Agad nagbalik ang aking diwa sa aking nabasa at napabangon sa aking pagkakahiga upang umupong tinititigan ang mensahe sa akin ni Sybil.
Napapailing akong habang nakangiting binabasa ng paulit-ulit ang mensahe sa aking di pagkapaniwala.
"Paano niya nakuha ang number ko at saan?" ang nabigas kong tanong sa aking sarili. Nag-isip ako kung saan niya ito maaaring makuha ngunit wala akong maalala.
Pinindot ko ang call button upang siya'y makausap. Nagiriring ito habang ako nama'y bumalik na sa pagkakahigang pahilata sa aking kama.
Isang ngiti ang pilit na ipininta ng aking mga labing hindi ko napigilan sa tuwa. Unti-untian nang gumaganda ang mga bagay-bagay para sa akin.
Hindi ni Sybil sinasagot ang aking telepono ngunit patuloy lang akong paulit-ulit na tinatawagan ito.
"Sybil... Sybil... Sybil..." ang paulit-ulit ko rin binanggit sa aking sarili. Naalala kong nakita ko na ang pangalang iyon dati hindi ko lang maalala kung saan.
Habang nagriring ang kabilang linya ay nireject ni Sybil ang aking tawag at ako'y nakarinig na lang ng busy tone. Nangiti akong lalo sa kanyang ginawa dahil ako'y lalong nasusubukan ni Sybil sa kanyang ginawa.
Napatingin ako sa screen ng aking telepono at agad pumasok ang kasunod na mensahe ni Sybil.
"NAUGHTY NAUGHTY NAUGHTY LITTLE U.l8r ako mismo ttwag syo.Wg excited. ^_^ "
Natawa ako sa aking nabasa at agad ko na lang siya sinagot.
"Pno at san m nkuha # q?" ang aking mensaheng pinadala sa kanya.
"S facebuk profile m nklgy ndi active privacy m sa non friends m." ang agad niya ring sagot sa akin.
"Ay naloko na!! Meron pala non?!" ang nasabi ko sa aking sariling natatawa pa rin.
"L8r n tau usp h.meme n q.nyt nyt!" ang sagot ko sa kanya sabay bagsak ng aking telepono sa tabi ng aking ulo.
Tumagilid akong nakatalikod sa bintana at niyakap ang unang ginagamit dati ni Harold at ni Raffy. Pinilit kong hindi mag-isip upang makatulog na ngunit nanatili akong nasa ganoong lagay matapos ang ilang sandali.
Nanguyakoy na ako ng binti habang nakahiga ngunit hindi pa rin talaga ako makatulog.
"INSAN!!!!!!" ang malakas na pananawag sa akin ni Jeremy mula sa labas ng bintana.
Hindi na ako bumangon sa halip ay himarap ako ng bahagya sa bintana at sumigaw na lang ding sinagot siya.
"Akyat ka na dito sa kwarto!!" ang aking nasabi upang siya'y umakyat na lamang.
Ilang saglit lang ay narinig ko na ang mabibigat na paang umaakyat sa hagdan. Hindi ko isinara ang pintuan ng aking silid kaya't agad kong nakitang lumitaw si Jeremy na may ngiti sa kanyang mukha.
"Ano yun?" ang pawang inaantok ko nang itinanong sa kanya.
"Punta tayo Antakya mamaya! Nandoon yung Up Dharma Down!" ang sabi niya sa akin. Halatang hindi imbita ang kanyang ibigsabihin. Hindi ako pwedeng humindi sa tono ng kanyang msayang sinambit.
"Oo na... kunin mo yung susi ng pinto sa baba bago ka umalis... lock mo yung pinto sa baba...sasama na ako mamaya... gisingin niyo na lang ako mamaya... " ang saking sagot sa kanya sabay patong ng unan sa aking mukha.
"Yehey!!! I love you insan!!! Sorry ha? Basta..Sorry..." ang huling sinabi sa akin ni Jeremy sabay tinungong lumabas ng bahay. Narinig ko na lang ang papalayong tunog na nagawa ng pagbaba ni Jeremy sa hagdan.
