Ilang linggo ang lumipas. Umaga ng isang araw.
Gumising akong nag-iisa sa kama. Kakaiba ang pakiramdam. Maagang umalis si Raffy.
Tamad na tamad akong bumangon sa aking kama upang maupo sa gilid ng kama. Pilit ginigising ang aking natutulog pa rin na diwa. Inunat ko ang aking mga pwedeng unatin habang nakaupo.
Napabuntong hininga na lang ako matapos umunat. Iniisip ko ang buhay ko ngayong mag-isa na lang ako muli sa bahay kapag umalis na tungong Singapore si Raffy. Ticket na lang niya ang hinihintay.
Kinuha ko ang aking teleponong nadaganan ko nang dahilsa nakatulugan kong nakikinig ng mahinang trance music habang nagbabasa ng blog dito.
Naiwan ko palang nakabukas ang blogsite na binabasa ko kagabi habang nasa dati kaming gawi ni Raffy sa posisyon sa pagtulog at mahimbing siyang humihilik.
Nais kong pakingan muli ang pinatugtog ni Raffy nang ako'y nalulugmok sa inakalang iiwan na ako ni Harold ng walang dahilan. Matapos piliin ang tugtog ay isinaksak ko muli ang mga earphones sa aking tenga.
Kailangan kong maging masaya para sa kanya. Kahit sandali lang susuklian ko ang pagaaruga niya sa akin bilang kapatid. Sisiguraduhin kong bago siya umalis sa harapan ko sa departure. Ipapadama ko sa kanya na kahit na magkalayo man kami ay nandito lang ako. Naghihintay at umaasang mabuti ang kanyang kalagayan.
Tamad na tamad akong tumayo mula sa pagkakaupo at hinila ang aking mabibigat na paa tungo sa sala. Wala akong ganang kumain.
Sa sofa, naupo akong nakatulala. Nag-iisip kung ano pang pwede kong gawin maipadama lang kay Raffy ang pagpapahala ga ko sa kanya bilang isang kaibigan at kapatid.
Wala akong maisip. Kaya tulad ng inaalay sa aking awitin ni Raffy. Sinubukan ko na lang magisip ng pasulong sa aking buhay. Hindi naman siya mawawala eh. Nasa ibang lugar lang siya. Upang ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap. Hindi naman mababago ang pagiging mag utol namin.
Tinignan ko muli ang aking telepono at minensahe si Harold. Agad naman siyang sumagot.
Tuwang tuwa si Harold na makikipagkita ako sa kanya. Alam kong maaga siyang darating doon kaya ako'y mabilis ding naghanda ng aking sarili at agad na tumungo sa aming tagupuan.
Sa Jollibee sa Paseo de Carmona, tulad ng aking inaasahan ay kita ko na sa malayo pa lang na nasa loob na siyang nakaupo sa isa sa mga lamesa malapit sa entrace ng restaurant. Metrosexual pa rin ang kanyang porma tulad ng datisamantalang ako naman ay simpleng fitted shirt, slim fit na maong, at naka tsinelas lang.
Lubos na kasabikan na makita ang aking minamahal ang aking nararamdaman. Tila nawala lahat ng aking lungkot at parang nawala din ang galit ko sa kanya. Napabilis ng kaunti ang aking paglalakad tungo sa kanya.
Nang makita ako ni Harold ay kumaway agad siya sa akin. Napansin kong may hawak siyang isang bugkos ng mga pulang rosas sa isang kamay niya na nakapatong sa mesang puti ng Jollibee. Nginitian ko lang siya pabalik.
Nang maabot ko siya..
"Harold, sorry kung pinaghintay kita upang ako'y makapagisip-isip. Sadyang naguluhan kasi ako kung bakit mo sa akin nagawa ang bagay na iyon ng walang paliwanag at basta na lamang." ang sabi ko sa kanya ang makaupo ako sa kanyang harapan habang ang aking mga siko'y nakapatong sa mesa at inabot ang kanyang kamay upang pisil-pisilin.
