Chereads / March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story) / Chapter 11 - Chapter 11: Rjay's Backstory

Chapter 11 - Chapter 11: Rjay's Backstory

Date: April 4, 2020

Time: 6:00 P.M.

Nasa 10th floor pa lang silang tatlo at hindi pa rin nababawasan ang mga tao sa loob ng elevator. Nakadampi pa rin ang mga labi ni Jin sa forehead ni Chris at pareho silang hindi makagalaw dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.

"Nananaginip ba ko? Waaaahhh! Hindi ko to sinasadya na hindi alisin ang halik niya sa akin! Anong mukhha ang ihaharap ko kay Jin!" nasa isip ni Chris. Hindi niya maiusog ang kanyang ulo dahil nasa pinakagilid na pwesto na siya ng elevator habang na-stuck na si Jin na parang estatwa sa kinatatayuan nito.

"Whaaaaattt! Anong nangyari? 'Yung mga labi ko nahalikan si Chris? Baka isipin niya na sinasadya ko dahil hindi ko tinatanggal! Ang totoo, ang buong katawan ko ang hindi makagalaw sa mga pangyayari dahil ang bilis!" sinisigaw ni Jin sa kanyang isip.

Nakapikit lamang si Chris sa buong oras na nararamdaman niya ang pagkakahalik sa kanya ngunit sa loob loob ay ayaw niya na itong alisin.

Pareho silang nanigas ang mga katawan, kaya naman nang mapalingon si Rjay sa kanila, ay laking gulat niya nang makita ang posisyon ng dalawa. Nilayo niya ang ulo ni Jin sa forehead ni Chris.

"Huy ano 'to? 'Di na makagalaw?" pabirong sinabi ni Rjay Kay Jin.

Si Chris naman ay nakapikit pa rin dahil ayaw niya makita ang reaksyon ni Jin.

Hindi pa rin nagsasalita si Jin nang tanggalin at iusog ni Rjay ang ulo niya mula sa pagkakahalik sa forehead ni Chris.

"Ano, gulat na gulat ka Jin? Bakit di ka na makapagsalita d'yan? Bakit? Si Chris ba ang first kiss mo?" pabirong tanong ni Rjay.

Nang marinig ni Chris ang tanong ni Rjay, ay unti-unti itong dumilat at tumingin sa mukha ni Jin upang malaman ang sagot. Tumango naman dahan dahan si Jin na nagpapahiwatig na 'Oo si Chris ang pinaka una kong taong nahalikan... sa forehead' ngunit malaking ibig sabihin ito para sa kanya.

Ang halik sa forehead ang pinakaspecial para kay Jin. Dahil para sa kanya, 'pag hinalikan ka ng isang tao sa forehead, love, care, and respect ang ibig sabihin nito. Labis lang ang pagkagulat niya dahil sa hindi inaasahan, si Chris ang pinaka-unang tao na kanyang nahalikan. Never pa nagkaraoon ng partner si Jin,  kaya naman labis labis ang kanyang pagkagulat at isa pa nga dito ay kay Chris niya pa ito nagawa. Hindi niya alam kung bakit hindi siya nanghihinayang at iisa lang ang sinasabi ng isip at katawan niya—na gusto niya ito at ayaw niya nang humiwalay. Pero sa isang banda, naisip niya rin na hindi niya dapat ito gawin kay Chris, dahil magkaibigan sila. Isa pa, hindi siya sigurado sa nararamdaman niya para dito at baka masira lang ang pagkakaibigan na unti-unting nadedevelop.

Nang mapansin ni Rjay na nakatulala lamang si Jin at hindi pa rin makagalaw, kinurot niya ito sa right cheek ng malakas upang bumalik ang diwa nito.

"ARAY!" Napatingin ang lahat ng tao sa elevator dahil sa lakas ng pagkakasabi ni Jin. Nang matauhan siya at tiningnan ang kanyang paligid, nahiya siya at namula dahil nasa kanya lahat ng attention. "Sorry po. Hindi ko sinasadya, pasensya na po sa ingay ko." nahihiyang sinabi ni Jin sa mga kasama nila sa loob ng elevator.

Napailing na lang si Rjay habang si Chris naman ay nakatingin lang kay Jin at hinihintay ang sasabihin nito.

"Chris, sorry, hindi ko sinasadya." biglang sinabi ni Jin ngunit wala pa rin siya sa wisyo. Nakatingin siya kay Chris nang kinausap niya ito, ngunit hindi siya makatingin sa mga mata dahil sa pagka-ilang.

"O-Okay lang. Ako dapat ang mag sorry, kung hindi dahil sa kalagayan ko, hindi sana mangyayari 'yun at hindi mo sana ako mahahalikan." nahihiyang sagot ni Chris. "Hala! Ako ang first kiss ni Jin! Nahihiya ako pero at the same time natutuwa ako! Pero nakakahiya pa rin kasi, baka hindi para sa akin ang halik na yun at nakuha ko ng hindi sinasadya. Paano na 'to? Ibalik ko kaya 'yung halik? Gano'n ba 'yun?"  nasa isip ni Chris.

Elevator Chime—Ground Floor.

Nang magbukas ang pintuan ng elevator ay nagsilabasan na ang mga tao at naiwan sa loob ang tatlo. Si Chris ay nakatayo pa rin sa dulo, si Jin naman ay nakapwesto pa rin sa harap ni Chris at hindi gumalaw buong magdamag, habang si Rjay ay hinihintay silang dalawa na lumabas.

Hinablot na ni Rjay ang isang braso ni Jin dahil kanina pa sila nasa loob ng elevator at nainip na siya. "Tara na! Hinihintay na nila tayong lumabas, may mga papasok na." Dinala na ni Rjay si Jin papalabas sa elevator at sumunod naman si Chris.

Pagkalabas nila sa elevator ay binitawan na ni Rjay si Jin, ngunit tuloy-tuloy pa rin ito sa paglalakad  habang malalim ang kanyang  iniisip. Naiwan sa tapat ng elevator ng sina Chris at Rjay at nag-usap ng masinsinan.

"Mauuna na kami ni Jin, sasamahan niya pa ko sa Grocery." biglang sinabi ni Rjay kay Chris habang nakatayo silang dalawa at nakatingin kay Jin na naglalakad.

"Sige, mag ingat kayo." nalulungkot na sagot ni Chris.

"Chris?"

"Bakit, Rjay?"

"Tapatin mo nga ko." seryosong tanong ni Rjay, "May gusto ka ba kay Jin?" Napatingin sa kanya si Chris at nanlaki ang mga mata nito dahil nagulat sa biglaang tanong.

"Ha? Anong sinasabi mo d'yan?" naiilang na sagot ni Chris.

"Alam mo kung anong ibig kong sabihin, matalino kang tao. Mayroon o wala?" seryosong tanong ni Rjay.

"Ano bang klaseng tanong 'yan? Isa pa, kaibigan ang turing ko kay Jin." natatawang sagot ni Chris na may tinatagong pag aalinlamgan sa sarili.

"Siguraduhin mo lang, kasi, sa totoo lang naiinis ako pag nakikita ko kayo ni Jin na magkasama lagi. At saka pag nakikita ko na masaya kayong dalawa at nakikita ko na lagi siyang nakangiti sa'yo." sagot ni Rjay habang pinipigilan niya ang kanyang sarili na sumabog sa galit.

