Chapter 7 - CHAPTER 6:

" You only live once, but if you do it right, once is enough." — Mae West.

____________________________________________________________________

Napakaraming mga bagay ang bumabagabag sa isipan ni Sydney, Isa na duon ay kung bakit siya iniwan ng kaniyang mga magulang? Sino siya? At ano ang pinagsasasabi ng taong nasa harapan niya.

Lumipas ang mga oras at natapos na sila sa pagkain ng kanilang pananghalian at nagtungo na sila sa labas ng pamilihan upang maghanap ng pansamantalang matitirahan si Sydney.

Sydney's Pov:

;Ate may open pa po ba sa apartment ninyo? Mangungupahan po sana ako.

(Magalang kong sambit sa isang babae na nakaupo habang may hawak na tobacco sa kaliwang kamay)

;Wala na, may nauna na sayo kanina

(Tugon niya sa akin ng hindi man lang ako nililingon)

;Ah, Ok po salamat po!

Umalis na kami sa lugar na iyon at itong katabi ko sobra-sobra ang ngiti na nang uuyam eh kasi naman pang sampu na yata itong napuntahan namin at may usapan pa kami neto'

Flashbacks;

;Hayssss kanina pa tayo naghahanap pero wala pa rin akong makita na matutuluyan, mag gagabi na rin.

;Sinabi ko na kasi sa'yo na pwede ka naman tumira sa bahay namin pansamantala, pero  dalawa lang ang kuwarto sa amin ang isa kay Papa at ang isa ay akin,

Pwede naman tayong magtabi hahaha. (Mapang uyam niyang saad)

;Hell no, baka kung ano pang magawa mo sa akin.

(Habang nakarolyo ang mga mata)

;Aba, baka ikaw ang mangahas sa akin, sa gwapo kong ito baka pag-naghubad ako sa harapan mo dambahan mo na kaagad ako.

;Hoy Aso, bibig mo masyado kang mahangin muka ka namang pitbull.

;Talaga lang ah, kapag wala ka pang nakitang mauupahan mo hanggang sampu, (sabay pakita ng 10 daliri) duon ka tutulog sa amin at titira pansamantala at isa pa, Magkatabi tayo matutulog.

;Sige nakapito pa lang naman tayo e, may tatlo pa,

(My goodness nagkamali yata ang pagiging palaban ko this time paano kung wala akong makita? Hell no, kailangan ko talagang makahanap at delikado ang pagkababae ko)

(End of Flashbacks)

At dito na magsisimula ang kalbaryo ng buhay ko,

Sumakay na kami sa Jeep at pumwesto kami katabi ng Driver medyo payat naman ako kaya nagkasya kami, nahihirapan akong mag isip ngayon kasi hindi ko alam kung bakit pumayag ako sa deal ng lokong to, pero may advantage naman ako dito pero mas malaki ang disadvantage kapag nagkataon. Lahat ng pag iisip ko ay nawala ng biglang magsalita ng hindi ko naiintindihan ang katabi ko, habang nakatutok ang mga mata niya sa malayong bundok na aming natatanaw iyon ang bundok banahaw, tumingin ako sa mga pasahero sa aming likuran gamit ang salamin sa itaas namin, wala namang kakaiba pero kinabahan ako ng naging malinaw na ang sinabi ng katabi ko,

"Naaamoy ko ang kapahamakan at dugo na sasaboy sa lupang ating tinatahak"

"Ano bang sinasabi mo aso,?"

Wala akong nakuhang tugon sa kanya kundi ang tanging paghapit lamang ng kamay niya sa aking palad

Biglang nagdilim ang kalangitan natatanaw ko ang naglalakihang hibla ng mga kidlat at dagundong ng mga kulog na nagmimistulang kapahamakan ang dulot.

"MAGSIKAPIT KAYO"

Yan ang huli kong narinig bago mawalan ng balanse ang aming sinasakyan kasabay nuon ang pagtama ng kidlat sa amin na ramdam na ramdam ko kung gaano kasakit.

..........

