"Bakit ka nakatitig?" ang nananakot kong tanong kay Jiro paalala sa kanya ang isa sa mga kasunduan namin.
"Kasi... Ano..." ang nahihiya niyang sagot sabay tingin sa labas ng bintana.
"Ano?"
"Ano kasi..."
"Hay... Jiro! Ano yung sasabihin mo?" ang inis kong nasabi.
"Dun na lang ako sa room ni Mark mamaya matutulog tutal mag-iinuman mamaya."
"Ayun ba?... Bahala ka..." ang sagot kong parang wala lang. Alam kong nakahalata si Jiro sa mga inasal ko kanina.
Narating namin ang isang barong-barong na may katabing karinderyang madadaanan sa kalsada katabi ng isang kalyeng papaloob sa isang paaralang pang elementarya. Doon na kami tumigil upang kumain. Mukhang malinis naman ang kanilang paninda't mga gamit sa pagkain.
Isang mahabang mesa ang harapan nito na may mga nakapatong na kaldero at may roon namang mahabang bangko para sa mga kakain. Ang loob ng karinderya'y puno ng paninda at maihahalintulad mo ito sa isang tipikal na sari-sari store.
Umupo kaming tatlo sa bangko pinagigitnaan si Jiro. Agad namang lumabas ang tindera sa isang tawag lamang namin. Sa mga oras na iyo'y dinig mula sa labas ng kanyang karinderya ang ingay ng kanilang telebisyon at halatang teleserye ang kanilang sinusubaybayan dahil sa madrama ang mga linyang pinakakawalan ng mga gumaganap.
"Ano po ulam?" ang tanong agad ni Mark sa matabang tinderang may edad na kalalabas pa lang sa kanyang lungga.
"May menudo, ginisang ampalaya, ginisang repolyo, kare-kare, mechado, at sardinas. Kung gusto niyo ng itlog may nilaga at prito. Meron din sardinas at kung gusto niyo instant noodle magluluto na lang ako." ang nagmamadaling sagot ng tindera. Napakamot ako ng aking kuntil sa tenga dahil nahirapan akong unawain ang kanyang sinabi.
"Jiro ano gusto mo? Treat ko." ang alok ni Mark sa katabi naming nakakagat labing nag-iisip.
"Ummm... ginisang repolyo akin." ang sagot naman niya sabay ngiti.
"Manang, isang order ng gisang repolyo, isang order ng kare-kare, at kanin po." ang sabi naman agad ni Mark sa tindera habang pinasisingaw niya ang kanyang karisma sa tindera't kay Jiro. Napasinghal ako sa aking nakikita't masungit na inagaw ang pansin ng tindera.
"Nang, ako ampalaya. Pabili na rin po ng kape."
Hagikgik na tumawa si Jiro matapos kong magsalita. Mukhang nakuha naman ni Mark ang tumatakbo sa isip ni Jiro.
"Bakit? Ano tinatawa-tawa niyong dalawa?" ang panakot ko sabay patunog ng aking mga kamao. Natigilan si Jiro agad at nagpaumanhin.
"Ano? Bakit ka tumatawa?"
"Wala." sagot aga ni Jiro sabay sabi sa manang ng "Ako rin po isang kape."
Agad umalis at bumalik ang tinderang dala ang tatlong platong bagong hugas pa lamang at tangan din ang kubyertos na aming gagamitin. Ipinatong lang niya iyon sa harapan ni Jirona agad naman inabot ni Mark upang kumuha ng plato para sa kanya at bigyan ng pares ng kutsara't tinidor si Jiro. Ako naman kinailangan kong kunin ang akin dahil di man lang nila inabot ang sa akin.
Ilang saglit pang muli matapos bumalik ang tindera sa loob ay lumabas siyang may bitbit na banyera ng maraming kanin. Nanlaki ang mga mata ni Jiro kasi mukhang galante masyado ang tindera sa dami ng kanyang inilabas. Tila hindi tinakal ang dami ng kanyang inilabas para sa amin.
"Ang dami. Mauubos ba natin yan?" ang sabi ni Jiro na tinawanan ni Mark at ng tindera.
"Diet ka utoy?" ang sabi ng tindera.
"Ganito talaga sa ibang probinsya." ang sabi ko na lang sabay abot ng kanin mula sa tindera upang makapagsandok na siya ng aming ulam na napili.
