Life is like a riding in a bicycle to keep your balance you must keep going.
-Eintein
Sydney POV;
"Napakaganda mo binibini"
Yan ang salitang narinig ko bago sumakit ang ulo ko, nanindig ang balahibo sabay takbo palabas ng banyo.
"Grabe naman alam kong maganda ako pero bakit pati multo?"
Nilibot ng mata ko ang buong Eskwelahan at napagtanto ko na ako na lang pala ang nag iisang estudyante doon, kung sabagay mag aalas syete na naman, baka si Manong Guard lang yung nanakot para pauwiin na ako,tinapos ko pa kasi ang mga Assignments at Projects sa school kasi baka mapagalitan na naman ako ni Mama sasabihin panay Cellphone na lamang inaatupag ko pagdating sa bahay.
Lumabas na ko ng aming paaralan at nilakad na lamang ang papunta sa amin, like duh' walking distance lang naman ang bahay namin simula sa school, count ka lang ng 300 na hakbang at nasa amin ka na.
Medyo may kadiliman na ang daan pero sanay na ako kasi halos araw-araw ko itong ginagawa. Dati hatid sundo ako ni papa pero nung panahon na pumanaw na siya naging komplikado o magulo ang lahat. Nag-asawa si mama ng bago at ang masaklap dun! Doon niya pinatira ang asawa niya sa bahay mismo ni papa masyadong magulo ang pamilya ko ngayon, buti na lang sinusuportahan ako ng aking kapatid para makapagtapos ako ng pag-aaral.
Oh right! Bago ang lahat pakilala muna ako, I'm Sydney Miller 17 years of age kasalukuyang nag-aaral ng 1'st year college sa aming pamantasan.
Nandito na ako sa tapat ng aming bahay ng may napansin akong nagchichismisan sa loob ng aming bahay as usual guysss! Ako na naman ang pinagkekwentuhan ng aking Ina, ang saklap noh! kasi mismong anak niya ako pero kung siraan niya ako sa ibang tao wagas but it's ok for me I'm always fine guysss! Hayssss!
"Dadating yan gabi na, baka may kinakalantari na yang bata na yan sabagay mag asawa na siya pwede naman"
"Grabe ka naman Mare, ahahaha"
"Anong Grabe dun eh! Wala naman silbi yan dito sa bahay panay cellphone lang naman inaatupag niyan, ewan ko ba sa kapatid niyan kung bakit binilhan pa yan ng ganyan"
"Ganyan din Anak ko Mare, panay Cellphone nagawa daw ng Project"
"Ibahin mo Anak ko Mare, wala akong tiwala diyan baka nakikipag landian lang yan sa Cellphone"
"Ahaahhaha"
Yan ang huli kong narinig bago ako pumasok ng kuwarto, Nakakadown diba? Mismong magulang mo pagsasalitaan ka ng ganun. Naiwas na lang din ako sa kanya delikado kasi kapag nagalit ako baka masagot ko na siya.
Kumain muna ako sa kwarto ko ng Biscuit at tubig Oo, ito lang kaya ng budget ko eh, hindi naman ako pinapakain ni mama miski pambili ko ng kung ano-ano wala rin, in short wala talaga akong nakukuhang sustento sa kanya, pero gumagawa ako dito sa bahay tuwing walang pasok naglilinis ako ng buong bahay, nagluluto ng kakainin nila at nag iigib ng tubig sa banyo hindi nman ako maarte sa mga ganyan ang gusto ko lang kasi ay maramdaman ko ang pagmamahal ng mga tao sa paligid ko.
Kaka emo ko dito sa kuwarto hindi ko na napansin ang oras, mag aalas dyis (10) na pala pero di pa rin ako inaantok, Lumabas muna ako ng bahay para magpahangin at tingnan ang napakagandang buwan at mga bituin, yes! I loved Universe kasi dito ko lang sa kadiliman ng gabi nakikita ang kapayapaan kasama ang mga tala at buwan.
May nahagip ang mata ko na isang kumikislap na bagay sa tabi ng aming bakuran, malabo kasi ang mata ko kaya di ko maaninag ng husto kaya nilapitan ko na lang. Napatalon ako sa takot ng may pusang dumamba sa akin. Mata lang pala ng pusa, yung kumikislap kanina.
"Maraming naghihintay sa'yo"
Napatalon na ako sa takot at dali daling pumasok sa loob ng marinig ko ang boses na iyon like duh! Halos araw araw ko na iyong naririnig siguro napapraning na ako.
Pumunta na lamang ako sa aking kama at pinatugtog ang Cellphone ko para makatulog na ako, ito ang kadalasan kong ginagawa para marelax ang utak ko bago matulog.
------------------------‐----------------------
--