Nang magwalay ang aming mga labi'y nagkatitigan na lang kaming nanatiling kayakap ang bawat isa. Walang salitang sinasambit ang bawat isa ngunit sa mga sandaling iyon ay alam naming dalawa na lubos na mahal namin ang isa't-isa. Ang halik lang ang nagsabi sa amin ng aming tunay na naramdaman. Tanging saksi ay ang mga bituin at ang malaking buwan. Ang paglabas ng aming tunay na nararamdaman para sa isa't-isa.
Nangislap ng pagsusumamo't kaligayahan ang mga mata ni Jiro. Sabay nito'y pumatak ang kanyang mga luha ng kaligayahan. Niyakap ko siyang muli ng mahigpit upang ipadama sa kanya na wala siyang dapat ikabahala ngayong nasa pilig ko siya. Pareho naming di alam kung saan magsisimula, hindi namin alam kung anong unang salitang sasabihin. Ang tanging mahalaga lang, masaya kami sa bisig ng bawat isa. Matapos ang ilang saglit na kami'y nagtititigan lang sa ilalim ng maliwanag na buwan, binuhat ko si Jiro na parang sanggol. Mabagal akong naglakad na di na halos tignan ang aking dinaraanan. Hindi maalis ang aking mga matang nakatitig sa mga mata ni Jiro, patuloy pa rin ang pagluha.
"Jiro?..."
"Lasing lang tayo."
"... Pasensiya na, wala akong lakas ng loob na aminin sa iyo ang bagay an ito... Ngayon, susundin ko na lang ang damdamin kong matagal ko nang itinatago mula sa iyo."
"...K-Kelan pa?"
"Noon pa... Tanga lang ako."
"B-Bakit?"
"Natatakot ako noong una... Natorpe ako."
"Ng--Ngayon?"
"Hindi na. At lubos kong pinagsisisihan ang pagiging duwag ko at ang pride na pinairal ko. This time, for the first time, I can feel it's going to be forever." ang may pinangagalingan kong nasagot sa kanya.
Natahimik siyang saglit na parang nag-isip.
"May Mark na ako."
"Eh ano naman?" ang mabilis kong sagot.
"Yabang mo rin eh no?"
"Nauna ako sa iyo kesa sa kanya ah, technically."
"Since when?! Like now?!" ang humahagikgik lang niyang tanong na may pagkasarkastiko ang dating.
"Since the day we met." ang malalim kong sinabi sa kanya at natahimik si Jiro. Nginitian ko lang siya ngunit bakas na biglang lumalim ang kanyang pag-iisip. Nang makarating ako sa hagdan ay nagpababa na si Jiro sa aking pagkarga sa kanya. Nanatili muna kaming magkaharap at hinaplos niya ang aking dibdib na may balat na tulad ng kanya.
"Ano yung iniisip mo?"
"Wala..."
"Anong wala? Bakit ganyan mukha mo?"
"Kasi... ano..." sa mga sandaling iyon ay biglang tumunog ng malakas ang kumakalam na pala niyang sikmura. Bumulwak ako sa katatawa ng malakas at wari ko'y umalingawngaw iyon sa buong resort.
"Kawawa naman ikaw. Gusto mo ba maligo muna bago tayo lumabas."
"Nanlalambot na tuhod ko eh."
"Ang cute mo talaga kapag nagmumukmok mukha mo?"
"Kaya pala pinagtitripan mo ko lagi?"
"Oo, natutuwa ako sa iyo twing nagmamaktol ka."
"Iikli pala buhay ko sa iyo kung kasama kita. Lago ako mamemerwisyo para matuwa ka lang." ang nagkukunwaring nagtatampo sa sagot niya. Aakyat na sana siya ng hagdan ngunit binalot ko siya agad ng aking mga bisig. Ilang saglit kaming natigil sa ganoong lagay.
"Gusto mo rin ako mamatay sa gutom?"
"Sorry na." ang natatawa kong sabi sabay bitiw sa kanya't kiniliti ang tagiliran niya't napatakbo siya paakyat ng silid. Tawa ako ng tawang sumunod sa kanya. Kinuha lang namin ang aming mga wallet at agad na lumabas ng resort upang tumungo sa 7-eleven upang makakain dahil sa madaling araw na pala ng mga oras na iyon.
Sumakay kami ng tricycle sa loob magkatabi't akbay ko siya habang hawak ko naman ang isang kamay niya. HIndi na kami nagsasalita, kuntento na kami kung nasaan kami ngayong dalawa. Walang iniisip na problema kung mayroon man. Tila ayaw na naming matapos ang gabing ito. Lalong lalo na ako, sana dito na lang kami. Sana ganito na lang lagi. Di ko kailangang magtago sa mga mata ng mga mapanghusgang mga paningin ng ibang tao. Natanggap ko kung sino talaga ako at masaya akong kasama ko ang taong may hawak na ng puso ko.
