Chereads / Ka-ibigan [BL] / Chapter 11 - Ka-ibigan - Chapter 11

Chapter 11 - Ka-ibigan - Chapter 11

"Ako naman… gusto na kita…" at isang matamis na ngiti lang ang ibinalik ko sa kanya.

Maya-maya ay nakramdaman kong nanginginig ang aking teleponong naka silent mode.

"Saglit lang ha?" ang paalam ko kay Harold nang maistorbo kami.

Kita sa nakailaw pang screen ng aking telepono habang tuloy itong nanginginig sa tawag na galing kay Rafael.

"Tol… bumaba ako sa CDCP pupunta kasi ako sa girlfriend ko. Ang daya mo sasabay na sana ako sa inyo. Pag-uwi na lang tayo sabay mamaya ha?" Ang sabi niyang agad pagkasagot ko.

Hindi pa ako nakapagsasalita ay agad niyang ibinaba ang tawag marahil nag-iingat sa maaaring mandarambong sa kanyang telepono.

"Si Rafael… pupunta daw sa babae niya sa Biñan." ang natatawa kong sabi sa kay Harold ibig ipaalam kung sino ang aking kinausap.

"Ah… good… at least hindi siya lonely diba? Gusto mo sa amin ka magstay for the night?" ang direktang tanong sa akin ni Harold na ikinalulugod ko ngunit may halong kaba.

Wala na rin naman akong masasakyan pauwi ng mga ganoong oras. Wala na rin akong nagawa kundi ang pumayag. Agad kong pinadalan ng text si Rafael matapos nito.

Hindi naman kami agad umuwi kina Harold. Sa katunayan, naka inom pa kami ng kaunti. Naglalambingan, naghahalikan, at nagyayakapan na hindi panakaw sa madlang nakapaligid sa amin.

"Harold!!! Ano gigimik ka pala ngayong gabi? Sana sinabihan mo kami!" ang bati sa kanya ng isang lalaking naggaling sa aming likuran.

"Ah… eh... may kadate kasi ako ngayon… siya nga pala siya si Joseph…" ang nahihiyang sagot ni Harol sa lalaking bumati sa kanya habang ipinakikilala ako.

Lalakeng lalake ang itsura ng bumati sa kanya at di ko amoy ang lansa niya. Hindi ko gaanong narinig ang pangalan nito gawa ng maingay na musikang biglang tumugtog.

Binulungan si Harold sa tenga ng kanyang kakilala at bakas sa mukha ni Harold ang pagkakilit sa kanyang narinig.

"Pwede bukas? Uwi na kami mamaya ni Joseph eh.." ang sagot ni Harold sa kanya.

"Ikaw ang bahala…" ang sagot nang lalaki at umalis na.

"Ano yun? Bakit nakikiliti ka sa sinabi niya?" ang tanong kong nagtataka sa mga nangyari.

Napansin kong basa ang tengang binulungan ng lalaki. Walang duda, dinilaan iyon ng lalaking iyon. Nakaramdam ako ng matinding inis ngunit nanatiling bukas ako sa mga posibilidad dahil hindi ko pa masyadong gamay ang mudong alam na ni Harold.

"Wala lang… nagyayaya na pumunta daw tayo sa kanila. Dun daw natin tuloy inuman natin" ang sagot naman ni Harold at nakaamoy na ako ng panlilinlang.

"Ah ganun ba? Masaya yun ha… libre pa tayo inom… isa pa gusto ko makilala ka at ang mga kaibigan mo." Ang agad kong sagot sa kanya upang mapakagat siya sa aking binabalak na alamin ang iba pag detailye dun sa lalaking lumapit sa kanya.

"Ah… wag na lang tumanggi na ako eh… nakakahiya." Ang palusot ni Harold.

Naging kalmado lang ako pero bawas pogi points na siya sa mga nakita ko.

"Sagot ko na lang wag ka na mag-alala." Ang sabi niya upang makabawi.

"Wag na. Medyo lasing na rin ako baka buhatin mo na ako sa inyo niyan." Ang palusot ko na lang sa gusto niya.