"Ako ang dapat humingi ng tawad sa iyo. Hindi ako nakapagpaliwanag sa magkahalong takot na mawala ka at takot na itakwil ako sa aming angkan. Chinese ang buong angkan namin. Sana'y malaman mo na matinding kahihiyan ang ganito sa aming pamilya at itatakwil nila ako kung di ko aayusin ang aking buhay. Buti na lang ay tanggap ako ng kamag-anak ko sa side ni daddy na hindi sinusunod ang tradisyon." ang paliwanag niya habang sinusuklian ng pagpisil ang aking nakahawak na kamay.
"Kalimutan na lang natin ang lahat mahal ko." ang sagot ko sa kanya habang ako'y nakatitig sa mga naluluha niyang mga mata. Doon ko napatunayan sa aking sariling seryoso siya sa kanyang mga sinasabi.
Sinuklian niya ako ng isang matamis na ngiti at iniabot sa akin ang bugkos ng pulang bulaklak.
"Para sa iyo iyan mahal ko." ang malambing niyang wika sa akin.
Hindi kami kumain sa Jollibee sahalip ay naglakad kami sa buong haba ng kalsada ng Carmona patungong Biñan na magkahawak ang aming mga kamay at di alintana na may mga tumitingin na sa amin. Kainitan na ng araw noon ngunit di namin alintana ang init at pawis.
Napansin kong nananagaktak na ang pawis niya sa kanyang noo, kilay, itaas ng labi, at leeg. Tumgil ako sa paglalakad at napaharap siya sa akin. Nagmadali akong bumunot ng aking panso sa aking maong sa bandang likurang bulsa.
"Ang lakas mo magpawis. Kawawa ka naman Harold ko." ang wika ko habang pinupunasan ang kanyang pawis.
Nang matapos ako ay kinuha niya sa akin ang aking panyo at ipinunas sa akin ang tuyong bahagi niyo upang maalis din ang aking pawis sa ilong, noo, at leeg.
Matapos niyang ibinalik sa akin ang aking panyo at habang isinisilid ko itong muli sa aking bulsa ay agad niya akong niyakap ng mahigpit at mariing hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko at nakarama ng magkahalog tuwa at kaba.
Narinig kong may nabagsak at agad kaming nagkalas sa aming halikan upang lingunin kung ano yung gumalabog sa talyer sa kabilang kalsada
Isang lalaking sunog na ang balat sa araw na maganda ang hubog ng katawan na nagbubuhat marahil ng rim na may nakakabit na gulong ng motorsiklo ay napanood kami sa aming ginawa. Marahil sa pagkabigla ay nabitiwan niya ang kanyang hawak.
Nagtitigan kami ni Harold at tumatawang nagpatuloy sa aming paglalakad.
"Joseph.. ano gusto mong tawag ko sa iyo?" ang tanong niya sa akin na nanlalambing.
"Ikaw bahala." ang sabi ko sakanya.
Nag-isip siyang saglit habang kunot ang kanyang mga noong nakatitig sa sahig.
"Alam ko na!!! Mula sa araw na ito ikaw na si Orange at ako naman si Lemon." ang masaya niyang sabi sa akin.
"Parang maasim pero... sige po Lemon ko." ang nakangiting may halong biro at lambing kong sinagot sa kanya at hinalikan siya sa kanyang pisngi. "I love you!"
"Orange ko gusto mo bang tanned tayo uuwi ng bahay natin ngayong araw na ito?" ang pabiro niyang tinanong sa akin.
"Opo sakay na tayo pero saan ba tayo pupunta?" ang tanong ko sa kanya.
"Hmmmm... kahit saan mo po ako dalin." ang sagot niya.
Nawaglit ang aking isipan sa aming usapan nang tumunog ang aking telepono.Agad kong kinuha ito sa aking bulsa upang tignan ang mensaheng pumasok.
