Chapter 3 - Chapter 2

Ilang araw na ba ang lumipas mula noong epic first day ko sa college?

Hindi ko matandaan. Pero thankful ako at hindi ko na nakita iyong lalaki. Noong mapag-isip-isip ko bumalik naman ako para mag-sorry ng maayos pero wala na siya doon.

Okay lang. It's not a big deal, anyway.

Nagliliwanag na ang kalsada sa labas dahil sa mga ilaw. Dami ring tao na naglalakad.

Sana minsan, magawa naming magkapatid.

Napabuntunghininga ako. Napatalikod na rin para humikab. Nakakahiya naman kasi kung nakaharap ako sa customer. Nandito ako ngayon sa fastfood chain na pinagtatrabahuhan ko para kumita ng pangtustos sa pangangailangan naming magkapatid.

I graduated top of my class so I had the opportunity of full scholarship at GSMIC. Hindi naman sa pagmamayabang, pero ganon na nga, maliban sa maganda ako ay matalino pa! Sayang pang beauty queen sana ako dahil beauty and brain kaso nine-two lang ang height ko. Nahinto sa paglaki, 'di naman ako kaliitan. Five feet and three inches ako, kaso hindi pa rin pasok sa height requirement sa mga beauty pageant. One inch na lang ipinagkait pa.

"Miss, puwede na bang um-order?" May nagsalitang babae sa likod ko kaya agad akong umikot paharap.

"Of course, Ma'am! May I take your order?" I politely asked the woman flashing a genuine smile.

She looks like on her early thirties with a girl clinging on her skirt. Inilapag ng bata iyong hawak nitong jackstone sa counter pillars.

In fairness, may bata pa palang naglalaro nito ngayon. Akala ko puro Ipod na lang at computer ang alam ng mga bagong henerasyon. Don't get me wrong, kasama ako sa new generation kaso wala akong pambiling gadgets.

"Isang family size pepperoni pizza at isang regular size ng Hawaiian for take out," order nito na nakangiti.

"Is that all ma'am?" tanong ko habang tumitipa sa monitor ng cash register. Touch screen kasi, o 'di ba sosyalin?

"Yes," nakangiting sagot ni Ate.

"One thousand three hundred po ma'am." Pagkasabi ko sa babae noong dapat niyang bayaran ay literal napanganga ako.

Hindi ako maaring magkamali, siya iyon. Kumabog ng sobra ang dibdib ko at biglang napayuko sabay hatak ng suot kong cap pababa para matabunan ng mabuti ang mukha ko. Kinuha ko ang bayad nang nakatungo.

Pumila sa likod ng babaeng customer iyong lalaking pumasok kanina. Natatandaan ko kasi ang pantalon at sapatos na suot niya. I bowed down but I'm quite sure it's him even without taking a glimpse of his face.

I felt like passing out any moment now.

Inhale.

Exhale.

I have to calm down my senses to come up with an idea.

Faster, Keana, think.

"Miss iyong order ko?" Oh great! The woman sounded upset. Hinihila na kasi ng bata ang laylayan ng palda niya.

"Mommy let's go home na. Inaantok na po ako." Nakalabi na ito at nagmamaktol. Tumingin ito sa akin kaya nginitian ko pero inirapan ako. Pambihira naman! Ang liit-liit pa, suplada na.

Tumungo iyong ale at nilambing ang anak niyang supladita. "Wait lang sweetie ha! Well go home na after ko makuha iyong order."

Salubong pa rin ang kilay ng bata saka nagtago sa likod ng ina sabay yakap sa binti nito. Binelatan pa ako ng bata. Cute sana pero mukhang maldita talaga.

"Miss puwede bang pakibilisan!" This time, she's gnashing her teeth.

"Sorry po ma'am sa delay. Ito iyong card niyo, paki-abot na lang po sa lalaki sa left side ng counter para po ma-serve ang order niyo."

Omg, my voice sounds like a chipmunks. Nawiwindang ako sa boses ko ngayon.

Umalis na ang babae at pumuwesto na sa harapan ang lalaking nasa likod niya. Hindi ako nagtaas ng ulo baka makilala niya ako. Patay talaga ako ngayon. Juice ko lord ako naman ang gagawin ko ngayon? Hirap na hirap akong pagtaguan ang lalaking ito tapos dito pa kami magkikita.

"Ahm Miss, isang regular size na three cheese pizza at isang large size na ice tea for dine in."

Alright, I hear him but I am too busy thinking on how I can trick this man standing in front. Ano ba naman? Ang puso ko, tumatalbog-talbog, umaalog-alog. Charing, hindi gumagana ang hormones ko. Wala akong maisip.

Please brain makisama ka!

