Kitkat Reyes' POV
'Pa'no nangyari 'yon? Pa'no ako napunta sa mismong kwarto ko? Sa pagkakaalala ko kasi eh nasa hotel pa kami n'on. At tiningnan ko 'yong date sa cellphone ko, nalaman ko na lang na dalawang araw akong tulog?
"TABI!"
Dahil sa gulat, agad akong nabalik sa realidad at dali-daling tumabi nang may lalaking nakabiseklita sa harapan ko na nagmamadali. Napahawak ako sa dibdib at damang-dama ko ang sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko.
"Muntikan na 'yon!"
Naglalakad kasi ako ngayon papuntang classroom sa 4th subject namin at hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari sa 'kin. Late na nga ako kasi tanghali ako nagising.
Huli kong naalala ay nilapitan ko si Jax habang natutulog siya at humiga ako sa tabi niya para titigan ang mukha niya.
Muli na namang uminit ang mukha ko sa ginawa kong 'yon. 'Di ko alam ang wild ko pala. Tumatabi sa isang lalaki sa iisang kama. OMG!
Napahinto naman ako nang wala sa oras.
Teka lang! 'Di ko na maalala ang kasunod no'n! OMG! So ibig sabihin... may chance na nakatulog ako sa tabi ni Jax?
'IBIG SABIHIN NAKITA NIYA AKONG NATULOG SA TABI NIYA? OMG! OMG!
Ano na lang iisipin niya sa 'kin?
'Ba't ba kasi ako nagpapadala sa emosyon n'ong gabing 'yon? Gusto ko lang naman sabihin sa kanya ang gusto kong sasabihin nang tulog siya. Gusto ko lang ilabas ang mga thoughts ko n'ong mga oras na 'yon eh! Bakit pa ako humiga sa tabi niya?
OMG! So ano nangyari kasunod n'on?
Hinahampas-hampas ko ang ulo ko sa katangahan ko. Tanga na nga tingin niya sa 'kin, nadagdagan pa. Eh naman eh!
Isa pa, hindi naman ako gan'on. Kahit n'ong kami pa nga ni Clark hindi pa kami nagkatabi matulog!
Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad.
'Pero si Jax naman iyon. Wala 'yong interest sa 'kin!
'Si Alfonso? Ano na kayang nangyari sa engot na 'yon?'
"Ew! Hindi ba siya nahiya at may lakas pang pumasok ngayon?"
Napatingin ako sa dalawang babaeng nakasalubong ko habang iniirapan ako.
'Problema ng mga 'yon?'
"Ikaw ba naman ipagpalit sa hot at maganda syempre magiging desperada ka! Hahaha diba?"
Feeling ko ako talaga pinaparinggan nila kasi nakatingin sila sa 'kin habang nakataas ang kilay at nagtatawanan.
"Tsaka nalaman pa nating hindi naman pala talaga sila n'ong Jax Blaine na 'yon pero nakikipag-one night stand na! Ew!"
Dahil sa narinig ko ang pangalan ni Jax, tiningnan ko na sila diretso kasi alam kong ako talaga pinag-uusapan nila.
Pero nakita kong hindi lang pala sila ang nakatingin sa 'kin. Lahat ng estudyante rito ay tinitingnan ako at magbubulungan. May sumusulyap pa tsaka magtatawanan.
Kahit wala akong idea sa mga nangyayari, hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan.
'Bakit? anong mga pinagsasabi nila?'
"Pft! Ginamit lang pala siya nong transferee laban kay Clark tsaka kung makadikit siya rito feeling totoong girlfriend na! Hahaha!"
"Double kill! Pinagpalit ni Clark at pinaglaruan ni Jax. Ouch naman! Easy girl kasi!" sabi pa n'ong lalaking napadaan din.
"Ano ka ngayon? Akala mo kasi kung sinong umasta n'ong girlfriend ka pa ni Clark!"
Hindi ako nakatiis at nilapitan ang babaeng unang nagpaparinig sa 'kin. Nakataas ang kilay niya at parang hinahamon niya ako.
