"Hatsing!"
Malakas ang pagkakahatsing niya sabay kumuha ng tissue at pinahid sa ilong. Sino ang lumapastangan sa pangalan ko at tila galit na galit. Tinapon niya agad ang tissue matapos pahiran ang mukha saka muling hinarap ang laptop niya. Maya-maya pa ay pumasok na ang kaniyang sekretarya sa kaniyang Law Firm.
"Hi, Sir Ranzel. Here are the documents you have requested from Detective Rendell Del Valle. Nariyan na rin lahat ng mga important details sa kaso ni Mr. Dela Merced." Inilapag nito sa mesa ang isang long envelope.
Bahagya siyang napatitig sa sekretarya niyang si Eunice na halos luwa na ang dibdib sa suot nitong halter dress na nilagyan lang ng blazer. Subalit sandali lamang iyon dahil ayaw niyang matukso sa alindog na hatid ng sekretarya niya at ni minsan ay hindi naman siya nagpadala. I am brave enough to stay away from temptation. Damn! Matino akong attorney.
"Inaayos ko na rin ang lahat ng mga dadalhin mo patungong Dubai. Maitanong ko lang Sir Ranzel, bakit kailangan mong mapag-isa sa trip mo kung pwede naman kitang samahan?"
Kinuha nito ang envelope at binuksan. "I want to be alone, Eunice. I want to spend my vacation in solemn and to ease the pain of course."
She smiled in sexiness. "Sir Ranzel naman. I am here to ease that pain. Kung papayag ka lang ng isang⸻"
"Na. I won't. Kung gusto mo kay Rendell ka na lang mang-akit," tanggi niya. Matagal na niyang alam na may gusto ito sa kaniya ngunit hindi lang niya ito pinapansin. Hindi sa hindi niya ito gusto dahil sa bukod sa mabait naman si Eunice, matalino rin ito. Malaki rin ang tulong nito sa kaniyang Law Firm ngunit ayaw niya itong i-kama.
Muli itong natawa. "Oo na. hindi na kita aakitin, Sir. Sige at tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka."
Hindi na siya lumingon pa rito at tumango na lang saka niya itinuon ang sarili sa mga files na iniabot ng kaniyang sekretarya. Ilang sandaling lumipas ay tumunog ang kaniyang cell phone at tiningnan ang caller. He swipes his screen to answer the call, but Zack hurriedly speaks to him.
"Hello, Raven!"
"Oh, Zack. Napatawag ka?" tanong niya.
"I want to ask you if you will attend the party tonight at Billionaire's Club in BGC. Sasaglit lang sana ako dahil ayokong iwan nang matagal ang mag-ina ko."
"Okay. I'll go with you. Sasaglit na rin ako."
"Alright. See you later."
Ini-off na rin niya ang tawag saka muling naging abala sa mga natitira niyang gagawin bago siya aalis.
PASADO alas-syete ng gabi nang makarating sila sa High Street, BGC kung saan gaganapin ang naturang party na dadaluhan nila ng kaibigan niya. Ngayon lang din ito nakakalabas kaya sasamahan na niya. The Billionaire's Club is a well-organized of wealthy and powerful men in the specific country. It has branches in any part of the world and helps men handle their money worth of billions in terms of businesses. It is also part of investing and socializing globally and assisting other people in creating their innovative dreams.
Nagsimula na rin ang party pagdating nila roon at tulad nang mga nakagawian nila ay nakikipag-socialize at nakipagkamay naman sila sa mga kakilalang member ng club. Naroon na rin ang kaibigan nilang sina Kaiser, Rendell, at Wigo.
"Ranzel! Zack!' tawag sa kanila ni Wigo.
"Oh, hi!" bati niya saka nakipagkamay dito.
"How are you guys, huh?"
"We are fine," Zack replied.
"Zack, how're your twins? Balita ko ay mag-iisang taon na ang kambal mo. I still didn't receive any invitation. Why? I do not belong to this group?"
"No need. Gate crasher ka naman kaya kahit hindi ka padalhan ng invitation susulpot ka na parang kabute," tugon ni Zack.
"Tama si Zack. At lumayo-lumayo ka sa kambal at baka mahawaan ng pagka-chickboy mo," singit niya.
"Oh! I'm a good one. Anong silbi ng pagiging ninong ko kung tuturuan ko sila ng kabulastugan pagdating sa babae. I want to teach them how to adore women," wika pa ni Wigo sabay ngumisi nang may ibig sabihin.
"Tigilan mo iyan, Wigo. Kapag ikaw nagkaanak, tingnan ko lang. I'll leave you, gentlemen. May kakausapin lang ko."
Nasundan na lang nila nang tingin si Kaiser at nagtungo sa taong gusto nitong kausapin.
"Me too. Enjoy the party!"
Napailing si Zack. "Hindi na siya nagbago."
"Sinabi mo pa."
"Hey, it's Kameron, right?" Sabay turo ni Zack sa unahan.
Nahagip ng tingin ni Raven ang lalaking tinutukoy ni Zack. It's been a long time since they didn't talk and that was because of her sister Chubby Severino. Alam niyang hindi maganda ang pakikitungo ni Kameron sa kaniya.
"Until now, he didn't talk to you?" Zack asked him.
"Yeah."
"Kung bakit kasi ayaw mong totohanin ang sinabi kong ligawan si Chubby. She's a beautiful woman and has a good family reputation."
"E kung lumpuhin kaya kita ulit? I don't even like her ever since. Bakit mo ba nirereto sa akin ang babaeng iyon? Bugaw ka ba? New business, Zack?" inis niyang wika.
Zack laughed at him. "I am just telling the truth. Chubby is an old friend of mine. Remember when we are at Stanford? I defended her when someone wanted to bully her in the university and she gave me a lot of pastry food she made. Ako nga ang taga-kain ng mga bigay niya sa'yo."
"Still, I don't like her. At isa pa, mga bata pa tayo noon. Malamang nakalimutan na ako noon at ang⸻" Natigilan siya.
"And the night when you saw her almost nak⸻"
"Stop it, Zack!"
Muling tumawa ang kaibigan niya sa kaniya.
Sa tuwing napapag-uusapan nila ang tungkol sa dalaga, hindi niya maiwasang mainis dahil noon pa man ay wala na siyang gusto rito. It was his worst nightmare and he doesn't want to remember it anymore.