Chereads / Ka-ibigan [BL] / Chapter 21 - Ka-ibigan - Chapter 21

Chapter 21 - Ka-ibigan - Chapter 21

Mainit ang balat ni Kevin marahil sa kalasingan. Palagay ang loob ko sa kanya kaya hinayaan ko na lang siya sa ganoong lagay.

Humiga si Jeremy sa kutson habang patuloy naman si Dexter sa pag-aayos ng internet connection ng Macbook ni Jeremy . Napatingin siya sa amin ni Kevin na pareho nang tulala sa kawalan gawa ng matinding kalasingan.

Sinipa niya si Dexter ng marahan sa hita at itinuro kami sa aming lagay. Agad ibinaba ni ni Dexter and kanyang hawak na computer at tumayo upang alugin kami ni Kevin.

"Mga brad. Okay lang kayo?" ang tanong sa amin ni Dexter habang sabay tinapikpapik ang amin mga pisngi.

"Ron hindi pa kami lasing! Pagod lang sa kalalakad kanina." ang sabi ni Kevin na naiirita at nagkakamot ng ulo. Ako naman ay umalis sa pagkakasandal sa kanya at humilata sa sahig.

"Sakit ng likod ko!!!" ang daing ko sa kanila habang nanatiling nakahilata.

Nang makita ni Dexter na wala akong inuunanan at agad niyang kinuha ang isang unan na pinapatungan niya ng Macbook. Inalalayan niya akong bumangon at sumandal sa dingding matapos niyang itapad sa aking likuran ang unan.

"Okay ka lang Joseph?" ang nag-aalalang tanong ni Dexter.

"Okay lang tsong... " ang sagot ko naman sabay bitiw ng isang pilit na ngiti sa kabila ng sakit na nararamdaman sa aking likod. Madaling nananalkit ang aking mga kalamnan kapag ako'y nalalasing.

"Kuha ka pa Ron ng beer!! Inubos mo na lahat nung laman nung isang bote sa tagay ni Jeremy. Ako na aayos ng internet connection ng laptop." and sabi ni Kevin sabay tayo at tinungo ang laptop ni Jeremy.

"Oo na. Kukuha na. Batayan mo yung dalawa baka mamaya may tamang trip din yang si Seph pag nalasing tulad ng pinsan niya patay tayo diyan." ang pabirong sinabi ni Dexter sa pinsan niya. Hindi na siya pinansin ni Kevin at nagpatuloy lang ito sa pagkakalikot ng laptop.

Tumalikod na si Dexter palayo tungo palabas ng silid upang bumaba sa kusina at kumuha pa ng beer.

"Ayan na Jemimi ayos na yung lappy mo!!" ang parang kuya na kumakausap sa bunsong kapatid na sinabi ni Kevin kay Jeremy sabay bagon nito at lapit kay Kevin na tuwang tuwa kahit senglot na.

"Weeee!!! Dali akin na akin na yan!!!" sabay kuha ng laptop ni Jeremy kay Kevin. Binuksan agad niya ang email. Tuwang tuwa ito ng makita ang email ni Raffy na agad naman niyang binasa.

"Si Rafael nagemail na!! Nasa Victoria Hotel daw siya ngayon. Miss na daw niya kaagad tayo. Ayun lang. Ano ba yan. Ang ikli ng email." ang sabi ni Jeremy habang binabasa ang email ni Raffy.

"Eh kanina lang nakarating sa Singapore yan ano ineexpect mo? Nobela?" ang pang-aasar ni Kevin sa kanya.

HIrap na bumangon ako sa aking pagkakaupo at humarap sa dalawa pilit iminumulat ang aking mabibigat nang mga mata.

"Guys... inaantok na ako... uwi na ako..." ang sabi ko sa kanila na napuputol gawa ng sunod-sunod na pagsinok.

Liningon ako ni Kevin at kumaway na lang si Jeremy naman ay pilit na ngumiti sa akin.