Alam ko nasa akin lahat ng atensyon ng mga tao rito pero wala akong pake. Kasi hindi pa man malinaw sa 'kin ang mga pinagsasabi nila, parang naiiyak na ako.
"Anong sabi mo?" medyo napalakas ang pagsabi ko sa kanya pero tinulak ako ng kasama niya nang mahina na parang nanghahamon ng away.
Muli akong lumapit sa kanila. "Anong pinagsasabi n'yong tungkol sa 'min ni Jax ha?"
"Ha! Wow! Umaaktong inosente sa nangyayari!" pumalakpak pa siya. "Hindi mo ba nabasa ang headlines kaninang umaga sa website natin? May video doon na lumabas kayo ni Jax Blaine sa isang mamahaling hotel at buhat-buhat ka niya!"
"Ano?" naguguluhan kong tanong.
"Hindi sana lalaki ang issue kaso kinompirma ni Noreen kanina si Jax sa cafeteria at hindi siya nag-deny."
"Sabi nga niya kay Noreen, I thought your boyfriend is still in love with his ex so I played with his ex instead. Having sex with someone isn't big deal anymore!" sabat n'ong kasama niya na mas lalong nagpasakit sa 'king puso.
Halo-halong tanong ang gusto kong tanungin kay Jax ngayon. Parang nanigas ako sa aking kinatatayuan at pilit na i-process ang mga nangyari.
'Nananaginip pa rin ba ako? Madami bang nangyari sa loob ng dalawang araw?'
Dahil sa hindi ako makakilos dahil sa gulat, may ipinakita na isang video 'yong kasama niya na kuha n'ong nasa cafeteria sila.
Nakaupo si Jax habang kumakain at nakatayo naman si Noreen sa harapan niya. Nasa kabilang table naman sina Clark at ang myembro niya na nakatingin din kina Jax.
"But you and your boyfriend being bothered by it is a real big deal. Does it mean I succeeded my plan to use his ex? Does it mean he still have feelings towards her?" sabi ni Jax kay Noreen na nakangisi.
Inilayo na ng babae ang cellphone niya tsaka ako tinulak palayo sa kanila. Napaatras lang ako habang patuloy na umaagos ang mga luha ko.
Alam ko namang wala talagang feeling sa 'kin si Jax pero bakit niya ginagawa ito? Bakit niya sinasabi sa lahat na ginamit niya lang ako? Alam ko namang wala akong karapatang mag-demand kasi unang-una hindi niya ako girlfriend at pangalawa tinutulak niya ako palayo sa kanya.
Pero bakit sobrang sakit pa rin?
"Yuck! Akala mo kung sinong inosente eh bilis pumayag sa one night stand. Hahaha!" kumento n'ong may ari ng phone.
"Ikaw ba naman hihindi sa gwapo, matalino at mayaman diba? Hahaha so ano ang kay Jax? Malaki ba?"
Hindi ko alam pero bigla akong nagalit sa mga pinagsasabi nila.
"Bawiin mo 'yang sinabi mo!" patulak kong sabi sa kanya at dahil d'on mas nagalit siya.
"Aba!"
Agad niya akong sinabunutan sa buhok kaya sinabunutan ko rin ang buhok niya. Sobrang sakit ng ulo ko kasi sinasapak pa niya ako. Gamit din ng isang kamay ko ay hinawakan ko ang isang braso niya at binaon ang kuko ko doon dahilan nang napabitaw siya at napamura.
Bigla siyang umatras at agad din naman akong sinampal sa mukha. Napahawak ako sa pisngi ko habang narinig ko ang hiyawan ng mga taong nanunuod sa amin. Gaganti sana ako kaso...
"Anong nangyayari dito?"
Dinig na dinig ko ang nakakainis niyang boses na kahit hindi ko pa tiningnan alam ko kung sino na agad.