Matapos kong maglagay sa aking plato ay ipinatong ko ang banyera sa harapan ni Jiro. Agad itong kinuha ng lokong si Mark at ipagsasalin na sana ng kanin si Jiro sa kanyang plato.
"Hep! Ano yan?" ang sabi ko't napatingin ang dalawa sa akin.
"Wala bang kamay si Jiro?" at ibinaba na lang ni Mark ang banyera sa mesa't pinauna si Jiro na kumuha. Nang si Jiro na ang may hawak ng banyera'y balak naman sana niyang si Mark ang salinan ng kanin.
"Ano yan? Jiro, wala bang kamay yang si Mark? Paralitiko ba ang di nakakahawak ng banyera sa inyong dalawa?" at nahiya na si Jiro na naunang lagyan ng kanin ang plato niya.
Ganoon din ang naganap naman sa ulam. Habang kumakain napansin naming dalawa ni Mark na itinatabi ni Jiro ang taba ng baboy sa gilid ng kanyang plato.
"Ayaw mo ng taba?" ang tanong ni Mark sa kanya. Tumango lang si Jiro na parang bata habang ngumunguya. Biglang tinusok ni Mark ng kanyang tinidor ang ilan at kanyang inulam.
"Gago pala to eh." ang sabi ko sa aking sarili. Napansin kong nangiti si Jiro sa ginawa ni Mark. Nakaramdam nanaman ako ng selos kaya't ginaya ko ang ginawa ni Mark. Nagmadali kaming pareho na makarami ng tabang makakain.
Nagulat si Jiro't humalakhak ng malakas. Sa unang pagkakataon nakita kong tumawa ng ganoon kalakas ang batang ito. Ako ang nanalo sa munting palakasan naming dalawa ni Mark.
Matapos naming kumain ay nagkwentuhan muna ang dalawa habang nagpapababa ng kinain ay nagkakape kami ni Jiro.
Sa tindahang din iyong ay may tindang inumin at mura di hamak kaya't nakarami kami ng nabili. Kaming dalawa ni Mark ang naglipat sa compartment ng aking sasakyan ang tatlong kaha ng grande ng beer at sa biyahe pabalik sa lumang mansyon same seating arrangement kami at halata na kay Mark ang kanyang pakayamot.
Nang kami'y makarating ay trabaho muna ang inatupag ng lahat maliban kay Mark na wala naman silbi sa mga oras na iyon. Para lang siyang asong panay ang buntot kay Jiro at si Jiro nama'y laging nakabuntot sa akin. Para maiwasang lampungin ni Mark si Jiro'y tinatambakan ko sa utos si Jiro na halos napapakamot ulo na ito dahil may mga ilan akong naiutos na parang wala lang at halatang pinahihirapan ko lang siya. Mula sa pagdala ng mga nasuot nang mga costume na nagkalat sa sahig na dapat ay ang PA namin ang gumagawa, ay pinadadala ko sa kanya sa kung saan-saan. Walang reklamo si Jiro ngunit napapailing na siya tuwing uutusan ko siya. Maasim naman ang mukha ni Mark sa akin at di makatingin. Nakakahalata na siyang ayaw kong paupuin man lang ang kanyang nililigawan.
Nang matapos, nag-sialisan na ang mga modelo't photographer dahil may mga kanya kanya silang lakad. Kami nama'y di agad makaalis dahil na rin sa pagod at maraming kagamitan ang kailangang hakutin. Bukod sa napagod ang driver ng truck na ginamit sa pagdala ng gamit rito'y bukas babalik ang caretaker ng mansyong aming inarkila upang iabot namin ang tseke bilang bayad at ang susi ng mansyon.
Nang makapagrelax na ang lahat ay sinimulan na namin ang aming munting saluhan kasama ang ibang staff sa sala na ginamit kanina bilang set sa photoshoot.
Si George naupo sa mahabang sofa pinagigitnaan ni Frida't Jessica. Ako naman ay nasa sahig nakaupo sa tabi ni Frida at sa aking kabilang banda ay si Jiro na katabi naman si Mark na katabi ang kanyang ex na si Nick. Kalmante lang si Nick sa tabi ni Mark dahil sa hindi niya halata siguro ang ginagawa ni Mark kay Jiro baka patakas ang mga panliligaw niya. Ngunit halata pa rin sa kanya na malakas na ang pagdududa niya kay Mark at kay Jiro. Alam kong wala na sila pero hindi ko maintindihan kung bakit nakadikit pa rin ito kay Mark at parang hindi sila nagbreak. Kung ano man ang meron sa kanila, wala akong pakialam sa mga kabalbalan nila.