"Hay... si insan talaga... pag tinoyo magyaya hindi ka pwede humindi.." ang nasabi ko sa aking sarili.
Ipinit kong matulog hanggang sa nakatulog na lang ako.
Malalakas na paguga ng kama ang gumising sa akin. Agad naginit ang ulo ko dahil marahil sa kulang ako sa tulog at mabilis talaga akong mairita kapag nagigising ng bigla. Hindi ko pa minulat agad ang aking mata. Kalahati ng diwa ko ay tulog pa.
"Insan!! Insan!! Insan!! Gising na insan!!" ang parang batang sinasabi sa akin ni Jeremy.
Idinilat ko ng bahagya ang aking kaliwang mata at kitang kita ko siyang nakatitig sa akin na tuwang tuwa at lumulundag na nakaupo sa aking kama.
"Jeremy... wag naman ganyan... saglit lang nahihilo ako... gising na ko tama na please..." ang pakiusap ko sa kanya pilit pinipigil ang sariling pumutok sa inis.
Iminulat ko na ang aking mabigat na mga mata at napansing si Dexter ay malungkot na nakatitig sa kanyang jowa. Walang magawang mapigilan si Jeremy sa kanyang pangungulit sa akin. Pareho sila ni Jeremy na nakapambahay lang. Si Dexter naman ay mukhang kagigising lang din.
"Tama na bunso... gising na pinsan mo..." ang pakiusap ni Dexter kay Jeremy habang namumungas ito ng kanyang mga mata.
Matigil lang si insan ay bumangon na akong umupo sa aking kama. Nagkakamot ng aking ulong ipinakita ang aking pagkainis sa kanyang ginagawa.
"Jeremy... may Friday sickness yata ako... ang hirap bumangon..." ang sabi ko sa kanya. Agad naman niya akong niyakap ng mahigpit.
"Joseph... I want this day to be special and I'm sorry." ang kanyang sinabi sa akin.
"Happy anniversary sa inyong dalawa!!" ang pilit kong pinasiglang bati sa kanila nang maalala kong anniversary nga pala nila ngayon. Mahina ako sa dates kahit sarili kong kaarawan nakakalimutan ko. Kaya marahil ang history subjects ko nung nag-aaral ako ang laging mataas lang sa pasang awa. I believe in the moment of "now" kasi. Mabuting nalalaman natin ang ating nakaraan ngunit ang mga araw kung kailan iyon nangyari talagang di kayang itabi ng aking utak.
"Thank you!" ang sabay nilang wika sabay yakap na rin sa akin si Dexter. Group hug kung group hug ngunit medyo nasasakal na ako dahil sa higpit ng yakap ng dalawa ang leeg ko'y nadidiin na sa balikat ni Dexter.
"Ahem... ahem... baka sa ospital tayo tumungo niyan ang higpit ng yakap niyo." ang sabi ko sa kanila sabay kalas nila ng pagyakap sa akin.
"Insan gusto ko mag-ayos ka maigi ngayon ng sarili mo ha? Consider mo rin itong araw na ito na singles' night-out mo to." ang sabi ni Jeremy.
"Oo na wag niyo lang ako ibugaw dahil di pa ako ganon kadesperado magkajowa." ang sabi ko sa kanya.
"Alis na kami Seph ni Jemykoy. Para makapag-ayos na. 6:00 PM na." ang paalam ni Dexter sabay dagdag pa niya ng. "Bunso... tara na maligo na tayo ng sabay."
Kinilig naman ang aking pinsan at nagmadalig dumikit kay Dexter.
"Paiwang bukas ng mga ilaw ha? Ako na magpapatay!" ang habilin ko sa kanilang pag-alis.
Dahil sa tinatamad pa akong gumalaw ay kinapa ko sa ibabaw ng kama sa bandang likod ko ang aking telepono.
Nang makuha ito ay agad kong tinignan ang aking telepono kung may tumawag ba o nagtext ngunit wala.
