Chapter 6 - Chapter 5

May dumi ba ako sa mukha?"

Napansin ko kasing titig na titig sa akin si Craige. Nasa isang carenderia kami sa labas ng SAU campus. Kanina dinala niya ako sa isang fine dining restaurant pero noong makita ko ang presyo ng mga menu ay nag-walkout ako.

May halong ginto kaya ang mga pagkain doon? Nakita ko sa ibang table na kapiraso lang ang laman ng isang serving plate pero napakamahal. Napilitan siyang lumabas doon para sundan ako.

Akalain mong napilit ko siyang kumain sa carenderia. Hindi niya ako mapipilit kumain sa ganoong uri ng restaurant. Mas masarap kumain ng nagkakamay at maraming kanin. Pakakainin niya ako ng steak na kapiraso lang tapos walang kanin? Pagkatapos ang presyo eh katumbas ng limang kilong baka? Ano iyon, lokohan? Buti may kumakain pa doon.

"Babae ka ba talaga?" sa halip ay tinanong niya ako pabalik.

"Mukha ba akong lalaki? Kung iniisip mo na isa akong transgender, nagkakamali ka. Wala akong pera para magpa-opera."

Naiiling ako na dumampot ng ulam saka ipinatong sa kanin, idiniin ko muna bago isinubo. Napapangiwi si Craige habang nakatingin sa akin.

"Siyempre mukha kang babae, ang kaso mas malakas ka pang kumain sa akin. Pangatlong kanin na iyang kinakain mo. Dalawang order na rin ang ulam mo tapos naka-apat na refill ka na ng sabaw."

Hindi pa niya nagagalaw ang pagkain niya. Nilalaro lang niya ang pagkain gamit ang tinidor at kutsara. Tinititigan pa niya ang kutsara at iniikot-ikot sa tapat ng mukha niya.

"Ang arte mo! Ano bang ginagawa mo diyan? Nananalamin ka ba sa kutsara? Guwapo ka na kahit hindi ka manalamin."Wala sa sariling nawika ko. Nakita ko siyang ngumiti kaya nag-iwas ako ng tingin.

"So, you find me handsome?" Napakalapad ng ngiti niya habang nakatingin sa akin.

"Huwag kang maarte diyan! Alangan namang wala pang nagsasabi sa iyo niyan? Eh, mukhang deads sa iyo, iyong Trixie na iyon." Tiningnan ko siya nakunwari patay-malisya lang.

"Eh bakit ka nagba-blush? Crush mo ako 'no?" Nagsimula na siyang sumubo ng pagkain.

"Ang kapal mo rin ano? Sinabihan ka lang na guwapo nag-assume ka na kaagad." Tumungo ako dahil mukhang totoo ang sinasabi niya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko.

"Sabi mo eh! Anyway, hindi naman kita type."

Akalain mong naubos niya ang pagkain dahil sa sinabi ko. Ang kaso parang may kung anong kumirot sa puso ko nang sabihin niya na hindi niya ako type. Sinabi niya sa school cafeteria kanina na girlfriend niya ako, pero ang tanga ko lang para mag-assume. Ano naman ang magugustuhan niya sa akin?

Hindi na ako muling nagsalita pa pagkatapos niyang sabihin sa akin iyon Panaka-naka ko siyang sinusulyapan. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa kaniya? Ang guwapo niya talaga, plus factor pa iyong ginawa niyang pagtatanggol sa akin kahit na may kasalanan pa ako sa kaniya.

Wala kaming imikan habang paabalik sa school. Hindi niya ako kinakausap at wala rin akong makapang sabihin kaya nanahimik na lang ako. Puro buntong hininga ang naririnig ko sa kaniya kaya hindi na rin ako nakatiis.

"Akala ko ba pag-uusapan natin kung ano ang magiging kabayaran ko sa kasalanan ko?" Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Kalimutan mo na iyon, sapat na ang sorry mo."

Napatingin ako sa kaniya nang bigla niya akong akbayan. Pakiramdam ko may nagta-tumbling na mga daga sa dibdib ko. Sa totoo lang, hindi ako alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon kaya pinili ko na lang na hayaan siya. Gusto ko ang pakiramdam ng pagdantay ng kamay niya sa balikat ko. Magaan ito at inaalalayan ako pero naiilang din ako dahil pinagtitinginan kami ng kapwa estudyante namin.

Huminto kami sa tapat ng gusaling malapit sa susunod kong subject.

"Puwede bang maging magkaibigan tayo?"

Awit, friend zone.

Nginitian ko si Craige. "Oo naman. Wala pa akong kaibigan dito kahit one week na nag-umpisa ang klase. Salamat nga pala sa ginawa mo sa cafeteria pati na rin sa lunch."

"Hindi libre iyon." Seryoso ang mukha niya nang balingan ko siya.

"Ha?!" napanganga ako sa sinabi niya.

"Joke lang, kanina ka pa kasi seryoso. Maaga kang tatanda kapag ganyan ka." Ginulo niya ang buhok ko na para lang akong paslit.

Saklap ha!  Friend zone na nga, little sis pa.