Hindi na ako sumagot pa kay Raffy.
Mabilis na nabago ang aking damdamin mula sa kaligayahang kasama ko ang aking mahal hanggang sa pangungulilang hindi ko na makikita si Raffy.
Nag-isip akong saglit at napagisipan kong ipakilala si Harold kay Dexter at ipakilala na siya bilang aking nobyo sa kanila pati na rin kay Raffy. Wala na rin silbi na ipagtago ko pa sa kanya ang aking pagkatao. Kung talagang kapatid ang turing niya sa akin at tatanggapin niya ako.
Tumigil kaming muli sa paglalakad. Inabot ko ang kanyang mga kamay habang nakatitig sa kanyang mga mata.
"Lemon ko... punta tayo sa bahay... ipapakilala na kita sa kanila bilang boyfriend ko." ang seryoso kong sinabi kay Harold.
Abot tengang ngiti ang isinagot niya sa akin at sabay yakap ng mahigpit.
"I love you Orange ko!!!" ang masaya niyang sinabi habang nanatiling nakayakap sa akin.
Pumara na kami ng jeep pabalik ng checkpoint sa Southwoods sa Carmona. Sa checkpoint at sumakay kami ng tricycle upang mabilis kaming makakabalik sa amin. May kamahalan ang pasahe ngunit mas matindi ang aking pagnanasang ilabas na ang lahat sa kanila upang alam nilang lahat ang tungkol sa akin at sino ang aking minamahal.
Dahil sa kami lang ang sakay dahil exclusive o special lagi ang mga byahe ng tricycle sa amin. Nakaakbay siya sa akin habang kami ay bumabyaheng magkatabi paminsan minsan ay nagnanakaw ng halik sa akin kung hindi kami mapapansin ng driver sa kanyang side mirror.
Sa bahay muna ni Jeremy kami unang pumunta. Kumatok lang ako ng mabilis sa harap ng bahay nila upang tawagin ang kanilang pansin.
Si Jeremy ang nagbukas ng pintuan.
"Oy!! Insan!! Aba!! May roses ka pang dala!!!" Ang masiglang bati sa akin ni Jeremy na para bang magkabarkadang barako lang kami sa inuman. Natawa lang ako sa inaarte niya.
Bumakas sa mukha ni Harold ang pagtataka nang marinig niya ang bati sa akin ni Jeremy.
"Mag-pinsan kayo?" ang tanong niya sa aming dalawa.
"Oo... nito lang din namin nalaman nang unang nagkita kami ng mama ni Jeremy na nakatira lang sa kabilang village nung sa bahay ko kami nagbrunch." ang natatawa kong ibinahagi sa kanya.
"Wow!! Small world!! Akalain mo yun." ang nakangiting wika ni Harold sa aming dalawa.
Pinapasok kami ni Jeremy at sa sala kami nag-usap. Si Jeremy ang katabi ko sa sofa samantalang sa isang upuang nakabukod naman si Harold.
"Harold... Magkalinawan tayo ha... Alam mo naman siguro?... Ikaw ang unang unang boyfriend niyang pinsan ko... kaya wag mong sasaktan iyan kundi..." ang seryosong wika ni Jeremy na parang nakatatanda ko lang siya na binabalaan si Harold.
"Oo Jeremy... mahal na mahal ko pinsan mo... hinding hindi ko siya sasaktan... Iingatan to si Joseph..." ang seryoso din niyang sinagot kay Jeremy na para lang nag-aakyat ng ligaw.
Kinikilig ako sa mga oras na iyon. Hindi ko inaakalang ganon ang gagawin ni Harold.
"Insan, Lemon ang tawag ko sa kanya at Orange naman sa akin." ang nakangiti kong kwento kay Jeremy.
"Ano yan? Ang korny niyo ha!!! Palitan niyo kaya.... Ano kayo? Citrus fruits of the loom??!!!" ang pabiro niyang sinabi sa akin.
