Chereads / Innocentia [BL] / Chapter 9 - Innocentia - Chapter 09

Chapter 9 - Innocentia - Chapter 09

"C-Claire!!" ang tawag ko sa kanyang naginginig sa kaba. Nang aalis na sana siya. Sa labas ng pintuan ay nakita ko si Jiro. Nakayuko at malungkot na nakapako ang mga tingin sa kawalan. Naalimpungatan si Frida sa aking sigaw na panawagan. Napaigtad siya't nagmadaling ibinalot ang sarili sa nadaganan ko nang halos na kumot sa kanyang buong katawan. Ang natitirang kumot ay itinakip ko sa aking harapan. Hiyang hiya ako ngunit malakas ang pagnanais kong pigilan si Claire.

Bumangon ako't agad na inabot sa braso ang aking nobya.

"Isara mo ang pinto Jiro!" ang mariin kong utos sa kanya. Nagmadali naman siyang ginawa ang aking utos. Malakas na bumalagbag ang pagkakasara ng pintuan at matapos noo'y nakabibinging katahimikan ang nanaig sa aming tatlo.

Hindi ako maharap ni Claire. Pilit niyang inaalis ang aking mahigpit na pagkakakapit sa kanyang braso.

"Paano mo nalaman na nandito kami ngayon?" ang tanong ko sa kanya.

"Damn! July! We're both using iPhone and we've used the locator to know our location after we had that accident dahil hindi nga tayo makapag-usap madalas lalo na kung umuuwi ako ng bahay! Remember! You told me to buy this crap for this reason! You weren't answering my call last night! Check your phone kung gaano karaming text at miscalls na ang nagawa ko sa iyo!" habang nakasuksok sa kanyang bulsa ang kanyang kamay tila hinahawakan sa loob ang kanyang telepono. Sa unang pagkakataon, nakita kong magalit ng matindi si Claire at sa akin pa na ako ang gumawa ng dahilan. Patuloy ang pag-agos ng kanyang luha sa kanyang mukha.

Natahimik ako. Hindi ako makapagsalita. Hiyang hiya ako sa kanya.

"Ito ba ang bagay na hanap mo sa akin kaya gustong gusto mo akong pakasalan?" ang umiiyak niyang tanong sa akin habang nakaturo kay Frida.

Lumuhod ako sa kanyang harapan at di napigilang lumuha sa matinding takot at pagsisisi sa aking nagawa.

"Claire, lalake lang ako. Natutukso." ang panunuyo ko sa kanya habang pinipisil ng dalawa kong kamay ang kanya. Hindi pa rin niya ako magawang harapin.

"Pwede mo naman akong direstuhin eh. Bakit sa iba pa?" ang nanginginig niyang sagot sa akin matapos hugutin ang kamay niya mula sa akin.

"Claire... Please..." wala na akong masabi sa kanya. Inalis niya ang engagement ring na ibinigay ko sa kanya. Parang akong sinaksak sa dibdib sa kanyang ginawa at nang ibato niya sa aking mukha ang kanyang singsing.

"I've decided. This is over, July. Don't worry, one of my option is to be a nun. It seems my parents was really that mad sa iyo. Mukhang hindi ka na rin naman nila mapapatawad. You know one of my past time is to help sa mga outreach program. Jiro saw me sa Makati. Malapit sa Sacred Heart ang tinitirahan ni Jiro. Kaya nung nagkita kami natakot ako na baka sabihin niya sa iyo na niyayaya na akong pumasok ng kumbento. Kilala niya ang mga taga Sacred Heart dahil doon din siya madalas tuwing linggo. Kilala niya ang mga madre na pumupunta doon na yumayaya sa akin na magkumbento." ang sabi niya't sinampal ako ng malakas sa kanang pisngi. Umalingaw-ngaw sa silid ang tunog na kanyang nalikha.

"This is it, July. Good bye." ang sabi ni Claire at nagmamadaling lumabas ng silid at pabaksak na isinara ito matapos niyang lumabas.

Nanlumo ako ng lubos. Sa unang pagkakataon lumuha ako ng lumuha. Matinding sakit ang dinala ko sa aking sarili. Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko ang lahat. Binasag ko ang sarili kong mga pangarap. Pinagmasdan kong maglaho ang aking mga plano sa buhay kasama si Claire habang sinusuntok ko ang aking dibdib at pinupukpok ang aking ulo sa inis.