Si Sybil ang una kong naisip kaya't minensahe ko na agad siya nang may naalala akong bigla at upang ipaalam sa kanya ang aking gagawin. Hindi ko malaman ngunit sa loob ko ay gusto kong malaman niya kung ano man ang aking kalagayan.
"Gud pm!alis me ngyn gmik ksma pnsan at kaibign ko.Pang gurl nmn ung alias m eh.Boy k b tlga? Sybil Dorestt is frm Flora Rheta Schreiber's novel.krung krung ka rin ba? lol" ang pinadala ko sa kanya nang maalala ko na kung saan ko huling nakita yung pangalang "Sybil".
Tungol sa isang babaeng may multiple personality disorder ang aklat na Sybil at Sybil ang pangalan ng pangunahing karakter ngunit dalawa sa labing anim niyang alter ego lalake.
"May toyo din kaya sa utak tong Sybil na to? Kakatakot naman!" ang nasabi ko sa aking sarili habang umiiling na tumayo upang tumbukin ang journal ni Raffy na nakapatong lang sa ibabaw ng aking laptop sa ibabaw ng tukador ko.
Sa pabalat ko ito kinuha kaya naglambitin lang ito sa aking kanang kamay at biglang may nahulog na maliit na pirasong papel na punit na nakaipit dito na ngayon ko lang nakita. Marahil dahil sa lagi kong binibitbit ito ng maayos at sa hindi ko naman binulatlat lahat ng blankong pahina nito.
"Baby bro... I know one day you'll meet the prince of your life. I want to be there when you do. I'll be missing you."
Natulala ako sa aking nabasa. Hindi ako makapaniwalang matagal na niya itong isinulat. Hindi niya marahil naalis kasama ng mga bahaging nasulatan na niya.
"Nakilala mo na siya at iniwan na niya ako. Pinagpalit ako sa iba." ang nasabi ko sa aking sarili.
Tulad ng hiling sa akin ni Raffy nagsulat akong sandali ngunit hindi ko natapos ang aking sasabihin nang mapansin kong natapos na ang trenta minutos at hindi pa ako nakakapagbihis.
Nagmadali akong naligo't nag-ayos ng aking sarili. Nakapbihis na ako ngunit hindi ko pa naaayos ang aking buhok dahil sa ito'y basa pa.
Nakatitig lang ako sa salaming ng aking tukador at nagpapabango nang biglang dumating si Jeremy na naka-ayos na.
"Insan ang tagal mo! Ang gulo pa ng buhok mo. Mamaya na yan ako na aayos niyan sa kotse." ang sabi niya sa akin. Mukhang atat na atat na siyang umalis.
Kinuha ko ang clay doh at aking telepono at agad nang sumama sa kanya papunta sa kotse ni Dexter.
Hindi ko nakita si Kevin na sasabay sa amin papuntang Antakya nang makasakay kaming dalawa ni Jeremy sa likod ng kotse.
"Saan si Kevin?" ang naitanong ko sa kanilang dalawa.
"Ah... may date daw siya ngayon..." ang nasabi ni Dexter na nasimulan nang patakbuhin ang kotse.
"Insan buksan natin ang bintana para madaling matuyo buhok mo." ang sabi ni Jeremy sabay pindot sa button sa aking kaliwa upang ibaba ang bintana.
"Insan baka naman dumikit sa buhok ko ang hangin ng SLEX." ang nasabi ko sa kanya habang siya ay nakaliyad sa aking halos dumikit sa akin ang kanyang ilong.
"Hmmm.... bango bango mo Sephy talo mo pa car airfreshener ng asawa ko!... Eh di masaya!! hindi mo na kailangan magwax hindi mo na rin kailangang ayusin yan. Wind blown effect." ang natatawa niyang sinabi sa akin matapos bigyang puna ang aking pabango.
"Hand games na lang tayo... "nanay-tatay" o kaya "coke ko 'to"... dali!" ang sabi sa akin ni Jeremy habang naka abot na ang kanyang mga kamay upang makipaglaro sa akin.
