Chereads / Ka-ibigan [BL] / Chapter 8 - Ka-ibigan - Chapter 08

Chapter 8 - Ka-ibigan - Chapter 08

"Ang linis ng kuwarto ko!!! At ang bango pa may air freshner kahit hindi ako naka-aircon! Amoy apple!!" ang gulat kong nasabi sa aking sarili nang masaksihan ang maayos ko nang silid.

"Ano ba sumapi dito kay Rafael? Ganda pala pag nababagot ito. Lagi sana siyang mabagot." Ang nasabi ko sa aking sarili habang pigil na pigil akong tumatawa.

Si Rafael ay mahimbing nang natutulog na nakabrief tulad ng dati at mukhang nakatulugan ang pagsusulat dahil nadadaganan niya ang isang mamahaling notebook na medyo makapal at malaki. May hawak pa rin ang kamay niyang ballpen. Nakasaksak ang kayang telepono at naka repeat mode ang kantang unang beses ko lang narinig sa buong buhay ko. Ang awitin ng Up Dharma Down na "Sana".

"Hay nako. Nagsesenti pala ang kumag na ito dito sa kwarto ko. Kaya siguro hinahanap na ako kagabi. Baka gusto niya akong makausap." Ang nasabi ko sa aking sarili.

Ang lungkot ng awitin ngunit hindi naman ako masyadong nakakarelate sa tugtog. Naisip ko na lang na tanugin siya bukas.

Naghubad na ako ng lahat ng aking suot at iniwan lang ang aking boxers.

Dahan-dahan akong lumapit sa kama at saglit na pinagmasdan ang natutulog kong kaibigan. Napakaamo ng mukha niya matulog.

Sa aking pagmamasid sa kanya ay hindi ko naiwasang sumilip sa kanyang nakatulugang notebook na ang nakasulat lang na nabasa ko ay:

"kaibigan ko…"

Privacy niya iyon kaya hindi ko na masyadong inusisa ang pagtingin dito. Pinatay ko na ang ilaw at ang kanyang pinatutugtog at bumalik sa kama. Marahan akong humiga sa kanyang tabi.

Nang makaramdam siguro siya na may tumabi sa kanya ay agad niya akong inakbayan ng kaliwang braso na para lang ba akong isang unan at mahigpit niyang niyakap. Ang laki ng maskuladong braso niya kaya medyo nasakal ako ng kaunti ngunit saglitan lang iyon dahil marahan ding lumuwag ang kanyang kapit.

"Ano ba iyan. Gawin ba akong unan. Baka mamatay na lang ako sa aking pagtulog pag nasakal ako nito." Ang nasabi ko sa aking sarili sa kanyang ginawa.

Habang ako'y nagpapaantok na ay nagbalik sa aking ala-ala si Harold. Ang kanyang mga ngiti, ang kanyang kalungkutan, ang kanyang mga luha, ang kanyang maaliwalas na mukhang nakakaawa pagmasdan pag malungkot, ang mahigpit na nakaw niyang mga yakap.

Hawak ko pa ang aking telepono.

"Ingat k pauwi.Tx m q pg ns bhy k n.mwah!" ang pinadala kong mensahe kay Harold.

"Yehey!ns bhy n rin po aq.Umuwi n rin me pgkaalis m.Smky n rin me s taxi wa n rin kc me dhln pra mgtgl p dun. :-D " ang agad niyang sagot sa akin.

Napangiti ako sa kanyang mensahe.

"Meme n po tau.Swit drims!" ang sinagot ko sa kanya at pinatay ko na ang telepono ko.

Hindi ko pansing nakangiti akong nakatulog sa sobrang kasiyahan na akong nararamdaman.

Nanaginip ako sa mahimbing kong pagtulog. Kasama ko daw si Rafael na may hawak na pala tumatakbo habang hawak kamay ko namang tumatakbo kasabay si Harold. Masaya daw kaming tatlo hanggang si Rafael ay tumigil upag magbungkal ng lupa. Sa ginagawang hukay ni Rafael ay may lumalabas na tubig mula rito. Nanatili akong nanonood sa kanyang ginagawa at tuwang tuwa daw ako at si Harold naman ay nakatakip ang mga kamay sa kanyang mukha at nakatalikod palayo na ayaw makita ang ginagawa ni Rafael.

