Marahang lumapit si Kevin sa aming nanatiling nakatitig ang kanyang mga mata sa aking likurang nakabalandra sa kanyang harapan.
Tumalikod siya at tinawag ang aking pangalan upang kami'y magising. Nakailang tawag din siya marahil.
Naalimpungatan naman ako sa kanyang pagtawag. Bilga akong parang binuhusan ng malamig na tubig at napagalaw biglang naghahagilap kung papaano ko tatakpan ang aking sarili. Nagising si Harold nang muntik ko nang alisin ang aking nakapatong na hita sa ibabaw ng kanya. Agad niyang hinawakan ang aking hita. Hindi na ako nakagalaw.
"Uh.... Kevin... ikaw pala yan..." ang sabi ko sa kanyang nahihiya at may halong pagkabigla.
Parang lahat ng dugo ko ay napunta na sa aking mga pisngi sa oras na iyon. Si Harold din ay pulang pula ang mukha sa hiya at hindi makaharap kay Kevin.
"Ah.. Kevin siya si Harold... ang boyfriend ko... Harold.. siya ang pinsan ni Dexter..." ang pakilala ko sa dalawa. Hindi sila sumagot.
"Ah... baba na lang muna ako don ko na lang kayo hintayin..." ang sabi ni Kevin. Nagtinginan kaming sabay at nakita naming pareho ang namumulang mga mukha ng bawat isa.
Dali-dali na lang bumaba si Kevin ng hagdan at nang marinig ko ang kanyang mga yabag ay unti-unting nawala ay nagtitigan kami ni Harold at sabay na tumawa.
"Cookies ko... exciting naman masyado para sa atin ang araw na ito..." ang sabi ni Harold habang nakatingin ang malalabing niyang mga titig sa akin.
"Cream ko... nahihiya tuloy ako kay Kevin... nakita na niya buong hubad kong likuran." ang sabi ko sa kanya. Tumawa siya ng malakas.
"Selos nga ako Cookies ko kasi hindi na ako lang ang nakakita ng likuran mo... gusto ko pa naman akin ka lang..." ang sabi niyang nagkukunyaring nakasibangot.
"Sorry na po Cream ko... malay ko din na makikita niya tayo ng ganito..." ang sabi ko sa kanya sabay bangon upang halikan siya sa labi. Napakagat siya ng kaunti.
"Nangigigil ako sa iyo Cookies ko... sarap mo!!" ang sabi niya sa akin at sinuklian ko lang siya ng isang matamis nangiti. Kumislot naman ang kanyang pututuy habang nakapatong ang aking tiyan dito. Nagtawanan lang ulit kami.
Tumayo na ako at inalalayang siyang bumangon. Sa kanyang pagbangon ay lumiyad siyang nag-unat at ipinahawak sa akin ang kanya. Kinilig ako sa ginawa niya.
"Ano?" ang sabi niya.
"Tara bihis na tayo. Kain ka muna para mamaya ligo ka na agad para pumasok. Bihis muna tayo tapos babain na natin si Kevin." ang yaya ko sa kanyang nahihiyang makaisang round pa.
Tumalikod ako sa kanya upang pulitin ang aking mga inihagis na damit. Nakangiti akong pinulot ang mga ito nang sumagi sa aking isip na may nangyari na talaga sa amin ni Harold. Ang una naming mainit na pagsasama sa kama.
Sabay kaming nagsuot ng panloob, shorts, at nagsando na lang kami pareho dahil mainit na ang panahon.
Inabot niya sa akin ang kanyang kaliwang kamay at ito'y kinuha ko naman ng aking kanan at ibinalot ko ang kanyang bisig sa aking harapan. Nauna akong naglakad sa kanya habang siya naman ay panay ang kuskos ng kanyang harapan sa akin. Habang naglalakad pababa ng hagdan ay panakaw siyang tumutuka ng mga halik sa aking batok na kumikiliti sa akin kaya ako'y napapahagikgik.
Sa sofa ay tulalang nakaupo lang si Kevin at nakapako ang titig sa envelope na aking naiwan sa ibabaw ng center table na padala ng LBC.
"Kevin!! Pasensiya ka na ha..." ang panawag ko sa kanyang pansin na puno ng sigla at parang wala lang ang nangyari kanina.
Bumalik siya sa kanyang sarili at napatingin sa akin. Binigyan niya ako ng isang pagkagandang ngiti na ubod ng tamis na biglang nawaglit nang makita niya si Harold.