Bagot na bagot naman akong nakipaglaro sa kanya hanggang sa nakarating kami ng Festival Mall. Nagpark si Dexter sa gilid ng Molokai na lamapit na lang din sa Antakya.
Nang makarating kami sa entrance ng Antakya ay pansin naming halos wala pa ang mga tao doon. Nanatili kaming nakatayo sa tarangkahan ng restaurant.
"Wala pa naman.. CR muna ako guys... ayusin ko muna buhok ko..." at agad na akong umalis tumungo sa palikuran sa gitna ng Greens & Grills at nag-ayos ng sarili.
Habang inaayos ko ang aking buhok ay naalala kong pinangako ni Sybil na sa araw na ito ay magpapakilala na siya.
Agad kong ibinulsa ang clay-doh at naghugas ng kamay upang matext si Sybil habang palabas na ng palikuran.
"Prmse m ul mit me 2day.pg d tau ngkta ndi n kta kkauspn." ang nagbabanta kong sinabi sa kanya. Agad naman siyang nagreply dahil tumunog agad ang aking telepono matapos ko itong ibulsa.
"E d wag." ang sagot niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa inis sa kanyang sagot sa akin. Sa unang pagkakataon nabwisit ako sa kanya.
"Bye for good." ang aking sunod na sinagot sa kanya at ilinagay si silent mode ang aking telepono.
Bwisit na bwisit akong naglakad pabalik ng Antakya. Hindi ko naiwasang bumakas ang inis sa aking mukha hanggang sa nakarating ako sa table na kung saan nakaupo na sila Jeremy at Dexter.
"Oh.. bakit ganyan ang mukha mo bakit di maipinta?" ang tanong ni Dexter na binalot ng pagtataka ang mga titig sa akin. Nasa tabi ko si Jeremy na nag-alala din ang pagmumukha.
"Insan nag-ayos ka lang ng buhok mo imbyerna ka na agad." ang sabi niyang may lambing sabay abot sa aking kamay.
"Wala to.. naiinis lang ako sa buhok ko." ang palusot ko sabay bitiw ng pilit na mga ngiti.
Umorder na kami ng aming kakainin at di nagtagal ay kumakain na kami. Nagdadaringan na rin ang mga tao hanggang sa halos mapuno na ang buong resaurant. May mga di kilalang banda na rin ang nagpeperform sa stage. Masigla ang paligid.
Nang kami ay matapos na kumain ay umorder na si Dexter ng maiinom namin. Hindi ko napansin ang kanyang sinabi sa waiter hanggang sa dalawang bucket ng san miguel beer light ang inilapag ng waiter sa aming harapan.
"Ano yan? Magpapakalunod ba kami ni Jeremy jan? Hindi ka pwede uminom Dexter dahil magddrive ka pa mamaya." ang gulat kong pakikipag-usap kay Dexter.
"Oo kaya niyo yan light lang eh. Dagdagan pa natin?" ang natatawang sagot sa akin ni Dexter.
Hindi na ako sumagot at nagbukas na lang ako ng isang bote. Ganon din ang ginawa nilang dalawa at nagtoast kami ng tatlo.
"Happy 7th anniversary Dexter & Jeremy!" ang bati ko sa kanila na pinasalamatan naman nila.
Nasa ganoong lagay na kami nang matapos na ang bandang kumakanta. Naghiyawan naman ang mga ibang taong naroon at may mga nagtayuan pa. Nilingon naming tatlo ang entablado at nakita naming nasa stage na ang ibang member ng mga bagong aawit hangang sa nakita ko na lang na si Armi Millare ay huling umakyat kasunod nila.
Kumakaway siya at panay ang bow sa mga audience habang nakahawak ang mga kamay na nakatapat sa kanyang mukha simbulo na nagpapasalamat siya.
Nang makapwesto na si Armi sa keyboards ay nagpaunang salita siya.
