Unti-untiang naging bato mula sa kanilang dibdib ang nakatuhog sa kanilang espada. Isang malakas na pag-ugong ang naganap sa buong palasyo kaya't agad na nagtungo si Periti at Neomenia sa harding kung saan naabutan nilang dalawa't magkayakap na handusay sa bawat isa. Nagulantang si Periti at Neomenia sa naganap. Mula sa tarangkahan ng hardin at mabilis na tinungo ng dalawa ang magkasintahang parehong wala ng buhay. Halos madapa si Neomenia sa mahaba niyang suot.
Nahabag si Neomenia na makita ang kanyang kapatid na lubos na paghihirap ang dinanas. Hinaplos niya ang likod ng magkasintahan habang unti-unting nagiging bato ang kanilang katawan mula sa espadang nakatusok sa kanialng dibdib. Tumulo ang luha niya ng di niya namamalayan. Damang dama niya ang lungkot na kinahintungan ng dalawang nagmamahalan.
"Ianus, bunso kong kapatid, magpahinga ka na. Salamat sa lahat, ako na ang aako ng iyong responsibilidad. Patawad, ako na ate mo'y naging pabigat pa sa iyo mula nang isilang tayo. Kitang kita ko lahat ng mga nagaganap ngunit wala akong kontrol sa sarili ko." ang wika niya kahit alam niyang di na siya naririnig ng kanyang kakambal. Matinding pagsisisi ang kanyang dinaranas sa kasalanang di niya ginawa.
Habang lang na nakatayong pinanood ni Periti ang tatlo habang nakatayo sa likuran ni Neomenia.
"Ia, maligaya na silang dalawang namatay sa piling ng bawat isa. Kung si Ianus ang ginamit ng Dominos na sumanib sa iyo'y tiyak na magugunaw na ang lahat... Hiniling sa akin ni Ianus na kung mamamatay siya'y kung maaari daw na pangalagaan mo si Ilrian sa mundo ng mga tao ngunit sa pagkakataong ito'y mukhang hindi na kailangan." ang bahagi sa kanya ng matanda.
"May paraaan pa..." ang agad na sagot ni Neomenia at pumikit. Habang inilalayo niya ang mga nakapatong niyang mga kamay sa likuran ng dalawa'y may lumabas na butil ng liwanag mula sa likuran ng dalawang magkasintahan. Ingat na ingat siyang tumayo habang tangan ang mga buti na ito na unti-untiang nagiging kristal. Nanlaki ang mga mata ni Periting nakatago sa likod ng kanyang maskara.
Lubhang mas maliwanag ang taglay ng galing kay Ianus kesa kay Ilrian. Tila pelikulang sabay na pinanood ni Neomenia ang ala-ala't damdaming naitago sa mga Essentia. Bumuhos sa kanya ang damdamin ng dalawang magkasintahan at habang nasa ganoong lagay ay hindi niya naiwasang humagulgol habang nananatiling nakapikit at tangan ang mga Essentia.
Nang matapos at marahang iminulat ni Neomenia ang kanyang mga mata'y...
"Ano ang mga iyan, Ia?" at sa tanong niyang iyo'y napangiti ang kanina'y nahabag na labi ni Neomenia.
"Ito ang kanilang Essentia o kaluluwa. Isang kaalaman ng mga Tenebrarum na aking natutunan. Ito ang ginagawa nila sa pagsanib sa mga normal na tao. Mula isang araw hanggang isang taon bago tuluyang maghari ang Tenebrarum sa katawan ng isang tao na sinasalinan nila ng kanilang Essentia. Nasaksihan at nalaman ko ang kanilang mga damdamin. Kalunoslunos ang kanilang pingadaanan. Lubos akong naaawa para sa kanilang dalawang nagmamahalan." ang agad na sinabi ni Neomenia habang inaayos ang sariling nadala sa kanyang mga nakita't naramdaman.
"Ngunit saan ka hahanap ng katawan ng taong sasalinan mo ng mga iyan? Nabasa ko na ang tungkol diyan ngunit ngayon ko lang nakita dahil lubos na ipinagbabawal ang gawin iyan labas sa ating batas!" ang nagimbal na sagot ng matanda.
"Hindi ko gagawin iyon, Periti. Hihilingin ko ang tulong ng mga Suprema. Hindi kami ni Ianus pwedeng humiling ng pansariling kahilingan namin ngunit maaari naman kaming humiling para sa kapakanan ng iba sa malinis na hangarin." sabay taas pa ng kanyang ngiting may pag-asa.
"Kung maaari, kailangan ko nang kausapin sila ngayon na bago pa tuluyang mawala ang kinang ng kanilang Essentia." ang agad na dugtong niyang pakiusap. Napangiti si Periti't tumango lang bago agad na naglakas palabas ng hardin.
Nang masilip ni Neomenia ang tarangkahan at magsara ang pintuan nitong napakalaki at agad na pumikit si Neomenia.
"Mica El... Gab El..." ang bulong niya at agad na umugong ang buong palasyo. Dinig at dama ng lahat sa buong Lucerna ang pagdating ng dalawang Supremang tinawag ni Neomenia dahil din sa tunog ng malalakas na trumpetang umalingawngaw sa buong kapaligiran. Sa isang iglap ay lumitaw ang dalawang ginintuang nilalang na unang tinawag ni Ianus nung hiling digmaan.
"Neomenia, masaya kaming makita ka na nasa mabuting kalagayan na sa wakas." ang agad na wika ni Gab El sa kanya. Mabait talaga si Gab El kumpara kay Mica El kaya't si Mica El nama'y agad na nagtanong kay Neomenia ng "Bakit mo kami tinawag?" habang nasinusuri ang kanyang mga adhikain mula sa kanyang mga mata.