"Ingat ka insan ha? Sweet dreams!" ang paalam ni Jeremy sa akin na sinagot ko lang ng pilit ding ngiti at pagtango.

Hinarap ko ang pintuan palabas ng silid at nakasalubong ko si Dexter na pabalik sa silid na may dalang mga beer.

"Uwi ka na Seph?" ang sabi ni Dexter.

"Oo... inaantok na ako eh... Salamat sa lahat Dexter!" ang sabi ko sa kanya at tinapik tapik ang kanyang balikat.

Tinungo ko na ang bahay nang ako'y makalabas ng bahay nila Jeremy at dumeresto na sa aking silid.

Ibinagsak ko ang aking mabigat na katawan at dahil sa kalasingan ay agad akong nakatulog.

Nagising na lang ako kinabukasan sa pagdating ni Harold. Gawain niyang kumain muna sa opisina bago umuwi kaya tinatabihan na lang niya ako agad sa kama matapos niyang maghanda para matulog. Pag nagigising na ako ay ipinagluluto ko naman siya ng pagkain bilang agahan niya at hapunan ko. Kung walang nangyayari sa amin sa kama ni Harold ay nanonood na lang ako sa telebisyon habang gumagawa ng trabaho sa laptop ko nang makakuha kami ni Jeremy ng pagkakataong mag work-at-home. Nakakabagot kaya minsan bilang ehersisyo na rin ay namimisikleta ako ng tatlong oras araw-araw bago ko gisingin si Harold.

Ganoon ang mga naging araw-araw na routine namin ni Harold sa bahay. Paminsan minsan pag weekend ay gumagala kami sa mga mall upang magdate kung hindi naman ay nasa bahay lang kami o kina Jeremy at sama-samang nanonood ng DVD. Hindi ko masasabing boring dahil masaya na akong kasama ko si Harold at sobrang lambing niya sa akin. Walang dudang lubos ang pagmamahalan namin sa isa't-isa. Dahil lang sa aming mga trabaho kaya medyo iba ang oras at mundong kinagagalawan namin.

Sa bawat pagkakataon na magkasama kami ni Harold ay tila wala nang bukas lagi ang ginagawa namin para sa isa't-isa. Lagi kaming halos magyakapan na tulad na rin nila Jeremy at Dexter.

Si Rafael naman sa isang banda. Hindi na nag-eemail, hindi tumatawag, hindi nagtetext at inabot na ito ng halos isang taon mahigit. Kahit kila insan at Dexter hindi na siya nagpaparamdam maliban na lang kay Dexter kung tungkol ito sa kanyang trabaho ngunit hindi rin naman daw sila ni Rafael nagkakamustahan dahil lubos na abala si Rafael sa kanyang trabaho.

Tila sa kawalan ni Rafael ay nakalimutan ko na rin ang aking nararamdaman na pangungulila sa isang nakatatandang kapatid. Bakit pa nga naman ba ako magdaramdam kung si Harold na ang pumupuno ng lahat at higit pa. Minsan nga ay baby bro na rin ang tawag niya sa akin at kahit hindi ko nakuwento sa kanya ang pusisyon namin ni Rafael sa pagtulog, isang araw ay naging nakagawian na rin naming pusisyon iyon ni Harold. Ang nakaipit ang kanyang pututuy sa aking mga hita.

Isang araw nang walang pasok si Harold sa opisina habang kami ay nasa sala ng bahay ko.

Nakahilatang nakaupo si Harold na nakaharap sa television habang ako naman ay akbay niya sa kanyang kanang tabi na nakasandal ang aking ulo sa kanyang dibdib at nakaharap ang aking mukha sa telebisyon at nanonood ng palabas. Nakapatong ang aking mga hita sa kanan niyang hita.