Sa lumalaking butas ay padami ng padami ang lumalabas na tubing hanggang sa umaagos na ang maraming tubig mula dito. Di nagtagal ay hanggang baywang na ang tubig hanggang sa umabot pa ito nang lampas tao.

Si Rafael ay tumigil na maghuhukay at lumalangoy na nang napakabagal patungo sa akin. Si Harold naman ay biglang naglaho na hindi ko makita sa kahit saan. Marunong akong lumangoy ngunit hindi daw ako makaabot sa itaas upang huminga. Hirap din akong gumalaw dahil kahit malinaw ang tubig ay parang malapot ito.

Nang halos malunod na ako ay naabot ako ni Rafael at kanyang niyakap ng mahigpit. Nagulat ako nang bigla niya akong halikan at may lumabas na preskong hangin sa kanyang bibig. Para siyang mistulang tangke ng oxygen na pag kumalas ako sa kanyang mga halik ay hindi ako makakahinga.

Habang nasa ganoon kaming lagay ay bigla siyang nanginig ng malakas na para bang kinukumbulsyon.

Bigla akong napamulat sa aking paggisin mula aking panaginip. Nakadapa ako at ang mukha ko ay nakaharap kay Rafael. Nakita kong nakakunot ang mukha niya na para bang nahihirapan at umuungol. Nakaakbay pa rin siya sa akin na parang unan at napakahigpit ng kanyang kapit.

Mababahala na sana ako sa kanyang lagay nang mapansing kong nakalabas ang galit na kanya at nakadiin sa gilid ng aking balakang at kinakayod ito. Hindi tumagal ang isang saglit a biglang napadilat si Rafael na humihingal na para bang nabigla at nakatitig sa akin.

Naramdaman ko na lang ang pumupursit na basa sa aking tagiliran at may mga ptumalsik sa aking kanang kamay. Nabasa ang halos kalahati ng boxer shorts ko at ang aking kama. Agad naman akong napatalon paalis ng kama sa pagkabigla at nanatiling nakatitig sa mga mata ni Rafael.

May inis akong nararamdaman na may halong hiya para kay Rafael.

"Ang tanda na niya meron pa siyang ganyan?!!!" ang nasabi ko sa aking sarili.

Namula bigla ang gulat ding mukha ni Rafael na humihingal at humiga ng patagilid nang nakatalikod sa akin. Marahil ay nahiya sa kanyang pinagdaanan.

Ayaw kong mapahiya si Rafael dahil normal iyon ngunit hindi ko inaasahan na sa ganitong lagay kami mangyayari sa kanya iyon. Hindi ko rin gusto pag napapahiya siya dahil nawawala ang kinagigiliwan kong ugali niya pag siya ay nahihiya na napansin ko kapag napapahiya siya sa aming opisina.

Sa isang tabi ng aking isip ay gusto kong amuyin at dilaan ang mga buo-buong nakadikit na mainit-init pa sa aking kanang kamay na tinamaan niya kanina. Para akong bampirang magdedeliryo.

Hindi ko alam ang lasa ng katas kahit meron ako noon ay wala akong balak tikman. Hindi ako nagdalawang isip at ginawa ko ang idinidikta sa akin ng aking isipan na sabik na sabik matikman ang sa iba. Amoy clorox din tulad ng ngunit manamisnamis. Halos tumirik ang aking mata. Para akong bampirang nakalasap ng dugo sa unang pagkakataon.

Inayos ko ang aking sarili. Lumapit ako sa kama at tinapiktapik ang puwet niya.

"Tol… okay lang iyon. Kala ko naihi kasi ako sa kama. Gusto mo ako na lang maglalaba mamaya ng kobre kama?" ang malumanay kong panlalambing sa kanya.