"Ang ganda pala ng girlfriend mo." ang wika ni Frida. Hindi ako umimik. Nabaling ang atensiyon niya sa akin.

"Such a rare sight to see a man crying. Hush hush, darling. Marami pa namang iba diyan. We can still have this fun if you want to when I'm free." ang sabi ni Frida. Para akong sasabog sa galit. Kulang pa ang pagsisisi ko sa aking sarili sa mga naganap. Matalim na mga tingin ang ibinigay ko kay Frida.

"Kasalanan mo ito! Puta ka! Lumayas ka sa harapan ko! Ahas ka!" ang galit na paratang ko sa kanya.

"Matapos mo akong pagpraktisan bago ang girlfriend mo ganyan pa ang isusukli mo sa akin?! I was just offering you a night with me nothing more than that!" ang sigaw na sagot ni Frida sabay bangon sa kama upang ayusin ang kanyang sarili.

Nang makatayo ay agad siyang nagbihis at nagmamadaling lumabas ng silid. Iniwan niyang bukas ang pintuan sa kanyang paglabas. Nakatayo pa rin si Jiro sa labas ng pintuan. Umiiyak. Basang basa ng luha ang kanyang pisngi. Dahil sa nakashorts lang siya buong gabi mula kahapon napansin ko an puro pantal ang kanyang balat. Puno ng kagat ng lamok. Tinakpan ko maigi ang aking harapan at bumagon upang isara muli ang pintuan.

Ayaw kong makita muna ang kahit sino. Gusto ko muna mapag-isa. Gulong-gulo ang aking isipan. Sa aking galit pa'y nasuntok ko ang pintuan ng cabinet bago pulutin ang aking nagkalat na damit upang makapag-ayos ng sarili. Nilabas ko sa bulsa ng aking shorts ang aking telepono at nagulat na makita ang trentang text niya sa akin at benteng miscalls na nakaregister sa screen ng aking telepono.

"Ano itong nagawa ko?! Napaka sama ko! Ang tanga tanga ko!" ang paulit-ulit kong sinasabi hababng binabalikan ang aking mga nagawa.

Ilang saglit matapos akong magbihis at humiga muli sa kama na nag-iisip ng malalim. Kumatok si Jiro sa pintuan at nakiusap sa nanginginig niyang boses.

"S-Sir July, may kukunin lang po ako. Maliligo muna sana ako. Pasensiya na po kung nakakaistorbo ako sa iyo." ang nauutal niyang wika sa likod ng pintuan. Napatingin ako sa seradura't napansin na nailock ko pala ang pintuan. Humupa na ng kaunti ang damdamin na nananaig sa aking damdamin na napakasakit. Nailuha ko na rin ang sapat para tigilan ang aking walang kwenta't nakakahiyang pag-iyak.

Tamad akong bumangon sa aking higaan at inabot ang seradura upang alisin lang ang pagkakalock.

"Pasok." ang sabi ko sa kanya sabay balik sa kama't hinayaan na lang siyang buksan ang pintuan.

Nakayuko siyang pumasok at di makatingin sa akin ng diretso na tumungo sa cabinet at kumukha ng kanyang gamit. Habang nakatalikod siyang naghahalungkat.

"Jiro, pinapasok mo ba si Claire?" ang mapangsisi kong tanong sa kanya. Tumango lang si Jiro sa akin at hindi umimik.

"Bakit mo pinapasok?! Ano ang nasa isip mo?!"

"Sir, hindi ko po alam na dito natulog si Frida. Pasensiya na po. Akala ko wala na siya kasi mukhang tulog pa rin si Jessica. Kumatok ako doon kanina pero walang sumasagot. Wala naman din akong dahilan para hindi isama si Claire dahil girlfriend mo siya." ang sagot niya. Uminit ang aking dugo kay Jiro.

"Tang ina naman! Bakit di ka doon natulog sa kwarto nila Jessica? Hindi mo na sana nakita pa si Claire para isama dito sa kwarto ko!" ang sisi ko sa kanya.

"Sir, sorry na po. Hindi ko sinasadya." ang paumanhin niya bago siya humagulgol sa harap ng cabinet matapos malaglag ang damit na bitbit na niya.