Nagtaka si Chris sa sinabi ni Rjay kaya tinanong niya kung anong ibig ipahiwatig nito.

"Huh? Anong ibig mo sabihin, Rjay? Anong naiinis ka pag nakikita mo kaming magkasama?"

Pumikit muna si Rjay at nagbuntong hininga bago nagsalita. "Nagseselos ako." diretsong sagot ni Rjay.

"Huh? Ano? Saan?" Gulat na gulat at nagtaka si Chris sa biglang sinabi Rjay.

"Sabihin mo sa akin na wala kang gusto kay Jin." hirit ni Rjay

Hindi alam ni Chris ang isasagot niya, kung magsisinungaling ba siya o hindi. Dahil 'pag sinabi niya na wala, ay parang nagsinungaling na siya sa feelings niya para kay Jin. Kung sinabi niya naman na mayroon, ay natatakot siya sa kung anong pwedeng mangyayari. Pero nakapagdecide na siya upang walang gulo.

"Ano ba 'yang tanong mo Rjay. Wala akong gusto kay Jin." sagot ni Chris na taliwas na naman sa kanyang nararamdaman.

"Siguraduhin mo lang. Dahil ayaw kong makita na masaya si Jin sa iba. Gusto ko sa akin lang siya masaya. Sa'yo ko lang 'to aaminin, dahil alam ko na hindi mo to sasabihin kahit kanino lalo na kay Jin. Oo, may nararamdaman ako para kay sa kanya. Mahal ko si Jin, at kaya lahat gagawin ko para maparamdam sa kanya  'yun, kahit na bestfriend lang ang tingin niya sa akin, ngayon. Pero pakiramdam ko parang unti-unti na nababaling 'yung attention sayo ni Jin." paliwanag ni Rjay, at nakatingin siya ng diretso kay Chris sa mga mata.

Nang marinig ni Chris ang sinabi ni Rjay ay tila parang gumuho ang kanyang mundo. Pakiramdam niya ay sinisira niya ang pagkakaibigan nilang tatlo. Sa loob loob niya, labis labis ang lungkot na nararamdaman niya ngunit ang pinapakita niya ngayon kay Rjay, ay ngiti, mga ngiti na nagtatago sa matinding lungkot at lito na kanyang nararamdaman.

"Hindi ko alam 'to, Rjay. Kailan pa? Kailan mo pa naramdaman na gusto mo si Jin?"

"Matagal na. Simula noong una ko siyang makilala. Kinaibigan ko siya kasi nagustuhan ko na siya. Kaya siguraduhin mo lang talaga, Chris, dahil pag nalaman ko na may gusto ka kay Jin at nagsisinungaling ka sa akin, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kahit magkaibigan tayo. Iba ako pag si Jin ang pinag-uusapan. Naiinis ako kanina dahil nahalikan ka niya! Sinasadya mo ba 'yun?" naiinis na tono ni Rjay, ngunit nagpipigil pa rin siya.

Si Chris naman ay natatakot na at nauutal sa pag-uusap nilang dalawa. "H-hindi! A-aksidente lang 'yung kanina!"

"'Wag na 'wag mong sasabihin kay Jin na gusto ko siya! Dahil 'pag nalaman niya, masisira lahat ng plano ko at dahil 'yun sa'yo! Hindi kita mapapatawad! Kaya pag magkakasama tayo, 'wag mong ipapahalata kahit kanino.  Ikaw lang nakakaalam nito at dahil sinabi mo na wala kang gusto kay Jin, pinagkakatiwalaan kita doon. Pero hindi ibig sabihin kampante na ko. Nakikita ko sa mga mata ni Jin na parang mas napapalapit na siya sayo kaysa sa akin!"

Huminga ng malalim si Chris at pinakalma niya ang kanyang sarili bago nagsalita. "Sorry, Rjay. Hindi ko sinasadya. Wag ka mag-alala, hindi ko sasabihin kay Jin." Biglang naalala ni Chris na tumungo sa bahay nila si Rjay at tinanong niya ito para maiba ang usapan dahil ayaw na niya itong pag-usapan pa. "Oo nga pala, maiba ako, nabanggit ni Mr. Jill na pumunta ka daw sa amin noong isang araw. Anong ginawa mo sa amin?"

"Kinausap ako ni Mr. A, tungkol sa isang bagay."

"Tungkol saan?

"Hindi ko pwede sabihin, dahil utos ni Mr. A. Mauuna na ko. Pupuntahan ko na si Jin."

"Sige, ingat, hintayin ko nalang yung sundo ko." Malungkot na sagot ni Chris.

Nang makaalis si Rjay, ay labis ang lungkot at lito na naramdaman ni Chris. Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman niya, na ang kaibigan niyang si Rjay, ay may lihim na pagtingin pala kay Jin. Disappointed din siya dahil sa nalaman niya at sa sarili niya. Pakiramdam niya ay nasira na ang pagkakaibigan nila ni Rjay at pakiramdam niya ay niloloko niya rin ang kanyang sarili.

Para kay Rjay, tama lang na inamin niya kay Chris ang totoo dahil alam niya na kusa itong lalayo kay Jin. "Sorry Chris, magkaibigan tayo, pero mas lamang ang pagmamahal ko para kay Jin."

Rjay's POV

Alam mo ba yung pakiramdam na, na love at first sight ka? Pero, hindi ko alam kung bakit sa isang lalaki ko din naramdaman 'yun. Pakiramdam ko tumigil 'yung mundo ko noong unang beses ko siyang makita.

Bagamat lalaki din siya tulad ko, iba din kasi talaga ang charisma at appeal niya. Marami na ko naging girlfriend at paiba iba din ako. Ngunit, hindi ko alam kung bakit noong unang beses ko siya nakita, tila nag slow mo ang mundo ko na parang siya lang ang tao na nakikita ko.  Hindi ko alam kung nagagwapuhan lang ako sa kanya? Pero di ko maintindihan ang sarili ko noon, dahil alam ko ay straight ako. Hindi pumasok sa isip ko na magkakagusto ako sa isang lalaki.

First day ng class namin 'yun bilang college student sa isang sikat na university, June 25, 2015, nasa room kami ni Chris at naghihintay ng professor. Dahil maaga pa naman at wala akong magawa, naglaro muna ako ng NBA 2k15 sa phone ko pampalipas oras.

Naka-focus ako sa paglalaro ko nang biglang may tumayo sa tabi ko. Hindi ko pinansin ang taong 'yun dahil wala akong pakialam sa paligid ko, basta ang mahalaga, manalo ako sa game ko. Biglang nagtanong ang taong nakatayo sa tabi kung may nakaupo ba sa tabi ko kasi nga bakanteng upuan. Ang sabi ko sa kanya walang nakaupo, kaya ineexpect ko na uupo na siya after.

Pagkatapos ko siyang sinagot, back to focus na ulit ako sa paglalaro sa aking phone. Na-distract ako bigla dahil hindi pa rin siya umuupo sa bakanteng upuan sa tabi ko kahit sinabi ko na. Balak ko na sanang itapon ang upuan kung hindi naman pala siya uupo! Nainis ako dahil hindi ako makapag focus sa laro kung may nakatayo sa tabi ko at pakiramdam ko tinitingnan ako!