"Siya po 'yong nauna! Inasar lang na nakipag-one night stand nananabunot agad! Ito! Sinugatan pa niya ako Ms. Noreen!" pinakita niya kay Noreen ang braso niyang dumudugo ng kunti dahil sa sobrang pagbaon ko ng kuko ko sa braso niya.
Bakit sa lahat ng pumunta rito eh siya pa?
Nang makalapit siya sa 'kin ay walang sabi-sabi'y sinampal niya ako nang malakas dahilan nang natumba ako sa sahig. At naghiyawan pa ang mga estudyante dahil sa ginawa niya.
Noong una hindi big deal sa 'kin ang sistemang ganito, na dahil sa sila ang rank 1 sa gang ay nirerespeto sila ng lahat. Pero ngayong kahit anong bully nila sa kahit sino at pinagsusuportahan lang ng iba ay ang big deal sa 'kin. Na kahit hindi na tama, sinusuportahan pa rin ng karamihan kasi nasa kanila ang respeto.
Hindi naman talaga basta-basta mang-bully ang gangsters noon pero n'ong dumating si Noreen, parang nagbago ang sistema kahit 'di masyadong halata.
Sinabunutan niya ako para patayuin kaya napasigaw ako sa sakit at napahawak sa mga braso niya para bitawan ang buhok ko. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ako at gigil na bumulong.
"How dare you seduce Jax Blaine! How dare you bitch! I'll never leave you alone for seducing him!" gigil na gigil niyang sabi na kulang na lang eh papatayin niya ako sa inis.
Kung hindi ko pa nalaman na hinalikan niya si Jax noon, magtataka na sana ako sa kinikilos niya dahil boyfriend pa rin niya si Clark.
Nakalimutan kong si Jax na naman pala ang gusto niya ngayon. Bakit kaya hindi ito nakikita ng karamihan? Bakit hindi ito napapansin ni Clark? Ito ba 'yong ipinalit niya sa 'kin?
"What's this commotion?"
Bigla akong nanigas sa tinatayuan ko nang marinig ko ang boses niya. Agad ding binitawan ni Noreen ang pagsabunot sa buhok ko tsaka humarap kay Jax.
"I just gave her a lesson. Sinasaktan niya kasi ang isang estudyante dito! She just violated your rule!"
'Anong rule?'
"Shit takas na ako rito pre! Nandyan na si Jax!" sabi n'ong isang estudyante at nagmamadaling umalis.
"Kinatatakutan na nga ngayon ang student council nang siya na 'yong president! Ang brutal pa naman niya! 'Yong nangyari sa court..." nang tingnan ko ang isang estudyanteng nagsabi n'on, bigla na lang itong tumakbo nang walang dahilan.
Binalewala ko na lang at yumuko na lang. Ayoko siyang tingnan ngayon, parang iiyak lang agad ako kung makita ko ang mukha niya.
"Is that true Ms. Reyes?" tanong niya sa 'kin pero hindi ko pa rin siya tinitingnan. Tas ngayon sobrang formal na niya akong tawagin?
Bigla namang hinila ni Noreen ang buhok ko para iharap ni Jax. Sobrang sakit nang ulo ko kasi may halong panggigil ang pagsabunot niya.
"He's asking you! Learn to respect!"
Nang magtama ang tingin namin, hindi ko na nga napigilan ang mga luha ko. Nakatingin lang siya sa 'kin na parang wala lang. Na parang hindi niya ako sinaktan. Sa bagay hindi naman siya naniniwalang mahal ko siya at ginamit lang din niya ako. Wala siyang pake kung nasaktan man ako.
"Where's your manner bitch!"
"A-aray!" agad kong hinawakan ang braso ni Noreen nang mas hinila pa niya ang buhok ko. At tulad no'ng ginawa ko sa babae, binaon ko rin ang kuko ko sa braso niya dahilan nang napamura siya at binitawan ang buhok ko.
"How dare you!" at nakatikim na naman ako nang malakas na sampal. May suot pa siyang singsing kaya sobrang sakit ng pisngi ko!
