Lakad takbo ako habang hinahabol si Craige. Kasabay niyang mabilis na naglalakad si Andrew. Nakahawak ako sa aking dibdib at walang tigil ang tulo ng pawis sa mukha ko. Ang init ng sikat ng araw pero parang walang nararamdaman ang mga ito. Kagagaling pa naman ni Craige sa sakit. Humahawi ang mga estudyante sa dinadaanan namin. Pinagtitinginan kami at iba-iba ang ekspresyon sa mukha ng mga ito. Napatigil ako sa paghinga at pinunasan ang pawis ko ng panyo galing sa bulsa ko. Pumasok si Craige sa cafeteria at mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko ang biglang paghablot ni Craige sa braso ni Trixie. Napahakbang ako ng maliliit malapit sa pintuan ng canteen. Kita sa mukha ni Craige ang matinding galit. Salubong ang kilay nito at gumagalaw-galaw ang panga. Huminto siya at pinakawalan si Trixie noong nasa harapan ko na. Nakita ko na minamasahe ni Trixie ang namumula niyang braso.
"Kneel!" sigaw ni Craige Kay Trixie na pareho naming ikinakislot. Napatingin ako kay Craige bago Kay Trixie.
"And why would I do that?" Napamaang na tanong nito.
Craige scoffed. "Why? Here!"
Inilatag nito ang printed paper sa mukha nito. Pati ang post sa website ng school page ay ipinakita niya rito. Nahila ni Trixie iyon na nanlalaki ang mga mata at sabay na napatingin sa mga estudyante sa paligid na nasa amin ang lahat ng atensiyon. Parang may sabong dahil maingay ang mga estudyante at nagbubulingan.
"I... I don't know what to say," naiiling niyang sabi. "Okay, ako ang nasa picture na nagbuhos ng juice sa ulo ni Keana. I'm sorry, it was a mistake."
"Mistake? Then why did you have to print this?" Pagtukoy niya sa papel. "And to top it all, you posted it on our school's website. Have you gone mad?"
Tumingin sa akin si Trixie at ako ang hinarap. "It wasn't me, Keana. Look, if it was me, do you think I will include myself there? It's an absurd accusation. Why would I humiliate myself?" Mataman akong tiningnan nito habang nagpapaliwanag. She look impatient. "Keana?"
"Hindi ko alam. Wala naman akong alam na ibang may galit sa akin," sabi ko na masama ang tingin sa kaniya.
"I'm not angry, I'm just pissed. It's different. I won't resort to this kind of stuff. It's so shallow," paliwanag ni Trixie bago pinaikot ang mga mata.
"We'll see after I track down the I.P. address of the culprit. For now, stay away from Keana," banta ni Craige habang nanliliit ang mata niyang singkit. He was grinding his teeth and his chest were pounding hard. Alam kong nagpipigil siya ng galit. Iyong mga ugat sa leeg niya, naglilitawan. And his balled fist were trembling. May mga butil pa ng pawis sa noo niya.
"What's happening here?" Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Si Kenly na palapit sa amin, nakakunot ang noo. Humawi ang mga estudyante na nakiki-usyuso habang palapit ito.
"It's nothing, Kuya. Just a bit of little misunderstanding," paliwanag ni Trixie.
Pumalatak si Craige sabay namaywang. "Little misunderstanding? Here." Isinaksak ni Craige ang papel sa dibdib ni Kenly. "Look at that, it will explain everthing."
"What's this, Trixie?" Magkasalubong ang kilay na tanong ni Kenly. "You did, this?"
"Kuya, I already said sorry for what I did but I am not the one who printed and posted that. Besides, it wasn't me who took that picture. It was Daphne, but she already deleted it yesterday in front of her!" sabi nito sabay tingin sa akin na nakalisik ang mga mata. "I swear on mom's grave! You knew I never lied to you. Not even once! For pity's sake." Kumukumpas pa sa ere ang kamay nito.
Hinarap ako ni Kenly bago nagsalita. "I am sorry, Keana. She's sometimes a brat... hard headed and childish, but believe me, she ain't no evil. Kapag inulit niya pa ito, ako na ang magpaparusa sa kaniya," malambing na sabi nito at hinawakan ang kamay ko.
Napatingin ako kay Craige nang hablutin ang kamay ko. Matalim na tiningnan si Kenly. "Don't touch my girl, Kenly. Let's go, Keana."
Bago pa man kami makahakbang ni Craige ay may biglang tumawa ng malakas. Napatingin kaming lahat sa babae na nakaupo sa isang sulok. Brown ang malagong buhok nito na pantay balikat. Maliit ang makinis at maputing mukha nito. Kulay hazelnut ang bilugang mata nito at may malalantik na pilikmata. Sumipsip ito sa straw ng stawberry juice ngunit biglang nasamid. Pinapalo-palo pa nito ang sariling dibdib.
