Chereads / Innocentia [BL] / Chapter 20 - Innocentia - Chapter 20

Chapter 20 - Innocentia - Chapter 20

Sa paglipas ng gabi ay nagawa kong isama si Jasper sa aking condo't may nangyari sa aming dalawa. Tumalab naman kahit paano ang aking ginawang panliligaw sa kanya ngunit alam ko sa aking sarili na gusto ko lang siya dahil sa may nakita akong katangian niya na kapareho ng napansin ko sa binatang nasa larawan.

Sa bawat halik at indayog ko sa kanya'y unti-unting naaalala ko ang binata. Habang kapiling ko si Jasper ay matinding pananabik sa binatang nasa larawan ang aking naaalala. Ayaw kong tumigil at kung tumigil man kami'y gusto kong umulit pa. Habang kapiling ko si Jasper, ang binata sa larawan ang aking nasa isipan. Hindi ko maintindihan kung bakit pareho lang kaming nakatunic sa aking isipan at sa isang magandang harding namin pinagsasaluhan ang sandaling nagbabalik sa akin.

Gut feeling lang ang lahat ngunit bago lumisan si Jasper kinabukasan ay doon ko nalaman na may nagmamay-ari na pala ng kanyang puso. Basa ko sa kanya'y naniniwala pa rin siyang darating ang araw na magkakasama rin sila ng taong mahal niya.

Napagtanto ko sa aking sarili na ganoon din ang kalagayan ng damdamin ko ang kinaibahan lang ay hindi ko alam ni pangalan ng taong nasa larawan kung saan maligaya kong binalot ang aking mga bisig sa kanya.

May mga nagaganap na kakaiba sa iba't-ibang lugar ngunit hindi ko na ito pinansin dahil sa binatang iyon pa lang ay mabigat na ang aking iniisip. Lumala ang krimen sa mundo at may mga kakaibang nagaganap na sa buong daigdig.

Lumipas ang araw, para akong baliw na kinakausap na ang binata sa larawan tuwing ako'y mag-isa at madalas bago matulog ay kinukuwento ko sa kanya ang mga bagay na naganap sa akin buong araw.

Isang gabi nang ako'y lubos na lubog na sa kalungkutan habang nakaupo sa gilid ng aking kama. Punong puno ng matinding pagnanasa na maalala man lang ang pangalan niya't makita siyang minsan habang tinititigan ko ang aming larawan.

"Bakit di ko maalala man lang ang pangalan mo?! Bakit ganito ang nararamdaman ko para sa iyo?!" ang tanong ko sa aking sarili. Halos malukot ko na ang larawan sa higpit ng aking hawak sa magkabilang dulo nito.

"Ikaw ang hinahanap ko!!!! Ikaw ang sinisigaw ng dibdib ko!!!! Gusto ko na maalala!!!! Sino ka ba?!!!"

At sa sandaling iyon ay may liwanag na lumulutang ang unti-untiang lumaki sa aking harapan. Sa gitna noo'y isang napakahaba't makintab na espada na isang metro ang haba.

Nagulantang ako't napaiktad sa aking upuan at nahulog sa sahig habang nanatili namang nakapako ang aking mga titig sa nagliliwanag at lumulutang na espada. Pumahiga itong nakaturo ang hawakan sa akin at unti-unting lumapit.

Intuition na lang na hinawakan ito at ang liwanag an nagmumula rito'y unti-untiang dumaloy at kumalat sa aking buong katawa mula sa aking kamay na nakahawak dito. Nagulantang ako ng biglang maglaho ang aking suot na damit at agad napalitan ng puting tunic at ang aking paa'y nakasuot na ng sandalyang abot halos sa aking tuhod. Sa sandaling iyon ay may mga kumislap na ala-ala sa aking gunita. Ang nakangiting mukha ng binata sa larawan.

"Ilrian..." ang tinig ng isang binata sa aking isipan ang na aking narinig mula sa loob ng aking isipan. Sa sunod-sunod na mga nangyayari'y nawala ang aking matindinglumbay kanina't napalitan na lamang ng matinding gulat.

"Ha?!! Sino ka?!!! Sinong Ilrian???! Anong?!?!!"

"Ako ay ikaw at ikaw ay ako. Ako ang bahagi ng iyong kaluluwa na nagtataglay ng iyong kapangyarihan na matagal nang nakulong sa hemerang tinawag mo noon. Ibabalik kong muli ang iyong ala-ala..."

At sa isang iglap, isa-isang kumislap sa aking isipan ang tila pelikulang ala-alang nawala. Ang masasayang sandali namin ni Ianus mula noong kami'y magkakilala. Ang nakatutunaw ng inis niyang ngiti at ang nakakapukaw ng damdamin niyang mukha tuwing siya'y lumuluha. Ang huling ala-alang bumulagta sa akin ay ang sandaling lumuluha si Ianus sa aking harapan at nagpapaalam. Hindi ko namalayang tumulo ang aking luha sa mga sandaling iyon. Matinding hapdi sa aking dibdib ang biglang nahari at takot sa kung ano na ang nangyari sa kanya.

