SIGURO nga ang ginawa niyang paghalik kay Daniel ang nagbigay signal sa binata kaya tuluyang nawala ang anumang alalahanin sa isipan nito. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang biglang naging mapusok ang binata.
Hinalikan siya nito at tinugon ang halik na sinimulan niya, pero iyon ay sa paraan na hindi na niya halos kinaya o hindi na niya alam kung papaanong sasabayan ang binata kaya naman sa huli ay kusa na lamang siyang nagpaubaya.
Nagawa siyang ihiga ni Daniel sa kama nito nang hindi niya namamalayan. Napagtanto na lamang niya iyon nang maramdaman niya ang pagsayad ng malambot na higaan sa kaniyang likuran. Pero ganoon pa man ay hindi parin niya idinilat ang kaniyang mga mata. Pinanatili niya ang pagkakapikit niya dahil ang totoo parang hindi niya kayang bigyan pa ng pansin ang iba pang bagay maliban sa masarap na ginagawa sa kaniya ng binata.
Masuyo pero mapusok.
Banayad pero malalim.
Kung paanong nagawa iyon ng binata, hindi niya alam. Pero gusto niya iyon. Gusto niya ang paraan ng pag-angkin nito sa kaniyang mga labi. Ang banayad nitong pagkagat sa gilid ng kaniyang bibig at ang walang kapagurang paggalugad ng dila nito maging sa pinakatagong bahagi niyon.
Ang lahat ng iyon binibigyan siya ng masarap na pakiramdam. Masarap pero walang dudang napakainit dahil kanina pa niyon nagagawang pataasin ang temperatura ng katawan niya.
Hindi iyon ang unang beses na naramdaman ni Ara na dumama sa hita niya ang isang kamay ni Daniel.
Pero siguro nga dahil sa init at matinding paghahangad na nararamdaman niya ay hindi niya napansin na pumaloob na pala sa laylayan ng suot niyang bestida ang kamay ng kaniyang kasintahan.
"Ara, mahal na mahal kita," nang bumaba ang mga halik ni Daniel sa kaniyang leeg ay nagkaroon ito ng pagkakataon na sambitin ang mga katagang iyon.
Mula nang maging sila ni Daniel ay palagi naman niyang naririnig sa binata ang mga salitang iyon. Kung gaano siya nito kamahal. Pero palagi, kahit sabihin pang madalas ay nagagawa paring haplusin ng mga iyon ng mainit na damdamin ang kaniyang puso.
Palagi ay nagagawa siyang iduyan sa alapaap ng binata tuwing sasambitin nito kung gaano siya nito kamahal. May mga pagkakataon na nga na parang gusto niyang umiyak dahil sa labis na kaligayahan. Dahil ang totoo hanggang ngayon hindi parin siya makapaniwala na minahal siya ni Daniel.
Ang lalaking noon ay kinamumuhian niya, ngayon heto at nandito na sila.
"Mahal na mahal din kita, sobra," sagot niyang tinitigan ang maiitim nitong mga mata saka pagkatapos ay masuyong hinaplos ng sarili niyang kamay ang napakagwapo nitong mukha.
Ngumiti si Daniel sa sinabi niyang iyon pero hindi niya maunawaan kung bakit at kung para saan ang pagguhit ng tila ba hindi maipaliwanag na kalungkutan sa mga mata nito.
Nakaramdam siya ng pag-aalala dahil sa nakita niyang emosyon sa mga mata nito. Pero sandali lang iyon, dahil kasabay ng pagkapawi ng pag-aalala na nararamdaman niya ay ang muling paglapat ng mga labi nito sa kaniya.
Sa pagkakataong iyon ay naramdaman ni Ara na papunta na sila sa real thing, at hindi nga siya nagkamali, dahil sa mabilis na paraan ay nagawa siyang hubaran ng binata.
Nakita niyang umangat ang sulok ng labi ni Daniel habang sinusuyod nito ng humahangang tingin ang kabuuan niyang ngayon ang natatabingan nalang ng dalawang maliliit na saplot.
"What a beautiful sight," anitong niyuko siya saka hinalikan sa mga labi pagkatapos.
Sandali lang iyon ang halik na iyon dahil isinunod naman ng binata ang paghuhubad sa mismong harapan niya mismo at ang suot nitong brief ang tanging iniwan nito.
Sa pagkakataong iyon kahit pa sabihing nakakaramdam si Ara ng matinding discomfort dahil sa ginagawa ng nobyo ay hindi parin niya napigilan ang sariling pagmasdan si Daniel.
Napakaganda nito at hindi nagawang sirain ng maiitim na pasa sa katawan nito ang pang-akit ng tila Adonis nitong pangangatawan.
