Chereads / Ka-ibigan [BL] / Chapter 16 - Ka-ibigan - Chapter 16

Chapter 16 - Ka-ibigan - Chapter 16

Matagal na nagring ang kailang linya bago sinagot ni Harold ang aking tawag.

"Harold?" Ang agat kong sinabi nang sagutin niya ang aking tawag.

"Seph?" ang nangongongong sagot ni Harold sa akin. Mukhang umiiyak siya bago niya ako kausapin.

"Harold... ikaw na ang nagpadala ng pulang tulips sa akin?" ang aking agad na tinanong sa kanya. May sandaling katahimikan sa kabilang linya at tanging pagsinghot lan ni Harold ang aking naririnig.

"Oo... Seph.. ako ang nagpadala ng mga iyon sa iyo." ang nakakaawang sinagot niya sa akin bago humagulgol.

"Sige... paalam na... saka na lang tayo mag-usap... kailangan kong mag-isip." ang sabi ko sa kanyang parang hindi naawa man lang na alamin ang kanyang kalagayan ngayon.

Akmang inilabas ko ang bugkos sa box at may nahulog na isang maliit na envelope na nakalagay pala sa loob. Agad na pinuot ito ni Jeremy at iniabot sa akin.

Binuksan ko ito at binasa ang printed sa isang inkjet printer ang nakasulat dito:

"Sana'y malaman mo na sa tuwing makikita kita, makakasama kita, lubos na ligaya ang aking nararamdaman. Lumalago ang nararamdaman ko sa iyo. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Kaya lang, mamahalin mo ba ako tulad ng pagmamahal ko sa iyo? - Sybil"

Lumambot ang aking puso sa aking nabasa ngunit hindi pa rin. Kailangan namin ng space ni Harold. Hindi ako bibigay agad sa kanya sa ginawa niya kagabi.

Pumasok si Rafael sa loob ng bahay at kaming tatlo ay napatingin sa kanya.

"Anong topic ng meeting natin?" ang nagtatakang itinanong ni Rafael nang mapansin niya ang lahat ay sa kanya nakatingin.

"Ah wala... sinabi lang namin kay Seph yung ibigsabihin ng pulang tulips. Mukhang mahal na mahal na siya ng kanyang girlfriend." ang wika ni Dexter kay Rafael. Bumakas sa mukha ni Rafael na lalo siyang naguluhan.

"Lalake na pala ang binibigyan ng bulaklak ngayon?" ang natatawa niyang sambit sa amin. Hindi ko nagustuhan ang kanyang biro.

"Nga pala, Rafael. Bukas lakarin na natin ang mga papeles mo para maaga kang makaalis." ang sabi ni Dexter sa kanya.

Nagliwanag sa kasiyahan ang mukha ni Rafael sa kanyang narinig. Wala akong idea sa kanilang pinag-uusapan.

"Maglalakbay ka Rafael?" ang tanong ko sa kanya.

"Oo Seph, nagkausap kami ni Dexter na kailangan daw niya ng Business Analyst na madedestino papunta sa Singapore. Naikwento ko sa kanya na gusto kong magtrabaho sana sa abroad nang umalis ka habang nagmomovie marathon tayo." ang paliwanag niya sa akin habang abot ngiti ang kanyang mga ngiti.

Hindi ako makasagot. Tila nauutal ako sa balak ko sanang sabihin pa. Ipinako ko sa sahig ang aking mga tingin. Hindi ko matignan ng mata sa mata si Rafael sa kadahilanang baka ako'y lumuha.

Tila ba parang may matinding kirot sa aking damdamin nang malaman ko ang lahat. Lubos na kalungkutan ang aking naramdaman na malamang si Rafael na sobrang malapit na sa akin ay mawawala na lang balang araw upang ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Sa aking pag-iisip ay naalala ko ang lahat ng ginagawa niya para sa akin sa opisina. Ako ang alipin ni Jeremy at siya naman ang alipin ko.

Tuwing naloloka na sa pagod sa trabaho si Jeremy sa tasks niya ako ang gumagawa ng ibang trabaho niya at ganoon naman sa akin si Rafael. Pero sa aming dalawa ni Jeremy, mas malapit siya sa akin.

Halos lagi niya akong inaalala. Mula sa pageextend ko sa oras ko sa opisina, sa hindi ko pag-inom man lang ng tubig habang nasa shift kami.

Ang hindi ko pagpunta sa palikuran man lang upang umihi habang ako'y natatambakan ng maraming trabaho.