Nang makarating sa 7-eleven, agad kong inakbayan si Jiro. Malamig kasi ang buga ng airconditioner pagpasok pa lang sa loob. Napatingin sa akin si Jiro't ngumiti matapos niyang balutin ang kanyang sarili sa kanyang mga bisig.
May tables sa loob at mga upuan at mayroon doong ilang kumakain. Agad silang napatingin sa aming dalawa. Nang makita ko sila'y napahinga ako ng malalim at sinikmura ko na lang ang aking nararamdamang kaba.
"Okay lang, July. Okay lang ako." ang nahihiya niyang sinabi nang mapuna niya ang ibang taong nakatingin sa amin.
"Yaan mo sila." ang pagpapalagay ko naman sa kanya sabay kabig palapit sa akin. Literal na magnobyo na ang labas naming dalawa. Inikot muna namin ang mga stante ng mga paninda, hinayaan kong si Jiro ang mamili ng gusto niya.
Sa instant noodles nauwi ang aming paglalakad. Apat na malalaking Lucky Me Supreme Bulalo ang pareho naming napagtripang kainin para sa gabing iyon.
Sa cashier, mukhang natandaan ako ng kahera na dating nagbenta sa amin ng yosi noong nandito kami nila Fria nung huling pumunta kami dito at ngayo'y iba na ang titig sa akin nang makita niya ang itsura naming dalawa ni Jiro.
"Punch mo na nga lang yang mga binili namin kung ayaw mong ikaw ang i-punch ko." ang banta ko sa kanya habang pailalim ang titig ko sa kanya. Nataranta itong bigla na pinagdudutdot ng mala baril na barcode reader ng cash register at kinuha ang bayad na aking agad na inabot sa kanya. Sa kaba niya'y kay Jiro niya ibinigay ang aking suki.
"Pasensiya ka na. Mabait siya. Ganyan lang talaga magsalita yan. Pabili na rin ng Malboro Menthol, isang kaha at lighter, yung hindi electronic." ang humahagikgik na sabi ni Jiro sa cashier at ibinalik ang ilan sa sukling natanggap niya. Nagmamadaling ibinigay nito ang pahabol ni Jiro.
"Asan yung hotwater?" ang tanong ko bigla.
"Ah.. sir... sa gilid po nung microwave sa likod." ang nanginginig niyang sagot sa akin. Hinila ako ng tumatawang si Jiro sa lugar ng tindahan upang maluto na ang aming kakainin. Nang makarating kami sa thermos ay agad kong kinuha ang naunang binuksan ni Jiro.
"Ako na, baka mapaso ka. Mainit yan."
"Alam ko. Maglalagay lang naman ako ng tubig."
"Ako na maglalagay. Baka mapaso ka."
"Eh..."
"Anong eh? Buksan mo na lang mga yan pati yung seasoning ako na bahala sa tubig."
"Tinatakot mo ko?"
"H-Hindi naman... Nag-aalala lang."
"Ah ok... sige." ang pakipot niyang sagot sa akin sabay ngiti. Napailing ako't nangiti na rin. Ewan ko, basta may sumipa sa akin na gusto kong pagsilbihan naman si Jiro.
Nang matapos kong lagyan ang dalawa... "Hanap ka na ng mauupuan natin doon."
"Dalin ko na yung nalagyan mo."
"Wag ako magdadala ng mga yan. Umupo ka na lang doon."
"Pano mo dadalhin yang apat na yan?"
"Ako bahala. Dala-dalawa lang muna."
"Eh pano kung may kumuha ng iiwan mo diyan eh di dalawa na lang yung makakain natin?" "Subukan lang nila papaligo ko sa kanila sabaw niyan." Napailing si Jiro't nangiti. Nagpunta na lang siya sa mga mesa malapit sa entrance tulad ng aking pakiusap sa kanya.
Nang kami'y kakain na, kahit kita kami sa labas ng convenience store at di maiwasan ng guard na tumingin sa amin. Parang bata kong sinusubuan ng pagkain si Jiro't nakasalo pa ang aking kamay sa ilalim ng kutsara upang di tumulo sa kanya ang sabaw ng pinapakain ko sa kanya. HInihipan ko muna ang aking nasasandok upang masiguradong di siya mapapaso.
Noong una'y ayaw niya pa't nahihiya. Gusto pa niyang makipagtalo pero alam niyang di siya mananalo sa akin.
