Chapter 2 - Chapter 1

Wooh! Ang sarap!"

Halos mapuno na ang bibig ni Chubby sa kakasubo ng mga pagkaing nasa harapan nila ng bestfriend niyang si Trina. They are in the Korean restaurant in Mandaluyong and it was eat all you can serve food. Mag-iisang oras na rin sila sa naturang establishment at hindi pa siya titigil hangga't hindi nauubos ang pagkain nakahilira sa buffet table.

"Busog na ako, Chubby!" reklamo ng kaibigan.

"A-Anong b-busog? K-Kumain k-ka pa!" wika niya rito habang puno ang bibig niya ng lettuce na nilagyan ng beef.

"Pahinga muna tapos kakain ulit ako. Halos gabi-gabi na tayong nag-sasamgyup at hindi ka ba nagsasawa?" tanong nito.

Dinampot niya ang baso ng juice at uminom bago niya tinugon ang kaibigan. "Hindi ako magsasawa. I miss this Korean food, you know! Pagbigyan mo na ako at kakabalik ko lang galing Australia. Alam mo, mag-grilled ka na lang diyan."

"Pambihira ka talaga! Hindi ba uso sa'yo ang diet, 'te?"

"Nope. Food is layf, gurl. My nickname is Chubby so I will prove to them that I patronize with that name."

"Kalerky! Partida nanggaling ka pa niyan sa Australia. You promised that you will be the sexiest, hot, lovable, and seductive woman in the world. Anong nangyari te? Mukhang mas lalo kang bumilog?"

"Bilog ka rin naman. Fair lang tayo."

"It's your fault, Chubby. Paano na ako magugusuhan ni Kameron may labs kung sarili ko ay hindi ko man lang iniisip?"

"Do you still have a crushed on him?"

Tumango ito sabay sabi nang, "Oo."

"Sa lahat pa ng magugustuhan mo ay si Kuya pa. He's a ruthless and heartless billionaire ever!" May pa kumpas-kumpas pa siya ng kamay niyang may hawak na chopstick.

"Maganda nga iyon e. He's not a ruthless and heartless but a hot and seductive man I ever met. I can't wait he will drive me crazy when it comes in bed!"

Napatitig siya kay Trina na tila nag-iimagine ng mga eksena nila ng kapatid niya. "My god, Trina! Naiisip mo pa ang mga bagay na iyan sa kapatid ko? Matanda iyon sa'yo ng limang taon, hello!"

Sumulyap ito sa kaniya. "What's the matter with that? Age doesn't matter anymore. At kahit matangkad siya kaysa akin, magpapantay din kami! Ikaw nga naging desperado ka rin kay Ranzel noon. Fair lang tayo!"

Mukhang binawian siya ng kaibigan niya saka siya napangiwi. "That was twelve years ago, Trina. Isinumpa ko na ang tukmol na iyon sa ibabaw ng puntod ng mommy ko. And don't even mention his name at allergic ako!"

"Asus! As if naman naniwala ako? Noong mabalitaan mong namatay ang girlfriend niya two years ago ay nakukumahog ka ng makauwi rito pero hindi ka pinayagan ni Kameron. And guess what? He is still single right now!"

"Pake ko? Nandito ako para sa turn over ng business ni Kuya and next week ay may cruise ako sa Dubai patungong South Africa."

"Ewan ko na lang talaga kapag nagtagpo ang landas mo ng sinasabi mong tukmol!"

Paano nga ba? Hindi niya alam kung sakaling magtagpo ang landas nila ni Ranzel. It's been twenty years since the day they had an unforgettable and embarrassing moment both. She left the US to continued her study in Australia while crying in front of his eldest brother Kameron. Lahat ng mga naging kabaliwan niya sa binata noon ay alam nito pati na rin ang prom night na hindi nakaligtas na aminin sa kapatid. Galit na galit ito noon sa lalaki at halos sugurin na nito sa States ngunit pinigilan lang niya. Hindi naman siya nahiyang magsabi sa kuya niya ng mga usaping pampuso dahil ito na rin ang naging sandigan niya mula nang mamatay ang kaniyang ina sa sakit na cancer.

Chubby or Kreisha Severino is twenty-nine years old and a Pastry Chef in her Café, Bar, and Restaurant, and Pastry Shops. Pinamumunuan nila ng kapatid niyang si Kameron ang Severino Food Group of Companies na kilala sa buong Pilipinas at may mga branches na rin sa ibang bansa. And yes! She came from a wealthy, lovable, and overprotective family. Kaya hindi niya masisisi kung bakit hanggang ngayon ay mahigpit pa rin ang kapatid niya sa kaniya.

MARAHAN siyang naglakad nang makauwi siya sa kanilang bahay sa Dasmariñas Village hating-gabi na. Alam niyang sermon na naman ang abot niya sa kapatid niya. Mabuti na lang at hindi niya dala ang kotse niya kung 'di lagot na naman siya.

"Why do you come home late?"

Napatigil siya sa pag-akyat sa hagdanan nang maulinigan niya ang boses ng kaniyang kapatid at alam niyang hindi maganda ang tono ng pagtatanong nito. Marahan siyang lumingon sa likuran niya saka lang niya nasulyapan ang madilim nitong mukha.

"Is this the way how your nightlife in Australia?" mariin nitong wika.

"Kuya Kameron...kumain lang kami ni Trina."

"God! Look at you, Kreisha. You're always doing that every night. Ni hindi ka na namin nakasama ng daddy kumain ng dinner. Is this your plan? Ang lumubo ka nang lumubo kakakain ng mga unhealthy food sa labas at hindi ka na magkasyang pumasok dito?" Lumabas na ang mga litid nito sa leeg.

"Kuya, ang puso mo. Ito lang naman ang kasiyahan ko at stress ako ngayon," paglalambing niya sa kapatid.

"You're worst than ever, Kreisha. I don't know what to do with you, woman! At kasama mo naman iyang bakla mong kaibigan na si Trina."

"Maka-bakla ka naman e babae iyon. May lahing bakla lang."

"Huwag mo akong dinadaan-daan diyan sa hitsura ng mukha mo, Chubby."

Lumapit siya sa kapatid, hinawakan sa braso at naglalambing. "Kuya naman. Hindi ka makakapag-asawa niyan kung laging nakakunot-noo iyang noo mo. Sorry na. Peace na tayo. Huwag ka ng sumigaw at baka magising si Daddy Tino. I'll promise to you, Kuya. After my cruise in South Africa, I'll do what you want."

"I already heard that promises of yours. Do it instead, Chabelita!" Sabay binawi nito ang braso sa kaniya at nagpatiunang umakyat.

Napabungisngis siya nang marinig niya ang pinakapang-asar nito sa kaniya at alam niyang medyo bumaba na ang tensiyon nito. Napapailing na rin siyang sinundan ito sa taas.