Habang nasa ganoong lagay ang dalawa ay isang higanteng ahas ang biglang lumabas sa kailaliman ng buhangin. Ang ulo ng malaking ahas ay may mga palamuting ginto sa paligid ng kanyang mata. Sabay ng kanyang paglabas ay ang siyang pagyanig ng lupa. Nagulantang ang magkayakap na dalawa't binuhat ni Ilrian si Ianus nang siya'y makabangon at agad na lumutang ng mas mataas pa sa tindig ng higanteng ahas. Kahindikdindik man at nagliliwanag ang malalaking mga mata nito'y nagtawanan lang ang dalawang tinignan ito na parang isang biro lang ang kanilang kaharap.
The one that got away...
"Ianus, tignan mo ang malaking ahas sa mukha. Isipin mo may maliit na tuldok siya sa loob ng bungo niya. Ipunin mo lakas mo sa tuldok na iyon at sabihin mo ang salitang 'nigrum foramen'." ang turo ng natatawang si Ilrian kay Ianus na humahagikgik pa rin na nakabalot sa leeg niya ang mga bisig naglalambiting parang bata habang ito'y kanyang karga. Tinitigan ni Ianus ang ulo ng dambuhala at hirap na ginawa ang sinabi ni Ilrian ngunit.
"Nigrum foramen!" at walang nangyari matapos bigkasin ito ni Ianus.
Hindi nagpatalo si Ianus at ilang ulit niyang ginawa ang bagay na iyon ngunit wala pa ring nangyari. Nagtaka si Ilrian at nanliit naman si Ianus sa nangyari.
"Nigrum foramen!" ang sigaw ni Ilrian at mula sa loob ng ahas ay may puting liwanag ang biglang nagsabog at bago pa ito lumaki ay muli itong hinigop pabalik sa tuldok kung saan ito nagmula. Nilamon nito ang buong ahas tila kinain ng isang malaking black-hole.
Nalungkot si Ianus, napansin ito ni Ilrian.
"Yaan mo na, Ianus. Basta kasama natin ang isa't-isa, walang makakatalo sa atin." at biniro na lang niya ang bata't nagbalik sa Lucerna.
Nang magpunta si Ianus sa hardin upang magpahinga saglit ay kinausap agad ni Ilrian si Periti sa isang silid sa loob ng palasyo kung saan walang makakarinig sa kanila.
"Wala pong kapangyarihan si Ianus. Pinaka-basic ang pinagawa ko sa kanya kanina ngunit walang nangyari." ang nag-aalalang sabi nito sa matanda. Napailing si Periti sa kanyang nalaman.
"Tanging ang mga Suprema ang nakakaalam ng bagay na iyan."
"Suprema? Ang mga..."
"Oo... sila lang ang nakakaalam kung paano gamitin ang kanilang lakas. Hindi ko inaasahan na kahit may bahid lang ng dugong Suprema si Ianus ay magiging purong Suprema ang kapangyarihan niya."
"Baka pwede natin po silang kausapin?"
"Hindi pwede! Kapag nangyaring tinawag mo ang mga Suprema'y magugunaw ang lahat sa presensiya palang nila." ang malakas giit ng matanda. Katahimikan ang naghari sa kapaligiran nang mawala ang alingawngaw ng boses ni Periti.
"Malala ito... hindi ko inaasahan na ganito ang... possibleng si Neomenia'y may taglay na lakas ng mga Dominos dahil nasa Simularcum siya. Malamang ay naturuan na siyang gumamit noon. Iisang paraan lang ang aking alam upang magkaroon tayo ng laban sa mga Tenebrarum. Ang tawagin ang mga Hemera ngunit delikado ito dahil maaaring patayin ka ng mga Hemera kung di nila lubusang mauunawaan ang iyong damdamin kapag tinawag mo sila. Kapag napatay ka ng isang Hemera'y maaaring hindi ka na muling mabuhay dahil ang pagtawag pa lang sa kanila'y kukunin na ang lahat ng iyong kapangyarihan." ang sabi ng matanda habang nag-iisip ng malalim at nakapako ang mga tingin sa sahig.