"Enough! You're also violating my rule but I'll spare you for now," sabi niya kay Noreen kaya mas lalo lang akong nasaktan.
May favoritism siya! Totoo ngang nabighani siya kay Noreen!
Hinila ako ni Jax at kahit ayaw kong sumunod sa kanya wala akong magawa kasi ang lakas niya.
"I need to detain you for what happened here!"
Napatikom na lang ako ng bibig. 'Di ba niya alam na sobrang payat ng braso ko at baka mabali pa sa sobrang higpit ng paghawak niya?
Sa kahit sinong madadaanan namin ay napapatingin sa 'min at magbubulungan o pinaparinig na talaga sa 'kin. Pero nakakapagtaka na bigla-bigla silang iiwas kung tumitingin si Jax sa kanila na para bang kinatatakutan nila ito.
Bakit parang ang daming nangyari n'ong mga araw na tulog ako?
"So totoo ngang ginamit niya lang ang babaeng 'yan? Kawawa naman!"
"Bagay sa kanya 'yan! Kung umastang parang sino n'ong sila pa ni Clark!"
'Hindi naman ako umasta na parang kung sino. Sumama lang ako sa grupo nila dahil 'yon ang gusto ni Clark.
"Ito namang babae pumayag agad maka-one night stand si pres."
Pres? So totoo ngang si Jax na ang bagong president ng student council? Bakit at kelan?
"Tahimik lang 'yan n'ong transferee pa lang siya kahit na siya 'yong palaging top 1 ng school. 'Di ko pa rin makalimutan ang ginawa niya sa court! Napakabrutal!" bulong ng isang lalaki nang malagpasan ko kaya napahinto ako.
'Anong ibig niyang sabihin na nangyari sa court?'
Nauna kasi si Jax sa 'kin at nasalikuran niya ako habang hawak niya ang isang braso ko kaya ako lang ang nakarinig...
Nagulat na lang ako nang lumingon si Jax sa kanila dahilan nang napayuko ang lalaking nagsabi n'on.
Pa'no niya narinig 'yon eh nauna siya sa 'kin?
Walang kahit anong sinabi si Jax sa lalaki pero bigla-bigla itong lumuhod sa harapan niya.
"Sorry! 'Di ko sinasadya! 'Di na mauulit!" paghingi niya ng tawad na ikinataka ko kung ba't siya nag-so sorry kay Jax.
Pero mas lalo akong nagtaka nang nagsi-iwasan ng tingin ang ibang estudyante at 'yong iba ay umaalis. Bakit?
Bakit parang mawawalan sila ng buhay sa pagtingin lang ni Jax? Bakit ganyan sila kung matakot?
Dahil ba president na siya ng student council? O dahil ilang beses na niyang nakaaway ang Mysterious Knights pero 'di pa rin siya napapatalsik?
Ang daming tanong na gumugulo sa 'king isipan. Nakalimutan ko tuloy na labis akong nasaktan sa nangyayari kanina.
Hindi nagsalita si Jax at umalis lang at muli akong hinila. Nilingon ko ang lalaki kanina at nakita kong nanginginig itong tumayo.
Pumasok kami sa detention dito sa paaralan at nandoon 'yong ibang members ng student council.
"Yes pres?" tanong n'ong babae sa kanya. Siya 'yong unang president ng student council at ang top 1 dati bago nalipat dito si Jax.
Nakita ko kung paano niya titigan si Jax habang 'yong iba niyang kasama ay nagsi-iwasan ng tingin. Parang 'di siya takot rito... Parang tulad ko...
'Gusto niya si Jax?'
Hiningi ni Jax ang ID ko at wala sa sariling binigay ko sa kanya iyon. Inabot naman niya ito sa unang president.
"She violated the first rule and I have to discipline her. Process her punishment Caryll."
Tinawag niya itong Caryll tas ako Ms. Reyes?
May favoritism nga siya sa 'kin. Favorite niya akong saktan.
Lumabas naman silang lahat at naiwan lang kami ni Jax dito. Ini-lock pa niya ang pinto.