Nakunsensiya ako. Masyadong matalim ang aking pananalita kay Jiro. "Kahit di naman si Jiro ang nagdala dito kay Claire. baka malaking eskandalo pa sa opisina kung malalaman ng labas sa department ang nangyari sa amin ni Frida kagabi. Shit!" ang sabi ko sa aking sarili.

"Pwede nga pala nila buksan ang kwartong ito. Baka PA ang sumama kay Claire dito. Malaking gulo ang magaganap kung iba pa ang nakaalam." ang dagdag ko pa sa aking sarili.

Naaawa ako kay Jiro. Masyado na akong malupit sa kanya mula pa kahapon. Kargo de konsesiya ko na siya ngayon habang pinanonood ang kanyang likod sa paghikbi at nanunumbalik sa akin ang pinakita ko sa kanya kahapon.

"Jiro..." ang mahinahon kong tawag sa kanya. Hindi siya sumagot. Dahan-dahan siyang humarap sa akin matapos niyang punasan ng kanyang braso ang luha sa kanyang mga mata. Isang pilit na ngiti ang ipinakita niya sa akin.

Sa mga sandaling ito nakaramdam ako ng gusto kong may makiramay sa aking dinadala. Pakiramdam ko wala akong kakampi sa mundo. Si George hindi ko naman maistorbo, alam kong tatawanan lang niya ako sa mga nangyari sa akin. Sigurado namang kahit nag-away kami ni Frida ay hanggang kay Jessica lang niya paaabutin ang balitang ito. Si Jessica naman, kolektor lang ng tsismis at di na nagkukuwento pa.

Bumangon ako sa aking kama't niyaya si Jiro na umupo sa aking tabi. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Totoo ba na magkakilala kayo ni Claire?" ang pauna ko. Tumango lang siya. Hindi siya makatingin sa akin. nakayukong nakatitig lang siya sa sahig.

"Oo, pero sir hindi ko na lang sinabi sa inyo dahil alam niyo naman na kahit anong tsismis hindi ako nakikisawsaw. Buhay niyo yun." ang nahihiya niyang sabi.

"Close ba kayo ni Claire?"

"Hindi po. Acquaintance lang. Sa Sacred Heart kasi siya nagvovolunteer malapit sa tinutuluyan ko. Nakakausap ko rin po yung mga madre doon."

"Likod bahay lang pala kita nakatira!" ang natutuwa kong sagot sa kanya.

"Nakalagay sir sa resume ko yung address ko po. Sana binasa mo maigi."

"Oo nga pala. Pasensiya na, Jiro."

"Paano mo naman naging close ang mga madre doon? Nagseseminaryo ka ba?" ang pilit kong pinasiglang sagot sa kanya natawa lang siya ng pilit.

"Bakit naman ninyo po naitanong na nagsesemimaryo ako, sir July? Bakla po ako. Hindi ko po niloloko ang sarili ko at lalong ayokong lokohin ang mga tao sa akin paligid sa mata ng Diyos na nakakaalam kung sino at ano talaga ako." ang malalim at seryoso niyang sagot sa akin na parang may pinanghuhugutan.

"July na lang itawag mo nga sa akin eh. Ang kulit mo, Jiro." ang puna ko sa tawag pa rin niya sa akin. Sabay akbay sa kanya't kinabig siya papalapit sa akin.

"Nakita ko kasi kahapon na may cassock sa na gray sa bag mo kahapon habang nag-aayos ka ng gamit mo. " ang tanong ko sa kanya.

"Nakita niyo yun? Nakakahiya. Ipinabibigay lang po iyon sa akin nung taga Sacred Heart sa pari na umampon sa akin bago ako inampon ng aking mga magulang ngayon na taga Bulacan." ang napakamot sa ulong sagot niya sa akin.

"Ah... Okay..." ang sagot ko sa kanya.

"Eh... bakit puno ng pantal ang katawan mo? Kiss mark ba yan ni Mark sa iyo?" ang banat ko ng biro sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya't napatingin sa akin.

"Tanggap ko na tuyain mo ko sa pagkatao ko wag lang dun noh." ang depensa niya. Natawa ako sa ipininta ng mukha niya. Halatang parang guilty na hindi ko maintindihan.

