Chereads / Innocentia [BL] / Chapter 11 - Innocentia - Chapter 11

Chapter 11 - Innocentia - Chapter 11

"Okay ka lang, July?" nang makita ako ni George na natigil sa pagbaba ng hagdan.

"Okay lang tol. Sumama lang pakiramdam ko bigla."

"Gusto mo humingi ng gamot kay Jessica, pre?"

"Huwag na. Baka naninibago lang ako sa hangin dito. Masyadong fresh." ang biro ko sa kanya sabay ayos ng aking sarili't nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan. Tiniis ko na lang ang nararamdaman ko.

Naging abala kaming lahat sa paghahanda. Sa pagkakataong ito hinayaan ko na lang muna si Jiro na sumama kay Mark. Masyadong marami kasing tanong ang photographer na humawak ng production namin ngayon at ang producer ay medyo metikuloso sa detalye.

Sa itaas kung saan naroon sila Jiro at Mark...

"Mark, pagpasensiyahan mo na. May mahal na akong iba alam mo naman na yan." ang wika ni Jiro kay Mark na parang lumabas lang sa kabilang tenga ang sinabi ni Jiro. Inakbayan niya ito habang nakaupo silang magkatabi sa aking kama.

"Pihikan ka talaga, Jiro. Bakit di mo kinontra sila kanina nung sabihin nila na tayo na?" ang pilyong tanong ni Mark sa kanya habang kinukuskos ang kanyang ilong sa ilong ni Jiro na parang bata lang ang kinakausap.

"Hindi naman din ako sumangayon sa kanila, di ba?" ang tusong sagot ni Jiro sa kanyang nakangiti.

"I'll just enjoy the moment that I'm with you."

"Just don't fall for me, Mark." ang sagot naman ni Jiro sa kanya na tinapos naman ni Mark muli ng isang mariing halik.

Nagpaubaya lang si Jiro sa kanya. Gumapang ang kamay ni Mark sa kanyang hita't inabot ang nakalapag ditong mga kamay ni Jiro. Marahan niya itong pinisil na may halong panlalambing.

Hindi mahal ni Jiro si Mark ngunit dahil sa nararamdaman niyang masaya siya kahit paano sa pinakikita ni Mark sa kanya ay nagpaubaya na lang siya't dinaranas ang kaligayahang ng kahit paano'y 'minamahal' ng isang tao.

Sa mga sandaling iyon ay biglang natigil si Jiro't humiwalay ang kanyang labi kay Mark nang biglang kumalam ng malakas ang kanyang tiyan. Nagtitigan ang dalawa't nagbalikan ng matamis na mga ngiti.

"Gutom na pala ang mahal ko?" ang nanlalaming na tila kumakausap na batang tanong ni Mark sa kanya. Abot tengang ngiti lang ang ibinalik ni Jiro't mabilis na tumango ng paulit-ulit.

Natuwa si Mark sa kanyang dalang kakaibang aliw, lalo siyang nakaramdam ng tuwa sa mga ipinapakita ni Jiro sa kanya. Kahit alam niyang ilag pa rin si Jiro na mahalin siya sa hindi malamang dahilan.

Samantala, sa silid naman nila Jessica na katabi lang ng sa amin..

"Frida, alam mo nakakahalata na ako talaga tuwing umuuwi tayo mula sa office. May mga araw na sumasabay ka kay July at Jiro. Saan kayo nagpupupunta?" ang naiintrigang tanong niya habang masarap ang kanyang higa sa kamang padapa at nakaharap sa banda ni Frida na nakadapa rin sa kanyang kama't nakaharap naman kay Jessica.

"Hmmm... Let me see... Should you really know or not? I mean, what's the big deal?!?! There's Jiro. Why don't you ask him yourself? Mas maniniwala ka naman sa kanya kesa sa akin." ang sagot ni Frida na kunwari'y nag-iisip ng malalim habang nakatingalang nakapangalumbaba.

"Girl, Jiro won't tell anything alam ng lahat yan. he's the last person to tell something I haven't heard of. Come on! Spill it out!" ang inip at lalong nasabik na si Jessica.

