Chapter 13 - Chapter 12

White ceiling, the first that welcomed my eyes as I opened it. Napahawak ako sa ulo ko na biglang kumirot, may benda ito.

"Ate Keana," I was taken aback to see my sister Aira, tears were forming in the corners of her eyes.

Nakaupo ito sa tabi ng hospital bed ko. Hinawakan niya ang kamay ko at piniga ng mahigpit. "Okay ka lang ba, Ate?"

I nodded. Inabot ko ang mukha niya at hinaplos. I gave her an assuring smile. Whatever happened, she supposed to acquire strength from me, not the other way around.

"Gising ka na pala, Kakai," sabi ni Ate Monica. Napaling ang ulo ko sa pinanggalingan ng boses. Naglakad siya ng mabilis palapit sa amin. Galing siyang labasan at may bitbit na basket ng mga prutas. Inipalag niya ang basket sa side table at umupo sa gilid ng kama ko.

"Ate, Mon..." My tears began to build up. Nanginginig ang bibig ko. I felt a giddy sensation stocked on my throat. I was trying to control my emotion to burst out. Lumunok ako at pinahid ang hulang nangilid sa mata ko gamit ang dulo ng daliri ko. Somehow, I am relieved that there was someone out there I could rely on. With the absence of our parents, I was the pillar of our family. Of course, I was the eldest, and it was just the two of us. Pero sa ganitong sitwasyon, kailangan ko ng masasandalan, kung hindi, wala akong ideya sa nangyayari sa aming magkapatid.

Hinaplos ni Ate Monica ang aking ulo at inayos ang buhok ko. "Thanks God, you're safe."

It took just a few seconds for me to realized that I was in a hospital. The last thing I remembered was when the ceiling of that burned house collapsed. Siya ng pala, anong nangyari kina Craige at Kenly?

"Si Craige po, Ate," tanong ko. Kumilos ako para umupo. Inalalayan naman ako ni Ate Monica.

"He's fine and also Kenly, maayos silang dalawa. Mabuti na lang maagap iyong mga bumbero at police. Sino ba ang gagawa ng ganito sa iyo?"

"Hindi ko rin po alam, Ate," sagot ko. Lumingalinga ako, umaasang makita si Craige. "Paano niyo po pala nakilala si Kenly?"

"Nandito silang dalawa noong dumating kami ni Aira. Halos sumabog ang dibdib ko sa kaba nang tawagan ako ni Craige at ipaalam na nasa hospital ka." Kumuha ito ng isang ponkan at tinalupan. Pagkatapos balatan ay inabot sa akin. "Kumain ka para magkalakas ka. Siya nga pala, may nanggaling na police investigator dito kanina. Babalik na lang sila mamayang hapon."

"Iyong isa po sa mga suspect na nahuli nila Craige, nasaan na po?" tanong ko sa kaniya. Biglang tumaas ang balahibo ko sa batok noong maalala ang pangyayari. I really thought I was going to die that night.

"Nasa custody na ng police. Nagbigay na rin ng statement sila Craige sa police. Nagbihis lang iyon tapos mamaya-maya babalik na," sagot ni Ate Monica.

"Ate Kakai, bakit ba nangyayari sa iyo 'to? May kaaway ka ba?" anito habang pinupunasan ang luhang naglandas sa pisngi.

"Hindi ko talaga alam. Hindi ko sila kilala pero kilala nila ako," sagot ko na napapaisip din. May koneksyon kaya ito sa kumalat na picture ko sa campus?

"Keana...you're awake." Si Craige kararating lang kasama si Kenly at... Si Trixie? Napako ang tingin ko sa kaniya. I can't believed she came to visit me. Alanganin siyang ngumiti sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya i-i-entertain. I tried to be civil to her, so I just inclined my head.

Craige was wearing a white tee shirt with a small pocket on the chest, a loose blue cotton pants and a white fila rubber shoes. May dala siyang bouquet of red roses. Naka-brush up ang buhok niyang itim. Si Kenly naman ay may dalang prutas. Naka short sleeve polo siya na kulay light blue at beige slacks. At si Trixie, naka-floral printed white dress siya na lagpas tuhod. I admit, maganda rin siya. Sana nga lang maganda rin ang ugali.

Lumapit sa akin si Craige at inabot ang dalang bulaklak. Kinuha ko ito at ngumiti.

