Chereads / Ka-ibigan [BL] / Chapter 5 - Ka-ibigan - Chapter 05

Chapter 5 - Ka-ibigan - Chapter 05

"Jemimi!!!!" ang sabi ng boses na nangaling sa taong tumatawag mula sa labas ng bahay.

May tumutugtog na "E.T." ni Katy Perry mula sa labas na sumasabay sa ingay na gawa ng tumatakbong motor.

Parang may usok na pumapasok mula sa bintana ng sala. Amoy gasolina ng motor. Nakakaadik at nakakasuka ang amoy nito.

"Hmph!!! Ang baho!! Ano ba yan!! Sino bang kumag na mamemerwisyo ng ganitong oras sa atin?!!" ang naiinis na sabi ni Jeremy.

Binuksan niya ang pinto at biglang napaatras pabalik sa loob ng bahay si Jeremy habang nakatakip ng kamay ang kanyang ilong at bibig sa baho ng usok.

Isang lalaking kasing tangkad ng kanyang nobyo na nakasuot pa ang helmet ang pumasok sa pintuan na nakasuot ng jacket na itim na hindi leather pero makintab at hapit sa katawan at nakamaong na faded black ang suot. Ang bota niya ang siguradong leather at kulay brown ito.

"Siya yung lalaking sumusunod sa amin kanina sa biyaheng pauwi!" ang nasabi ko sa sarili nang maalala ko.

Bigla niyang niyakap ng mahigpit si Jeremy at siya naman ay pumalag dito.

"Ano ka ba!!! Diyes oras na ng gabi!!! Patayin mo na nga yang motor at tugtog mo!!! Grand entrance ka pa diyan nakakaistorbo na sa mga kapit bahay!!!" ang naiirita niyang sambit habang pilit kumakalas sa mahigpit na yakap ng lalaking hindi ko pa kilala.

Si Dexter ay tumatawa namang nanonood sa kanila habang nanatiling nakaupo sa sofa katabi ko.

TOK!!

Ang narinig na lang namin nang biglang humampas ang ulo ni Jeremy sa helmet ng lalaking nagpupumilit na huwag siyang pakawalan sa kanyang mga yakap.

Nagulat kaming lahat sa aming nasaksihan.

Kumalas ang mga yakap nito kay Jeremy at hinawakan ang tinamaan na parte ng kanyang noo na para bang sinusuri ito at nag-aalala.

Napatayo si Dexter sa kanyang kinauupuan at nagmadaling kinuha si Jeremy sa lalaking humaharot sa kanya.

"Sino ba ito. Ang gulo-gulo naman nito gabi na dumating dito ang ingay na nanakit pa." ang nasabi ko sa aking sarili.

Hinahaplos na ni Dexter ang tinamaang bahagi ng noo ni Jeremy at hinihipan ito na parang sugat ng isang bata.

"Okay lang ang bunso ko…? ang kulit kasi ni kuya Vinvinpot mo eh…" ang nasabi ni Dexter sa kanyang nobyong nasaktan.

Inalis ng lalaking hindi ko kilala ang kanyang helmet at bumungad ang malahapon niyang mukha na maputi at makinis. Ang ganda ng kanyang labing mamula-mula na parang ang sarap halik-halikan. Ang haba ng kanyang may kulay na buhok. Para siyang miyembro ng Japanese boyband.

"Hi!" ang bati na lang niya sa akin nang makita niya akong nakatitig sa kanya at nagbitiw ng isang matamis na ngiti. May pagkakahawig siya kay Dexter sa tangkad, tikas, at iba pang aspeto pero si Dexter kasi ay kastilain ang imahe ng mukha.

"Siya si Joseph… Officemate ni Jeremy…" ang pakilala sa akin ni Dexter.

"Seph… siya nga pala ang pinsan kong kinukuwento namin sa iyo ni Jemykoy ko, si Kevin." Ang pakilala naman niya sa lalaki sa akin. Hinarap ulit ako ni Kevin at ngumiti. Ang ganda niya ngumiti, nawawala ag mga mata niyang singkit.