Ayaw kong malango. Gusto ko siya pero hindi pa ako handang ibigay ang katawan ko sa kanya. Lalong ngayon pa't nabawasan ang tingin ko sa kanya dahil sa mga nangyari.

"Uwi na tayo sa amin ubusin na natin ang huling bote natin." Ang pagmamadali niyang pakiusap sa akin. Mukhang may balak siya.

"Ay nga pala… gusto kasing magpasama ni Rafael sa akin pauwi kasi nasa akin ang susi ng bahay namin." Ang palusot ko sa kanya habang inilalabas ang aking susi bilang pruweba.

"Ay ganon ba? Gusto mo si Rafael isama na rin natin pauwi kung okay lang sa kanya? Siguro naman baka okay na siyang sumama sa atin ngayon." Ang sabi niyang may pilyong ngiti.

Nagsimula na akong mainis kay Harold. Si Rafael na ang pinag-uusapan. Wag lang ang kaibigan ko sa bagay na ganito. Unahan pa ako ng kumag na to.

"Ay sige pero dun ko daw siya kikitain sa girlfriend niya." Ang pagsisinungaling ko na lang sa kanya.

"Ah ganun ba mahal ko? Sayang naman. Nag-aalala lang kasi ako sa iyo na babyahe ka tapos kung sasabay lang sa iyo si Rafael ay dalawa na kayong lalakad na ng gabi na." Ang sabi niya.

Hindi ko alam pero parang lumabas lahat ng aking narinig sa kabila kong tenga. Si Rafael na kasi ang usapan.

"Okay lang yun. May pupuntahan pa kami ni Rafael mamaya eh." Ang palusot ko pa rin sa kanya.

Tumayo ako sa aking upuan at inabutan siya ng aking parte ng bayarin sa aming inuman. Medyo nahirapan ako tumayo ng tuwid dahil susuray-suray na ako sa lasing.

"Ingat ka ha? Salamat." Ang paalam ko sa kanya.

Nang makalabas ako sa bar. Hindi ko inakalang parang hindi ko na kakayanin pa ang aking sarili. Agad kong tinawagan si Rafael. Bahala na kung makaistorbo ako sa kanya.

"Hello…? Raf…? S-sorry… nasobrahan… ako… pwede… mo… ba… akong… sunduin… dito… sa… W-watson's…? Tabi… ng… Pacita… Comp…" ang sinisinok kong pakiusap kay Rafael na hindi ko na naituloy sa pagsuka.

"Okay bro… wait mo ko jan. Wag ka muna lumakad lakad. Stay put." Ang nag-aalalang sabi ni Rafael sa kanya.

Akala ni Rafael ay nasa Watson's na ako kaya pinilit kong dalin ang aking sarili sa aming tagpuan. Nang makarating ako doon ay naupo na lang ako sa gutter na sa gilid lang ng isang floxer box ng mga santan.

Hindi ko na namalayang mabilis lumipas ang oras at dumating na si Rafael.

"Bro… kamusta? Okay ka lang ba?" ang tanong ni Rafael na halata ang pag-aalala.

"Okay lang ako… nakasuka na ako… mabigat lang ulo ko…" ang daing ko sa kanya.

"Bro… maaga pa masyado wala tayong sasakyan… palipas muna tayo ng oras dito." Ang sabi niya. Alas dos pa lang pala ng umaga nang tignan ko ang aking relo.

Umupo siya sa aking tabi at pareho kaming sumandal sa flower box. Hinawakan niya ng kanyang kaliwang kamay ang aking ulo at isinandal sa kanyang balikat at dibdib habang nakaakbay na siya sa akin.

Medyo malamok kaya mapay ang tapik namin sa aming balat. Ang mga natatapik ko naman ay bigla niyang hinahaplos na para bang inaalis niya ang kati na dala ng pagkagat ng mga lamok.

Dama ng aking pisngi ang mabilis na tibok ng dibdib ni Rafael na parang musika.

