Chapter 8 - Chapter 7:

"When I say I love you more, I don't mean I love you more than you love me. I mean I love you more than the bad days ahead of us, I love you more than any fight we will ever have. I love you more than the distance between us, I love you more than any obstacle that could try and come between us. I love you the most." – Unknown

------------------++++--++++++------------

Third Person's PoV:

: Napaka ganda ng batang mula sa butil ng iyong emosyon Cassiopeia, siya ang batang mag babalanse ng lahat at siya ang nakatakda sa propesiya ng susunod na henerasyon.

:Siyang tunay Andromeda, napakaganda ng supling mula sa butil ng kasiyahan at pag ibig, nawa'y maging sandata niya ito mula ngayon.

:Ina, siya ba si Libra ang aking magiging kabiyak?

Pagsingit ng isang batang nagmula rin sa emosyon ni Andromeda. Isa itong batang puno ng kasiyahan na siyang maghahari sa susunod na henerasyon.

:Siyang Tunay Leo, kaya simula ngayon alagaan mo ng mabuti ang iyong Libra dahil kayong dalawa ang magiging daan sa lahat.

:Ano ang ibig mong ipahiwatig Ina,? Bagaman hindi ko maintindihan ang inyong winiwika ay aalagaan ko pa rin si Libra ang aking magiging kabiyak. (Kagalakan ang gumuhit sa mata ng dalawang makapangyarihang diwata sa kalawakan)

: Aasahan kong pangangalagaan mo ang aking anak Leo, pero ngayon, kailangan na ninyong umalis dahil nalalapit na ang panganib.

:Sandali Inang Cassiopeia, maaari ko bang masilayan ng mabuti ang aking sinisinta sapagkat ngayon pa lang ay nalulungkot na ako dahil mawawalay kaagad ako sa kanya. (Sambit ng batang lalaki na may bahid ng kalungkutan)

Lumuhod si Cassiopeia sa bata upang maging kapantay niya ito,

:Hindi siya mawawalay sa iyo, ngunit kailangan mo siyang bantayan ng patago' dahil hindi pa pwedeng magkita kayo, hantayin niyo ang hudyat namin ng iyong ina at mismong puso na ninyong dalawa ang magtatagpo sa inyong tadhana.

Tiningnan ng batang lalaki ang muka ni Libra at napangiti ito na parang spoiled na bata.

Bagaman hindi naiintindihan ni Leo ang lahat ay sumang ayon na lamang ito dahil alam niya na para sa ikabubuti nila ito.

Bumukas ang lagusan at hinatid nila ang mga bata sa kanilang patutunguhan.

____________________________________

Lumipas ang mga taon ay namuhay ng payapa si Libra bilang isang Diwata kasama ang mga Dryads na tagapangalaga ng kalikasan, hindi niya alam kung saan siya nagmula at kung anong meron sa kanya dahil kinupkop lamang siya ng isang matandang babaeng Dryad na isang retiradong Heneral ng kaharian na kanilang kinabibilangan isa rin itong Dryad.

Sa mundong kanilang ginagalawan ay may Labin-dalawang trono sa isang kaharian na sumisimbolo sa mga supling ng Labin-dalawang Bathala ang kaharian ay may pangalang Galaxius o Kingdom of Galaxy. Ang tawag sa mundo nila ay Vertere na kung saan naninirahan ang mga nilalang na may kapangyarihan o may ibat-ibang supernatural na kakayahan.

Ang hari sa kahariang ito ay may karamdaman unti-unting nawawala ang espiritung bituin nito na nagbibigay ng takot sa lahat ng nasasakupan, siya si Haring Ophiuchus na isinumpa ng isang bathala dahil sa kakayahan niyang bumuhay ng patay at pagalingin ang lahat ng karamdaman na labag daw sa bathala ng kadiliman. Isinumpa siya na sa bawat pagbibigay niya ng buhay ay siyang pagkawala ng unti unti ng kaniyang espiritung bituin at sa oras na mawala ito, ang memorya ng lahat ng nakakakilala sa kanya ay mabubura at mananatili na lamang siya na parang isang blangkong papel.

__________________________________

Sa oras na ito ay maglalabin-walo na si Libra at ito na ang hudyat ng propesiya.

Nagkagulo ang lahat dahil isang malakas na kidlat ang tumama sa kaharian at sunod sunod itong tumama sa mga kabahayan, maraming nasira at nawalan ng buhay,

Humalakhak sa kalangitan ang boses ng dalawang bathala na hindi nila malaman kung sino at ano ang pakay nila sa lupain ng Vertere.