Third Person Pov:

Nawalan na nang tuluyan nang balanse ang Jeepney na sinasakyan nila Sydney nagpagulong gulong ito sa may bangin at nagkalasug lasog ang mga parte nito,

maging ang mga sakay nito ay tila wala ng buhay dahil sa pagtama rin ng napakalakas na kidlat sa kanila,

Hanggang sa huling hininga ay nasaksihan muli ng mga bathala ang pag iibigan ng dalawa na magkahawak pa rin ng kamay kahit duguan na ang kanilang buong katawan, tunay nga ang kasabihan na kahit nakakalimot ang isipan ang Puso pa rin ang magdedesisyon ng lahat.

Gumalaw ng konti ang kamay ng dalaga at iminulat niya ang kaniyang mga mata kahit hinang hina na siya.

Tiningnan niya ng maigi ang taong nakahawak sa kamay niya, at ngumiti ng pilit.

Nagmulat din ng mata ang lalaki kahit hirap na hirap na ito at tiningnan niya rin ng maigi ang muka ng kaniyang sinisinta sabay silang napangiti at dinama ang hangin na humahampas sa kanila.

Naalala ng babae ang lahat lahat at ang mumunting luha ay patuloy na pumatak.

Pilit na inabot ng lalaki ang mga mga mata ng babae upang pahiran ang mga luhang patuloy na lumalandas at ngumiti siya ng kay pait rito,

"Daga, patuloy kitang hahanapin hanggang dulo" at ang mga luha ng lalaki ay lumandas na nang paunti unti.

"Ikaw ang nagbigay ng balanse sa aking puso at ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko kahit ganito ang sitwasyon ng ating mga kapalaran" 

"Hanggang sa muli aking Mahal"

"Sa susunod nating buhay sana may tumulong na sa ating mga hinahangad"

"Kalayaan sa Sumpa at pagmamahalan nating dalawa" mararamdaman mo sa kanilang mga mata ang paghihinagpis na kahit ang mga puno, halaman at kalangitan ay sumabay sa bugso ng kanilang damdamin.

Hindi mawari ng kalikasan na makita ang dalawa sa ganoong sitwasyon maging sila ay walang magawa kahit gustong gusto nilang tumulong.

Pumikit na ang binat at nawalan na ng hininga,

Humagulhol ang dalaga at wala siyang ibang magawa, ilang minuto na lang ay mawawalan na rin siya ng hininga.

"Aso, Hindi na ako papayag sa susunod nating buhay na mawala ka pa sa akin" puno na ng luha ang kaniyang mga mata, luha ng paghihinagpis, kirot at pagdadalamhati ang kaniyang nadarama.

"Ang mga bathalang masaya sa kanilang ginagawa sa ating tadhana ay dapat ng wakasan" sambit muli ng dalaga na nanghihina at namamaos na ang mga dila.

Sa ngalan ng aking kapangyarihang hawak"

AKO SI SYDNEY MILLER,

THE BALANCE,

NAGSUSUMAMO SA BATHALA NA WALANG PANGALAN AKO'Y INYONG DINGGIN,

BATHALA NA KINALUMATAN NG LAHAT AKO'Y INYONG TULUNGAN, SA KABILANG BUHAY AKO'Y MAGIGING TAPAT.

"patuloy na lumandas ang mga luha sa mga mata ng dalaga habang hawak niya pa rin ang mga kamay ng kanyang sinisinta at muling bumigkas ng mga salita.

(eímai o zygós i isorropía tis zoís

Anazitóntas tin Agápi

Akoúste ti foní mou

Ágnostos Theós

tou Sýmpantos)

(eímai o zygós i isorropía tis zoís

Anazitóntas tin Agápi

Akoúste ti foní mou

Ágnostos Theós

tou Sýmpantos)

(eímai o zygós i isorropía tis zoís

Anazitóntas tin Agápi

Akoúste ti foní mou

Ágnostos Theós

tou Sýmpantos)

Tumama muli ang isang malaking hibla ng puting kidlat sa kanilang dalawa at kasabay ng mga iyon ay ang paglalaho nilang dalawa na parang isang hangin lang na nawala.

____________

:Narinig ko ang hinaing ng inyong mga puso, ako'y magbabalik at kayo ang magiging susi sa lahat, humayo kayong dalawa, at ang basbas ko ay inyong madadala.

:Tama na ang pagtatago ko, at kayong lahat ay iipunin ko, hintayin niyo lang ako.

____________________________