Chereads / Burning Romance (Tagalog) / Chapter 5 - There's always a first person (d)

Chapter 5 - There's always a first person (d)

Kristin

Napatindig ako ng maayos nang dumako ang mga mata niya sa akin. Ano ang ibig sabihin ng tingin mong 'yan?

Ah, alam na alam ko ang tingin na 'yan, ilang ulit na akong natignan ng ganyan. Ilang ulit ng ipinaramdam ng klaseng tingin na 'yan sa akin na hindi ako nababagay sa mga ganitong lugar, na wala akong karapatang sumabay sa kanilang matataaas na tao, na dapat alam ko kung saan ako lulugar.

Gusto ko ng tumango at umismid na lang pero may buhat akong mabigat na kahon at mahuhuli narin ako sa susunod kong trabaho. Kaya't sinalubong ko ang hindi nagbabagong titig niya sa akin.

Anong gusto mo? Aakyat pa ako sa hagdan para maihatid lang itong kahon na ito sa fifth floor? Isipin mong mabuti, fifth floor tapos hahagdanin ko? Talino mo tapos ang sipag ko ganun? At teka nga, kahit mayaman ka, sigurado naman akong hindi ikaw mismo ang nagpagawa ng elevator na ito kundi ang may-ari ng building na ito. Akala mo naman kung sino kang makatitig.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Pero kung iisipin ko, kahit hindi siya ang nagpaggawa ng elevator, empleyado parin siya dito tapos mukhang mataas pa ang posisyon. Kung ilalaban ko ang karapatan ko bilang mamamayang Pilipino ng bansang Pilipinas, tiyak matatalo ako. Entitled siya, ako hindi.

Sa ganitong pag-unawa ko sa aking sitwasyon, hinayaan ko ang unti-unting pagsara ng elevator, tutal hindi rin naman ako sasakay. Maghihintay na lang ako o kaya maghahagdan na-

"Aren't you going to ride?"napabalik ang aking atensyon sa lalakeng makaporma, akala mo nag-iisang anak ng isang mayamang pamilya.

Bumaba ang mga mata ko sa kanyang kamay na nakaharang sa pagitan ng pinto ng elevator. Ginawa ba niya yan para sa akin? Tumingin ako sa magkabilang gilid ko kung may kasama ba ako pero wala naman. Ang ibig sabihin....

Bumalik ang tingin ko sa lalake, ang ibig sabihin hinarang niya ang kamay niya sa elevator kanina para sa akin.

"Bakit niya ginawa?"itinakip ko ang kamay ko sa labi ko nang hindi ko namalayan na naisa-tinig ko pala.

"What?"

Binaba ko ang kamay ko para maka-usap siya ng maayos.

"Bakit mo 'yan ginawa?"tanong ko sabay turo sa kamay niya.

"Dahil sasakay ka."

"Paano mo alam na sasakay ako?"

"Nasa harap ka ng elevator. Obviously, gagamit ka nito."

Oo nga, tama siya. Sasakay ako dahil nasa harapan ako ng ng elevator at siyempre gagamit talaga ako nito.

"Pero bakit mo nga 'yan ginawa?"

"Dahil sasakay ka nga."

Hindi na ako nakasagot dahil tama talaga siya. Pero hindi lang ako komportable sa pangyayaring ito. Kasi mas matutuwa pa ang mga katulad ng lalakeng ito kung hindi ako sasabay. Sasabihin nila, 'Mabuti naman at alam mo kung saan ka lulugar'.

"Miss, sasara na ulit ang elevator. Get in."

Kaagad akong tumango at mabilis na sana akong papasok sa elevator pero nakaharang parin ang lalake.

"Wait."

Tumigil ako at hindi ko maiwasang pagdikitin ang labi ko dahil mukhang nagulat siya sa naging kilos ko. Umatras na siya at tumikhim habang pumasok naman ako.

Lumapit ako sa pindutan ng mga numero pero napatunganga ako sa harapan nito dahil busy pala ang dalawa kong kamay. Ikinilos ko ang isa kong kamay sa pinaka-gitnang ilalim ng kahon para buhatin ito ng buo, at magamit ko ang isa ko pang kamay sa pagpindot.

"What floor?"medyo napa-taas ang dalawa kong balikat dahil bigla-bigla na lang kasing may nagsalita sa gilid ng mukha ko. Ibabaling ko sana ang ulo ko pero hindi ko na tinuloy dahil masyadong maglalapit na ang mga mukha namin ng lalakeng ito.

"Fifth floor."

Pinindot niya ang button ng fifth floor at bumalik na sa kanyang kinatatayuan kanina. Gumitna naman ako, naisip ko na baka may sasakay pa at magiging harang lang ako.

"Miss."lumingon ako sa kasama ng lalake.

"Bakit kasi hindi ka papasok sana kanina?"

Naisip ko kasi na ako na lang ang kusang maglulugar sa sarili ko kaysa sitahin pa ako ng boss mo. Ilang ulit narin kasi akong nasabihan kaya pagdating talaga sa pagsakay ng elevator, tinitignan ko kung sino ang mga kakasabayan ko. Ang pormahan, tindig, at tingin kasi ng boss mo parang wala kahit na sinong dapat haharang sa dadaanan niya kaya hindi ko magawang pumasok kanina. At ngayong nasa usapan narin tayo, ano ba posisyon ng boss mo dito sa kumpanyang ito, mukhang mabait rin naman kasi siya, medyo nakakatakot lang pero ayos naman pala.

"Miss?"