"Good morning, Ate Mon," bati ni Craige kay Ate Monica. Binati naman siya pabalik nito at tumayo para bigyan daan si Craige.

"What happened, Keana? Paano ka napunta sa lugar na iyon?" He enclosed my hands with his. His tight and worried eyes looked straight into mine.

"There was this girl, who approached me. May inabot siya sa akin na bouquet of a dozen yellow roses..." I snuffled. Some liquid inside my nose blocked the air from going through. My tears began to fill my eyes. "I... I thought it was from you. May dedication card pang nakalagay." My voice cracked as I remembered how horrifying that was.

Craige gnashed his teeth repeatedly. Ang mga mata niya ay nag-aapoy sa galit. He tightened his gripped on my hands. Kumurap-kurap siya at tumingin sa itaas. His eyes were damp.

"Sabi niya, may ibibigay ka pa raw sa akin at gusto mong magkita tayo sa old auditorium," I continued with my eyes welling from tears. "Nang marating ko ang auditorium, madilim at walang tao. Pumasok ako at tinawag kita pero biglang may pumalo sa likod ng ulo ko. That's the last thing I remember. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa lugar na iyon."

"Okay, that's enough. Can you tell those to the investigator? Para magkaroon lead ang kaso. Iyong nahuli kasing suspect ay isang petty criminal lang. Na-interrogate na siya at hindi daw niya kilala iyong babaeng kasama nila. The other three suspect were already named by him. The police were hunting them down now," mahabang paliwanag ni Craige.

"Did you know, Keana that you were at our village that time?" Kenly butted in.

Napatingin ako sa kaniya na nalilito at napalipat ng tingin Kay Craige.

"Yes, nasa dulo ng Las Castillo De Montello iyong lugar kung saan ka namin nakita. I was thankful that I installed a tracker app on your phone," Craige told me without any hesitation. "There's a big possibility na may access sa loob ang suspect. I couldn't understand how did they brought you there without the guard noticing it."

"Cheer up, Keana. Remember, maghaharap pa tayo sa pageant sa foundation day," singit ni Trixie. Nalito ako kung ano ang bibig niyang ipahiwatig sa sinabi.

Tiningnan siya ng matalim ni Kenly. "You're impossible, Trixie. How could you say that?"

"What? Ang ibig ko lang naman sabihin eh, get well soon. At huwag siyang panghihinaan ng loob. You see, I am not really good on consoling people," aniya na umikot-ikot ang mata. Nilaro laro niya rin ang mga daliri sa kamay.

"I am not joining the pageant. I don't think I have the guts to do so after what happened. Gusto ko nang matahimik ang buhay ko," sagot ko kay Trixie.

"Kailan ba ako puweding umuwi? Maayos naman na ang pakiramdam ko?" tanong ko Kay Ate Monica.

"Mamaya aayusin ko na ang paglabas mo dito. Iyong results naman ng CT scan sa ulo mo ay maganda naman. Walang nakitang crack o namuong dugo sa ulo mo dahil sa pagpalo," aniya.

Hindi rin nagtagal sila Kenly at Trixie, nagpaalam sila kaagad umuwi. Si Craige naman nagpaiwan para hintayin na malakalabas ako. Bago matapos ang pag-paprocess ng discharge paper ko ay may dumating na mga police kaya ibinigay ko ang aking statement as a victim. Gusto kong mahuli ang may gawa sa akin noon. Gusto kong makampante. Hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang may gawa nito, hindi ako matatahimik. I almost lost my innocence and probably my life.

Nakauwi din ako kinahapunan at inihatid kami ni Craige sa bahay bago siya umuwi. Kinagabihan hindi ko magawang makatulog. Laging nandoon ang pangamba. That experienced was hunting me even at night. Kasalukuyang àlas onse ng gabi nang maisipan ko na magmessage kay Craige. Kinuha ko ang cellphone sa tabi ng unan ko bago nagtype.

Tulog ka na?

Lumipas ang ilang minuto ay walang nagreply. Siguro tulog na siya. Ibinaba ko na ang cellphone sa gilid ng unang nang umilaw ito. Kaagad ko itong dinampot at nakitang may reply na siya.

Not yet, why?

Hindi ako dalawin ng antok. I replied.