Humiyaw kaming tatlo mula sa aming kinauupuan. Tuwang tuwa si Jeremy na umalis sa kanyang upuan at tinungo ang gilid ng stage at binulungan ang isang gitarista ng Up Dharma Down. Sabay balik sa aming tabi na nagmamadali. Isang pilyong ngiti ang nasa pinta sa mukha ni Jeremy.
Kinilabutan ako habang tumutugtog ang intro ng awiting Kaibigan. Nanumbalik sa akin ang unang araw na kinakakausap ako ni Raffy sa aking pagtulog. Ang pagtrato niya sa akin bilang isang nakababatang kapaitd.
Habang patuloy ang banda sa pagtugtog hindi ko naiwasang magbalik ang lahat ng aking nakaraan habang iniinom ang beer. Ang pagkakataon na isang kaibigan ang nag-alaga sa akin. Nariyan sa aking tabi sa aking kalungkutan at kaligayahan.
Kinalabit ako ni Jeremy at natahan saglit na napatingin sa kanya.
"Insan... pinabibigay pala sa iyo... basahin mo daw..." ang sabi niya sa akin sabay abot sa kanyang bulsa.
Isang pamilyar na papel ang ibinigay niya sa akin.
"Pilas to ng journal ni Raffy ah!" ang gulat kong nasabi sa kanya matapos kong makilala ang papel nang ito'y aking makuha kay Jeremy.
Patuloy ang pagkanta ng Up Dharma Down. Ibinaba ko sa mesa ang aking hawak na beer. Dahan dahan kong binuklat ang nakatuping pahina ng journal ni Raffy.
Hindi ako nagkamali sa aking inakala. Sulat kamay ni Raffy ang aking nakita. Pilas na pahina nga to ng kanyang journal na kanyang sinulatan na sabi niyang dinala niya sa Singapore kasama niya.
------------------------------------------------
Mahal na mahal ko siya. Hindi ito tama. Pareho kaming lalake. Nahawa na yata ako kay Jeremy. Unang pagkakita ko pa lang sa kanya. Nag-iba na ang mundo ko. Kulang ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Kahit mahirap ang trabaho at nahihirapan din si Joseph sa trabaho okay lang sa akin dahil nakikita ko pa rin siya.
Gusto ko siyang makasama lagi. Pakiramdam ko kumpleto ako pag nasa tabi ko siya.
Gusto ko siyang alagaan. Gusto kong gawin ang lahat para sa kanya. Mahal na mahal ko si Joseph pero hindi niya pwedeng malaman.
Gustong gusto ko ito sa aking kaibigan ko pero baka iwasan na niya ako. Sana mapatawad ako ng kaibigan ko kung malalaman niya. Kahit hindi man maging kami basta ang mahalaga ay nalaman na niya ang aking damdamin para sa kanya.
Sa ngayon, kailangan ko pa ring humanap ng tamang babae para sa akin. Sana may babaeng makakatulong sa akin kung mali man itong nararamdaman ko.
------------------------------------------------
Hindi ko napigilan na tumulo ang aking mga luha sa magkahalong saya at pangungulila kay Raffy. Pilit kong itinanggi sa aking sarili na mahal na mahal ko si Raffy na higit pa sa isang nakatatandang kapatid. Napatakip ako ng isa kong kamay. Hindi ko kayang tiisin ang aking damdamin sa mga oras na iyon at paulit-ulit kong binasa ang nasa pilas na pahina. Hindi ako makapaniwala.
Umiiling akong ibinalik ito kay Jeremy. Napansin kong nakatingin sa akin si Jeremy na abot tenga ang mga ngiti na tulad din ni Dexter na akmang iinom na ng kanyang beer.
"Paano?... Kelan?... Bakit?" ang mga tanong lang na aking nasambit sa aking pinsan.
Sinuklian niya na lang ako ng isang matamis na ngiti.