Tinigil ko ang paglalaro sa phone at nilapag ko muna ito sa table. Inayos ko saglit ang man bun ko habang nanliliit na ang mga mata ko sa inis at dahan dahan kong tiningnan ang taong mapangahas na nantitrip sa akin! Nilingon ko na ang taong nakatayo sa tabi ko na tuturuan ko ng leksyon para malaman niya kung sino ang binabangga niya. Nang magtagpo ang mga mata naming dalawa, tila ang inis ko sa kanya ay naglaho na parang bula. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang init sa katawan ko nang makita ko ang napaka amo na mukha niya, ang kanyang mga ngiti, at higit sa lahat, ang mga mata niyang nakakaakit na parang sinasabi na siya lang ang titingnan ko at wala ng iba!

Habang nakangiti sa akin ang lalaking nakatayo sa harapan ko at nakatingin sa akin, bigla ko na lang naramdaman na bumilis ang tibok ng puso ko! Alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkakagusto sa lalaki, pero bakit pagdating sa kanya, iba ang nararamdaman ko. Para bang sa lahat ng tao na nakita ko, siya ang pinakamagandang nilalang na para sa akin.

Maganda ang pangangatawan niya, fit at napakalakas ng appeal. Oo, gwapo siya, kumbaga hindi lang maganda ang physique niya, dinadala din siya ng kanyang magandang mukha. Sa mga ngiti niya pa lang sa akin, nakuha niya na agad ako, dahil siya ang kauna-unahang tao na ngumiti sa harap ko—'yung genuine na ngiti talaga. 

Madalas, ang mga kumakausap sa akin, ngumingiti lang kapag may kailangan at pagtalikod tila walang nangyari. Tinanong ko siya kung bakit hindi pa siya umuupo kahit na sinabi kong wala namang nakaupo. Ang sabi niya—

"Hindi ka kasi nakatingin. At saka baka mamaya magulat ka na nakaupo na ako sa tabi mo. Nakafocus ka lang kasi sa paglalaro."

Wala pang taong sumasagot sa akin ng pabiro, lahat sila nahihiya o natatakot. Hindi ko alam pero sabi sa akin ni Chris, mukha daw akong matapang dahil sa mga mata ko. Isa pa kilala ang pamilya namin kaya nahihiya ang iba na lumapit sa akin. Walang umuupo sa tabi ko dahil nga naiintimidate siguro sila, at gusto ko 'yun dahil ang karapat-dapat lang ang tatabi sa akin. Pero noong kinausap niya ako, hindi siya nahiya sa akin. Hindi ko alam kung hindi niya ko kilala o ang pamilya ko, pero hindi din siya na intimidate sa akin. Kinausap niya ako na parang isa lang akong normal na tao na hindi galing sa isang kilalang pamilya.

Sa puntong 'yun, bumilib ako sa lakas ng loob niya dahil walang nag aapproach sa akin ng ganoon. Siya ang kauna-unahang tao na gumawa sa akin noon kaya naman nakuha niya agad ang attention ko. Ang nasa isip ko lang ay gusto ko itong tao na nasa harap ko at wala akong hindi nakukuha, lahat ng gusto ko nakukuha ko kaya kakaibiganin ko siya. Gusto ko siya ngunit hindi pa sa point na mahal ko na agad. Basta ang nasa isip ko, gusto ko lang siya at interesado ako sa kanya.

Nakatitig pa rin ako sa kagwapuhan niya at hindi ako makapagsalita. Nakatulala lang ako sa napaka amo niyang mukha at sa mga ngiti niyang nagpapagaan ng loob ko.

"Pwede na ba ako maupo?" tanong niya sa akin.

Tumango lang ako at hindi makapagsalita. Nilapag niya na ang kanyang kulay green na shoulder bag sa table at umupo na sa bakanteng upuan na nasa kanan ko at tinitingnan ko lang siya habang ginagawa niya iyon. Nang makaupo na siya ay bigla siyang humarap sa akin ng nakangiti na naman, at ngayon, mas malapit ang mukha niya sa akin. Mas nakakaakit ang mata niya lalo na sa malapitan. May pagka light-brown ang kulay ng mga ito at kitang kita mo talaga ang pupils ng mata niya nakaka enganyo tingnan. Hindi ko alam kung contact lenses 'yun o totoo talaga. Habang nakatitig lang ako sa mga mata niyang mapang-akit, bigla siyang nagpakilala sa akin.

"Ako nga pala si Jin, kamusta?"

Napakagaan at napakalight ng pagpapakilala niya sa akin kaya hindi ko napigilang magpakilala din sa kanya which is bihira ko lang ginagawa lalo na I don't talk to strangers.

"I'm Rjay. O-okay lang ako." nauutal ko na sagot. 'Di ko sure kung bakit ako nautal nang magpakilala ako sa kanya. Parang biglang bumaba ang confidence level at pride ko nang kausapin niya ako.

Inabot niya ang isa niyang kamay sa akin at nakikipag shake hands siya. Nang mahawakan ko ang kamay niya, mainit ito at napansin ko na malaki ang kamay ni Jin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko pero tinagalan ko ang paghawak sa mga kamay niya dahil sa init na nararamdaman ko dito at gusto ko ito. Nakangiti lang siya sa akin habang magkahawak kami ng kamay. Hindi tinatanggal ni Jin ang kamay niya at nakatingin lang siya sakin habang nakangiti. At dahil sa pakiramdam ko ay inaasar niya na lang ako, napagpasyahan ko na ako na lang ang unang nagtanggal. Malakas ang loob ng tao na 'to. Hindi ko pa rin alam kung ininiis ako nito o hindi. Pagkatapos noon, tinanong ko si Jin kung kilala niya ba ko. Ang sagot niya ba naman—

"Oo, ikaw si Rjay 'di ba? Sabi mo? Haha!"

Hindi ko alam kung niloloko na lang talaga niya ako o hindi! Gusto ko mainis sa kanya pero pag tinitingnan ko siya, para akong natutunaw kahit hindi naman dapat!

"I mean kung kilala mo ang family ko?" sagot ko sa kanya.

"Hindi, bakit?" napaka inosenteng sagot ni Jin. Kaya pala ang lakas ng loob nito makipag-usap sakin.

"Eh hindi ka na nai-intimidate sakin?"

"Hindi rin. Bakit naman ako mai-intimidate sayo? Isa pa, hindi ka naman mukhang masamang tao ah? Muka ka lang matapang, pero pogi ka naman ah, sino naman matatakot sayo? Pero mas pogi ako, 'yun lang ang problema." natatawang sagot niya.

Hindi ko alam kung maiinis ako kay Jin dahil sa inaasar niya ko, pero natutuwa ako kasi sa tagal ng panahon, wala naman nagbibiro sa akin at wala rin naglakas loob na magsabi na mas angat siya sa akin lalo na sa itsura. Siya lang talaga ang kauna-unahang tao. Baka confident lang siya at 'yun ang naisip ko. Pero hindi mayabang ang pagiging confident niya, at mas lalo akong nacurious. Mas naagaw niya ang attention ko na parang sa kanya lahat ng isip ko, at tingin ko na hindi ko ginawa kailanman para sa isang tao.