Sa mahinhin na tinig ng dalagang si Neomenia, "Hihiling ako para sa aking nakababatang kakambal. Lubos na siyang nagdusa't dahil sa nalaman kong gusto niyang pangalagaan ko si Ilrian kung buhay pa sana siya ngunit tulad ng nakikita niyo, hawak ko ang kanilang Essentia at sa aking likuran ang naging bato na nilang mga katawan."
"Ano ang iyong punto? Bakit ka hihiling para kay Ianus kung ginawa lang niya ang kanyang responsibilidad at dahilan ng kanyang buhay? Bakit kinitil ni Ilrian ang sarili niyang buhay kung pinahahalagahan niya talaga ito. Bakit namin siya bubuhayin kung mismong buhay niya'y itinapon lang niya?" ang agad na nanunubok na tanong ni Mica El sa kanya.
"Dahil nagmamahalan sila. Hindi niyo ba nakita na inalay ni Ianus ang lahat para kay Ilrian at sa lahat at si Ilrian ay itinapon ang kanyang buhay dahil alam niyang di na niya makikita si Ianus? Simpleng kahilingan lamang ang nais ko para sa kanila sa kabila ng kanilang paglilingkod sa inyong mga Suprema. Nagawa na nila ang dapat nilang gawin at ang nais lang nila'y magkasama habang buhay. Hindi kapangyarihan kundi simpleng buhay para maipadama nila sa bawat isa ang kanilang pagmamahal. Hawakan niyo ang mga Essentia nila at malalaman niyo ang ibig kong sabihin. Kung mali ako'y pasensiya na't ginambala ko kayo." ang sabi ni Neomenia sabay abot ng Essentia ng dalawang magkasintahan. Ang kay Ianus ay kinuha ni Mica El at ang kay Ilrian ay kay Gab El. Pumikit ang dalawa't binalikan ang ala-alang naipon ng mga Essentia ng dalawa. Sa isang iglap ay isa-isang sumulpot sa kanilang gunita ang pinagdaanan ng dalawa.
Nang mamulat ang mata ni Gab El ay nakita ni Neomenia na nadala siya sa nasaksihan nito. Si Mica El nama'y kunot ang noong di makapaniwala. Nagtitigan ang dalawang Sumprema saglit at sa gulat ni Neomenia'y dinurog ng matitikas na mga kamao ng dalawa ang mga Essentia ng magkasintahan at agad na naglaho sa harapan ni Neomenia. Naiwang nahuhulog na parang alikabok ang pinong durog na Essentia ni Ianus at Ilrian.
Sa matinding awa sa nangyari, napaluhod si Neomenia't umiyak sa kinahantungan ng magkasintahan.
Mula noo'y naging balanse nang muli ang takbo ng lahat sa pagitan ng Lucerna't Simulacrum habang patuloy ang munting labanan ng dalawang panig sa mundo ng mga tao.
Sa mundo ng mga tao, sa isang ospital sa Alabang...
Unti-unting kumalat ang matinding sakit sa aking ulo sabay sa pagdating ng aking malay, hindi ko alam kung nasaan ako ngunit ang tanging bagay na tiyak ako'y nakahiga ako't nananakit din ang kalamnan ko. May kakaibang halimuyak ang hangin kung saan ako naroon. Parang magkahalong disinfectant at iba pang gamot ang naninikit sa butas ng aking ilong.
Disoriented ako't magulo ang aking isipan. Parang kabababa ko lang ng isang mabilis na chubibo. Mabilis ang tibok ng aking dibdib at matinding kalungkutan ang naghahari sa aking buong katauhan ngunit hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Dama kong tumulo ang mga luha sa aking mga matang mabagal na dumaloy sa aking magkabilang pisngi. Marahan kong iminulat ang aking mga mata't agad na narinig ko ang gasp na nagawa ng isang babae sa aking bandang kaliwa.
Dahan-dahan kong itinuon sa kanyang banda ang aking paningin at siya namang lapit sa aking tabi at hinawakan ang aking kaliwang kamay upang pisil-pisilin.
"July, anak! Nagkamalay ka na rin sa wakas!" ang maluhaluha niyang sambit sa akin sa nanginginig niyang tinig. Mestisa siya, balingkinitan at matangkad. Sa kanya ko namana ang aking pagiging tsinito at madalas simple lang manamit at laging nakalugay lang ang kanyang mahabang maalon na buhok. Bagama't may edad na'y di naman ito halata sa kanyang itsura dahil sa masasabing parang nakatatandang kapatid ko lamang siya.
"M-Ma? A-Anong nangyari sa akin?" ang agad kong tanong sa kanya dahil wala akong maalala matapos kong lumunok ng laway upang basain ang aking nanunuyong lalamunan.
"Anak, naaksidente ka sa pagmamaneho mo." ang nag-aalala ngunit may kaunting ginhawang sagot sa akin ng aking ina.
Sa sandaling iyon ay aking naalala ang mga naganap ngunit kapiraso lang ito ng pangyayari. Ang naaalala ko lang ay ang mga sandali na ako'y nasa loob ng aking kotse nang biglang umikot ang buong paligid bago ko marinig ang malakas na pagbagsak ng aking sasakyan sa gilid ng highway na aking mabilis na binabaybay.
"M-may kasama ba ako sa kotse?" ang tanong ko matapos balikan ang kaunting ala-alang nasa aking gunita. Pilit ko pa rin inaalala ang lahat ngunit wala talaga. Alam ng aking ina na ako'y naguguluhan dahil sa ipinipinta ng aking mukha habang nakapako sa kanya ang aking mga titig na puno ng katanungang ni ako ay di ko alam kung paano at saan sisimulan. Kutob ko'y may kasama ako sa kotse ngunit sa aking ala-ala'y di ko nakitang tumingin ako sa katabing upuan.
"Wala anak. Ikaw lang, pauwi ka ba sa atin noon?" naginhawaan ako sa aking nalaman ngunit lalong nagdala naman ito ng mas maraming katanungan sa akin isipan. Alam mo yung pakiramdam na may kulang talaga at parang nawawala? Tumango na lang ako sa aking ina kahit di tiyak sa aking sagot sa kanya.