"Tila yata matamlay bigla ang iyong pakiramdam? Naguguluhan ka ba ngayon? Wag mo na dibdibin yan sige ka tatanda ka ng bigla. Alam ko iniwanan ka niyang bigla." ang tanong sa akin ni Jeremy. Hindi ako nakasagot. Inabot niya sa akin ang isa pang papel na pilas din mismo sa journal ni Raffy. Agad ko itong inabot at natawang bigla sa aking nabasa.
------------------------------------------------
Baby bro,
Sinamba mo siya. Binigyan mo ng lahat. Ngayon tapos na ang lahat kinalimutan mo na ba ang iyong nakalipas?
Kasama mo ako sa hirap at gihawa. Kasama mo ako at kasama rin kita sa hirap at ginhawa. Ako ang tutulong sa iyo na kalimutan siya.
Big bro
------------------------------------------------
Naluha akong todo sa kanyang liham. Humahagulgol akong binasa ang kanyang sulat para sa akin. Napapatingin na ang ibang tao sa aking paligid.
"Insan!!! Bakit niya ako iniwan kung ganoon nga?!! Bakit siya nagasawa at nag-anak kung mahal niya pala ako?!!! Bakit ngayon lang niya sa akin inamin ang lahat ng ito?!!! Ang sakit sakit insan!!! Mahal na mahal ko rin siya!! Mas minahal ko siya kay Harold!! Siya ang first love ko!!!" ang depression ko ay lumabas na bigla at iyon ang mga tila mga salita kong walang wala nang pag-asa.
Isang awang mga titig lang ang ibinigay sa akin ni Jeremy at ganun lang din ang nanonood sa aming si Dexter.
Nakatingin na sa akin ang karamihan ng tao sa restaurant.
Sinimulan nang tugtugin ng Up Dharma Down ang susunod nilang awitin.
Tila lahat ng pait na matagal ko nang kinikimkim at pagmamahal kay Raffy ay kumawala sa isang madilim na silid ng aking puso.
Biglang nagvibrate ang aking telepono sa loob ng aking suot na maong. Nawala ako sa aking moment at kinuha ito mula sa aking kaliwang bulsa.
Si Sybil ang tumatawag. Agad ko tong sinagot kahit medyo maingay. Hindi ako kasi makatayo dahil sa mas maraming tao ang makakakita sa aking mukha at mga matang namamaga.
Hindi naman ganoon kaingay ang tugtugin ng banda.
"Hello?" ang sumisinghot kong tanong sa kabilang linya.
Mula sa kabilang linya ay dinig ko ang ingay na tulad din ng ingay kung nasaan kami ngayon.
"Kinalimutan mo na ba siya?" ang tanong sa akin ng pamilyar na boses na matagal ko nang hindi naririnig.
Mula pait ng damdamin ay agad napalitan ng lubos na kaligayahan sa boses na aking narinig. Hindi ako agad nakasagot.
"Oo.... dahil... hindi ko siya minahal tulad ng pagmamahal ko sa iyo!!!!" ang sinagot ko sa kanya.
Tumawa lang siya sa kabilang linya.
"Tumingin ka sa entablado." ang sabi niya sa akin at agad naman akong lumingon sa entablado.
Nakatayo si Raffy sa babang gitna ng entablado at nakatapat ang kanyang telepono sa kanyang tenga. Tumuro siya sa isang gilid ng entablado at nakita namin si Kevin na may kasamang hindi ko kilala. Marahil iyon ang jowa niyang si Alex.
Hindi ko naialis ang tenga ko sa aking telepono. Kinawayan ko si Raffy upang pumunta siya sa amin. Apatan ang lamensa namin.
Nanginginig ang tuhod ko at nanlalamig ang aking mga palad. Tila malalamig na pawis ang namuo sa aking noo at ilong nang makitang muli si Raffy. Naging mas gwapo siya ngayon marahil sa kilma sa Singapore.
Nang makalapit siya sa akin ay lumuhod siya at may inilabas na maliit na box at binuksan niya ito upang aking makita ang isang silver na singsing. Kahit madilim ay kumikinang ang bakal nito sa kakaunting ilaw na dumadapo dito.
