Naudlot ang aming gana sa pagkain at nagkatinginan na lang kami ni Kevin. Nagmamadali akong tumayo at sinundan sa silid si Harold. Tila nawawala ang aking mga paa sa oras na iyon sa pagmamadali. Isang baitang ng hagdan ang aking nalalaktawan sa aking pagakyat sa silid.
Sa mismong tarang kahan ng aking silid ay nakita kong naghahakot na si Harold ng kanyang mga damit at nagmamadali.
"Harold... hindi ba muna tayo maguusap?" ang mahinahon kong tinanong sa kanya. Hindi siya lumingon sa akin at nagpatuloy lang sa pag-aalsabalutan ng kanyang mga damit.
Hindi ko napansin ang pagsunod si Kevin sa akin sa itaas. Namalayan ko lang na nasa tabi ko siya habang ako'y nakatitig kay Harold na walang imik ay hinaplos niya ang aking balikat.
"Hindi mo ba ako kakausapin? Wala ba akong karapatan kahit makausap ka lang? Wala ba akong karapatang malinawan ng kahit kaunti sa lahat ng nangyari?" ang mga tanong ko kay Harold habang isinasalansan na niya ang huli niyang gamit sa kanyang malaking bag.
Isinara lang niya ang zipper ng kanyang dalahin at tumayong tumungo sa kung saan kami naroon ni Kevin.
Parang wala lang kami doon ni Harold. Bago pa siya makalagpas sa amin ay kumapit ako sa braso niya na bitbit ang kanyang bagahe.
Binigyan ako ni Harold ng isang inis na mga titig nang siya'y lumingon sa akin.
"Bitiwan mo ko! Wala na akong gamit dito at wala akong kinuha sa mga gamit mo. Aalis na ako!" ang marahas na sinabi niya sa akin.
"Pano naman ang sa atin?" ang tanong ko sa kanyang dala ang matinding awa sa aking sarili.
"There was no us!! I don't believe in long term relationships! I don't believe in this kind of relationship! Move on Seph!" ang pabulyaw niyang isinagot sa akin.
Hindi ko na napigilang bumuhos ang aking luha sa aking mga narinig. Isang mariing saksak ang bumaon sa aking dibdib. Humigpit ang aking kapit sa kanyang braso.
Nanatiling nagkikimkim naman si Kevin na nakatayo sa aking likuran.
"Bitiwan mo ko!" ang sigaw in Harold sabay bitiw ng kanyang bitbit sa sahig sabay pakawala ng malakas na suntok sa gitna ng aking dibdib.
Impit na daing ang agad kumawala sa akin sa sakit ng suntok ni Harold. Magkahalong emosyon at pisikal na sakit ang binigay niya sa akin.
Nang akmang sasapakin na sana ako ni Harold ay agad siyang pinigilan ni Harold at kinuwelyuhan. Matangkad ng di hamak si Kevin sa amin.
"Tang ina ka! Ikaw na itong nangaliwa ikaw pa may lakas ng loob na manakit? Wala ka bang kaluluwa? Minahal mo ba si Seph? Subukan mong saktan muli ang kaibigan ko at di ako magdadalawang isip na pulbusin ka!!" ang amba ni Kevin sa kanya sabay pakawala nito sa kwento ni Harold.
Nagmadaling binuhat ni Harold ang kanyang bag at kinuha ang susi ng bahay mula sa kanyang bulsa at ibinato ito sa sahig.
Bumaba agad ito ng bahay.
Tulala akong nakatitig sa hagdan pababa tinatanaw ang likuran ni Harold habang patuloy sa pag-iyak.
Napansin ni Kevin ang aking lagay. Nilapitan niya ako ay niyakap ng mahigpit upang ibsan ang aking dalahin.
"Hayaan mo na Seph. Hindi siya ang para sa iyo. May mas nakararapat ding darating sa buhay mo." ang sabi sa akin ni Kevin.
"Insan!!!!!!!" ang malakas na sigaw ni Jeremy mula ibaba ng bahay na nagmamadaling umakyat kung saan kami naroon ni Kevin nang mapansin niyang wala kami sa bahay.