"Nasa kabilang kama yung binatang driver nung isang kotseng tumilapon din. Hindi pa siya nagkakamalay." ang tsismis sa akin ng aking ina sabay turo niya sa aking gawing kanan ng kanyang labing nakausli. Nilingon ko naman agad ang itinuturo niya't nakitang kalahati ng katawan ng pasyente'y natatakpan ng kurtina mula binti pataas. Base sa kutis ng kanyang binti't paa'y isa siyang mestiso ngunit di siya ganoon kahalaga para aking pang intindihin.
Sa kabutihang palad, galos lang ang aking natamo at nabugbog ang aking katawan.
Nalaman ko na lang na dalawang lingo na pala akong nakaconfine sa ospital matapos ang aksidente. Nanatili pa ako roon makalipas ang isang lingo pa matapos akong gumising upang tuluyan lang magpagaling.
Matapos akong lumabas ng ospital, balik sa normal ang aking araw-araw, suplado, tahimik, at di palangiti tulad ng dati. Laging tahimik na pinupuna ang lahat sa aking paligid at kinkimkim kung anu man ang aking saloobin.
Ang tinutukoy naman ng aking ina na binatang nakaratay sa kabilang kama, hindi ko nakausap o nakita man lamang dahil nang lumabas ako'y nakasarado ang kurtina niya at hindi pa rin siya nagkakamalay. Ni isang bisita'y di ko nakitang dumalaw man lang sa kanya.
Normal naman ang lahat para sa akin ngunit hindi ko maalis sa aking sarili na mayroong malaking pagkukulang ang aking buhay. Ilang araw lang matapos kong lumabas ng ospital ay agad din akong nagbalik sa trabaho. Dahil sa magulo ang aking utak at damdamin ay pilit kong isinubsob ang aking sarili sa pagtatrabaho. Maaga akong pumapasok at late na late ako umuwi dahil na rin sa malakas ang loob kong malapit lang ang aking tinitirahan sa aking opisina.
Isang gabi ang ako'y papauwi, dahil sa wala pa akong kotse't napilitan akong magcommute, ay tumigil ang sinasakyan kong jeep habang binabaybay ang kalsada papuntang Buendia sa haba ng Ayala. May kasikipan ng mga sandaling iyon ang aking nasakyan at sa tabi ko na lang maaaring umupo ang bagong sasakay.
Sa pagpasok ng sumakay ay napatingin ako sa kanyang mukha. Isang kastilaing mestisong binata na nakapambahay ang sumakay. Lubhang pamilyar sa akin ang kanyang mukha't di ko maalala kung saan ko siya huling nakita.
Bumilis ang tibok ng aking puso't di mapigilang pagmasdan siya ng palihim hanggang sa siya'y umupo sa aking tabi. Para akong tangang biglang nagsuot ng maitim na shades at sa gilid nito'y pinagmasdan ko ang aking katabi habang inaalala kung saan ko siya nakita.
Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama ngunit sa sandaling katabi ko siya'y nawala ang kalungkutang nararamdaman ko bago ko siya masilayan.
Nauna nga lang siyang bumaba kaysa sa akin at huli na nang matauhan ako kung ano ang aking gagawin.
Sa paglipas ng araw ay nawala ang bumabagabag sa aking hindi ko malaman. Dahil sa subsob at dibdiban sa trabaho'y nakalimutan ko na rin na bigyan ng panahon ang aking sarili.
Isang umaga habang ako'y seryosong nakapwesto sa aking mesa...
"July! July na! Ang aga-aga nakasambakol nanaman ang mukha mo diyan!" ang marahot na pang-iinis sa akin ng aking boss na si Sarah.
Hindi ko pinansin si ma'am Sarah at patuloy lang sa aking pagtitig sa mga hawak kong proposals sa aking harapan habang nakapangalumbaba sa isa kong kamay at ang isa nama'y hinihilot ang aking noo.
Nang makalapit si ma'am Sarah sa aking harapan ay nanatili lang itong nakatayo't nakapamewang kahit nakaangkla pa ang kanyang handbag sa kaliwa niyang braso.
"Good morning July!" ang bati niya habang nagtatap ang kanyang paa sa kahoy na sahig ng aming opisina.
"Morning ma'am. Pinipili ko na po." ang walang buhay kong sagot sa kanya. Matapos ko siyang sagutin ay tila nakaramdam akong nangyari na ang kalilipas lamang. Nawala ang atensyon ko sa aking binabasa't tumundi ang aking pakikiramdam sa aking kapaligiran.
"Wala ka talagang buhay kahit kailan." ang sagot niya at padabog na naglakad patungo sa aking likuran kung saan naroon ang pintuan papunta sa kanyang tanggapan. Malakas ang langitngit ng sahig dahil sa bigat ng kanyang katawan. Napakamot ako ng ulo sa matinding pagtataka sa mga nagaganap sa akin.
Nang marinig ko ang pagsara ng kanyang pintuan ay parang wala lang na nilingon ko ang dakong iyon at ibinalik muli ang mga mata sa aking hawak na mga papel. Hindi pa lumilipas ang isang saglit ay bumukas muli ang pintuan ng silid ni ma'am Sarah at dumungaw dito ang kanyang bilugang mukha na puno ng kolorete.
"July! Pakisabi naman sa janitor yung kape ko ha?!" ang tila biik na umiiyak niyang utos sa akin. Tumango lang ako habang naririndi sa tinis ng kanyang boses. Dala ng pagkairita'y nawala sa akin ang pakiramdam na prang dejavu ang mga nagaganap.
"Ang aga-aga utos nanaman ng utos si Dabyana." ang bulong ko sa aking sarili habang unti-untiang tumitindi ang aking pagkainis. Ibinaba ko muna ang aking hawak at nag-unat bago tumayo sa aking upuan. Dahil sa may bintana lang ang puwesto ng aking mesa ay pinagmasdan ko muna ang labas na puno ng puno na berdeng berde ang mga dahon sa panahon na iyon.