"Ah... eh.... Seph... um... yayayain ko sana kayo ni Harold sumama sa Festival Mall para gumala samahan sana natin sila ni insan tapos baka mag-inuman tayo later after kumain sa Antakya ng dinner.
Nilingon ko sa aking likuran si Harold.
"Ay gusto ko yan tapos diretso na ako sa office. Para na rin makabonding ko barkada ng asawa ko." ang sabi ni Harold na walang patumpiktupik at nakatingin sa akin na nakangiti na pay magmamalaking patama kay Kevin na siya ang boyfriend ko.
"Sige sabihan ko na yung dalawa para makapaghanda na tapos punta na lang kayo kila Jeremy, ha?" ang wika ni Kevin sabay bangon sa pagkakaupo at tinugo ang pinto palabas matapos magpaalam.
"Cream ko talaga... hindi mo kailangang ganunin si Kevin. Wala naman masamang intensiyon sa akin yung tao." ang malambing kong sinabi sa kanya.
"Akin ka lang Cookies ko... kaya ipangangalandakan ko sa lahat na ako ang asawa mo." ang nagmamalaki niyang sinabi na nagpangiti naman sa akin.
Hindi pa kami nakabababa ng tuluyan sa hagdan ay hinila niya naman akong umakyat upang kumuha ng tuwalya.
"Cream ko... punta lang ako kina Jeremy ha? May lilinawin lang ako sa lakad natin. Baka kasi mapagala kami masyado mamayang gabi. Tinatamad naman akong maglalalakad lang kung wala naman akong bibilin doon. Isa pa, wala pa akong work diba?" ang paalam ko sa kanya habang hinuhugot ko ang nakasabit kong tuwalya sa likod ng pintuan ng aking silid.
"Okay lang mahal ko. Sige lang po. Mauuna na ako sa iyong maligo ha? Gusto ko pa sanang mag round two eh pero baka mapagod ka na." ang sinabi niya sa akin at nginitian niya akong pilyo nang siya'y aking lingunin.
Tulad ng aming usapan ay ako ang naunang naligo at nagbihis. Nang matapos ay nakaabang na si Harold sa pintuan ng banyong nailock ko dahil sa nakasanayan ko lang. Nakasandal ang kanyang kamay sa itaas na bahagi ng tarangkahan at walang suot na saplot.
"Cookies ko... bakit naglolock ka ng pinto" ang dismayado niyang sinabi sa akin.
"Sorry Cream ko nakasanayan ko lang kasi... hindi na po mauulit." ang sabi ko sa kanyang pasuyong nalalambing.
Ngumiti lang siya at pinatulis ang kanyang nguso at namumungay ang mga mata.
"Kiss ko muna para hindi na tampo si cream mo.." ang sabi niyang nalalambing.
Hinawakan ko siya sa batok upang magkalapit ang aming mga mukha at magdikit ang aming mga labi.
"I love you.." ang sabi niyang aking sinagot din ng tulad ng kanyang sinabi.
Lumabas na ako sa pintuan ng banyo upang siya naman ay makapasok ngunit kumapit siya sa aking braso at ipinakita ang malngkot niyang mga tingin at tumuturo paibaba ang kanyang ngusong parang may itinutumbok nang siya'y akin muling lingunin.
Lumuhod ako sa tarankahan ng banyo at siya'y lumiyad upang maitapat iyon sa akin. Hinawakan ko ito at patukang hinalikan sa labi. Nang matapos at agad din akong tumayo at kami ay nagngitian lang.
Tumalikod na ako kay Harold at tinumbok ang aking silid upang makapagbihis at mag-ayos ng sarili.
Sa harap ng aking aparador tulad ng nakagawian kong gawin ay isinusuot ko na lan kung ano ang aking unang unang makita sa aking mga nakasampay na damit.
Kaunting pabango sa katawan at damit matapos akong magbihis.
Tinuyo ang aking mamasa-masang buhok gamit ang tuwalya at nilagyan ito ng kaunting Clay-doh ng Bench Fix dahil sa hindi ko naman ito masyadong kailangang ayusin.
Nang matapos akong mag-ayos ng sarili at handa nang umalis ay bumaba na agad ako sa sala upang sa sofa'y maupo at magpaalam muli muna kay Harold na tutungo na ako sa aking pinsan upang matukoy ang aking gustong linawin sa aming lakad.
