Chereads / FIND ME: A Love Through Eternity (FILIPINO VERSION) / Chapter 38 - CHAPTER 37 "PINAGSISISIHAN MO BA?"

Chapter 38 - CHAPTER 37 "PINAGSISISIHAN MO BA?"

MADILIM na sa labas ng bintana nang magising si Daniel na kayakap si Ara na mahimbing parin na natutulog. Tanging ang liwanag na pumapasok sa bukas na bintana ng kaniyang silid na nagmumula naman sa poste ng kuryente sa may labas ng bahay ang tanglaw nila.

Pero sa kabila noon ay sapat parin ang liwanag na iyon upang mapagmasdan niya ng husto ang mahimbing na pagtulog ng magandang mukha sa kaniyang tabi na nakaunan pa sa kaniyang dibdib.

Mabilis na humaplos ang mainit na damdamin sa puso ni Daniel habang pinagmamasdan ang pinakamagandang mukha na nasilayan niya sa buong buhay niya. Kung totoo man ang sinasabi ng doktor na tumingin sa kaniya na malapit na siyang mawala, na maaaring apat hanggang anim na buwan na lamang ang itatagal ng buhay niya siguro gugugulin na lamang niya ang mga panahong iyon kasama si Ara.

Hindi niya alam kung papayag ang mga magulang nito sa ganoong setup pero gusto parin niyang subukan. Kahit naman kasi sabihing may nangyari na sa kanila, hindi parin niyon mababago ang katotohanan na mahal niya ito at hindi iyon nabawasan ng kahit kaunti at sa halip ay mas nagtumindi pa.

Ilang sandali niyang pinili ang manatili sa ganoong ayos.

Nakuntento na siya habang pinanonood ang mahimbing na pagtulog ni Ara.

Kung pwede lang sana na manatili sila sa ganoong ayos. Sana may paraan ang langit. Sa naisip ay mabilis na nag-init ang kaniyang mga mata.

Alam niyang wala siyang karapatan na kuwestiyunin ang plano ng Diyos sa buhay niya pero sa pagkakataong ito, hindi niya mapigilan. Bakit ngayon pa ito nangyari? At kung ganito rin lang pala na kukunin siya Nito ng mas maaga, bakit hinayaan pa Nitong makilala niya si Ara?

Alam niyang masasaktan si Ara ng sobra. Pero sigurado siya na mas masasaktan ito kung itutuloy niya ang nauna na niyang plano na iwasan ito.

Sa pagkakataong iyon ay naramdaman ng binata ang matinding pananakit ng kaniyang lalamunan. Pagkatapos ay ang tuluyan na ngang pag-agos ng kaniyang mga luha na mabilis rin naman niyang tinuyo.

"D-Daniel? Umiiyak ka ba?" dahil nga madilim at hilam ng luha ang kaniyang mga mata ay hindi na napuna ni Daniel na gising na pala ang dalaga.

Bago pa man ito nakasagot ay nagawa nang bumangon ni Ara saka hinila ang kumot at itinakip sa hubad nitong katawan.Habang siya naman ay inabot ang lampshade na nasa bedside table ng kama saka iyon pinailawan.

"I'm okay, masyado lang siguro akong masaya," aniya rito saka buong pagmamahal na pinakatitigan ang mukha.

Parang hindi kumbinsidong tinitigan siya ni Ara. At hindi nga siya nagkamali dahil iyon rin ang sinabi ng dalaga nang magsalita ito.

"Alam ko may problema ka, pwede mo namang sabihin sa akin ang tungkol doon. Huwag kang matakot at huwag ka ring mahihiya. Ngayon magiging asawa mo na ako, ako na ang magiging kakampi mo sa lahat ng pagkakataon at sa lahat ng problema na kakaharapin mo," sa karaniwang mabait na tono ng dalaga saka nito naglalamabing na dinama ang mukha niyang nabasa ng luha at tinuyo iyon gamit ang sarili nitong kamay.

Sa pagkakataong iyon ay naisip ni Daniel na tama nga naman ang sinabi ng dalaga.

Kung may isang tao sa mundo na kailangang makaalam ng lahat ng tungkol sa kaniya gaano man iyon kasakit o kasaya dapat ito iyon. Pero dahil sa takot niya ay mas pinili na lamang niyang sarilinin ang lahat, kaya ngayon ay mag-isa niyang dinadala iyon, mag-isa siyang nahihirapan.

"It's something serious," aniyang muling naramdaman ang tila bigik na nakabara sa kaniyang lalamunan.

Hindi nagsalita si Ara at nanatiling nakatitig lang sa kaniyang mukha. Halatang hinihintay nito ang iba pa niyang gustong sabihin kaya nagpatuloy siya.

"Nagsinungaling ako sa iyo tungkol sa totoong dahilan ng mga pasa ko sa katawan," pagsisimula niya habang patuloy sa pagpipigil ng sariling emosyon.

"A-Anong ibig mong sabihin?" kasabay ng panginginig sa tono ng boses ni Ara ay ang pagguhit ng matinding pag-aalala sa mga mata nito na labis namang nagpahirap sa kalooban ni Daniel.

