Chereads / Innocentia [BL] / Chapter 14 - Innocentia - Chapter 14

Chapter 14 - Innocentia - Chapter 14

Itinapon ako ng aking mga magulang dahil noong bata pa ako'y pinaligiran na ako ng mga kababalaghan. Si padre Alexis, ang paring nagbinyag sa akin na kinalaunan ay natanggal sa kanyang pagiging pari ang nagmagandang loob na umampon sa akin. Marami siyang alam tungkol sa aking katauhan at isa sa dahilan kung bakit niya ako kinupkop ay sa pareho kami ng pinanggalingan.

Jiro

Ayon sa kanya, kami ay isang Essentia Primus o mga napipiling tao bago pa magkaroon ng multiverse o ang pagdami ng dimensyon at mahati bawat dimensyon sa iba't-ibang panahon. Ang bawat dimensyon ay nalilikha sa bawat pangyayari o aksyon na ginagawa ng mga naninirahan sa isang mundo. Halimbawa, kung ang isang tao pipili kung sa kanan o kaliwa ba siya tutungo, ang isang dimensyon ay malilikha taliwas sa kanyang nagawa. Kung pumunta siya sa kanan, ang nalikhang kopya ng universe niya na may katulad niya ay kaliwa ang tatahakin at para hindi na balikan pa ang nangyari na ay tinatapos ng paglipas ng oras ang kanilang nagawa.

Kaming mga Essentia Primus ay nilikha upang bantayan at pangalagaan ang daloy panahon at ang pagdami ng dimensyon ngunit ang ilan ay nangahas na gamitin ang kanilang kapangyarihan upang pagharian ang ilang dimensyon. Ss kasaysayan ng tao noong unang panahon, ang ilan sa kanila'y naging demi-god na sinasamba ng mga normal na tao sa lahat ng dimensyon, and iba nama'ynaging masyadong galante sa tao sa sobrang kabaitan at pagmamahal sa kanila kaya nabinigyan ang ilan sa kanila ng kaalaman sa paggamit ng salamangka kapalit ang pagkawala ng kanila. Dahil dito, nagkaroon ng hidwaan ang bawat nilalang at nagkaroon ng dibisyon ang lahat.

Nahati ang multiverse sa limang uri dahil sa mga pangyayari. Minabuti ng nag-iisang lumikha na hatiin ang lahat bagama't di magkakalayo at ayusin ang pagkakasama-sama ng magkakauri.

Ang mga normal na tao'y napunta sa grupo ng dimensyon na tinatawag na Medius o ang gitna kung saan ang alam ng lahat ay ang tunay na mundo na replika ng Primam Mundo o ang pinakaunang mundong nilikha.

Ang Contrarietas o ang kabaligtaran mismo ng lahat ng nasa Medius kung saan lahat ng masama ay mabuti at ang mabuti ay masama. Isang anino mula sa salamin ng lahat ng nasa Medius ang Contrarietas.

Ang dalawang balanseng uri ng mundong ito'y nasa tinatawag naming Canitia o gray area na pinagigitnaan ng dalawang uri pa ng mundo na pinaninirahan pareho ng mga natitirang Essentia Primus upang pamunuan ang dalawang mundo ng mga normal na tao, ang Simulacrum kung saan lahat ng masama ay naroon at ang Lucerna naman ang kabaligtaran nito kung saan lahat ay kabutihan. Ang dalawang ito'y magkakadikit at laging nagkikiskis at may agad na epektong sabay sa Medius at Contrarietas.

Kaming mga Essentia Primus, hindi apektado ng multiverse dahil hindi kami nagkaroon ng kopya ng aming existence sa buong multiverse at dahil dito ay kaya naming puntahan ang lahat ng multiverse. Sa madaling salita, natatangi kami sa lahat ng nabubuhay ngunit kami'y muling ipinapanganak sa mundo ng mga tao tuwing kami'y mamamatay at nabubura ang aming mga ala-ala upang muling magsimula. Dahil dito, nasa aming karapatan na pumili ng aming landas na pipiliin, ang maging Tenebrarum o isang Essentia Primus na kami sa Simulacrum o ang maging isang Sancti na kasapi ng mga taga Lucerna.