Hindi natagal ay lumabas na rin ng palikuran si Harold at nang mapadaan sa akin sa kanyang pagtungo sa aming silid ay nagflying kiss lang siya at ako naman ay kumaway lang na mauuna na sa bahay nila Jeremy.
Tuloy na akong pumasok sa bahay nila Jeremy at nakitang nakaupo sa sofa si Kevin na nakatinging nakangiti sa akin.
"Hi Seph! Ah... um..." ang nasabi ni Kevin at biglang nahiya.
"Ano ba Kevin? Okay lang iyon!! Wag ka na mahiya sa akin." ang nakangiting sabi ko sa kanya habang paupo na ako sa kanyang tabi. Nang makita niya ang aking ngiti ay agad niya akong sinuklian ng maganda niyang ngiti.
"Ilang taon ka na Kevin?" ang agad kong tanong sa kanya upang mabago ang aming usapan.
"Ah... kasing edad ko lang si Ron na mas matanda kay Jeremy ng isang taon." ang sabi niyang nahihiya.
"Ka-edad ko lang si Jeremy. Sino si Ron?" ang agad ko namang tanong sa kanya sa kadahilanang hindi pamilyar sa akin ang taong tinutukoy niya.
"Ah... yun kasi nakasanayan kong tawag sa aking pinsang si Dexter." ang kwento naman niya.
"Marami pala talaga kayong pinagkapareha ni Jeremy no? Ngayon ko lang napansin na magkahawig pala kayo. Buti pa kayo maraming pagkakahawig. Kami ni Dexter marami na kaming pinagkaiba eh." ang sabi niya.
"I'm sure kung gaano karami similarities namin ni Jeremy kahit sa ugali ganoon din kayo ni Dexter. Kamusta na si... ano.. um... sorry nalimutan ko pangalan ng boyfriend mo." ang biglang bawi ko namang pangangamusta sa kanya nang makalimot ako.
"Ah.. umm.. si Alex?... okay... um.... okay naman siya." ang sagot sa akin ni Kevin na aking ipinagtaka.
Hindi na ako nakapagtanong pa nang marinig namin ang malakas na nagdadabog na paa ni Jeremy na pababa ng hagdan.
"Dito na lang tayo kuya mag-inom magpinpinsan..." ang pagmamaktol ni insan kay Dexter habang pababa ng hagdan at kasunod lang siya ni Dexter sa pagbaba.
"Bunso... alam mo naman na..." ang sabi ni Dexter na natigil nang makita kami ni Kevin na magkatabing nakaupo sa sofa. Tila napatingin din sa amin si Jeremy at nawala ang pagmamaktol nang kami ay kanya din nakita.
Silang dalawa ni Dexter ay pareho ang suot na puting walking shorts at muscle shirt na orange sa dibdib at green na sleeves sa magkabilang balikat. Si Jeremy ay nakasuot ng walang grado na salamin sa mata na itim ang frame. Para silang sasayaw kaya hindi ko napigilang mapahagikgik.
Si Kevin din ay napahagikgik nang masimulan ko na. Tila pareho kami ng nasa isip.
"Ang ganda naman nito magpinsan kasama ng isa pang magpinsan din." ang sabi ni Dexter.
"Hoist!!! Kuya!!! Si Harold kasama pa natin ngayon!!" ang sabi ni Jeremy.
"Ay oo nga pala.. Seph sa gitna ka na sa likod umupo ha? Sa kanan mo tatabi si Kevin Para madaling makakababa ang mga katabi mo mamaya at mahiyain din yang si Kevin kahit di halata." ang sabi ni Dexter sa akin at tumango lang ako.
"Hintayin na natin si Harold mo sa labas ng bahay." Ang sabi ni Jeremy.
Tumayo na ako sa aking pagkakaupo at tinumbok ang labas ng bahay kung saan si Harold ay nakasalubong ko sa akin paglalakad. Kasunod kong lumabas si Kevin, si Jeremy, at si Dexter.
"Ayun kumpleto na tayo... tara na guys." ang yaya ni Dexter.
Dating gawing umupo sa harap ang magjowa. Ako'y gumitna sa dalawa sa likod na upuan tulad ng sabi ni Dexter. Nakaakbay sa akin si Harold na tila ayaw niya kaming pagdikitin ni Kevin. Nakasandal ang akin ulo sa kanyang balikat. Tila walang pakialam na sa mundo at sinusulit ang sandaling katabi ko si Harold bago siya pumasok sa office. Sa buong biyahe namin ay hindi kami nagusap-usap.
