"OHHH!" ang malakas na naisigaw ni Ara bilang reaksyon at pagtugon sa ginawang iyon ng kaniyag nobyo.
Siguro nga totoo ang sinabi nitong ni Daniel sa kaniya kanina na hindi niya ito dapat na sinisimulan. Pero kung ganito ba naman katindi ang kaligayahan na pwede niyang maranasan, hindi siya magdadalawang isip na i-seduce ito ng maraming beses at paulit-ulit. Dahil kung tutuusin nasa kaniya naman ang lahat ng karapatan na gawin iyon dahil nobya siya nito. Bukod pa sa katotohanan na inalok na siya ng binata ng kasal kaya hindi magtatagal sila ay magiging mag-asawa na kahit lihim lang .
Sa simula ay naging mapagbigay si Daniel, hindi ito masyadong naging mapusok sa kaniya at lalo na sa pagkababae niya. Pero parang nagpipigil lang ang binata sa ginagawa nitong iyon dahil sa huli ay nagawa na nitong pagsabayin ang daliri nito na naglalabas masok sa kaniyang bukana pati narin ang sumisibasib nitong bibig sa kaniyang hiyas.
Pigil na pigil ang paghinga ni Ara sa lahat ng nangyari iyon.
Hindi niya alam kung saan niya ibabaling ang ulo niya dahil sa tindi ng magkakahalong emosyon at pakiramdam na ibinibigay sa kaniya ni Daniel. Dahil kung siya ang tatanungin, kulang ang salitang masarap para ipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.
"Daniel! Mnnn!" aniyang sinundan pa ang sinabi ng isang mahaba ang naliligayahang halinghing.
"I want to hear more of those, Ara," anitong iniwan sandali ang paghalik sa kaniyang pagkababae saka muling binalikan upang ipagpatuloy ang naudlot nitong ginagawa kanina.
Muli nitong sinibasib ng mararahas na pag-angkin ang kaniyang pagkababae na lalong nagdulot ng hindi maipaliwag na pakiramdam at init sa kaniyang katawan. At hindi lamang iyon dahil tuluyan na ngang iwinala ng ginagawang iyon ni Daniel ang discomfort na nararamdaman niya kaniya. Lalo na nang maramdaman niyang hinugot na ng binata palabas ang daliri nito mula sa kaniyang pagkababae kaya naman nagkaroon ng pagkakataon ang mismong dila nito upang angkinin ng solo ang kaniyang hiyas.
Parang tinamaan ng kidlat na napapikit si Ara sa ginawang iyon ng kaniyang nobyo. Hindi niya alam kung saan siya kakapit dahil pakiramdam niya ay parang nalulunod siya sa labis na kaligayahan. Pero sa kabila niyon ay sinikap parin niyang maghanap ng pwedeng hawakan. At ang buhok ni Daniel ang napagbalingan niya.
Kumapit siya roon na para bang iyon ang makapagbibigay ng lakas sa kaniya sa kabila ng katotohanan na gusto rin naman niya ang dahilan kung bakit siya nanghihina ngayon.
Ramdam na ramdam niya ang dila ng binata na abala sa ginagawa nitong paglalabas-masok sa kaniyang bukana. Ibang klase ang feeling na nasa loob niya iyon at binibigyan siya ng klase ng pakiramdam na kahit yata anong salita ay hindi magagawang ipaliwanag kung gaano iyon katindi at kasarap.
Nanuyo ng husto ang lalamunan ni Ara dahil sa magkakasunod niyang pagsinghap. Sinubukan rin naman niyang manahimik kahit na papaano pero may pakiramdam siya na parang gusto ni Daniel na marinig ang epekto ng ginagawa nito sa kaniya kaya mas pinaghuhusayan pa nito.
"Ara basang-basa kana," anitong itinaas ang ulo saka siya niyuko at hinalikan.
Tumango siya saka saka ito tinugon ng halik. "Do it now," anas niyang muling hinila ang batok ni Daniel saka kinagat ang pang-ibabang labi nito.
Sa ginawa niyang iyon ay muli na naman niyang nakita ang muling pag-aalab ng maliliit na labi ng apoy sa mga maiitim nitong mata. Nakuha nito ang ibig niyang sabihin at katulad kanina, alam niyang sinimulan na naman niya si Daniel kaya ganoon ang damdamin na gumuhit sa mga mata nito.
"Are you sure?" tanong nitong kinuha ang kamay niya saka inilagay sa bagay na nasa pagitan ng mga hita nito na nang mga sandaling iyon ay natatakpan parin naman ng maliit na saplot.
