Chereads / Innocentia [BL] / Chapter 10 - Innocentia - Chapter 10

Chapter 10 - Innocentia - Chapter 10

"Hep... Hep... Saglit lang... may mga rules ako sa bahay ha?" ang nangungundisyon kong wika kay jiro matapos kong buksan ang pintuan ng aking tinitirahan bago niya ako sundan papasok sa loob.

"A-ano yun?" ang nahihiya niyang tanong sa akin.

"Hmmm.... mag-iisip ako... saglit lang... pasok muna tayo. Sabay buhay muli ng ilan sa kanyang bagahe na binuhat ko rin upang tulungan siya.

Matapos naming ilagay sa aking damitan ang karamihan sa kanyang dala at sa banyo ang ilan naman sa personal niyang gamit sa sarili, nag-usap muna kami ng masinsinan sa sofa.

"Madalas akong nakaboxer shorts lang kung nandito ako sa loob ng bahay, ayokong tinititigan mo ko. Malay ko ba kung ano ang nasaisip mo? Wala sa itsura mo na mukhang mahahayok sa akin pero mahirap na. Tropa tayo pero kung mahuli kita, alam mo na." ang una kong sinabi sa kanya. Tumango lang siya sa akin at tahimik na nakinig.

"Madali akong magising sa kaluskos lang, ayoko ng maingay. Nakakahiya rin sa kapitbahay."

"Bibili po ko mamaya ng laundry basket ko para hiwalay yung sa akin at di magkakalat." ang dagdag niya nang maisip ang bagay tungkol sa aming maruming damit. Tumango ako sa kanya't ngumiti.

Napag-usapan pa namin ang ilang bagay tungkol sa panandalian niyang paninirahan kasama ko sa bahay. Naawa ako kay Jiro, marahil dala lang ng kunsensiya.

Tuwing gumigising ako o naaalimpungatan, agad ko siyang tinitignan kung natutulog pa rin siya sa sofa dahil paanan lang ng aking kama malapit ang kanyang higaan. Ulo niya laki ang nakatapat sa aking paa. Isa yun sa kundisyon ko para hindi niya ako pwedeng pagmasdan tuwing natutulog ako. Ayon kasi kay Claire, marami daw akong nagiging galaw tuwing natutulog ako. Madalas nakasuksok ang kamay ko't nakahawak sa junior ko at nailalabas ko pa minsan.

Masipag si Jiro kahit sa labas ng opisina. Maaga siyang gumigising para magluto ng aming kakainin, naliligo na rin siya agad kahit walang pasok dahil sa bukod sa metikuloso siya sa katawan. Araw-araw naman kahit may pasok, dahil sa maaga siyang gumigising, siya na rin ang naglilinis. Hindi lang pagwawalis ang ginagawa ni Jiro, pati na rin ang pagpunas ng mga pwedeng punasan sa bahay siya na ang gumagawa.

Siya ang nagtutupi ng aking mga damit at nag-aayos din ng aking cabinet matapos kong magbihis dahil sa kuha lang ako ng kuha at kung di ko trip ang aking porma'y pabalanban ko lang itong ibinabalik sa damitan upang humanap ng kapalit.

Sa damit naman na marurumi, lagi niya akong pinaaalalahanan na bumisita sa isang laundry shop para magpalaba ng aming mga damit. Sabay kaming pumupunta doon upang magpalaba at kunin ang mga ito muli kapag malinis na.

Kahit nakikihati siya sa tubig at kuryente, ang ginagawa niya'y lubos pa rin. Marahil malaking tanaw na loob lang talaga niya sa akin na sinama ko siya sa bahay.

Tungkol naman kay Jiro, madalas pa rin siyang lapitan ni Mark. Kung tutuusin nagdedate na ang dalawa dahil madalas nawawala si Jiro kahit walang pasok. Ngunit tuwing nagkukuwentuhan kami't inaalaska ko siya, panay lang ang tanggi niya tungkol sa bagay na iyon.