Dahil sa magkatabi ang aming desk, kapag tumutunog na ang aking sikmura sa gutom at di ko pinapansin ako'y agad na niyang niyayaya upang kumain. Kung hindi ako makatayo para kumain ay nagtetake-out siya para sa akin.

Dahil sa ako'y masyadong abala minsan kahit man lang ang sumubo ng pagkain ay hindi ko na magawa. Tila nakapako ang aking mga kamay sa keyboard at mga mata sa monitor upang matapos lang ang mga halos walang kwenta na at pinauulit-ulit naming mga reports.

Ang ginagawa ni Rafael ay kumakain siya mismo ng kanyang tinake-out sa tabi ko matapos niya muna buksan ang kanyang inorder para sa ipakita at ipaamoy sa akin. Talagang tinatakam niya ako sa kanyang ginagawa dahil matapos niyang sumubo ay lagi siyang haharap sa akin at ipinapakita niya sa kanyang mukha na sarap na sarap siya sa kanyang kinakain.

Kung hindi na talaga tumatalab ang kanyang ginagawa upang ako'y mahilang kumain at mangangalahati na niyang nauubos ang kanya ay pilit niya akong sinusubuan ang nakatikom kong mga labi. Pilit niya iyong ipapasok sa aking bibig. Nagugulantang naman ako sa tuwing ginagawa niya iyon sa akin dahil nga may sariling mundo na ako tuwing ako'y nagtatrabaho.

Likas naman talaga siyang malambing kaya marami rin siyang nagiging girlfriend at sabay-sabay pa. Ngunit maalaga sa akin si Rafael at ngayon ko lang buong napagtanto. Wala man ibigsabihin ang lahat ngunit matagal na pala niyang ipinadarama sa akin na parang bunson kapatid niya lang ako.

Bukod sa abala ako lagi, hindi kasi malaking bagay ang mga ginagawa niya sa akin dahil parehas kami ng hirap na dinaranas sa trabaho kaya marahil ganoon na lang siya mag-alala para sa akin. Alam kong hindi siya pwedeng maging ganoon kay Jeremy dahil hindi straight si Jeremy at ayaw niyang mapag-usapan sila sa opisina.

Ngayong kung kailan na nalaman kong aalis siya ng bansa upang makapagtrabaho sinisisi ko ang aking sarili kung bakit ngayon ko lang lahat ng iyon pinuna.

Ilang taong kong katrabaho siya at kaibigan. Ang natatanging taong malapit sa akin na itinuturing akong bunsong kapatid na napatunayan ko lang nang mismong siya ang magsabi sa akin habang inaakala niyang ako'y tulog.

Wala na akong ibang magagawa kung hindi ang suportahan siya sa mga plano niya. Marahan ko siyang hinarap muli upang kausapin.

"Hindi ka na uuwi?" ang tanong ko sa kanya. Sa kabila ng kalungkutan ay umaasa pa rin akong magkikita pa kami. Hindi ko na maitago ang bakas na kalungkutan sa aking mukha.

Mabilis na nawala ang saya sa mukha ni Rafael nang mapuna niya ang malungkot kong mga titig sa kanya.

"Mukhang, doon na ako maninirahan Seph. Yung girlfriend ko na taga Biñan sasabihan ko na mamaya. Pagpaplanuhan namin ang pagsama ko sa kanya doon. Tutulungan ko siyang makahanap ng trabaho. Kapag naroon na kami baka doon na rin kami magpakasal kapag nakapagpundar ng kailangan." ang nanghihinayang niyang isinagot sa akin. Sa pagkakataong napakadalang ay binanggit niya ang kanyang mga plano sa akin at binanggit niya ang plano niya sa kanyang girlfriend.

Sa mga seryosong bagay sa buhay ni Rafael ay hindi niya ito binabanggit sa amin ni Jeremy. Aminado siyang kadalasan sa journal niyang lahat isinusulat ang mga ito. Kaya ganoon na lang din ako makunsensiya kung titignan ko ang mga isinusulat niya sa kanyang journal. Bihira si Rafael magkwento sa girlfriend niyang taga Biñan patunay na mukhang sineseryoso niya na talaga ito.

Hindi ko na napigilang lumuha sa aking narinig. Agad akong nagpaalam sa dalawa at tumakbo pauwi ng bahay.

Gusto kong mapag-isa. Gusto kong umiyak sa kalungkutang aalis ang aking mabuting kaibigan. Magkahalong kalungkutan at pagsisisi ang aking nararamdaman. Pagsisising hindi ko siya nasuklian sa kabila ng mabubuting nagawa niya para sa akin. Ang ipadama man lang sa kanya na kuya ko siya. Ni minsan hindi ako nakinig sa mga problema niya samantalang siya naman ay laging nag-aalok na makikinig sa akin kapag ako ay may dinadala.