Nag-aalinlangan lang ako na ngumiti dito at humarap na ulit ako. Saktong namang tumigil na ang elevator sa fifth floor. Kaagad akong lumabas at dumeretso sa reception area pero wala akong nakitang tao.

Naghintay ako ng dalawang minuto bago ko naisipan na pumunta sa pintuan na ng office at kumatok dito. Pero walang sumagot, kumatok ulit ako pero ganoon parin. Ilang ulit pa akong kumatok pero wala akong nahintay.

Binaba ko na ang kahon, dahil hindi ako makapag-desisyon kung bubuksan ko na lang ang pinto. Kaya lang nasa rule namin na kapag nagde-deliver kami hanggang reception area lang o kaya sa labas ng bahay para safe.

Tinignan ko ang relo ko,- pero late na ako sa susunod kong part-time job. Tumingin ako sa pinto at lumapit dito, nang mabuo ko na ang aking isipan, hinawakan ko na ang seradura pero binitiwan ko rin ito.

Mali!Lalabag ako sa rule. Umatras ako at lumayo ako sa pintuan, kailangan ko munang pag-isipan ang gagawin ko.

Sige, kung bubuksan ko ang pinto tapos magugulat ang mga taong nasa loob nito, ang sasabihin ko, 'pasensya pero kanina pa ako sa labas at wala akong makita na kahit na sinong taong pag-iiwanan ko nitong order ninyo, tsaka kailangan ko rin na bumalik sa trabaho ko'.

Napatango ako at tinignan ko ulit ang pintuan-

Pero paano kung walang tao akong dadatnan sa loob, tapos may nawalang bagay, titignan nila ang cctv, at makikita nila akong pumasok na walang pahintulot. Mapapatunayan man na wala akong kinuha pero mapapatunayan rin na linabag ko ang personal delivery rule namin.

Napasandal ako sa pader at naipikit ko ng mariin ang aking mata. Nagmulat rin ako para tignan ang oras na sa relo ko.

"Ha....wala na, male-late na talaga ako nito."

Bumalik ang tingin ko sa pintuan ng office, napatindig ako ng maayos at hindi ko mapigilan ang sarili ko na mameywang sa harapan nito.

"Kayo lang ba ang busy sa buhay?Ako rin, marami rin akong gagawin. May apat pa akong ipa-pack dun. Ubos na ang oras ng shift ko dahil sa inyo."napatawa ako sa hangin.

"At nagkaroon pa kayo ng reception area kung wala namang magbabantay. Tanggalin niyo na, wala rin namang silbi. O baka naman, gusto niyong ako pa ang tumanggal ng reception area niyo? Madali lang naman, babasagin ko lang lahat ng salamin, tapos na."dere-deretso kong saad dahil naubos na talaga ang pasensya ko. Ilang ulit akong nagpakawala ng malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili ko, baka may makakita pa sa akin at masabihan akong baliw.

"Ano bang klaseng kumpanya ito at walang tao?"hindi ko rin napigilan ang sarili ko na magpatuloy. Bumaling ako sa magkabilang direksyon.

"Kumpanya ba talaga ito-"

Naudlot kaagad ang sasabihin ko dahil bumungad sa akin ang lalakeng nakasabayan ko kanina sa elevator, nasa tabi niya rin 'yung kasama pa niya na parang natatakot siya para sa akin.

"Kanina pa po ba kayo diyan?"tanong ko sa lalake.

"Yes."

"Narinig niyo po lahat?"

"Yes."

"Ganun po ba, marami yata akong nasabi."

"Obviously."

Napalunok ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.

"Richard, get the parcel."ma-awtoridad na utos ng lalake.

Mabilis naman na naglakad ang kasama ng lalake palapit sa kahon na ibinaba ko kanina. Pero mas nauna akong humarang sa kahon.

"Alam kong empleyado po kayo dito."saad ko sa lalake pero nakatingin ako dun sa Richard na iniilingan ako.

"At sigurado ako na mataas ang posisyon niyo dito."maingat kong dagdag habang pinapanood ko parin yung Richard na sinesenyasan akong tumigil na sa pagsasalita. Kaya bumangon ang kaba ko kahit sinasabi ko sa sarili ko na tao lang rin naman ang kaharap ko. Pero sabagay, mas nakaka-kaba kung malalaman ng boss ko na sa maling tao ko binigay ang order.

"Hindi po sa hindi ko kayo rinerespeto, pero kay Ms. Hilda po nakapangalan ang order, ipapapirma ko po rin sana-"

"Tumigil ka na Miss, siya ang CEO ng kumpanyang ito."

Napatitig ako dun sa Richard tapos tinuro ko yung lalake. "Siya....siya-siya."

Huminga ako ng malalim bago ko ayusin ang pagsasalita ko. "Siya ang CEO ng kumpanyang ito."patanong at mahina kong saad.

"Oo, Miss."

Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko at pakiramdam ko parang may nabasag talaga na mga salamin sa paligid ko, na nakakatakot umapak, dahil sa maling hakbang ko, siguradong masakit. Katulad na lang ang pagharap ko sa CEO, isang maling salita, lagot ako sa boss ko.

"Sir, nagpa-practice lang po ako kanina. Ano po kasi, may.....may.."

Isip ko, ngayon ka gumana, hindi sa mga oras na hindi naman talaga kita kailangan.

"may paligsahan po sa lugar namin."dugtong ko, gusto ko ng ngumiwi dahil sa walang kwenta kong sinagot. Kahit ako hindi maniniwala sa dahilan ko. Pero magpapakatanga na lang ako.

"Saan? Gusto kong panoorin ang performance mo. I find it interesting."