Ang ibang staff na kasama nami'y nakapalibot na nakaupo sa sahig. Pasahan lang ng bote ng beer at may lima kaming basong ginagamit. Ang isa, sa aming tatlo nila Jiro at Mark, ang isa ay para kay George, Frida, at Jessica, at ang ibang baso'y umiikot sa iba naming staff na kasama. Mga bente kami sa sala't nagkakatuwaan sa kung ano-anong bagay na aming napag-uusapan. Tungkol sa trabaho ang karamihan at sa mga nakakasama naming free lance models na may iba't-ibang tsismis na kanilang nalalaman.
May tama na ang lahat halos sa mga sandaling biglang hinawakan ni Mark ang dalawang kamay ni Jiro na noo'y namumula na sa kalasingan. Nanlaki ang mga mata ni Nick at halata sa kanyang mukha ang galit at pait.
"Jiro... I humbly ask you in front of them, would you be my special someone?" ang proposal na biglang pinakawalan ni Mark habang nagmamakaawang nakatitig sa mga mata ni Jiro. Agad namang tumango si Jiro't napangiti sa tuwa.
Nagulat ang lahat. Napatayo si Nick mula sa tabi ni Mark at sinampal ito ng malakas. Si Jiro'y bigla niyang hinablot sa buhok at hinila ng kaunti palayo sa grupo namin.
"Punyeta! Mang-aagaw!" ang gigil na sinabi ni Nick. Nataranta si Mark at ako nama'y biglang napatayo sa aking kinauupuan at sinuntok ng malakas si Nick. Hindi ko alam kung bakit bumigat ang kamay ko nang makita kong nasasaktan si Jiro sa pananabunot niya. Ang alam ko lang, may nagtulak sa akin na ipagtanggol siya. Kung sa mga away lang kasi, madalas taga pigil lang ako at di ako nakikigulo. Ngunit para kay Jiro, sinapak ko ang nananakit sa kanya.
Lumapit agad si Mark kay Jiro't sinama pabalik sa kanilang pwesto kanina.
"Tarantado ka! Maghahanap ka ba ng gulo dito? Lumayas ka! Doon ka sa labas matulog!" ang sigaw ko sa kanya habang nakaturo palabas ng mansyon. Gusto ko pa siyang banatan ng isa ngunit putok ang labi niya ng tumama ang aking kamao sa kanyang mukha. Umiiyak tong tumakbo palabas at sinundan ng iba naming mga kasamahan upang tulungan. Wala akong pakialam. Nag-init na ang ulo ko nang marinig kong sinagot ni Jiro si Mark. Pakiramdam ko'y natalo ako sa laban na hindi ko naman alam kung ano.
Nang umupo akong muli sa sahig sa tabi ni Frida'y bumaba na rin siya sa aking tabi at nag-paakbay. Hindi ko maalis sa aking mukha ang inis. Malalim ang aking paghinga.
"July, why did you punch him like that? Brutal ka talaga sa mga bading no?" ang biro niya habang umiikot na ang kanyang mata sa kalasingan. MAtapos ay ibinaling niya ang kanyang tingin sa bagong magjowang si Jiro't Mark.
"Finally, they're officially together now. I'm happy for them." ang nakakainis na nabanggit niya. Napasinghal ako at pinagmasdan ang dalawa. Pinaiinom ni Mark ng beer si Jiro sa baso na parang bata lang na inaalalayan sa pag-inom. Matapos ni Jiro uminom ay pinunasan niya ng kanyang kamay ang ilang luhang tumulo sa mukha ni Jiro.
Naaawa ako kay Jiro ngunit hindi ko maiwasang mainis sa aking nakikita. Para akong sinasaksak sa dibdib.
"Yeah, right. Ang laswa. Kadiri." ang sagot ko kay Frida. Sa mga sandaling iyon ay ibinalot niya sa aking baywang ang kanyang braso't sa kabilang banda'y kiniliti niya ng marahan ng kanyang daliri ang aking tagiliran. Napatingin ako sa mga mata ni Frida. Kagat labi naman ang ipinagita niya sa akin.