"Itigil mo iyang ginagawa mo! Wala akong dalang suklay, magmumukha akong bruha niyan."

Hinuli ko ang kamay niya para matigil siya sa ginagawa niya. Napalunok ako ng magdaop ang kamay namin at hindi niya ito bitiwan. Parang may kung anong kuryente ang gumapang mula sa kamay niya at lumipat sa akin. Natutunaw ako sa uri ng tingin niya. Hinatak ko ang kamay ko para bawiin pero hindi niya ito pinakawalan.

"Hey Bro, ang sweet niyo naman! Bakit hindi namin alam na may girlfriend ka na pala?"

Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakilala ko kaagad iyong lalaki. Siya iyong itinuro noon lalaking nakasalamin na pumatid sa akin. Kasama rin niya ang naka-eyeglasses na lalaki.

"Sinong nagsabi sa inyo niyan, Gilbert?" Nakangiti si Craige sa lalaking nagsalita. Hindi pa rin niya pinapakawalan ang kamay ko.

"Si Trixie at lahat ng nakapanood ng drama sa cafeteria." Tinitigan ako ng mabuti ng tinawag niyang Gilbert.

Kumunot ang noo nito. "Pamilyar ka sa akin?"

Nginisihan ko siya. "Siyempre dahil nagkita na tayo. Ako lang naman ang pinatid mo noong first day ng school."

Nanlaki ang mga mata nito na napalingon kay Craige. " Woohh, really!"

"I'm sorry about that..." he paused. Alam kong hinihintay niya na sabihin ko ang pangalan ko.

"Keana na lang." Ngumiti na rin ako dahil naging polite naman ang approach niya sa akin. "Hindi niya nga pala ako girlfriend. Sinabi niya lang iyon para tulungan ako."

"Ganon ba? So, puwede ka pa palang ligawan. Ako si Gilbert Morales, bestfriend ni Craige." Inilahad niya ang kamay niya sa akin kaya inabot ko ito.

Guwapo rin ito na medyo bad boy ang dating. Magulo ang mahaba niyang buhok pero hindi naman mukhang marumi dahil bumagay ito sa squared jaw niya at bilugan na mapupulang labi. Maganda rin ang ngiti niya dahil sa pantay-pantay ang maputing ngipin. Parang nangungusap ang mga mata niya kung tumingin.

"Puwede mo nang bitiwan ang kamay niya at huwag mong pakatitigan dahil baka biglang maglaho sa kinatatayuan niya." Inagaw ni Craige ang kamay ko mula dito kaya napatingin ako sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"What?" patay malisya si Craige pero hindi na rin binitiwan ang kamay ko.

"I'm Andrew Park."

Sumingit sa usapan namin ang lalaking naka-eyeglasses kaya napako ang tingin namin sa kaniya.

"Ipinakilala ko na ang sarili ko dahil mukhang walang balak ang dalawang ito na ipakilala ako."

Sinulyapan niya si Craige na nakangiti. "Hindi na kita kakamayan, Keana, mahirap na."

"At bakit naman? Anong bang problema?" napakunot ako ng noo kay Andrew.

"Baka kasi bugbu..." hindi niya naituloy ang sasabihin dahil bigla siyang inakbayan ni Craige sabay takip sa bibig nito ng palad niya.

"Aalis na kami, Keana. Ihahatid kita mamaya pauwi." Iyon lang ang sinabi niya at tumalikod na. Hinatak niya siya Gilbert ng isa niyang kamay habang pasakal na inakbayan naman si Andrew habang hinahatak din.

Naiwan akong nakatunganga habang tinatanaw ang tatlo. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang tatlo palayo. Para silang mga paslit na nagkukulitan. Ang alam ko mga graduating na sila ngayon school year.

Si Craige ay second year Engineering student samantalang ako nagsisimula pa lang ang karera ng buhay ko sa kolehiyo.

"Makapunta na nga sa klase ko." Nagsimula na akong maglakad sa pathway patungo sa building four. Mabuti na lang at lahat ng subject ko ay nasa iisang gusali lang. Mahirap maghanap ng silid kung nagkataon.

Sa totoo lang hindi ko pa nalibot ang buong campus. Ang tanging napupuntahan ko pa lang ay ang may kinalaman sa daily routine ko dito. Ang building four na may dalawang palapag at may tig-anim na silid bawat palapag. Ang cafeteria na nasa likod ng building namin, may comfort room ang bawat block ng mga building at ang library na madalas kung tambayan sa vacant time ko at tuwing nagre-research ako.

"Nakita niyo ba ang nakapaskil sa bulletin? Next week na ang foundation day at maraming activities."

Napahinto ako nang marinig ang isang babaeng estudyante na nagsasalita. May nag-uumpukang mga babaeng estudyante na nakaupo sa isang concrete bench sa ilalim ng puno. Marami sila, ang iba nakatayo ang iba naman naka-indian sit sa may bermuda grass.

May kalahating oras pa ako kaya umupo ako sa isang bench malapit sa kanila at nagkuwaring nagbabasa ng notes ko. Para akong temang na nagbibigkas ng kung anu-ano samantalang wala akong binabasa dahil blangko ang page na nabuklat ko.