"So... July... ano tayo ngayon?" ang tanong niya matapos lunukin ang pagkain.
"Ano nga ba?"
"Roommates?" ang tanong pa niya.
"Ewan ko sa iyo."
"Friends?"
"May Mark ka di ba?" at bakas naman sa aking tono ang pagseselos.
"Friends nga." ang sabi niya sabay ngiti. Matapos ang ilang saglit.
"Friends pero sinusubuan mo ko?"
"Masama?" ang pabirong pagbabanta ko sa kanya.
"Hindi naman. Sige, kunwari may lagnat ako." at bilang tirik ng kanyang mata at labas ng kanyang dila.
"Hala, may lagnat ka pala. Dali kain ka pa mamaya sasaksakan kita ng thermometer sa likod." ang pilyo kong sagot sa kanya.
"As if meron kang dala."
"Lagi kaya no."
"Ows?"
"Portable ito." sabay turo ko sa ibaba. Napalunok siya bigla't kita ang kaba sa kanayng mga mata.
"Portable mo mukha mo. Portable talaga mga thermometer pero di kasing..."
"Kasing ano?"
"Wala!" ang pikon niyang sagot sa akin sabay kuha ng kutsara.
Nang matapos kami kumain ay agad kaming bumalik sa aming silid. Maliligo na sana ako dahil medyo anngangati na ako sa natuyong tubig dagat sa aking katawan na hinaluan ng alikabok na lumagkit na sa aking balat ngunit ng makita kong nagpapantal na ang balat ni Jiro sa kanyang pagkakamot ay pinauna ko na siya.
Nagbiro pa akong sabay na lang kaming maliligo ngunit buong pwersa niyang sinarahan ako ng pintuan sa labas ng palikuran bago pa ako makapasok habang binibirong takutin siya na makita ang tinatawag kong 'portable thermometer' para lang sa kanya. Nang matapos si Jiro'y kung ano ano ang pinahid pa niya sa kanyang katawan at mukha. Ayaw niyang panoorin ko siya't pinilit na akong maligo na.
Nang ako'y matapos at nagpunaslang ako ng tuwalya't di na nagsuot ng kahit anong saplot sa aking katawan. Nakita ko na lang si Jiro na nakahiga na sa taas na kama't nakaharap sa pader talikod sa akin. Wala rin siyang saplot at kumot lang ang nakapatong sa maselan niyang bahagi. Nanginig ang aking mga paa habang naglalakad papalapit sa kanya. May kakaibang kaba akong naramdaman nang matunton ko ang gilid ng kama. Inabot ko siya ng nanlalamig kong kamay at kinalabit sa likuran.
"Jiro, gising ka pa?" ang tanong ko sa kanya't tumango lang.
"Tabi na tayo. Dito ka sa baba."
"July, kung yun ang binabalak mo. Ayoko." ang mahinang sabi niya.
"Cross my heart. I just want to sleep next to you. I just want to fall asleep hugging you."
"Why?"
"Just trust me."
"Ano? Gagamit ka ng trust? Ayoko nga."
"Anong trust gagamitin ko?" ang naguguluhan ko nang tanong sa kanya sabay tagilid niya paharap na sa akin.
"Di ka pa ba gumagamit noon? Trust condom?" at natawa ako sa sinabi niya.
"Ayaw mo ba ng may condom?"
"Sira! Ayoko kaya ayoko tumabi sa iyo. Sana si Frida na lang sinama mo kanina. Letche!" hindi ko maintindihan ang biglang pagbabago ng mood ni Jiro at lalong di ko mahabol ang takbo ng utak niya ngayon. Inabot ko ang isa niyang kamay at mariing hinalikan ito.
"Please, I just want to sleep next to you." ang malalim kong pakiusap sa kanya. Ang pakipot, agad na bumangon at umupo sa gilid ng kama't inabot ang kanyang mga kamay na parang batang gustong magpakarga.
Binuhat ko siya agad at siya nama'y agad na yumakap sa akin. Marahan ko siyang ihiniga sa ilalim na kama't nang tabihan ko siya'y ipinaunan ko sa kanya ang aking braso at binalot naman ang kanyang tiyan ng isa pa na para bang unan lang siya. Niyakap ako ni Jiro. Para kaming nagbuhol sa aming itsura. Dama ko ang dampi ng mainit at malalim niyang paghinga sa aking dibdib. Nakakakiliti.
"July, I want to be honest to you." ang wika niyang mahina.
Hindi ako sumagot at nakinig lang sa mga susunod niyang sasabihin.