"What?" tanong niya nang mapansin na lahat ng atensiyon ay napunta sa kaniya.
"Is this your doing, Charry?" tanong ni Craige dito.
Tumawa uli ito ng malakas habang nakahawak sa tiyan. "I'm sorry..." Tumawa na naman ito. Namimilipit at pulang-pula ito katatawa. Tinakpan nito ang bibig para pigilan ang sarili.
"Time out muna!" sabi nito na semenyas gamit ang kamay at pinupunasan ang luha sa mata. Tumikhim ito na parang kinukontrol ang sarili na tumawa.
"Tungkol do'n sa tanong mo, Craige. Hell no! Nakakatawa lang kasi ang sitwasyon ninyo. It was fun watching you guys. You should have seen yourselves! It's epic. Para akong nanonood ng stage play." Tumayo ito at isinukbit ang itim na gucci bag sa balikat. Pumalakpak ito ng paulit-ulit at malakas.
Tiningnan niya ako bago kumindat. Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko bago ako binulungan. "I'm proud of you girl. I have no idea that Craige was capable of having such emotion." Naglakad na ito palabas sabay nagsalute ng dalawang daliri. Kumaway-kaway pa ito sa lahat habang palabas.
Hinatak ako ni Craige palabas ng cafeteria habang lahat ng mga mata ay nakapagkit sa amin. Paglingon ko sa likod ay nakita kong kausap ni Andrew si Kenly. Nagpaiwan pala ito. Para kaming celebrity na pinagkakahuluhan sa bawat daanan namin. Binitawan niya lang ako no'ng makarating na kami sa ilalim ng puno ng narra. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at inalalayan ako paupo sa concrete bench na malapit sa akin. Hindi pa ako nakakapagsalita ay tumalikod na siya sa akin. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya bago nagdial. Lumakad ito paroo't parito habang hinihintay ang sagot sa kabilang linya.
"Hello, Kuya Jasper. Please find the an I.P. address for me. Okay, I'll send you the link," sabi lang nito pagkatapos ay pinutol na ang tawag.
Umupo siya sa tabi ko at pinagsalikop ang kamay niya habang napahawak sa akin. Nakatingin sa akin ang mga mata niya at malamlam ang mga ito.
"Are you okay?"
Napahugot ako ng malalim na hininga at sinalubong ang mga mata niya. Bumuka ang bibig ko pero walang lumabas na salita. Okay ba ako? Siyempre, hindi. Hindi ako sanay sa ganitong atensiyon ng tao. May pagkamaingay nga siguro ako pero isa pa rin akong dakilang introvert. Mas gusto ko ang mag-isa. Ayokong nakikisala sa tsismisan at hindi rin ako mahilig pumarty. Napakurap ako nang pisilin ni Craige ang kamay ko.
"Iyong totoo? Siyempre hindi. Sino ba naman ang magiging okay kung nangyari sa kaniya ang nangyari sa akin?" Pinisil ko rin ang kamay niya. "Pero thank you. Salamat sa pagtatanggol mo sa akin. Thank you dahil nandiyan ka para tulungan, gabayan at samahan ako."
Napasinghap ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Tinapik-tapik niya ako sa likod. Naidantay ko ang ulo sa balikat niya na nakangiti.
Nang magsimula na ang oras ng klase ay inihatid ako ni Craige sa room ko. Sa tuwing lalabas ako ng silid ay pinagtitinginan ako. Pinipilit ko na lang na huwag silang pansinin at ipagkibit balikat ang nangyari. Wala ito, mas marami na akong pinagdaanang hirap dito. Tulad na lang noong nagka-dengue si Aira last year. Napuno ako ng takot at hindi makatulog nang kinailangan siyang salinan ng dugo. Iyak ako ng iyak noong naging kritikal siya. Ipinangako ko sa sarili na kapag nakaligtas ang kapatid ko, aalagaan ko siyang ng mabuti.
Natapos ang maghapon na masalimuot ang sitwasyon ko. Hindi lang dahil sa kumalat na flyers kung hindi dahil kumalat din sa school ang tungkol sa amin ni Craige. Hindi ako nakatulog ng maayos magdamag. Kinabukasan ay malamya ang katawan ko pagbangon. Natapos ko rin naman ang mga dapat kong gawin tuwing umaga. Same routine everyday. Gisingin si Aira, magluto, ihatid sa school ang kapatid ko saka papasok.
Hindi ako sinundo ni Craige sa bahay pero nakaabang siya sa gate noong dumating ako. Pagkapasok ko sa gate ay nakita ko siyang nakasandal sa puno ng Indian tree. Kumaway siya sa akin na nakangiti saka sinalubong ako. Agad siyang umakbay sa akin na hindi nakaligtas sa mata ng mga estudyante. Siniko ko siya sa tagiliran na nagpaigtad sa kaniya. Napatingin sa akin si Craige kaya inginuso ko ang mga matang nakatunghay sa amin.