"Kung nandito ka?... Nasaan na si Ianus?..." ang tanong ko sa aking hawak ngunit hindi na ito muling nagsalita. Iisa lang ang ibigsabihin ng mga nagaganap. Marahil ay inialay ni Ianus ang kanyang buong sarili kaya't napakawalan ang aking lakas na kinuha sa akin ng aking tinawag na hemera kapalit ng kanya. Lubhang bumilis ang tibok ng aking tibtib sa matinding kaba.

Gamit ang dulo ng aking espada'y dahan-dahan kong hiniwa ang kawalan sa aking harapan at bumukas ang lagusang may umiikot na hanging iba't-iba ang kulay. Dala ng aking damdamin ay di pa rin ako makarecover sa biglaang pagbabalik ng lahat. Sa isang iglap, tumalon ako sa butas at lumipad na naglakbay.

Si Jiro... Bago maganap ang lahat kay July kanina...

Sa isang asul at malawak na gitna ng karagatan sa isang mundo sa isang dimensyon kung saan hindi nabuhay ang mga tao. Doon lumulutang si Ianus, malungkot at malamlam ang kanyang mga mata dala ng matagal na niyang pananaghoy sa kanyang irog at ang hindi niya matakasang takbo ng tadhana. Sa kanyang gilid, ang pitong hemera na kanyang tinawag. Walang imik at naghihintay sa iuutos ni Ianus.

"Periti..." ang bulong ni Ianus sa kanyang isipan.

"Ianus, kung kaya lang natin baguhin ang takbo ng ating kapalaran." at napabuntong hininga si Ianus. Muli, tumulo ang kanyang luha habang binabalikan ang masasayang sandali nila ni Ilrian. Alam niyang malayong mangyaring mabuhay pa siya matapos ang digmaang ito.

"Periti... isa lang ang gusto kong hilingin sa iyo. Pabantay naman po si Ilrian. Huwag niyo po siya hahayaang mapahamak."

"Pangako, Ianus... Sabihan mo na lang kami kung handa na ang lahat bago dumating diyan ang sampu na kasama mo sa laban niyo ng iyong kapatid." ang pang-iwas ni Periti sa usapin tungkol kay Ilrian upang makapagfocus si Ianus sa kanilang laban.

"Hindi ko papatayin si Neomenia... matagal ko nang alam na isang makapangyarihang Dominos lang ang gumagamit sa kanya..." ang wika ni Ianus sa kanyang sarili. Lingid sa kaalaman ng lahat ng mga taga Lucerna, isang bagay ang Sang Raal ngunit ang katotohanan ay Sang Raal ang mismong katawan nila Ianus at Neomenia. Ang tanging mga vessel na maaaring tumanggap ng malakas na kaapangyarihan at gamitin ito.

"Mica El! Gab El!" ang sigaw ni Ianus na umalingawngaw sa paligid. Sa isang iglap, dalawang Suprema na may suot na gintong tunic ang biglang lumitaw sa kanyang harapan. Ang dalawang ito'y may gintong buhok at parehong maputi ang kutis. Kulay asul ang mata ng isa na ang ngalan ay Mica El at ang isa namang si Gab El ay kulay abo ang mga mata. Parehong maamo ang kanilang mga mukha at ang mga mata nilay awang nakatingin kay Ianus. Tulad din ng suot ng mga Sancti sa paa'y ay naka sandalya rin silang abot halos sa tuhod nila ngunit ginto ang kulay ng mga ito.

sa pagdating ng dalawa'y may maugong na tunog ng trupetang sumabay na umalingawngaw sa buong kalawakan ng kapaligiran.

"Ianus... alam mong kahit pareho lang tayo ng tungkulin sa mga tao, hindi kami maaaring sumawsaw sa digmaan niyo." ang sabi ni Mica El. Ang tinig niya'y nakayanig sa kailaliman ng dagat kaya't lalong lumakas ang alon ng tubig.

"Para sa kanila ang hiling ko sa inyo... Sana'y wasakin niyo ang mundong ito kung hindi ako manalo."

"Sige, maghihintay lang kami. Kami na bahala pero sana maging maganda ang katapusan ng labang ito." ang sabi naman ni Gab El.

"Salamat. Handa na akong ialay ang aking buhay sa labang ito." ang tugon naman si Ianus sa kanya. Sa isang iglap. Mabilis na naglaho ang dalawang Suprema.

"Periti, nakausap ko na ang mga suprema..." ang wika ni Ianus at sa sandaling iyon ay pumaligid sa kanya ang sampung Sancti na sasama sa kanya sa kanyang digmaan. Isang kilometro ang layo ng bawat isa kay Ianus at ganoon din sa bawat isa. Si Ianus ang nasa gitna kasama ang kanyang mga hemera.