Sa madaling salita, ang mga Essentia Primus ay walang katapusang digmaan. Ang mga Tenebrarum ay may kakayanang kontrolin ang mga kahindikhindik na nilalang, mga normal na taong nabigyan nila ng bahagi ng kanilang kapangyarihan o tinuruan ng salamangka at may kakayanang impluwensyahan ang mga taga Medius at Contrarietas sa pagpunta nila sa Canitia o ang gray area, isang uri ng dimensyong parallel sa Medius at Contrarietes na ganun din sa Lucerna at Simulacrum. Sa mata ng normal na taong makakakita sa kanila, isang anino lamang sila. Kaya't dahil doon ay anino ang tawag sa kanila naming mga Sancti.

Sa resort, sa mga sandaling inaalalayan ako ni July na unanan ang kanyang braso.

"Somnus..." ang bulong ko kay July upang patulugin at agad na pinatigil ang oras. Pinagmasdan kong maigi si July kahit kaunti lang ang dumadamping liwanag sa kanyang mukha mula sa ilaw na nanggagaling sa aming likuran.

Hinaplos kong saglit ang kanyang maamong mukhang kay tagal ko nang hinanap. Sa mundong ito ko lang pala siya matatagpuan sa lawak ng mutiverse.

Habang nasa ganoon kaming lagay, hindi pumasok sa aking kaisipan kung ano ang tumatakbo sa isip ni July sa mga oras na iyon. Kinailangan kong gumawa ng aksyon dahil sa mga sandali ring iyon ay bumangon ang limang itim na aninong hugis tao sa mismong tubig dagat.

Agad akong bumangon at tumayo sa tabi ni July at nginitian lang ang mga halos di ko na makita sa dilim ng gabi na naglalakad na papalapit sa amin sa ibabaw ng tubig.

"Huwag kayong madaya." ang wika ko sa kanila't biglang tila static sa video ang kumalat sa aking paligid at napunta ako sa isang dalampasigan ngunit sa pagkakataong ito'y nasa likod ko ang dagat at kaharap ang isang tila walang hangganang buhanginan na liwanag lang ng buwan ang nagbibigay tanglaw kung saan nakatayo ang limang anino kanina na ngayo'y kita ko na kung ano ang tunay nilang mga itsura.

Limang taong cloak at halos nakatago na ang kanilang mukha sa nakataklob na hood ng suot nila. Hindi man sila gumagalaw ay may malakas na ingay na nagmumula sa kanila. Ang nakakangilong paulit-ulit na tunog ng nagabbaliang mga buto.

Sumigaw ang nasa gitna nila habang nakaturo sa akin sa sarili nilang wika. Kakayanan naming mga Essentia Primus ang gumamit at maintindihan ang lahat ng wika. Isa sa mga kaya naming gawin.

"Hindi mo kami mapipigilang kunin ka, Ianus!"

"Paano niyo nalaman pangalan ko? Di naman ako famous. At ano nanaman binabalak ninyo? Sino nag-utos sa inyo't buburahin ko. Ang lakas ng loob niyong harapin ako!" ang hamon ko sa kanila. Nagwala ang nasa gitna nila't tumakbo papunta sa akin at naglabasan ang mga patalim sa bawat daliri ng kanyang dalawang kamay. Dahil sa kanyang pagtakbo ay umangat ang hoob mula sa kanyang ulo't nakita ko ang kabuuhan ng kanyang mukha na mula mata paitaas ay ulo ng palaka.

"Iwww.... frog... kadiri..." ang nawika ko sa aking nakita't nanatiling nakatayong tinutuya siya ng aking pagngiti.

"Ibalik mo hood mo ang pangit mo!" ang sabi ko sa kanya.

Bago pa siya makalapi sa akin...

"Vade..." ang aking malalim na sinabi at lumabas ang puting hangin na maliwanag. Sabay nito'y malakas na paglindol ng buong kapaligiran kaya't ang mga kasama ng isang pasugod sa akin ay nagulat at nagsubok na ring tumakbo papunta sa akin labas ang kanilang mga matatalim na mga daliri. Umikot ang puting hanging nagliliwanag sa akin na para akong nasa gitna ng gatuhod sa laki na ipuipo at mabilis na kumalat ito sa lahat ng direksyon at tila abong unti-untiang nabura ang lima na nilamong ng puti at nagliliwanag na hangin.

Nang malipol ang mga ginamit ng mga Tenebrarum ay agad din nawala ang puting hanging nagliliwanag at mabilis na natigil ang lindol na aking nalikha.