"Sit there!"
Agad akong sumunod sa utos niya habang siya naman ay umupo sa may desk sa harapan ko.
Nakayuko pa rin ako at hindi ko pa rin siya magawang tingnan sa mata. Natatakot ako na nasasaktan. Hindi ko alam.
Sobrang bilis kasi ng pangyayari. Hinalikan pa niya ako sa gabing 'yon at naghintay kami ni Alfonso sa kanya sa hotel kasi raw delikado sa 'min kasi may bomba. May nangyari kay Alfonso. Pinagtataboy din niya ako at sinabing mas better pa si Noreen kesa sa 'kin. Hanggang sa tumabi ako sa kanya habang tulog siya at pagkagising ko ito na agad?
"Fix yourself," kalmado pero seryoso ang boses niya.
Pati sa kinikilos niya nababaguhan din ako. Parang may nagbago sa kanya pero hindi ko matukoy kung ano. Naging pormal din ang suot niya, nakataas ang buhok niya at parang mas ma-otoridad siyang tingnan kumpara noon.
Sa isang tingin pa lang mai-intimidate ako. Ang hindi lang nagbago sa kanya ay ang expression niyang seryoso na medyo bored.
"Staring is rude."
Umiwas agad ako ng tingin at inayos ang buhok kong nagulo mula sa pagsabunot kanina. Kinuha ko rin ang face towel ko sa loob ng maliit na bagpack ko at ipinahid sa mukha ko. Masakit pa rin ang pisngi ko.
Pagkatapos n'on may inilabas siyang papel mula sa drawer ng desk niya at inabot sa 'kin. Tatlong pages ito at binasa ko ang headline.
"New rules and regulation?"
"Since you're absent for two days, you should start reading that. Don't ever disobey any of that as long as I'm still the president of the student council. I won't show mercy. but 'cause you're not aware of it yet, I will lessen your punishment."
May sasabihin pa sana siya pero agad ko itong pinutol sa tanong ko.
"M-may nangyari ba talaga sa 'tin?"
Ayan natanong ko rin. Sa lahat ng tanong na gusto kong itanong sa kanya, iyan ang pinakauna kong gustong malaman.
Tinitigan niya ako sa mata nang ilang segundo dahilan nang mas lalong nagpapakaba sa akin. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya. Natatakot din ako.
Hinawakan ko ang tuhod ko nang palihim kasi nanginginig ito at hindi rin ako mapakali habang naghihintay sa sagot niya.
"Bakit wala akong malay ng dalawang araw? Anong nangyari doon sa hotel? Anong nangyari kay Alfonso?" sunod-sunod kong tanong sa kanya nang hindi siya nagsalita.
'Yon palang natanong ko pero nagsibagsakan na naman ang mga luha ko.
"Ayos lang ba siya? Ayos ka lang ba?" Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sariling hindi humikbi.
Ewan. Gusto ko siyang sigawan dahil sa kanya kong bakit nagkaroon ako nang malaking issue. Dahil kinompirma niya kaya mas lalong nagulo ito. Pero hindi ko maiwasang itanong ang mga 'yon sa kanya. Kasi feeling ko, may hindi pa siya sinasabi sa 'kin.
Kumunot ang noo niya habang nakatitig pa rin sa 'kin.
"Ayos lang ako kung ayos ka lang Jax... Babaliwalain ko ang mga nangyari basta't alam kong okay ka lang. Basta't alam kong ginagawa mo lang ito para tigilan ka nina Clark. Jax..."
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang hinampas niya nang malakas ang desk kaya nagulat ako. Bigla siyang natawa sa 'kin at bumuhakhak pa siya na first time ko itong nakita.
Tumayo siya sa at nilapitan ako habang may kakaibang ngisi sa kanyang mga labi na ikinakaba ko sa hindi malamang dahilan.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at napatitig siya sa legs ko dahilan nang nanayo lahat ang balahibo ko.