Nanatili lang kami sa aming kanya-kanyang upo hanggang sa makarating na kami sa harap ng dati naming opisina upang ihatid muna si Harold.
Sa harap ng building na dati naming pinapasukan.
"Hay!! Buti na lang wala na ako sa impyernong pugad ng mga walking durians na iyan." dama naming lahat ang poot ni Jeremy sa kanyang sinabi.
"Kuya pakilabas ang granada at pasasabugin ko muna. I'd care less for the casualties." ang pabirong sabi ni Jeremy.
"Huy... marami pa rin nagtatrabahong Pinoy diyan wag kang ganyan insan." ang sabi ko sa kanya.
"Insan.. gusto mo abangan na lang natin sa labas ng gate si Jamal tapos gripuhan na natin?" ang dagdag ko pang sinabi upang ipakitang nakiiisa pa rin ako sa kanya.
Tumawa lang ang tatlo sa amin ni Jeremy habang paparada na si Dexter sa vallet parking.
Bago bumaba si Harold ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at mariin akong hinalikan na para bang walang bukas.
"Cookies ko... see you tomorrow ha? Ingat ka... I love you!" ang malambing niyang sinabi sa akin. Tila ayaw maalis ng aking mga mata sa pagtitig sa kanyang nangungusap na mga tingin.
Nang makababa na ng kotse si Harold at agad kong isinara ang puntuan at tumawa ng malakas ang tatlo.
"Ano yun?" ang inosente ko naman itinanong sa kanila.
"Insan ang init niyong dalawa!!!" ang nasabi lang ni Jeremy at nagtawanan ulit sila.
"Hindi ko kayo maintindihan." ang sabi ko sa kanila sabay tingin na lang sa bintana habang paandar na ang kotse ni Dexter tungo sa Festival Mall na malapit lang sa aming kinaroroonan.
Habang ako'y nagiisang nagmamaktol sa gilid ay bigla akong inakbayan ni Kevin at idiniin sa kanyang tabi.
Natahimik silang tatlo at ako naman ay hindi makapagreact sa mga nangyayari. Nabigla lang ako sa ginawa ni Kevin.
"Bakit ganito nangyayari sa akin? Kinikilig ako? Ganoon na ba ako talaga katigang?" ang nasabi ko sa aking sarili.
Napatingin ako sa rear mirror ni Dexter kung saan nakita ko rin ang reflection ng kanyang mga mata na nakatingin siya sa amin. Tumawa si Dexter.
"Pagpasensiyahan mo na Kevin yang si Seph... mahiyain yan... di siya sanay. Nitong huli lang siya nag-out sa amin." ang sabi ni Dexter sabay tingin kay Jeremy na nakatitig din sa kanyang nakangiti.
"Oo insan, ganyan si Kevin. Malambing din." ang sabi ni Jeremy sabay halik sa kapit niya laging kamay ni Dexter.
"Pasensiya na Kevin. Di kasi ako sanay pa." ang sabi ko sa kanyang nahihiya habang kumakawala ng kaunti sa kanyang tabi.
"Ay... sorry... kasi baka feeling lonely ka lang kaya ako tumabi sa iyo lalo." ang sabi niya.
"Salamat Kevin." ang sabi ko sa kanya nang makalayo ako ng kaunti sa kanyang tabi sabay tingin sa labas ng bintana upang tignan ang paligid ng Festival Mall.
Nang makapagpark na si Dexter sa bandang Greens & Grills sa gilid ng Festival Mall ay agad kaming tumungo sa Antakya dahil baka magsara na ang mall bago pa makabili si Jeremy ng kanyang bibilhin.
Nauunang naglakad tungong Antakya si Jeremy at Dexter. Si Dexter ay nakaakbay kay Jeremy habang si Jeremy naman ay parang batang kumakandirit sa paglalakad.
Kami ni Kevin ay tahimik lang na sumusunod sa dalawa at hindi nag-uusap. Nakapako lang ang aking tingin sa sahig.
"Yehey!!!! Nandito na tayo!!! Gusto ko ng Garlic & Mushrooms kuya!!!" ang masiglang sabi ni Jeremy kay Dexter.
Nakatingin lang kaming tatlo sa kanya at tuwang tuwa sa kanyang ginagawa.