"Istorbo mga ito... subukan niyo't pa ko. Sarap ng higa ko eh. Mga letche." ang sabi kong naiinis sabay kumpas muli ng aking kamay sa hangin upang bumalik sa dimensyong aking pinanggalingan. Muli, tila nagkaroon ng static sa video ang buong paligid at sa isang iglap ay nasa tabi na akong muli ni July.

Nang makabalik ay agad akong tumabi kay July ngunit napansin bigla ang ginagawa niya sa akin.

"Parang ang sweet naman yata ni July sa akin ngayon? Mokong na ito." ang sabi ko sa aking sarili at umayos na sa dati kong pwesto sa kanyang tabi.

Kahit kaya kong gawin na gamitin ang aking lakas sa sarili kong kapakanan ay di pumasok sa akin na gawin ang bagay na iyon. Wala kasi sa akin ang maruming pag-iisip at pagnanasa di tulad ni July na napakabvious na nag-uumapaw sa dalawang bagay na iyon kita sa kanyang pagiging mahilig sa mga babae. Nakakadiring isipin. Kinikilabutan ako.

"I wish you'd never know about this... expergefactum." ang bulong ko sa walang kaalam-alam na si July para gumising matapos kong patakbusin muli ang daloy ng oras.

July

Pakiramdam ko'y naalimpungatan akong bigla na ewan. Yung gumising na hindi naman ako natulog. Hindi ko maintindihan.

Nasa bisig ko na si Jiro kaya't madaling nawala sa isip ko ang aking naramdaman. Mas nanaig ang matinding kilig at kailgayahang nag-uumapaw sa aking dibdib kahit pilit ko pa ring pinipigilan ang sarili sa damdamin ko para kay Jiro.

"July, bakit?"ang tanong niya.

"Anong bakit?" patay malisya ako ngunit kutob ko'y itatanong niya kung bakit ko siya itinabi sa akin ng ganoon. Agad bumangon si Jiro't inilayo ang sarili. Humiga siyang muli sa buhanginan.

"Wala..." ang pikon niyang sagot at sa mga sandaling iyon ay narinig namin ang yapak ng papalapit na helper sa aming likuran. Napabagon kaming dalawa't nakita ang helper na may bitbit na dalawang malaking plastik na may lamang tatlong grande ng beer at isang plastik na puno ng tube ice.

"Ser, ito na po yung pinabibili niyo." ang may accent na bungad ng helper sa aming dalawa.

"Salamat ha?" ang wika ko sa kanya't inabot ang kanyang mga bitbitin.

"Wala lang iyun ser. Salamat din po sa tip niyo sa akin. Dalhan ko na lang po kayo ng pistel at baso." ang nahihiya niyang sagot sabay tango at tumalikod sa amin upang iwan na kami ni Jiro.

"Pahiram na rin ng pambukas ng bote!" pahabol ko sa kanya't tumango lang ng hindi kami nililingon.

"Hmmm... hindi ko gusto iniisip nung boy na yun." ang sabi ni Jiro nang makalayo ang lalaki. Halata kasi niya na may malisyang iniisip ang helper tungkol sa aming dalawa na magkasama sa iisang resort at kami lang dalawa ang taong naroon upang mag-inuman. Nakakapagtaka nga naman dahil di naman kami mukhang magkapatid at iisang kwarto pa ang aming tutuluyan.

"Gusto mo naman?" ang biro ko sa kanya.

"Paanong magugustuhan ko? Aber? Ikaw nga dapat ma-offend sa bagay na yun dahil baka iniisip niya na may something tayo. Baka pagtripan mo nanaman ako kapag nalasing ka ibato mo pa sa akin na may iniisip sa atin yung boy na yun." ang nahihiya ngunit nagtataray niyang sagot sa akin sabay iwas ng tingin. Nangiti naman ako sa inasal ni Jiro't sinabi.

"Hindi. Okay lang yun. Alam naman natin na wala naman..." ang sabi kong naputol.

"Wala talaga... kahit kelan." ang mabilis na sabat niya't naglakad ng mabilis at nagdadabog patungo sa kubo kung saan kami dati nag-inom.

"Bakit nabwisit bigla 'to? Ano nanaman kaya ginawa ko?" tanong ko sa aking sarili't napakamot sa aking ulo habang pinagmamasdan siyang palayo.

Makalipas ang isang saglit. Natawa akong lalo sa kanya. Sumunod akong naglakad na hindi mapigilan ang sarili sa pagtawa at sa mga sandaling iyon ay lubos na kaligayahan ang aking nararamdaman.

