JAYDEE'S POV:
: Matapos ang pagkikita namin ay nag-almusal muna kami kahit medyo late na pumunta kami sa isang Karenderya sa tapat ng School at masasabi kong lahat ng ipinapakita niyang ngiti ay totoo at walang halong pagkaka-ilang kahit ngayon na lang uli kami nagkita. Pero bago ang lahat my name is JOHN JAYDEE VALLERIAN sabi nga nila gwapo ako well sadyang ganun pero isang tao lang talaga ang nagugustuhan ko. Kasalukuyan kaming naglalakad upang makapunta daw sa paradahan ng Jeep para marating namin ang kabayanan na aming pupuntahan, ang saya niya kasama kasi puro siya kwento tungkol sa buhay niya kahit ngayon lang uli kami nagkita nakakalungkot ang Istorya niya pero nahanga ako sa kanya dahil nandun pa rin ang ugali niya na walang inaatrasan kahit medyo iyakin siya. Narating namin ang paradahan at sikip na nga Jeepney na aming sasakyan, iisa na lang pati ang upuan at nasa gilid ng pinto pa ito , sabi niya wag na daw muna kami sumakay sinulyapan ko ang ibang jeep kung meron pa pero mukhang wala na medyo matatagalan kami kung maghihintay pa kami sabi ko sa kanya ay wala ng kasunod dapat sumakay na kami para makapunta agad kami sa kabayanan natawa pa ako dahil gusto niya na siya ang sasabit sa jeep at ako daw ang maupo dahil siya naman daw ang Tour Guide ko.
SYDNEY'S POV:
:Pinipilit ko na siyang pasakayin at pumuwesto na ako sa may pinto ng Jeep para makasabit na, pahirapan ko pa siyang mapilit at sa wakas ay sumakay na rin siya, umupo siya sa may upuan sa malapit sa pinto at laking gulat ko ng hapitin niya ang bewang ko at napaupo ako sa kandungan niya nanlaki ang mga mata at nakita kong parang wala lang yun sa kanya
:Wag kanang makulit naandar na ang jeep baka mahulog ka pa"(saad niya sa akin)
Wala na akong nagawa kundi umupo na lang inilibot ko ang mga mata ko sa loob at pinamulahan ako ng mukha ng nakita ko ang mga ekspresyon ng aming mga kasabay sa Jeep, nakangiti sila na kala mo ay kinikilig at may isa namang teenager na kinuhanan pa kami ng litrato sabay peace sign sa akin!. Wala na akong nagawa kundi ang yumuko dahil sa hiya at dahil na rin sa sobrang pula na yata ng muka ko sa mga oras na ito.
------------------
Nakarating kami ng matiwasay sa kabayanan at sabi ko ay dumiretso muna kami sa Waltermart para makapamasyal at para makabili ng kanyang kakailanganin, sumang-ayon naman siya sa akin.
:Hoy aso! Nakakahiya yung sa jeep kanina ah! (Saad ko para makapagsimula ng topic)
;Alangan namang pasabitin kita dun baka mahulog ka pa sa kalsada tapos masagasaan ka ng malaking truck tapos maipit ang buong katawan mo hanggang sa magkanda putol putol at makita na lang kita na labas ang utak habang nakahimlay sa kalsada
(Saad niya ng walang tigil)
;Exag mo naman masyado, hindi ba pwedeng ma Hospital muna!
Saad ko nang natatawa hindi ko kasi alam na mayroon siyang ugaling ganun, Hindi ko rin malaman kung bakit nakagaanan ko na siya ng loob kahit Ilang oras pa lang kaming magkakilala may part kasi sa akin na parang matagal ko na siyang kilala atsaka parang namiss ko siya sa hindi ko malamang dahilan.
Pumunta na kaming Walter inuna namin ang Bookstore kasi gusto kong bumili ng kakailanganin ko na makakatulong sa akin makalimot ng konti sa problema, Pamparelax ko kasi ang mga Libro.
:Ikaw ba di ka ba bibili ng libro?