"Care for a round?" ang bigla niyang binulong sa akin sa tono niyang nang-aakit. Nakakakiliti. Nakakatuwa. Ngunit hindi ko agad siya sinagot at ngumiti na lang bago ako nakipagbangkaan sa iba naming mga kasamahan.
"Mark, I can't promise to be yours forever but I'll try my best to return the love back to you twice as much of what you'll give me." and sabi ni Jiro na kumuha ng aking atensiyon. Napatingin ako sa kanilang gawi at nakita ang paglapat ng kanilang mga labi. Ang sakit sa dibdib. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.
"Bakit ako nagkakaganito?" ang tanong ko sa aking sarili.
Napansin ni Frida ang aking nagawa dahil sa nag-uusap kami ni George nang bigla akong natigil sa aking sinasabi gawa ng sinabi ni Jiro. Pinaharap ako ni Frida sa kanya't may pagtataka ang kanyang mga titig. Kunwari'y natawa ako't walang kaalam-alam sa mga nangyayari.
"Ano?" ang tanong ko.
"You can look at two guys kissing?!"
"Hindi pa nagsisink-in, Frida. Pero shockingly mind boggling!"
"Kaya pala natulala ka bigla. Buti naman nakatulong sa iyo na ibaba mo ng kaunti sarili mo sa kanila't hayaan na lang sila mamuhay tulad ng gusto nila." ang natatawang sagot ni Frida.
"First time to! Mabait kasi si Jiro at disente pa kaya natanggap ko siya kahit ganyan siya. Pero di ko pa rin kaya yata tanggapin yung ganyan na ginagawa nila." ang sagot kong sinasabayan ng pilit na tawa. Para akong tanga.
"Naiinggit ka?" ang tukso ni Frida alam kong may ibig siyang sabihin. Walang atubili'y hinalikan ko siya. Gawa marahil ng matinding kalasingan na ginawa ko iyon sa harap ng lahat ng emplyedaong naroon. Kung kay Jessica at George lang ay wala na yung bagay na iyon ngunit isang malaking confirmation ang nakita nila. Sa iba naman, tsismis ito sigurado pagbalik namin sa opisina.
Sa mga sandaling magkadikit ang labi't dila namin ni Frida, si Jiro ang aking iniisip. Nagmistulang substitute si Frida ni Jiro sa nararamdaman kong pagseselos at pagkainggit sa natatamasa ni Mark.
Sa kasarapan ng aming halikan ni Frida'y biglang umubo si Jessica mula sa aming likuran. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang sumulpot roon at nang makatitigan sila ni Frida'y umalis si Frida sa akin tabi at umupo sa tabi ni George kung saan nakaupo si Jessica kanina.
Tila laro sa basketball ang nangyari. Si Jessica na ang nakaupo sa aking tabi. Nagpapacute at hindi ko alam ang kanyang mga binabalak. Panay ang hagod niya ng kanyang abot balikad na buhok paakyat sa likod ng kanyang tenga. Napailing akong pinagmamasdan siya.
Napansin kong ang ikot ng baso nila Frida'y napupunta na sa akin kapag nakainom na si Jessica. Kahit lasing ako'y napansin kong umikot ang baso muli sa akin kahit katatapos ko lang at ang kasunod na tumatagay ay si Jessica na. Walang malisya sa akin ang bagay na iyon dahil naging turns na rin namin ni Jessica ang ikot ng baso na ganoon minsan ngunit may kakaiba talaga sa pagkakataong ito at wala akong kaalam-alam dahil sa si Jiro ang laman ng aking isipan sa mga oras na iyon.
Matapos ang ilang saglit, napuno na ako ng galit sa aking panakaw na panonood kay Jiro't Mark sa kanilang lampungan at pisilan ng kanilang magkahawak na mga kamay at walang humpay na titigan at ngitian. Tumayo ako sinususutan si Frida. Napatayo na rin si Jessica at kahit naglalakad na ako paakyat ay pansin kong si Jessica ang sumusunod sa akin. Bigla ko siyang nilingon,
"Si Frida gusto ko lang kausapin. Kung ano man ang nasa isip mo Jessica patayin mo na dahil di matutuloy ang binabalak mo. May asawa't anak ka na. Isipin mo mga anak mo." ang seryoso kong utos sa kanya. Sa mga sandaling iyon ay paparating na si Frida. Nagdadabog na bumalik si Jessica sa sala nang magkaabot sila ni Frida.