"Letcheng buhay naman ito o… Ito ang best friend ni Kevin?!!!! Niligawan din siya nito sabay ng panliligaw sa kanya ni Dexter?!!!" ang nasabi ko sa aking sarili nang malaman ko kung gano kaguwapo ang dalawang magpinsan.

Nilapitan ni Kevin si Jeremy na hinihimas pa rin ang tinamaan ng helmet. Kinuha niya ito sa mga bisig ni Dexter at hinalikan ni Kevin ang tinamaan ng kanyang helmet.

"Gagaling na yan Jemimi… Sowee po!!! Na-miss lang kita." Ang sabi niya kay Jeremy.

"Sakit pala pag namimiss mo isang tao no?" ang pabirong sabi niya sa kanyang kaibigan. "Bakit ka nga pala nandito? Akala namin nasa Quezon City ka na…? Nasaan si Alex…?"

Biglang lumungkot ang mukha ni Kevin sa tanong na kanyang narinig at pilit na ngumiti.

"Ah… wala nagbabakasyon lang ako… Pwede dito muna ako magstay?" ang paalam niya.

"Vin… anim na taon na ang nakakalipas… bakit ayaw mo umuwi sa inyo…?" ang seryosong sinabi ni Dexter.

"Ah… Ron kasi… hindi na kami in good terms ni Alex eh… basta… sige… bukas ko na lang sasabihin sa iyo…" ang sabi ni Kevin at isinuot nang muli ang kanyang helmet.

"Hmmm… kilala kita Kevin… sige… dumito ka muna… kaya lang dito ka sa sala matutulog kasi iisa lang kuwarto namin at pang dalawang tao lang iyon." Ang sabi naman ni Jeremy sa kanya at nagpasalamat naman sa kanya si Kevin.

"Nga pala… si Seph… single yan… virgin pa… type mo?" ang biglang biro ni Dexter sa akin at kay Kevin.

"Huy!!! Para ka namang bugaw niyan eh…" ang napikon kong sagot kay Dexter.

Tumawa silang dalawa ni Jeremy at si Kevin naman ay nahiyang nagkamot ng ulo. Naiinis na ako na may halong kilig at hiya para kay Kevin.

"Ah… Sige uuna na ako…" ang bigla kong palusot sa kanila dahil nahihiya akong ireto nila ako sa pinsan ni Dexter.

"Sa inyo na kaya muna magstay si Kevin?" ang suhestiyon ni Jeremy.

"Best friend, matagal na ba?" ang tanong naman ni Jeremy kay Kevin habang pilyo ang kanyang mga ngiti. Tumango lang si Kevin.

"Kevin sorry ha… " ang paumanhin ko sa kanya sa inis ko kay Jeremy.

"Jeremy, gusto ko siya, guwapo siya at mukhang magkakasundo kami pero wag sa ganitong paraan tol. Mauuna na ako." Ang inis kong pagpapaalam sa kanya.

"Dexter, thank you. Kita na lang tayo ulit bukas. Pasensiya na matutulog na ako. Eto nga pala ang spare key sa bahay ko incase umuwi na si Rafael. Sensiya na sa abala." Ang maayos ko namang sinabi.

Hindi na ako nakinig pa sa sasabihin ng kahit sino sa kanila. Tinungo ko ang pintuan palabas ng bahay at dali-daling umuwi sa aking tahanan.

Nang makapasok ako ay naglock na ako ng bahay at tinumbok ko ang aking silid.

Humiga akong naka dapa sa dulo ng aking kama kung saan nakapuwesto kanina si Rafael. Kumapit ang amoy ng kanyang pabango at pawis sa kama at unan at ang sarap amuyin nito. Nawala agad ang aking pagkainis sa pang-aasar kanina ni Jeremy sa akin.

"Siguro kung naging kami ni Rafael hahanap hanapin ko ang amo'y na ito lagi. Buti na lang straight siya at sana hindi pa niya alam ang aking lihim. Magiging madalas na ganito na ang buhay ko dito sa bahay." ang aking nasabi sa aking sarili.

Tumunog ang aking telepono na naiwan ko sa aking maong na gamit kanina mula sa trabaho.