"Huwag niyong haayaang makalabas sa bilog natin ang kahit ano o sino!!" ang sigaw ni Ianus sa kanyang isipan upang sabihan ang iba niyang kasama at huminga ng malalim.

"Ego liberandam vos!" ang sigaw na wika ni Ianus. Dumilim ang kalangitan at yumanig ng malakas ang sahig ng dagat at marahang umangat ang isang malaking tila tulos ng lupa at sa tuktok noo'y isang malaking kristal ang nakatayo.

Sa isang iglap, limang Tenebrarum na malalakas ang biglang sumulpot na nakapaligid sa kristal na ito. Ang mga tenebrarum na ito'y katwang tao rin tulad ng mga Sancti ngunit ang suot nila'y kulay itim na tunic at may abot tuhod din na sandalya. Sila ang mga kumokontrol sa mga mahihinang uri ng Tenebrarum.

Isa-isa silang nagkalat at hinarap ang ilang Sancti. Ang isa'y nagsubok sumugod kay Ianus ngunit sa isang iglap at nilamon siya ng bigla ng malakas na puting hanging mula sa mga kamay ni Ianus. Nadurog siyang parang lupa't nawala sa hangin.

Sa ligid ni Ianus ay nagsimula na maglaban ang mga kasamahan niya't Tenebrarum. Dahil sa ang pakay niya'y nakakulong sa dambuhalang kristal agad niya itong tinungo kasama ang pitong hemera.

Nang kanyang marating ay pinagmasdan niya muna ang loob nito ngunit wala ang kanyang kapatid na si Neomenia. Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkabigla. Lilingon na sana siya sa kanyang paligid nang isang malakas na nakakikilabot na pagtawa ang maririnig sa buong paligid. Natigil ang lahat sa nangyari at sa tabi ni Ianus ay may itim na usok ang biglang namuo at mula roo'y biglang may kamay na sumakal kay Ianus.

Naghirap siyang kumawala sa mga kamay ni Neomenia. Matapos kumalas ay agad siyang napalayo ng kaunti sa kanyang kapatid na unti-untiang lumalabas sa lumalaking itim na usok. Tulad ng dati'y nakasuot siya ng isang itim na gown na napakahaba ngunit kahit gaano pa kahaba ito'y nakalabas naman ang dibdib ni Neomenia. Nagimbal si Ianus na makita ang kanyang kapatid na may kaunting pagbabago. Ang mahabang itim na buhok nito sa ulo'y may kasama ng dalawang napakalaking sungay. Patuloy si Neomenia sa pagtawa sa kanyang paglitaw.

Biglang sumugod ang mga hemera kay Neomenia ngunit sa kanyang pagtitig sa mga ito habang papalapit ay isa-isa silang nagapos sa hangin na nakatayo.

"Mahal kong Ianus... akala mo ba ganoon mo lang ako kadali makukulong diyan? Hindi mo pa ako kaya noon. Lalong hindi na ngayon kahit alam mo na gamitin ang lakas mo dahil nauubos na ang lakas mo." ang panunuyang bati sa kanya nito. Napailing si Ianus sa sinabi ni Neomenia.

"Huwag mo na pahirapan pa ang kapatid ko kung sino ka mang gumagamit sa kanya. Alam kong gusto mong lumipat sa katawan ko dahil kaya kong magtaglay ng lakas na higit pa sa kaya niya." ang sagot ni Ianus.

Sa isang iglap, ang mahahabang buhok ni Neomenia'y gumapang ng mabilis sa ilalim at mula sa likod ni Ianus ay bumalot ito sa leeg, magkabilang braso at mga hita ng binata.

"Yan ang akala mo..." ang hirap na sagot ni Ianus sa kanya't sinubukan pang lumipad palayo mula kay Neomenia ngunit lalong humigpit ang pagkakasakal sa kanya ng buhok ni Neomenia't hinihila pa siya nito papalapit sa kanyang kapatid.

Sinubok ni Ianus gamitin ang lahat ng kanyang kaya ngunit hindi ito tumatalab kahit sa buhok ng kanyang kapatid.

"Hmmm... pwede ko naman siguro ayusin ang Sang Raal mo mamaya" ang sabi ni Neomenia. Matapos nito'y mabilis na lalong humigpit ang buhok ni Neomenia kay Ianus. Sinabayan pa ito ni Neomenia na magpakawala ng itim na usok mula sa kanyang mga labi an agad na bumalot sa buong katawan ni Ianus. Sa paghigpit ng kanyang buhok at malakas na tumunog ang mga braso't hita ni Ianus.

Tumatawa ng tumatawa si Neomenia habang malutong na tumunog ang mga nagbabaliang buto ni Ianus.