"Saya ni insan no?" ang sabi ko kay Kevin upang ipaalam sa kanya na hindi ako naiilang.
"Oo nga eh... hindi naman ganyan dati yan nung highschool pa kami." ang natatawang pamamahagi ni Kevin sa akin.
"Ah.. hmm.. marami akong dapat marinig sa iyo tungkol sa pinsan ko kung ganoon." ang sabi ko naman sa kanya sabay akbay niya sa akin at sumunod na kami kila Dexter sa paghahanap ng mauupuan.
Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain. Medyo may katagalan ang pagdating ng aming order kaya nagmadali kaming makatapos sa aming hapunan upang makahabol na bukas pa ang mall at mabili ang ibig bilihin ni Jeremy.
Nang matapos kumain ay nagyosi kaming apat habang nagpapababa saglit ng aming kinain. Kinalabit ko si Kevin nang maalala kong may dapat siyang ikwento sa akin.
"Kevin... ano nga pala yung tungkol kay insan?" ang sabi ko sa kanya sabay ngiti nang mapalingon siya nang marinig ang aking tanong.
"Huwag ka maingay ha? Kasi dati... si Jeremy tahimik lang yan... hindi yan kasing kulit ngayon... ang laki ng pagbabago niya mula nang maging sila ni Dexter. Gustong gusto rin kasi ni Dexter na may kapatid na batang lalaki pero kapatid na babae lang ang mayroon siya. Si Jeremy din kasi nangungulila sa isang nakatatandang lalaking kapatid. Dati... si Jeremy... kasing tahimik mo lang." ang ibinulong niya sa akin.
Hindi ko mapigilang matawa sa aking narinig. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao. Nang dahil sa pagmamahal ginawa nilang maging ganyan upang punuin niya ang mga kulang sa buhay ng bawat isa.
"Kaya ang saya nila. Kaya.." ang nasabi ni Kevin na hindi na natuloy habang seryosong pinanonood ang dalawa.
"Hoooooooiiiissssttttt!!!! Ano yang bulungan niyo diyan? Palit nga tayo pagpipinsang usapan nga tayo!! Hmph!!" ang kunwaring nagtatampong sinabi ni insan sa amin ni Kevin.
Natatawa si Dexter sa amin na pinagsasabihan ng aking pinsan. Pinitik pahagis ni Kevin ang kanyang yosi.
"Tara na nga!! Baka magtantrums nanaman yang bunso mo Ron!!!" ang nang-aasar na yaya ni Kevin.
Itinapon ko na sa ashtray na itim na may logo ng Marlboro ang akin nang marinig ko ang kanyang sinabi.
"Dali na insan... dalawang oras na lang nine o'clock na!! Baka di mo na mabili yung copy ng Final Fantasy XIII." ang masigla kong yaya sa kanya habang inaabot ang kanyang kamay matapos kong tumayo mula sa pagkakaupo.
"Yehey!!! Tara insan!!" ang masigla naman niyang isinagot sa akin at tumayo na rin upang ako'y akbayan.
"Kayo muna magsama! Pinsan partners muna tayo!" ang wika ni Jeremy na parang batang nakikipaglaro lang.
Hindi talaga kami hindi mapapatawa ni Jeremy sa kakulitan niya.
Naglakad kami ni Jeremy na parehong kumakandirit. Para na kaming mga bata sa aming ginagawa habang ang magpinsan naman sa amin likod ay natatawa lang na sumusunod sa amin.
Ito na yata ang una naming pagsasama ni Jeremy na lalo kaming napalapit sa isa't-isa.
"Nakakatuwa din pala ang trip nitong pinsan ko. Hindi lang pala basta basta ang mga arte niyang parang bata. May dahilan pala. Matindi ang mahalan nila ni Dexter. Paano kaya kami ni Harold?" ang sabi ko sa aking sarili.
"Mga tuko!! Wag kayo masyadong mauna sa amin iwan namin kayo dito sige!" ang pananakot ni Dexter sa amin nang mapansin niyang medyo napapabilis ang lakad namin.
"Kuya!!! Dali na para makabili na tayo tapos alis na tayo dito!! Tagal na nating walang inuman eh!!!" ang sabi n Jeremy sa normal niyang boses habang patuloy lang kami sa aming paglalakad na kumakandirit. Hindi namin alintana ang mga taong nakakakita sa amin.
Tumigil ako bigla sa pagkakandirit at naglakad ng normal sa tabi ni Jeremy. Napatingin siya sa akin sa aking ginawa.
"Jeremy... alam mo insan... nakakainggit ang pagmamahalan niyo... sana ganun din kami ni Harold balang araw." ang sabi ko sa kanya.
"Insan... alam mo... bago kayo umabot sa tulad namin ni Dexter... marami pa kayong pagdadaanan... habang tumatagal kayong magkasama nakikilala niyo lalo ang bawat isa... sa amin ni kuya... nakilala namin ang pangangailangan ng bawat isa at dahil sa mahal namin ang isa't-isa lahat ginagawa namin kaya lalong tumitibay pagsasama namin." ang sabi niya sa akin habang matamis ang kanyang mga ngiti.
"Sana nga Jeremy.... sana umabot din kami ni Harold sa ganyan... basta.. sa ngayon... I want to enjoy every moment that we have... magiging masaya na ako kung anong meron sa amin..." ang sagot ko.
"Yan insan! Ganyan! Ang mahalaga ay kasama mo siya at mas madalas mo na siyang makakasama ngayon... sana kasi nagpaligaw ka pa ng kaunti eh pero... alam mo gusto ko maging tulad din namin kayo... " ang sabi niya.
"Oo nga insan. Don't worry, I've a lot of my heart still saved for me incase na hindi kami bandang huli. Para hindi masakit tulad ng lagi mong sinasabi kay Rafael sa mga nangiiwang girlfriend niyang iniiyakan niya lagi." ang natatawa kong sagot sa kanya.
Narating namin ang AstroPlus at nakabili na si Jeremy ng kanyang bibilin. Matapos noon ay agad naming tinungo ang kotse ni Dexter sa parking lot na panay kuwentuhan lang at biruan.
Sa koste ni Dexter, tulad ng dati, si insan ang unang sumasakay at sunod kaming sumasakay matapos ni Dexter.
Tulad ng dati ang aming lagay ngunit sa pagkakataong ito ay hinayaan ko na lang na naka-abay sa akin si Kevin. Wala naman malisya. Maganda nga samahan namin kasi magpipinsan kami. Parang nakakatuwang barkadahan.
Sa aming biyahe pauwi ay dumaan muna kami sa maaari naming daanang sari-sari store bago makapasok sa aming village na hindi pa kumpletong nagagawa ang mga bahay sa ibang block dahil sa bagong bukas na village lang ito.
Sa tindahan. Si Jeremy ang nakaharap sa tindera at kami naman ay nasa likod lang niyang tuitingin sa mga panindang nakasabit.
"Manang... siyam na grande po..." ang ang sabi ni Jeremy nang lumabas ang tindera sabay abot ng bayad.
"Mga tol... tagalawa tayo ng dala ha?" ang astiging sabi ni Jeremy. Pigil na tawa ang kumawala sa akin sa kanyang ginawa. Kinindatan niya ako nang makita niya akong nagtakip ako ng bibig at pinipigilang matawa.
Isa-isang inabot sa amin ng tindera ang mga bote at isa-isa rin kaming umabot ng mga ito upang tama ang hatian namin ng bitbit kaya lang may sobrang isang bote at ako ang nahuling kumukuha ng bote.
Nang mapansin ni Kevin na nahihirapan ako sa aking dala ay agad niyang inabot ang aking isang dalawang bote. Mas malalaki kasi ang galamay niya kaysa sa akin.
"Huy! Wag na ako na! Hindi ko lang maayos ang bitbit ko eh." ang sabi kong nahihiya sa kanya.
"Akin na to bitbit na natin lahat ng binili natin. Tara na uwi na tayo." ang sabi ni Kevin sabay tingin kay Dexter. Nakuha naman ni Dexter na mauna sa sasakyan at hirap na bibuksan ang trunk ng kotse at isa-isa naming inilagay ang ma bote roon.
Sa bahay ni Jeremy ay ganoong dami pa ring hatian ng dalang bote ang bawat isa at si Kevin lang ang may dalang sobra na isa. Nasa likod ko lang naglakad si Kevin papasok sa loob ng bahay.
Nasa sala na kami padaan tungo sa kusina upang ipasok muna ang lahat sa loob ng refrigerator.
"San niyo gusto uminom? Dito o sa kuwarto?" ang tanong ni Dexter habang patuloy ang paglalakad niya papuntang kusina habang kami naman ay sumusunod lang sa kanya.
"Sa kwart na kuya mahiluhin ako eh... baka tamaan nanaman ako ng sapi ko sige ka.." ang pabirong sagot ni Jeremy kay Dexter.
Isa-isa naming ipinasok ang lahat sa refrigerator at nanood na lang kay Jeremy at Dexter sa paghahanda ng aming iinumin.
Nang makapaghanda ay si Dexter at Kevin ang nagdala ng apat na bote. Si Jeremy naman ay nagdala ng malaking baso na pulang may drawing ni Sponge Bob at ako naman ang nagdala ng yelo.
Sa unang pagkakataon ay nakapasok ako sa silid ng magjowa. Shades of orange ang motif ng silid nila. Ang tanging kama lang nila ay isang malaking kutson at doon nakapaton ang kanilang unan. Sa sahig kaming apat umupo.
Sa silid ay magkatabing naglalambingan ang magjowa samantalang kami naman ni Kevin ay kaswal lang na magkaupong magkatabing nakaharap sa kanila. Kwentuhan, nagkaan, at biruan ang naging daloy ng aming usapang apat habang umiinom.
Sa kasarapan ng aming inuman ay tumunog ang aking telepono. Si Rafael ang tumatawag overseas gamit ang kanyang lumang numero na activated na ang roaming.
Napatingin silang apat sa akin sa masigla kong sambit ng pangalan ni Rafael sa kanila nang makita ko ang pangalan niya sa aking caller ID. Tahimik lang silang nagmasid sa akin habang si Kevin naman ay dahan-dahang umakbay sa akin.
"Raffy!!! Kamusta ka na?" ang masaya ngunit lasing ko nang bati agad sa kanya pagkasagot ko sa kanyang tawag.
"Baby bro!! Okay lang po ako.. kakarating lang sa hotel.. medyo pagod sa biyahe at naninibago kasi hindi ko pa kabisado ang lugar at puro mapupunting intsik ang nakikita ko dito. Sobrang linis at ang ganda dito pero ang higpit din nila. Hindi nga ako makadura sa kalsada o makayosi basta-basta dito eh." ang tuwang-tuwa na kwento niya sa akin.
"Wow! Raffy ibang level ka na ha!! Nandito ako ngayon sa kwarto ni Jeremy umiinom." ang sabi ko sa kanya.
"May problema ka ba baby bro?..." ang tanong niya sa akin. Dahil alam niyang nainom ako wala sa gimikan pag may problema lang ako.
"Wala... nandito ngayon si Dexter, si Jeremy, at si Kevin.... inuman lang kami. Wala lang dahilan. Nauuhaw na si insan sa alak eh," ang sabi ko sa kanya na kanya namang tinawanan.
"Hoy! Rafael mag-email ka na!!" ang sigaw ni Jeremy upang iparinig kay Rafael ang kanyang gustong sabihin.
"Sabihin mo kay Jeremy nag-email na ako sa kanya... Sige na baby bro... mag-aayos pa ako ng gamit ko... miss na kita agad ni big bro mo... email na rin kita mamaya pagkatapos namin mag-usap ni Mina...Okay?.. Bye bye!" ang sabi ni Rafael sa akin at ibinaba na agad ang kanyang tawag. Hindi ko napansin na nakangiti na akong abot tenga.
Susuraysuray na gumapang tungo sa ibabaw ng kutson upang abutin ang kanyang Macbook.
Binuksan lang niya ito at walang ginawa nang mapansing ayaw kumunekta nito sa internet.
"Kuyabells... wititit ang singgambels nitey... yawga nitenchi kumonnect the dots... watashi na mageemailsung kay Rafaelya ha?... ha kuyabells?" ang sabi ni Jeremy na sagaran na ang kanynag pag-arteng parang bata.
"Oo na baby.. aayusin ko na..." ang lasing na rin na sagot ni Dexter sa kanya sabay talikod sa amin upang ipatong ito sa mga unan. Kunot ang noo at magkalapit ang kanyang kilay na nakatingin sa monitor at kinakalikot ang settings. Nanonood lang kami ni Kevin sa kanilang dalawa.
Sa kalibangan ko sa aking panonood sa dalawa at dala na rin ng kalasingan. Hindi ko namalayang nakabalot na pala ang isang braso ni Kevin sa aking leeg habang ako naman ay nakasandal sa kanya. Wala na siyang suot na shirt.