"Ano mga marka na yan? San mo napulot yan kagabi?" ang seryoso kong tanong sa kanya.

"Huwag ka po magagalit ha?" ang tila kumportable na niyang tanong sa akin sa normal niyang pananalita.

"Hindi. Bakit naman?"

"Eh kasi... natulog po ako dun sa kubo kagabi."

"Hindi ka sinamahan nung lalaki mo? Wala palang kwenta yun eh!"

"Hindi naman sir. Mayroon na siyang iba. Mabait lang po sa akin si Mark."

"Ayan ka nanaman sa 'sir' - 'sir' mo sa akin eh." ang puna ko sa tawag niyang muli. Humagikgik nang tumawa si Jiro dahil nagsalubong nanaman ang aking kilay. Nakakagaang tignan ang ngitini Jiro. Parang mayroon akong nararamdamang pag-asa mula sa kanyang mga ngiti na parang mamaya lamang ay maayos na ang lahat para sa akin.

"Pasensiya na." ang nahihiya niyang sagot.

"Di nga, natulog ka sa kubo kagabi? Bakit di ka sumama sa kwarto ni Jessica at dun muna nakitulog?"

"Akala ko kasi nandoon na si Frida. Kala ko quickie lang kayo kagabi." ang nahihiya niya pa ring sagot sa akin habang di makatingin ng tuwid sa aking mga titig.

"Tol, virgin pa ako. Si Frida..." ang naputol kong sabi sa kanya nang bumalik ang kurot ng mga naganap na.

Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa. Nahihiya ako kay Jiro, hindi ko magawang humingi ng tawad sa kanya. Kung saan saan na napunta ang aming usapan.

"Maliligo lang po muna ako." bumangon si Jiro tangan ang kanyang mga gamit para maligo, tumungo siya sa palikuran sa loob ng kwarto at doon na naligo. Nabahala ako an makita ang nakaparaming kagat ng lamok na namantal sa kanyang maputing kutis. Para tuloy siyang may polka dots na pula sa buong katawan.

Nang mag-isa akong muli, mabilis na nagbalik sa akin ang ala-ala ng pait ng aking kagagawan at masidhing pagsisisi.

Lumipas ang mga araw, balisang balisa akong kinikimkim ang lahat ng aking dalamhati't pagsisisi. Wala akong makausap at naguguluhan na ako sa takbo ng aking buhay matapos ang lahat. Isang linggo nawala si Jiro kaya't kahit ang makausap lang para mawala ang aking isip sa bagay na iyon ay di ko magawa. Tambak man ako ng trabaho hindi naman ako nakafocus sa aking ginagawa dahil sa paikot-ikot na mga katanungan at pangaral ko sa aking sarili. Sa opisina, tila ilag si Jessica at George sa akin at si Frida nama'y bakas na matindi ang galit sa akin.

Matapos ang isang buwan, pinuntahan ko si Claire sa kanilang bahay. Hindi ko siya doon nakita at ang masama pa noo'y halos barilin ako ng kanyang ama sa labas ng kanilang gate sa matinding galit sa akin. Nakarating na rin pala sa kanila ang nagawa ko kay Claire sa piling ni Frida.

Tinigilan ko na rin ang panunuya sa mga bakla ngunit hindi ko magawang kausapin si Jiro dahil nakukunsensiya ako na hindi ko pa rin magawang humingi ng patawad sa kanya ng deretsahan. Wala akong masandalan. Ganito pala kahirap ang ang-iisa, walang karamay, walang nagmamahal.

Dahil sa mga naganap sa aking buhay at dala na rin ng matinding pangungulila, sinubukan kong pumunta sa mga bar at nag-uwi ng makakapiling na bayarang babae upang maibsan ang lungkot na aking nadarama kapalit ang pagtugon sa tila nayahok kong sarili sa tawag ng laman.

Isang araw, Sabado, bumaba muna ako ng condo upang bumili ng sitsirya sa sari-sari store sa kanto. Habang hinihintay ko ang tindera na kunin sa akin ang aking bayad at iabot ang aking binili. Sumulpot sa aking tabi si Jiro. Nabigla ako dahil nakabihis siya at wala namang simba sa araw at oras na iyon.