Nagmamadali ang mga paa ni Jeremy at Dexter na umakyat tungo sa itaas ng bahay kaya ang lakas ng kalabog na ginawa ng kanilang mga paa.
Agad akong nilapitan ni Jeremy at niyakap matapos akong bitiwan ng yakap ni Kevin.
"Insan... yaan mo na yun... may darating din sa buhay mo... malay mo yung Sybil na iyon... gwapo pala... at mas seryoso na mahalin ka habang buhay... para makabawi alam mo ba insan? Sinampal ko siya sa ibaba nang magkasalubong kami... sabi na nga ba eh... maling tao yung gagong iyon..." ang sabi ni Jeremy sa akin habang umaagos na rin ang luha para sa akin.
Lumapit si Dexter at hinaplos ang aking ulo.
"Nandito naman kami Jeremy para tulungan kang malakimutan siya." ang sabi ni Dexter.
Natauhan ako nang sabihin sa akin ni Dexter iyon. Natigil ako sa pag-iyak at humiwalay kay Jeremy.
"Pano yon? Pupunta kayo ng Singapore. Kelan kayo aalis?" ang tanong ko sa kanilang dalawa.
"Mamayang 9:00 PM na ang flight namin ni kuya. Si Kevin ang magdadala ng kotse pauwi." ang sabi sagot ni Jeremy na sinangayunan naman ni Dexter ng pagtango.
"Ingat kayo ha? Hindi na ako sasama sa paghatid sa inyo. Gusto ko muna mapag-isa. Pakisara na lang yung pinto paglabas niyo ha?" ang sagot ko sa kanya sabay tungo sa loob ng aking silid.
Nangma-ilock ko ang pinto ng aking kwarto ay agad akong sumubsob sa kama upang ipagpatuloy ang pag-iyak.
Ang pait ng pakiramdam na nag-iisa na lang ako sa mundo ngayon. Wala na si Rafael, ipinagpalit ako ni Harold, aalis na si Dexter at si insan.
Hindi ko na namalayan at nakatulog na lang ako sa kakaiyak. Gabi na ng ako'y magising ng katukin ako ni Kevin sa aking silid.
"Seph...? Gising na Seph... Seph?" ang tawag ni Kevin mula sa labas ng pinto habang sabay na kumakatok.
"Gising na ko! Saglit lang." ang sagot ko kay Kevin at marahang inayos ang aking sarili habang binabawi ang ulirat.
Isang matmis na ngiti ang bumungad sa akin nang mabuksan ko ang pintuan kung saan nakatayo si Kevin.
"Magandang gabi!" ang bati niya na sinagot ko rin ng tulad ng kanyang sinabi.
Inakbayan ako ni Kevin nang ako'y makalabas na ng silid at sabay kaming bumaba ng hagdan.
Dahil sa abot tanaw ang hapag mula sa ibaba ng hagdan nasorpresa ako sa kanyang ihinanda para sa aming dalawa. Nanlaki lang ang mga mata ko sa tuwa at gulat.
"Sabi ni insan at ni Jemimi samahan daw muna kita eh. Wala ako masyadong alam sa pagluluto kaya naisip ko na lang magtakeout sa Karate Kid kanina pagkahatid ko sa dalawa sa airport kanina.
"Favorite ko japanese food!!" ang sabi ko sa kanyang nasasabit matapos ko siyang lingunin.
"Buti naman tama hula ko!" ang sagot naman sa akin ni Kevin sabay bitiw ng isang malalim na buntong hininga.
Dahil sa nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura ay agad ko siyang hinila papunta sa hapag upang kumain na. Natilig ako sa aking nakita nang malapit ako sa mesa.
"Wow!! Sashimi!!!!" ang nasabi ko sa saya.
"Salmon... Salmon sashimi..." ang sabi ni Kevin habang nakangisi.
"Hula lang ba talaga yan?!!" ang tanong ko sa kanya dahil hindi makapaniwala.