"Tulad ng pangako ko. Ngayong kilala mo na ako. Pwede ba kitang pormal na ligawan my My J... my Baby bro?" ang tanong niya sa aking abot tenga ang ngiti at puno ng pag-asa ang kanyang mga titig.
Naalala kong bigla ang kanyang asawa't anak. Hindi ko makalilimutang napakaganda ng kanyang asawa. At hindi ko gustong masira ang kanilang pamilya.
"Hindi pwede. May asawa't anak ka na. Masaya na ako para sa iyo." ang mapait kong sinagot sa kanya sa kabila ng aking nararamdamang kaligayahan na napalitan agad ng kaulungkutan. Kailangan kong magparaya para sa kaligayahan ng iba.
Tumawa silang tatlo at nainis ako.
"Anong nakakatawa? Bakit kayo nagtatawanan?!!" ang sumbat ko sa kanilang tinitignan sila isa-isa.
"Seph... planado na namin ang lahat. Ikaw kasi eh nagmamadali ka at eto namang si Rafael ay huli na rin nang sabihin sa akin ang lahat. Yung nasa video na babae at may anak, kasama lang ni Rafael yun sa tinutuluyan niya doon na nagtatrabaho rin sa company namin. Hindi nga lang namin inaasahan na magkakaganoon ka nong araw na iyon. Singaporean ang asawa ni Mina at hindi si Rafael." ang natatawang ikinwento sa akin ni Dexter.
Nanginginig ang kamay kong nakatikom na sa gigil at inis na ako'y kanilang nilinlang.
"Insan.. panay ang sorry ko sa iyo nitong huli diba? Kasi nilihim ko sa iyo ang lahat. Alam kong magagalit ka sa akin pag nalaman mo na kasama ako dito. Ako yung nagpapadala sa iyo. Wala akong maisip eh kaya ginawa na lang namin yung ginawa ni Dexter at Kevin sa akin dati. Gusto rin namin kasing makasiguro na mahal niyo nga ang isa't-isa. At least ngayon, wala nasi Harold." ang sabi ni Jeremy sa akin. Nakakaawa ang kanyang mukha.
Bumalot namang muli ang kaligayahan sa aking dibdib nang marinig ko si Jeremy.
"Okay lang iyon insan. Hindi ko magagawang magalit sa iyo. Naiinis lang ako jan kay Dexter na laging kausap nitong si Raffy." ang aking sagot sa kanya.
"Nangangalay na si Rafael oh. Ano sagot mo?" ang tanong sa akin ni Dexter.
Nanatiling nakaluhod lang si Raffy sa aking harap at nakaabot ang singsing na nasa box.
"Ano? Pwede na ba? Mahal ko?" ang tanong ni Raffy sa akin habang nagniningning ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. Natutunaw na ako. Hindi ko mapigilan ang pagbulwak ng ligaya sa aking dibdib.
"Sino ba sasagutin ko... si Sybil o ikaw? Hmmm..... Pucha! Hindi mo na kailangang itanong pa iyan!!! Matagal nang sa iyo ang matamis kong "OO"!!!!" ang sagot ko sa kanyang tuwang tuwa sabay abot sa kanya ng aking kanang kamay.
"Hay!!! Namiss kita baby bro ko!! Kala ko maeextend pa an abstenence ko!! Puro kamay na lang ako!!!" ang pabirong sabi sa akin ni Raffy sabay abot ng aking kamay matapos alisin ang singsing sa maliit na box na ipinatong niya sa mesa.
Nang maiusot niya ang singsing ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Mahal na mahal kita big bro!!"
"Mahal na mahal kita baby bro.... una kitang minahal..."
Naghalikan kaming dalawa ni Rafael at sa pagkakataong iyon lubos na pagmamahal na hindi ko pa nararamdaman ang umusbong sa aking dibdib. Isang pagmamahal na tunay ang nalaman ko sa isang tunay na halik mula sa taong tunay mong minamahal. Isang halik ng isang taong tunay na nagmamahal din sa iyo.
WAKAS