Nang tumigil kami saglit sa pag-uusap, kinuha ko muli ang phone ko na nilapag sa table at binuksan ito muli para maglaro ng NBA 2k15. Pero habang naglalaro ako, hindi na ako makapag-focus! Naaalala ko ang mga ngiti ni Jin at ang mga mata niya na nakakaakit! Imbis na makapaglaro ako ng maayos dahil hindi na ako na di-distract sa kanya, ang utak ko naman ang gumugulo! Habang naglalaro ako, napansin ko na nakikisilip si Jin sa phone ko at may naririnig akong mga side comment sa kanya. Lalo akong hindi makapag-focus sa laro dahil rinig na rinig ko ang malalim niyang boses at nararamdaman ko rin ang mainit na hangin na nanggagaling sa hininga niya na humahaplos sa kanang tainga ko. 

Napalingon ako sa aking kanan, at napaurong ako bigla dahil sobrang lapit ng mukha ni Jin sa akin! Akala ko magdadampi ang mga labi namin kaya biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Pero siya, normal lang siya kung kumilos.

"NBA 2k15 ba nilalaro mo?"  nakangiti niyang tanong sa akin habang nakaurong ang katawan ko sa kanya "May bumabagabag ba sa'yo? Kanina ka pa hindi nakaka shoot eh." Huminga ako ng malalim upang ikalma ang sarili ko. Pinatay ko muna ang aking phone at kinausap niya ako muli. "Mahilig ka pala sa basketball?" tanong sa akin ni Jin na nakangiti nang tumingin ako sa mga mata niya.

"Oo, matagal na ko naglalaro tsaka varsity ako dati samin nung H.S."

"Oy ayos! Tara, mag sign up tayo. May tryouts daw sa basketball para sa department natin. Gusto mo ba sumali? Tara sabay tayo!"

Hindi ko na balak mag-varsity dahil ayaw na ni dad. Mas gusto niya na mag focus na daw ako sa studies, dahil iba na daw ang College sa H.S. Pero, noong makita ko si Jin at ang mga ngiti niya sa akin, pakiramdam ko ay hinihila ako nito at parang sa pagkakataong ito, ay susuwayin ko si dad. Gusto ko mapalapit kay Jin, kaya naman sasali ako ngunit hindi ko sasabihin kay dad. Basta ang nais ko lang, kung nasaan siya, parang gusto ko nandoon din ako.

"Sige ba! Naghahanap lang ako ng kasama eh." sagot ko kay Jin.

"Mamaya mag practice game tayo pagkatapos ng klase? Bukas pa naman ang tryouts eh. Game ka ba?" tanong ni Jin sa akin.

"Sige tara!" Pumayag ako kahit wala akong pamalit ng damit. Hindi ko alam kung bakit hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tinanong ko si Chris kung may extra shirt siya, ngunit wala na daw at nagamit na ito. Bahala na at baka mag topless na lang ako para hindi mabasa ng pawis ang suot ko.

Pagkatapos ng klase namin ng araw na iyon, ay pumunta kami sa court. Walang tao kaya makakapag practice game kami. Si Chris ay nakaupo sa may tabi ng puno malapit sa court at nagbabasa lang ng libro, habang kasama ko naman si Jin sa gitna ng court. Naghubad na ako ng t-shirt dahil wala akong pamalit at bigla siyang humirit.

"Wow! May balak ka ba mag-pakitang gilas ngayon? Talagang naghubad ka pa ah? Tingnan mo, yung mga babae nagsilabasan na oh!" pabirong sinabi sa akin ni Jin.

"Hindi! Baliw, wala lang akong dalang pamalit!"

"Ahh ganun ba? Sige, para fair, mag huhubad na lang din ako ng t-shirt"

Nang maghubad ng t-shirt si Jin, ay biglang mas dumami ang mga babaeng tumili sa paligid at nag-silapitan. Mga babaeng 'to, nakakita lang ng nakatopless nagkagulo na! Nang maghubad si Jin ng t-shirt,  hindi ko sinasadya na mapatingin sa katawan niya at tila parang naka-glue na at naakit ang mga mata ko sa nakita ko. Maganda ang itsura ng pangangatawan ni Jin kahit noong nakadamit pa lang siya, pero iba na pag naghubad siya. Mas makikita mo ang pag ka-toned ng katawan niya, lalo na ang mga abs, biceps at triceps niya na natatago ng kanyang damit.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagtingin dito, lalo na parang gustong hawakan ang kanyang dibdib. Ngunit, nahihiya ako dahil kakakilala ko palang sa kanya. At saka, alam ko sa sarili ko na straight ako. Oo! Hindi maputi si Jin pero hindi din siya maitim. Tamang tama lang. Siguro may pagkamoreno pero mas maputi ng kaunti doon at mas nagpapalakas talaga ng appeal niya. Hindi ko alam kung saan ako magfofocus—sa katawan ba ni Jin o sa game namin!

Dumami na ang mga nanonood na babae sa gilid namin at nagsimula na din kami. Magaling maglaro si Jin, siguro nga mas magaling pa siya sa akin kahit matagal na ako naglalaro. Feeling ko mas maabilidad siya sa akin. Ang alam ko ako ang pinakamagaling, pero bakit sa puntong to, bakit tinanggap ko ang pagkatalo pagdating kay Jin. Parang okay lang na mas magaling siya sa akin. Na mas may itsura siya kaysa sa akin, at kung ano ano pa na hindi ko basta basta hinahayaan, dahil mataas ang pride ko. Pero, pagdating sa kanya, nawawala lahat ng pride ko.

29-31 ang score nang matapos kaming maglaro, 29 sa akin at 31 naman ang kay Jin. Sa mga ganitong pagkakataon, naiinis na dapat ako at ayaw kong natatalo. Pero si Jin, noong siya ang nanalo, masaya ako na tila mas proud pa ko para sa kanya. Hindi ko na talaga alam sa puntong 'to kung anong nararamdaman ko. Kung gusto ko siya maging bestfriend o baka nahuhulog na ako sa taong 'to.

Tumigil na kami maglaro at inabutan kami ng tubig ng mga babae na nanonood samin. Hindi ko tinanggap ang tubig na inalok sa akin, dahil ayoko tumanggap ng mga bagay o kahit ano pa man na galing sa mga hindi ko kakilala. Mainis na sila kung mainis, pero ayoko, dahil baka mamaya ay may inilagay sila doon. Mamaya, kung ano pa mangyari sa akin!

Nakita ko kinuha ni Jin ang inabot sa kanya na tubig ng mga babae. Dalawa ang kinuha niya at inisip ko na baka uhaw na uhaw lang siya. Pero nang makuha niya ito, ay nagulat ako dahil inabot niya sa akin ang isa.

"Oh, nahiya ka pa sa kanila! Kunin mo na, alam ko nauuhaw ka na din!"