Nakita kong may limang mensahe na akong natanggap at isang tawag na di nasagot.

Wala sa phonebook ko ang numero na nakalista sa inbox. Binuksan ko ang pinaka unang dumating.

"Hi Seph! C Harold to. Nkha q nmbr m sa directory sa office." Ang sabi nang unang mensahe.

Isa-isa ko na ring binasa ang mga magkakasunod na mensahe. Pare-pareho ang laman ngunit ikinagulat ko ang pinakahuling mensahe na pinadala ni Harold.

"F its ok w/ u Seph.Can we go 4 a d8?" ang gumising sa aking halos antukin nang diwa. Binalot ako ng kilig dahil ito ang unang pagkakataon na may nagyaya sa akin na makipagdate.

Umupo ako sa aking kama at tinitigan maigi ang mensahe at paulit. Baka hindi ko lang naiintindihan ng maigi ang ibig sabihin ni Harold. Pilit kong pinauunawa na baka friendly lang si Harold ngunit sa kanyang sinabi ay sigurado akong alam niya na ganito ako.

Nang mapilit ko ang aking sarili. Nireplyan ko na siya.

"Cge b.kelan m b gs2?buks free me." Ang pinadala kong mensahe sa kanya ngunit naghintay ako ng isang oras at walang bumalik na reply mula kay Harold.

Idinagdag ko na lang ang numero niya sa aking phonebook at bumalik sa dati kong pusisyon sa paghiga habang ipinagag patuloy ko naman ang pag-amoy sa aking unang nagamit ni Rafael hanggang sa ako'y nakatulog nang di ko pansin.

Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng mabigat na nakadagan sa aking katawan. Medyo nahihirapan akong huminga at amoy alak ang hangin na aking nalalanghap.

Napansin kong si Rafael pala ang nakadagan nang mapuna ko ang kamay niyang nakaharang sa aking mukha. Inayos ko ang aking sarili upang tumagilid sa paghiga ngunit ang bigat talaga ng katawang nakapatong sa akin na amoy alak pa.

Nagulat ako nang maayos ko ang sarili at makita ang lagay ni Rafael na naka hilata na at brief lang ang suot. Mahimbing pa rin ang tulog niya ngunit tirik na tirik naman ang alaga niya. Hindi ko na ito pinansin dahil mukhang nasasanay na ako sa itsura niyang ganoon.

"Ano ba ito! Kadiri naman. Di pa inubos lahat ng libido kagabi sa girlfriend niya. Buti na lang di ako ang tinira nitong mokong na ito. Thank you Lord! Safe ako!" ang sabi ko sa aking sarili habang nakatingala sa langit.

Bumalik ako sa aking padapang pagkakahiga dahil inaantok pa ako at muling nakatulog.

"Seph… Seph… gising na Seph…" ang mahinang bulong na naririnig ko habang ako'y nasakasagsagan ng aking panaginip.

"Seph… Gising na Seph" ang sumunod kong narinig at bigla kong naramdaman na inuuga na ako ni Rafael.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang maamong mukha ni Seph na nakangiti sa akin. Nakatagilid siyang nakaharap sa aking tabi.

"Seph, alas dos na yata ng tanghali. Pupunta pa tayo sa grocery." Ang paalala niya sa akin.

Nag-unat ako ng kaunti at humikab. Parang ayaw ko pa bumangon. Ang sarap kasi matulog.

Umupo si Rafael sa kama mula sa kanyang pagkakahiga at inabot ang isa kong braso upang hulahin akong bumangon.

"Nagugutom ka nanaman ba?" ang inaantok kong tinanong sa kanya. Sinagot lang niya ako ng isang matamis na ngiti. Kakaiba pero alam kong natural lang sa kanya iyon.

"Tara na sa SM Dasmariñas na lang tayo kumain. Tiisin mo muna yang gutom mo. " ang sabi ko sa kanya upang maghanda na agad kami para umalis.

Naligo kami at nagbihis ng hindi sabay (Natural bakit naman kami magsasabay ng mokong na iyon?) at pumunta na sa SM Dasmariñas.