Tinitigan muna ni Frida si Jessica maigi habang nagtatalo ang kanyang sarili kung aamin ba o hindi.

"I have a boyfriend, everyone knows that. I like July and I just got drunk back then." ang depensa niya.

"So? You still guys did it and it seems both of you liked doing it. Don't put Jiro in the topic ksai siya yung tipo na pag sinuhulan mo ng kendi susunod na lang at tatahimik. Weird niyo kasing dalawa ni July. Sa office you guys don't meet in the eye man lang pero pag out na tayo kala mo service mo siya pauwi."

Humalakhak si Frida na parang kotrabida sa sinabi ni Jessica. Huli na siya ng pagdududa ni Jessica sa mga naging pagkikita namin sa labas ng opisina.

"Nene pa nga si Jiro. If he was a girl we'd be good BFFs." ang pauna ni Frida. Napataas na ang kilay ni Jessica habang inip na inip nang lumabas sa bibig ni Frida ang hinihintay niya.

"Don't tell anyone but July is my 'service'..." ang dugtong ni Frida sabay quote and unquote sa hangin gamit ang kanyang mga kamay. Napatakip ng bibig si Jessica't nanlaki ang mga mata.

"We're giving each other a good service, Jessica. Friends with benefits." ang pag-amin ni Frida na bakas sa kanyang tono't mukha ang tagumpay.

"Oh.... My... Goodness!!! So true nga?!?!" ang bulalas ni Jessica. Isang saglit na natahimik si Jessicang nakatitig lang sa nakangiting si Frida.

"Is... um... July?" ang tanong naman niya.

"What? Big? I had more than what I had expected, dear." ang sagot ni Frida sa kanya na tila pareho ang daloy ng dugo sa utak ng bawat isa.

Bumaligtad si Jessica sa kama balot ng kilig ang buong katawan niya. Nagpagulong-gulong sila sa ibabaw ng kama't nagkamali ng tanya't bumalagbag bigla sa sahig ang malusog na pangangatawan niya matapos umikot pagilid sa kabilang banda ng kama. Nagulat si Frida sa nangyari't napabangon sa kama upang tulungan si Jessica.

"Okay ka lang?" ang kinakabahang tanong niya kay Jessica na sa mga sandaling iyon ay di yata naramdaman ang sakit ng kanyang pagkabagsak dahil sa abot tenga pa rin ang kanyang ngiti't tila nananaginip na ng gising.

Napabuntong hininga si Jessica't napatitig kay Frida.

"Palit naman tayo ng katawan, Frida. Patikim naman si July minsan." ang sabi niya.

"Lukaret! Lasingin na lang natin siya tapos upuan mo na lang." ang naaalibadbaran na sagot ni Frida't tumayo ng maayos upang bumalik sa kanyang kama. Di na bumangon si Jessica sa sahig. Nanatili na lang siyang nakatitig sa kawalan at nagpapantasya.

"Don't you dare, Jessica. May hidden desire ka pala sa lalaking iyon."

"Who wouldn't?" Jessica's dreamy response to Frida sabay abot ng isang unan sa ibabaw ng kama't niyakap ng mahigpit.

"I envy you." pahabol pa ni Jessica.

"Hanap kita ng ashtray sa Baguio na may nakatayong pet na tulad ng kay July pagtapos natin dito. Hanapin ko yung kasing laki nung kay July doon tapos yun na lang gamitin mo. Magsawa ka hanggang mamayat ka kakaputok mo. At least yun hindi lumalambot at mas tatagal pa kesa sa iyo." ang natatawang sabi ni Frida.

"Please, do. I'll expect it from you pag pumunta ka ng Baguio."

"Do you want to get July drunk later? If you're lucky you may have a taste of him. Walang chubby sa titing galit." ang tukso ni Frida. Biglang nagbalik sa katotohanan si Jessica't agad na napabangong naupo at napatitig kay Frida na may abot tengang ngiti.

"Do you think so?" ang di makapaniwalang tanong niya.