Agad na binawi ni Ara ang kamay niya mula kay Daniel nang maramdaman niya ang tila baka nitong pagkalalaki. Alam niyang kahit hindi pa niya iyon nakikita ay totoong makisig at katulad ni Daniel, gwapo iyon. Pero hindi niya sigurado kung kakayanin niyang patuluyin iyon nang hindi siya nasasaktan ng labis.
"P-Parang masyadong malaki. I don't think I can take it," pagsasabi niya ng totoo, iyon ay sa kabila ng katotohanan na nagdadalawang isip pa siyang sabihin iyon dahil ayaw niyang bigyan ng disappointment si Daniel.
Naramdaman niya ang mahinang tawa na naglandas sa lalamuna ni Daniel bago siya nito amuse na dinampian ng isang simpleng halik sa noo.
"Takot ka bang mag-take ng risk? Hindi ba nung gabing sinagot mo ako at tinanggap mo ang pagmamahal na iniaalok ko ganoon rin iyon?" tanong nito sa karaniwan na nitong mabait at malambing na tono.
Agad na napaisip sa sinabing iyon ni Daniel si Ara.
Tama nga naman ang binata.
Ano ba naman ang ipinagkaiba ng sakit na pwede mong makuha kapag nagmamahal ka sa sakit na alam niyang posible nga niyang maramdaman at sa kalaunan ay mapapawi rin naman kung itutuloy nila ito?
Dahil kung tutuusin alam naman niyang siya ang nagpasimula ng lahat ng ito. Kung susuriin siya ang talagang nag-insist. Tapos ngayon, bakit niya inaatrasan? Dahil takot siyang masaktan? O dahil wala siyang paninindigan?
Sa huling naisip ay lihim na pinagalitan ni Ara ang kaniyang sarili.
Hindi siya ganoon, mayroon siyang paninindigan at alam niya na kung anuman ang maging bunga ng lahat ng ito kung sakali ay hindi rin siya tatalikuran ni Daniel dahil paninindigan siya nito.
Nang mabuo ang pagpapasya sa isipan ni Ara ay kusang kumilos ang kamay niya saka iyon pumaloob sa suot na brief ni Daniel.
Nang magtama ang paningin nilang dalawa ay noon nakita ni Ara ang biglang pangingislap ng mga mata ng binata. Dahilan kaya lalong nagtumindi ang paghahangad ng dalaga na maangkin na nga ng lubusan ni Daniel.
"It's gorgeous," aniya matapos ilabas mula sa manipis na telang pinagkukublian nito ang pagkalalaki ni Daniel.
Hindi alam ni Ara kung instinct lang ba niya iyon pero biglang parang naramdaman niya kung ano ba ang mas mabuting gawin nang mga sandaling iyon na palagay niyang magugustuhan ni Daniel. Kaya naman sinunod niya ang tila maliit na boses na nagdidikta sa kaniya kung ano ang dapat niyang gawin, at katulad ng ginagawa kanina ng binata ay sinimulan niyang suyuin ang pagkalalaki nito gamit ang sarili niyang kamay mismo.
"A-Ara," bulong ni Daniel na kinukuha ang atensyon niya.
Nang ibaling niya sa binata ang paningin niya ay noon niya nakita kung gaano na katindi ang epekto ng ginagawa niya rito at lihim niyang ikinatuwa iyon. Hindi rin niya alam kung anong klaseng kapilyahan ang biglang naglaro sa isipan niya kaya nagawa pa niyang ipagpatuloy ang paglalaro sa pagkalalaki ni Daniel habang nakatitig sa mga mata nito at sa huli ay kusa siyang napakagat-labi.
"Oh fuck!" ang binatang magkakasunod pa munang huminga bago pumikit at muling nagdilat ng mga mata para titigan siya.
Napangiti si Ara.
Mula nang makilala niya si Daniel, iyon ang unang pagkakataon na narinig niya itong nagmura. At alam niya kung bakit, dahil iyon marahil sa magandang epekto ng lahat ng kapilyahan na ginagawa niya rito.
Nakikita niya ang tila pagpipigil ni Daniel sa ginagawa niyang iyon. Pero parang sumiklab ang init na nasa mga mata ng binata dahil sa ginawa nga niyang pagkagat sa kaniyang pang-ibabang labi at iyon ang naging dahilan kaya binigla nito ang ginawang pagkabig sa kaniya saka inangkin ng buong kapusukan ang kaniyang mga labi para sa isang maalab at malalim na halik.