Hindi ko alam ngunit nang makita ko na naman si Jin na nakangiti, at ang mga mata niya na nakatitig lang sa akin, biglang gumalaw mag-isa ang kamay ko at kinuha ang tubig sa kanya. Nang matauhan ako, nagulat na lang ako sa sarili ko na hawak ko na ang tubig na inabot sa akin ni Jin. Naiinis ako dahil noong inabot sa akin ng mga babae ang tubig ay hindi ko kinuha dahil sa pride ko, pero nang si Jin ang nag abot, wala akong ibang inisip, basta kinuha ko na lang.

Pagkatapos namin mag-laro ay naglinis na kami ng mukha at katawan sa may C.R. malapit sa court at nagbihis pagkatapos para makauwi. Hinihintay kami ni Chris sa labas ng C.R. at nakatayo lang siya. Habang papalabas na kami ni Jin ng C.R., ay kinausap niya ko.

"Maganda mga galawan mo Rjay! Mukhang trained na trained ka sa basketball ah?"

"Ahh 'yun ba? Matagal na nga ko hindi nakapaglaro ulit. Ngayon na lang ulit kaya natalo ako."

"Pahumble ka pa! Pero seryoso, masaya kang kalaro! Bukas sana matanggap tayo!"

Napatigil ako nang sinabi ni Jin na sana matanggap kami. Ang salitang "Tayo", ever since bata pa lang ako, competitive na ako. Kahit mga kaibigan ko noon ay nakikipag-contest ako sa kanila. Ayaw ko ng may mas nakakalamang sa akin. Lalo na sa basketball, pag sa tryouts, gusto ko ako lang, ako lang ang makakapasok at gano'n din sila. Para bang nature na namin ang magpataasan. Pero noong sinabi ni Jin ang salitang "Tayo", parang may nararamdaman akong gaan sa puso ko at hindi ko pa rin maintindihan. Noong sinabi niyang sana ay makapasok kami, na dalawa kami, ay tuwang tuwa ako na tila hindi kalaban ang tingin niya sa akin, pero kaibigan. Hindi siya nakikipag-paligsahan sa akin. Hindi sumagi sa isip niya 'yun kahit isang beses. 'Yun ang nakikita ko sa mga mata niya. Napaka pure na tao ni Jin. Wala sa isip niya na kalaban ako sa paningin niya. 'Di gaya ng mga naging kaibigan ko nung gradeschool at highschool. Halos lahat kami ay nagpapagalingan at siguro 'yun na din nakasanayan at nakalakhan ko.

Nagbago ang pananaw ko noong si Jin na ang kasama ko. Ang salitang "Ako" na laging nakatatak sa isip ko, 'pag si Jin ang kasama ko, napapalitan ng "Tayo". Hindi ko alam kung first time ko lang nakakilala ng ganitong tao kaya naninibago ako, pero natutuwa ako.

Parehas kami natanggap sa tryouts. Nang lumabas ang result, si Jin ang nangunguna at ako naman ang pangalawa. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko na dapat 'to matatanggap, at gusto ko ako ang number 1. Pero noong nalaman ko na si Jin ang nangunguna, masaya ang puso ko. Hindi ako nakakaramdam ng inis, galit o inggit. Basta ang alam ko lang masaya ako at nagagalingan ako sa kanya at deserve niya yun. Pero kung may nakakaangat kay Jin, hindi ko alam,  pero baka mamaya ay masira ko ang court!

At dahil magkasama na kami sa varsity, mas naging close kami pagdaan ng mga araw. Lagi na kaming magkasama at dahil blockmates kami ni Jin, magkasama kami hanggang 5 years dahil sa course namin. Okay para sa akin 'yun, dahil lagi siyang nasa tabi ko.

Nagdaan ang mga buwan at mas naging malapit kami ni Jin sa isa't isa. Parang hindi mo na nga kami mapaghihiwalay, dahil magkatabi kami sa upuan, magkasama sa varsity, ultimo pati sa lunch kami ang magkasama, pero hindi ako nagsasawa na makita siya lagi, sa hirap at ginhawa.

Pagdating naman sa acads, hindi siya yung tipo na magaling at matalinong matalino. Pero sobrang sipag ni Jin, kaya nakakahabol siya. Inamin niya sa akin na hindi nga daw siya matalino, ang edge niya lang daw ay 'yung sipag niya kaya talagang nakakasabay siya. 'Pag may mga hindi ako alam, madalas sa kanya na din ako nagpapaturo, dahil kahit hindi niya alam ay talagang aalamin niya para lang maturo sa akin. 'Pag nagpapatulong ako sa mga assignments ko, lagi din siya nand'yan at sinisigurado niya na hindi ako titigil gumawa hangga't hindi ko natatapos ito. Madalas tamad ako pag gumagawa ng mga assignments. Gusto ko nga kumokpya na lang ako para tapos na. 

Pero nagbago ako. Ginagawa ko na ang assignments ko at madalas pagkatapos ng klase, nagpapatulong ako kay Jin at nagpapaturo. Mas gusto ko pa kasi siya makasama ng matagal, kaya naman imbes na kumopya ako sa kanya, ay nagpapaturo ako at payag naman siya. Gusto niya dahil narereview siya at pabor din naman sa akin dahil pinapanood ko lang siya habang nagsasalita at tinitignan ko ang mga mata at labi niya.

Nagsimula na narealize ko na hindi ko lang pala gusto si Jin, kung hindi mahal ko na siya noong 2015 ng December. Para sa akin, 'yung birthday ko ang pinakamahalagang araw. Gusto ko laging maraming handa, maraming bisita, at siempre gusto ko engrande para maipagmalaki ko sa mga kaibigan ko kung gaano kami kayaman!

Marami akong inimbita, mga classmates ko noong grade school at high school. Lahat sila umoo at pupunta daw sila. Pati ang parents ko, naghanda na rin para sa nalalapit kong Birthday sa December 21, 2015.  Inimbita ko din sina Jin at Chris at 'yun ang unang beses na makakapunta si Jin sa birthday ko, at gusto ko na matuwa siya sa mga makikita niya at mabilib. Gusto ko rin siempre na mag enjoy siya. 'Yung mga pinahanda ko pa nga na food, halos lahat ng nandoon ay mga paborito niya! Hindi ko alam kung para sa akin ba ang birthday o para kay Jin.

Noong disperas ng Birthday ko, December 20, 2015 sinabi sa akin ni dad na hindi daw siya makakadalo sa birthday ko. May biglaang business trip sila, kasama si Mr. A at si Chris, pero lahat nahanda niya na daw.  Nalungkot ako dahil wala sila dad at Chris, pero okay lang dahil para sa business naman 'yun. Nandoon pa rin naman ang mga dating kong kaibigan pati na rin si Jin.

Dumating na ang araw ng December 21, lahat nakaayos na. Nakaset na ang lahat ng food ng mga bisita. Pati mga beer para sa walwalan ay nakaayos na din. 6 p.m. ang simula ng party ko, pero pinapunta ko si Jin ng kahit 7 p.m. na. Sabi ko wag siya magmadali, at dapat may regalo siya sa akin at pag-isipan niya mabuti, dahil binigyan ko pa siya ng isang oras na palugid.