Naging palagay ako sa kanya. Sa lahat ng mga bakla, sa kanya lang ako nagtiwala. Ngunit, hindi pa rin naman maaalis pa rin sa akin ang takot na may gawin siya sa akin. Mahirap na.

Sa opisina, naayos rin ang lahat sa amin ni Frida, tuwing hindi niya kasama ang boyfriend niya ay inuuwi ko siya sa condo. Doon namin nilalasap ang sarap ng paglalaro ng apoy.

Ngayong nabanggit ko na ang tungkol doon, hindi ako madalas umuuwi ng bahay agad matapos ang trabaho dahil nagpupunta ako sa mga bar tulad ng Pegasus upang makapiling ang isang babae. Lubos kong nararamdaman ang aking pag-iisa at ang pakikisama sa isang bayaran ay nakakatulong kahit papaano na makalimutan ang sakit na nasa aking dibdib. Madalas din lasing kaya't natatawag ko ang pangalan ni Claire habang kasiping sila o si Frida.

Si Jiro, nakikisama sa akin at lumalabas na lang ng condo at kung saan nagpupunta dahil marami naman din siyang nilalakad na hindi ko alam. Kasama ni Frida, lihim sa opisina ang aking mga pinaggagawa.

Matapos ang isang buwan na mapait na hiwalayan namin ni Claire, habang nagtatanghalian kami ni Jiro ng luto niyang chicken pastel at kanin.

"Jiro, kahit dito ka na mamalagi, same setup tayo tol. Pero may isang request ako sa iyo." ang pakiusap ko sa kanya matapos lunukin ang pagkaing nasa aking bibig.

"Ano?" ang agad niyang tanong sa akin matapos mabilaukan. Medyo malakas kasi ako magsalita kung kami lang dalawa. Nakakabigla pa ako magsalita tuwing magsisimula ako ng pakikipag-usap sa kanya. Isang bagay na nagpapasaya sa akin tuwing nagugulat si Jiro ay ang reaksyon sa kanyang mukha. Parang mapipipi na nadudumi na hindi mo maintindihan.

"Di ba, magkakilala naman na kayo ni Claire at nagpupunta ka dun sa pinupuntahan niya?" ang natatawa kong tanong sa kanya. Tumango lang si Jiro.

"Gusto ko sana, tulungan mo ko makipagbati sa kanya. Gusto kong magkaayos kami." ang sabi ko sa malalim kong tono. Labas ang aking matinding pagnanasa na maaayos ko pa rin ang aking nasirang relasyon namin ni Claire. Tumigil sa pagkain si Jiro't tinitigan ako ng seryoso.

"July, kahit ano. Basta para lang sa iyo."

"Tol, wag kang ganyan magsalita. Alam ko may gusto ka sa akin pero wag ganun!" ang kinikilabutan kong sagot habang hindi maalis ang aking mga matang nakatitig sa nangungusap niyang mga tingin.

"Mag-aasawa ka rin balang araw, kailangan mo magkapamilya. Hahanap din kita ng babae kung gusto mo madali lang yan! Isipin mo pag tanda mo, walang mag-aalaga sa iyo kung hindi ka mag-aasawa't mag-aanak." pangaral ko sa kanya. Tila labas lang sa kabilang tenga niya ang aking mga sinabi.

May gustong sabihin sana si Jiro ngunit halata sa kanyang mukha na minabuti na lang niyang hindi magsalita at nagbalik sa kanyang pagkain.

Tulad ng aking plano, sinubukan ni Jiro lapitan ang pinupuntahan ni Claire madalas habang nagtatago lang akong sinusundan si Jiro na nagbabakasakaling masilayan kong muli si Claire ngunit ang sabi nila hindi na raw siya nagpupupunta roon at wala na rin silang balita mula sa kanya. Hindi na daw nila makontak si Claire marahil nagpalita na siya ng number.