"I guess so." ang nagbabakasakali naman na sagot ni Frida.

Sa set sa ibaba, habang abala ang technical team sa pagsetup ng mga ilaw sa sala ng bahay kung saan kukunan ang mga models. Pictorial ang gagawin namin ngayon para sa isang brand ng damit at gothic kasi ang theme kaya napili na nilang ganito ang location.

"Tol, mukhang mapupundi na yata ang mga halogen nung mga yun." ang puna ni George sa mga malalaking ilaw na sa mga sandaling iyon ay inaasinta ng aming staff sa mismong sala upang makuha ang tamang liwanag para maganda ang kalalabasan ng kuha ng kamera.

"Sira ka ba? George last week lang binili nila Albert yang mga yan at ngayon pa lang gagamitin."

"Natesting ba nila ng maayos yan?"

"Dapat lang, sabi ni Frida okay naman daw kasi kasama siya nung sinubukan mga yan."

"July, speaking of Frida." ang pangingibang usapan niya nang banggitin ko ang pangalan.

"Oh ano?"

"Masarap ba?" ang excited na tanong niya't bakas sa mga titig nya ang sigla.

"TOL, si Frida?! Tinatanong pa ba yan?!" ang gulat kong tanong sa kanya.

"Nakascore ka daw sa kanya eh." ang sabi niyang ikinagulat ko. Nagkamali ako ng sagot kay George.

"Patay kang bata ka." ang sabi ko sa aking sarili.

"K-Kelan?"

"Dude, wag ka na mag-maang-maangan di ako nalasing nung gabing iyon. Kita ko pa kung paano mo akbayan at hawakan sa pwet yun nung lumabas kayo ng kubo." ang giit niya. Wala na akong takas.

"Usapang lalaki to, wag ka maingay ha?.." sabay tango naman ng nauulol nang si George na naghihintay sa aking sasabihin.

"Oo pre. Sarap at grabe sa galing!" ang kinikilig kong sagot sa kanya. Para akong nabunutan ng tinik a aking pag-amin.

"Mukhang inaaraw-araw mo na nga pare eh."

"Tang ina, nakakalalake ka na ah." ang pikon kong sagot.

"Tol naman, sino ba naman di maiinggit?" ang sagot niya. Palakpak tenga naman ako sa sinabi niya't pinagsaluhan na namin ang aking 'experience' kasama si Frida habang abala ang lahat sa set.

Sa mga sandaling nag-uusap kami ni George ay napatingin ako sa pulang mahabang sofa na nasa gitna ng aming set. Sa isang iglap ay may tila hugis taong anino ang nakatayo sa likod noon at nakaharap sa amin at bigang nawala. Napako ang aking mga mata sa gawin kung saan ko iyon nakita.

"July?" ang tanong ni George nang mapansin na hindi na ako nakikinig sa kanya at nanlaki ang aking mga mata.

"Pre, haunted ba lugar na ito?"

"Ewan ko. Tanong mo sila. Naniniwala ka ba sa mga ganunm tol?" tanong niyang bakas ang pagtataka sa kanyang mukha habang sinisilip ang gawi kung saan ako'y nakatitig pa rin.

"Hindi tol."

"Eh ano yung tinitignan mo diyan?" ang tanong niya habang sinusuri ang paligid na aming tinitignan.

"Naimagine ko lang si Frida nakahiga diyan sa mahabang sofa tapo naka-itim na blusa tapos red na sapatos na may killer high-heels!" ang palusot ko na lang sa kanya habang pilit na winawaglit sa aking gunita ang aking nakita kanina.

Nagbalik kami sa aming bagkaan ng ilang saglit pa, bago magsimula ang shooting ay nagsidatingan na ang mga modelong babae at lalaki at sa likod ng set sila ay inayusan na.

Maya-maya pa, dumating na si Jiro sa ibaba kasama ang nakabuntot na si Mark. Napakalambing ni Mark sa kanya't parang ayaw na pakawalan si Jiro sa kanyang nakaakbay na bisig.