"Ahhh... parang musika sa aking tenga..." ang sabi ni Neomenia. Impit na tiniis ni Ianus ang tindi ng sakit ngunit di niya napigilang sumigaw ng malakas ng napakatagal. Napaiyak na siya sa tindi ng sakit ng kanyang kaibuturan.

Habang nagdurusa si Ianus sa ganoong lagay ay bumalot ang isa pang bugkos ng buhok ni Neomenia sa dibdib ng kawawang si Ianus.

"Gusto ko pa ng ingay!!" ang sabik na hiyaw ni Neomenia at sa sandaling iyon ay mabilis na humigpit ang pagkakasakal sa dibdib ni Ianus. Sa tuminding paghihirap ng binatay halos mapunit na ang kanyang lalamunan sa kanyang daig.

"AHHHHHH!!!!" ang sigaw ni Ianus habang nararamdaman niyang tumutusok ang kanyang mga nabaling mga buto sa kanyang kalamnan at sa kanyang dibdib. Nawalan ng malay si Ianus sa matinding sakit.

Kung naging malakas lang marahil si Ilrian at si Ianus marahil ay madali nilang natalo si Neomenia o ang sumanib sa kanyang Dominos. Iyon ang mga huling bagay na nasa isipan ni Ianus. Ang mga luhang tumutulo mula sa kanya'y naglalaman ng matinding pagnanasa na makapiling lamang si Ilrian at ang kanilang kaligayahan.

Habang nagdurusa si Ianus, hindi makalapit sa kanya ang ibang Sancti dahil sila rin mismo'y halos magapi na ng kanilang katunggaling mga Tenebrarum.

"Kailangan kong manalo. Hindi ko hahayaang maging magulo ang buhay ni Ilrian sa mundo ng mga tao sa paghahari ng mga taga Simulacrum." ang sabi ni Ianus sa kanyang sarili at wala ng alam sa mga nagaganap sa kanyang paligid.

"Ultima spiritus!!!" ang sigaw ni Ianus sa kanyang isipan at biglang nagliwanag ang kanyang buong katawan. Mabilis na bumitiw sa kanya ang mga nakagapos na buhok ni Neomenia. Sa sandaling iyon ay unti-untiang naglaho ang pitong hemera't naging bilog na bola ng liwanag at mabilis na pumalibot kay Ianus.

Tila gulay na sanang babagsak si Ianus sa kanyang lugar dahil sa mga nabali niyang mga buto ngunit agad siyang inakay ng hindi makitang mga kamay matapos pumalibot sa kanya ang mga bola ng liwanag na kanina'y mga hemera.

Isa-isang sumanib kay Ianus ang mga bola ng liwanag sabay nito'y unti-untiang pagbabago ng anyo ni Ianus. Naging kulay ginto ang kanyang damit at suot na sandalya ngunit at buhok niya'y nagbalik sa dating itim. Ang liwanag na puti sa mata ni Ianus ay naging ginto na tulad ng sa araw. Sa kanyang ulo'y may lumabas na koronang may pitong matatalim na dulo at ang bawa't isa'y taglay ang katangian ng bawat hemera.

Gimbal na gimbal na pinanood lang siya ni Neomenia at ng iba pa sa kanyang pagbabagong anyo. Nang idilat ni Ianus ang kanyang mga naaawang matang nakatitig kay Neomenia ay agad na tumulo ang mga luha mula rito.

Sa Lucerna, sa labas ng palasyo, alam na alam ng lahat ang mga nagaganap. Nalungkot ang lahat dahil ginamit na ni Ianus ang huling sandali ng kanyang kapangyarihan at buhay. Ang mga lakas na kinuha mula sa kanya ng mga hemera'y mistulang naitabi sa bawat hemera at ngayo'y muling sumakanya upang kanyang gamitin. Nalalabi na ang sandali ni Ianus dahil sa paglipas ng oras ay bigla na lang siyang mawawalan ng buhay.

"Ianus..." ang nanghihinayang na wika ng Periti habang pinanonood siya sa isang napakalaking bola ng enerhiya habang pinalilibutan ng iba pang mga Sancti. Ang iba'y umiyak sa kanilang nakita at ang iba naman'y nalungkot ng sobra.

Balik sa digmaan nila Ianus..

"Neomenia... kapatid ko... tama na... labanan mo siya..." ang wika ni Ianus sa kanyang kapatid na nanlalaki ang mga mata.

Sinubukang lumaban nito at naglabas ng itim na apoy, hangin, tubig, at mga malalaking bato mula sa kawalan sa harap ng kanyang mga kamay na itinutok niya kay Ianus.

Isa-isa itong humampas sa isang di makitang pader na nakaharang sa harapan ni Ianus. Nang matupok ang lahat ng mga ito'y napailing na tila nagsisisi't nanghihinayang ang binata.

