna ako.
Bago ko maisampa ang isa kong paa sa loob ng van ay parang may umilaw sa utak ko. Nakangising nilingon ko siya. "Kagagaling ko nga pala sa banyo at nakalimutan ko na maghugas ng kamay." Pagkasabi ay agad akong pumasok sa van nang hindi siya nililingon. Pero bago iyon nakita ko ang pagbuka ng bibig niya at panlalaki ng mata.
Sumunod na umakyat si Aira at nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Craige. Sa sulok pumuwesto si Craige, sa tabi ng bintana. Sa pinakamalapit sa pinto si Aira dahil malapit lang naman ang bababaan nito. Napagitnaan nila ako. Naramdaman ko ang pagkalabit nito sa bisig ko kaya napalingon ako.
He give me that 'You're just kidding right?' look. I did not answer, instead I took my alcohol sprayer in my bag and generously moist my hand. Inabot ko rin sa kaniya iyong alcohol. Nakasimangot niya itong kinuha at nag-spray sa mukha. I can't stop laughing out laud when he start coughing. Nangamoy alcohol tuloy ang loob ng van. Bumulong ako sa kaniya.
"You're right, I was just teasing you," nakangiti kong sabi. He grabbed my hand and entertwined our fingers. He even bring my hand to his lips and kiss the back my palm. Bigla akong napalingon kay Aira. Nasapo ko ang dibdib ko nang makitang nakatuon ang mata nito sa labas. Muli kong tiningnan si Craige at pinanlakihan ng mata.
"What?" pa-inosente nitong tanong saka kinalabit ang driver ng van. "Kuya Jasper, pakihinto po sa tapat ng school."
Nag-slow down ang takbo ng van at tuluyang huminto. Umusog si Craige at ipinagbukas pinto si Aira. Bumaba naman ang ito at sinulyapan ako.
"Bye, Aira. Don't worry, your sister is safe with me," sabi ni Craige na kumakaway sa kapatid ko. Kumaway naman ito pabalik at tumalikod. Nang nag-umpisa na itong humakbang ay tangka na sanang isara ni Craige ang pinto. Pero napahinto siya sa pagtawag sa kaniya ni Aira.
"Kuya Craige, next time kapag hinalikan mo ang kamay ni ate, huwag mo ipakita sa akin. Eww, cringe," sabi nito tapos umikot ang mata. Umarte pa itong nanginginig.
Nagkatinginan kami ni Craige at sabay na napatawa. Binigyan ko siya ng magaan na suntok sa braso pero hinuli niya ang kamay ko at hinalikan din ito.
"Hmmm..." Tikhim ni Kuya Jasper na nakatingin pala sa amin sa rearview mirror. Natigil kami at sumeryuso.
Nang makarating sa tapat ng GSMIC ay bumaba na kami. Gusto raw ni Craige na makasama ako maglakad papuntang room ko. Pagkapasok namin sa gate ay binitawan ko ang kamay niya pero agad niya rin naman kinuha.
"Ikinahihiya mo ba ako?" Salubong ang kilay na tanong niya.
"Hindi naman sa ganon." Inilibot ko ang mata sa paligid. "Pinagtitinginan tayo eh."
"Of course, you're with the most popular guy in school," sabi niy sa akin habang tinataas-taas ang kilay at nakangiti. Tinanggal nito ang pagkakahawak sa kamay ko, sa halip ay lumipat ito sa aking balikat at hinigit ako palapit sa kaniya. Napatingin ako sa kamay niya na nakasampa sa balikat ko. Ang lakas ng kabog sa dibdib ko. Ang talim ng tingin sa akin ng mga babae. Iyong iba ay nagbubulungan pa sabay irap sa akin. Then I laid my eyes on someone staring at me sharply, it was Trixie. Nag-walk out ito kasunod ni Dora at Bisky.
Pagkarating namin sa room ko ay nanlaki ang mga mata ko ng bigla akong yakapin ni Craige. Napatulala din ako nang marinig ang sigawan at mga sipol ng mga kaklase ko. Si Craige naman ay ngiting -ngiti at nag bow pa na akala mo katatapos lang magperform sa stage.
"See you later, Med," anito na kinurot ng bahagya ang baba ko.
Napanganga ako. "Anong med?"
"Medicine. I told you, you're my medicine," pagkasabi ay tumalikod na ito sa akin at naglakad palayo. Tulala akong tiningnan ang likod niya habang papalayo siya.
Pagkapasok ko sa room ay inulan ako ng katakot-takot na tukso. Hindi ako tinantanan ng mga ito hanggang umabot sa tanghalian.
Kabubukas ko lang ng lunch box ko nang may biglang nagsalita sa likod ko.
"My Med, what are you doing here?" tanong ni Craige sabay upo sa tabi ko. "I've been looking for you everywhere. Nandito ka lang pala."
Umayos ako ng upo at hinarap siya. Hinawakan kong mabuti iyong baunan ko dahil nakapatong lang ito sa hita ko. "Dito talaga ako madalas kumakain ng lunch kasi nagbabaon lang ako."
"What is your lunch? Can I share?" sabi nito at kinuha ang baon ko. "What do you call this dish? Ah, it stinks." Tukoy niya doon sa daing na tilapya. Nagusot bigla ang maganda niyang ilong. Ang cute.
Natatawa akong kinuha ang baon ko. "Pakbet ang gulay na ito at saka daing na tilapya itong isda. Masarap kaya ito."
Sumandok ako ng kanin at gulay at itinapat sa bibig niya. Alanganin naman itong bumuka ang bibig at sinubo ang nasa kutsara. Tumango-tango ito. "Not bad. Still edible."
Humimay ako ng tilapya at isinubo ito sa kaniya. Napangiwi siya. "Hey, its salty."
Kinuha niya ang tilapya at itinabi ito sa takip ng baunan. "Don't eat this, you'll ruin your kidney."
"Masarap kaya iyan," nakanguso kong sagot.
"Don't be so hard headed. Just trust me on this. And no carbonated drink as well. Starting tomorrow, I'll be bringing your lunch, I mean our lunch. We'll be eating together," mahabang sabi nito.
Tinanguan ko siya at ngumiti. Nakakaisang subo pa lang ako nang humahangos na dumating si Andrew.
"There you are, I've been ransacking the places to find you," anito na hinahabol ang hininga. Nakatungo ito at nakatukod ang mga kamay sa tuhod nito. Nang mabakawi na sa hingal ay may inabot itong papel kay Craige. Sabay kaming napatayo habang nakahawaknako sa baon ko.
Nagsalubong ang kilay ni Craige nang nakita ang nasa papel. Kumibot-kibot ang pangalan nito at pakuyom ang kamao na ginusot ang papel. "Saan mo nakuha to?"
"It's everywhere in school. Naka-attached sa mga bulletin board," sagot nito na bakas ang pag-aalala sa mukha.
"Anong nangyayari?" tanong ko at tinangka kung kunin ang hawak niyang papel pero iniwas niya ito. Nakaisang hakbang na si Craige ng biglang tumunog ang cellphone nito. Pagkatapos ay sabay ding tumunog ang cellphone ko at kay Andrew. Pareho kaming napakuha sa cellphone at tiningnan ito. Notification ito galing sa website ng school namin.
Napuno ng kaba ang dibdib ko pagka-click sa notification.
Nakaflash sa screen ko ang picture ng dalawang babae. Binubuhusan sa ulo ng iced tea ang isang service crew habang nakaluhod. I automatically covered my mouth with my hand as I opened it in wide eyes. Nabitawan ko bigla ang hawak kong baon.
It was me and Trixie!
*****