Dahil sa malapit na kami sa isa't-isa ni Harold at walang lihim na itinatago sa bawat isa. Isang araw habang kami ay nanonood ng telebisyon habang nakaupo sa sofa na parehong naka brief lang dahil sa mainit na ang panahon.

"Cream ko... may naalala lang ako... alam mo ba... miss ko na si Raffy..." ang sabi ko sa kanya at napayuko siyang tumingin sa akin.

Nilingon ko siya upang harapin at ibinaba ko na ang aking ulo sa kanyang tiyan upang siya'y aking lingunin upang akin din siyang titigan.

"Oo nga pala no? Hindi na siya nagpaparamdam. Pinapadalhan mo ba siya ng email?" ang sabi ni Harold bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha nang mapansin din niya ang pagkawala ng komunikasyon sa amin ni Rafael.

"Oo... pero... hindi naman nagrereply... sa YM... sa yahoo mail... alam naman niya cellphone ko at landline ko... Nag-aalala lang ako... para ko na kasing kuya si Raffy... problema.. pag-aalaga.. trato niya sa akin... kuyang kuya ko talaga siya." ang sabi ko naman sa kanya.

Nag-aalala na lang ako kay Rafael. Wala na yung pangungulilang dati kong nararamdaman.

"Isang araw magpaparamdam din yan. Baka masyado lang abala doon." ang sabi niya sabay ngiti na para bang may mga bukas pa para magparamdam si Rafael.

Hindi na ako sumagot pa at binalikan na lang siya ng isang ngiti. Niyuko na lang niya ang kanyang ulo lalo upang ako'y halokan sa akin mga labi.

Matapos noon ay bumalik na kami sa panonood ng palabas sa telebisyon.

Lumipas pa ang mga araw at wala pa rin balita mula kay Rafael.

Si Kevin, paminsan-minsan lang dumadalaw. Kasama naming lima lumalabas at nagpupunta sa kung saan-saan.

Weekend minsan nang pumunta kami muli sa Festival Mall magkakasama ay doon kami nagtagisan ng galing sa aming pagkanta sa pataasan ng score kahit alam naming palpak naman ang scoring ng videoke sa X-Site.

Nasa loob kami ng isang cubicle doon na kasya lamang sa dadalawang tao ang upuan at sa aming lima na nagsiksikan tila parang di na namin alintana ang sikip. Kaming dalawa ni Jeremy ang nakupo sa upuan abang ang tatlo naman ay nakaupo sa sahig maliban na lang sa kumakanta dahil hirap kaming umawit ng nakaupo. Lalo na kami ni Jeremy, hirap umawit nang hindi niyuyukuan ang mikropono habang umaawit ng nakatayo.

Tila ang mga unang inawit ng bawat isa ay may mga ibigsabihin. Si Dexter inawit ang "Isn't there Someone" habang isinasayaw si Jeremy na parang nasa prom lang ang dalawa kahit maliit ang lugar. Ganoon din ang ginawa ni Kevin kay Jeremy habang inaawit ang "Back To Me" ngunit hindi ito kasing lambing at kasing tamis ng pinsan ko at si Dexter. Tila ba mayroon silang nakaraang tatlo na binabalikan. Habang kami ay umaawit ay kinukuhanan namin ang video ng aming pagkanta.

Pagkakataon ko na umawit dahil sa wala naman akong binalak na aawitin si insan ang pumili para sa akin. "Akap" ng Imago ang kanyang papakantahin sa akin.

Habang ako'y umaawit tila napupukaw nito ang aking damdamin. Hindi ko malaman ngunit para bang kinukuha niya mula sa aking mga labi ang mga katagang hindi ko masabi-sabi kailan man kay Rafael.

Tila ba sa linyang iyon ay tinamaan ako. Parang nanlalambot na ang aking mga tuhod. Sumisikip ang aking dibdib at tila nawawala na ako sa tono sa panginginig ng aking boses na hirap sumambit ng aking inaawit.