"Oo na... sabi ni Jemimi sa akin gusot mo daw yan." ang pag-amin niya sa akin.
"Ikaw talaga! Kay insan ako magpapasalamat hindi sa'yo!" sabay tawa ko ng malakas.
"Tara kain na tayo!" ang sagot niya.
Masaya naming pinagsaluhan ang aming pagkain at ni minsan ay di niya binanggit ang mga nangyari kanina kahit kami ay naguusap tungkol lang sa mga bagay-bagay sa aming buhay. Para makilalang maigi ang bawat isa.
Nang matapos ay agad naming hinugasan ang aming pinagkainan.
Na sala kaming pareho nagpababa ng aming kinain habang nakatayong nagyoyosi at nagkukwentuhan.
"Trabaho na tayo after nito." ang yaya niya sa akin.
"Dala mo laptop mo?" ang tanong ko sa kanya.
"Ako pa." sabi niya sabay turo ng laptop niya sa ibabaw ng sofa na hindi ko napuna kanina.
"Ayos!!" ang excited kong nasagot sa kanya.
Sa hapagkainan kami nagtrabaho ng magkaharap. Bukas lahat ng windows ko habang isinululat ang aking nobela at siya naman ay abala sa kanyang mga ginagawang article.
Nagpatugtog si Kevin upang hindi tahimik ang paligid.
"Si Kevin talaga." ang nasabi kong napangiti sa aking sarili sa pinatutugtog niya.
Lumipas ang sandali at hindi kami nakatiis pareho ni Kevin na nagtatrabaho lang.
"Seph... okay lang timpa tayo ng maiinom man lang? Yosi lang din ako ha? Hirap ako magtrabaho ng wala nito." ang paalam sa akin ni Kevin.
"I like the idea. Medyo nababagot na rin ako eh." ang sagot ko sa kanya.
Kinuha niya ang ash tray na nasa sala at ako naman ay pumunta sa kusina upang magtimpla ng isang pitsel ng strawberry juice.
Seryoso ang mukha ni Kevin habang humihithit ng sigarilyo at nakatitig sa kanyang screen.
Ipinatong ko sa tabi niya ang isang baso. Napatingin siya sa akin habang nilalagyan ko ito ng aking tinimpla. Isang ngiti ang ipinakita ni Kevin tanda ng kanyang pasasalamat.
Bumalik ako sa aking upuan at nagsindi na rin ng yosi matapos din lagyan ang baso para sa akin.
Nagpatuloy na lang ulit ako sa pagsusulat. Hindi ko maiwasang balikan ang mapapait na sandali. Hindi ko na napigilang lumuha pa.
Dahil sa magkaharap lang kami ni Kevin ay yumuko na lang akong nagtago ng aking muha sa harap ng aking screen at ipinagpatuloy ang pagsusulat dahil kahit papano ay nakatulong naman ito sa aking gawain.
Nang medyo nawawala ako sa pagsusulat ay binuksan ko muna ang aking email account at nakitang may mensahe ako mula kay Rafael.
----------------------------
Baby bro,
Sorry napabayaan kita. Pinahahalaghan ko ang pangako at turing sa iyo bilang nakababatang kapatid. Kinumpleto mo ang isang bahagi ng buhay ko.
Madalas kitang isipin. Kaya lang hindi na kita magawang kamustahin dahil sa may sarili na akong buhay. Sana masaya ka para sa akin.
Higit sa lahat. sana mapatawad mo ko.
Hugs from big bro,
Raffy
----------------------------
"Masaya ka na pala eh. Bakit kasama pa ako? Bahala ka na sa buhay mo kinalimutan na kita. Wala akong kapatid." ang inis kong sinabi sa sarili at hindi na sinagot pa ang email ni Rafael.
Hindi natapos doon ang aking pagbabasa dahil may natitira pang isang email na hindi ko nababasa. Galing kay Sybil.
----------------------------
Mahal kong Seph,
Salamat. Darating din ang araw ng ating pagkikita. Sa ngayon masaya akong kaibigan kita.
