Chapter 5 - CHAPTER 4

Sydney Miller's POV:

:Ginawa ko na ang dapat kong gawin inilagay ko na sa aking Bag ang ilang mga Damit at konting abubot sa aking buhay.

May naitabi naman akong pera simula High School sa aking pag iipon siguro sasapat na yun sa dalawang buwan kong kakailanganin alam ko kasing darating sa puntong ganito. Kailangan ko na ring makapaghanap ng trabaho para matustusan ang aking pangangailangan sa araw-araw, tuloy-tuloy naman ang pagtustos ng ate ko sa akin kaya maswerte na rin ako dahil may kapatid akong tinuring akong totoong pamilya kahit alam niya ang totoo na ampon ako. Natapos ang pagmumuni-muni ko ng nag vibrate ang Cellphone ko dali-dali ko itong kinuha para mabasa ang mensahe na galing kay Kuya Guard magkita daw kami sa School ng 10am para daw mahaba haba ang pamamasyal namin nag reply na lang ako ng "Sige po basta Libre niyo ahh"

Natawa naman siya at sumang-ayon na rin kasi siya naman daw ang nakiki-usap.

Natapos ko na lahat ng kailangan kong gawin nailagay ko na ang lahat ng aking kakailanganin sa bag ngayong araw na ito ay hahanap muna ako ng aking matitirahan sa kabayanan since, maglilibot naman kami ngayon atsaka bukas ako aalis dito ng maaga para hindi agaw pansin sa paningin ng masa.

Bumangon na ako sa pagkakahiga at kinuha ang isang box na may lamang liham ni papa atsaka may isang kalawangin na orasan duon parang stopwatch siya, mayroon ding isang bilog na Jolen dito na mayroong simbolo sa loob ng Dalawang timbangan na magkapulupot ito na lang ang naiwan sa akin ni Papa kaya tinatago ko ito kahit parang laruang pambata ang mga ito.

--------------------------------------------------

Sa ngayon, naglalakad na ako papuntang school suot ang simpleng Jeans na pinarisan ng isang simpleng T-shirt at Sapatos na medyo kalumaan na.

Habang naglalakad ako panay ang tinginan ng mga chismosa naming kapit-bahay na tila kilalang kilala nila ako kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ng hindi sila pinapansin.

Dahil sa kakakwento ko tungkol sa paligid ko hindi ko namalayan na nandito na ako sa tapat ng Gate ng aming Pamantasan at nagsimula na akong maglakad muli upang makapasok sa Guard House dahil duon daw kami magkikita ng kaniyang anak.

Well, Kinakabahan lang naman ako ng konti kasi baka maattitude yung anak at baka magbangayan lang kami.

:Oh Hija anjan kana pala halika at ipapakilala muna kita sa aking anak.

Sabay aya niya sa akin sa loob nakita ko ang isang lalaki na prenteng nakaupo medyo busangot ang mukha pero di maipagkakailang gwapo siya dahil sa kapal ng kanyang kilay pointed nose, makakapal na pilik mata at kissable lips na masarap pa yata sa Cotton Candy, wait wut? At kailan pa ako nangilatis ng mukha ng tao?

Natigil ang pag iisip ko ng tumayo ang lalaki sabay Kindat ng may malamanyakis na ngiti ohwow!

:Parang ngayon ka lang nakakita ng gwapong katulad ko sa tanang buhay mo?

Saad niya ng hindi nababawasan ang ngiti na nakakainsulto!

:Ay sorry naman, akala ko kasi Rapist eh!

Sabay rolyo ng aking mga mata

Napatawa naman si Kuya Guard sa Asal namin at lalabas naman daw muna siya para makilala namin ang bawat isa, Oh no! Kuya Guard wrong timing ka naman!

Humarap uli ako sa asong ito at kinabahan ako kasi parang mangangain na ito ng buhay dahil sa titig niya habang busangot ang mukha.

:Ikaw pa lang ang nakakapag sabi ng mga salitang iyon sa akin!

Lumapit siya sa akin at ako naman eto atras lang ng atras at hindi ko rin maialis ang titig ko sa mga mata niya. Tinibayan ko ang loob ko para masagot ko siya.

:Hoy! Aso! Hindi lahat ng tao nagagwapuhan sa mukha mo para sa akin pang display lang yan sa Pet shop.

Ohmo! Napatakip na lang ako ng bibig sa mga sinabi ko at halos umusok na ang muka netong asong ito.