"Saan kayo pupunta?" ang tila kuya kong tanong kay Jiro. Napayuko lang siyang saglit at tiningala si Mark na nakangiti sa akin.

"Kakain kami, sir." kumakalam na sikmura ng mahal ko. Napasinghal ako sa sinabi ni Mark.

"Saan kayo kakain? Wala naman restaurant sa paligid. Baka kakainin mo lang yang si Jiro?" ang biro ko sa kanya. Napakamot siya ng ulo't tumawa.

"Hihiram kasi ako sana ng kotse, sir. May makakainan po sa bandang bayan. Mga thirty minutes lang po ang biyahe mula rito." ang sabi niya.

"Sus! Kaya ka sumama sa shoot ngayon kahit di naman kailangan kasi Ide-date mo lang si Jiro wala kang kotse! Baka siya pagbayarin mo ng kakanin ninyo?" ang dagdag ko pa. Hinigpitan niya ang kanyang pag-akbay ka Jiro't nakaramdam ako ng kaunting pagseselos.

Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Natawa ako bigla sa aking sarili ng matauhan ako sa aking nararamdaman. Parang may nagsasabi sa akin na ilayo ko si Mark sa kanya. Parang ayaw ko na silang payagan lumakad at gusto kong ako na lang ang sasabay kay Jiro na kumain. Nakaramdam ako ng inis sa ngiti ni Mark na si Jiro marahil ang dahilan ng kanyang kaligayahan sa mga sandaling iyon. Gusto kong nakawin ang mga iyon at sinabi ko pa sa aking sarili na akin dapat ang lahat ng iyon.

"July?" ang nahihiyang tanong ni Jiro sa akin naghihintay ng sagot na humila sa aking ulirat. Natulala pala ako saglit ng di ko namamalayan.

"A-ah..." nautal na ako.

"G-George ano sa palagay mo?" ang tanong ko na lang samantalang tulala pala si George na nakatingin sa isang morenang sexy na model na minemake-upan sa aking bandang likuran.

"A-ano yun?" ang tanong niya sa akin tila di narinig ang aking nasabi habant patuloy na tinititigan ang babae mula ulo hanggang paa sa lahat ng detalye.

"Tol, aalis daw sila ni Mark sasama niya si Jiro. Dun daw sila kakain sa labas." ang paliwanag kong lumabas sa kabilang tenga at parang ulol lang na tumango't nakatitig pa rin sa isa naming modelo. Bumunot siya sa kanyang bulsa at inilabas ang kanyang wallet at agad na inabot ito sa akin sa aking pagkabigla.

"Para saan to? Bakit mo binibigay sa akin wallet mo?" sabay suntok ko sa kanyang balikat ng mahina. Nang matauhan..

"Pabili ka na rin ng maiinom. May balak ako mamaya." ang sagot niya't napatapik ako sa aking noo bigla.

"Asa ka George, si Jessica bahala sa iyo mamaya." ang natatawa kong sagot sa kanya't tinanggihan ang kanyang alok. Bumaling akong muli kila Mark na inip na naghihintay na iabot ko ang susi ng aking sasakyan.

Isang saglit akong pinagmamasdan ang dalawa habang nagtatalo ang aking loob bago ko kunin sa aking bulsa ang susi. Nang iabot ko na ito't mahawakan na ni Mark ay di magawang bitiwan naman ito ng aking mga daliri.

"July? Ayaw mo ba?" ang nahihiyang tanong ni Jiro sa akin. Parang gusto kong lumubog sa aking kinauupuan sa sandaling iyon nang marinig kong napansin ni Jiro na di ko maibigay kay Mark ang susi ng maayos.

"Ingatan niyo kotse ko ha? Isang gasgas lang Mark buhay mo kapalit." ang babala ko sa kanya matapos bitiwan ang susi. Narinig ko ang aking huling sinabi ngunit ang tukoy ko'y si Jiro sa pag-aalala na mapahamak siya at di ang aking sasakyan.

"Ako pa? Maingat ako magmaneho kahit wala akong kotse." ang pagmamayabang niya bigla.