"Neomenia, ikaw na ang bahala sa kanila. May hiling ako kay Periti. Iyon lang ang paki-usap ko sa iyo. Si Ilrian, bantayan mo." ang malalim na sagot niya sa kanyang kapatid nagbabakasakaling naririnig siya nito.

Pumikit si Ianus matapos magsalita, Biglang nagliwanag ang kalangitan at tila alipatong biglang nadurog ang mga Tenebrarum na kumakalaban sa mga kasamahan niyang Sancti.

Lumakas ang hangin at lumabas ang lupa sa ilalim ng dagat na tumayong tila mga nakausling bundok sa buong paligid.

"Para sa iyo ito Ilrian mahal ko. Ang magandang kinabukasan mo para na rin sa mga ao diyan sa mundo." ang wika ni Ianus dama ang matinding sakit ng kanyang sugatang puso na mas amtindi ang sakit sa tinitiis niyang nakababaliw na pananakit ng kanyang katawang nadurog ni Neomenia. Napahagulgol siyang saglit habang pinipilit na ayusin ang kanyang sarili. Alam niyang namamaalam na siya't nasasaktan siyang naririnig niya ang kanyang sariling mga sinasabi. Sa loob niya'y ayaw niyang mawalay kay Ianus. Sa kanya'y tanging tahimik na buhay lamang kasama ang kanyang minamahal ngunit dahil sa dahilan ng kanyang pagiging buhay ay kailangan niyang ialay ang kanyang sarili para na rin sa kanyang minamahal.

Biglang nagapos si Neomenia sa kanyang kinatatayuan at tumigalang sumigaw ng malakas na parang pinahihirapan. Pinanood lang siya ni Ianus ng kanyang mga lumuluha't nakakaawang mga titig.

Matapos ang ilang sandaling pagdurusa ng sumanib kay Neomenia mula noong ipanganak siya'y lumabas ang makapal at maitim na usok mula sa kanyang bibig at unti-untiang nagbago ang anyo ni Neomenia. Agad siyang nawalan ng malay at bumagsak sa hangin saglit at biglang tila sinalo ng isang duyan sa hangin. Ang kanyang suot na gown na itim ay napalitan ng isang napakaganda't maluwag na puting gown. ang kanyang dibdib ay nabalot na rin ng kanyang puting gown at may mga gintong palamuti ito sa tuktok. Ang itim na buhok niya'y unti-untiang naging puti na tulad ng kay Ianus. Ang malalaking sungay ay biglang kumalas sa bunbunan ni Neomenia.

Habang nagtitipon sa taas ni Neomenia ang itim na makapal na usok at tinignan ito ni Ianus ng matagal.

"Gusto mo ng Sang Raal di ba?" ang nanunubok na tanong ni Ianus sa makapal na usok. Sa sandaling iyon ay namuo sa kanyang kamay ang dating espadang pagmamay-ari ni Ilrian na nabali noong huli nilang digmaan.

Ibinuka ni Ianus ang kanyang bibig at humigop ng malakas at doo'y pumasok ang makapal at maitim na usok. Habang sumasanib na kay Ianus ang Dominos ay halos maduwal na siya ngunit pinilit niyang kunin ang lahat. Ang mga ugat ni Ianus sa buong katawan ay unti-untiang lumitaw sa kanyang balat at ito'y kulay itim.

Nang mahigop na niya lahat ng itim na usok ay akmang isasaksak na niya sana sa kanyang sarili ang hawak niyang espada ngunit bigla itong naglaho bago pa niya ito itusok sa kanyang dibdib. Nagimbal si Ianus sa nangyari. Hindi niya alam kung ano na ang kanyang gagawin at di niya alam kung gaano niya katagal makokontrol ang kanyang sarili.

Nagdilim ang kanyang paligid at ang huli an lang niyang nakita ay ang mabilis na pagbulusok niya sa dagat.

Si July matapos lumabas sa lagusan patungong Lucerna...

Nang makalabas ako ay napadpad ako sa paboritong hardin ni Ianus ngunit wala siya roon. Nagmadali akong nagtungo sa throne room ngunit nagimbal ako sa aking nakita matapos buksan ang gitna ng dalawang naglalakihang pintuan nito.

Maraming Sancti ang naroon at iba'y dinig ang pag-iyak. Sa gitna, doon nakahiga si Ianus at sa kanyang tabi ay nakatayo si Periti, sa kanyang tabi ay ang isang napakagandang dalagang kahawig ni Ianus na nakaputi na may puting mahabang buhok na maalon, at ang sampung Sancti. Lahat sila, malungkot na pinanonood si Ianus. Tumayo lahat ng balahibo sa aking katawan na para akong dinampian ng malamig na bloke ng yelo sa aking batok.

Unti-unting nagiging kulay abo ang suot ni Ianus tulad ng kanyang buhok. Napuna ko ang paglago ng ugat sa balat ni Ianus na kulay itim. Nangitim ang braso at hita niya dahil sa mga nabaling buto niya. Namamaga na ang mga ito't talagang kalunos-lunos ang lagay ni Ianus.