Sa mga sandaling iyon ay pumasok sa loob ang isang service master upang kulektahin na ang mga basura na naipon sa bin sa ilalim ng aming mga mesa mula pa kahapon. Saktong yumuko ito upang kunin ang basurahan na asa aking ibaba.
"Tsong, timpla daw ng kape si ma'am Sarah." ang nahihiya ko pa ring pakiusap sa kanya kahit ilang taon ko ng ginagawa ito sa mga nagiging tagalinis namin. Agad siyang napatingin sa akin at tumango lang ng nakangiti.
Iniwan ko siyang nakayuko't kinukulekta sa isang malaking itim na garbage bag ang mga basura. Habang naglalakad ako tungo sa pintuan palabas ng aming departamento ay nakasalubong ko ang aking mga kaopisinang papasok pa lang. Gulat ang mga mukha na makita akong pumasok ng maaga muli.
"July?! Anong oras ka nag-in?!" ang tanong ni Jessica. Nasa gilid siya ng pintuan sa mga oras na iyon at nagsusuksok ng kanyang time card sa bundy clock na nakadikit sa pader katabi ng isang bakal na lalagyan ng aming mga time card.
Napalingon naman sa akin ang katabi niyang si George na pagkabigla rin ang bumakas sa kanyang mukha. Sa kanyang kaliwa si Frida, nahihiyang natatawa nang magkasalubong ang aming mga tingin na sinabayan pa niya ng pagsuklay sa kanyang mahaba't bagsak na buhok sa likod ng kanyang tenga.
"Nauna lang ako ng saglit sa inyo." ang sagot ko kay Jessica. Sa aking sinabi'y naging weirdo ang tingin kong muli sa mga bagay-bagay. Ang lakas talaga ng kutob kong naganap na ang lahat ng ito parang sa panaginip lamang.
"Tol, an hour or two ka lagi pumapasok at two or three hours ka lagi over time bago umuwi. Balak mo ba palitan si ma'am Sarah?" ang sabi ni George. Sa kanyang sinabi'y nagsalubong na ang aking kilay at pinuno ng pagtataka ang aking mukha. Di na ako nakasagot sa kanya.
Sa mga sandaling iyon ay ibinabalik na ni Jessica ang kanyang time card sa lalagyan nito at inip na aabot na ng kanya si George.
"Ten minutes before ten. Ganyan lang dapat! Work-life balance!" ang sabi ni George habang pinanonood ko sila.
"July, sixty seconder or thirty seconder yung pinili mo?" ang tanong sa akin bigla ni Jessica nang makalapit sa akin ng kaunti mula sa pila ng mga magtatime-in sa bundy clock. Nanatili akong di sumasagot at abalang iniisip ang mga nagaganap.
"May applicant nga pala tayo ngayon ikaw na lang daw mag-interview mamayang twelve." Napuna na ni Jessica na nasa malayo ang aking utak.
"Are you okay?" agad niyang tanong sa akin sabay lapit at hawak sa aking kaliwang balikat kahit mas matangkad ako sa kanya.
"O-Okay lang ako. May... may... may naalala lang ako. Este, nagugutom na pala." sabay alis palabas ng aming departamento. Narinig kong tinawag ni Jessica ang aking pangalan ngunit di ko na siya nagawang lingunin. Pagbaba ko ng opisina sa bandang likod, agad akong tumungo sa karindera.
Bago ako makalapit doo'y inilayo ko na agad ang aking iniisip dahil sa kumakalam na ang aking sikmura.
"Manang, isang pork steak at kanin po." ang magiliw kong pakiusap sa tindera habang ako'y papalapit sa jolli-jeep habang kumakaway. Abala siya sa mga sandaling iyon dahil napakarami ng mga nag-oopisinang kumakain sa kanyang tindahan.
"Ikaw pala, July! Balita ko naaksidente ka daw? Okay ka na ba? Balot o dito mo na kakainin?" ang tanong niya habang nakatayo ako sa likuran ng kumakain niyang customers. Punas pa siya ng punas ng kanyang kakahugas pa lang na mga kamay sa marumi na niyang apron.
"Okay na po ako. Dito na lang manang." ang malambing kong sabi sa kanya.
"Baka nagmamadali ka? Marami sila ngayon."
"Hindi na po, kaya ko pa naman po maghintay. Mukhang may matatapos na rin po sa kanila." ang nahihiya kong sagot sabay turo sa isa sa mga nakaupong kumakain. Binalikan lang niya ng ngiti bago naghanda ng mangkok at platong ceramic. Sa aking nasabi'y nataunhan nanaman akong pamilyar ang mga nagaganap.
Aabot na sana ako ng kutsara't tinidor sa isang delatang timba na maliit na na may tubing kung saan nakababad ang mga ito na hawak ng tindera ay di ko sinasadyang masiko ang noo ng aking katabi. Sa pagkabigla ay agad kong ibinaba ang aking braso't napatingin sa nasagi kong kumakain. Kinukuskos niya ang kanyang noong namula.
Ang mestisong binatang nakasabay ko sa jeep noong isang gabi na ngayo'y napakapormal ng pananamit kahit pinapawisan na'y hindi pa rin inaalis ang coat ng kanyang amerikanang suot. Tila binuhusan kami pareho ng malamig na tubig nang magkasalubong ang aming mga mata. Tumigil ang oras. Tila nag-usap ang aming mga kaluluwa sa mga sandaling iyon at sabay na biglang nasiiwasan ng mga titig.
"Pare, sorry! Di ko sinasadya!" ang kabado kong paumanhin sa kanya sa takot na napalakas ang tama ng aking siko. Patuloy naman siyang hinihimas ang tinamaan kong bahagi at tumatango.