Napabalikwas ako sa higaan nang biglang nagring ang cellphone ko. Agad kong swinipe ang answer button.

"Hello, bakit ka tumawag?" bulong ko sa cellphone. Tulog na kasi si Aira.

"You said you can't sleep. Do you want me to sing for you?" aniya sa kabilang linya.

Napakurap ako at natahimik ng ilang saglit.

"Hello, Keana, are you still there," tanong ni Craige noong hindi agad ako nakapagsalita.

"Sigurado ka? I mean kakantahan mo ako?"

"Yes, para makatulog ka. Don't you want me to?" Nahimigan ko sa boses niya ang pagtatampo.

"Siyempre gusto. Can you start now?" sagot ko sa kaniya at bumalik ako sa paghiga.

Binibini,

Alam mo ba kung paano nahulog sa iyo,

I thought my heart skipped a beat when I heard his soulful voice. Napangiti ako habang tumatagilid sa paghiga. I put my hands at ease on my side then let the phone attached near my ear.

Naramdaman lang bigla ng puso,

Aking sinta, ikaw lang ang nagparamdam nito,

Kaya sabihin mo sa akin,

Ang tumatakbo sa isip mo,

Kung mahal mo rin ba ako.

Craige's POV

Nakahiga ako sa kama ko at nakaunan sa isa kong braso. My eyes were glued on the ceiling of my room. Iyong lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa silid ko. I continued my singing. And every word of the song was like written exactly for me. That's how I really felt for her.

Isayaw mo ako,

Sa gitna ng ulan mahal ko,

Kapalit man nito'y buhay ko,

Gagawin ang lahat para sa'yo,

Alam kong mahal mo na rin ako.

I stopped singing when I heard a faint snoring on the other line. I end the call and put my phone away. She must be suffering from trauma. A lot of things happened to her lately. Hindi ko maiwasan isipin na kasalanan ko ang mga nangyayari sa kaniya. If, only if I could take all the memories of that incident, I'll gladly suffer alone. Whenever I was reminded of that situation I saw, I can't help but curse silently.

Nakatatawang isipin na iyong insidente ng pagpalo niya sa ulo ko ng bag niya, hindi ko ikinagalit. I was literally stupefied by her beauty. Pero tinapakan niya ang paa ko at nagtatakbo. When I met her again on Drix's, I told myself, I had to grabbed that opportunity, the chance to get to know her. So when I sensed that she's also attracted to me, I took it. And I was so thrilled to let everyone know that she was mine. Iyon pala, magdadala ng hindi magandang pangyayari iyon. I was careless, all along.

Keana's POV

Ilang araw din akong hindi nakapasok. Sabado ngayon at may Physical Education class kami kaya iyong P.E. uniform ang isinuot ko. White jersey na may lining sa bawat gilid na kulay maroon at logo ng GSMIC sa dibdib ang pang-itaas. Maroon jogger pants na may white lining sa gilid naman ang pang-ibaba. Humarap ako sa salamin para sipatin ang sarili ko. Kumuha ako ng isang hair lace sa ibabaw ng estante katabi ng salamin saka itinali sa likod ng ulo ko ang aking buhok.

Sinundo na uli ako ni Craige sa bahay. Alam ko na nag-aalala siya nang husto sa akin. Sa totoo lang, wala kaming label. Pagkatapos ng sudden kiss ng gabing iyon, hindi na namin ito pinag-usapan. He treats me as I am her girlfriend, but it's not official. He didn't asked me out.

Sabi niya sa akin, huwag raw ako mag-aalala. Sinigurado niya na hindi kakalat sa school ang balita. At hindi kasi papayag ang pamunuan ng school na maibalita ang nangyari. It would surely scare the students. The CCTV footage of the incident were forwarded to the authorities secretly by the school administration.

Pero ewan ko ba, pakiramdam ko habang naglalakad ako ay may matang nakamatyag sa akin. Papunta na ako sa campus quadrangle for our activity nang makasalubong ko si Charry. Naka-uniform din siya ng P.E. I saw from the corner of my eyes how she grinned before passing me. Napahinto ako at nilingon siya na tuloy-tuloy lang na naglakad. Naging mapaghinala na ako mula nang nangyari iyon. I shut my eyes and took a deep breath. Hindi pa man nagsisimula ang pagtakbo namin sa track and field ay pinagpapawisan na ako. I took my blue towel from my pocket then wiped my sweat. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang marating ang kinaroroonan ng mga kaklase ko. Kinawayan kaagad ako ni Yana nang matanaw ko siya. Tumakbo siya't sinalubong ako.