"Ituro mo po sa akin. Kung kailangan kong gawin ang bagay na iyon, gagawin ko maipagtanggol ko lang si Ianus." ang paninindigan ni Ilrian. Saglit na nag-isip ang matanda't tinignan muna sa mga mata si Ilrian upang siguraduhin ang kanyang mga binitiwang salita.
"Mahal mo si Ianus?" ang nabigla nitong sinabi nang makita ito sa mga mata ni Ilrian.
Nahiya si Ilrian at inilayo ang kanyang mukha sa matanda.
"Oho, mahal ko si Ianus."
At hindi na nagsalita ang matanda't muling nag-isip. Tila nagtatalo ang kanyang damdamin sa kanyang gagawin. Matapos ang ilang sandali...
"Ilrian, puntahan mo ang aklatan at sa gitna'y may lihim na daanan iyon sa nag-iisang aklat. Siguraduhin mong walang makakakita sa iyo dahil hindi maaaring makalabas ang aklat na iyon." ang turo ng matanda ngunit halata sa kanyang tono ang pagdadalawang isip.
Matapos silang mag-usap ng matanda'y agad niyang pinuntahan si Ianus sa hardin kung saan ito'y naghihintay sa kanya.
Magkatabing nakahiga ang dalawa, nakapatong si Ilrian kay Ianus at katatapos lang nilang maghalikan.
Sa pagkakataong iyon ay lubos na lungkot ang dala niya sa kanyang dibdib at pilit niya itong tinago sa kanyang irog. Habang sila'y nag-uusap, hindi niya maiwasang dalhin sa kanilang usapin ang...
"Ianus..."
"Ilrian..?" at tinignan siya ni Ianus na may ngiti sa mga mata. Hinubad ni Ilrian ang tunic ni Ianus at nagpaubaya lang ito sa kanya.
Hinaplos niya ang kanang dibdib ni Ianus at agad na sinunggaban ng halik ang itong nito. Nilaro-laro ng kanyang mainit na dila ang bilog nito't marahang kinagatkagat dala ng gigil. Napaungol si Ianus at napakapit sa ulunan ni Ilrian. Idiniin pa niya itong maigi sa kanya sa tindi ng kiliting kanyang nararamdaman.
Nang magtapat muli ang kanilang mukha'y abot tenga ang ngiti ni Ilrian at sila'y nagtitigan. Ang isang kamay ni Ilrian ay nasa kanang dibdib pa rin ni Ianus.
"Ianus?"
"Bakit, Ilrian?"
"Gusto ko lang pag-usapan natin ang isang praktikal na bagay."
"Ha? Hindi kita maintindihan, Ilrian." at ngumiti lang si Ianus sa kanya.
"Alam mong darating ang panahon na maaaring pumanaw ang isa sa atin..." ang malalim na binitiwan ni Ilrian kay Ianus. Agad bumakas sa mukha ni Ianus ang kaba't halata sa kanyang gusto niyang iwasan ang tungkol sa usaping iyon bagama't iyon ang katotohanang di malayong mangyari. Agad bumangon si Ianus at umupo malapit sa gilid ng pond. Malayo ang kanyang tingin kahit nakatitig sa tubig.
Nilapitan siya ni Ilrian at mula sa likd ni Ianus habang nakaluhod ay binalot niya ito ng kanyang bisig.
"Natatakot akong isipin ang tungkol doon, Ilrian. Kung may lakas lang akong magagamit hindi mo na kailangang ako'y bantayan at ipagtanggol pa."
Hindi nakapagsalita si Ilrian. Sa saglit na katahimikan biglang binasag ito ng pagsasalita muli ni Ianus.
"Gusto kong maging normal na tao na lang. Gusto kong mamuhay tulad ng mga taong binabantayan natin at kasama nilang manirahan sa kanilang daigdig. Kung may paraan lang ay gagawin ko ang lahat matupad lang ito, bagama't ako ang naatasang umupo sa pinakamataas na pusisyon natin mga Sancti, alam nating wala akong kwenta. Sana... naging tao na lang ako, sana naging tao na lang tayo." ang nanginginig na sinabi ni Ianus habang pigil na lumuha sa kanyang inaasam na malayong mangyari.