Nang matapos ay bigla siyang ngumiti na nahihiya sa akin at agad na bumalik sa kanyang pagkain. Napansin kong nagmamadali siya sa kanyang pagsubo.
"Sorry talaga, tol." ang sabi ko pa at tumango lang siya habang ngumunguya ng naiwang pagkain sa kanyang bibig.
Nailapag na ng tindera ang aking pagkain ngunit hindi ko ito ginalaw. Sa halip, nanigarilyo lang akong tumambay na parang dinadasalan ang aking pagkain habang panakaw kong pinagmamasdan ang binata sa aking tabi. Nang matapos siya'y nagmadali akong nagiwan ng bayad na sobra sa aking binili at halos tumakbong bumalik sa aking mesa. Napansin ni Frida at Jessica ang aking pagmamadali.
"May problema, July?" tanong ni Frida bago ako umupo sa aking mesa.
"W-Wala." ang sagot kong hapong-hapo at napatingin sa ibabaw ng aking mesa. Napansin ko ang resume na nakapatong dito. Nang akong buksan ito'y tila kampanang umalingawngaw sa aking gunita ang pangalan na aking nabasa at larawan ng binatang nasiko ko kanina sa ibaba.
"Jairo Jacian Javier Ramirez Alarcon...?!" ang di makapaniwala kong pagkakabasa sa aking isipan. Nagsimulang mamuo ang malalamig na pawis sa aking noo at ilong sa mga sandaling iyon at habang nasa ganoon akong lagay ay papalapit na pala sa aking lamesa ang binata kanina.
Nakayuko siyang umupo sa aking harapan at nahihiya. Nang marinig ko ang langitngit ng kanyang upuan ay may malakas na kabig sa aking damdamin na tignan siya't..
"You look familiar." sa seryoso kong tinig habang tinatago ang gumugulo sa aking isipan at damdamin. Nang mapansin ko, tila naguguluhan din siya habang sinusuri niya ng kanyang mga nagtatakang mga mata ang ibabaw ng aking mesa.
"S-Sir... You... You... You... look fa-familiar din.. p-po." ang tila nadudumi niyang sagot. Nang magsalubong ang aming mga titig ay nakita kong parehong may mga katanungan sa kanyang isipan.
"Kanina? Di ba?" ang biro ko sa kanya. Nagiti ako ng hindi ko maintindihan na para akong ewan ngunit nakaramdam ako ng kiliti sa kanyang sagot sa akin.
"O-Oo nga.."
"Ikaw pala si..." ang sabi ko bago tumingin sa kanyang resume.
"H-ha? J-Jairo J-acian R-r-ramirez A-alarcon p-po..." ang natataranta niyang sagot sa akin.
Tila kinilabutan ako sa nasabi kong pangalan niya. "Saan ko napulot yon?!" ang tanong ko sa aking sarili. Bagama't may pagdududa sa akin sarili, maraming bagay ang pumasok sa aking kokote sa mga sandaling iyon.
Napalunok ako ng aking laway at sinabing, "Tanggap ka na, associate na kita." Naguguluhan ako sa lumalagong kaligayahan sa aking dibdib sa mga sandaling iyon nang marinig ko ang aking sinabi.
"S-s..." ang nauutal pa rin niyang sagot.
"May problema ba, Jiro?" ang malambing na tanong ko sa kanya. Napatitig sa akin si Jiro't napansin kong unti-untiang nangingilid ang luha sa kanyang mamulamulang mga mata. Para siyang nakahingan muli matapos pigilin ang paghinga. Batid ko sa galaw ng kanyang balikat na malalim ang kanyang paghinga. Nagsitayuan ang lahat ng balahibo sa aking batok. Sa aking nakita, mabilis na tumibok ang aking dibdib. Parang gusto ko siyang yakapin at halikan ngunit malakas akong napigilan ang aking sarili. May kaunting kirot sa aking dibdib ang aking nasisilayan.
"P-Paano mo nalaman palayaw ko?" at para akong binuhusan ng malamig na tubig. Dala ng aking matinding damdamin na patuloy na lumalago sa sandaling iyon ay di ko napansin ang aking tono at mga sinasabi.
Matapos noon, bagama't pareho kaming may kakaibang nararamdaman pareho'y pilit namin ito itinanggi sa aming mga sarili't pilit na kinalimutan ang lahat habang pareho naming hinaharap ang aming mga responsibilidad sa opisina. Isang araw, sa hindi ko maintindihang dahilan, pinatira ko siya sa aking condo na siya namang ikinatuwa niya.
Maayos na maayos ang trato ko sa kanya bilang tropa bagama't may nararamdaman ako para sa kanya. Dahil sa aking kakaibang damdamin, hindi ko napapansin na nilalambing ko na siya bago pa ako matauhan. Siya naman, lubos na maalalahanin at mapag-alaga. Sa aking puna'y higit pa iyon sa pagpapasalamat na nakatira kami sa isang bubong. Parang misis ko lang siya kahit di namin ito pinag-uusapan.
Hindi ko maintindihan kung bakit malapit ang loob ko sa kanya ng ganoon na lang at sa kanya nama'y ganoon din sa akin.
Napakamaalalahanin niya at lagi siyang nakabuntot sa akin saan man ako magpunta kahit labas na sa opisina. Ako mismo ang nagsasabi sa kanya na sumama siya at minsang makalimutan kong yayain siya kung ako'y lalabas ay siya naman itong agad na ikalulungkot niya. Tuwing di ko siya nakakasama tulad ng mga executive meetings ay sinisigurado kong may pasalubong ako sa kanyang Cadbury na tsokolateng may fruits lang. Hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil nang unang mangyari na di kami magkasama'y ganun na ang aking ginagawa. Nalulungkot ako kapag di ko siya kasama. Para kaming di mapagwalay ng aming mga gawain.