Nahigit ko ang aking hininga nang patalon niya akong niyakap.

"Bakit ang tagal mong absent? Namiss kita?" aniya pagkakalas sa akin.

Ngumiti ako ng bahagya. "Nagkasakit lang. Puwede ko bang hiramin ang ibang notes mo? Para makahabol ako sa ibang lessons."

"Oo naman, ikaw pa," nakangiting sagot nito saka ikinawit ang isa niyang braso sa leeg ko at hinila ako sa kumpulan ng mga estudyante.

Mas matangkad sa akin ng bahagya si Yana. Siguro nasa five feet and five inches siya. Maputi at makinis ang balat niya. Wala akong masyadong alam sa kaniya pero sa tingin ko galing siya sa may kayang pamilya. Sa kaniya ako pinakamalapit sa lahat ng nakilala ko sa school.

"You're going to run by five. I will record your time dahil kung sino ang pinakamabilis, siya ang sasali sa track and field run para sa school sport fest," sabi ni Sir Carlson, ang P.E. coach namin. Maganda ang built ng katawan ni sir. Very fit and athletic ang body structures nito.

Noong tinawag ang pangalan ko bilang isa sa mga mauuna ay pumuwesto na ako. I positioned myself ready for the run and lifted my face, waiting for the signal. Nang hinipan ni sir ang pito, agad akong tumakbo. Wala sa field ang isip ko. Kasalukuyang naglalakbay ang isip ko sa gabing nangyari ang trahedyang iyon. I ran fast as if I was running for my life. Tagaktak ang pawis ko at bawat hakbang ng aking mga paa, ay nararamdaman ko ang pagngangalit ng kalooban. What did I do to deserved that?

I was gasping for air when I reached the finish line. I came in first. Napatalungko ako habang nakatungo. Taas baba ang dibdib ko sa pagod.

"Here." A hand with bottled water made my head looked up. Tumayo ako nang makitang si Yana ang nag-abot nito.

"Grabe, ang bilis mo palang tumakbo," anito na binubuksan ang bote ng tubig saka inabot sa akin.

"Thank you." I quenched my thirst by drinking the whole bottle. After drinking, I used my towel to dry the water that leaked on my chin.

"Umupo muna tayo sa damuhan habang hinihintay matapos ang iba," anito at hinila ako paupo malapit sa umpok ng ibang estudyante.

Nagpatianod naman ako dahil ramdam ko pa rin ang hingal. Naging maingay ang lahat habang tinatapos ang pagtakbo. Nasa huling batch si Yana. Pagkatapos niya ay agad na lumapit sa akin. Kaniya-kaniya kaming balik sa room namin. Kasabay ko sa paglalakad si Yana kaya magkasama kaming nakarating sa room kung saan naiwan ang mga bag namin.

Bigla ang pagpagkit ng kilay ko nang mapansin ang isang mahabang box sa loob ng aking bag. Kulay puti ito at may ribbon na pula. Inilabas ko ito para buksan. A familiar bang on my chest easily started as I saw what's inside.

"Oy, ano iyan?" tanong ni Yana.

Agad ko itong ibinalik sa bag at isinarado ang zipper.

"W-wala," I stuttered. Pilit pa rin niyang sinisilip ang bag kaya isinukbit ko sa balikat ito saka tumayo.

Nagsalubong saglit ang kilay ni Yana pero nagkibit-balikat na lang.

"Kailangan ko lang pumunta ng bathroom," pagdadahilan ko. Agad ko siyang tinalikuran bago pa ito makasagot.

I walked as fast as I could. Nang marating ang comfort room ay agad akong pumasok sa isang cubicle at inilock ito. My hands were shaking as I unzipped my bag. I can't help but tapped my feet on the floor as I took the box outside of my bag.

Napapikit ako nang buksan ang box. Isang black rose ang laman nito. Napalunok ako na kinuha ang card na kasama nito.

With trembling hands, I read the message written in red ink with terrifying kind of fonts.

You are warned! Stay away from Craige Montello or you'll meet your end!!!!

I gulped. Did I just received a death threat?

*****