:Ito ba? Ito ba ang mundong ginagalawan ngayon ng mga nakasaad sa Propesiya? Bat parang ang rupok naman? Pati ang pananggalang na inilagay ni Andromeda at Cassiopeia parang papel lang hahahahhs?

Umalingaw-ngaw ang boses ng bathala na parang isang demonyo na galing sa kadiliman.

:Haha, ngayon naman, kailangan ko nang paslangin ang lahat ng naninirahan dito.

Isa muling boses na nagpatindig sa balahibo ng lahat ng naninirahan doon.

Itinaas ng dalawang bathala ang kanilang mga kamay at sumambit ng engkantsyon na kukuha sa buhay ng lahat ng naroroon.

"Katastrépste óla"

Ang mga nadadaanan ng mga kidlat ay nagiging abo na lamang.

Sa kabilang banda naman ay biglang sumulpot ang Haring Ophiuchus sa harapan ni Libra at dinala niya ito kay Leo sa pamamagitan ng Warp magic. Hindi maintindihan ni Leo kung bakit ginawa ito ng hari maging si Libra ay naguguluhan din dahil hindi niya kilala ang nasa harapan niyang binata ngunit ang puso niya ay may kakaibang nararamdaman tungo sa kanya.

:Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, ngayon pa lang ay isinumpa na kayo ng dalawang bathala na sumasalakay sa atin, bilang isang hari kailangan ko itong dagdagan.

:Ngunit bakit po ? at ano ang sumpa na ipinataw sa amin at bakit niyo pa ito dadagdagan? (Tanong ni Libra na maging si Leo ay nagtaka rin sa wika ng hari.)

: Ang sumpa sa inyo ng dalawang bathala ay magiging Immortal ka Leo habang buhay at maglalakbay sa ibat-ibang oras at mundo upang hanapin ang iyong iniibig. Ngunit sa pagkikita niyong dalawa ay mamatay ang iyong sinisinta makalipas ang pitong araw.

At ikaw Libra, mamuhay kang isang mortal ngunit paulit-ulit kang mabubuhay at patuloy ka ring hahanapin ng iyong sinisinta.

At ito ang aking sumpa.

Sa oras na maalala niyo ako ay siyang pagkawala ko sa sumpa at siyang pag kabuhay niyong dalawa sa parehong oras at mundo babalik kayo rito upang magsimula, at upang simulan ang nakasaad Propesiya,  kayo ang tulay,sa lahat,

"dóste tous to monopáti"

"Afíste tin katára"

"dóste zoí kai thánato"

Sa pagbigkas ng hari ng kataga ay siyang pagkawala nilang dalawa.

__________&____________________________

Patuloy na naglalakbay si Leo sa ibat ibang Oras at mundo na humahati sa lahat, lagi niyang natatagpuan si Libra ngunit agad din itong namamatay ilang araw lang pagkatapos nila magtagpo.

Napakasakit sa side ni Leo na paulit ulit niyang nakikitang mamatay ang kaniyang sinisinta at patuloy niya ring hinahanap ang kasagutan sa lahat at kung paano mababali ang sumpa, wala siyang ibang maalala kundi ang dalawang bathala na sumumpa sa kanila. Minsan iniisip ni Leo na wag na lang maglakbay sa ibat ibang panahon at mundo upang mabuhay na lang nang matiwasay si Libra ngunit lagi na lang pagkagising niya ay wala na siya sa mundong kasalukuyan, kundi nasa ibang panahon na naman siya, Napakasakit talaga makita na mamatay ang iyong sinisinta ng higit pa sa isang libong boses,

OO

Isang libong beses na sila nagkita at isang libong beses nang namatay si Libra sa harapan ni Leo, Napakapait ng kapalaran nila, parang sasabog ang puso ng makakarinig nito sa lahat ng pinagdadaanan nila.

Isang libong Beses na nawalan

Isang libong Beses na naghinagapis, at

Isang libong beses ng paulit ulit na sakit.

Sa pagkamatay nila sa Bangin at Kidlat ay siyang pagkawala ng sumpa nila sa bathala dahil naalala na ni Libra at Leo ang lahat,

at ang Hari ay gumagawa na rin ng hakbang,

Dito na magsisimula ang lahat

At ito na ang pinakahihintay ng mga bathala upang mabuo ang propesiya.

_&__&&&&&&&&&&

Short UD!