Sa aming pinuntahan.

"Pare-pareho talaga ang mga malls ng SM no?" ang tanong niya sa aking habang nililibot ng kanyang tingin ang paligid.

"First time mo pala dito tol no? Kain muna tayo ng almusal tapos ikutin natin ang mall bago tayo maggrocery." Ang yaya ko naman sa kanya.

"Sige. Dun na lang tayo sa Jollibee kasi gusto ko ng Burger Steak." Ang sabi naman niya.

Parehong iyon lagi ang kinakain namin pag napupunta kami sa kahit saang branch ng Jollibee.

Agad naming tinungo ang restaurant at dahil sa tapos na ang tanghalian ng weekend ay hindi na kami naabala masyado sa pagpila sa counter.

"Seph, ako na ang sasagot sa breakfast natin." Ang sabi niya na nginitian ko na lang.

"Ano ang kapalit?" ang mataray na tanong ko sa kanya dahil tuwing gagawin niya iyon ay siguradong meron siyang hihingiin na pabor.

"Wala. Gusto ko lang na ilibre naman kita ngayon." Ang paliwanag niya.

"Sigurado ka ha? Sige hahanap na lang ako ng mauupuan natin." Ang sabi ko sa kanya at iniwan na siya sa counter.

Nakahanap ako ng bakanteng table malapit sa mesa at kinawayan si Rafael na nasa counter upang ipaalam sa kanya kung saan kami kakain.

Hindi siya nagtagal sa counter dahil mabilis niyang nakuha ang aming breakfast. Naglalakad siyang nakangiti sa akin patungo sa aming mesa dala ang tray ng pagkain.

"Two piece burger steak with extra steak sauce. Just as you always loved it." Ang sabi niya habang inilalapag ang aking pagkain sa aking harapan mula sa tray na bitbit niya.

"Ano daw?? Pwede ka na magwaiter sa mga hotel." Ang pabiro kong sabi sa kanya.

"Sa iyo lang ako magpapakawaiter. Actually, alipin mo ako mula ngayon dahil sa pagpayag mo na makitira ako sa bahay mo ng libre." Ang nakangiting sabi niya sa akin.

"Sabi ko na nga ba may catch eh. Hoy, usapan natin share tayo sa tubig at kuryente." Ang sinabi ko sa kanya.

"Ang taray mo talaga. Wala ka na sa office Seph. Relax ka ng kaunti. Out here, I am your friend not your officemate." Ang depensa niya habang nilalapag naman ang kanyang pagkain sa harap kong bahagi ng mesa.

"Kahit di pa tayo housemates kilala na kita hanggang sa kaibuturan mo." Ang sagot ko.

"Sigurado ka ba diyan? Baka yung isang side lang ang nakilala mo sa aking yung buong pagkatao ko hindi pa?" ang may ibig sabihin niyang mga sagot sa akin.

"Kain na nga tayo lalamig na itong almusal natin hindi na masarap." Ang sabi ko sa kanya upang hindi na kami magpatuloy pa sa aming usapan.

Tahimik kaming kumain ni Rafael habang naglalaro ang akin isip sa kanyang sinabi.

"Anong ibig niyang sabihin? May hindi pa ba ako alam kay Rafael?" ang tanong ko sa aking sarili.

Nang kami ay matapos na ay inikot namin ang buong mall. Tumungo muna kami sa Astroplus upang tumingin ng sale na pelikulang horror para panoorin sa bahay mamaya.

"Tol… napanood mo na ba yung "Banned in America" na video." Ang tanong niya sa akin habang magkatabi kaming tinitignan ang stack ng VCD at DVD na sale sa bukana ng shop.

"Hindi pa pero naririnig ko na iyon dati pa. Yung mga kakilala ko nung college na napanood na iyon ang kuwento sa akin ay puro nakakadiri daw talaga ang palabas. Compilation daw iyon ng mga videos kung saan-saan." Ang sagot ko sa kanya.