"Hey Miss, did you hear me?"

Nakaisip ako nang paraan ng makita iyong jackstone na naiwan noong bata malapit sa counter ko. Kinuha ko ang bola at sinubo ko ito noong napalingon siya sa may pintuan. Ipinuwesto ko ito sa gilid ng panga ko kaya bumukol. Palagay ko nagmukha akong namamaga ang ngipin. Napangiwi ako noong maisip ko kung ilang libong bakterya meron ito ngayon. Bahala na. Ang mahalaga, hindi ako makilala ng herodes na ito kung hindi siguradong yari ako.

"Ahm yes sir, six hundred eighty po lahat." Ini-angat ko na ang ulo ko. Iba naman ang boses ko, kung kanina para akong duwende ngayon naman para akong nagsasalita na kumakain na puno ang bibig. Gusto kong matawa nang makita ang mukha niya. Nakasalubong ang makapal nitong kilay. In fairness, guwapo talaga ito kapag malapitan.

Oy ang harot ni self.

Sana hindi ako makilala. Kumabog lalo ang dibdib ko nang malapitan niyang sinipat ang mukha ko at lalong nangunot ang noo.

Kinuha nito ang wallet sa bulsa sa likod ng patalon saka nag-abot sa akin ng isang libong piso. "Bayad ko, Miss. Dapat hindi ka na pumapasok, magpa-check-up ka. Namamaga ang ngipin mo."

Napangiti ako. Sabi na nga ba, mukhang namamaga ang gilagid ko.

Na-touch naman ako sa concern niya. Mukhang mabait ang loko. Iniabot ko ang sukli niya saka ibinigay ang card para sa claim ng order niya.

"Hindi namamaga ang ngipin ko sir. Ganito lang talaga ako. Thank you nga pala sa concern. Claim your order at the left side of the counter."

Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na siya sa harap ko. Ang problema hangga't nandito siya eh kailangan kong pangatawanan ang kunwari maga kong pisngi. Kapag minamalas ka nga naman oh! Malapit na akong mag-out tapos naabutan pa ako dito ng taong ayaw na ayaw kong makasalubong manlang.

Napatalon ako nang may biglang tumapik sa balikat ko kaya bumara sa lalamunan ko ang bola ng jackstone.

"Hi, Keana! Halika na umuwi na tayo. Hindi ba out mo na? Uupo ako doon sa corner at aantayin kita na makapag-out."

The ball got stocked in my throat. I am going to die! Buwesit ka Nancy! Bakit ka ba nanggugulat? I thump my chest for a couple of times.

"Oh my God Keana, anong nangyayari sa iyo?" Nataranta ang walanghiya kong bestfriend samantalang siya ang dahilan nito. "Namumula ka na! Somebody help! Iyong kaibigan ko na choke siya!"

Tumakbo sa tapat gawi ng counter ko si Alexander, iyong kasama kong crew sa Drix Pizza House. "Keana, girl ano bang nangyayari sa iyo?" Nakatakip ang isang kamay niya sa bibig habang ang isang kamay ay nakahawak sa dibdib na akala mo siya ang hindi na makahinga. Kilala siya bilang 'Lexi' kapag gabi.

Inalog-alog pa ako ng bruha kong kaibigan pero walang epekto. Hapong-hapo na ako at pakiramdam ko tatakasan na ako ng ulirat anumang oras. Nagulat ako nang bigla akong umangat at nailabas mula sa counter. May malalakas na brasong nakapaikot sa bewang ko at piniga ito ng sobrang lakas kaya nailuwa ko ang bola.

I was panting. Naitukod ko ang dalawang kamay sa mga tuhod ko para makakuha ng lakas. Naririnig ko ang bulungan ng mga customer sa paligid na naalarma sa nangyari sa akin.

"Miss, are you okay?"

He sounds familiar.

"Yes I'm fine, thank you." I straighten up and hoisted my face. My eyes widen upon seeing him.

Nag-iba ang impresyon ng mukha niya at nanlaki din ang mga mata.

"You?"

Awtomatikong napatalikod ako sa gulat at napakagat sa ibabang labi ko at mariin na napapikit. I tugged a heavy breathed as he drag me to face him.

Nanlaki ang mata ni Nancy saka ako hinawakan sa magkabilaang balikat at inalog-alog ng ilang beses. "Kilala mo ang poging ito."

Tuluyan nang lumabas sa counter si Lexi para makiusyuso, hindi sa akin kung hindi sa lalaking tumulong sa akin. Nakita kung kinalabit nito si Nancy at umarte na parang hihimatayin habang nakakatitig doon sa tumulong sa akin.

Wagas kung makatili iyong bruha at si Lexi. Akala ko pa naman nag-alala talaga sa akin, nakakita lang ng guwapo nakalimutan na ang nangyari sa akin.