Natawa kaming dalawa ni Harold sa reaksyon niya.
"Mag-isip kayo ng combination na pareho niyong gusto pero sweet! Yung dessert marami." ang suggestion sa amin ni Jeremy. Nagtinginan kami ni Harold at parehong sinagot si Jeremy.
"Cookies & Cream!!!" ang sabay naming nasabi kay Jeremy at kami ay nagkatitigan. Parang gusto ko nang halikan si Harold dahil sa unang pagkakataon iisa ang nasa isipan naming dalawa.
"Ayan!!! Bagay yan!!! Favorite ko rin yan pero sino sa inyo si Cookies at sino naman si Cream?"
"Ako si Cookies!!" ang sabi kong nangunguna.
"Ako si Cream!!" ang masaya niyang isinagot.
"Nako!!! Ang sarap niyong dala panoorin namiss ko tuloy asawa ko." ang naiinggit niyang sinabi sa amin.
"Saan ang jowa mo?" ang tanong sa kanya ni Harold.
"Kasama ni Rafael nilalakad yung mga lalakarin." ang sagot ni Jeremy. Hindi ko napansin na bumakas na sa mukha ko ang lungkot.
"Aalis na si Rafael. Pupuntang Singapore at doon na titira dahil nakakuha na siya ng trabaho don sa tulong ni Dexter." ang pawang namatayan kong sinabi kay Harold habang nakatingin sa sahig.
Tumingin ako kay Jeremy at pagtatakang mga titig ang ibinalik niya sa akin. Ibinaling ko na lang ang aking titig kay Harold at ngumiting pilit.
Bumukas ang pintuan ng bahay at pumasok si Dexter. Nagmistulang parang bata muli si Jeremy na nagmamadaling tumayo mula sa kanyang pagkakaupo at tinakbong tungo si Dexter.
Niyakap niya ito ng mahigpit at hinalikan sa mga labi. Ganoon din ang isinukli sa kanya ni Dexter ngunit bigla siyang napatigil nang makita niya si Harold na nakatingin sa kanila.
"Bunso amy bisita pala tayo." ang nahihiya niyang sinabi kay insan.
"Okay lang yan kuya Dexter ko!!! Siya si Harold ni insan." ang parang batang pakilala niya kay Harold kay Dexter.
Naging seryoso ang mukha ni Dexter at kinausap si Harold.
"Harold... ingatan mo si Joseph ha." ang pakiusap niya kay Harold habang umaabot ng kamay upang makipagkamayan habang ang isa naman niyang kamay ay nakabalot sa baywang ni Jeremy.
"Oo... aalagaan ko mabuti si Joseph. Nice to meet you, Dexter!" ang sagot niyang may paggalang habang nakikipagkamayan kay Dexter.
Nanatiling nakasabit si Jeremy sa kanya na parang unggoy dahil matangkad nga si Dexter. Ang ganda nilang pagmasdang dalawa.
Tumingin sa akin si Dexter.
"Aalis na si Rafael. Mukhang maghahanda na siya ng gamit niya ngayon para bukas. Kanina pa siya nagtext sa iyo pero hindi pa rin siya nakakakuha ng reply mo." ang kwento sa akin ni Dexter.
"Nasa bahay na siya? Puntahan ko muna si Raffy. Dito na lang muna si Harold. Kakausapin ko lang siya." ang pakiusap ko sa kanila. Bakas naman sa mga mukha ni Jeremy at Dexter ang pagtataka.
"Raffy?" ang parehong naitanong ng bawat isa sa habang magkaharap ang mukha nila ni Jeremy at Dexter.
Tumayo ako at tinungo ang aking tahanan. Naabutan kong nakaupo sa sofa si Raffy na mukhang hapo sa pagod sa kanilang nilakad. Nakatingala at saya ang makikita sa kanyang mukha habang hawak ng isang kamay niya ang ticket ng Singapore Airlines.