"Pero maipapanganak pa rin naman tayong tao bago tayo maging isang Essentia Prima di ba?" ang bakasakali naman ni Ilrian kahit alam niyang kapag nagipit siyang tinawag ang mga Hemera'y maaaring iyon na ang katapusan niya.
Tumango si Ianus, hinarap niya ito sa kanya't ibinalik ang kanyang palad sa kanang dibdib ng binata.
"Kapag isa sa atin ang muling nabuhay, hanapin natin ang isa't-isa. May ilalagay ako sa dibdib nating dalawa bilang tanda na ako ito at ikaw iyan at ito ang magsisilbing marka ng ating walang hanggang pagmamahalan na hindi masisira nino man kahit sa saglit na kamatayan." ang malambing at nangangakong wika ni Ilrian sa kanya. Tumango si Ianus at pinunasan ng kaliwang kamay ni Ilrian ang basang pisngi ni Ianus.
"Pero... maaaring di ako makapunta sa dimensyon at panahon kung saan ka muling ipapanganak dahil walang nakakaalam kung saan ka muling mabubuhay. Alam mong hindi tayo pwedeng mapunta sa isang panahon at dimensyon kung naroon na tayo't malipasan ng panahon ang ating marka..." ang duda ni Ianus.
"Asahan mo mahal ko, umaasa rin ako dahil may tiwala ako sa pagmamahalan natin na pagtatagpuin din tayo ng tadhana. Lakbayin natin ang lahat ng mundo para makita ang bawat isa." ang di tiyak ngunit nanganagkong tinig ni Ilrian.
"Hahanapin kita, Ilrian ko."
"Hahanapin kita, Ianus, sumpa ko."
Huminga ng malalim si Ianus at pumikit. Nang makita niyang handa na ito'y..
"Insigne aeternam" ang bigkas ni Ilrian at nagliyab ang ilalim ng palad niyang nakatakip sa dibdib ni Ianus. Saglit na tiniis ni Ianus ang hapdi at agad na inalis ni Ilrian ang kanyang kamay nang masiguradong tapos na ang kanyang ginawa.
Kinuha niya ang isang kamay ni Ianus at ipinatong sa palad niyang naipatong na niya sa kanyang kanang dibdib. Tulad ng kanyang ginawa kay Ianus ay nag-iwan din siya ng marka sa kanyang sarili. Ang markang nilikha niya'y tatatak na sa kaluluwa nilang dalawa kaya't makailang beses man silang ipanganak ay makikilala nila ang isa't-isa at maaalala ang tanda ng kanilang pagmamahalan.
Matapos noo'y naghalikan ng napakapusok ang magkasintahan. Inangkin nilang dalawa ang sandaling iyon at saksi ang mga halaman sa hardin sa kanilang kaligayahang pinagsaluhan. Sa unang pagkakataon, nahiwa ang lagusan ni Ianus at nagdugo siya ng malakas ngunit dahil sa pag-ibig ay ipinaubaya niya ang kanyang sarili sa tanging nilalaman ng kanyang puso.
Nang makaraos, pinatulog muna ni Ilrian ang kanyang kabiyak. Tulad ng narinig ni Ilrian kay Periti ay lihim niyang pinag-aralan ang laman ng aklat. Doon niya natutunan ang pagtawag sa bawat Hemera't iisa lang ang maaari niyang tawagin sa pito sa isang pagkakataon lamang.