Kung may gusto kang sabihin na hindi mo masabi sa ibang tao pwede mo akong malapitan. Sabagay, wala naman akong kakilala sa kanilang mga kakilala mo. At wala akong planong ipagkalat kung ano man ang sasabihin mo dahil bukod sa hindi ito bahagi ng aking pagkatao at ayaw kong mabahiran ng sama ang pinapakita kong pagpapahalaga at pagmamahal sa iyo.
Nandito lang ako upang makausap mo sa oras na kailanganin mo ko.
Nagmamahal,
Sybil
----------------------------
"Mukhang seryoso siya. Sabagay, ayaw ko naman mag-alala si Kevin at mga pinsan namin pumunta na ng Singapore. Ayaw kong maging pabigat sa kanila. Wala naman si Raffy. Di na bale. Bahala na. Alam din naman nila ang pinagdadaanan ko ngayon bukod kay Raffy." ang pakikipagusap ko sa aking sarili na nahalata naman ng kanina pa palang nakatitig sa akin na si Kevin.
Natatawa siya sa itsura na ginawa ng aking mukha.
"Ano tinitingin tingin mo diyan ha? Kevin?" ang nagmamataray kong sagot sa kanya depensa mula sa pagkapahiya.
"Wala. Sige na magsusulat pa ko." ang sagot niya sabay yuko sa harap ng screen ng laptop niya. Kita sa mga balikat niya ang panginginig dahil sa pigil niyang pagtawa kahit nakatago ang mukha niya nakikita ko pa rin.
"Bwiset!" ang bulyaw ko sa kanya sabay tutok muli aking screen at nagreply kay Sybil.
----------------------------
Hi Sybil,
Sige, since sabi mo wala kang sasabihan panghahawakan ko na lan yan.
May itinuturing akong parang nakatatandang kapatid na lalake pero dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay dahil hindi na siya nagpaparamdam dahil nasa ibang bansa na siya, nasasaktan ako ng lubusan. Kahapon nagkausap kami parang wala lang sa kanya na namiss ko siyang ubos at nangungulila ako sa kanya. Kahapon ko lang din nalaman na may pamilya na pala siya. Sobrang sakit ng aking nadarama. Hindi ko magawang magalit sa kanya sa kabila ng lahat...
----------------------------
Natigil ako sa pagsusulat nang matauhan kong hindi nga ako galit kay Rafael. Marahil ay nagtatampo lang akong lubos at nasaktan ng malaman na may pamilya na siya. Nangungulila pa rin ako sa kanya. Isang bahagi ng aking pagkatao ay gustong makapilig siya.
Nagpatuloy akong muli nang matapos ako sa aking pag-iisip.
----------------------------
...tagtatampo siguro pero...
Anyway, I have a problem. My boyfriend cheated on me. Hindi ko kilala yung pinalit niya sa akin. Kagabi ko lang nalaman at kanina umalis siya na hindi kami naguusap man lang.
Kung gusto mo malaman ang damdamin ko. Devastated ako ngayon. Clueless at ang baba ng tingin ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Hindi ako ang nangaliwa at ni minsan hindi kami nag-away. Isang araw, iiwan niya na lang ako samantalang wala naman nagbago sa aming dalawa.
I'm trying to figure things out muna before I move on.
Yun lang. Ikaw? May gusto ka bang ishare sa akin?
- Seph
----------------------------
Matapos kong isend ang email ko kay Sybil ay bumalik ako sa pagsusulat. Paminsan ay sinusulyapan si Kevin upang kamustahin siya.
Nagkaabot kami bigla ng tintigan. Napahiya nanaman ako.
"Oh? Ano tinitingin mo diyan?" ang pabirong sinabi niya sa akin.
"Wala... tinitignan ko lang kung gising ka pa. Gusto mo ipagtimpla kita ng kape?" ang sabay kong alok sa kanya.
Nginitian niya ako at tumayo sa kanyang upuan.
"Ako na ang magtitimpla. Diyan ka lang." ang sagot niya.