Lalong nagtumindi ang pag-uunahan ng kaba sa kaniyang dibdib nang maramdaman niya ang paglundo ng kama nang daluhan siya doon ni Daniel.
"Hindi sila maganda sa katawan mo, pero para sa akin gwapo ka parin," aniyang hinaplos ang balat ng binata sa bahagi na may pasa.
Tumawa ng mahina si Daniel. "Huwag mo akong kakalimutan, kahit na anong mangyari palagi mong iisipin na mahal na mahal kita at wala na akong iba pang babaeng mamahalin kundi ikaw lang," anito sa mababa pero mapang-akit na tono.
Napangiti siya saka hindi nagsalita at sa halip ay nagsimulang magsulat sa dibdib ni Daniel, sa tapat na bahagi ng puso nito mismo gamit ang kaniyang hintuturo. Ang bahagi na iyon ay walang pasa.
"What are you doing?" amuse nitong tanong.
"I'm writing my name, dito sa tapat ng puso mo, para hindi mo ako makalimutan kahit na kailan," sagot niyang tinitigan ng buong pagmamahal ang lalaking pinakamamahal niya.
*****
AGAD na naramdaman ni Daniel ang tila malaking tinik na nakabara ngayon sa kaniyang lalamunan dahil sa pagpipigil ng sarili niyang emosyon.
Pero gaano man ang kagustuhan niyang pakawalan ang nararamdaman niya alam niyang hindi makakatulong iyon sa sitwasyon. Magtataka si Ara at higit sa lahat ay masisira ang sandaling ito na alam niyang pareho nilang gusto dahil nagmamahalan sila.
"I will never do that, hindi kita kakalimutan, even if I die I would still love you," sagot ni Daniel saka ginagap ang kamay ng nobya at masuyo iyong hinalikan.
Nang ngumiti si Ara ay napawi kahit papaano ang pamimigat ng dibdib na nararamdaman niya. Kung totoo nga na apat hanggang anim na buwan nalang ang itatagal ng buhay niya, bakit hindi nalang niya lubusin at samantalahin ang pagkakataon para lubusan maging masaya sa piling ng babaeng pinakamamahal niya?
"K-Kung sakali ba na yayain kitang pakasal, papayag ka?"
*****
NANLAKI ang mga mata ni Ara sa narinig.
"A-Anong sinabi mo?" ang hindi niya makapaniwalang tanong.
"Be my wife? Please?" naramdaman ni Ara sa tono ni Daniel ang kagustuhang makuha ang pagsang-ayon niya sa hinihingi nito.
"P-Pero baka hindi pumayag ang nanay at tatay ko," totoo naman iyon.
Alam ni Ara na hindi papayag ang mga magulang niya sa gustong mangyari ni Daniel. Pero sa puso niya, alam naman niyang hindi na niya kailangan pang pag-isipan ang dapat niyang isagot sa tanong na iyon. Dahil ang totoo, wala naman siyang ibang gustong makasama hanggang sa pagtanda niya kundi si Daniel lang.
"Ilihim natin sa kanila, kung gusto mo?" si Daniel ulit na hinalikan siya sa mga labi sa paraan na tila ba sa ginawa nitong ay magagawa nitong makuha ang matamis niyang oo.
Sa narinig niya ay mabilis na gumana ang isipan ng dalaga. Tama, pwede naman pala nilang gawin ang ganoon. Pero tama ba ang gagawin nila kung sakali.
"Secret marriage?"
"Yes," ang maikling sagot ni Daniel.
"Pwede ko nang pag-isipan muna?" sa huli ay iyon rin ang namutawi sa mga labi niya.
Nakakaunawa ang ngiti na pumunit sa mga labi ni Daniel. "Sure," sagot nito.
Sa pagkakataon na iyon katulad kanina ay siya na muli ang kumabig sa batok ni Daniel para halikan ito. Kung sakali man at nakahanda siyang ibigay ngayon ang sarili niya sa binata, bakit ba kailangan niyang pag-isipan pa ang tungkol sa pagpapakasal nilang dalawa kung ililihim naman nila iyon at sila lamang ang makakaalam.
"Y-Yes," ang sa huli ay isinagot rin niya nang pakawalan niya ang sarili mula sa mapusok na paghalik sa kaniya ni Daniel.
Mabilis niyang nakita ang pangingislap ng mga mata ng binata dahil sa sinabi niyang iyon. At kahit hindi ito magsalita, sa lapad at sa ganda ng ngiting pumunit sa mga labi ni Daniel, alam niyang labis itong nasisiyahan.
"Oh sweetheart, I love you, mahal na mahal kita," anitong sinimulang paulanan ng halik ang kaniyang mukha at sa huli ay nag-landing rin sa kaniyang mga labi.