Pumatak na ang 6:55 p.m. at naghihintay pa rin ako ng bisita dahil ni isa ay wala pang dumadating at inisip ko na baka late lang. Tinanong ko sa maid kung may dumating na ba pero wala pa daw kahit isa. Nagtaka na ko kung bakit wala pa ang mga dati kong kaibigan. May ginawa akong GC para sa mga kaibigan kong pupunta. Tinanong ko kung nasan sila.

"Guys, nasaan na kayo? 6:55 p.m. na wala pa kayo lumalamig na yung food!"

May isang nagreply, ang sabi—

"Rjay, sorry, baka hindi na ko makarating. May biglaan kasing nangyari sa bahay namin. Pasensya na talaga."

"Ahh gano'n ba? Sige sige. Okay lang."

Inisip ko na baka na late na lang din yung iba, ngunit hindi. Isa isa sila nag reply na hindi na daw sila makakarating! Nalulungkot, naiinis, nagagalit, nadidismaya at pakiramdam ko ay trinaydor ako. Pakiramdam ko, wala akong tunay na kaibigan talaga. Pinaghandaan ko 'tong araw na ito! 'Yung pinakamahalagang araw para sa akin, pero ni isa, walang pumunta! Kahit yung dad ko wala!

May nag notif sa phone ko at nabasa ko na may party na nagaganap. Nakita ko na lahat ng mga kaibigan na niyaya ko na hindi makakapunta sa party ko, ay nandoon sa party ng ibang tao! Galit na galit ako sa kanila na parang gusto ko ng magwala! Dahil pakiramdam ko napahiya ako! Na ang isang tulad ko ang pinahiya nila!

Bigla akong naawa sa sarili ko. Wala ni isa ang pumunta sa birthday ko. Ang tanging kasama ko lang ay ang mga lumamig na pagkain at ang mga beer na wala nang iinom kung hindi ako. Dahil sa lungkot at dismaya na nararamdaman ko, napaupo na lang ako sa tabi ng cooler kung saan nakalagay ang mga beer. Hindi ko alam pero mas galit na galit ako! 'Yan ang nararamdaman ko pag naiisip ko na natalk-shit ako ng mga supposed-to-be friends ko!

Nilapitan ako ng maid ngunit sinigawan ko siya dahil sa inis ko.

"Walang kwentang mga kaibigan! Lahat kayo pareparehas! Magsama-sama kayong lahat! Walang silbi!"

Nang masigawan ko ang maid, ay umalis ito at hindi ko na napigilan ang aking sarili—naiyak na ko dahil sa galit at lungkot. Inisip ko na wala naman nagmamahal sa akin at wala akong kaibigan. 

Binuksan ko na ang isang bote ng beer na kinuha ko sa cooler dahil magpapakalasing lang ako buong gabi. Iinumin ko na dapat ang beer, nang may humablot sa beer ko at tiningnan ko ang taong ito na nanlilisik ang aking mga mata, dahil akala ko isa sa mga maid namin ang mapangahas na gumawa noon sa akin at balak ko nang ipasisante!

"Ohh 'wag ka iinom ng hindi pa kumakain. Masama 'yan at saka masama uminom mag isa. Hindi masaya yan! Kailangan may kasama ka lagi umiinom para masaya ang inuman!"

Tumingala ako sa taong nakatayo na kumuha ng beer ko.

Nakita ko si Jin.

Si Jin na napakaamo ng mukha na nakatingin sa akin at nakangiti na tila nagsasabi na wala dapat akong ikabahala. Hindi ko alam pero dito na nagsimula bumuhos ang luha ko at humagulgol na ko na parang bata. Pinilit ko mag salita pero nauutal utal na ko dahil nga  sa pag-iyak at lungkot na nararamdaman ko.

"Ka-kasi ni-ni i-isa wa-wala man lang pu-pumunta! Nage-expect ako! Pero na-na disappoint ako! Pakiramdam ko wala talaga akong tunay na kaibigan!"

Habang umiiyak ako at humahagulgol, ay hinawakan ni Jin ang ulo ko at marahang hinaplos ang buhok ko.

"Oh anong tawag mo sa akin? Stranger? Hindi mo ba ko kaibigan? Isa pa, hindi ako late oh? Sabi mo 7 p.m. ako pumunta, at pumunta ako on time! Pinag-isipan ko pa nga 'yung regalo ko kasi baka magalit ka!" natatawang sinabi ni Jin.

Nang mahawakan ako ni Jin at marinig ko ang boses at ang sinabi niya, mas lalo akong naiyak. Parang lahat ng tinatago kong sakit sa loob ng puso ko, lahat nailabas. Hindi ko alam pero ang gaan gaan ng loob ko na kahit si Jin lang ang pumunta, labis labis na 'yung saya ko.

Umupo si Jin sa tabi ko at pinakita niya ang kanyang regalo para sa akin.

"Ito pala 'yung regalo ko. Pasensya ka na kung hindi 'to mamahalin.Wala kasi akong budget. Pero pinagisipan kong mabuti kung ano 'yung magagamit mo. Happy Birthday!"

Inabot sa akin ni Jin ang regalo niya. Binuksan ko ito habang naiiyak at luhang luha pa ang mata ko. Pagkabukas ko, bumungad sa akin ang isang maliit na music box na gawa sa kahoy at may kulay red na pintura ang labas, at may pangalan ko sa ibabaw.

"Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung anong pwede kong iregalo sa'yo, kaya music box ang niregalo ko. Kasi pag nalulungkot ako o napapagod, binubuksan ko 'yung music box at marerelax ako. May gan'yan ako sa bahay kaya naisip ko na baka gusto mo rin, kaya 'yan naisip ko. Sorry ang korni ng regalo ko." natatawang sinabi ni Jin.

Binuksan ko ang music box at narinig ko ang mapayapang tunog nito na bumabalot sa buong kwarto dahil tahimik dito at kaming dalawa lang ni Jin sa loob. Nang marinig ko ito, ay mas bumuhos ang luha ko at naiyak. Hindi ko nanaman mapigilan ang sarili ko.

"Oh bakit ka naiiyak ulit? Hindi mo ba nagustuhan? Ayaw mo ba ung music box? Palitan ko na lang."

Akala ni Jin ay hindi ko nagustuhan ang regalo niya. Pero para sa akin, ito 'yung regalo na iche-cherish ko buong buhay ko. Hindi ko napigilan ang pag-iyak dahil nang marinig ko ang tunog, ay sobra ang gaan sa pakiramdam sa puso ko na parang pag naririnig ko ito, si Jin ang unang papasok sa isip ko at maalala ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Habang umiiyak ako, ay napayakap ako kay Jin. Hindi ko alam pero pagkayakap ko sa kanya, ay tila pakiramdam ko na lahat ng sakit at lungkot ay biglang nawala. Ang naramdaman ko na lang ay saya nang mayakap ko siya at maramdaman ang init ng katawan niya na nagpakalma sa akin.