"Oo! Yun nga! Naghahanap ako ng kopya non matagal na pero wala akong makita. Grabe tol! Meron daw dun mga tunay na pinupugutan ng ulo, mga kumakain ng ebs, fetus, at kung anu-ano pa. Tapos may mga videos din daw iyon ng mga naaaksidente. Grotesque daw talaga!" ang kwento niya sa akin.

Naramdaman kong parang bumaligtad ang aking sikmura sa kanyang storya. Napaka-active kasi talaga ng imagination ko. Naiisip ko agad ang mga ikinuuwento sa akin.

"Pre, tama na. Masusuka na ata ako sa detalye pa lang na binibigay mo." Ang sabi ko sa kanya upang tumigil na siya sa kanyang kuwento.

"Eh yung "Cannibal Holocaust"?" ang tanong naman niya na nagtulak na sa akin na makaramdam ng kagustuhang sumuka. Parang nanlamig ang aking mga paa at namanhid ang aking mga labi.

"Tol!!! Tama na please?!!! Napanood ko iyon eh." Ang inis kong sinabi sa kanya at biglang lumabas ng shop upang tumungo sa isang dulo ng mall kung saan naroon ang comfort room para sumuka.

Nagmamadali akong naglakad at si Rafael naman ay halos tumakbong makaabot lang sa akin.

"Tol! Sorry na tol!" ang nagmamakaawa niyang sinabi sa akin na hindi ko sinagot. Ni hindi ko siya nilingon sa tindi ng aking nararamdaman.

Dali-dali kong tinungo ang isa sa mga cubicle na bakante at sinuka lahat ng aking maisusuka.

Pumasok si Rafael sa cubicle kung saan ako naroon upang halupin ang aking likuran.

"Tol! Sorry talaga tol! Hindi ko alam na mahina ka pala sa mga ganoon." Ang paliwanag niyang nanghihingi pa rin ng pasensiya.

Nang makahabol ako sa aking paghingang halos makalimutan ko na sa kakasuka.

"Sinabi na kasi sa iyo eh. Mahina ako sa mga ganoon. Kaya nga kahit pilitin ako ng magulang kong kumuha ng kursong related sa medisina ay di ko kinuha dahil ayokong makakita ng kahit dugo man lang. Mahihimatay talaga ako." Ang hapung-hapo kong pinaliwanag sa kanya.

"Sorry talaga tol." Ang nasabi na lang niya sa akin habang patuloy niyang hinahaplos ang aking likuran.

Naglabas ng panyo si Rafael at pinunasan ang aking pawis sa nood at leeg bago ang aking bibig na may kaunting masa dahil sa aking pagsuka.

Hindi ko naiwasang tumitig sa mga maaamong mata ni Rafael habang ginagawa niya iyon. Para siyang si Dexter at ako naman si Jeremy kahit alam ko sa sarili ko na nag-aalala lang siya dahil sa kanyang ginawa at wala talaga kaming pag-asa sa isa't isa.

Nanlalambot akong naglakad palabas ng cubicle na kasunod si Rafael. Tinungo ko muna ang salamin upang tingan ang aking sarili at nagmumog bago kami lumabas.

"Doon na lang tayo sa Bulihan tumingin ng pirated na horror flick. Ayoko na bumalik ng Astroplus. Maggrocery na tayo tol para hindi tayo gabihin ng uwi." Ang yaya ko sa kanya.

Sa grocery at inabot kami ng isang oras sa pamimili dahil medyo mahaba ang pila sa cashier sa dami ng namimili.

"Rafael, ayoko talaga magmall tuwing weekends. Ang daming tao nakakainis." Ang naibahagi ko kay Rafael.

"Ako rin. Diyahe masyado. Pag natapos dito daan muna tayo dun sa sinasabi mo ha? Manonood tayo ng movie mamaya." Ang paalala niya sa akin.

Nang matapos kami ay agad kaming bumyahe pabalik sa General Mariano Alvarez upang bago umuwi ay mamimili muna kami ng piratang kopya ng mga pelikula sa town proper ng lugar namin.

Sa Bulihan, habang kami ay naglalakad sa mala Divisoria na mga tindahan doon.