Tinignan ko si Frida mula ulo hanggang paa. Nakakagigil talaga siya dahil sa kanyang pananamit. Agad kong nakalimutan ang tungkol kay Jiro sa dalang alindog ni Frida. Natural at nakakahalina ang kanyang kembot habang papalapit siya sa akin.
"Dun tayo sa room mo." ang yaya niya sabay hawak sa aking kamay.
"Anong meron dun kay Jessica?"
Pigil an tumawa si Frida't umiling lang.
"Malay ko dun. Tara na. Quicky lang ha? Nakakatakot ang lugar na ito at baka maghoneymoon sa room niyo si Jiro at Mark. Habang naglalasing sila moment na natin ito. Para pag akyat nila. Parang wala lang." ang sabi niya.
"Ililihim pa ba ito? Matatanda na mga kasama natin dito. Isa pa, naghalikan na tayo kanina alam na nila." ang katwiran ko sa kanyang balewala na kung ano pa lumabas na tsismis o ano. Wala na akong pakialam.
Nagmamadali kaming umakyat ni Frida sa akin silid. Patay ang ilaw at tanging liwanag las sa labas ng pintuan ang nakakasilip pumasok sa awang ng pintuan sa ilalim. Mapusyaw na liwanag lang ng buwan na nagmumula sa bintana ang bumisita sa buong silid. Doon kami sa aking kama magkatabing humiga't nagtitigan muna habang nilalaro na niya ng kanyang mga sabik na kamay ang umbok sa aking harapan.
Si Jiro muli ang nasa aking isipan. Natutuliro ako na hindi ko maintindihan ngunit pilit kong itinago na lumabas ang aking emosyon at makita ni Frida.
"Buksan mo na ang coke." ang biro ko sa kanya. Tumawa siya ng malakas.
"500 ml na bote ng coke!" ang sabi niya sabay baba ng zipper ng aking suot na maong. Nakaboxer shorts lang ako kaya't mabilis niyang naipasok ang kanyang kamay sa loob matapos alisin ang butones.
"Too bad... nasa ibaba lang yung sala at baka bumagsak ang floor natin kung sasampa ako sa iyo." ang nanghihinayang niyang sinabi. Nag-iisip pala ang babaeng ito kahit nasa ganitong lagay na kami.
"We can do it sideways, Frida. All you need to do is relax and keep it tight for me." ang tukso kong wika sa kanya sabay hawak sa kanyang batok upang ilapit ang kanyang mukha sa nagigising ko nang alagang nailabas na niya. Agad niya akong sinunod at sinubo ang akin.
Marahan at malakas na paghigop ang ginawa niya sa akin. Minsana'y nilalaro niya naman ng kanang dila mula sa mga bola hanggang sa makopa. Bahagya lang na nakababa ang aking maong habang nilalasap niya ang paunang katas na aking inilalabas.
Sa mga sandaling iyon ay biglang may nagflash mula sa labas ng bintana na kahit sa loob ng buong silid ay nagliwanag at mabilis nawala matapos ang dalawang segundo. Nabigla ako sa aking nakita't napaigtad ng kaunti. Hindi nakita ni Frida ang kumislap na liwanag kaya't natigil siya sa kanyang ginagawa't..
"Ano?" ang tanong niya.
"W-Wala... Sige lang... Inom ka lang ng coke." ang biro ko sa kanya't isinantabi ang aking nakita kanina.
Napapikit lang akong humilata ng maayos inuunanan ang aking isang kamay. Nilalasap ang sarap at pagkasabik sa patindi ng patinding init na bumabalot sa aking katauhan.
Dahil sa ako'y may tama ng alak at iniisip si Jiro, nakalimutan kong bayaran ng kaligayahan si Frida. Mukhang okay lang din naman sa kanya dahil sarap na sarap na siya sa kanyang ginagawa habang sinusundot niya ang kanyang sarili sa loob ng kanyang shorts na hindi niya ibinaba. Pinahawak niya sa akin ang isang bundok ng kanyang dibdib habang nasa ganoon kaming dalawa. Lumipas ang sandali.
"Tagal pa ba?" ang hingal na tanong niya matapos iluwa ang akin. Tumango lang ako ng ako'y kanyang tignan at bumalik muli sa pagpikit. Tila bagay lang ang ulo niyang kinapitan ko sa buhok at isinubsob ng paulit-ulit sa aking harapan.