"Let them be." Nagkibit balikat lang siya. "Anyway, about the I.P. address of the uploader, it's untraceable. The photos were taken down from the site and the school have given precautions to those who will be caught uploading malicious content."
"Do you still think, it's Trixie?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami.
"Sort of. But she has a point about including herself on the photo. Don't worry, I hired a private investigator to get the bottom of it." He pinched my nose and smiled.
Napahinto ako sa paglalakad at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. Hinarap ko siya.
"Hindi mo na kailangan gawin iyon, Craige. It's not that big of a deal." Napapikit ako at huminga ng malalim. "Bakit kailangan mo pang gumastos? Humupa naman kaagad ang sitwasyon. And besides, nag-sorry naman na si Trixie."
Hinawakan niya ako sa balikat at inilapit ang mukha niya sa akin. Napasinghot ako nang maamoy ang mabango niyang hininga. Tumikhim ako at napaliyad para lumayo ng bahagya sa kaniya. Parang hindi naman napansin ni Craige ang ginawa ko samantalang nag-init ang pisngi ko. Casual lang siyang nagsalita pero may diin iyon.
"It is for me. If someone messed up with my girl, I just can't let it go easily. That stupid must not be taking me seriously." Ipinihit niya ako paharap sa school at muling inakbayan bago nagsimula muling humakbang. Katulad ng dati, inihatid niya muna ako room ko.
"Let's meet later this afternoon. Kailangan ko kasing pumunta ng Clark Airport. Susunduin ko si Mommy mamaya. I need to be a good son especially now." Nakangiting sabi nito bago piningot ang tungki ng ilong ko. "See you later, My Med."
Nginitian ko siya. "Okay." Napaikot bigla ang mata ko nang ayaw bitawan ni Craige ang kamay ko. "Let go."
Bigla niyang hinatak ang kamay ko at hinahikan ang likod ng palad ko. Nagtilian ang mga kaklase kong babae at hiyawan naman sa mga lalaki. Nag-init na naman tuloy ang pisngi ko. Napahawak ako sa magkabilaan kong pisngi at tinanaw siyang naglakad palayo. Lumingon pa uli si Craige sa akin at nag-flying kiss. Ngumiti ako at sinenyasan siya na umalis na. Pagkapasok ko pa lang ay pumihit na sa harap ko si Yana. Nasa harapan ko na kasi siya nakaupo. Tumataas-taas ang kilay nito sa akin at nakangisi.
"Hoy bruha, creditor pala ha! Ano? Inutang mo ang puso niya?" malakas nitong sabi. Naghiyawan ang lahat sa sinabi ni Yana. Nangingiti na lang ako dahil wala akong maisagot. Ang awkward kasi ng ganito.
Tumayo siya at naglakad papunta sa harap ng lahat. Sumandal pa ito sa desk ng professor namin. "O, guys makinig kayo. Meron akong kuwento! Meron akong ano?" sabi nito na kumukumpas-kumpas ng kamay sa ere at itinapat ang dalawang palad ng pabilog sa bibig niya bago sinabi iyong huling salita.
"Ano?" Chorus ng mga kaklase namin. Parang mga high schoolers lang. Napaiiling ako.
Hindi pa nakuntento si Yana at umupo pa sa desk habang idinuduyan ang dalawang paa.
"Ganito kasi iyan..." Itinaas nito ang dalawang binti sa mesa at nag-Indian sit habang nakatukod ang isang siko sa kaniyang hita at nakasalo ang palad sa baba.
"Alam niyo ba na tuwing hapon ay nakaabang iyong si Mr. Right," kinanta pa ang dulo ng sinabi niya sa tuno ng kanta ni Kim Choi. Iyong tsinitang artists na nanalo sa PBB. Ano nga ba iyon ibig sabihin ng abbreviation na iyon? Ah, Pinoy Big Bahay.
Nag-ingay ang mga kaklase ko nang binitin ni Yana ang pagkukuwento. Itinaas niya ang dalawang kamay para patahimikin sila.
"So, ito na nga. Iyong si Mr. Right ay laging nakaabang kay Keana sa may gate ng school. At alam niyo ba? Kahapon, noong nasa canteen ako, may napanood akong true to life romance. Iyong Trixie, hinablot ni Mr. Right sa braso, tapos kinaladkad." Bigla itong tumayo sa ibabaw ng desk at iminustra sa kilos ang kuwento. "Huminto sa harap ni Keana tapos sabi niya, 'kneel'." Pinalaki pa nito ang boses at ginaya si Craige na nakasimangot ang mukha at nakaturo ang daliri sa baba. Mas gusot nga lang ang mukha niya.