Lumipas pa ang mga araw, lubos na akong nalulugmok sa matinding kalungkutan at pagsisisi. Dumarating ang mga gabing hindi ako makatulog kakaisip tungkol kay Claire at sa aking nagawang katangahan. Nariyan na rin na madalas uminit ang aking ulo't madalas na napagbubuntunan ko ng sama ng loob si Jiro buti na lang maunawain siyang lubos. Kung minsan, siya na rin ang naging tanging balikat na nariyan tuwing di ko na napipigilan na umiyak. Napakamakasarili ko.

Habang ako'y nakahiga sa kama isang gabi, masidhing damdamin nanaman ang sumanib sa akin. Tulog na si Jiro kaya't hinayaan ko na lang ang aking sariling lumuha tulad ng lagi kong ginagawa ngunit sa pagkakataong ito...

"Jiro... Jiro... Gising ka pa ba tol?"

Makailang saglit ay inulit ko ang panawagan kay Jiro bago ko marinig ang kaluskos ng kanyang paggalaw.

"July? Bakit?" sa bagong gising niyang boses.

"Tol, pasensiya na ha?" sabay bagong ko sa kama. Katatapos lang lumuha't nagpupunas pa ng uhog. Tumungo ako sa kanyang tabi't naupo sa bandang paanan niya sa sofa. Kinapa ko ang remote ng TV sa center table dahil sa patay ang mga ilaw at halos aninag lang ang mga bagay sa loob ng condo.

Bumangon si Jiro't humiga muli ngunit itinabi niya ang ulo niya sa akin matapos ilipat ang kanyang unan.

"Ayos lang ako ng higa, July. Baka kasi masipa kita diyan." ang sabi niya't pumikit muli.

Dahil sa madaling araw na't wala ng palabas kundi balita't documentary. Karumaldumal na ang mga lumalabas sa balita ngayon kaya pinili ko na lang na manood muna ng documentary na tungkol sa mga nakakatakot na bagay para maalis sa akin isipan si Claire at antukin.

Nang halos dapuan na ako ng antok ay muling nagising ang aking diwa sa isang part ng documentary. Tungkol iyon sa iba't-ibang dimensiyon. Na ang lahat daw ng bagay ay bahagi o nageexist din sa ibang dimensiyon. Na ang oras ay iisa at nahahati lang sa iba't-ibang dimensyon.

Naalala ko si Claire, ninais kong magbalik sa panahon na ako'y nagmamaneho bago ang aksidente at ang pagkakataon na iwasan si Frida upang hindi na sana sa akin nakipaghiwalay si Claire.

Bago ko patayin ang TV nang matapos ang palabas, napatingin ako sa mukha ni Jiro na nakaharap din sa TV. Liwanag na lang ng TV ang dumadampi sa buong bahay.

Ang himbing niya matulog, parang batang walang muwang sa mundo. Mukhang walang iniisip na problema. Napansin kong mahuhulog na ang ulo niya mula sa unan. Iniangat ko ang ulo niya upang ayusin ang kanyang unan bago ito ibalik muli ngunit tila nananaginip siyang kumapit sa aking bisig na parang natatakot na ako'y lumisan sa kanyang tabi.

Napangiti ako. Parang bata kasi siya sa itsura niya't magaang ang loob ko sa mga bata. Bago ko pa mapansin ang aking sarili ay hinaplos ko ng isang kamay ang noo ni Jiro bago dahan-dahang inalis ang aking braso sa kanyang mga kamay.

Isang araw, hindi ko na matiis si Claire. Sinugod ko siya sa kanila sa Las Pinas kasama si Jiro ngunit sa kasamaang palad ay nalaman kong nangibang bansa na si Claire matapos akong murahin at halos barilin ng tatay niya.

Walang-wala na akong pag-asa at ang aking pag-ibig kay Claire ay kailangan ko nang kalimutan. Naging mahirap ang lahat para sa akin. Napalakas ang aking pag-inom kahit sa bahay. Si Jiro, tahimik lang na nakikinig sa akin tuwing nagkakalakas akong muli ng loob na magsabi sa kanya ng aking damdamin.