Nang makapasok sa loob ay magkabilang banda kami ng mesa naupo na dati naming pwesto. Ayaw tumabi sa akin ni Jiro. Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa habang hinihintay namin yung helper na dalin ang gagamitin namin sa pag-inom. Si Jiro, seryoso lang sa kanyang lugar, tahimik na pinakikinggan ang agos ng tubig dagat sa dalampasigang rinig na rinig sa aming kinaroroonan. Halata sa kanyang mga mata na may malalim siyang iniisip. Ako naman, kung anu-ano na rin ang tumatakbo sa aking isipan. Tuwang tuwa akong pinagmamasdan si Jirong nakatitig sa kawalan sa kanyang bandang kanan. Sinusuri kong maigi ang kanyang mga mata, ang hugis at tulis ng kanyang matangos na ilong at ang kanyang mamula-mulang medyo pouted na labi.

Hindi ko napigilang ngumiti't makaramdam ng kilig. Napakamot ako ng aking ulo sa di pagkapaniwalang tumitindi na ang nararamdaman ko sa kanya ngunit ganoon din ang pagtindi ng pagpigil ko sa aking sarili. Ayos na lang ng mukha ko ang makapagsasabi na may gusto ako kay Jiro tuwing tinititigan ko siya.

Ilang saglit bago dumating ang helper ay nahuli ako ni Jiro na nakatitig sa kanya't abot tenga ang ngiti. Agad na nagsalubong ang kanyang kilay.

"Anong meron? Pinagtitripan mo nanaman siguro ako diyan sa loob ng kokote mo no?"

"Eh alam ko naman na may gusto ka sa akin dati, di ba? Bakit ayaw mo dito sa tabi ko umupo? Tropa naman tayo ah." ang palusot ko na lang.

"Wala kasi si Frida. Huwag mo kong gawing substitute ng substitute mo."

"Anong substitute ng substitue?"

"Wala. Manahimik ka na lang jan. Nakikinig ako sa dagat."

"May chismis ba ang dagat sa iyo? Sabihin mo naman sa akin. O baka naman may concert ang dagat. Bagong kind of music ba yan?"

"Sira. Wala. Basag trip ka eh no?" ang pagtataray niyang aking tinawanan. Ang cute ni Jiro.

"Halika nga dito sa tabi ko. Ang hirap uminom ng walang katabi."

"Bakit? Di ka sanay na walang bebot sa tabi mo kaya replacement ako?" ang sungit ni Jiro.

"Hindi. Ang layo mo kasi parang ang hirap mag-usap ng malayo ka. Gusto mo mamaya nagsisigawan na tayo habang nagkukuwentuhan?"

"Eh ano naman? Magsigawan na kung magsigawan tayo lang naman ang tao dito."

"Ayun nga eh. Tayo lang naman ang tao dito, dito ka na lang sa tabi ko."

"Bakit ba?"

"Basta dito ka na lang, please?"

Tamad na tamad si Jiro na naglakad at lumipat sa aking tabi't napabuntong hiningang tumitig sa mesa.

"Oh? Bakit?"

"Gusto ko na magswimming."

"Mamaya, pagkatapos natin uminom."

"Gusto ko ngayon na."

"Sige swimming ka dun. Inom lang ako dito."

"Ayoko nga. Natatakot ako eh."

"Bakit ka naman natatakot? Ano naman kinaibahan ng dagat sa umaga at sa gabi?" at natahimik si Jirong saglit.

"Eh... Kasi... basta."

"Matatakutin ka pala eh." ang biro ko sa kanya na kanyang agad na kinainisan.

"Eh kasi... malamig yung tubig." wala na siyang palusot di niya masabi sa akin na gusto niyang lumangoy ng may kasama.

"Eh ano naman kung malamig ang tubig? Iinit ba yun kung sasama ako dun? Paano? Iihian ko muna yung tubig? Mamaya pagkatapos ng inuman natin para marami akong maiiihi." ang dagdag kong biro sa kanya. Inis na inis naman siyang paulit-ulit na umiiling ng mabilis na parang bata habang ako'y nagsasalita.

Walang nagawa si Jiro kundi ipagliban na lang muna ang kanyang paglangoy sa dagat.