"IANUS!!!!" ang agad kong sigaw sabay ng aking pagtakbo patungo sa kanyang tabi. Nakuha ko ang atensyon ng mga naroon at pinanood lamang nila akong lumapit sa tabi ni Ianus.

Tinitigan ko si Periti na nakayuko lamang na nakatitig kay Ianus.

"Anong nangyari kay Ianus?!?! Bakit walang umaasikaso sa kanya?!!!!!" ang sigaw ko sa kanila dahil nainis akong makitang pinanonood lang nila ang aking irog habang nagsisihabaan ang kanilang mga mukha.

"Hindi na mabubuhay pang muli si Ianus. Magpaalam ka na sa kanya Ilrian. Ito na ang huli niyang sandali." ang malungkot na sagot sa akin ng matanda.

Inakay ko ang walang malay na si Ianus sa aking mga bisig. Niyugyog siya ng paulit-ulit habang isinisigaw ng malakas ang kanyang pangalan ng paulit-ulit ngunit hindi kumikibo si Ianus.

"Mahal ko... mahal ko... mahal kong Ianus!! Sagutin mo ko!!! Huwag mo kong iwan!!!"

Bumuhos ng matindi ang luha sa aking mga mata sa unang pagkakataon ng aking buhay. Pakiramdam ko'y wala na ang saysay na ako'y mabuhay pa. Matinding hapdi ang aking naramdaman sa mga sandaling iyon. Tila hinahati sa dalawa ang buong pagkatao ko sa masidhing lungkot na mawawala na ang aking tanging mahal.

Napansin ni Periti na nasa sahig sa aking tabi ang espada. Agad niya itong kinuha at marahas na hinila sa akin ng ibang Sancti si Ianus.

"Anong binabalak niyo sa kanya?! Bakit niyo sa akin kinuha ang espadang iyan!?!" ang galit kong sabi sa kanila habang sa isip ko'y may kutob na masama na.

"Ilrian, alam mo ba ang dahilan kung bakit nasa iyo ang espadang iyan?" ang tanong ng matanda.

"H-Hindi? Alam ko akin na ito noong magkamalay ako."

"Kaya ikaw ang pinili ng espadang iyan at pinili ng Lucerna na maging tagapagtangol ng princep na si Ianus ay para gamitin iyan sa kanya sa sandaling magkulong siya ng isang Dominos sa kanyang katawan upang hindi siya maging tulad ng kapatid niyang si Neomenia. Ipinaliwanag na sa akin ni Neomenia ang katawan nila ay ang Sang Raal. Alam kong hindi mo magagawang itusok ito sa kanya dahil ang makikitil ng espadang iyan ay maaaring hindi na muling mabubuhay. Kapag naghari na sa kanya ang Dominos ay mas matindi pa kay Neomenia ang kahahantungan ng lahat at balewala ang pinaghirapan ni Ianus." ang sabi ng matanda. Malungkot na tumango ang dalaga sa kanyang tabi na si Neomenia pala. Mula sa matanda'y kinuha niya ang espada't inakay naman ng mga Sancti si Ianus na walang malay na parang gulay at iniharap kay Neomenia.

"Ganito ba ang lahat para kay Ianus? Ito ba ang silbi na nakilala ko siya? Matapos ko siyang ipagtanggol ay ang sarili kong espada ang papatay sa kanya?!" ang pagtatalo ko sa aking sarili.

Pinanood ko lang si Neomenia na ihanda ang pagsaksak ng espada sa dibdib ni Ianus habang nakatingin sa malayo ang lahat.

"Sandali!" ang sigaw ko't natigil ang lahat na napatingin sa akin. Napaluhod ako sa sahig na nagsusumamo sa kanilang lahat.

"Ako... ako na lang ang gagawa niyan..." hindi ko alam kung pinigil ko ba sila dahil sa ayokong tumagos sa dibdib ni Ianus ang espada o gagawin ito mismo sa kanya para ipagpatuloy ang kanyang pinaghirapan upang hindi rin mabalewala ang lahat.

Naguguluhan ako ngunit sa nakikita kong lagay ni Ianus ay kailangan ko nang makapagdesisyon ng aking gagawin. Sinubukan kung mag-isip ng iba pang paraan ngunit mukhang ito na lang ang tanging paraan.

"Ako na lang... Hayaan niyo na lang akong gumawa niyan kay Ianus. Kung maaari sana, iwan niyo na muna ako sandali para makapiling siya kahit sa huling pagkakataon. Gusto kong gawin ito sa harding paborito ni Ianus. Para sa kanya. Alam kong magugustuhan niya iyon." ang malungkot at malalim kong hiling sa kanila. Tumango naman si Periti kay Neomenia at si Neomenia'y inabot sa akin ang espada.