Napansin ko na nagulat si Jin sa ginawa ko ngunit hindi ko na ininda. Ang gusto ko lang gawin ay yakapin si Jin. Habang niyayakap ko siya, ay naramdaman ko na hinawakan niya ang likod ko at dahan dahan itong tinapik at hinaplos ng kanyang mainit na kamay. Noong pagkakataon na 'yun, pakiramdam ko, yun ang kauna unahang beses na may humawak sa akin at nakakagaan ng damdamin ko. Kahit walang pumunta, kahit wala akong bisita, kahit wala akong mga mamahaling regalo, lahat 'yun hindi ko na ininda. Basta siya ang kasama ko, 'yun na ang pinakamasayang regalo na natanggap ko ngayong birthday ko. Ang presence ni Jin, 'yun lang sapat na. 

Dito ko narealize na hindi ko lang pala siya gustong maging kaibigan, o dahil sa oo gwapo siya at maganda katawan niya at kakaiba siya, pero dito ko narealize na mahal ko na pala itong taong 'to dahil sa pinapakita niya sa akin na tila hindi niya ako iiwanan at nasa tabi ko lang siya palagi. Hindi ko lang natanggap sa sarili ko noong una, na gusto ko na siya.

Akala ko ay naninibago lang ako, o baka kung ano ano lang naiisip ko.  Pero binago na ko ni Jin. Siya ang kauna unahang lalake na na-fall ako, at tingin ko ang huli ko naring mamahalin. Dahil pagkatapos nito, si Jin na ang naging mundo ko. Akala ko bestfriend lang ang tingin ko kay Jin, pero lingid sa kaalaman ko, bukod pa pala doon ang nararamdaman ko para sa kanya.

Oo…

Mahal ko na si Jin.

Susundan ko siya kahit saan siya pumunta.

Lahat gagawin ko para sa kanya. 

Sa akin lang si Jin.

Kahit na kaibigan lang ang tingin niya sa akin ngayon, ipaparamdam ko sa kanya, at unti-unti ay mamahalin din niya ko hindi lang bilang isang bestfriend kundi isang lover. 

Gusto ko pa sana magtagal sa pagkakayakap kay Jin dahil nararamdaman ko ang gaan ng kanyang kamay sa likod ko at ang init ng kanyang katawan na tila narerelax ako habang yakap ko siya. Ngunit, naririnig ko na kumakalam na ang sikmura niya! Natawa ako habang naiiyak nang sinabi ko to sa kanya—

"Jin, sorry, ang dami ko lang talagang pinagdaanan ngayong araw. Hindi ko na napigilan."

"Okay lang, nandito lang naman ako. Hindi naman ako aalis at saka birthday mo ngayon wag ka umiyak!"

"Oo sorry, naririnig ko na yung kalam ng sikmura mo. Sorry nagugutom ka na! Haha!"

"Oo, sinadya ko na hindi kumain, kasi dito ako babawi!"

Binitawan ko na si Jin mula sa pagkakayakap.

"Pasenysa ka na, lumamig na 'yung mga pagkain, wala kasing pumunta."

Tiningnan ako ng Jin ng masama ngunit biglang ngumiti ito agad.

"So ano ako? Nakikikain lang? Eat and run? Pumunta naman ako ah. 'Di ba ko kasama sa guest list?" pabirong sinabi ni Jin at tawa siya ng tawa kaya pati ako ay napapangiti.

Unti-unti ay napapawi na ang mga luha ko dahil nakikita ko na masaya si Jin. Akala ko ay madidismaya siya dahil sa walang pumunta at fail ang birthday ko.

"Ipapainit ko lang muna yung mga food, Jin, saglit lang"

"Ay, 'wag na Rjay! Gutom na gutom na ko! Okay na to kahit di gaanong maiinit. Isa pa, halos lahat ng nandito puro paborito ko. Kahit malamig na yan kinakain ko yan lalo na pag may kasamang beer!" tuwang tuwa na sinabi ni Jin habang nakatingin sa cooler na nasa tabi ko.

Kinuha ni Jin ang isang beer sa cooler at kumuha na ng pagkain at inilagay ito sa isang plate at pagkatapos ay umupo sa sahig sa tabi ko.

"Huy Jin, bat sa sahig ka kakain?"

"Ewan? Mas masarap kumain dito and mas malapit sa cooler! Madali makakuha ng beer!"

Inabot sa akin ni Jin ang beer na hinablot niya sa akin kanina, at nagsimula na rin siya kumain at uminom ng beer. Habang pinapanood ko siya kumain, tila sarap na sarap siya at nakangiti lang ako sa kanya. Ininom ko na rin ang aking beer at nagtanong ako sa kanya pagkatapos.

"Hindi ka ba na-disappoint na ito 'yung nadatnan mo? Sorry na ang panget ng birthday ko?" malungkot na tanong ko sa kanya.

"Ba't naman ako madidisappoint? Gusto ko nga 'to, wala akong kalaban si pagkain at sa beer!"

"Nakakahiya kasi, isa pa, ni isang bisita walang pumunta. Baka sabihin mo masama ugali ko kaya walang pumunta"

Napailing si Jin habang kumakain. Pagkatapos niyang lunukin ang nginungya niyang baked oyster, ay lumagok siya ng beer at nagsalita.

"Kung masama ugali mo, tingin mo pupunta ako dito? At tingin mo kakaibiganin kita? Oo, minsan medyo mapride ka, pero nacocontrol mo naman."

Sa isip ko, oo nacocontrol ko dahil nand'yan ka. "Pero Jin, bakit okay lang sa'yo 'yung ganito? Bakit iba ka? Bakit hindi ka gaya ng iba na 'pag walang pumunta eh ayaw na rin pumunta. Bakit hindi mo ko ikinahiya? Na tipong ayaw mo na kong kaibiganin kasi talunan ako?"

"Huh? Walang modo lang gagawa noon. Pag ininvite sa birthday, pumunta ka! Special na araw 'yun eh. Kahit isa lang bisita mo, maging masaya ka. Make the most out of it! At least may pumunta 'di ba!" sagot ni Jin habang sarap na sarap sa kanyang kinakain.

Oo sobrang saya ko, Jin, kahit walang pumunta. Kahit mag isa ka lang, ako na ang pinakamasayang tao sa lahat!

"Bakit ikaw? sanay ka ba na mag isa sa birthday mo? Oo nga pala, 'di ba sa April na birthday mo?" tanong ko kay Jin.

"Ahhh oo sa April na. Sanay na ko mag isa sa birthday ko. Wala naman akong kasama sa bahay. Wala na rin sina mama at papa, kaya ako na lang talaga mag isa. Malungkot, oo, pero iniisip ko na lang na normal na araw lang ang birthday ko para hindi gaano mabigat sa pakiramdam. Pero ikaw, noong nalaman ko na walang pumunta noong tinanong ko 'yung maid niyo, doon ako nainis! Biruin mo, sila na ininvite, sila pa may ganang mag talk-shit! Ibig sabihin hindi talaga sila tunay na kaibigan. Tsk! Alam ko pakiramdam ng mag-isa. Araw-araw ko yan nararanasan. Hangga't maaari, ayaw ko 'yun maranasan ng iba."

Iba talaga si Jin.

Kaya naman nahulog na talaga ako ng tuluyan sa kanya. Dahil iba siya mag-isip sa mga nakilala ko.

"Pero hindi ka ba naiilang na naging kaibigan mo ko, kahit na kilala yung pamilya namin?" tanong ko sa kanya.