Hindi ko napansin na nakatulog ako sa kanyang tabi sa sobrang kalasingan. Huli ko na lang naramdaman ay ang nakadiin sa aking nakapatong na ulo ang kanyang baba. Para kaming yagit na magkapatid na walang tahanan. Naramdaman kong ligtas ako sa tabi ni Rafael.

Lumipas ang ilang oras at magbubukang liwayway na.

"Joseph… pwede na tayo bumyahe pauwi… Joseph…" ang malambing na pangigising niya sa akin.

Nagpungas ako at inayos ang aking sarili. Matinding sakit ng ulo ang aking nararamdaman. May tama pa rin ako ng kalasingan.

"Rafael… pasensiya ha? Nakatulog na pala ako." Ang nahihiya kong sambit sa kanya. Hindi ako makatingin ng tuwid.

"Okay lang iyon… madaling napalapit loob ko sa iyo lalo na nang maging housemates tayo… para lang kitang kapatid." Ang malambing na sagot niya.

Hindi na ako sumagot at tumayo na. Hindi naman agad tumayo si Rafael kaya balak ko sana siyang alalayan.

"Pwedeng mamaya na lang kaunti? Matigas eh?" ang nahihiya niyang sinabi sa akin habang tinutuko ang kanyang umbok.

"Ano ba yan Rafael!!! Bakit naman tumayo yan?" ang natatawa kong sinabi sa kanya.

"Eh… kasi nung natutulog ka yung mainit mong hininga pumapasok sa butas ng shirt ko nakikiliti dibdib ko. Ayaw naman kitang gisingin or igalaw ng kaunti kasi maka magising ka. Kaya ayun, tiniis ko na lang kiliti na ginagawa mo sa akin ng hindi mo alam." Ang paliwanag niya.

Inabot kami ng trenta minutos humupa lang ang kanya at umuwi na sa amin.

Sa malayo, abot tanaw naming naabutan namin si Dexter at Jeremy na nag-uusap ng masinsinan. Inaakay ako ni Rafael nang amin silang lapitan.

"Anong meron dun sa dalawa?" ang tanong sa akin ni Rafael habang kami ay papalapit sa kanila. Hindi ko sinagot si Rafael.

"Jeremy… Dexter… anong meron?" ang tanong ko sa dalawa.

"Kinukuwento ko kay kuya yung nangyari kagabi. Sabi niya dun na lang tayo sa company ni kuya magwork. Hindi ko kasi sa kanya inamin na nahihirapan na ako doon…" ang paliwanag ni Jeremy habang nakatitig sa naaawang mga mata ni Dexter sa likod ng kanyang salamin,

"Kuya… sorry ha?... mahal ko kasi trabaho ko… ayaw mo na mahihirapan ako pero nahihirapan din kasi ako sa magiging setup natin sa company niyo. Ayaw ko naman umasa sa iyo dahil gusto ko kahit papaano nakakatulong ako sa finances natin. Di ako lumaking mayaman." Ang sabi ni Jeremy kay Dexter.

"Ang bunso ko talaga… wala ka naman dapat patunayan mahal ko. Bilang asawa mo ako ang pupuno ng mga pagkukulang mo. Ikaw ang ilaw ng tahanan natin at ako naman ang haligi. Di ba yun ang usapan natin noon?" ang paalala ni Dexter kay Jeremy.

Ang ganda nila pagmasdan. Nakakainggit.

Hindi ko napansin na nakatingin pala sa akin si Rafael sa dala habang bakas ang inggit sa aking mukha habang ako ay inaakay niya.

"Seph. Bakit ang lungkot mo?" Ang puna ni Rafael.

"Ah… wala… naisip ko lang kung ano ang kinabukasan ko… financially madali naman makahanap ng trabaho pero sa relationship… maging kasing ganda kaya ng samahan nila ang sa akin?" ang walang takot kong ibinahagi kay Rafael na baka makahalata.

"Ay oo naman, tol! Ikaw pa! Baka nga maging katulad mo pa nga si Dexter sa mapapangasawa mo balang araw eh." Ang pagpapalakas loob naman sa akin n Rafael.