"Tol, ang sakit sakit! Ayoko na!" ang hiyaw ko habang nakaakbay sa kanya. Tumatango lang si Jiro habang pinagmamasdan ako sa aking pighati. Puno ng awa ang kanyang mga tingin at siguro nadadala siya dahil nakikisabay siya ng iyak. Nang mapansin ko'y bigla akong natigil.

"Jiro? Bakit ka umiiyak?" at umiling lang siyang may pilit na ngiti sa kanyang mga labi.

Hinawakan niya ang likod ng aking ulo't ipinagdikit ang aming mga noo.

"Tulungan mo sarili mo."

"Paano, Jiro? Paano kung siya lang ang sinisigaw ng puso ko! Si Claire!"

"Makakahanap ka rin July. Hayaan mo lang ang puso mo."

"Ang dami ko na ngang nakasama pero bakit ganoon? Siya pa rin ang hanap ko?!"

"Siya kasi ang first love mo eh." ang biro niya.

"Oo nga tol. Ganito pala ang pakiramdam ng sinasabi nilang 'broken hearted'."

Ganoon ang nagiging usapan namin ni Jiro, nauuwi na lang sa aasarin ko siya hanggang sa siya'y mapikon. Ako naman kinakabagan na lang sa katatawa sa kanya ngunit balewala lang sa kanya ang mga sinasabi ko kahit hindi na maganda.

Burara akong tao at mas lalong walang kwenta ako tuwing nalalasing ako kaya't madalas, tuwing dadapa na ako sa aking kama. Si Jiro na ang nagliligpit ng aking mga kinakalat. Sinisigurado rin niyang maayos ang lahat bago siya matulog.

Kahit sa opisina, nagsisimula na akong maging pabaya. Siya ang sumasalo ng lahat para sa akin. Kung tutuusin, hindi na associate ang labas niya kundi isang partner sa aking mga responsibilidad sa trabaho. Ang kagandahan pa nga ay narerecognize na siya sa opisina.

Masama ako kay Jiro, hindi ko naalis ang pagtripan siya at siya naman, parang wala lang ang lahat kahit nasusuntok ko na siya o nasisipa minsan tuwing lasing at naiisip ko ang tungkol sa kabaklaang tuwing nakikita ko si Jiro.

Mabuti na lang, kahit makalipas ang halos isang taon, hindi niya ako iniwan. Sa laki ng itinaas ng sahod niya ay wede na siyang kumuha ng sarili niyang condo.

Lagi siyang nandiyan para sa akin sa lahat ng bagay. Nagagawa rin niyang alisin ang aking pagod kung nakikikita na niya ito sa akin mukha. Kinakausap lang niya ako at siya nama'y madalas kong inaasar. Madalas nauuwi na napipikon si Jiro sa akin at tahimik na nakasimangot na lang sa isang tabi. Natutuwa ako tuwing nagmumukmok siya. Bihira ko lang kasi iyon makita at nagkakaganoon lang siya tuwing inaasar ko siya.

Iisang bagay lang ang napuna ko kay Jiro, malungkot ang mga mata niya kahit nakangiti siya. Sinusubukan kong bumaba sa lebel niya tuwing nag-uusap kami tungkol sa bagay na iyon. Minsan, nirereto ko pa siya sa iba sa opisina kung di si Mark ang pinag-uusapan namin.

Madalas, nakikita ko sila magkasama tuwing wala si Jiro sa desk niya at minsan ay nakikita kong inaaway pa siya ng jowa pala ni Mark na si Nick. Ang hindi ko maintindihan, paano sila nagmamahalan kung pareho lang silang lalaki. Ang alam ko, ang bakla ay sumusubo lang at yun na yon. Nagmamahal din pala ang mga ito. Pilit ko na lang tinitiis ang aking pandidiri dahil sa lumipas na panahon ay tumaas ang pagtingin ko kay Jiro at natutunan ko siyang itratong isang tao kahit nakakalusot minsan na mabuwisit ako sa kanya dahil sa bakla siya.