"Gusto ko sumama para maunat ko naman ang mga binti ko." ang sabi ko naman sabay tayo rin sa aking upuan.
Sabay kaming tumungo sa kusina. Habang nagpapainit ng tubig sa takure ay pareho kaming nakatayo sa harapan ng kalan tila hindi namin mahintay na kumulo ito.
Coffee moment ang eksena naming dalawa sa sala habang nagyoyosi at masayang nag-uusap. Hindi ko napigilang tumawa.
"Bakit? Anong nakakatawa sa sinabi ko?" ang nagtataka niyang intanong sa akin habang nakatingin sa akin. Ako naman ay nasakasarapan ng pagtawa.
"Wala... para kasi tayong nasa office lang... ganito kasi kami nila Jeremy at Rafael pag nagbbreak kami. This time... no stress... nasa bahay ako... at ikaw naman ang kasama ko. Ironic lang." ang natatawa ko pa rin na paliwanag sa kanya.
"Sabagay... tama ka..." ang sagot niya sa akin.
Nang matapos kami magkape at balik kami sa sarili naming mga pwesto sa mesa upang magpatuloy sa aming mga ginagawa.
Habang nagtatrabaho ako ay hindi ko naiwasang maglikot sa aking upuan. Dahil sa maliit lang ang pagitan ng aming mga hita ay hindi ko sinasadyang maipit ng kanyang mga hita ang aking binti.
"Ay! Sorry! Di ako makali kasi." ang paumanhin ko sa kanya na tinawanan lang niya.
Hindi na ako umimik at sa hiya ay nilaru-laro ko ang mga windows sa desktop ko. Napuna kong nagreply agad si Sybil.
----------------------------
My J,
It must be really hard for you for your kuya's absence in your life. Kailangan mong maging mature na ngayong may sariling buhay na ang iyong kuya. Learn to stand and face life without him.
Yung boyfriend mo naman. Let him be. I'm here for you anyways waiting for you.
Love,
Sybil
----------------------------
"Baliw." ang nasabi ko na lang matapos kong basahin ang kanyang reply.
Napansin kong humahagikgik si Kevin sa kanyang pwesto. Nagduda ako sa kanyang kinikilos.
"Siya kaya si Sybil?!" ang naitanong ko sa aking sarili.
Agad akong nagreply kay Sybil.
----------------------------
Sybil,
Gaano ba kita kakilala? Paano mo ako nakilala? Saan? Kelan?
Kaya kong tumayo mag-isa at ang kuya-kuyahan ko dumating sa buhay ko medyo late na dahil am matured na.
Seph
----------------------------
Bumangon ako sa aking upuan upang tignan kung si Kevin ang tao sa likod ng pangalang si Sybil.
"Ah Kevin... CR lang ako ha?" ang palusot ko sa kanya. Tamang tama nakaearphones siya.
Dali-dali akong tumungo sa CR at sinilip ko si Kevin kung pwede na akong dahan-dahang maglakad tungo sa kanyang likuran at alamin ang kanyang gagawin.
Nakatikayad ang aking mga paang ginapang tumungo sa likuran ni Kevin na tawa pa rin ng tawa. Nanonood pala siya ng isang video sa youtube na nakakatawa.
Dahan-dahan ulit akong lumayo kay Kevin upang makabalik sa aking upuan.
Nakatingin si Kevin nang ako'y umupo. Napansin kong may reply na si Sybil sa akin.
"Mukhang online to ah." ang nasabi ko sa aking sarili at sabay tingin sa contacts ko sa GTalk.
Active ang status niya at may nakalagay na "Hello! I'm waiting J!".
Nagkausap kami ni Sybil sa chat. Masaya kaming nag-usap. Nang mag-uumaga na at napansin kong si Kevin ay tila nakatutok lang sa kanyang laptop. Binalot na ako ng duda.
"Kevin may che-check lang ako. Harap mo naman sa akin laptop mo dami kasing window sa akin di ko masarado. Please?" ang palusot ko kay Kevin.