Hindi siya umiimik kaya sagad kong binanat ang garter ng brief na binili niya sa Bench sa bandang likod at binitiwan ito upang pumitik sa kanyang balat.

"Aray!!!!! Joseph naman!!! Ang sakit!!!!" ang alma niya sa aking ginawa.

Humarap siya sa akin na bakas ang inis sa mukha at isang pilyong ngiti lang ang binigay ko sa kanya.

"Ako na nga itong diniligan mo ikaw pa may ganang magalit?" ang sabi ko sa kanyang pabiro.

"Hindi ko naman alam… nagising na lang ako at hayan na…" ang nahihiya niyang sinabi sa akin.

"Sa atin lang ito ha?" ang dagdag pa niya.

"Oo. Sige na, malapit na magtanghali. Labahan na natin yan para magamit agad natin mamaya. Hindi ko pa kasi nalalabahan yung isang cover kasi kakapalit ko lang." ang sabi ko sa kanya.

"Sige pero tulungan kita." Ang kundisyon niya.

Bumangon siyang hindi nag-aayos ng sarili at napatitig lang ako sa kabuuhan niya. Nakalabas pa rin sa gilid ng kanyang singit ang kanya.

"Tol… " ang nasabi niya matapos ito biglang takpan at ibinalik sa loob.

"Tol… ano yang nasa gilid ng labi mo?" ang tanong niya habang parang sinusuri ang aking mukha.

Agad ko itong kinapa ng kanan kong kamay ang aking buong bibig na nakalimutan kong may laway ko at syrup niya. Nanlaki ang mga mata naming dalawa.

Marahil dahil nakita niyang ipinunas ko pa sa aking mukha lalo ang kanyang cream. Ako naman ay nabigla dahil sa nakalimutan kong maling kamay ang pinamunas kosa aking bibig. Hindi ko alam ang gagawin kong reaksyon. Pareho lang kaming natigilan.

"YAAAAAAAAAKKKKKKKKKKKKK!!!!!!" ang kong malakas na sigaw na sinabayan na rin ni Rafael.

Wala na akong magagawa. Aarte na lang ako kunwari na nandidiri ako kailangan itodo ko na tong talento kong ito. Binalot ako ng kilig.

Si Rafael marahil ay nakaramdam ng pandidiri kaya rin sumigaw ng ganon.

Pilit kong nagkunwaring nandidiri at si Rafael naman ay nagsimula nang magpigil ng pagtawa.

"Tol… mas maganda ba sa Olay yang honey ko?" ang pabiro niyang tinanong sa akin habang natatawa pa rin.

"Kumag ka… Gusto mo try yung akin? Saglit lang paparaos lang ako." ang nasabi ko na lang sa kanyang naiinis na pagpapanggap.

Maya-maya ay may kumakatok sa pintuan ng bahay na parang nagmamadali dahl sunud-sunod ang mga katok.

Agad namin itong binaba ni Rafael dahil akala namin kung ano. Nakalimutan namin ang aming itsura at hinarap ang taong kumakatok.

Si Rafael ay nanatili sa likod ng pintuang aking marahang binubuksan upang makinig sa aking pakikipag-usap. Mukha ko lang ang aking inilabas.

Si Dexter pala ang kumakatok na naka sando at black shorts lang na medyo basa.

"Anong nangyari? Naglilinis ako ng kotse nang makarinig ako ng sigaw niyo ni…" napatigil siya sa kanyang sasabihin at nanlaki ang kanyang mga mata sa likod ng kanyang salamin.

"Joseph… ano yang nasa baba mo? Parang ano…" hindi na niya tinuloy ang kanyang sasabihin at tinuro na lang ang aking bandang bibig.

Naramdaman kong bigla itong tumulo pababa sa aking leeg. Dumaloy lahat halos ng dugo ko sa aking mukha.

Bigla kong naisara ang pintuan nang aking maalalang hindi ko pa pala pinupunasan ang aking mukha. Tumatawa naman si Rafael na nakatitig sa akin.