Lahat ng mga katagang iyon ay ang mga gusto kong iparating na kay Rafael. Tila ba sa awiting iyon ay nahirapan na akong pigilan ang aking mga luha. Napuna ni Kevin ang pag-agos ng aking mga luha dahil nasa gilid ko lang siya nakaupo habang ako'y nakatayong nakaharap sa videoke na umaawit.

Iyon mismo ang gusto kong gawin para kay Rafael. Makabawi lang sa kanya. Ibibigay ko lahat ng kaya ko kung kinakailangan niya ang tulong ko.

Tinamaan na akong lubos ng lyrics ng kanta. Dapat nga ngayon ay simple lang ang aking buhay at di na naguguluhan pa na umaasa sa kanyang presensiya sa aking tabi. Akala ko noo'y nakalimutan ko na ngunit ngayon ay napatunayan ko sa aking sarili na naisantabi ko lamang itinago ang aing pangungulila kay Rafael.

Ang sinasabayan na awitin nila Dexter at Kevin habang ako naman ay napatilig na sa pagkanta at naghuhumagulgol na iniabot ang mikropono kay Kevin sabay tungo kay Harold upang umiyak pa habang nakayakap ng mahigpit sa kanya.

Tila nalaman na nilang lahat kung ano ang dahilan ng aking pag-iyak at wala naman silang magagawa.

Natapos ang araw na iyon at nagpatuloy na kaming lahat sa aming mga buhay na tulad ng dati kahit wala si Rafael. Ni minsan ay hindi nila ako kinausap sa bagay na iyon at si Harold naman ay awa at mga maiinit na sandali lang ang nakayang ibigay sa akin upang ito'y aking tuluyan nang makalimutan.

Isang umaga nang magising ako sa pagdating ni Harold.

"Good morning Cookies ko!! Nanabik ako sa iyo ng sobra... Mahal na mahal kita! Ikaw lagi ang nakikita ko bago ako matulog at ikaw ang una kong nakikita kapag ako'y gumigising." ang sabi niya sa akin ng may lambing at matamis na mga ngiti tuwing umaga na lagi niyang ginagawa. Hindi kami parehong nagsasawa sa ganon.

"Ganoon din naman ako Cream ko eh.. Good morning po!" ang sabi ko sa kanya habang pilit na umangat ng kaunti upang patabihin si Harold sa aking tabi at ako'y yakapin niya na parang unan.

"Mahal ko... round one?" ang natatawang binulong sa akin ni Harold habang nakatapat ang kanyang mga labi sa aking tenga mula sa aking likuran.

"Ready!!" ang sagot ko sa kanya sabay baba ng aking brief.

Natawa kaming pareho sa aming mga pinagkakawa. Niyakap ako ni Harold ng kay higpit matapos ay hinubad niya ang aming mga salawal.

Nang matapos kami sa amin lampungan ay pinatulog ko muna si Harold. Hinahalik-halikan ko ang kamay ng braso niyang nakayakap sa akin mula sa likuran.

Marahan akong bumangon nang marinig ko ang malalalim nang paghinga ni Harold upang hindi siya magising.

"Insan!!!! Insan!!!" ang pananawag ni Jeremy mula sa labas ng bahay. Agad kong tinungo ang bintana upang magpakita sa kanya at sinenyasan ko siya na huwag siyang maingay.

Dali-dali ko akong naglakad pababa ng bahay at pinagbuksan ng nakalock na palang pintuan ng bahay namin. nakalimutan kong nakabrief lang ako nang binuksan ko ang pinto ng pagkalaki-laki na kita ang buong katawan ko.

"Ay anu ba yan insan!!! Magtapis ka nga ng tuwalya" ang sabi ni Jeremy sabay talikod sa akin.

"Ang arte mo naman! Pasok!!" ang sabi ko sa kanya sabay iwan sa nakabukas na pintuan at tinungo ang sofa upang umupo.