"Eto, bumili na rin kayo ng maiinom at pulutan kung may mahahanap kayo." sabay abot ko naman kay Jiro ng limang papel ng isang libong piso mula sa aking wallet.

Nang makaalis ang dalawa'y nasabi ko na lang sa aking sarili na "Tang ina mo kupal! Yabang mong gago ka. Kotse ko pa gagamitin mo." patukoy kay Mark.

Mula nang umalis ang dalawa'y nagsimula na akong mabalisa. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam na ako ng pagkatuliro. Hindi naman ako ganito noon. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko.

Hindi ako makali, napabangon ako sa aking upuan, tuliro't sinundan na nangangaripas ng paglalakad tungo sa labas ng lumang mansyon. Sa gilid ng aking paningin ay nakita ko ang iba pang nga aninong nakatayo't nakatingin ngunit mas maigting sa aking damdamin na maabutan ang dalawa.

Nang abot tanaw na ang aking kotseng bukas na ang ilaw sa looban.

"Saglit! Hintay! Sama ko! Ako na magdadrive!" ang sigaw kong kumuha ng atensyon ng dalawang sasakay pa lang ng sasakyan.

Nang makalapit sa kanila na hupang-hupa.

"Bakit?" ang tanong ni Mark na nakakaramdam ng pagkabigo sa mga binabalak niya. Bakas ang dismaya sa kanyang mga tingin.

"Ayoko ng lulutuin nila. Alam mo naman parang feeding program ang pagluluto ng staff natin." ang palusot ko na lang.

"Pwede naman kami magtake-out." ang katwiran niya. Katabi lang niyang nakaupo si Jiro't nagtataka na sa aking biglang pakikialam sa kanilang dalawa.

"Gutom na ko eh! Isa pa, pagbubuhatin mo ba si Jiro ng pinabibiling pang-inom mamaya?" ang kontra ko. Nang matauhan ako sa aking huling sinabi'y nanlamig ang aking pawis at kinabhan. Si Mark naman napatingin kay Jiro't napakamot ng ulo.

"Ano mga pinagsasabi ko!?! Ang tanga-tanga ko!!!" hiyaw ng aking isipan.

"Sabagay, tama ka." ang sang-ayon ni Mark. Nang makumbinsi ko siya'y bumaba siya ng sasakyan upang sa likod umupo. Tinawag niya si Jiro na bababa na rin sana ngunit pinigilan ko.

"Bakit sa likod mo pauupuin yan?" ang kotra ko sa kanya. Nagtinginan na lang silang dalawa at nagngitian.

"Kala ko rereklamo ka pa eh." sabi ko kay Mark sabay upo na sa driver's seat.

"Baka kung ano gawin niyo diyan sa likod. Madilim kalsada di ko maaalis mata ko sa dadaanan natin. Nagsisigurado lang ako na wala kayong gagawin sa loob ng kotse ko." ang sabi ko sa kanila't pinaandar na ang makina.

Habang nagmamaneho, dahil di naman tinted ang aking sasakyan. Nakikita ko sa side mirror ang mukha ni Jiro. Halata sa kanyang mukha na may umiikot sa kokote niya na dahilan para ngitian niya ang kanyang sarili. Kung ano man yon. Natuwa rin ako.

Nang makatiyempo akong silipin ang rear mirror para makita si Mark. Tahimik lang itong nakatingin sa labas ng bintana't di maipinta ang mukha. Sa lagay niyang iyon ay nakaramdam ako ng pagkapanalo.

"Ano ba pinaggagawa ko? Bakit ako nagkakaganito? Binabakuran ko si Jiro? Napalapit lang yata siguro sa akin ito kasi parang mag-utol lang kami. Sabagay, matanda ako sa kanya't parang babae siya sa kahinhinan. Ewan ko ba! Bahala na." ang sabi ko sa aking sarili.

sa gitna ng aking pagkaabala sa pagmamaneho't pag-iisip, napatingin ako kay Jiro na noo'y nakatitig na pala sa akin.