"San ka pupunta Jiro?" ang tanong ko sa kanya. Nabigla siya nang marinig niya ang aking boses at nanlaki lang ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

"Oh? Para kang nakakita ng multo." ang sabi ko sa kanya habang tinitignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakaboxer lang ako at sando.

"Bibili lang ng sabong panligo." ang sabi niya ngunit napuna kong may dala siyang malaking mga bag na nakapatong sa magkabilang gilid niya. Inabot sa akin ng tindera ang aking binili at nagbayad na bago muli kausapin siya.

"Manang, Palmolive Essentials po, yung pink." ang sabi niya. Natawa ako sa uri ng sabon na pinili niya bago ko siya usisain sa dala niya.

"Bibili ka ng sabon? Bakit may malalaking bag ka? Saan ka pupunta?" nakapako ang nanunuri kong mga titig sa kanya habang naghihintay ng kasagutan. Nihiya siyang muli at namula.

"Kasi, kailangan ko na umalis sa tinutuluyan ko. Nagtaas na po kasi sila ng renta. Baka naman po may kakilala kayo na pwede ko matuluyan sa murang halaga." ang halos maipit niyag sinabi sa akin.

"Kawawa naman pala. Wala naman din ako magagawa tungkol sa sweldo niya. Wala rin akong kakilala na pwede niyang matuluyan na mura ang renta dahil Makati ito. Bahala na, hindi naman siguro bantay salakay ang mokong na ito. Para na rin makabawi ako sa inasal ko sa kanya." ang sabi ko sa aking sarili habang pinagmamasdan si Jiro na isinusuksok sa isa niyang bagahe ang biniling mga sabon.

"Wala ka pa ba nahahanap? Nag-alsa balutan ka na wala ka pang tutuluyan?!Ano nasa isip mo Jiro?! mangangatok ka ng mga nagpaparenta bitbit mo mga yan?" ang nag-aalala kong tanong sa kanya. Tumango lang siya.

"Jiro, may tatanong ako."

"Ano yun July?"

"Gusto ko, sasagutin mo ko ng totoo ha."

"Gusto mo ko?" ang deretsahang tanong ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya't lalong namula ang kanyang mga pisngi sa aking pagkapranka. Tumango siya ng mabilis habang nauutal na sumagot ng 'Oo'.

"Pinagnanasaan mo ko?" ang tanong ko pa sa kanya. Naintriga ang tindera sa amin kaya't bago pa marinig ang isasagot niya ay hinila ko siya matapos buhatin ang isa niyang bagahe palayo ng kaunti sa harapan ng tindahan. Mabilis na umiling si Jiro.

"Madalas ako uminom, kung lasing tayo pareho, gagapangin mo ko?" at agad naman siyang umiling ng mabilis.

"Teka, teka. Mahilo ka niyan. Seryoso, momolestyahin mo ba ko?"

"Unless ikaw magpakita ng motibo. Isinusumpa ko hindi ko magagawa yang mga inaakala mo sa akin, July. Mataas ang paggalang ko sa iyo." ang sagot niyang may paninindigan kita ko sa mga mata ni Jiro na nagsasabi siya ng totoo.

"Hmmm.... may mga gamit ka pa ba?" ang tanong ko pa.

"Wala, puro damit lang."

"Sige, dun ka na sa akin muna tumira hanggang sa makahanap ka ng malilipatan mo. Doon ka sa sofa. May papipirmahin din kita ng kasulatan sa kasunduan natin na hindi mo ko hahalayin." ang sagot kong bakas ang panghihinayang at tila may kaunting pangamba. Agad na nagliwanag ang mukha ni Jiro sa tuwa at nagsimulang mangilid ang luha sa kanyang mga mata. Bumukas ang kanyang mga bisig na tila gusto akong yakapin.

"Ano yan?"

"Natutuwa lang ako. Gusto kong magpasalamat sa kabaitan mo sa akin, July."

"Ah.. ganun ba? Sige..." sabay bukas bisig ko siyang tinanggap na yakapin ako ng mahigpit habang nakasandal ang kanyang ulunan sa aking dibdib. Doon ko napansin na napakalambot pala ni Jiro. Para siayng si Claire na madudurog kung hihigpitan ko pa ang aking yakap.