Sa mga maraming bagay kaming dalawa lang ang nagkakainitindihan. Sa mga nakakatawa at mga pananaw namin sa mga bagay-bagay. Kung ano man ang mayroon sa amin na hindi namin matukoy, hindi na namin ito pinansin at nagpatuloy na lang.
Wala naman kaming nakikitang masama sa pagiging mabait namin sa isa't-isa. Ewan ko para akong tanga pero dahil sa kasama ko siya, masaya na ako palagi. Ang makita siya sa aking paggising at bago ako matulog kahit na sa sofa ko lang siya natutulog at solong solo ko ang aking kama. Lingid sa kanyang kaalaman, nais kong tumabi na siya sa akin ngunit dahil sa ako'y may pag-aalinlangan at nahihiya rin ay tiniis ko na lang na ganoon ang aming setup.
Dumating ang araw na kami'y may shooting sa isang beach resort. Gabi na noon at hindi naman na kami masyadong kailangan sa production, naisipan namin mag-inuman.
Nang bumili si Frida, George, at Jessica ng inumin, nagpaiwan kaming dalawa sa kubo habang tahimik na pinakikinggan ang alon ng dagat sa madilim na gabi. Sa magkabilang banda ng mesa ang aming pwesto. Sa aking gawing kaliwa siya nakaharap kung saan naroon ang bintana. Kuntento't kita ang kaligayahan sa mga mata ng bawat isa. Bagama't di kami nag-uusap, lubos na kaligayahan ang aming nararamdaman.
Habang si Jiro'y malayo ang tingin at may matipid na ngiti sa mga labi. Tinitigan ko lang siya. Alam niyang nakatitig ako ngunit hindi niya ako pinapansin.
"Jiro..." ang malalim na panawagan ko sa kanya. Nanatili lang siyang nakatitig sa kawalan at nakikinig sa dagat.
"P-Pwede bang... dito ka umupo sa tabi ko?" ang kinakabahan kong tanong sa kanya. Marahan siyang lumingon sa akin at lalong ngumiti. Napakagandang pagmasdan ng kanyang pagngiti.
Maingat siyang tumayo at lumapit sa aking tabi. Pabirong tinulak niya ako upang umusog kahit maluwag ang bangko. Nangiti ako sa ginagawa niya. Siya lang ang nakakapagpangiti sa akin ng ganon. Kung iba marahil ang gumawa sa akin noo'y umiral na agad ang aking angas. Para akong lobong tatameme sa isang tupa.
Matapos niyang umupo sa aking tabi'y agad ko siyang inakbayan sa unang pagkakataon at di lang akbay ito dahil sa may kahigpitan ang aking nagawa upang maidiin siya sa akin. Nang mapansin ko ang aking ginawa'y aalisin ko na sana ang aking kaliwang bisig ngunit agad niya itong hinawakan ng kanyang mga kamay na nagsasabing huwag kong alisin at napatingin sa akin.
Sa tagal ng aming pagsasama, iyon ang pinakamatagal na sandaling nagtitigan kami. Walang pag-uusap at kaunting ngiti pareho sa aming mga labi.
"Anong meron? Nakakahalata na talaga ako ha." ang biglang bungad ni Jessica nang siya'y pumasok sa pintuan ng kubo. Agad kaming napatingin sa kanya't napalayo ako ng kaunti mula kay Jiro.
Sa kanyang pagpasok ay may bitbit siyang dalawang plastik, sa isa'y may mga bote ng red horse at sa isa nama'y puno ng yelo. Sinundan siya nila George at Frida na kapwa may bitbit din ngunit tila may namumuong landian na sa dalawa.
"Anong halata? Ikaw kaya pinag-uusapan namin. Ang ganda mo sana kaya lang ang taba taba mo kasi eh. Parang di na tatalab na lahat ng pampapayat sa iyo. Si Jiro maraming alam na pampapayat." ang maangas at nang-aasar kong palusot sa kanya. Humagikgik ng patago sa kanyang isang kamay si Jiro. Nagiti ako sa kanyang ginawa. Si Jessica naman, agad na tumaas ang isang kilay bago makalapit sa mesa upang ipatong ang kanyang mga bitbit.
Narinig ni Frida at George ang aking sinabi, tumawa ng malakas ang dalawa. Nang tignan ko si Frida'y halatang nakainom na siya. Napakamanyak naman ng dating ni George sa kanyang kasama't masasabi mo talaga sa kanyang mga mata'y may binabalak siya. Nang makatitigan kami nito'y sabay na tumaas baba ang kanyang kilay.
"Ayun na. Alam na." ang natatawang pagsang-ayon ko na may binabalak siya ko.
"Hay nako. As if yung dalawa diyan walang binabalak. Magdidikit na kaya mukha nila kanina." ang parinig ni Jessica patukoy sa amin ni Jiro matapos niyang umupo sa aking tabi labas na ang kanyang pagsusungit at di na talaga bumaba ang isang kilay niya.
"Yabang mo ah! Gusto mo gawin kitang punching bag?" ang maangas kong hamon ko sa kanya. Umabot ako ng isang bote ng grande upang isalin na sana sa ilalapag nang pitsel na dala ni Frida ngunit naalala kong wala kaming pambukas ng bote.
Napansin ni Jiro na kung saan-saan ako tumitingin at napapakapa pa ako sa aking mga bulsa. Inabot niya ang hawak kong bote at nagulat na lang ako sa mga sumunod niyang ginawa. Mabilis na tinakpan niya ng isa niyang kamay ang kanyang bibig at ipinasok ang dulo ng bote sa kanyang bibig at sa isang iglap ay natanggal ang tansan mula rito. Nanlaki ang aking mga mata at ganun din ang iba pang kasama naming nakita ang ginawa niya.
Mahinhin ni Jirong ipinatong ang boteng binuksan niya sa aking harapan. Natulala lang ako't nangilo ang aking mga ipin.
"Ano? Hindi pa ba tayo magsisimula? First time na iinom tayong magkasama." ang nahihiya niyang sinabi sa akin na humila sa aking ulirat pabalik sa lupa.