Isang gabi naalimpungatan ako sa himbing ng aking pagtulog, maliwanag ang buong bahay kaya't napaiktad ako sa aking kama. Sinundan ko kung saan nangagaling ang liwanag at nakita ko si Jiro na lumulutang sa sofa. Tila tulog pa rin at walang kaalam-alam sa nangyayari sa kanya. Nagulat ako't nagtalukbong sa aking kumot. Sa tindi ng liwanag ay aninag ko pa rin ito mula sa ilalim ng aking kumot.

Hindi na ako nakatulog dahil hindi ko alam kung gaano katagal nanatili ang liwanag. Hindi ako natakot dahil kakaiba ang init na dala sa akin ng liwanag. Parang nakaramdam ako ng pagmamahal. Naluha lang ako ng hindi ko namamalayan. Kakaibang saya ang unti-unting umusbong sa aking damdamin.

Nakiramdam ako hanggang sa unti-untiang nawala ang liwanag. Nang magbalik sa kadiliman ang aking silid ay muli kong sinilip si Jiro. Pilit ko siyang inaninag sa liwanag na nagmumula sa labas. Mahimbing pa rin ang tulog niya.

Kinabukasan, itinago ko muna sa aking sarili ang aking nasaksihan. Nakapaghanda na kaming dalawa ng aming mga sarili't hinihintay ko na lang si Jiro na sumabay sa akin sa paglabas ng bahay.

"Jiro, bakit ko inaayawan yung location ng shoot natin? Bagay na bagay kaya yun sa scene na gagawin." ang tanong ko sa kanya habang inaayos ang pagkakagitna ng aking kwelyo habang siya nama'y nagmamadaling magsuot ng kanyang leather shoes.

"Please, July. Huwag na lang doon. Hanap na lang tayo ng ba." ang sagot niyang bakas sa kanyang mukha na seryoso siya sa kanyang opinyon.

"Natatakot ka ba? Takot ka yata eh." ang biro ko sa kanya dahil isang lumang mansyon sa probinsiya ang aming tutunguhin. Hindi na sumagot si Jiro't nagmukmok na lang at tila nagdadabog na lumapit sa akin. Tulad ng nakagisnan ko tumatawa lang akong lalo siyang inaasar hanggang sa matigilan ako sa pang-aasar sa kanya.

Sa araw ng production, ginamit ko ang kotse papunta dahil pakiusap ni Jiro na bumukod kami sa kanila. Iwas lang daw siya sa maaaring maging eksena ni Nick kung lalapit nanaman si Mark sa kanya.

Hapon ng makarating kami sa harapang ng lumang mansyon. Pababa pa lang ng kotse'y seryoso nang pinagmasdan ni Jiro ang buong kapaligiran.

Isang three storey ang lumang bahay na napakalaki. Pinaliligiran ito ng malalaking puno't malawak na hardin. sa harapan ay may lumang bakuran na nakatirik ngunit kahit maganda ang accent nito ng dahil sa kalumaan ay pinapangit na ng mga kalawang na nakakapit sa mga bakal na kulay itim nito.

Ang karamihan sa bahagi ng mansyon ay gawa sa kahoy. Puti ang pintura ngunit marumi at manilaw-nilaw na dahil sa paglipas ng panahon.

Sa harap, isang rebulto ng kerubin ang nasa gitna ng isang fountain at may bitbit ito na isang malaking jar kung saan marahil lumalabas ang tubig ngunit dahil sa luma na rin ay wala ng lumalabas dito at binalot na ito ng itim na berdeng lumot.

Naging kakaiba na ang aura ni Jiro. Blanko ang kanyang mukha at mas lalo siyang naging tahimik bukod doo'y naging kakaiba ang kinikilos niya. Parang nakaalerto ang lahat ng kanang pansin sa kanyang paligid.