Ang mga Sancti na umakay sa aking irog ay ibinalik sa aking muli si Ianus. Binitbit ko siya tungo sa kanyang paboritong hardin. Sa tabi ng pond doon ako sumalampak at kinalong si Ianus sa aking mga binti.

Tinignan ko ang mga nakapalibot sa aming mga nanonood at pinakiusapang iwanan muna kaming dalawa. Habang palabas na ang lahat sa hardin, paulit-ulit kong hinaplos at hinalik-halikan ang magkabilang pisngi ni Ianus.

"Mahal ko... sana naririnig mo pa ako... kahit sa huling pagkakataon marinig mo ang boses ko na sabihin sa iyo na mahal na mahal na mahal na mahal kita...." ang wika kong nanginginig sa kanyang nanlalambing bagama't lubhang nalulumo na ang aking damdamin.

"Di ba? Pangako natin sa isa't-isa na maghahanapan tayo? Bakit ganoon? Iiwan mo na pala ako? Ang daya mo naman eh. Bakit lahat na lang ng paghihirap sinarili mo? Bakit ganoon Ianus?" ang sabi ko pa sa kanya hanbang niyuyugyog siyang nakahandusay sandal sa aking hita. Binalot ko siya ng aking mga bisig at mahigpit na niyakap. Parang ayaw ko an siyang pakawalang muli. Parang ayaw ko ng matapos ang sandali. Gusto kong tumigil ang oras na nasa ganito na lang kaming lagay na dalawa.

"... July?..." ang mahinang tanong ni Ianus habang nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat. Nataranta ako't agad siyang pinagmasdan matapos pakawalan siya sa aking mahigpit na pagkakayakap. Naabutan ko ang marahan na kaunting pagmulat ng mga mata ni Ianus. Lalong tumindi ang pag-agos ng aking luha ng makitang tumulo ang mga luha sa mata ni Ianus. Pilit niyang ngumiti kahit nahihirapan siya sa kanyang kalagayan.

"Ianus... mahal na mahal kita... magkikita pa tayong muli di ba?" ang nanginginig kong umaasang sinabi sa kanya. Mabilis na namait sa lungkot ang mga titig ni Ianus. Alam naming dalawa na ito na ang kinatatakutan naming mangyari sa amin. Ang mamatay ang isa sa aming dalawa at hindi na muling magkita pa.

"Naaalala mo ba nung una mo akong makilala?" ang tanong ni Ianus habang pilit na ngumingiti at halata sa kanyang mga malalim na mata na binabalikan na niya ang aming nakaraan. Napangiti akong saglit kahit mapait ang aking damdamin.

"Oo.. dito ka galing noon..."

"Alam mo ba unang nasabi ko sa sarili ko nung nakita kita?"

"Ano?"

"Ang gwapo mo kaya lang mukhang babalian mo ko ng buto.." natawa kaming dalawa saglit.

"Ako... alam mo? Noong una kitang makita... nagbago na mundo ko. Gusto kong ialay ang buhay ko para lang sa iyo. Nagkaroon ng saysay ang mundo kong binago mo. Dati naglalakbay lang ako para magtanggol ng mga tao... nung makilala kita... ikaw na ang ipinagtatanggol ko... kaya lahat ng kalaban mo pinapatay ko na para lang sa iyo..."

"Bola.. bakit nung nakita mo na ulit ako sa mundo ng mga tao kulang na lang bugbugin mo ko?"

"Sorry na mahal ko... hindi ko talaga sinasadya.. lubos kong pinagsisisihan ang mga nagawa ko sa iyo sa mundo ng mga tao. Kung alam ko lang ang lahat, inasawa na kita agad." ang biro ko sa kanya't hirap naman siyang humagikgik.

"... Ilrian... salamat... sa lahat... naging lubos na maligaya ako sa piling mo... patawad din sa lahat ng sakit na idinulot ko sa iyo at mukhang... ngayon... hindi ko na matutupad ang pangako natin sa isa't-isa. Hiniling ko na sana'y mamuhay ka na lang bilang isang normal na tao at maging maligaya sa piling ng iba. Nasasaktan akong makita na ganyan ka. Ayokong maalala mo ko kaya binura ko ang ala-ala mo. Patawad.. Mahal na mahal kita at gusto ko lang na maging ligtas ka at maligaya..." ang sabi ni Ianus sa nanghihina niyang boses at hirap na pagsasalita. Niyakap ko siyang muli ng mahigpit. Sobrang sakit ng aking damdamin na makitang nauupos na ang buhay ng aking mahal na kabiyak. Kahit nahihirapan siya'y pilit niyang ibinalot din sa akin ang kanyang mga bisig at buong pwersang binalot ako ng kanyang yakap. Dama ko ang panginginig ni Ianus at wala akong ibang magawa kung di ang maawa't masaktan para sa kanya. Kung maililipat ko lang sa akin ang kanyang paghihirap ay tiyak kong gagawin.