Nang dumating ang helper, nagsimula kami agad ni Jiro ng inuman. Haban gnagkukuwentuhan at nag-aasaran ay nakahanap ako ng tiyempo na akbayan siya't kabigin ng paulit-ulit sa aking tabi. Sa di na mapigilang kalasingan ay kung saan saan na rin napunta ang takbo ng aming usapan.

"Jiro, honestly. Si Mark ba first time mo?"

"Saan?"

"Sa lahat." ang sagot ko't agad naman siyang tumango.

"Talaga? Siya pala nakadivirginize sa iyo." at humalakhak lang ako ng malakas ngunit naging seryoso lalo ang mukha ni Jiro. Matapos ang ilang saglit kong katatawa'y natigilan ako ng mapuna ko ito.

"Oh? May nasabi ba akong masama?"

"Wala pa nangyayari sa amin."

"Ows?! Talaga?! Mukhang kasing libog ko yung si Mark ah."

"July, maniwala ka man sa hindi. Hindi naman yun ang dahilan kung bakit ko sinagot si Mark eh. Hindi ko siya naging boyfriend para lang sa bagay na yun at dahil sa hindi namin pa ginagawa yun alam kong di niya ako ginawang jowa para lang tirahin niya ng tirahin." ang malalim niyang wika. Natahimik naman ako sa kanya dahil tinamaan ako sa kanyang sinabi.

"Pero nablow mo ba siya?" ang biro ko na lang para ngumiti naman si Jiro ngunit seryoso pa rin siya't umiling.

"Talaga? Eh... handjob?" at doon na siya tumango at lalong namula.

"Kawawa naman pala ikaw." ang nanlalambing ko biglang nasabi sa kanya't nakabig siya ng malakas sa aking tabi't napayakap. Tumigil ang oras at nanatili kami sa ganoong lagay. Mabilis na namuo ang butil ng malalamig na pawis sa aking ilong. Hindi ko alam kung magdedeny ba ako na okay lang sa akin yung lagay namin o hahayaan ko na ang aking sariling ibalot na sa kanya ng tuluyan ang aking mga bisig upang yakapin siya ng mahigpit.

"You'd do anything for him naman di ba?" ang tanong ko sa kanya.

"I'd do anything for the man I love." ang wika niyang may ibigsabihin.

Umayos kami ng aming upo't tahimik na nagpinagsaluhan ang aming inumin hanggang ito'y maubos. Nang maubos ay nagharutan kami. Kinikiliti ko siya sa kanyang tagiliran at siya nama'y walang tigil na umiiwas at pinipigilan ang aking mga nakaabot na kamay sa kanayng tagiliran.

Naghabulan kami patungo sa dagat kahit parehong susuray-suray na. Halos madapa kamign dalawa ni Jiro at dahil sa mas mabilis akong tumakbo sa kanya ay mabilis ko siyang naaabutan at nakikiliti ng saglit bago ko siya muling pakawalan upang habuling muli. Umaalingaw-ngaw sa buong kapaligiwan ang aming tawanan at sigawan.

Nang mapunta kami sa mas malalim na banda ng tubig at mula tiyan pababa'y nakalubog na sa tubig ay nagkaharap kami ni Jiro matapos ko siyang kilitiing muli. Sa tulong ng maliwanag na buwan, aninag naming dalawa ang mukha ng bawat isa. Napatitig ako sa mga mata ni Jirong nagsusumamo't malungkot ako nama'y ganun din ang ibinalik sa kanya. Parang may gustong sabihin ang bawat isa ngunit may bagay na pumipigil sa amin.

Nakalimutan ko na ang aking katinuan. Agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi ni Jiro't tumangong isinugod ang aking mga labi sa kanya't naging mapusok ang aming naging halikan. Hindi pumalag si Jiro. Tinanggap niya agad ang aking ginawa't sinalubong ang pagpasok ng aking dila sa pagitan ng kanyang mga labi. Naging mabilis ang tibok ng aming mga dibdib. Pareho kaming napahingal dala ng gigil na biglang naghari sa aming mga katinuan.

Napayakap sa aking baywang si Jiro. Ganoon din ang ginagawa ko sa kanya't mariing siyang idinikit sa akin. Sa mga sandaling iyon ay may mga tila alitaptap na biglang nagsulputan. May karamihan sila ngunit hindi ko na sila nakita dahil pareho kami ni Jirong nakapikit at nilalasap ang sarap ng malalambot na labi ng bawat isa.