"Sana nga. Pero sa mga nakikita ko kay Harold mukhang hindi iyon aakyat ng another level eh." Ang nasabi ko sa aking sarili.

Iniwan ko muna ang tatlo malayo sa kanila saglit upang kamustahin si Harold. Tinawagan ko siya sa kanyang telepono ng ilang beses ngunit ilang beses din niya itong ibinaba.

Hindi ko na ito pinansin at bumalik na lang sa paligid ng tatlo.

"So… ano plan niyo Seph? Rafael? Gusto niyo bang sa amin na lang magtrabaho?" ang nag-aalalang tanong sa amin ni Dexter.

"Sige tol!! Tatanawin naming malaking utang na loob iyon!!" ang masayang sagot ni Rafael sa alok ni Dexter sabay tapik sa akin puwit na aking kinabigla. Alam niyang medyo lasing pa ako sa mga oras na iyon.

"Oo, Dexter. Kukunin namin ang alok mo. Maraming salamat!" ang sagot ko sa kanya sabay tingin kay Rafael at tinapik din ang kanyang puwit.

"Sige, bukas pag-usapan natin ang tungkol dito. Pahinga muna kayong dalawa." Ang sabi ni Dexter.

Nagpaalam na kaming dalawa at umuwi habang akay ako ni Rafael. Sabay kaming bumagsak sa aking kamang pagod.

Sa bigat ng aking katawan dala ng pagod, puyat, at pagkalasing. Hindi ko na pinansin na nakadapa ako sa kama at si Rafael ay nakapatong sa akin. Walang malisya.

"Joseph… gising ka pa?" ang tanong ni Rafael habang gumagalaw ng kaunti sa aking likod upang ako'y yugyugin. Hindi ako makaimik sa sobrang pagod ngunit gising pa ako.

"Sa tagal ng panahon na pinagdaanan natin bilang officemates at magkaibigan. Ngayon naman ay sabay nating susuungin ang problemang ito. Gusto kitang kasama palagi. Wala akong kapatid alam mo yan. Sana ituring mo akong parang kuya mo. Nananabik kasi ako sa isang bunsong kapatid. Sana kahit natutulog ka na nakikinig pa rin ang puso mo." Ang seryosong sinabi ni Rafael.

Lumambot ang aking puso sa kanyang sinabi. Wala rin akong kapatid. Nadampi niya ang aking itinatagong pangungulila na magkaroon ng isang kapatid. Hindi ko napigilang lumuha sa aking nararamdaman. Kahit papaano, may tatayong kuya na para sa akin.

Hindi niya napansin ang aking pagtangis ng nakapikit sa kaligayahan na aking nararamdaman.

Niyakap niya akong mahigpit na nakakapit lang sa aking mga balikat. Bumangon siya at inayos ako sa aking pagkakahigang nakadapa. Nanatili lang akong nakikiramdam.

Ihinilata niya ako sa aking pagkakahiga at napatilig saglit marahil ay napansin niya ang aking mga luha nang kanya sanang aalisin ang aking shirt. Nang mahubad niya ang aking suot ay pinunasan niya ang aking mga luha ng kanyang mga kamay.

"Ang baby bro ko talaga… lasing na tulog na nga umiiyak pa… sana narinig ng puso mo ang sinabi ko sa iyo kanina…" ang malambing na sinabi niya inakalang natutulog na nga ako.

Hinubad niya ang aking sapatos, medyas, at ang maong ko. Ganito pala ang pakiramdam ng may nag-aalaga sa iyo.

Matapos niyang alisin ang aking damit at itinira ang aking puting brief at narinig ko ang pagbukas ng kanyang zipper at pag yabag ng paa niya. Marahil ay nagpapalit na rin siya ng pantulog. Ngunit pawang natigil lahat ng kanyang nagagawang ingay sa kanyang pag-aayos.