Naging lihim ito ni Ilrian kay Ianus. Sa paglipas pa ng panahon ay nakuha naman niyang makuha ang buong tiwala ni Ianus na siya ang kanyang kanyang tagapagtangol sa kabila ng hindi niya magamit ang kanyang sariling lakas. Naging sandigan siya ni Ianus ngunit dahil sa nakaharap sila ng mas malalakas na mga kalaban ay nagsimulang matakot si Ianus para sa kanya. Dahil doon, natigil si Ianus sa kanyang kagustuhang maglakbay at pangalagaan ang lahat ng mundo ng mga ordinaryong tao. Nagsimulang magkaroon ng pagkakataon ang mga Tenebrarum na impluwensyahan at bigyan ng kapangyarihan ang ilan sa mga ordinaryong nilalang sa loob ng higit isang libong siglo. Bagama't maraming mga sancti sa Lucerna'y di pa rin ito naging sapat dahil sa mismong si Neomenia ang nagpupunta sa daigdig na nagpapalakas lalo sa pwersa at impluwensiya ng mga Tenebrarum. Naglipana ang mga salamangkero't kung anu-ano pa sa daigdig. Hindi na naging maganda ang balanse ng lahat.
Isang araw, matapos maglaro ng apoy sa hardin si Ilrian at Ianus, isang malakas na pagyanig ang umalog sa buong kaharian.
Dali-daling binantayan ng mga guwardya ang harapan ng palasyo ngunit napakarami't may malalakas na katuong ang mga sumugod na Tenebrarum. Hindi maipagkakailang nagawang makapunta ng mga taga Simularcum sa Lucerna sa tulong ni Neomenia. Sumugod silang lahat upang dakpin si Ianus at makuha ni Neomenia ang kapangyarihang tulog ni Ianus.
Sa mismong throne room nagtago si Ianus at Ilrian, minabuti ni Ianus na patakasin ang mga natitira niyang alagad pati na si Periti sa mundo ng mga tao.
Magkayakap ang dalawang naghintay sa pagdating ni Neomenia, pagbukas ng dambuhalang mga pintuan ay bumungad sa dalawa ang ngayon lang din nakitang kakambal na babae ni Ianus.
Si Neomenia. Ang pinagbiyak sa bungang kakambal ni Ianus na may katawang babaeng binalot ng itim na mahabang damit na may mga tila alipatong may baga pa. Ang kutis niya'y kasing putla ng papel. Mula sa ilalim ng kanyang nakalabas na dibdib ang kanyang mahabang damit na kasing itim ng kanya ring mahabang buhok. Itim ang mga mata ni Neomenia. Nakakatakot at lahat ng daanan niyang bagay ay nawawalan ng buhay. Ang Haligi ng palasyong kiyang dinaanan ay mabilis na nagluma't nagcrack. Ang dalang liwanang ng mga ito'y mabilis na namusyaw.
Lumutang siyang pumasok sa loob ng throne room. Nakakakilabot ang kanyang tawang tila isang magkukulam na may tatlong tono ng boses na tila magkakaibang taong sabay-sabay at iisa ang sinasabi. Bagama't babae si Neomenia'y tono't kilos tibo ito.
Itinago ni Ilrian si Ianus sa kanyang likuran. Sumilip lang na parang nahihiyang bata sa kanyang likuran si Ianus at pinagmasdan ang paglapit ng kanyang kapatid.
"Ianus... mahal kong kapatid... Akin na ang Sang Raal!!!"
"Hindi ko alam kung saan at ano ang sinasabi mong Sang Raal!!!" ang sigaw ni Ianus.
Sinubukang tirahin ni Ilrian ng kanyang pinakamalalakas na kapangyarihan si Neomenia't di ito tinablan. Walang nagawa ito kahit ang natatangi niyang espada'y nabali lang nang sugurin niya ang kakambal ni Ianus.
Habang ibinibigay ni Ilrian ang lahat sa kanyang pagsugod kay Neomenia ay takot at lumuluha lang na nagtago si Ianus sa likod ng dalawang trono sa itaas ng hagdan at walang magawa kung hindi ang masaktan sa hirap na pinagdaraanan ni Ilrian sa kamay ng kanyang kapatid.
Parang basahan lang si Ilrian na tumilapon sa kung saan-saan sa loob ng silid at isang kamay lamang ni Neomenia ang gumagalaw.