Nag-inuman kaming may masayang daloy ng usapan habang target naman ng asaran ang kawawang si Jessica. Sa paglalim ng gabi at pagkaubos ng aming mga inumin, hindi ko na napansin na isinandal ko na si Jiro sa aking tabi habang humahalakhak ng walang dahilan. Maya't-maya'y kinakabig ko pa siya ng mariin sa akin. Alam kong nakatingin na sa amin si Frida at George ngunit patuloy pa rin ang dalawa sa lampungan nila.
Nang pareho na kaming malasing ni Jiro, pinisilpisil niya ang braso kong nakaakbay sa kanya. Napatingin ako sa kanya bagama't lasing ay lubos na nanlalambing ang aking mga titig. Ganoon din siya bagama't sa kanya'y bakas ang pagkahiya.
"Ano iyon, Jiro ko?"
"Talaga? Jiro mo?" ang biro niya sabay hagikgik. Tinamaan akong bigla.
"Tang ina, patay na. Ano yung sinabi ko?" ang sabi ko sa aking sarili.
"Ah... yun ba yung japanese ng... 'chan' o 'san' o..." ang palusot kong pinutol niya ng kanyang hagikgik. Nangiti ako sa kanya kaya't sa halip na magpalusot pa ko'y..
"Di ba? Mga Japanese may 'san' pagkatapos nung pangalan nila? Japanese na Japanese kasi ang palayaw mo eh." dagdag ko pa.
"SUS!! Narinig ko iyon!! CHAREEEEEENGGGGGGGGG!!!" ang sabat ni Jessica. Agad nagpalitk ang aking tenga't tinitigan siya ng nanlilisik kong mga titig na parang lalamunin lang siya ng buhay sabay alis ng aking nakaakbay na braso kay Jiro upang ambahan ng suntok si Jessica.
"Putang ina mo! Manahimik ka na lang! Gusto mo bumaon yang matabang mukha mo sa malapad na bungo mo?"
"Joke lang! Joke lang! Pasensiya!" ang sagot niya sabay layo ng kaunti sa aking tabi. Yumugyog ang bangkong upuan namin sa kanyang ginawa. Hindi napansin ni Jiro na nasa dulo na pala siya ng bangko kaya't nahulog siyang bigla. Natarata akong bigla sa kanyang pagkabagsak at una kong ilalalayan ay ang kanyang batok na kinatakot kong baka tumama sa upuan.
Napatayo si Frida at George upang tignan si Jiro. Napatingin kami kay George at nakita ang nakahawak pa ring kamay ni Frida sa umbok na bukol na pahaba sa harapan ni George. Bumulusok ako sa katatawa at si Jessica nama'y humagalpak sa katatawa. Tumayo ako upang alalayan agad si Jirong naalog ang ulirat sa kanyang pagkabagsak.
Sa aking pagtayo, biglang umangat ang bandang dulo na upuan ni Jiro't bago pa namin malingon si Jessica ay nakabibinging iyak ng baboy na tila kinakatay ang aming narinig sa kanyang pagbagsak sa sahig.
Nagtawanan ang lahat sa kanya-kanyang katangahan. Ako na lang ang di nila mahanapan ng butas maliban sa panlalambing na ipinapakita ko kay Jiro.
Nang matapos kaming uminom, sa di ko maintindihang takbo ng aking kokote sa mga oras na iyon, hinarot ko si Jiro. Hindi naman siya pumalag o nagalit. Bagama't nagpahabol lang siya sa akin at ako nama'y panay ang kiliti ng kanyang tagiliran tuwing naabutan ko siya. Napakasaya ng sandaling iyon ngunit ang bawat tawa at hiyawan naming dalawa'y tila dejavu sa aking isipan.
Nang pareho kaming mapagod matapos kong maabutang muli si Jiro habang kami'y parehong lubog na ang binti pababa sa dagat ay sabay kaming humilata sa malapit na buhanginan habang nakabalot ang isa kong bisig sa kanyang baywang.
Hingal na hingal kaming napatitig sa malawak na kalangitang puno ng bituin.
Habang hindi alam ni Jiro, itinuon ko sa kanya ang aking titig. Pinagmasdan kong maigi ang kanyang mukhang nasisilawan lang ng liwanag ng buwan.
"Jiro, di pa parang pamilyar ang mga nangyayari ngayon sa atin?"
"Oo, July. Bukod doon..." at di niya itinuloy ang kanyang sasabihin kaya't...
"Pakiramdam ko noon, parang kulang ang buhay ko. Pero nung nakita kita, nabuo ang lahat para sa akin at ang sabi ng puso ko, huwag kitang pakakawalan." agad na nalungkot ang kanina'y masayang mukha ni Jiro. Mabilis na tumulo ang luha sa kanyang mata habang nanatili siyang nakatitig sa kalangitan.
"A-Ako rin, July. Noong una kitang makita, parang may hiwang lumalaki sa aking dibdib na hindi ko maintindihan. Nagungulila ako sa iyo."
"Nangungulila din ako sa iyo. Mula nang makasama kita, naging masaya't kuntento na ako. At hindi ko man maintindihan kung bakit pero... mahal na mahal kita bago pa kita makilala."
Pinilit niyang bumangon ngunit susuraysuray na siya. Buong lakas akong tumayo'y inalalayan siya ngunit dahil sa ako'y nakayuko at mabilis na hinila siya'y nataon na naglapat ang aming mga labi. Sa di ko maintindihang dahilan ay agad kong binalot si Jiro ng aking mga bisig matapos niyang bumangon. Binalot niya ang kanyang mga bisig sa aking balakan. Habang kami'y nagpapalitan ng aming damdamin ay isa-isang bumalik sa aming gunita ang aming ala-ala. Tila flash lang ng isang camera ang mga larawang ito sa aming isipan habang kami'y nakapikit na nilalasap ang pagmamahal ng bawat isa. Bago ko pa namalayan, dala ng matinding bugso ng damdamin na pinagtibay ng mga ala-alang nagbalik sa amin, mabilis na tumulo ang mga luha sa aming mga mata. Lalong napahigpit ang yakap namin sa bawat isa.