Humagulgol si Ianus. Lalong tumundi ang sakit sa aking dibdib. Nag-iyakan kaming dalawa ngunit pinigil ko ang aking sarili.

"Shh... Ianus ko... tahan na... " ang lambing ko sa kanya. Napapapikit na ako sa sakit ng aking puso.

"Mahal na mahal kita Ilrian... handa akong gawin ang lahat ng aking makakaya.. patawad.." ang daing niya.

Kung naging malakas lang ako. Kung may paraan pa hindi na kami sana narito sa ganitong lagay. Nagsimula akong magsisi sa aking sariling kahinaan. Doon ko napagtanto na napakawalang kwenta kong tao. Gusto kong saktan ang aking sarili sa galit ko para sa aking sarili.

Hirap na idinikit ni Ianus palapit ang kanyang labi sa akin. Inalalayan ko ang kanyang batok at sinalubong ang kanyang halik. Parehong umaagos ang mga luha naming dalawa habang pikit naming nilalasap ang huling halik mula sa bawat isa. Napakapait ng sandaling iyon para sa aming dalawa. Ang huling pagwawalay namin.

Nang maglayo ang amin mga mukha, "... Ilrian... akin na ang espada..." ang pakiusap niya. Para akong binuhusan na malamig na tubig sa kanyang nasabi. Natauhan akong ito na talaga ang kahahantungan ng lahat.

Sa mga sandaling iyon, naisip ko na ring wala nang saysay ang mabuhay. Inalalayan kong umupo si Ianus paharap sa akin. Nagyakapan kami ng mahigpit muna habang nakahawak na sa aking isang kamay ang espada. Binalot niya ang kanyang mga magang braso sa aking baywang at isinandal ang kanyang ulo sa aking dibdib. Pinagmasdan ko muna saglit si Ianus. Napansin ko na dumami na ang mga ugat na itim sa ibabaw ng kanyang balat. Ibinalot ko ang aking isang bisig sa kanya sa ilalim ng magkabila niyang kilikili at ang isa nama'y nakaangat na hawak ang espadang nakatutok sa likuran niya. Dumugo ang aking kamay dahil sa mahaba ito masyado kaya't sa mismong talim ko ito hinawakan.

"Ianus... kung wala ka balewala na rin ang aking buhay. Sasamahan kita san ka man magpunta kahit sa kabilang buhay kung mayroon man naghihintay. Ito ang kagustuhan ko para sa aking sarili." ang malalim at malambing kong sabi sa kanya. Marahang tumango si Ianus at ipinikit ang kanyang mga mata. Mukhang nakuha na niya ang aking ibig sabihin.

"I love you Ianus..."

"I love you too.. Ilrian..." at lalong humigpit ang aming mga bisig sa bawat isa.

"Saglit lang ito mahal ko... kaunting tiis lang... kung pwede lang sa akin na ang mararamdaman mong kirot kukunin ko iyan mula sa iyo... Hinga ka lang ng malalim at ipikit mo ang mga mata mo Ianus ko..." ang pilit kong palubag sa kanyang damdamin habang nakaabang sa pagsaksak sa kanya ng espada.

Pumikit ako't inabangan ang naghihintay na sakit at mabilis na isinaksak sa likod ni Ianus ang dulo nito. Sinigurado kong mabilis ang lahat para hindi na hindi masyadong masakit ang pagdating nito sa kanya. Napahinga ng malalim si Ianus at napadaing ng mahina.

Napatingalang tumitig sa akin si Ianus. Nakataas ang kanyang mga kilay ngunit napako ang kanyang titig sa akin. Ganoon din ako sa kanya, gusto kong siya ang taong huli kong makikita.

Nang maramdaman kong tumagos ang dulo nito mula sa kanyang dibdib ay lalo kong isinagad ito at idinikit kay Ianus ang aking dibdib upang ako rin ay madamay na. Kumapit ang isa ko pang kamay sa talim ng espada at buong lakas ko itong ibinaon tagos din sa akin.

Nang lumusot na ito sa aking likuran ay agad kong niyakap muli si Ianus. Nakababaliw na hapdi at kirot ang bumalot sa aking katawan mula sa butas sa aking katawang nilikha ng espada. Impit na tiniis ko ang lahat upang ipakitang matatag ako para kay Ianus. Alam kong nahihirapan siya tulad ko ngunit sandaling panahon na lang at mawawala rin ito.

Hindi na magwalay ang aming mga titig sa bawat isa. Parehong may lumabas na dugo sa aming mga labi ngunit pareho kaming napangiti sa kaligayahang sa sandaling iyon ay magkasama pa rin kami.

Habang unti-unting nagdidilim ang aming mga paningin, kakaibang kaligayahan naman ang naramdaman namin. Kuntento na kami.