Matapos ang ilang saglit, hirap na bumangon si Ilrian sa paanan ng hagdan paakyat sa trono kung saan siya huling tumilapon.
Hawak pa rin niya ang wala ng dulong espada, itinaas niya ang kanyang kaliwang bisig at hiniwa ito upang ialay ang kanyang dugo.
"Invoco Áreos vita privare Neomenia ex vita abire dolor!!" ang sigaw ni Ilrian. Nanlaki ang mata ni Ianus sa kanyang nakita at bakas ang pagkahindik sa mga ito nang tila hanging nagliliwanag ay biglang hinigop mula sa buong katawan ni Ilrian sa sahig sa kanyang harapan. Naglikha ito ng isang tanikala at mula roo'y isang nilalang na may korteng katawang lalaki ang lumabas bagama't walang ari upang matiyak ang kasarian. May kidlat na bumabalot sa ulo nito't nagmistulang korona. Nakaharap kay Ilrian na sa mga sandaling iyon ay napaluhod na sa lubos na panghihina.
Nangiti si Ilrian ng makitang nagawa niyang tawagin ang isa sa pitong Hemera. Tumalikod ito sa kanya't naglakad papalapit kay Neomenia. Sa mga sandaling iyon ay nangaripas ng takbo si Ianus sa tabi ni Ilrian upang alalayan siya. Basang basa ng luha ang magkabila niyang pisngi at nanginginig na ang mga kamay at tuhod sa matinding takot na mapasama pa ang kalagayan ni Ilrian.
Sa di inaasahang pangyayari, nang makalapit ang tinawag na hemera na si Áreos kay Neomenia ay lumuhod lang ito't nagbigay pugay. Nagawang kontrolin pala ng kapangyarihan ni Neomenia si Áreos dahil sa mas malakas siya kesa kay Ilrian. Hindi niya ito inaasahan dahil sa hindi ito naisaad sa aklat na binasa niya.
Nang tumayo ito'y naglabas siya ng isang sibat mula sa kanyang dibdib na gawa sa kidlat at humarap sa dalawa. Walang patumpiktumpik na ibinato nito ang sibat kay Ianus. Sa isang iglap bago pa nito maabot si Ianus at ibinalot ni Ilrian ang kanyang irog sa kanyang mga bisig at niyakap patalikod sa humaharurot na patalim. Bumaon ito mula as kanyang likuran tagos halos sa kanyang harapan kaya't bahagyang tumusok ang dulo nito sa kanang dibdib ni Ianus, sa mismong marka na nilikha ni Ilrian sa kanya na tanda ng kanilang pagmamahalan.
Agad sumuka ng dugo si Ilrian at bumuhos ito sa mukha ni Ianus. Natulalang nawala si Ianus sa bilis ng mga pangyayari. Bumagsak ang kanyang irog sa kanyang harapan sabay ng paglaho ng sibat na tumama sa kanila kanina. Hindi naramdaman ni Ianus ang sakit ng kanyang sugat sa tindi ng sakit na nararamdaman ng kanyang puso na makitang napatay sa kanyang harapan ang kanyang minamahal.
Napahagulgol siya't lumuhod at kinalong ang gulay ng katawan ni Ilrian.
"Ianus... Patawarin mo ko... Kung ibinigay mo na sana ang pinunta ko rito't nagpaubaya ka na lang sana'y buhay pa ang lalaking iyan." ang nanunuyang wika ni Neomenia sa kanyang kapatid na sinundan ng nakapanghihilakbot niyang tawang pumupunit sa tenga sa tinis. Bakas sa kanyang pananalita ang kanyang pagkawalang puso't awa.
Saglit na nanahimik si Ianus na pinagmamasdan ang katawan ni Ilrian na unti-unting naglalaho't nangingitim. Pinaulanan niya ang mukha ni Ilrian ng kanyang umaagos na luha. Sabay nito ang unti-unting pagkadurog ng kanyang sugatang damdamin. Naglahong unti-unti ang pangarap ni Ianus at sinising muli ang sariling di na sana nangyari ang bagay na ito kung may silbi lang siya't malakas para ipagtanggol ang kanyang sarili.