"Mark and I are not in a serious relationship. And I wasn't happy."
"Bakit mo siya sinagot?"
"Akala ko noon di ako makikita ng taong tanging minahal ko buong buhay ko. Akala ko noo'y maligaya na siya sa piling ng iba."
"Hindi ko maintindihan." ang sagot ko sa kanya.
"Huwag mo na lang alamin. Ang mahalaga para sa akin ngayon, masaya na ako. Tulad ng dati." ang malungkot niyang sinabi.
"Anong tulad ng dati? Come to think of it... I want to know more about you." ang sabi ko sa kanyang di na niya sinagot at yumakap na lang lalo sa akin ng mahigpit.
Napakatahimik ng gabi, walang ingay kundi ang agos lang ng dagat sa labas ng bintana. Pareho kaming nanatiling gising na hindi nagsasalita. Tinitigasan na ako pero pilit kong pinipigilan ang aking sarili upang lumambot ito ngunit wala talaga akong magawa. Sana lang, hindi isipan ng masama ni Jiro ang lagay ng aking batuta.
Pareho kaming nakatulog ng mahimbing. Para sa akin, iyon na ang pinakamahimbing na tulog na natikman ko buong buhay ko. Kuntento ako't kahit wala akong binabalak na kinabukasan ay kumpleto na akong katabi ko lang si Jiro. Noong kay Claire, parang installment ang lahat at di ako makuntento sa hindi ko rin malaman na dahilan. O dahil lang talaga sa pilit kong itinatanggi sa sarili ko ang katauhan ko at tingin ko'y ang pagpapakasal sa kanya ang kukumpleto sa aking pagkalalaki. Ang magiging patunay na isa akong lalaki.
Pero ngayon, sa simpleng taong di ko inaasahan, natanggap ko ang lahat ng bagay na tungkol sa akin. Binuo ng isang napaka-amazing na binata ang buhay ko't hindi na ako makapaghintay sa mga darating na araw na kasama ko siya ngayong ganito na kami ngayon.
Sa himbing ng aking pagtulog, muli kong nakita ang panaginp na madalas kong makita noong bata pa ako, bago ko makilala si Claire. Hindi ko inaasahan na ngayon lang maglilinaw ang lahat sa akin.
Sa aking panaginip, hinahabol ko ang isang binatang puti ang buhok, nakatalikod siya sa akin at tumatawang nagpapahabol. Nasa isang greek castle kami kung saan ang buong paligid ay nagliliwanag kahit ang mga haligi at sahig nito'y may dalang liwanag.
"Ilrian! Di mo ako kayang habulin!" ang wika niya sa ibang salita.
Pamilyar sa akin ang pangalang Ilrian at di ko maintindihan kung bakit. Nakaputi siyang tunic na halos maabot lang ang kanyang tuhod sa haba at may mahinang na liwanag na nagmumula rito. Para siyang anghel na nakasuot ng sandals na abot sa kanyang hita ang taas. Nakaabot ang aking kamay sa kanyang tagiliran at dinig ko ang aking sariling tinatawag siya ng
"Ianus! Ianus!". Nang maabot ko ng aking mga kamay ang kanyang tagiliran ay nilingon niya ako't nakita ko na kahawig niya si Jiro.
Sa isang malaking salamin sa aming gilid ay nakita ko ang aking sariling nakatayo. Pareho kami ng suot ng kahawig ni Jiro ngunit matangad lang ako sa kanya tulad namin ni Jiro.
Noong bata ako'y di ko nakilala ang aking sarili noong napapanaginipan ko ang tungkol dito. Bagama't lalong nagpagulo ito sa aking isipan ay lalo namang nag-igting ang aking damdamin sa aking nakikita.
Naalimpungatan ako'y naabutan kong natutulog pa rin ng mahimbing si Jiro. Nakahawak ang isa niyang kamay sa aking balat at ang akin naman ay nakahawak sa kanya.
Hindi ko inalis ang aking kamay at pinilit na lang muling matulog kahit isa-isang nagsusulputan ang mga katanungan sa aking sarili tungkol sa aking panaginip. Pinapawisan ako ng malamig.
Kinabukasan, nagising akong mahimbing pa rin ang pagtulog ni Jiro. Ngayon ko lang nakita ng ganito kalapit ang mukha niya habang natutulog siya at napakaamo ng kanyang mukha. Di ko namalayang hinahaplos ko na lang ang kanyang pisngi habang pinagmamasdan siya. Sa mga sandaling iyon. Nakaisip ako na bigyan siya ng sopresa. Maingat akong bumangon upang di siya magising.