:Sakto wala si Tatay Gusto mo ba makita ang bangis ng aso na sinasabi mo?

Tanong niya sa akin na nakapag paakyat ng dugo sa Aking ulo tatakbo na ba ako? Kasi palapit siya ng palapit sa akin habang magkatitigan kami ng malapit na ako sa pintuan at akmang hahawakan ko na ang siradura niyo ay bigla na lang itong nagkaroon ng lock at hindi ko na ito mabuksan labis-labis ang kaba ko ng nakita ko siya na pumitik at parang isang manika naman ako na biglang natuod sa aking kinalalagyan, hindi ako makagalaw pero bakit? Bakit hindi ako makagalaw? Nanunuyo na ang lalamunan ko sa sobrang takot at kaba dahil halimaw pala itong kaharap ko at mukhang katapusan ko na.

Naglakad siya palapit ng palapit sa akin at kita ko ang itim niyang mga mata na nakapagpadag dag ng takot sa akin. Nakalapit na siya ng husto at parang isang pulgada na lang ang aming espasyo sa isat-isa, Hindi ko namalayan na tumulo na ang aking mga luha I hate it kasi lagi ko na lang dinadaan sa iyak ang lahat umiyak na ako at ipinikit ang aking mga mata ayaw kong makita ang reaksiyon niya, sa pagkakataong iyon ay naigalaw ko na ang aking katawan at nawalan ng balanse ang aking mga paa napaluhod ako sa sahig na sapo ang aking mga mukha ayaw kong makita ang reaksiyon niya kasi lahat naman sila ay laging natutuwa kapag umiiyak na ako simula pagkabata ko tuwing iiyak ako tinatawanan nila ako miski mga kaibigan ko ano bang pakiramdam ng kino Comfort? Gusto kong maranasan yun kaso walang gumagawa nun sa akin.

Ramdam ko na umupo ang lalaki sa harapan ko para maging kapantay ko siya hindi pa rin ako tumitingin sa mukha niya at baka natatawa na siya sa oras na ito.

:Natakot ba kita ng Husto Sorry!

Sinscere na pagkakasabi niya na nakapagpa-angat ng ulo ko, Bigla niya na lang akong niyakap na ikinabigla ko, Ang init sa pakiramdam parang napapawi ang lahat ng aking pag aalala, Ganito pala ang feeling ng may nagcocomfort? Napahagulhol na ako sa sobrang daming emosyon ang humalo-halo sa isipan ko Masaya ako kasi for the First time may ibang tao na nakapagpagaan ng loob ko.

:Sorry again! Ang tagal kitang hinintay muli at ngayong nandito kana gagawa na talaga ako ng paraan para makalaya na tayo.

Saad niya ng nakangiti pero di ko naman maintindihan ang sinasabi niya, Yung ngiti niya na ang hindi ko makalimutan dahil sa kauna unahang pagkakataon biglang kumabog ang dibdib ko!

:Ok na ako! Salamat pala sa pagcomfort First time ko kasi!

Saad ko ng nakangiti sa kanya at iniabot niya naman sa akin ang panyo niya para sa aking luha.

:Im JOHN JAYDEE VALLERIAN! sorry kasi alam kong ito ang una nating pagkikita at naging hindi maganda pa. ikaw kasi eh sinabihan mo ako ng aso!

Pagmamaktol niya habang nakanguso. Awwwsss cute naman

Napahagikhik na lang ako sa asal niya.

;SYDNEY MILLER, Ang hangin mo kasi, pero wag na nating alalahanin yun kung hindi man maganda ang pagkikita natin, eh dih! Sa ibang paraan na lang tayo bumawi sa isat isa!)

Saad ko ng nakangiti nakita ko ang pagsilay ng mumunting hibla ng kasiyahan sa kaniyang mga mata.

:Oo nga naman, Daga! Para patas na tayo!

Saad niya na nakapag pangiti muli sa akin kasi di talaga siya papatalo.

:Oo aso atsaka may ipapaliwanag ka sa akin mamaya ahh nawewerduhan pa ako sayo kanina eh!

Napakamot naman siya ng batok na ipinakita ang malainosenteng mukha niya ngayon. Ito na ba ang simula ng lahat? Na sinasabi sa panaginip ko? kung eto nga ang simula ay lubos ko itong tatanggapin dahil ngayon lang ako nakaramdam ng kakaibang di maipaliwanag sa tanang buhay ko.

-----------------------

Please support my story Ty💞