"Hmm. Hindi. Wala naman sa akin 'yun kung kilala yung pamilya o hindi. Basta gusto ko kaibiganin ang isang tao, kakaibiganin ko. Walang kaso sa akin kung galing ka sa mayamang pamilya o hindi. Nasa tao na lang 'yan kung gusto niya din ako maging kaibigan"

"Ako gusto kita—" bigla kong nasabi. Napatingin si Jin sakin habang umiinom siya ng beer. "Gusto kita maging kaibigan kako!" agad kong sinabi.

"Ahh! Baka mamaya iniisip mo na kinaibigan kita dahil mayaman ka ah? Hindi ako ganun!" hirit ni Jin.

"Oo alam ko hindi ka gano'n. Ayaw mo nga na nililibre kita o sinasagot ko lunch mo kahit pinipilit na kita eh."

"Hindi naman ako free-loader."

"Thank you, Jin."

"Thank you saan? Sa pagpunta ko? Ako nga dapat mag thank you. Dami kong kakainin at beer na iinumin!"

"Oo ubusin mo lahat! Iuwi mo kung gusto mo!"

"Pwede ba? Pati 'yung mga beer? Haha!"

"Oo sa'yo na lahat yan!" nakangiti kong sagot sa kanya, pero sa isip ko "Sana pati ako.

"Sige sige! 'Pag hindi ko to naubos lahat iuuwi ko 'yung iba!"

Parang ironic lang, kasi masaya ako kahit ang bisita ko ay iisang tao lang. Madalas, gusto ko punong puno yung bahay namin pag birthday ko. Pero ngayong araw, gusto ko na ako lang at si Jin ang magkasama. Parang mas gusto ko na tumigil ang oras. Papanoorin lang si Jin, and kung pwede lang, itago ko na lang siya sa akin. "Kaso hindi ba parang obsessed na ata ako pag ganun?" Hindi naman ako umaabot pa sa gano'n, pero baka mapunta na nga siguro ako doon. Basta ang alam ko lang na si Jin, mahal ko siya. 'Yun lang wala ng iba. Kung sino man maging kaagaw ko. Mahirap akong kalaban!

"Rjay, grabe ang sarap ng baked oysters na 'to! Favorite ko pa naman 'to! Ang sarap niya 'pag kasama ng beer grabe! Solb na solb ako dito! Tikman mo!"

Inabot sa akin ni Jin ang baked oyster na tinusok niya gamit ang kanyang tinidor. Kukunin ko sana ang tinidor pero iniiwas niya to sa kamay ko.

"Paano ko matitikman kung ayaw mo ibigay sakin yung tinidor?"

"Isubo mo!" Kahit kailan talaga, Jin! Pero sige, gusto ko yan! Feeling ko siya ang nag-aalaga sa akin at feeling ko para akong baby nito na sinusubuan pa ng daddy niya! "Sarap ba baby?" Alam ko joke lang 'yung pagkakasabi niya na baby, pero natutuwa ako na kinikilig pag nanggaling mismo sa kanya kahit pabiro. Sana tinotoo niya na lang. "Pasensya ka na Rjay ah? 'Yung bisita mo taga kain lang, wala akong ambag haha!"

"Wag ka magalala, sa lahat ng bisita ko, ikaw ang pinaka special guest!"

Noong iniwan ako ng mga taong inakala ko na nandito para sa akin, para sa special na araw ko, lahat sila wala. Pero si Jin, hindi niya ako iniwan. Simula nang nagkakilala kami hanggang sa pinakadown na araw ko, na inakala ko na ikahihiya niya ko dahil sa nangyari, nandito siya sa tabi ko—sa lowest point ng buhay ko. Wala na akong pakialam sa mga dati kong kaibigan na hindi umattend. Basta nasa tabi ko si Jin, iyon ang mahalaga at iyon ang gusto ko. Walang makakapigil sa akin!

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Pinunatahan na ni Rjay si Jin na dire-diretso lang maglakad at hinablot niya ang kanang kamay nito upang tumigil sa paglalakad.

"Huy, Jin! Ano ba? Tumitingin ka ba sa dinadaanan mo? Malapit ka na tumama sa walls!"

Natauhan si Jin bigla, "Huh? Ay oo nga sorry sorry! May iniisip lang ako, tara na nga! Saan nga ba tayo pupunta?"

"Sa Grocery malapit sa amin. May bibilin akong mga ingredients."

"Oh, bakit nagpasama ka pa sa akin? Bibili ka lang pala ng ingredients." natatawang sinabi ni Jin.

"Magaling ka kasi magluto and kumilatis ng mga magagandang quality ng ingredients, kaya sinama kita para hindi ako maloko sa mga bibilin ko!"

"Ay, sabagay. Baka mamaya, pangit nga ang ibigay sayo. Teka, ano ba ang lulutuin mo? Patingin nga ko ng listahan mo?"

Inabot ni Rjay ang listahan ng kanyang bibilhin at nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa.

"Hmmm. Garlic, cheese, butter, oysters, magluluto ka ba ng baked oysters?" natuwa si Jin nang makita niya na ang lulutuin ni Rjay ay isa sa mga favorite niyang pulutan.

"Oo. may pagbibigyan kasi ako!" nakangiting sinabi ni Rjay.

"Wow! Sino 'yan ah? Mukang special yang tao na yan ah?" pabirong sinabi ni Jin.

"Oo, special talaga tong tao na 'to kaya gusto ko the best ang ingredients at quality para masarapan siya!" sagot ni Rjay.

"Sige tulungan kita! Basta ba bigyan mo rin ako pag naluto mo na ah?" sagot ni Jin.

"Gusto mo bigyan pa kita ng isang box eh!" nakangiting sagot ni Rjay.

"'Wag naman, baka mag-init ako ng sobra. Alam mo naman sabi nila, pag kumain ka daw noon magiinit ka! Haahaha!"pabirong sinabi ni Jin.

"Ay gano'n ba? Stimulant ba 'yun?" tanong ni Rjay.

"Hindi ko din alam eh, pero hindi pa ko nakakakain ng marami noon, baka mamaya kung ano mangyari sa akin!" hirit ni Jin.

Nakapunta na sila sa wet grocery malapit sa lugar nila Rjay. Medyo maputik, maraming tao at masikip.

"Medyo maputik Rjay, baka madumihan ka. Mamahalin pa naman 'yang mga suot mo tska sapatos mo, baka maputikan ka!" pag aalala ni Jin kay Rjay.

"Okay lang, basta ikaw ang kasama ko! Kahit gaano pa karaming putik ang tumama sa akin, wala akong pakialam!" nasa isip ni Rjay. "Oa naman nito ni Jin, kala mo naman dalagang pilipina ako eh!"

"Eh siempre, ganda ng suot tapos pupunta kang palengke, 'di ka muna nagpalit talaga!"

"Nakalimutan ko magpalit. Hayaan mo na, papalaban ko na lang pag nadumihan."

Habang naghahanap sila ng mga magagandang quality ng oysters sa wet market, may nakitang pamilyar na mukha si Jin sa di kalayuang pwesto at namimili din.

"Teka? Parang kilala ko yun ahhh? Bakit nandito siya?"

End of Chapter 11