Magwalay man ang aming mga labi dahil sa hirap na paghinga dahil sinasabayan ng pag-iyak ang aming mainit na halikan ay di kami natitigil. Doon namin napagtanto ang matinding pananabik namin sa bawat isa.
Matapos magwalay ng aming mga labi, sa pagdilat ng aming mga mata, nag-aalab na damdamin namin ang nasaksihan namin sa mata ng bawat isa.
"Ianus... ko..." nang maalala ko ang pangalan niya.
"Ilrian... " at sabay baon niya ng kanyang mukha sa aking dibdib at humagulgol ng malakas.
"Tahan na mahal ko.." bagamat sinabi ko'y patuloy na umaagos ang aking luha sa matinding kaligayahang nararamdaman.
"Akala ko'y huli na ang lahat para sa atin mahal kong Ianus. Nagpapasalamat ako't narito tayong dalawa ngayon at magkasamang muli. Ngayong mga normal na nilalang na lang tayo, isinusumpa kong ikaw lang ang mamahalin ko."
"Hindi mo na kailangang ulitin pa iyan, Ilrian. May tiwala sa iyo ang puso ko at subok na ng tadhana ang ating sumpaan. Sinamahan mo ako sa aking huling sandali at kahit pa sa kamatayan. Masaya ako na kapiling na ulit kita. Sa wakas, mamumuhay na tayo ng maligaya sa piling ng bawat isa."
Matinding ginhawa ang bumalot sa aking katauhan. Bagama't di namin alam kung bakit kami parehong narito ngayon at magkasama'y lubos naman kaming nagpapasalamat sa kung sino man ang nagbalik sa amin.
"Ianus... hindi ko alam kung paano nangyari ito pero masaya ako't kapiling kitang muli ngayon."
"Si Neomenia siguro ang may gawa nito at ang mga Suprema." sabay tingala siya sa langit at tumitig sa bilog na buwan.
"Neomenia, alam kong di na kita maririnig o makikita pero sana malaman mo na napakasaya ko na ngayon. Salamat mahal kong kapatid. Mahal na mahal kita.. Salamat... ate..." ang dalangin niya matapos huminga ng malalim. Muli niyang isinubsob sa aking dibdib ang kanyang mukha at nagpatuloy sa pag-iyak. Hinaplos ko lang ng hinaplos ang kanyang likod habang tahimik na sinasabayan siya sa pagtangis.
Mahigpit na binalot namin ang bawat isa ng aming mga bisig sa matinding kaligayahang makita ang bawat isa. Parang ayaw na naming bumitiw sa mga sandaling iyon kahit na bumagsak kaming muli sa buhanginan at nagpagulong-gulong habang naghahalikan.
Matapos ang ilang saglit, bumangon ako't binuhat siya. Kahit susuray-suray sa paglalakad at makasalubong ang mga crew ng production na nagkakape ay ipinagmalaki ko pa ang aming itsura. Para kaming bagong kasal na ipinasok ko lang sa aming bagong bahay ang aking asawa. Naintriga ang lahat sa kanilang nasaksihan.
Sa aming silid, agad kong pinaliguan si Jiro, ngunit dahil sa masidhing pagmamahalan namin ay di na namin naiwasang angkinin ang bawat isa. Iyon na ang pinakamasayang gabi naming dalawa nang kami'y muling manirahan sa mundo ng mga tao.
Mula noon, ipinangalandakan pa namin ang aming pagmamahalan, naging maligaya kami ni Ianus na namumuhay bilang normal tao.
Ako pa rin ang tagapagtanggol niya at ngayon ay misis ko na siya. Siya ang pumupuno ng kakulangan ko at ako naman sa kanya. Siya ang lakas sa mga kahinaan ko at ako naman ay sa kanya.
Walang ibang inaalala kundi ang humanap ng paraan upang mamuhay ng maginhawa. Tumanda man kami't mamatay ay muli kaming pinagtatagpo ng tadhana. Iyon nga lang, lagi akong bully at siya naman ay lagi kong binubully bago kami humantong sa puntong kami'y muling nag-iibigan.
Bagama't di maaaring ikasal ang parehong kasarian sa mundo ng mga tao, namuhay naman kaming maligaya't naniniwala kaming magkikita't magmamahalan kaming muli sa kabilang buhay. Tanging iyon lang ang naging pagsubok ng aming pagmamahalan at sa tindi ng aming pagmamahalan ay kahit makailang buhay man ay pilit kaming nagbabalik para mahalin ang bawat isa.
"Ilrian...?"
"Mahal ko...?"
"...Habang buhay?"
"Magpakailan man... mahal ko, kahit maging sino ka pa. Mamahalin kita at aangkinin kita..."
"Talaga, Ilrian?"
"Babakuran agad kita pag nakita kita at kung may aagaw sa iyo, babangasan ko agad..."
"Paano mo malalaman na ako nga iyon?"
"Huwag kang mag-alala... Ang puso ko ang maghahanap at makakakilala sa iyo... "
"Sabagay, naalala mo nga ulit ako..."
"... Pero bago ko maalala, pag nagkita tayo kiss mo muna ako."
"Dapat laging ganon?"
"Eh... ganun eh... "
"Di ba awkward? Bigla kitang hahalikan? Eh pano kung di tumalab? Eh di sinapak mo ko?"
"Eh di ako na lang hahalik sa iyo..."
"Yiii... ang manyak naman nun..."
"Bakit? Ayaw mo?!"
"Nagbibiro lang ako, Ilrian ko.... ahihihihi.... I love you!!!"
"I love you forever, Ianus... my little Jiro..."
"Di ako pandak matangkad ka lang...."
WAKAS