Nang tuluyang dalhin ng kawalan ang labi ni Ilrian ay mabilis na bumulusok sa matinding hinagpis at poot si Ianus sa unang pagkakataon. Nawala na siya sa kanyang sarili't naging kulay puting liwanag ang kanyang mga mata. Lumutang siya matapos tumingala at sabay nito'y pumuti ang buhok ni Ianus. Nagulat ang kambal niya sa kanyang kalagayan.
"Aeternis tenebris!" ang tili ni Neomenia't mabilis na naglabasan mula sa kanyang likuran ang napakaraming squall ng itim na hangin at nang maabot ng mga ito si Ianus ay pumagilid sa kanya ang mga ito't nagmistulang globong kinulong ang binata.
Mula sa loob ay mag mga sumilip na kidlat sa bawat singit ng bumilog na hangin. Lumaki itong bigla't mala lobong sumabog at lahat ng tinamaa'y nalatay. Nasugatan ng lubha ang nabiglang si Neomenia.
Matalim na tinitigan ng tila sinasapiang si Ianus si hemera Áreos tinawag ni Ilrian kanina. Inabot ni Ianus ang kanyang kamay dito't tila nasakal ito at lumutang na nagpupumiglas papalapit sa harapan ni Ianus.
"IBALIK MO SA AKIN SI ILRIAN!!!" ang malakas na sigaw ni Ianus. Yumanig ang buong kapaligiran sa lakas ng kanyang boses na umabot sa buong Lucerna. Ang lahat ng mga Sancti na nagtatago sa kung saan-saa'y napatingala sa langit sa pagkabigla.
"Batas na ialay sa amin ang buhay at kapangyarihan ng taong tumawag sa amin!" ang natatakot na sagot ni Áreos gamit ang kanyang isipan sa isip ni Ianus. Hindi natanggap ng binata ang sagot niya.
"Mula ngayon ay alipin na kita!" at tumilapon si Áreos palayo't humampas sa haligi ng throne room.
Pakiramdam ni Ianus ay nag-iisa na siya't di niya na pinahalagahan ang buhay niya. Kaya't sa mga saglit na iyon dala ng kanyang matinding kagustuhan. Napansin ni Neomenia na malalim ang iniisip ng nawawala sa sariling si Ianus. Aktong susugurin na niya si Ianus ay biglang naglabasan ang anim pa sa pitong hemera; Helíou, Selénes, Hérmou, Diós, Aphrodítes, Krónou, sa kanyang harapan at sabay-sabay na silalag ang lakas ni Neomenia.
Habang nasa ganoon silang lagay ay muling tumulo ang mga luha ni Ianus. Inangat niya ang magkabila niyang kamay at biglang bumukas ang pintuan sa likuran ni Neomenia kung saan ang dating corridor ay naging pila ng mga nakabukas na pintuang daan sa walang hanggang kadiliman.
Nilamon ng pintuan si Neomenia't pinanood na lang siya ng mga hemera hanggang sa mabilis at isa-isang nagsara ang mga pintuan.
Matapos ang ilang saglit ay biglang bumagsak sa sahig si Ianus at nawalan ng malay. Agad siyang nilapitan ng mga hemerang naiwan dahil sa binali ni Ianus ang batas sa pagtawag sa kanila.
Makalipas ang ilang oras, nagbalik ang ilan sa mga Sancti ng palasyo't isa na roon si Periti na nag-aalalang hinanap si Ianus. Nang maabutan niya ito'y agad niyang dinala si Ianus sa kanyang silid upang magpahinga.
Isang milenyo ang lumipas bago muling nagising si Ianus. Tila sumpa ang nabuhay pa siya't nanatili sa kanya ang kanyang pwesto bilang prinsipe ng mga Sancti lalo na't ngayo'y nagising na ang natutulog niyang lakas.
