Chapter 5 - Chapter 4

DUMALAW si Raven sa bahay nina Zack dahil ilang araw na rin itong hindi nakakapunta roon. Tulad nang mga nakagawian niya ay dinadalhan niya ang mga ito ng pagkain. Pagbaba pa lang niya ng kaniyang kotse ay sinalubong na siya ni Ann sa garahe na lagi naman nitong ginagawa sa tuwing naroroon siya.

"Aba! Para sa amin iyan, Sir?"

"Ah, oo. Heto." Sabay iniabot niya ang basket na may lamang pagkain. "Si Zack?"

"Nasa gilid ng pool at nakikipaglaro sa kambal." Kinuha naman nito ang pagkain.

"Babysitter na pala siya ngayon."

"May ginagawa si Madam Zairah sa taas at naroon naman si Fe para alalayan si Sir Zack sa mga bata."

"Ah. Sige. Pupuntahan ko na lang."

"Sige, Sir. Salamat dito! Busog na naman ang mga mata ko!"

"Lagi ka namang busog," dugtong niya.

Natatawa na lang si Ann nang iwanan niya ito saka siya nagtungo kay Zack. Naabutan niya agad ang kaibigan na karga-karga ang isang anak nito habang ang isa ay nasa stroller. Agad din naman siyang napansing papalapit at hinarap ngunit wala roon si Fe na kasambahay nito.

"Raven, ikaw pala."

"Kailan ka pa naging babysitter?"

"Just today. Nagbago na ako ng profession. Masaya pala ang mag-alaga ng mga bata kaya lang ay makukulit sila," tugon nito.

"Dati ikaw ang inaalagaan." Sinulyapan niya ang sanggol sa stroller at kinuha. "What are you doing there, young man? Hindi ka kinarga ng daddy mo? Come here, baby Zero!"

"That's Zevi," pagtatama ni Zack.

"Oh, at mali na naman ang hula ni ninong. Ang bigat mo na!" sambit niya. Mabuti na lang at hindi iyakin ang bata.

"You can recognize them the way they are making their baby moves. Iyakin itong si Zero samantalang tahimik lang si Zevi."

"Marami ka ng alam pagdating sa pag-aalaga. Welcome to parenthood, Zack!"

"Yeah. I need to spend a lot of time to be with them. Ikaw? Kailan mo balak gumawa ng quadruplets?" napapangiti nitong wika.

"Malabo."

"Ikaw lang naman ang malabo."

Napasulyap sila nang marinig nila ang boses ng babae. It was Zairah approaching, wearing her beautiful smile than ever. Napakaswerte ng kaibigan niya dahil may isang katulad ni Zairah ang tapat na nagmamahal dito. But he's happy to see them happily married with two little cute kids.

"Akin na si Zevi."

Ibinigay naman niya ang sanggol dito. "Hindi naman ako ang malabo. Wala lang talagang nagtangka."

"Nangangagat ka kasi na anghel," tugon nito sabay muling ngumiti.

"Kakagatin ko na kaysa makawala pa."

"Si Chubby?" singit ni Zack na may halong pilyong ngiti.

"Who's Chubby?"

"Uumpisahan mo na naman ako, Zack." Bumaling siya kay Zairah. "Lulumpuhin ko na ulit iyang asawa mo."

Nagtawanan ang dalawa.

Sige lang. Makakalimutan niyo rin siya. Napapailing na lang siya. Speaking of her, nandito na ba siya? And who cares? Itinuon na lamang niya ang sarili sa ibang bagay na pinag-uusapan nila ni Zack.

***

IT WAS the day of his trip to Dubai and he wants to make it simple. In short, gusto niyang makihalubilo sa mga normal na sumasakay ng eroplano o mga bumabiyahe patungong ibang bansa. Normal na pipila sa immigration, kakain sa mga fastfood at maghihintay on board.

Gusto niyang maranasan ang mga simpleng buhay ng mga mamamayan na kahit tricycle ay sasakyan niya. Well, he's an adventurous person, and he likes outgoing activities. Today's trip will be his birthday gift to himself, and he chooses the best place to have a great adventure from Dubai to Cape Town, South Africa.

Saktong pagdating niya sa departure ay nag-announce na ang crew na iyon na ang oras nila para mag-on board. He took a business class to take a rest for a while. These seats are designed to give the business class traveler the most privacy they can attain while in flight. May malawak na upuan ito na pandalawahan at comfortable ang sinumang uupo rito. Subalit nang makarating siya sa assigned seat niya ay may katabi na siyang babaeng medyo chubby at nakayuko. May hinahalungkat ito sa bag at may hinahanap.

"Where is it?"

Narinig niyang sambit ng babae. He slowly sat beside her and staring at her. Hindi niya gawain ang tumitig sa kahit na sino ngunit hindi niya maiwasan. The woman has blonde long hair, a heart-shaped face, a pointed nose, has beautiful thick eyelashes, and kissable lips. She's wearing a baby pink off-shoulder dress with white stiletto. Litaw na litaw ang mapuputi nitong balikat at legs subalit mas lalong naningkit ang kaniyang mga mata nang makilala ito.

"Chubby?" gulat niyang sabi.

Natigil ang dalaga saka marahan itong nag-angat nang tingin sa kaniya saka napakunot-noo. "Ranzel?" Bakas sa mukha nito ang pagkagulat din.

Speechless! Hindi siya makapaniwalang magkikita sila ng dalaga sa ganoong pagkakataon at halos dekada na rin ang lumipas ngunit hindi niya makalimutan ang imahe nito kahit pa malaki ang ipinagbago ng dating humahabol sa kaniya. 

"You're my cabin seatmate?" he asked.

"I guess." Muli itong natuon sa hinahanap sa bag nito.

Kung pinagtagpo nga naman ng tadhana. Napapailing siya saka ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon. Naging abala na rin ito nang isalpak na nito sa tenga ang headset na kanina pa hinahanap at bumaling sa bintana. Napuna niyang madami ang pinagbago sa dalaga at mas naging kaakit-akit ito sa paningin niya subalit hindi pa rin ito nagbago kung sa katawan ang titingnan. Bilugan pa rin.

Subalit hindi na ito tulad ng dati na nangungulit para lang mapansin niya. Malayo na ito kumpara noon at tila ba hindi siya sanay. He feels that the woman seems to far away. What are you doing, Raven? Hindi ka dapat maapektuhan sa pinapakita niya. Why don't you ask her and say hello? Ah! No!

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag