Nagmamadali naming kinuha ang aking Macbook na nakapatong lagi sa ilalim ng center table sa sala at ito'y binuksan nang kami ay makabalik sa hapagkainan upang doon ito gamitin.
Si Jeremy ay halos hindi kumurap na inabangan ang aking ginawa upang matrace ang user ng email address na iyon.
"Try mo sa MySpace, Friendster, Orkut, Facebook, G4M... Lahat insan!! Try mo hanapin!!" ang wika ni Jeremy na sobrang naiinip habang inaalog-alog ako sa aking balikat.
Ako nama'y ay kunot noong ginawa ang aking paghahanap. Ganito rin kasi ang dati kong trabaho kaya alam ko na ang aking gagawin.
"Wala insan... New email account lang to... Walang connected accounts pero taga Pilipinas ang user o dito niya sa Pinas ginawa ang account na ito. Four months pa lang ang account na ito at naka proxy ang user nito kaya hindi ko makita ang iba pang detalye." ang ikinalulungkot kong ibinalita sa kanya.
"Eh di itanong mo sa kanya kung sino kaya siya? Dali email mo!!" ang excited pang iniutos sa akin ni Jeremy.
"Oo na! Sandali lang! Mas excited ka pa sa akin na malaman yung Sybil na iyon." ang sagot kong binalikan niya ng pagsinghal.
Binuksan ko ang Mail at nagcompose ng email sa kanya:
------------------
Sybil,
Salamat sa mga pinadala mo ngunit ikinalulungkot kong sabihin sa iyong may minamahal na ako at hindi kita kilala. Kung single ako ay hinding hindi mo ako madadaan sa ganitong paraan ng panliligaw. Kung gusto mo ako makikipagkaibigan lang ako sa iyo pero kung yun ay haharapin mo ako na parang tao at magpapakilala ka.
Kung di mo ititigil ang ginagawa mo, masasayang lang ang lahat ng iyan dahil hindi talaga kita papansinin.
Seph
--------------------
Nang matapos ako ay ipinabasa ko agas ito kay Jeremy. Tahimik at seryoso niya itong binasa matapos yumuko upang ilapit sa kanyang mga ang monitor. Nang matapos ay dahan-dahan siyang tumayo ng tuwid sabay namewang.
"Yaan insan! Dapat lang! Nako! Nakakabwisit talaga ang mga ganyan. Walang mga mukha hindi mo alam kung gusto ka ba o gusto ka lang pagtripan ng gagong iyan! Hay nako!" ang nangigigil niyang sinabi sa akin na parang may pinanghuhugutan. Napangiti ako sa kanya matapos ko siyang lingunin.
"Happy ending ka naman diba?' ang sabi ko sa kanya habang nanatiling nakangiti.
"Hay nako insan! Ang sakit sa ulo ng ganyan! Pano kung hindi ka happy ending?" ang tanong naman niya sa akin.
"Happy ending naman na ako kay Harold ah?" ang tanong ko aa kanyang patotoo na okay naman ako.
"Sabagay pero parang may kulang sa inyo si Harold. May mga araw siyang di umuuwi minsan diba tapos may mga pinupuntahan pa nang di mo alam?" ang sabi niya sa akin. Hindi na ako nakapagsalita dahil tama ang kanyang mga sinabi.
"Eh paano kung di ko siya tipo? Malay natin baka hindi siya magandang lalaki sa isang average guy kaya hindi siya nagpapakita? Kahit naniniwala ako sa kasabihang hindi nakikita ang tunay na pag-ibig sa panlabas na kaanyuan, hindi ko siya kakaibiganin kung bigyan niya ako ng pictures tapos pag nakipagkita siya sa akin malalaman kong hindi pala sa kanya iyon. Gaguhan na iyon!" ang paliwanag ko kay Jeremy upang maalis ang usapan tungkol kay Harold.
Napansin na pala ni Jeremy ang mga ilang beses na hindi umuuwi si Harold nitong huli. Marahil busy lang talaga siya sa kanyang trabaho.
May mga araw na nasa Glorietta siya bigla at pinapapunta niya ako doon upang sunduin siya dahil sa lumabas daw sila ng mga agents niya. Nauunawaan ko naman si Harold dahil kailangan niyang makisama sa mga tauhan niya at hindi ko ito binahiran ng kahit kaunting pagdududa.
Natulala takong nag-iisip at napako ang aking tingin sa kawalan.
"Insan? Okay ka lang? Nag-almusal ka na ba? Mayroon wheat bread at strawberry jam sa bahay baka gusto mo." ang tanong sa akin ni Jeremy na gumising sa aking ulirat.
"Hindi pa insan. Nagugutom na pala ako." ang sagot ko.
Isang ngiting matamis lang ang ibinalik sa akin ni Jeremy at niyakap ako ng mahigpit habang ako'y nakaupo. Nang kumalas si Jeremy ay may narinig na lang kami ng nagmamadaling mga katok sa pintuan.
"Seph buksan mo to Seph." ang pananawag ni Dexter.
Nagmadali si Jeremy na buksan ang pinto at sinalubong ito ng mahigpit na yakap. Sabay silang lumapit sa akin mula sa aking kinauupuan.
"Seph magonline ka daw ngayon sa Facetime online na si Raffy gusto ka daw niyang makausap." ang ibinalita sa akin ni Dexter habang hanggang tenga ang kanyang mga ngiti.
Hindi ko na siya sinagot at binalik ko ang aking attensyon sa laptop upang buksan ang Facetime. Agad kong napansin na online ang status ni Raffy sa listahan ko ng contacts.
Bago ko pa mapili ang kanyang pangalan sa contacts ay agad pumasok ang kanyang call invite kaya ito na lang ang aking na-click.
Ang maamong mukha ni Raffy ang una kong nakita at abot tenga naman agad niyang ipinakita sa akin. Hindi ko nagawang ngumiti pabalik sa kanya. Natulala lang akong titig na titig sa kanyang mukha. I higit isang taon na hindi pagpaparamdam ni Raffy at hindi pa kasama doon ang huli naming pagkikita. Ni litrato niya ay wala ako. Mayroon kami parehong social networking accounts pero hindi niya nauupdate ang mga ito.
"Hello Rafael!! Namiss ka namin dito!!" ang sabik na bati ni Jeremy habang siya'y nasa kanan kong balikat na kumakaway kay Raffy.
"Musta bro!" ang sabi naman ni Dexter sabay saludo kay Rafael.
Nanatiling nakapako ang mga mata ko kay Raffy. Hindi ko alam ang aking gagawin. Lahat ng emosyon koay bumalik. Magkahalong ligaya at ginhawa dahil nakita kong muli siya na may inis at matinding lungkot dahil sa wala akong balita sa kanya.
"Kamusta na kayo diyan? Dexter, salamat sa lahat ha! Utang ko sa iyo lahat ng ito. Napakabuti mong kaibigan." ang sabi niya.
"Okay lang yon tol! Basta pag-igihan mo diyan ha?" ang sagot ni Dexter.
"Jeremy!!! Wala ka pa rin pinagbago!! Sana ganyan ka lagi. Hindi na ako makapghintay sa pagpunta niyo dito sa susunod na linggo." ang sabi ni Rafael kay insan.
Natauhan ako saglit nang marinig ang binanggit ni Raffy na pagalis nila. Hinarap ko si Jeremy na puno ng katanungan ang aking mga titig sa kanya.
"Mamaya ko sasabihin insan." ang sabi niya sa akin sabay ngiti.
Ibinalik ko ang titig ko. Tila sinusulat ko ang bawat sandaling nakikita ko pa rin siya.
"Baby bro!! Kamusta na kayo ni Harold? Okay ba siya? Sabihin mo umayos siya ha kung hindi sasapakin ko siya." ang sabi ni Raffy sa akin. Isang pilit na ngiti lang ang naibalik ko sa kanya.
"A-akala ko... nalimutan mo na... a-ako... R-raffy... hin-hindi k-ka na kasi sumasagot sa e-mails... emails ko..." ang nauutal kong sagot kay Raffy. Naninikip na ang aking dibdib.
"Pasensya na ha?... busy ako masyado... lalo na ngayon..." ang sabi ni Raffy na natigil dahil may kinawayan siya na hindi namin kita sa screen.
Isang magandang babae na mahaba ang kulot na buhok ang lumapit kay Raffy. Metisa na mamulamula ang balat na di tulad ng instik na pinatitingkad lalo ng suot niyang blusang itim. Balingkinitan ang kanyang katawan at may karga siyang maliit na sanggol na kahawig niya. Tinititigan niya itong lumapit kay Raffy.
"Nga pala baby bro... ito si Mina... ang papakasalan ko at anak ng panganay kong si Ericson... ang pamangkin mo..." ang masayang pagpapakilala ni Raffy kay Mina sa amin habang hinahapos ang noo ng anak niyang tinititigan din ito nang malapit sa kanya si Mina.
"Magandang araw sa inyo!" ang bati ni Mina sa amin na nakangiti. Kumaway lang ang nagjowa sa aking tabi samantalang ako ay napatango lang sa pagkabigla nang marinig ang lahat.
Nanatili akong tulalang nakatitig kay Raffy. Hindi ko na napigilan lumuha. Parang may sibat na tumagos sa aking dibdib. Lahat ng negatibong emosyon ay sabaysabay na naghari sa aking damdamin.
"Oh baby bro?... bakit ka umiiyak? Anong problema? Namiss mo ba ang big bro mo? Miss na miss kita." ang naaawang tinanong sa akin ni Raffy nang mapansin na nangingintab ang aking pisngi sa luha.
"Ano ba kasalanan ko sa iyo?!!! Hindi ka na kasi nagpaparamdam!! Akala ko kung ano na nangyari sa iyo!!! Akala mo di ko sineryoso na ituring kang kuya pero hindi mo na ako naalalang kamustahin o basahin man lang ang mga pinadadala ko sa iyo!!! Nagpalit ka pa ng Vodafone na line kaya hindi kita makontak sa telepono!!! Laging nakabukas ang messenger ko pero ni minsan hindi kita naabutan!!! Tapos ngayon tatanong mo ako kung ano problema ko??!!! At sasabihin mong nanabik ka sa akin?!!! Masaya na ang buhay ko dito pero hindi mo alam iyon!! Wala kang alam!!! Hindi kita kapatid!!! Kalimutan mo na lahat!!!! Hindi naman kita pinahahalagahan!!!" ang sinagot ko sa kanya habang tumatayo sa aking upuan. Tulala silang nabigla lahat sa aking nagawa.
Nang makatayo ako ay dali-dali akong umakyat ng aking silid upang magbihis ng maayos at nagdala ng kaunting barya. Matapos naman ay agad akong lumabas ng bahay at sumakay sa aking mountain bike at nagmamadaling lumabas ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang lumayo upang makapag-isip. Tuloy-yuloy lang ako sa pagpapatakbo ng bisikleta umiiyak. Sobrang sakit at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko mahanap sa akin sarilia ng mga kasagutan.
Hindi ko na napansin na nagdilim na pala ang langit dahil nagkumpulan na ang maiitim na ulap.
Bumuhos na ang ulan ngunit di ko alintanang mabasa kaya'y nagpatuloy pa rin ako hangang sa maabot ko na ang San Pedro, Laguna mula daang Carmona. Basang-basa na ang buong paligid. Hapit dumikit sa balat ang aking babad sa ulang damit. Nagpatuloy lang ako hanggang sa ginusto ko nang magpahinga sa isang tinahan sa palengke ng San Pedro.
Lumakas lalo ang ulan na tila wala nang bukas sa pagbuhos. Medyo may katagalan na at nilalamig na ako. Wala akong magawa kundi panoorin lang ang aking paligid. Bagaman umuulan ay marami pa rin tao. Napansin kong may payphone sa aking tabi.
Pilit kong sinuri ang aking bulsa sa mga dinala kong barya. Wala na akong taong malalapitan kung hindi ang aking ina sa Manila. Dali-dali kong isinuksok lahat ng aking barya at tinawagan si mama.
Matapos ag ilang ring.
"Ma?! Si Joseph to... may problema ako... ang sakit sakit mama... hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko sa kaibigan ko? Ang alam ko magkapatid lang kami pero bakit ganito ka sakit? Matagal kaming hindi nagkita o nag-usap man lang tapos kanina nalaman kong may anak na siya tapos papakasalan na niya girlfriend niya." ang dirediretso kong sinabi sa aking inahabang humahagulgol na di pansin ang mga taong napapadaang tumitingin sa akin.
"Anak... sabi ko sa iyo magpapaligaw ka muna... mahal mo na siya anak.. hindi mo lang matanggap ngayon dahil bago ito para sa iyo... kalimutan mo na lang siya.. Uwi ka muna dito sa Balic-balic kung gusto mo. Miss ka na namin ng papa mo." ang sagot ni mama mula sa kabilang linya.
"Hindi ma hindi ko siya mahal may iba akong minamahal. Okay lang ako ma saka na lang ako uwi diyan sa atin. Pasabi na lang din kay papa na miss ko na rin siya. I love you ma!" ang huli kong sinabi at ibinaba na ang aking tawag nang mapansin kong tila ambon na lang ang ulan kahit madilim pa rin ang mga ulap.
Nagihawaan ako ng kauni ng masabi ko kay mama ang aking dalahin. Naisipan ko na lang na umuwi ng bahay. Maingat akong namisikleta pauwi daan tungong Biñan tapos sa Carmona na ang daan.
"Ano ba pumasok sa utak ko bakit ako nasa San Pedro na ngayon? Papano ko aakyatin ang Alta Tierra nito?.... Nawala na ako sa sarili ko..." ang nasabi ko sa aking sarili nang mapansin kong malayo pala ang aking pinuntahan at mahihirapan akong bumalik pauwi dahil pataas ang aking dadaanang kalsada tungo sa amin.
Inabot ako ng higit dalawang oras sa pamimisikleta pauwi. Wala nang ulan at wala na ang mga ulap sa langit. Nang makarating ako sa harap ng bahay ay agad bumukas ang pintuan ng bahay at nakita kong nakabihis na si Harold at mukhang aalis dahil bihis na bihis. Nakita niya akong dumating nang tumigil ako sa labas ng bahay na tinitignan lang siya.
"Alis ka po cream ko?" ang tanong ko sa kanya na nakangiti.
"Oo cookies ko... nagyayayamga agents ko na lumabas eh. Kawawa ka naman bakit parang ang yagit-yagit mo na? Saan ka ba galing? Sa battle field ka ba nagbike mahal ko?" ang nakangiti rin na pabirong sinabi niya sa akin.
"Nagbike ako hanggang San Pedro eh nabasa ako ng ulan tapos natuyo na lang nung paguwi ko kaya dumikit lahat ng dumi sa akin." ang natatawa kong ikinuwento sa kanya.
Nagmamadaling lumapit sa akin si Harold upang ako'y halikan at yakapin ng mahigpit.
"Ingat ka doon ha? Enjoy!" ang bilin ko sa kanya.
"Opo. I love you!" ang paalam niya at tumungo na sa kanyang pupuntahan. Sinundan ko na lang siya ng tingin papalayo.
Nang hindi ko na abot tanaw si Harold at ipinasok ko na ang aking biskleta at agad tinungo ang loob ng bahay. Nasa mesa pa rin ang akong laptop nang ito'y lingunin ko ngunit nakasarado ito.
Hindi ko na ito pinansin at agad tinumbok ang palikuran upang ako'y magshower agad.
Nang makaligo ay bumalik ako sa harap ng akong computer. Tinitigan ko muna ito maigi. Hindi ko alam kung ano ang aking unang gagawin. Para gusto ko na ayaw ko. Hindi ko maintindihan.
"Alam ko na... si Sybil na lang muna." ang nasabi ko sa aking sarili nang makita ko ang nakaipit na pirasong papel na kasama na dumating ng tatlong pulang tulips.
Agad kong binuksan ang aking email matapos magboot ng operating system. Sa listahan ng mga emails ko ay nakahighlight ang isang reply mula kay Sybil:
-------------------------------------------------------
Joseph,
Patawad ngunit magpapakilala rin ako sa iyo balang araw. Gusto ko muna malaman mo kung gaano kita kamahal at gusto ko rin muna makilala mo ako kung sino ako. Hindi na mahalaga ang panglabas na kaanyuan sana'y malaman mo na mabuti ang aking hangarin. Narito ako bilang isang kaibigang nagmamahal sa iyo. Maaari mo akong kausapin kung kailangan mo ng mahihingahan ng sama ng loob.
Love,
Sybil
-------------------------------------------------------
"Love? Paano niya masasabing mahal niya ako? Hmm... at least may makakausap ako kung kailangan." ang nasabi ko sa aking sarili. Mukhang mabuti rin naman na may kausap ako bukod kay Jeremy at Dexter para may ibang opinyon.
Ito naman ang isinagot ko kay Sybil:
-------------------------------------------------------
Sybil,
Salamat. Kung mabuti nga ang iyong hangarin ay kakausapin kitang may paggalang bilang tao at panghahawakan mo ang pangako mo sa akin na balang araw ay magpapakilala ka rin sa akin.
Seph
-------------------------------------------------------
"Sybil? Sino yan?" ang tinanong sa akin ng boses na nanggaling mula sa aking likuran.
Nagulantang akong napalingon sa aking kaliwa at nakita si Kevin na biglang natawa sa aking reaksyon.
"Kanina ka pa nandyan?!!" ang gulat kong itinanong sa kanya.
"Hindi kakarating ko lang tinatawag kita hindi ka sumasagot eh." ang sagot naman niya habang himahagikgik.
"Umalis sila Jeremy eh walang tao sa kanila nagbabakasakali akong nandito ka ngayon. Nababato kasi ako sa bahay." ang sabi niya sa akin.
"Ah ganon ba? Sige dumito ka na muna wala rin naman akong kasama eh." ang sagot ko sa kanya.
"Saan sila nagpunta?" ang pahabol kong initanong sa kanya.
Lumapit sa akin si Kevin at tinapik ang aking kanang balikat.
"Aalis na sila bukas kinuha lang yung ticket." ang sabi niya sa akin.
Nalungkot naman ako sa kanyang ibinalita.
"Ang bilis naman." ang nasabi ko na lang kay Kevin.
"Buti na lang si Sybil baka pwede ko na pagtiyagaan." ang nasabi ko sa sarili at napatawa.
"O bakit ka tumatawa? Ikaw na lang maiiwan dito at si Harold" ang tanong ni Kevin bakas ang pagtataka sa kanyang mukha.
"Wala!! May naalala lang ako." ang sabi ko sa kanya.
"Nagugutom na ako. May pagkain ka pa ba? Ayoko ulam sa bahay eh." ang sabi ni Kevin.
"Hindi pa ako nakakapagluto eh. Teka tulungan mo na ako magluto tapos kain na tayo ng hapunan. Ikaw na magsaing ako na bahala sa ulam." ang paanyaya ko sa kanya upang saluhan na rin ako sa pagkain.
Tulad ng aming napag-usapan ay siya ang nagsaing at ako naman ang nagluto ng ulam namin. Sinigang na boneless bangus ang aking inihanda. Paborito ko rin ang bangus ngunit hindi ako kumakain nito dahil sa katamaran sa pag-alis ng tinik nito.
Nang pareho na kaming natapos sa aming mga niluluto at nakaupo na sa hapag upang kumain ay naisipan kong tawagan si Harold upang kamustahin at sabihan siya ng aking kalagayan.
Kinuha ko ang aking telepono na katabi lang ng aking laptop at tinawagan ang kanyang numero.
Nakailang beses ko siyang tinatawagan ngunit hindi siya sumasagot. Mabilis na dumaloy pinuno ng kaba ang aking dibdib sa hindi pagsagot ni Harold sa aking tawag.
"Mamaya na yan Seph lalamig na yung pagkain natin." ang sabi ni Kevin.
Tinungo ko ang upuan sa kanyang tabi kung saan ako takdang kakain ng aking hapunan at ipinatong sa gilid ng aking mesa ang aking telepono.
Hanag nasa kalagitnaan na kami ng kasarapan ng pagkain ay tumunog ang aking telepono. Si Harold ang tumatawag at agad ko itong sinagot.
"Cream ko!!! Nagworry po ako kala ko nawala na phone mo. Kumakain na po kami ni Kevin ngayon ng sinigang na bangus. Wala sila insan kasi may nilakad bukas na daw alis nila papuntang Singapore." ang nagmamadali at masiglang sinabi ko kay Harold nang maginhawaan akong okay lang siya.
"Tawag ka ng tawag! Sino ka ba? Si Marco to. Sinong cream? Hoy! Ako ang boyfriend ni Harold at kasama ko siya ngayon dito sa Tagaytay. Kung sino ka man..... tigilan mo boyfriend ko! Ang landi landi mo ha... Cream-cream ka pang nalalaman!! At sinong Kevin?... Honey... sino ba ito?.. Cream ang tawag sa iyo ang harot pa niya ha..." ang sabi ng nakasagot sa akin. Malandi ang kanyang boses at maarteng maarte na baklang bakla.