"Tol, ang dami palang peke at pirata dito sa Bulihan no? Eto pala yung sinasabi mo. Dito tayo bumaba kanina diba para sumakay papuntang Dasmariñas?" ang tanong ni Rafael habang nililibot ng tingin ang mga itinitinda doon.

"Oo kaya hindi natin makakalimutan yung horror movies para mamaya." Ang sagot ko na lang sa kanya habang sinusundan niya ako sa aking tinutungong puntahan na tindahan ng mga piratang pelikula.

"Suki! Eto mga movies natin ngayon. Meron na rin ako kopya ng "Thor" pero malabo pa ang palabas baka hindi mo magustuhan. May mga bagong pelikula din ako na madalas mong bilin.." ang bati sa akin ng tindero kung saan ako madalas mamili. Napansin kong inaabot niya sa akin na parang baraha lang ang piratang kopya ng "Thor" at sa likod nito ay may tatlong M2M na indie films. Binalot ako ng takot sa ginawa ng mamang tindero.

Sa takot na makita ni Rafael ay agad kong kinuha ito at ibinalik sa tindero at sumenyas akong gamit ang aking mga mata at labi na huwag muna ang mga ganong pelikula at baka makita pa ng kasama ko.

Ngumiti lang ang tindero at naglabas na lang ng ibang pelikula at TV series na mayroon siya.

"Manong, may mga horror movies ba kayong bago at magaganda kahit luma na?" ang tanong ni Rafael sa kanya.

"Ay oo! Dito tingin ka dito marami dito magkakasama" ang sabi ni manong kay Rafael habang tinuturo ang bungkos ng mga pelikulang pirata.

Nang hindi nakatingin si Rafael at abalang naghahanap ng pelikula at naglabas ako ng isang daang piso at inabot ito sa tindero. Kinindatan ko si manong at isinilid niya sa isang itim na plastik ang tatlong M2M indie film na pelikula na inaalok niya kanina sa akin.

Madalian niya itong inabot sa akin at agad ko naman itong itinago sa aking likod nang nakaipit sa aking garter.

Pareho kaming nagngisihan ni manong sa aming ginawang transaksyon.

"Manong eto pong lima. Magkano po?" ang tanong ni Rafael sa tindero habang inaabot ang mga napili niyang DVD. Lahat ng pinili niya ay naglalaman ng maraming pelikula na parang compilation.

"Discount naman po kahit kaunti." Ang dagdag pa ni Rafael sa manong habang inilalabas ang kanyang wallet.

"One hundred fourty na lang lahat nito. Tatlo isang daan kasi niyan tapos singkuwenta naman pag-isa lang." ang sabi ng tindero kay Rafael.

"Salamat po!" ang nakangiting sagot ni Rafael habang inaabot ang kanyang bayad.

"Tol… sigurado ka? Ang dami niyan ah. Hindi ka matutulog?" ang tanong ko sa kanya.

"Movie marathon tayo! Imbitahan na rin natin sila Jeremy at Dexter. Pati na rin yung kasama nilang isa." Ang sabi ni Rafael sa akin.

Nakilala na niya pala si Kevin. Nagdadalawang isip tuloy ako sa sinabi niya baka asarin nanaman ako ni Jeremy kay Kevin sa harap ni Rafael at mabisto na lahat ng lihim ko.

"Ah… pinsan ni Dexter yun. Sige sama natin sila pero sandali lang text ko muna sila baka umalis yung mga iyon." Ang sagot ko kay Rafael habang dinudukot ko ang aking telepono upang sabihan si Jeremy at Dexter tungkol sa movie marathon at mag-ingat sa aming panonood mamaya sa bahay habang kasama namin si Rafael kung sila ay sasama.

"Go!Daan kau s bhy kng and2 n kau at mno2od n tau ng movie.Cge secret lng ntin ung k Vinvinpot. :-D" Ang reply sa akin ni Jeremy.

Kinakabahan pa rin ako dahil makulit si Jeremy at baka ilaglag niya ako kay Rafael sa lihim ko.

Maya-maya at may pumasok nanamang mensahe.

"Ngayon pwede?"