Nang marating ko ang langit ay biglang bumukas ang pintuan. Napatingin kaming dalawa ni Frida sa kanya habang pumupursit sa labi ni Frida ang aking gata. Gulat at may matinding kalungkutan ang bakas sa nanlalaking mga mata ni Jirong nakatitig sa akin. Mabilis na namuo't tumulo ang kanyang mga luha.
Nangaripas kaming dalawa ni Frida na ayusin ang aming sarili. Kitang kita ni Jiro ang aming lagay sa tulog ng liwanag na nasa kanyang kinaroroonang pumasok sa pintuan at tila kamay na nagturo sa amin ni Frida sa aming kinalalagyan.
"Jiro... saglit." ang pakiusap ko sa kanya't tumayo sa kama kasabay ni Frida. Biglang lumabas sa gilid ni Jiro si Mark at nagtatakang nakatingin sa mukha ni Jiro. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa dako namin at naabutan akong nagsasara ng aking maong at si Frida nama'y nagsusukay ng lanyang buhok at inaayos ng isa niyang kamay ang kanyang shirt na umangat.
Ngumiti si Mark, tanggap naman niya ang lahat.
"Jiro? Bakit ka umiiyak, mahal ko?" ang tanong ni Mark sa kanya dahil sa basang pisngi at mga mata ni Jiro.
"Teka lang tol." paalam ko kay Mark sabay hila kay Jiro sana papasok ngunit nagpumilit siyang manatili sa kanyang kinatatayuan habang si Frida nama'y nakalabas na ng silid at tumungo sa kanialng kwarto.
"Bakit?" ang naguguluhan niyang tanong sa akin.
"May sasabihin lang ako kay Jiro."
"Wag na. Magpapaalam lang sana ako sa iyo na hindi ako dito matutulog." ang nanginginig na sabat ni Jiro sabay kalas ng kanyang braso sa aking kamay.
"Saan ka matutulog?" ang tanong ko sa kanya sabay tingin kay Mark.
"Dun kami ni Mark sa room niya kasama yung ibang staff sa ibaba." ang mariing sagot nito.
"Eh bakit ka nagkakaganyan?" ang tanong ko sa kanya.
"Tol, may problema ba?" ang tanong sa akin ni Mark.
"Wala. Nag-uusap lang kami ni Jiro. Bakit? Ano problema mo?" galit kong sagot sa kanya.
"Kukunin ko sana yung bag ko." ang sabi ni Jiro sabay pasok sa loob ng silid. Susunod na sana si Mark sa kanya ngunit pinigilan ko siya,
"Pare, mag-uusap lang kami ni Jiro. Housemates kami, hintayin mo na lang siya dito." ang sabi ko at mabilis na pinagsarahan siya ng pintuan. Agad siyang kumatok ng paulit-ulit ngunit di ko siya pinansin. Binuksan ko ang ilaw na dilaw ang liwanag upang makita si Jiro ng maayos.
"Jiro, bakit ka matutulog kasama ni Mark?" ang tanong ko sa kanya.
"May masama ba, July? Boyfriend ko na siya." ang katwiran niya sabay hila ng kanyang bag na nasa ilalim ng kanyang kama.
"Please mag-usap muna tayo."
"Ano pag-uusapan natin, July? Ang weird mo! Kanina ka pa!" ang inis niyang sagot sa akin sabay lakad na sana patungo a pintuan dala ang kanyang bag ngunit pinigilan ko siya.
"Jiro, please wag. Please." ang pagmamakaawa ko sa kanya. May gusto akong sabihin sa dulo ng aking dila ngunit hindi ko masabi sa kanya.
"Ano?! Bawal ba akong maging masaya, July? Kasama ba sa usapan natin ito nung pinayagan mo kong tumira sa puder mo? Ano ka magulang ko?" ang tanong niya. Agad naman akong napasagot ng 'Oo'.
"Wala tayong pinag-usapang ganon! Kung gusto mo magdagdag ng ganyang batas pagbalik na pagbalik natin lalayas ako sa pamamahay mo. Hindi mo naman makikita kung ano gagawin namin ni Mark at kung ano man mangyari sa akin gusto ko iyon. Ganito ko, July. Ganito gusto ko! Ito ang buhay ko! Kahit sabihin mong weirdo ako't kadiri kaming mga bakla! Kaligayahan naming mga bakla ang mahalin ang kapwa namin!" ang mariin niyang sinabi sa akin.