Sa pagmulat ng kanyang mga mata'y agad na naghari sa kanyang damdamin ang pait na wala na si Ilrian. Hindi niya matanggap na hindi panaginip ang lahat ng nangyari. Saksi ng kanyang pagkakaroon ng malay si Periti.
Mula noon, nag-aral maigi si Ianus kung paano niya gagamitin ang kanyang lakas. Hindi siya kumain ng maayos o matulog man lang ng tama't laging subsob ang kanyang mukha sa mga aklat kung hindi siya naglalakbay upang maghanap ng kasagutan kung paano niya maibabalik si Ilrian o mahahanap man lang kung nasaan.
Dala rin ng kanyang galit, di maiwasang puntahan niya kada isang taon ang Simulacrum at halos gunawin ang mundong iyon kahit nakakulong na sa kanyang nalikhang dimensyon si Neomenia. Tila isang Tenebrarum na mamamatay sa kanyang mga kamay ay di pa sapat na mabayaran ang kanyang kawalan at maibsan ang matinding hapdi na kanyang damdamin.
Isang araw, di na nakayanang tiisin ni Periti ang pinagdaraanang paghihirap sa sarili ni Ianus. Habang siya'y tulala't nakaupo sa gilid ng pond ng nawasak na hardin ng palasyo na ngayo'y nawalan na ng kulay ang mga puno at halamay at itim na ang tubig.
"Ianus, saan ka nanaman nanggaling kanina?" ang parang magulang lang na nagtatanong na sinambit ni Periti.
"Simulacrum. Sana hindi na nagkaroon ng masama. Sana lahat mabubuti."
"Nakakaabot na rito ang balita sa paghihiganti mo. May dahilan kung bakit mayroong Simulacrum at hindi puro kabutihan na lang ang naghahari sa lahat ng nilikha. Ang lahat ng bagay ay mayroon kabaligtaran at kung mawala man ang isa sa dalawa ay maglalaho ang isa't maraming madadamay kasama na ang mga nilalang sa mundo.
"Wala na akong pakialam. Gusto ko lang magbalik na si Ilrian. Hindi ko pinili ang katayuan ko. Hindi ko pinili na maging ganito ako at kung ano man ang gusto kong buhay sana'y wala akong magawa para makamit ito." ang malungkot na sagot ni Ianus at di niya napigilan na maluha.
"Ianus... gumuho na ang palayong ito at ang mga Santi'y nagkawatakwatak na sa buong Lucerna bagama't pareho pa rin ang layunin ng lahat. Tanggapin mo kung sino ka at tanggapin mo kung ano ang nangyari na."
"Ayoko! Patayin na lang ako ng mga Suprema! Kung ayaw nila sa mga Dominos na lang ako lalapit o kaya sa mga pipitsugi nilang mga Tenebrarum!" ang gigil na gigil na sinabi niya.
"Ianus, sa huling pagpunta mo sa Simulacrum, halos mapatay mo na sarili mo at dahil sa hindi natin alam kung paano ibabalik ang mga hemerang tinawag mo dahil sinira mo ang batas nila..."
"...Ano? Darating ang araw na kukunin din nila ang lakas at buhay ko?! Ngayon na!" at natahimik si Periti dahil may gusto sana siyang sabihin ngunit totoo na kinukuha na ng mga hemera ang kapangyarihan at buhay niya ng hindi niya pansin.
"... Nakita ko na si Ilrian... Ipinanganak na siya... " ang supresa ng matanda sa kanya bagama't mapait ang kanyang pagkakasabi dahil sa lagay ni Ianus.
Agad nanlaki ang mga mata ni Ianus at naghari ang pananabik sa kanyang dibdib.
"B-bakit di niyo pa siya dinala dito?!" ang inip na naitanong niya ng mabilis sa matanda ngunit nag-isip muna ito maigi bago sumagot sa binata.
"Bagama't natatangi pa rin siya sa lahat ng dimensyon, ang katawan niya't isang Essentia Primus ngunit dahil sa hindi pa nakababalik ang hemera Areos na tinawag niya'y di na nagbalik ang kapangyarihan niya't parang normal na tao na lang siya.