Nagmadali akong nagsuot ng shorts at sando kahit walang brief at patakas na lumabas ng silid. Parang nililipad ang aking mga paa sa paglabas ng resort. Abot tenga ang aking ngiti kaya't mukha akong ewan.
Nakasalubong ko sa aking paglabas ang may ari ng resort at ang helper at masigla ko lang silang binati na kanila naman ipinagtaka dahil noo'y di ko pa iyon nagagawa dahil nga sa masungit akong talaga.
Di kalayuan sa resort ay may lugawan. Kumuha ako ng dalawang order at softdrinks para almusal naming dalawa. Para akong engot na nakangiti lang sa tinderhang hinintay ang aking binibili. Nang maibigay ko ang bayad na sobra'y hindi ko na kinuha ang sukli sa tuwa na may na nakastyro ang aking binili't may plastic spoons pang kasama. Hiniram ko rin muna ang bote ng softdrinks at nangakong ibabalik na lang mamaya.
Pagbalik sa resort ay nadaanan ko ang flower box sa bukana, hindi ko alam kung anong bulaklak yun pero namitas ako ng tatlo bago umakyat sa aming silid. Maingat akong pumasok ng kwarto't inabutan kong natutulog pa rin ng mahimbing ang mahal kong si Jiro.
Lumapit ako sa gilid ng kama't ipinatong sa sahig ang aking mga pinamili. Ang hawak kong bulaklak ay marahan kong idinikit sa ilong ni Jiro na napakatangos. Nangati ang ilong niya't tinabig lang niya ang bulaklak.
Makulit ako kaya't muli kong ginawa ang pangingiliti sa kanyang ilong gamit ang dulo ng bulaklak.
"Gising na... breakfast na tayo."
Nagpungas ng mata si Jiro't sinuklian ako ng kanyang napakatamig na ngiti.
"Good morning."
"Akala ko dala lang ng kalasingan mo mga nangyari kagabi. Kala ko panaginip lang ng lahat."
"Bakit? Ano ba iniisip mo? Seryoso ako sa mga sinabi ko kagabi."
"Akala ko kasi sasapakin mo ko bigla eh. Ikaw kasi.... " at pagkatapos niya itong sabihin sa akin ay nilapit ko ang aking mukha upang pigilan siya sa kanyang gusto pang sabihin.
Halos limang minuto kaming naghalikan ni Jiro. Napakasarap kaya't napasampa na akong muli sa kama. Hawak na ni Jiro ang bulaklak na aking hawak kanina. Nang magwalay ang aming mga labi'y nakapatong na ako sa kanya't nagtitigan na lang kaming nagngingitian. Matapos ang ilang saglit ay iwinalis niya sa aking ilong ang bulaklak.
"Mabango? Mabango?" ang tanong niyang nangungulit.
Doon ko lang napansin na mapanghi ang amoy ng bulaklak na binigay ko sa kanya. Natawa ako ng malakas dahil dito.
"Pasensiya na. Yan lang kasi naabutan ko kanina eh. Maganda naman di ba?"
"Next time, yung mabango naman kahit pinitas mo lang sa tabi-tabi." ang sabi niya.
"Anong sumapi sa iyo?"
"Wala."
"Hindi pa rin kasi ako makapaniwala. Ibang iba ka noon, July. Ngayon, ikaw ang pinakaromantic na taong nakilala ko." nahiya naman ako ng kaunti sa kanya't namula.
"Tinamaan ako eh. Ano magagawa mo?" "Pati pala sa lalaki tinatamaan ka na. Ganun ka na ba katigang?" at muli bago pa siya magdagdag ay mariing hinalikan ko ang malambot at mapupulang labi ni Jiro. Hindi siya makagalaw dahil mas malakas ako sa kanya at mas malaking tao di hamak.
Nang magwalay muli ang aming mga labi habang nakapako ang aking mga titig sa kanya'y... "Ianus..." ang tawag ko sa kanyang di ko namalayan.
Agad nanlaki ang mga mata ni Jiro't pinamuuhan ng luha. Magkahalong lungkot at saya ang nasa kanyang mga mata. Umagos ang mga luha pababa't...
"Tinawag mo akong Ianus?" ang tanong niya sa nanginginig niyang boses.
Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang tawag ko sa kanya ngunit ang naging reaksyon niya'y nagtibay sa akin na hindi lang panaginip ang aking nakita kagabi.
"Ilrian... Mahal ko..." kanyang nasabi sabay bagon at niyakap ako ng mahigpit.
Bagama't may dala itong kaunting kilabot. Naramdaman ko ang lungkot at wagas na pananabik ni Jiro sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Tila naging isa ang aming puso.