Dahil sa wala naman ibang matutulyan sa lugar kasi 'middle of nowhere' ang aming location. Sa mismong mansyon ang buong staff nanuluyan.

Habang nagseset na ang staff sa ibaba ang iba nama'y namili na ng kanilang mga silid. Si Frida at Jessica'y magkasama sa isang silid. Kaming tatlo ni George at Jiro sa katabing kwarto nito, and iba naman'y naroon na sa ibang silid. Anim na kwarto ang nasa itaas na bahagi ng bahay ang mga ibang silid na malalaki ay ginamit na ng iba pa naming kasamahan.

Ang silid namin ni Jiro'y may tatlong lumang kama't maamoy na ang kutson na kasama nito. Buti na lang ay nagdala ako ng isang malaking kumot at si Jiro na ang naglatag dito. Habang nag-uusap kami ni George at si Jiro'y inaayos ang aking higaan. Dumunaw sa pintuan si Mark na abot tenga ang kanyang ngiti at nakatitig kay Jiro.

"Jiro... Jiro... awwwoooo...." ang biro niya. Napalingon si Jiro sa kanyang banda't ngumiti.

"Mark..." ang sabi niya't napasinghal.Lumapit sa kanya si Jiro't niyakap niya ng mahigpit.

"I love you, Jiro." ang sabi niya rito. Tinignan kami ni Mark sa aming gawi at ng matiyak na di kami nakatingin ay hinalikan niya ng mariin si Jiro.

Naabutan ko sila sa ganoong lagay. Parang bumaligtad ang aking sikmura sa aking nakita ngunit doon ko na nakumpirma na sila na nga.

"Mga tol, hinay hinay lang! Dito pa kami ni George sa paligid niyo. Di kami multo." ang seryoso kong parinig sa kanila. Natigilan naman sila sa kanilang ginagawa't natawa si George sa pagkabigla't nahihiyang reaksyon ni Jiro sa aking sinabi.

Umupo silang dalawa sa ibabaw ng aking kama matapos ayusin ni Jiro. Nilapitan nami sila ni George upang makipagkwentuhan.

"So, kayo na pala ni Jiro? Ingatan mo yan tol ha? Mabait yang si Jiro. Parang utol ko na yan." ang banta ko kay Mark. Napangiti siya sa aking sinabi't tumango. Si Jiro naman sa kabilang banda'y napangiti rin at napayuko.

"Paano na s Nick?" tanong naman ng mukhang nagkainteres na si George dahil isa nanaman itong tsismis.

"Matagal na kaming wala. Di lang matanggap na hindi ko na siya gusto. Ayun gumagawa ng eksena." ang sagot ni Mark sa kanya na natatawa.

"Madrama pala eh. Dapat sumabak na rin siya sa gagawin nating commercial o kaya why not tell him to audition for films. May itsura naman siya madali lang na turuan din siguro yun umarte kasi maarte na siya." ang birong sagot ni George. Tumawa silang dalawa ni Jiro sa sinabi ni George.

"Paano? Maiwan na namin kayo ni Jiro dito. Huwag kayo mageespadahan dito ha? Maraming multo manonood sa inyo." ang paalam ko sa kanila dahil kailangan kong tignan ang nangyayari sa ibaba. Tumawa lang sa akin si Mark tila di naintindihan na seryso ako sa aking sinabi.

"Seriously, Mark. Huwag sa kama ko." sabi ko sa kanya't natigil sa pagtawa.

"July, walang mangyayari sa amin. Pangako." ang sabi sa akin ni Jiro. Napatingin naman sa kanya si Mark na nagtataka.

"As if I care, Jiro. Basta, huwag sa kama ko." ang sabi ko sa kanya.

Lumabas na kami ni George at habang pababa ng hagdan ay parang sumama ang aking pakiramdam. Para akong nasusuka na nahihilo na hindi ko maintindihan.