"Bahala na ang mga Sancti sa Lucerna't gusto kong dalin mo ako sa mundo kung saan siya naroon. Gusto kong mamuhay na tulad niya, bilang isang normal na tao." ang masungit na utos agad ni Ianus sa kanya.
"Ngunit unti-untiang kukunin ng paglipas ng panahon ang buhay mo't ikamamatay mo ang pagtigil mo roon! Pinagdaanan ko ang bagay na iyan at namatay rin ang taong minahal ko! Kaya ako nagkaganito'y dahil sa pagmamahal ko sa kanya ngunit iniwan rin niya ako dahil sa tao lang siya. Nauunawaan ko ang damdamin mo, Ianus pero isipin mong may mas malaki kang responsibilidad kesa sa pagmamahalan ninyong dalawa! Malabong mangyari na magbalik pa ang kanyang ala-ala dahil wala na siyang kapangyarihan!"
"Para saan pa ang hindi ko pagtanda kung panonoorin ko lang siya namumuhay mag-isa? Paano na lang ang sumpa ko sa kanyang hahanapin ko siya? Hindi ko kayang mabuhay ng wala siya sa aking tabi. Kay tagal ko na siyang gustong mayakap." ang pagsusumamo ni Ianus sa matanda.
Nag-isip ng matagal si Periti hanggang sa.. "Sige, Ianus. Kung iyan ang gusto mo. Magpapakilala kang ampon ko, babalik ako sa simbahan. Ikaw na bahala gumawa ng kwento tungkol sa kung saan ka nanggaling at sino ang mga magulang mo. Basta, kung kailangan mo ng referrence ako na bahala."
At dahil doon, si Periti'y nanatili muna sa mundo ng mga tao sa panahon at dimensyon kung saan pinanganak si Ilrian kasama si Ianus hanggang sa makatayo sa sariling paa ang binata sa kung paano tumatakbo ang mga bagay-bagay sa daigdig ng mga normal na tao.
Pumayag na rin si Periti dahil sa mabuting magtago na rin muna si Ianus sa mga Tenebrarum dahil sa ang huling balitang nasagap niya'y ipinahahanap siya ng isang Dominos.
Naiwan ang anim na hemera't nagbantay sa Lucerna bukod sa ipinagpatuloy ang iniwang tungkulin ni Ianus bilang Sancti na tagapagbantay ng mga daigdig sa mga anino at nang makabalik si Periti ay siya muna ang kumuha ng tungkulin ni Ianus na magbigay ng desisyon sa mga pagpaplano sa buong Lucerna.
Bagama't di kayang direktang saktan ng masasamang pwersa si Ilrian sa anyo niyang tao ay nagsigurado pa rin si Ianus na mababantayan siya. Dahil dito, inatasan niya't pinag-anyong tao ang hemera Selénes bilang si Claire sa buhay ni Ilrian at inabangan ang kanyang paglaki bilang si July bago siya tuluyang namalagi sa mundo ng mga tao.
Tiniis ni Ianus ang pinanonood lamang silang dalawa ni Claire, bagama't lalong lumalala ang sugat sa kanyang puso tuwing nakikita silang masayang magkasama'y nanatili siyang kumapit at naniniwalang balang araw ay maaalala rin ni Ilrian kahit ang kanyang pangako na walang hanggang pagmamahal.
Hemera - Seven summons of Essentia Primus na may anyong tao ngunit walang ari't mukha. hemera Helíou - ang may koronang apoy hemera Selénes - ang isa sa dalawang babaeng may koronang pilak hemera Áreos - ang mayroong koronang gawa sa kidlat hemera Hérmou - ang may koronang gawa sa yelo hemera Diós - ang may koronang tanso na umuusok hemera Aphrodítes -ang isa sa dalawang babaeng may koronang ginto hemera Krónou - ang may koronang itim na may maliliit na bituin na tulad ng langit sa gabing madilim Suprema - Angels. Dominos - Demons. Sang Raal - Holy Grail