"Dexter!!! Mamaya na lang tayo mag-usap… Si Rafael na lang kakausap sa iyo…" ang sigaw ko sa likod ng pintuan para marinig ni Dexter.

"Bahala ka na diyan…" ang naiirita kong sinabi kay Rafael sabay tungo sa aking silid upang magpunas.

"Eh… Dexter… pasok ka muna sa sala dito ko na lang ikukuwento…" ang nahihiyang imbita ni Rafael kay Dexter.

Umupo na silang dalawa sa sofa habang hiyang hiya si Rafael sa pagbigay kay Dexter ng detalye. Hindi agad ako bumaba upang pakinggan ang kanilang pag-uusap sa likod ng hagdan habang hawak ko ang basang kobre kama. Naniguro akong tama lahat ng sasabihin ni Rafael kay Dexter. Buti na lang tama sinabi niya dahil malilintikan siya sa akin.

"Ah ganun ba.... Ganda naman ng umaga niyo! Okay lang yan tol! Natural yan. Pero yung nangyari kay Joseph… sa atin na lang ha? Baka alaskahin siya ni Jeremy habang buhay dahil doon." Ang malumanay ngunit natatawang sinabi ni Dexter kay Rafael.

Bumaba akong dala ang kobre kama.

"Good morning Dexter!" ang masaya at kalmado kong bati sa kanya.

"Eto na yung cover… labahan na natin…" ang seryoso kong sinabi kay Rafael.

"Gusto niyo magbreakfast? Magluluto kami ni Jemykoy ngayon nandon siya sa kusina naghahanda ng aming lulutuin." Ang imbita ni Dexter upang hindi na namin pag-usapan pa ang nagyari kanina.

"Thank you tol! Sige sasalo kami ni Joseph. Di ba Seph?" ang sabi ni Rafael sabay tanong sa akin na nakasisigurong sasama rin ako sa kanya kina Dexter. Tumango lang akong nakangiti kay Dexter.

"Sige tol, maglalaba muna kami para maihabol sa araw yung bedsheet kasi wala kaming magagamit mamaya." Ang paalam ni Rafael kay Dexter habang ako naman ay tinumbok ang likod ng bahay upang labahan na ang aking dala.

Ihinanda ko na ang batya sa sahig at inilagay doon ang bedsheet samantalang kahit malapit lang ang aming labahan hindi pa rin siya dumarating.

Habang pinupuno ko na ng tubig ang batya ay narinig kong nagpapatugtog si Rafael at sumasabay sa pagkanta sa awitin habang papalapit sa aking kinaroroonan. "Oo" ng Up Dharma Down.

Tumayo siya sa tabi ko at umaawit habang nakatingin sa akin habang ako ay nakaupo sa bangko.

Maganda ang boses ni Rafael. Ngayon ko lang ito nabigyang pansin.

Tinulungan na niya ako sa paglalaba at maya-maya ay nagsimula na kaming magkulitan. Para kaming magkapatid na nagkikilitian at nagbabasaan.

Ang saya naming dalawa ngunit alam kong hanggang doon lang iyon dahil matigas pa siya sa bato sa pagkalalake niya.

"Seph, tapusin na natin to. Nagugutom na ko." Ang pakiusap niya bigla habang kami ay nagkukusot.

"Eh di banlawan na natin at isampay nang makakain na tayo kila Jeremy." Ang sagot kong nang-aasar sa kanya.

Binanlawan na namin ang aming nilalabhan at sinampay na matapos naming pagtulungan pigain ito mabuti.

"Next time nga gumamit ka ng rubber para may pansalo ka niyan ha?" ang pabiro kong sabi sa kanya.

"Ayaw mo non? Everytime malalabhan natin yung cover di na natin kailangang alalahanin? Isa pa ayoko non nasasakal si manoy kasi walang kumakasha dito." ang pabiro rin niyang sagot sa akin.