Nagtawanan ang mga kaklase namin at napatingin sa dako ko. Napaiiling ako at napatakip ng mukha sa hiya. Si Yana naman ay ipinalakpak ang dalawang kamay.
"Attention please! Hindi pa tapos ang kuwento!" Nang bumalik sa kaniya ang atensiyon ng lahat at itinuloy niya ang kuwento. "Sabi ng Trixie..." Inilagay muna ni Yana ang dalawang kamay sa baywang bago nagsalita ulit. "Hey, why should I do that?" Pinaarte pa nito ang boses. Tawanan uli ang lahat.
"What are you doing on top of my desk, Miss Yana Taginting?" umarangkada ang malaking boses isang lalaki sa pintuan. Si Sir Eugene, ang professor namin sa Introduction to Information Technology. Crush siya ng karamihan ng mga babaeng estudyante sa school. Mala Ji Chang Wook kasi ang kaguwapuhan nito.
Natarantang bumaba si Yana sa mesa at pinunasan ng mga palad niya ang ibabaw nito. Binati niya si Sir at nagkukumahog na bumalik sa upuan niya. Umayos naman sa pagkakaupo ang mga kaklase ko. Si sir naman, nag-spray ng sanitizer sa buong mesa at pinunasan ito ng tissue. Sinipat niya muna iyong mesa ng malapitan bago tuluyang inilapag ang gamit dito. Ipinagsalikop ni Sir Eugene ang dalawang kamay sa likod niya bago tiningnan kami at nagsalita.
"Miss Taginting, bagay na bagay sa iyo ang apelyedo mo. I can hear your loud voice while I'm still outside," simula ni Sir. Naghagikhikan naman ang mga kaklase ko habang si Yana naman ay natameme at nakakagat ng ibabang labi niya.
"Miss, Taginting?" tawag ni Sir Eugene.
"Yes, Sir," malumanay na sagot ni Yana.
"Nothing. Ah, baka gusto mong mag-auditon para sa school broadcasting, bagay ka roon," nakangiting sabi na ni Sir. Nagtawanan ang lahat. Pati ako natawa na rin.
"I'm serious, though," dugtong ni Sir habang abala sa pag-aayos ng mga materyales na gagamitin niya sa discussion. At naka-poker face siya.
Pagkatapos ng klase namin ay pumunta ako sa school gymnasium para sa registration of candidates ng Miss GSMIC. Na-postpone kasi iyong audition sa Wednesday. After finishing up my registration, I headed to my next class.
Naging smooth naman ang flow ng maghapon ko. Matapos ang lahat ng klase ko ay umupo muna ako sa upuan sa tabi ng puno. Nang umilaw ang aking cellphone ay kinuha ko ito. Napangiti ako pagkabasa sa message.
Wait for me, I'm on my way back. Iyon ang nakalagay sa message. Ibinulsa ko ang cellphone ko at nakangiting tumanaw sa gate. Nagkakandaha ang leeg ko nang may kumalabit sa akin. Nang pumihit ako sa gilid ay may isang babaeng naka-eyeglasses ang nakita ko na nakangiti. May hawak itong bouquet of yellow cabbage roses
Favorite roses ko iyon.
"May nagpapabigay sa'yo," anito at inabot sa akin ang hawak niyang bulaklak.
"Sa akin?" Napakunot ang noo ko nang tumango siya. "Sino?"
"Craige daw ang pangalan, hintayin ka raw niya sa lumang auditorium," sabi nito at tumalikod na. May itatanong pa sana ako pero nakalayo na siya.
Kinuha ko ang dedication card sa ibabaw ng isang dosenang roses.
Keana,
Let's meet at the old auditorium. I have something for you.
Sending virtual kisses,
Craige
Napangiti ako pagkabasa sa nakasulat sa card. Tumayo ako para hanapin ang lumang auditorium. Wala nang gaanong tao sa school medyo padilim na. Nakasindi na rin ang mga ilaw sa tabing daanan. Narating ko ang likod ng campus kung saan nandoon ang lumang auditorium. Napayakap ako sa sarili nang umihip ang hangin. Nagtayuan din ang mga balahibo ko habang palapit ako sa pinto. Noong makapasok ako sa loob ay agad akong napasimangot. Tahimik sa loob at sobrang dilim.
Tinawag ko si Craige habang humahakbang at lumilinga-linga. Halos mapugto ang hininga ko nang may pumalong matigas na bagay sa likod ng ulo ko. Namanhid ang ulo ko at agad akong nahilo saka agarang bumagsak sa sementong sahig nang padapa. Unti-unting nanlabo ang aking paningin at ang huling nakita ko ay mga pares ng paa sa tapat ng mukha ko.
"Itali niyo na iyan sa upuan," boses ng babae ang huling narinig ko bago tuluyan akong nawalan ng malay.
*****