"Are you trying to seduce me Ms. Reyes?" nakangisi niyang tanong at lumapit pa sa 'kin.
Tinitigan niya ako at itinukod niya ang isang kamay niya sa sandalan ng upuan. Napasinghap ako sa gulat ng hinawakan niya ang legs ko.
"Why are you wearing a short dress hmm?"
Nanlamig ang aking mga kamay at uminit ang aking mukha. Bakit parang hindi si Jax ang kaharap ko ngayon? Bakit parang iba siya?
'N-natatakot ako sa kanya!'
"A-anong ginagawa mo! N-nakasuot ako ng cycling short hindi ko intensyong suotin ito!"
Kung hindi ko titingnan ang mukha niya, hindi ko masasabing siya si Jax.
"What if something really happened between us in the hotel? Will you be happy?"
Ang sakit! Iyan ba talaga ang tingin niya sa 'kin?
Hinimas niya nang dahan-dahan ang legs ko paakyat kaya agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan ito. Nakangisi pa rin siya sa 'kin at nagtutubig na rin ang mga mata ko sa takot.
'Bakit...'
Napatingin ako sa leeg niya pero hindi na niya suot ang kwentas niya na may paperclip na bigay ko. Binalik ko ang tingin sa kanya at sobrang lapit na ng mukha naming dalawa.
"The door is lock Kitkat. I can do anything what I wanted to do with you right now! And no one will know what will happen here..." Nakangisi pa rin siya pero nag-iba ang expression ng mata niya. Parang galit na galit.
"J-Jax! B-bakit?" sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa takot.
"Why? I thought you like it? You love me don't you?"
Napanganga ako sa gulat dahil sa hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. Siya ba talaga ang Jax na kilala ko? O mali lang ako ng pagtiwala sa kanya?
Gamit ang isang kamay niya ay binaba niya ang isang sleeve ng dress ko at ang strap ng bra kaya hindi ko na napigilan pa.
Sasampalin ko sana siya pero napigilan ko ang sarili ko bago ko pa madampi ang palad ko sa pisngi niya. Kunting-kunti na lang masasampal ko na siya.
Pero hindi ko kaya.
"Pakiusap wag! Hindi ko kayang itulak ka! Please wag!" pagmamakaawa ko habang umiiyak sa harapan niya.
Sobrang sakit lang sa damdamin! Ang sakit!
Nakita ko ang paglaho ng ngisi niya at bumalik sa dati ang kanyang expression kaya muli akong napaiyak nang malakas.
Inayos niya ang strap ng bra ko at ang sleeve ng dress. Inayos niya din ang laylayan nito sa may legs ko tsaka umatras siya sa 'kin.
"See? You easily trust me without knowing I'm really like this. You like me without knowing who I really am Kitkat!" cold niyang sabi sa 'kin pero patuloy pa rin ako sa paghikbi.
Napayuko ako at tinakpan ang mukha ko ng mga palad ko. Takot na takot ako sa mga inakto niya kanina. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako.
"Stop assuming things on your own. That will only lead you hurting yourself. Stop trusting someone easily! I used you to annoy your ex because I thought hurting you will hurt him..."
'Alam ko naman! Kasalanan ko naman lahat eh! Inaamin ko na ganto ako ka tanga eh!'
May kinuha siya sa desk niya at muli siyang bumalik sa harapan ko. Pinahiran niya ang mukha ko gamit ang panyo niya tsaka niya nilagyan ng band aid ang pisngi ko.
Nagkasugat siguro n'ong sinampal ako ni Noreen.
Pagkatapos n'on tiningnan niya ako sa mata.
"I admit my mistakes and I'm sorry for hurting you. But..." muling nag-iba ang expression niya. "From now on, stay away from me while I'm still being nice. Because the moment you try to approach me..."
Nanlalaki ang aking mata dahil sa ibang klaseng tingin ang binato niya sa 'kin. Kung nakakamatay ang tingin, patay na siguro ako ngayon.
"...I will kill you!"
...
Itutuloy...