Chapter 3 - CHAPTER 2

"There was a Rainbow after the Rain"

Sydney's POV:

Nagising ako ng 4 am para pumasok sa eskwela at gumawa ng gawaing bahay as usual lagi na lang ganito bumili muna ako ng noodles sa kalapit na tindahan at kape para makapag almusal na rin ako. After kong magluto ng aking kakainin nagluto na rin ako ng kakainin nila mama at naglinis muna ng bahay para di ako mapagalitan or mai Chismis na naman. Araw-araw ay ganito na halos ang ginagawa ko maliban na lang kung walang pasok.

Natapos ako sa lahat ng mga gawain ko ng bandang alas-cinco at nag prepare na rin ako para pumasok sa eskwela mukhang maaga pa yata pero mabuti na rin yun para makapag aral ako sa School mag ba-browse lang ako sa aking mga notes baka may surprise quiz na naman kasi.

Dahil sa kakakuda ko sa inyo hindi ko na namalayan na nakarating na ako sa School at mukhang ako pa lamang ang nag iisang estudyante roon.

"Abah! Hija ang aga mo na naman tapos ang late mo na umuwi sa inyo"

Panimulang pangbungad sa akin ni Kuya Guard.

"Haha! Kuya naman parang di naman kayo sanay?" Sambit ko

"Oo nga naman aahhahaha! Nag almusal kana ba Hija, halika sabayan mo muna ako" alok niya.

"Wow! May pa almusal si Kuya pero cge po di ko yan tatanggihan" tugon ko alam niyo naman bawal tanggihan ang grasya.

"Ano pang hinihintay mo kain na, ayan ang plato at umupo kana jan" sambit niya ng nakangiti

Nagkwentuhan kami ni Kuya Guard tungkol sa mga pangyayari sa buhay namin kung hindi niyo natatanong close tlga kami ni Kuya Guard taga Isabela siya at nadestino dito sa Quezon sa aming paaralan siya ang Head ng mga security guard dito sa amin. May anak rin siya na pinapa-aral at lalaki siya yung asawa naman niya ay namatay after ipanganak ang nag iisang anak nila. Open rin ako kay Kuya Guard at alam niya lahat ng pinag dadaanan ko sa tanang buhay ko siya lang ang kaisa isang taong tumanggap sa akin sa kabila ng lahat. Lagi niyang sinasabi sa akin na lahat ng bagay ay may dahilan kumbaga, lahat ng pagdadalamhati ay may kapalit na kasiyahan.

Sa sobrang haba ng kwentuhan namin ni Kuya Guard di ko namalayan na marami-rami na pa lang estudyante ang napasok sa aming paaralan nasa Gate kasi kami sa Guard House kinuha ko muna ang cellphone ko at tumingin ng Oras it's already 6:30 A.M na pala di na ako nakapag open notes ahahaha. Pero nabusog naman ako sa Pansit at Pandesal ni Kuya Guard kung hindi niyo natatanong nasa Early 40 lang si Kuya Guard matipuno ang katawan at maitsura sa lahat ng Guard dito at may mga estudyante rin na pinagnanasahan siya natatawa ako kasi Gusto daw siya nung isang Estudyanteng maging Sugar Daddy ahahah the fuck. Tama na muna ang satsat at alas-syete na. Pasok ko kasi ay Simula 7:00 am to 5:00 pm ang haba noh ganun tlga.

"Naku! Hija ikaw ay pumasok na at baka malate ka pa"

"Oo nga po hehe! Salamat po uli sa Almusal sa uulitin ahahah"

"Hahahah Oo nga pala Hija darating ang aking anak bukas wala naman kayong pasok bukas diba? Pwedeng bang samahan siya mag ikot ikot muna kayo" nakangiti niyang sambit

"Weh? Nung isang linggo pa sinabi niyo yan sa akin eh di naman natutuloy!"

"Ahahah Tuloy na ngayon nagkaproblema lang siya tlga sa School" napabungisngis siya habang nagsasambit ng mga salita

"Cge po! Excited na rin po akong makilala siya" una na muna po ako at mag ta time na"

"Cge Hija! Ingat ka" pagpapa alam niya sa akin na tila may kahulugan o baka guni guni ko lang yun hayssss, nevermind.

Umakyat na ako sa ikatlong palapag ng aming silid-aralan at halos mabingi ako sa ingay ng aking mga kaklase wala akong kasundo sa kanila kasi namimili sila ng kakaibiganin nila nagkaroon ako ng kaibigan sa kanila pero nung narinig ko ang mga usapan nila patalikod tungkol sa akin, ako na ang lumayo sa kanila at nanahimik na lang

__________________________________

Natapos ang buong school hours ko ng wala namang pinagbago nagkaroon lang naman ng surprise quiz at as usual yung dati kong kaibigan tumabi na naman sa akin na akala mo close talaga kami. Pero marupok ako hehe Pinagaya ko sila kasi baka bumagsak pa sila kawawa naman.

Pauwi na ako sa amin ng may tumawag sa akin mula sa gate ng aming paaralan habang kumakaway.

"Hija! Yung anak ko bukas ahh ikaw na bahala" nakangiting sigaw niya

"Nag thumbs-up na lamang ako para hindi agaw atensiyon sa iba.

Nagwoworry ako kasi baka di kami magkasundo ng anak niya lalaki pa naman ito baka masungit.

Pero ok lang yun papatalo ba ako? "Deadly Smirk"

Nakauwi na ako sa bahay at wala akong nadatnan na tao dito siguro namimili pa sila kaya wala. Pumunta na ako sa kuwarto ko at hindi ko alam kung bakit pagod na pagod ang katawan ko at kusa na akong nakatulog sa kama ng naka uniporme pa.

---‐--------------------

Short Ud