"Alam mo bang ilang araw na rin kitang hinahanap sa school campus?" He was grinning like somewhat he wins a lottery. "Ang suwerte nga naman, kusang lumalapit. Lagot ka sa akin ngayon!"

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin at pilit kong iwinawasiwas ang mga kamay niya. Hinatak niya ako palapit sa mesa na inuupuan niya. "Let's talk on how you can pay me."

"Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan na ako eh!" I acted annoyed and furrows my forehead.

"Sandali lang naman pogi nasasaktan na iyong friend ko," kausap ni Nancy dito pero parang wala itong narinig.

"Kung gusto mo Papa, ako na lang kaladkarin mo. Buong puso akong sasama sa iyo!" Ang malanding baklang hitad sumingit din.

"Ikaw pa ang galit sa lagay na iyan? Hoy Miss, hindi kita bibitiwan dahil tatakasan mo ako. Mag-uusap tayo para mapagbayaran mo ang kasalanan mo sa akin at siyempre pati na rin iyong utang na loob mo ngayon."

Wow ha! May bayad iyon?

Mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko kaya nasasaktan na talaga ako.

"Pambihira naman! Bakit mo ako sisingilin sa tulong na ginawa mo sa akin ngayon? Ganyan ka ba sa mga taong tinutulungan mo? Dapat may kapalit?"

Nairita na rin ako sa sinabi niya. Nandoon na ako, iniligtas niya ako. Pero tama ba namang maningil siya para sa bagay na iyon?

"Oo nga naman pogi, tutulong ka na rin lang eh dapat bukal sa loob mo!" Sabat ng friend ko na panay ang buntot kung saan ako hatakin ng unggoy na ito. Deadma pa rin ang beauty niya.

"Ay, sa akin okay lang iyon! Ano ba ang gusto mong kabayaran, Papa at ako na ang sasagot? Kung puri ko ang kailangan mo, sa iyo na ako nang buong-buo." Pakagat-kagat pa sa labi si Lexi habang pinapapungay ang mga mata.

Pinanalakihan ko siya ng mata. "Hoy Lexi, bumalik ka na sa counter at may mga customer na naghihintay ng order nila."

Hinarap ko uli ang knight in shining armor ko kuno. Si Lexi naman padabog na naglakad pabalik sa counter.

"FYI lang Miss, tumutulong ako ng walang kapalit. Iba lang ang sitwasyon sa iyo kasi may kasalanan ka sa akin." Hinila na naman niya ako.

"Umupo ka!" utos nito na nakikita kong gumagalaw-galaw pa ang panga niya.

"Okay. Mukha namang hindi kita matatakasan kaya makikipag-usap na ako sa iyo. Pero mag-a-out na muna ako kasi bawal kaming umupo diyan at mag-entertain ng customer. Policy namin dito iyon." Huminga uli ako nang malalim para kunwari napapayag na niya ako.

Nek-nek niya, nagpakahirap ako kaninang isubo iyong bola ng jackstone tapos susuko na lang ako ngayon. Mabuti na lang talaga matalino ako. Sa likod naman ang employee's exit kaya pihadong malulusutan ko siya.

Tiningnan niya ako na parang tintantiya kung nagsasabi ako ng totoo. "Okay sige, aantayin na lang kita dito."

"Nancy hintayin mo na lang ako dito. Kukunin ko lang ang mga gamit ko para makapag-out na ako."

Sorry Nancy pero kailangan na kitang iwanan. Babawi na lang ako sa iyo sa susunod.

"Lexi mag-a-out na ako. Nandiyan na si Bryan na kapalitan ko ng shift," I bid him farewell, or should I say her?

Lumapit si Lexi sa akin saka may ibinulong. "Kung kailangan mo ng proxy para sa 'parusa' willing akong mag-volunteer." He giggled.

Napailing na lang ako. Tinalikuran ko na siya at nagmamadaling pumunta sa likod at kinuha ang mga gamit sa locker ko. Mag-aalas diyes na ng gabi. Siguradong hinihintay na ako ni Aira. Bago ako lumabas sa exit pumunta muna ako sa harapan pero nakasilip lang ako nang bahagya.

"Talaga namang naghihintay si Mokong. Manigas ka diyan!" Pasensiya siya pero wala akong balak na kausapin siya uli. Pagkatapos ko magbihis ng pang-itaas ay lumabas na ako sa exit sa likuran.

Sumilip muna ako kabilaang side at nang mapansin kung wala namang tao eh lumabas na ako. Nakahinga ako ng maluwag at kampanteng nagsimulang maglakad.

"At saan ka naman pupunta?"

*****