"Raffy... kamusta? Sorry hindi na ako nagreply. Kala ko nasa bahay na kayo kaya umuwi na lang ako." ang sabi ko sa kanya.
"Baby bro... dito ka upo ka sa tabi ko." ang yaya niya at inilapag sa center table ang hawak niyang ticket.
Umupo ako sa kanyang tabi at ako'y inakbayan niya.
"Baby bro... mamimiss kita... wala na akong aalagaan doon..." ang sabi niya sa akin. Kirot sa aking dibdib ang aking nararamdaman sa kanyang mga sinabi.
"Big bro... pwede pa rin naman payo mag-usap di ba? Wag mo kong kakalimutan ha? Mamimiss din kita ng sobra." ang sabi ko sa kanya at hindi na napigilang umiyak.
"Promise yan baby bro ko... mag-eemail ako, tatawag ako, magtetext ako sa iyo... ikaw din sa akin ha?" ang sabi niya sa akin ng malambing.
Buntong hininga lang ang aking nagawa matapos marining ang kanyang sinabi. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak na ng parang bata.
"Tahan na baby bro ko... kahit sandali lang tayong nagkasama bilang pormal na magkapatid ang turingan... masaya ako dahil naipadama mo sa akin ang pakiramdam na magkaroon ng nakababatang kapatid. Sana huwag kang malungkot. Sana ay maging masaya ka para sa akin dahil matutupad na ang aking mga pangarap." ang malambing niyang sinabi sa akin habang pinupunasan niya ang aking mga luha.
Hinarap ko siya at tinignan ko ang maamo niyang mga mata.
"Raffy... since aalis ka na... sana hindi magbago ang tingin at turing mo sa akin... ipapakilala ko na sa iyo ang jowa ko... sana matanggap mo pa rin ang utol mo." ang sabi ko sa kanya. Nginitian lang niya ako.
"Saglit lang Raffy ha? Sunduin ko lang siya kila Jeremy." ang paalam ko sa kanya at nagmamadaling inayos ang aking sarili at tinawag silang lahat sa bahay nila Jeremy.
Nauna kaming pumasok ni Harold ng bahay at nasa likod namin ang naglalambingan na magjowa.
Nanatiling nakaupo si Raffy sa pusisyon niya kanina. Nakatingin siya sa akin na bakas ang pagtataka sa kanyang mukha.
Lumapit akong umupo muli sa kanyang tabi habang nanatiling nakatayo si Harold at ang magjowa naman ay nasa magkabilang gilid niya.
"Raffy... siya si Heather ko... sorry hindi ko maamin sa iyo... ang pagkatao ko... siya ang boyfriend ko... malaki ang similarities namin ni insan... kahit sa aming seksuwalidad." ang wika ko sa kanya.
Niyakap lang ako ng mahigpit ni Raffy at hinarap ang aking mukha sa kanya.
"Dalaga na ang baby bro ko!!... hindi pa rin magbabago ang pagtingin sa iyo ni kuya Raffy mo... masaya ako para sa iyo tol." ang sabi ni Raffy sa akin habang nakatitig ang malungkot at nangungusap niyang mga tingin sa akin.
Nagtinginan si Jeremy at Dexter sa pagtataka sa narinig na tawag sa akin ni Raffy.
Bumitiw si Raffy sa pagkakayakap sa akin at hinarap si Harold.
"Harold!!! Kumag ka!! Huwag na huwag mong sasaktan ang utol ko ha?? Malaman ko lang na sinaktan mo baby bro ko babangasan ko mukha mo!!!!" ang pabiro ngunit nangaamok niyang sinabi kay Harold.
Ngumiti lang si Harold sa kanya.
"Hinding hindi ko po sasaktan si Joseph. Aalagaan ko po siya habang nasa Singapore ka." ang pangako niya kay Raffy.