"Hindi pagmamahal ang tawag diyan! Libog lang yan! Titi ba gusto mo?! Eto magpapasuso ako sa iyo!" ang wala sa katwiran kong sagot sa kanya. Nabigla din ako sa aking mga sinabi. Mabilis ang mga sumunod na naganap at bago ko pa mapansin ang malakas na hampas ng sampal niya sa aking kaliwang pisngi ay naibagsak ni Jiro ang kanyang bitbit na bag sa galit.
"Napakababa ng tingin mo sa akin. Binaboy mo ko sa sinabi mo pa lang." ang nanginginig niyang sinabi sa akin. Natulala lang akong nakatitig sa kanya habang sinasalat ang aking nasampal na pisngi. Hindi ako nagalit bagkus matinding kalungkutan lang ang aking nasa dibdib at pagsisisi sa sarili. Hindi ko masabi sa kanya ang aking saloobin. Hindi ko maihatid sa kanya ang gusto kong iparating.
Napaluhod ako ng malakas sa kanyang harapan.
"Please, Jiro. Please, don't." ang pangmamakaawa ko sa kanya sabay abot ng kanyang kamay. Agad naman niya itong iniwas.
"Anong nangyayari sa iyo, July? Bakit ka nagkakaganyan? Di kita maintindihan talaga." at bakas naman ang pag-aaalala sa kanyang mga titig. Lumalakas na ang katok ni Mark mula sa labas ng pintuan sa mga sandaling iyon. Napatingin si Jiro sa pintuan nang tumawag si Mark.
"Saglit lang, Mark. Nag-uusap lang kami ni July. Don't worry." ang panigurado niya kay Mark na pasigaw upang iparinig sa labas ang kanyang sinasabi. Natigil naman agad ang pangungulit ni Mark sa likod ng pinto.
"Ikaw ang weird! Bakit nagsasalita ka ng mga salitang di ko maintindihan?" ang pangingibang usap ko sa kanya.
"Nag-aaral ako ng Latin. May masama ba doon? Bawal din ba yon, July? Pwede ba? Tama na pangungulit mo. Umayos ka nga. Kakaiba ka ngayon, July." ang sagot niyang nangigigil.
"Jiro, please. Dito ka na lang matulog sa kwarto mo. " sabay bangon ko mula sa pagkakaluhod at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"Bakit nga?! Ayaw mo ko payagan? Kanina sa kotse sabi mo bahala ako ngayon bawal? Hindi ko maintindihan ang gusto mo!" ang sagot niya sabay lakad na muli palabas ng silid.
Wala na akong nagawa, mula as kanyang likod ay niyakap ko siya ng mahigpit.
"Siya first boyfriend mo?" ang tanong ko sa kanya. Nanigas naman siyang parang tuod na nakatayo lang habang nanlalaki ang mga mata niya sa pagkabigla.
"Oo..."
"Matagal na tayong magkasama sa bahay. Nag-aalala lang ako para sa iyo kasi parang kapatid na rin kita." ang may pinanghuhugutan ko nang nasabi sa kanya.
"Salamat pero huwag kang mag-alala, mabait si Mark. Aalagaan niya ako, kuya." ang wika niya't naramdaman ko sa aking bisig na pumatak ang kanyang luha. Lalo ko siyang nayakap ng mahigpit. Parang ayaw ko na siyang pakawalan.
Napakalambot ni Jiro at ang sarap sa pakiramdam ang pagyakap ko sa kanya. Sa tagal na ng lumipas, nakaramdam ako ng isang kaligayahang matagal ko nang di nararamdaman. Ang kaligayahan noong nayayakap ko pa si Claire.
"Kuya... salamat. Tao rin pala ang tingin mo sa akin. Masaya na ako sa sinabi mong tinuring mo akong isang kapatid." sabay kawala niya sa aking mga bisig. Hindi ko na siya napigilan. Naiinis ako sa aking sarili habang pinagmamasdan siyang palabas ng pintuan at sinalubong ni Mark upang buhatin ang kanyang mga gamit. Sa isang banda, hindi naman maalis sa aking isipan ang mukha ni Jiro kanina ng makita niya kami ni Frida sa aming lagay. Bakit siya biglang lumuha?