Sumunod naman siya sa akin at umupo sa aking tabi.

"Insan... Tulungan mo naman ako sa research ko." ang nagmamakaawang sabi ni Jeremy sa akin. Specialty niyang mag-analyze pero sa research sa akin siya nakadepende.

"Tao po!! Padala po para kay Joseph Castro!!" ang sigaw ng isang di kilalang boses sa labas ng bahay.

Pareho kaming nagtitigan ni Jeremy na puno ng pagtataka ang aming mga mukha. Nauna akong tumayo sa kanya upang sagutin ang tao sa labas. Nagmamadali akong tumungo sa pintuan.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto upang ilabas ang aking ulo dahil wala akong maayos na saplot sa katawan.

Ang may edad na delivery boy ulit ng Air21 ang aking nakita. Siya rin ang unang nagpadala sa akin ng bugkos ng mga tulips na pula.

"Kuya ako po ang inyong hinanap ninyo." ang aking sinabi habang nanatili lang na nakalitaw ang aking ulo.

"Ay ikaw pala jiho. Eto padala at pakipirmahan na lang ito." ang sabi sa akin ng nagdala habang inaabot ang isang maliit ngunit mahabang karton.

"Kuya dito ko na lang po sa loob pipirmahan. Inom ka muna ulit ng tubig." ang nakangiti kong sinabi sa kanya habang kinukuha ang kanyang mga inaabot sa akin.

"Jeremy!!! Kuha mo ng tubig si manong pipirmahan ko lang ito." ang sabi ko kay insan matapos ko siyang lingunin sa loob. Sinenyasan ko siyang hindi ako makalabas dahil sa aking itsura.

Natawa ang aking pinsan at agarang tumayo upang maglakad nang nagmamadali sa kusina. Ibinalik ko ang aking mukha sa pagsilip kay manong.

"Kuya.. ah... eh saglit lang ho ha?" ang sabi ko sa kanya sabay bitiw ng pilit na ngiti na sinagot rin niya ng isang ngiti.

Dali-dali akong naglakad tungo sa hapagkainan upang pirmahan and resibo habang si Jeremy naman ay nangaripas nang lumabas ng bahay dala ang pitsel ng tubig at baso upang painumin ang matanda.

Nang pabalik na sana si Jeremy sa kusina upang ibalik ang pistel at ilagay ang baso upang mahugasan at binalikan ko ang delivery boy sa pintuan. Inilabas ko lang ang aking ulo at kaliwang kamay upang iabot sa kanya ang kanyang clipboard at resibo na aking napirmahan na.

Agad kong isinara ang pintuan ng bahay habang si Jeremy ay nagmamadaling lumapit sa akin upang usisan kung anong padala ang dumating.

"Sybil?... Hmmm... bakit pa ginagawa sa iyo ito ni Harold kung kayo naman na? Isang mahabang violet box naman ngayon?" and wika ni Jeremy habang naiintriga itong nakatingin sa kahon na nakapaton sa ibabaw ng hapagkainan.

"Hindi ko rin alam insan pero ang alam ko lang hindi si Harold ang nagpapadala ng mga ito." ang sabi ko sa kanyang bakas ang pagtataka sa aking mukha habang inaabot ang karton upang ito'y buksan na.

Tatlong pulang tulips naman ngayon ang laman nito at agad ko itong naipatong muli sa ibabaw ng mesa.

"Insan... mahal na mahal ka ng taong nagpapadala sa iyo nito..." ang sabi ni Jeremy habang inaabot ang mga bulaklak.

Nang mahugot niya ito paalis sa box at may maliit na papel na nahulog na agad ko namang kinuha.

"Sino to??... theheartofsybil@gmail.com???" ang basa ko sa nakasulat sa papel at nagkatinginan kami ni Jeremy na lalong napaisip din.

Maraming katanungan ang nagsisulputan sa aking isipan.