Tanong ko sa kanya nasa likod ko lang kasi siya at nagkukuntinting ng kanyang CP.
:Hindi atsaka ano ba yang binibili mo mga pambata seriosly Fairytails? Sagot niya
:Ito lang kasi ang libro na nakakapagdala sa akin sa ibang mundo na walang problema at puno ng imahinasyon!
Saad ko ng nakangiti habang hawak ang isang libro!
Ramdam ko na napatitig siya sa akin saglit at may binigkas na kataga na hindi ko naman maintindihan.
Pumunta na kami sa isang Food Court na may ibat ibang pagkain sabi niya kasi kumain na muna uli kami dahil pasado ala-una na. Umorder na kami ng kaugnay sa aming panlasa at nagkuwentuhan kami tungkol sa buhay namin.
:Mayroon akong gustong tao pero lagi siyang nawawala at bigla na lang uling susulpot!
Pag-oopen niya sa akin
:Bakit naman? Dapat kasi tinatali mo na siya para di na siya mawala! Bungisngis ko
:Sa tingin mo kapag nagawan ko ng paraan na manatili siya magiging masaya kaya siya?
Tanong niya sa akin!
Bigla naman akong natigilan sa pagsubo ng aking kinakain at napatingin sa kanya.
:Oo naman kung masaya naman siya sa piling mo bakit hindi?
(Saad ko na may halong lungkot siguro ang swerte ng iniibig niya ngayon)
:Kahit buhay ko pa ang kapalit? Mananatili siya pero ako naman ang mawawala!
Nabitawan ko na ang kubyertos na hawak ko at napatingin sa kanya may bahid ng lungkot ang kanyang mga mukha at tila nahihirapan siya ngayon.
:Kung mahal niyo talaga ang isat-isa handa kayong magsakripisyo, Ngunit sa tingin mo ba? magiging masaya siya kung mawawala ka?. Kung ikaw ang buhay niya mawawalan ng saysay ang lahat kung mawawala ka! Tumingin ako sa mga mata niya at nakipagtitigan sa kanya.
:Ano ang dapat kong gawin sa tingin mo?
:Ipaglaban niyo ang isat-isa walang manlalamang at walang lalamang mas makapangyarihan ang pag-ibig kapag parehas niyo ipinaglaban ang inyong puso.
Saad ko ng nakangiti at tila nabuhayan naman siya.
:By the way, ano pala yung nakita ko sayo kanina nung nag-away tayo ang astig nun ahh may Powers ka ba? Tanong ko sa kanya ng may amazement ang muha
:Katulad ng binabasa mo lagi, Oo meron at ikaw ay mayroon din nararamdaman ko yun.
Saad niya at tumingin sa akin
"Nakagalaw ka kanina sa Petrifying ability ko kahit di ko pa naman ni dedefuse yun ibig sabihin malakas ang kapangyarihan mo" saad niya ng may seryosong mukha
:Wag mo nga akong binibiro ng ganyan umaasa ako eh! Astig kaya kapag mayroon kang powers tapos mapapadpad ka sa ibang mundo! Saad ko ng nakangiti at humalumbaba.
:To be Honest hindi ako narito upang makita ka lang, nandito ako kasi sasama kana sa akin sa ayaw at sa gusto mo.
Saad niya ng seryoso na nakapagpaseryoso ng mukha ko
:Bakit sa...an mo. Ako dad.al.hin?)
Tanong ko ng nauutal dahil kinakabahan ako sa kanya
:Sa Mundo kung saan ka talaga nababagay hindi ka taga rito Sydney mahahanap mo ang lahat ng kasagutan sa pagkatao mo kapag nakauwi kana.
Tumungo ako ng bahagya at nagsimulang mag-isip napakaraming bumabagabag sa utak ko at tila tatakasan na ako ng katinuan. Simula ng malaman ko na ampon ako ay tinangka ko na rin hanapin ang totoo kong magulang, at ang totoo nilang dahilan..
...........
......
Please Support my Story and kindly recommend it to your Friends, Salamat po💞🙈