Ilang minuto ang nakalipas marahil ay gising pa rin akong nanatiling nakapikit at nakikiramdam. Naramdaman ko na lang ang biglang pagupo niya sa tabi ng aking kama at nakakarinig ako ng tubig na parang galing sa pagpiga mula sa isang tela.

Hindi nga ako nagkamali, pupunasan niya ako.

"Kawawa naman ang kapatid ko. Pagod na lasing pa." ang malambing niyang sambit bago ko maramdaman ang pagdampi ng basang bimpo sa aking noo na tumuloy na ipinunas sa aking mukha, leeg, dibdib, at ibang bahagi ng aking katawan.

Nang nasa tiyan na niya ko pinupunasan ay nakikiskis ng braso niya ang akin na hindi ko naiwasang magalit.

Isusunod na niya sana ang aking singit nang mapansin ang akin.

"Ang baby bro ko talaga pademure. Tigasin din pala tulad ni kuya Raffy niya." Ang pabirong lambing niyang nasambit. Hindi pa rin ako umiimik.

Pinunasan na niya ang kanyang mga pupunasan pa hanggang sa natapos siya.

"Baby bro ko… magshshower lang si kuya Raffy mo…" ang bulong niya sa akin at sabay tumuka ng halik sa aking mga noo.

Mabilis siyang umalis tungong banyo dahil rinig ko ang mabilis na pag yabag ng kanyang mga paa paalis sa aking tabi.

Ang sarap ng pakiramdam ng may kapatid.

Hindi pa rin ako nakatulog sa sayang nararamdaman ko. Ang init ng puso ko.

Saglit lang si Rafael nagshower narinig ko agad ang mabilis niyang mga pagyapak tungo sa aking silid.

"Tulog pa rin ba baby bro ko?" ang mahina niyang sinabi na hindi ko sinagot at marahan siyang tumabi sa akin.

Nakatagilid siyang humiga sa aking tabi nang nakaharap sa akin. Hinahaplos ang buhok sa aking noo.

"Baby bro… alam mo… thank you talaga pinayagan mo akong manirahan kasama mo dito sa bahay mo. Itinakwil kasi ako ng parents ko. Pero saka ko na sasabihin sa iyo ang dahilan. Basta ang mahalaga ay kapamilya na kita. Kapatid kita at mahal na mahal kita. Magaang na ang loob ko sa iyo nang nasa opisina pa payo nang pareho tayong nagsisimula pa lamang." Ang sabi ni Rafael na malambing na inakalang hindi ako nakikinig.

"Bakit siya itinaksil sa kanila? Baka nabuntis na niya yung girlfriend niya. Alam ko nagpupundar siya para sa magulang niya sa Batangas pero bakit naman ganoon? Mabigat na dahilan siguro iyon. Pero baka nga nabuntis na niya isa sa mga girlfriends niya. Ang hilig kasi eh." Ang pakikipagusap ko sa aking sarili.

"Joseph, Baby bro ko. Alam kong straight ka rin at hindi mo ako nakikitang mushy ako. Laging brusko. Hindi mo nakikita ang soft side kong ito. Mahal kita bilang isang kapatid at masaya akong sabihin sa iyo ito ngayon. Sana nga iisa na lang magulang natin. Gusto ko lang malaman kahit ng puso mo man lang. Lubos akong nagpapasalamat na nakilala kita." Ang mga dagdag na sinabi ni Rafael.

"Baby bro… Raffy na itatawag mo sa akin ha? Kahit alam kong di mo ko naririnig sana ang puso mo ang magturo sa iyo ng sinasabi kong itatawag mo sa akin." Ang huli niyang sinabi at humalik sa aking pisngi.

"Pasensiya na kay junior ha? Ganito kasi lagi ito. Sensitive. Galit nanaman dahil sa pagshower ko kanina." Ang pabirong lambing niya na hindi ko sineryoso dahil tulog nga kunwari ako.

Ihiniga niya akong nakatagilid at niyakap ng mahigpit sa aking baywang.

"Baby bro… Paipit lang si junior sa legs ha? Malamig eh." ang pilyo niyang sinabi na aking ikinagulat.