"Alam niyo bang may search for Mr. and Miss SAU?" Nagtitili ang isang estudyanteng kulot ang mahabang buhok. Maputi ito at matangkad.

"Bakit, balak mong sumali?"

Narinig kong tanong ng isang nakatalungkong babae na hanggang balikat ang haba ng brown na buhok.

"Asa ka pa, siguradong si Trixie na ang mananalo."

"May premyo kaya ang mananalo?" Sumandal ako sa upuan at napatingala.

"Meron, balak mong sumali?"

Napaayos ako ng upo ng marinig ang isang boses babae.

"O, ikaw pala, Yana. Paano mo nalaman?" Umupo siya sa tabi ko at nag-dekuwatro ng upo bago ako sinagot.

"Basa-basa din kapag may time, siyempre sa may bulletin. Bukas na ang simula ng screening para sa mga mag-o-audition. Sali ka?" nakangiting tanong ni Yana.

"Hindi no! Hindi ako bagay sa ganong search. T'saka masyado akong maliit para sa beauty pageant. Manonood na lang ako." Napalingon ako sa mga estudyante sa kabilang bench. Nagsisi-alisan na sila.

"Sabagay, sabi nila matatangakad daw talaga ang mga sumasali." Tumayo na ito sa upuan. "Halika na, Keana. Malapit na ang time natin."

"Mauna ka na at pupunta pa ako ng rest room." Sinabi ko lang iyon pero balak ko talagang tingnan ang announcement sa bulliten.

Hindi naman ako sasali, balak ko lang na tingnan kung ano pang activities ang meron sa foundation day. Siguradong masaya ito, first time kung maka-e-experience nito.

Tumayo na ako nang medyo malakayo si Yana. Pupuntahan ko ang bulliten na gilid ng administrator's building.

"Marami palang activities para sa foundation day." Tumatango-tango ako habang sinisipat ang announcement.

"Wow! Ang laki ng cash prize sa beauty pageant. At wala pang nakalagay na height requirement."

"Huwag mo nang tangkaing sumali, siguradong sa screening pa lang hindi ka na papasa."

Napalingon ako sa nagsalita. Iyong bruhang si Trixie kasama ang dalawang alipores niya.

"Talaga? Baka naman threaten ka lang sa akin." Nginusuan ko siya habang pagak silang tumawa sa sinabi ko.

"Excuse me?" nakataas ang kilay niya na tanong  sa akin.

"Hindi ako nakaharang, dumaan ka na." Tinalikuran ko siya para pumunta na sa klase ko.

Buwesit na ito! Akala mo kung sinong maganda. Siguradong kung wala siyang make up, magmumukha siyang tindera sa bangketa. Natawa ako nang ma-imagine ko siyang may suot na kupasing duster at magulo ang pagkakatali ng buhok. Mas maganda pa sa kaniya iyong tindera ng kakanin sa labas ng campus.

"Aray ko!" Walanghiya talaga, ang sakit ng anit ko. Parang  matatanggal lahat ng buhok ko sa ginawa niyang paghablot dito. Hinawakan ko ang kamay niya na pinanagsabunot sa akin saka piniga ang pulsuhan nito  kaya binitawan ako.

"Huwag mo akong masabunutan! Sa susunod na saktan mo ako, gagawin kitang mop ng sahig. Baka tuluyang pumangit ang mukha mo."

Gusto na akong sugurin ng dalawang kasama niya pero nakakagulat na pinigilan niya ito.

"Huwag niyo nang patulan ang palengkerang iyan. Hindi naman makakapasa sa screening iyan. Bawal ang pangit sa beauty pageant." Ngingisi-ngisi pa siya habang tinitingnan ako.

"Ako, pangit? Mas maganda ako sa iyo 'no. Kahit wala akong make up maganda na ako. Hintayin mo lang dahil tatalunin kita. Kung wala kang make up, siguradong magmumukha kang tindera ng dyaryo sa kalye. "

"Oh really? Then, let's meet at the screening tomorrow. Para masupalpal ka sa kayabangan mo." Tumalikod na sila ng dalawa niyang kasama.

"Maghintay ka lang! Tatalunin kita." Naghahagikhikan pa silang tatlo palayo.

Makikita niya, kahit mas matangkad siya sa akin, mananalo ako. Ako pang hinamon niya, wala akong inaatrasan sa buhay lalo na't pagkakakitaan.

Naglalakad na ako pabalik sa room ko nang mapansin ko si Trixie na pumasok sa loob ng school sport gym. Palagpas na sana ako ng marinig kong tawagin niya ang pangalan ni Craige.

"I'm sorry babe, alam  ko namang nasaktan kita dahil sa pagreject ko sa'yo. But please stop making me jealous using that baduy girl."

Bigla na lang tumahip ang dibdib ko.

"What's her name again? Keana?"

Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag. Dahan dahan akong pumasok sa gym.

And there, I saw her. Nakapulupot ang dalawang kamay sa leeg ng isang lalaki na kahalikan niya.

"Craige?" tawag ko sa lalaki na nanginginig ang boses.

Humarap siya na nanlalaki ang mata.

"Keana?"

Yes, it was him.

****