"Hmph… Yabang! Hindi mo dapat ipagmalaki ang laki niyan sa akin no… hindi ako babae para mahumaling jan sa manoy mo." Ang pikon kong sagot sa kanya.

"Pwede mo naman…" ang sabi niyang pabiro ngunit bigla siyang natigil.

"Ano? Putulin ko yan eh." Ang pikon kong sagot sa kanya.

"Anong pwede kong ano?" ang naitanong ko naman sa aking sarili sa kanyang sinabi.

"Nagugutom na talaga ako Seph… kumakalam na… nanlalambot ako…" ang nagmamakaawa niyang sinabi sa akin habang isinipit ang huling bahagi ng aming sinasampay na wala pang sipit.

"Gusto mo sumugod kila Dexter ng ganito suot natin? Na may mga namumuo at nababakbak nang honey mo sa brief mo at boxers ko?" ang hamon ko sa kanya.

"Shower muna tayo. Amoy pawis na tayong dalawa eh. Sabay na tayo baka naghihintay na sila kanina pa." Ang sabi niya sa akin.

Naisip ko bigla si Jeremy na baka naghihintay na nga. Mainipin pa man din yon at madali mag-init ang ulo pag naiinip. Hindi rin ako makahindi sa pagyaya ni Rafael dahil bukod sa tama siya baka isipin din niya na naiilang akong maligo kasabay niya dahil kung wala lang sa akin iyon ay bakit nga naman ako aayaw.

"Tara!" ang yaya ko sa kanya habang kinukuha ko ang aming mga nakasampay na tuwalya.

Tinungo namin ang banyo at sabay na pumasok.

"Tol… walang haharap sa ating dalawa ha. Talikuran tayo at walang maghuhubad ng underwear. Kuskusin na natin sa loob. Hindi ako sanay na may nanonood sa akin at may nakahubad sa harap ko." Ang agad kong sinabi sa kanya. Baka hindi ko mapigilan magreact sa masasaksihan ko kasi.

"Nakita mo na ngang sumusuka ito kanina eh. Hindi naman to galit. Hirap kaya maligo ng may suot." Ang sabi ko sa kanya habang hinihimas ang kanyang pututuy.

"Sige na, please. Igalang mo naman yung hiling ko." Ang sabi ko sa kanya.

"Okay tol. Iginagalang ko pakiusap mo." Ang seryosong sagot niya.

Nagsimula na kaming maligo ng ayon sa amin napagkasunduan. Habang naliligo ay ipinakuwento niya sa akin ang aking date kagabi ngunit binago ko ng kaunti ang aking kuwento sa kanya dahil ang alam niya babae ang kadate ko.

Malungkot naman siyang nakikinig sa aking mga kuwento sa di ko malamang dahilan.

Natapos kaming maligo at naghubad ng aming mga underwear habang nakatapis ang aming mga tuwalya.

Sabay na rin kami nagbihis ng pambahay nang hindi nakikita ang ano ng bawat isa.

Agad naming tinungo ang bahay nila Jeremy sa loob.

Sa sala nila Jeremy ay nakaupo silang magkatabi ni Dexter sa sofa. Tulad ng dati, naglalambingan.

Kumunot ang noo ni Jeremy nang kami ay makita. Tumayo siya at namaywang.

"Ang tagal niyo! Did you guys wash more than your bedsheet?" ang mataray na tanong sa amin ni Jeremy.

"Sorry po inay… naligo muna kami bago kami pumunta dito." Ang sabay naming bigkas kay Jeremy habang nakayuko sa pagsisisi.

Humalakhak si Dexter sa aming tatlo habang si Jeremy naman ay nagtaka sa kanyang narinig.

"Wendy ko… tara na… kain na tayo… gutom na ang lost boys natin mahal ko…" ang yaya ni Dexter sa aming lahat upang kumain na habang natatawang nakahawak sa kanyang tiyan.

Biglang umamo ang mukha ni Jeremy at nanlambing kay Dexter na humahagikgik.