Huminga siya ng malalim para kahit paano ay pagluwagin ang naninikip niyang dibdib. Pagkatapos noon ay ginagap niya ang kamay ng dalaga saka iyon itinaas at hinalikan. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang lahat sa nobya niya sa paraan na mas magaan at hindi ito masyadong masasaktan.

"P-Please, ano bang sinasabi mo? Pinakakaba mo naman ako eh." nang manatili siyang tahimik at nakatitig lang sa mukha nito ay muling nagsalita si Ara sa ngayon ay mas worried na tono.

Noon muna inipon ni Daniel ang lahat ng lakas ng loob na mayroon siya bago siya nagbuka ng bibig para magsalita. Pero kasabay ng unang salitang namutawi sa mga labi niya ay ang pagkabasag ng kaniyang tinig at pagbalong ng kaniyang mga luha.

"I-I'm dying, Acute Myeloid Leukemia," aniyang mabilis na pinahid ang mga luha niya pagkatapos saka pinagsikapang patatagin ang tinig.

Nanlaki ang mga mata ni Ara sa narinig kasabay noon ay ang pagtatakip nito ng mga kamay sa sarili nitong bibig dahil sa pagkawala ng isang hikbi at katulad niya kanina, pag-agos ng mga luha.

"Please, huwag kang ganiyan, lalo akong malulungkot at mawawalan ng pag-asa," aniyang kinabig ang nobya saka niyakap sa kaniyang dibdib.

"Hindi totoo iyon di ba? Nagbibiro ka lang?" sa pagitan ng paghikbi ay iyon ang sinabi ni Ara.

Matagal niyang tinitigan ang magandang mukha ng kaniyang nobya at pagkatapos noon ay buong pagmamahal na hinalikan ito sa noo.

"Magpapagamot ako, naniniwala ako na gagaling pa ako at makakasama pa kita ng matagal," ang sa halip ay isinagot niya.

Sa sinabi niyang iyon ay tuluyan na ngang napaiyak ng malakas si Ara.

"Ibig sabihin totoo? Ganoon kaseryoso ang sakit mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad?" masama ang loob na tanong ni Ara saka inilayo ang sarili sa kaniya.

"Please, sweetheart let me explain," sumamo niya pero mabilis nang nakatayo ang dalaga.

Galit ito at alam niya iyon, nakikita niya sa mga kilos nito habang nagbibihis ito at pati narin sa dalas ng pagbalong ng mga luha nito. Nang makita niyang patapos na si Ara ay ganoon narin ang ginawa niya. Hindi niya ito pwedeng hayaang umalis nang ganito ang sitwasyon nilang dalawa. Normal lang na magalit ito sa kaniya dahil sa ginawa niya at nauunawaan niya iyon. Pero hindi siya papayag na sa maikling panahon na ilalagi niya sa mundo ay hindi niya makakasama ang babaeng pinakamamahal niya, ang babaeng ngayon ay siya nang kahulugan ng buhay niya.

"Please, huwag mong gawin sa akin ito," aniyang niyakap ng mahigpit si Ara nang umakma na itong lalabas ng pinto. Pagkatapos noon ay inabot niya ang switch ng ilaw kaya naman tuluyan na ngang nilamon ng liwanag ang kabuuan ng silid.

"W-Wala kang karapatan para ilagay ako sa ganito kahirap na sitwasyon! Walang hiya ka! Nagawa ko ang ibigay sa iyo ang sarili ko!" ang galit na galit nitong sumbat saka siya malakas na sinampal.

"Bakit sa tingin mo ba ginusto ko ito?" ang naghihinanakit na naitanong ni Daniel sa tono na nagpapaunawa at nagsusumamo. "Sana makita mo rin ang hirap na pinagdadaanan ko, ayoko pang mamatay, marami pa akong gustong gawin sa buhay, gusto ko pang magpatayo ng magandang bahay, gusto pa kitang pakasalan at gusto ko pang bumuo ng isang masayang pamilya kasama mo!"

"Pero dapat hindi ka nagsinungaling sa akin! Bakit hindi mo sa akin sinabi agad ang totoo?" ang umiiyak parin na sigaw sa kaniya ni Ara.

"I-I'm sorry, iyon lang ang naisip kong option para hindi ka masaktan," paliwanag niya.

"Pero nasaktan parin naman ako hindi ba? Tapos ngayong may nangyari na sa atin, paano na ako Daniel?" sa tanong na iyon tuluyan na ngang napaupo sa gilid ng kaniyang kama si Ara at saka isinubsob ang mukha sa sariling mga palad at doon umiyak ng umiyak.

"P-Pinagsisisihan mo ba ang nangyari?" hindi niya gustong mahaluan ng hinanakit ang tono ng pananalita niya pero iyon parin ang nangyari. "sabihin mo sa akin ngayon, hindi ba inalok kita ng kasal kanina? Pumayag ka kasi hindi mo pa alam ang tungkol sa sakit ko, ngayong alam mo na, payag ka parin bang makasal sa isang katulad ko na ilang buwan nalang ay mamamatay na?"