Naging masaya ang usapan naming tatlo ngunit mas lagi kaming magkadikit ni Raffy kaysa sa pagdidikit namin ni Harold. Laging nakaakbay si Raffy sa akin na para bang pinoprotektahan niya ako at ayaw niyang lumayo ako sa kanya kahit kaunti. Parang sinusulit na rin ni Raffy ang bawat sandali na magkasama kami bilang magkapatid.
Si Jeremy at Dexter naman ay naging mabuting ipagluto kami ng hapunan at sama-sama kaming naghapunan sa kanila.
Matapos kumain ay nagpaalam na si Harold na uuwi. Hinatid naming lahat siya sa sakayan malapit sa bahay ni Kevin.
Umuwi kaming naglalakad at napuna kong hindi talaga kumakalas si Raffy sa kanyang akbay sa akin mula pa kanina. Ang saya ng aking pakiramdam ngayong lahat ay maayos na sa akin kahit alam kong aalis na si Raffy.
Bumalik muna kami sa bahay nila Jeremy at nanood don ng pelikula sa cable. Masaya ang usapan naming apat habang nanonood.
Saglit lang ang aming pagtigil kila Jeremy dahil kinailangan na ni Raffy magayos ng gamit para bukas sa kanyang pag-alis.
Nang matapos ko siyang tulungan sa pagempake ay hindi na kami naghilamos o nagtoothbrush man lang. Nagtira na lang kami ulit ng aming mga brief tulad ng dati kapag kami ay matutulog na.
Sabay kaming humiga sa kama ni Raffy ng nakatagilid at magkaharap.
"Baby bro... salamat sa lahat ha?...sa lahat..." ang sabi niya sa akin.
"Wala lang yun Raffy... basta ikaw.. kahit kailan basta kaya ko ibibigay ko sa iyo... magkapatid tayo eh." ang sabi ko sa kanya.
"S-salamat din at.... h-hindi nag-b-bago ang pagtingin mo s-sa akin k-k-kahit ganito a-ako." ang dagdag ko pang nahihiya at nauutal.
"Baby bro kita Sephy ko di ba? Tanggap ni big bro kung ano ka at kung sino ka... mabuti kang tao... sana lang.. huwag mo akong kakalimutan ha?" ang sabi niya sa akin.
Inabot ko ang kanyang braso at tagilid na tumalikod sa kanya upang ibalot niya sa akin ang kanyang mga bisig. Ako mismo ang nagpayakap sa kanya dahil ito na ang huling pagkakataon na kami ay matutulog ng magkatabi.
Tulad ng dati ay nakalapat ang aking likod sa kanyang harap.
"Big baby bro... iiwanan kita ng ala-ala ko ha? Alagaan mo sila... Ito na ang huling sandali natin magkasama... huwag ka sana magagalit kay big bro. Pwede ba?" ang bulong sa akin ni Raffy na aking ipinagtaka.
Iniangat niya ang kanyang nakapatong na braso sa akin at hindi ko na alam ang nangyayari dahil hindi na ako nakakaramdam ng kanyang pagkilos.
Hindi ako kinakabahan dahil kahit ano naman ang gawin niya hindi ko naman papansinin dahil gusto kong masuklian ang pagiging mabuting kapatid niya sa akin sa huling pagkakataon. Kahit anong kaya kong ibigay ay ibibigay ko.
"Sige Raffy... kahit ano para sa iyo..." ang sabi ko sa kanya.
Nagulat ako nang bigla niyang ibinaba ang brief ko sa likuran at napakapit na lang ako sa kaning harapan at kinapa niya ng kanyang basang daliri ang aking butas sa likuran.
Sa sobrang kiliti at sakit ay napaungol ako. Magkahalong kaba at init ang aking naramdaman sa mga oras na iyon. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ni Raffy ito ngunit ang alam ko lang ay kung ito ay isa sa kagustuhan niya malugod kong ibibigay sa kanya ang nais niya.