"Peter Pan ko… ang tigas kasi ng ulo ng mga bata mo eh… gusto mo gawa pa ulit tayo mamaya bago matulog or before we go to work?" ang sabi ni Jeremy kay Dexter.

"Ang cute cute talaga ng bunso ko!!! Kakagigil!!! Opo… gagawa tayo ng baby later… itago mo muna si Puti sa bartolina niya baka manood siya sa atin mabulag iyon…" ang nangigigil na sagot ni Dexter na tinutukoy pa ang putting teddy bear ni Jeremy.

Nang matapos kami mag-almusal ay nagpaalam na kami ni Dexter. Hindi ko naikuwento sa kanila ang aking date dahil ibang detalye ang maibibigay ko sa kanila sa harapan ni Rafael.

Sa aking bahay ay bumalik kami ni Rafael sa aking silid upang piliting makatulog muna bago pumasok mamayang gabi sa trabaho. Pareho kaming nakahilata sa kamang parang ibinuburol lang ng magkatabi habang ako ay katext si Harold. Iniba ko ang pangalan ni Harold sa aking telepono. Heather ang iniligay kong pangalan niya.

Nakikinig kami pareho sa paulit-ulit niyang tugtugin na "Tadhana" ng Up Dharma Down.

Habang masaya kong kausap si Harold ay hindi naman maiwasang maki-usisa ni Rafael.

"Seph… masaya ka ba ngayon?" ang tanong niya sa akin habang malungkot ang kanyang mga titig na bale wala lang sa akin.

"Sa totoo lang masaya ako pero alam ko pag naging kami ni Ha—Heather sigurado mas sasaya pa ako. Miss ko na nga siya ngayon." Ang masaya ko namang sagot sa kanya habang abot tenga ang aking ngiti.

"So… Hindi pa kayo?" ang tanong niya habang sa kisa me na siya nakatitig.

"Hindi pa eh… ayokong magmadali… sabi kasi nila… mabuting kilala mo muna ang mamahalin mo bago mo ibigay ang puso mo… para hindi ka masaktan bandang huli…" ang sagot ko sa kanya.

"Totoo… Pero ang tagal mo nang naghintay diba?" ang sunod niyang tanong.

"Kung kailangan ko pa rin maghintay okay lang basta ang mahalaga may tinatarget na ang puso ko dati wala talaga." Ang sagot ko sa kanya.

"Naghahanap ka kasi… hindi ka tumitingin sa tamang lugar… nakikita mo lang ang gusto mong makita… pero yung mga gustong magpakita sa iyo… hindi mo nakikita… kaya siguro ang tagal mong naghintay na may dumating sa puso mo… siguro… hindi ka na naghintay ng ganyan katagal kung nakita mo lang siya… Sana siya na yung hinihintay mo… sana hindi ka niya saktan dahil lubos na masakit pag nasaktan ka niya… " ang seryosong mga sinabi ni Rafael na natiling nakatingin sa kisame.

"Salamat pare… huling part naintindihan ko pero yung mga una mong sinabi nahirapan ako. Pero Salamat talaga.." ang seryoso kong pasasalamat sa kanynag payo.

"Tol… hirap akong matulog ng nakahilata. Pwede ka bang tumagilid para madantayan na parang unan? Siguro naman sanay ka na. Please?" ang pakiusap niya.

Wala naman malisya kaya…

"Sige ba. Basta ba wag mo lang akong titirahin habang natutulog ha? Wala akong bahay bata. Takot ko lang jan baka hindi ako makapasok sa opisina." ang pabiro kong sinabi sa kanya habang tinatapik ng marahan ang kanyang manoy.

"Ayan nagalit na!" ang bigla niyang sinabi nang biglang umumbok ang kanyang harapan.

"Ay sorry po! Sige na tulog na tayo at ilayo mo sa akin yan." Ang utos ko sa kanya.

"Sabahin mo pag-iniwan ka niya... ihahanap kita sa mga babae ko ha?" ang huling sinabi niya.

Ipinatong niya ang kanyang kaliwang braso at hita sa aking tagiliran at nakatulog na rin kami pareho.