Chapter 4 - CHAPTER 3:

"Naimulat ko ang mata ko sa isang madilim na pasilyo at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing tanglaw sa daraanan ko,

Ewan ko ba pero hindi ako nakakaramdam ng takot sa mga oras na ito kundi tanging kalinawan lamang ng aking isipan.

Dumiretso ako sa paglalakad hanggang sa may makita akong mapusok na liwanag na waring hinihigit ang aking kamalayan, binantas ko na lang ang daan upang marating ko ito. Isang pagkamangha ang aking naramdaman ng bigla na lang ako higipon nito na tila isang imbudo ramdam ko ang pag ikot ng buong sistema ng kamalayan ko,

Saglit akong napaupo upang bumawi ng lakas habang nakapikit.

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at nilibot kung saan ako napapunta, Nasa isang lugar pala ako na kita ang mga bituin at ibat-ibang mapupusok na naggagandahang mga ilaw mula sa kalawakan, nakakaakit  sa paningin ang mga hitsura nito naging abala ako sa paglandas ng aking mga mata.

"Napakaganda diba?"

(Isang boses ng babae)

Hindi ko ito nilingon dahil sa kaba ngunit may isang parte sa utak ko na dapat ko siyang masilayan ngunit paano kung Halimaw ito tapos paglingon ko ay bigla akong kainin.

"Haha! silly, c'mon Hindi ako halimaw kaya lumingon kana at baka masabunutan pa kita"

Luh! Paano niya nalaman ang nasa utak ko?

Pero dahil na rin takot akong masabunutan ay nilingon ko na ito.

Napanganga ako sa nakikita ko Tila isa itong Anghel sa kagandahan mayroon siyang Puting Buhok na bumagay sa mala Porselana niyang kutis, na pinaresan ng Puting tela na nakatakip sa kanyang dibdib at pambaba sumilay ang ngiti sa kanyang labi na labis kong ikinamangha.

"LAWAY MO NAMAN BALUGA KA BA?"

Sigaw niya sa akin na nagpabalik sa aking huwisyo.

"Grabe ka naman na Starstruck lang naman ako sa Ganda mo"

Saad ko dito.

"Haha!Maliit na bagay"

Tinapik niya ang  balikat ko na may patakip takip pa ng bibig na animo'y karengkeng.

Grabe napakahangin naman neto hindi alam ang salitang Humble.

"By the Way nasaan po pala ako?"

Tanong ko sa kanya upang maiba ang usapan at malaman kung bakit ako nandito. Biglang sumeryoso ang kanyang mukha na may bahid ng lungkot ang kanyang mga mata.

"Nandito ka sa kawalan"

Umikot ito at tiningnan ang kalawakan

"Dito ka nagsimula at dito ka sa akin nagmula, Sinusubaybayan kita simula pagkabata at ang pagdadalamhati mo ay akin ding nadarama"

Tumigil ito sa pagsasalita at humarap sa akin, Ako naman eto Hindi ko alam ang sinasabi niya dapat pala di ko na siya tinanong.

"Tanggapin mo ang iyong kapalaran at aasahan mong nasa tabi mo lang ako"

May kinuha siya sa kanyang leeg at inilahad niya ito sa akin

"Tanggapin mo ito at magsisimula na ang lahat pagkatapos nito"

Isa itong kwintas na may Pendant ng Araw at sa hibla nito ay may ibat ibang Simbolo na hindi ko maintintindihan.

"Naku, Hindi ko po yan matatanggap kasi mukha pong mahal yan"

Bumungisngis naman siya at naglakad sa likod ko. Siya na mismo ang nagsuot nito sa akin natuwa naman ako kasi napakanda pagmasdan ng Kwintas na ito.

Ng ilapat ko ang aking mga kamay sa pendant ay bigla na lang itong nagliwang at may pumasok na ibat ibang simbolo sa utak ko na hindi ko mawari kung ano,umikot na rin ang pangin ko at nakita ko siya na may isang magandang ngiti at binigkas ang katagang

"Matagal kang nawala at ngayon ay magbabalik kana, Isang kang napakagandang binibini anak ko na may busilak na puso sana'y pairalan mo yan habang-buhay at iyan ang magsisilbi mong gabay sa kakaharapin mong pagsubok sa panibago mong buhay"

Dahan dahan  nagdilim ang aking paningin at bigla akong napangon sa aking higaan na habol ang aking hininga.

Panaginip lang pala akala ko totoo na.

Bigla naman akong nakaramdam ng malamig na mabigat sa leeg ko at parehong nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla

Ang kwintas nasa leeg ko ibig sabihin totoo yun.

Pero pinili ko na lang bumangon at gumawa ng rituals ko at pilit isinantabi ang nasa utak ko.

Pero di ko maiwasang isipin yun dahil iyon ay napaka werdong bagay na nangyari sa tanang buhay ko.

:Oo nga pala ngayon nga pala ang araw kung kailan darating ang anak ni Kuya Guard mamaya na lang ako pupuntang School para sunduin siya at para mailibot ko na rin siya sa kabayanan.

Naglinis na ako ng Buong bahay atsaka nagluto na rin ako ng kanilang kakainin para maging payapa ang aking pag alis ahahahha payapa talaga kasi baka ma ichismis na naman ako hayssss.

Habang nagluluto ako ay nakarinig ako ng dalawang nagtatalo pinakinggan ko sila kahit nasa kwarto sila dahil ang lalakas naman ng mga boses nila.

:Alam mo Dapat kasi pinapalayas mo na yang Sampid sa bahay natin Euli.(Stepfather ko)

Alam kong ako ang pinag uusapan nila sa mga oras na ito.

:Ano ka ba nakuha lang ako ng tamang tyempo kasi baka magwala ang mga kapatid niyan. (Boses ni mama na may halong pag ka irita)

:At kailan pa ang tamang panahon Euli?

:Basta (saad ni mama)

:Anong gusto mo ako ang lalayas sa pamamahay na ito o siya ang palalayasin mo sagutin mo ako Euli? (Anang Stepfather ko sa pasigaw na paraan)

:Ano ka ba alam mo naman na ikaw ang pipiliin ko kaysa sa Ampon na batang iyon hindi naman lingid sa iyong kaalaman na napulot lang naman yan sa Construction site na pinagtatrabuhahan ng Bwesit kong Asawa dati.

(Nanlaki ang mga mata ko at kumawala ang ilang hibla ng luha sa aking mga mata nabitawan ko pa ang hawak kong sandok na gamit ko sa pagpiprito ng itlog. Alam ko naman na Ampon ako kasi nabasa ko ang nakasulat sa liham ni Papa ng siya ay pumanaw na ang hindi ko lang matanggap ay mas masakit pala kapag hindi ka pinili ng tinuring mong magulang at kapag nanggaling mismo sa bibig nila na ampon nila ako.

Tinapos ko na ang pagluluto ko at pinahid ko na ang mga luha na kumawala sa aking mga mata.

Nakita kong lumabas ang Stepfather ko sa kuwarto nila at ng magtama ang aming paningin ay Inismiran niya ako bagay na nakapagpayuko ng ulo ko.

Kailangan ko na talagang humanap ng matitirahan at mapapasukang trabaho kasi ayaw kong maghakot ng atensyon ng mga kapit bahay namin kapag pinalayas ako, kailangan kong mag first-move para sa katahimikan ng lahat.

____________________________________________________________________

1k+words