Tinungo ko ang aking silid at humigang nakatagilid habang hinahayaan kong tumulo ang aking mga luha.

Hindi nagtagal ay narinig kong may mabibigat na yabag ng mga paang paakyat ng hagdan tungo sa aking silid.

"Seph... bakit ka umiiyak?" ang naaawang tanong sa akin ni Rafael.

Nilingon ko siya sa kanyang kinatatayuan. Pagtataka at awa ang nakita ko sa kanyang mukha habang siya ay nakatayo sa mismong puntuan ng aking silid.

"Wala... Nalulungkot lang ako... sobra..." ang sinagot ko sa kanya.

Isang pilit na ngiti ang ibinalik niya sa akin at lumapit upang umupo sa kanto ng kama sa aking tabi.

Tinapiktapik niya ang aking balakang nang siya ay nakaupo. Agad akong bumangon at umupo sa kanyang tabi upang maayos na makapag-usap. Inakbayan naman niya ako bago siya nagsimulang magsalita.

"Joseph... huwag kang malungkot... dapat nga maging masaya ka kasi matutupad na mga pangarap ko sa buhay." ang sabi niya at ginulo ng kanyang nakaakbay na kamay ang aking buhok.

"Eh hindi ka kasi nagsasabi eh... mas madalas mong kausap yang journal mo." ang sabi ko sa kanyang parang sinisisi pa siya.

"Ayaw ko lang na isipin niyo pa ang problema ko. May mga kanya-kanya naman tayong mga dahalin di ba? Isa pa natulungan mo naman ako sa problema ko nung patirahin mo ako dito." ang sabi niya sa akin.

"Rafael... may aaminin sana ako sa iyo eh.... pero gusto ko munang malaman mo... na hindi ako galit sa iyo... at hindi nagbago ang tingin ko sa iyo at walang mababago sa atin... gusto na kitang kausapin tungkol dito," ang paunang sabi ko sa kanya bago ako nagpatuloy.

Nagsalubong ang kilay ni Rafael na parang napaisip kung ano ang mga susunod kong sasabihin sa kanya. Tila alam may idea na rin siguro siya sa aking sasabihin.

Tila gusto ko nang bumigay para lang huwag siyang mailang at gusto ko nang ipadama sa kanya kahit man lang bago siya umalis na kapatid ko siya.

Niyakap ko siya ng mahigpit at naghuhumagulgol na umiyak na nakatitig sa kanyang mga matang maaamo ngunit puno ng katanungan.

"Rafael... Kuya... Raffy.... ko..." ang sunod kong sinabi sa kanya na may halo nang panlalambing habang patuloy ang pagdaloy ng aking mga luha. Nanlaki ang mga mata ni Rafael ngunit hindi bakas sa kanyang mukha ang tuwa kundi isang malaking pagkabigla.

Nanatili lang siyang nakatitig sa akin na parang nakakita ng multo. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya na parang wala nang bukas sa kabila ng matigas at matipuno niyang pangangatawan.

"Big Bro.... para sa akin... wala kang ginawang masama... gusto mo lang akong ituring na bunsong kapatid... at kung ano man iyon na iniisip mong ginawa mo na baka ikinahihiya mo ngayon... gusto kong malaman mo na... ayos lang sa akin iyon.. kung isa iyon sa magiging kaligayahan mo na maibibigay ko o magagawa ko bilang Baby Bro mo.... wag kang mahihiya sa akin... kuya kita... matagal mo na akong itinuring na parang bunsong kapatid kahit di mo pa sabihin... pareho tayong walang kapatid... naghahanap ka ng bunso at ako naman ay ulila sa kalinga ng isang kuya... kaya dahil diyan... mahal na mahal kita bilang isang kuya... handa kong ibigay ang sarili ko para sa iyo Raffy bilang isang kapatid sa kanyang nakatatanda..." ang aking mga nasabi habang patuloy sa paghagulgol habang ako na'y nakakaramdam ng kaunting ginhawa na nasabi ko sa kanya ang nasa aking saloobin. Sa unang pagkakataon nakita ko si Raffy na tumutulo ang mga luha.

Isang malambing na ngiti ang ibinigay niya sa akin at hinalikan ako sa noo. Niyakap niya akong mahipit na halos hindi ako makahinga.

"Raffy!!! Nahihirapan akong huminga!! Aray!!!" ang daing ko sa kanyang nanlambing.

"Kuya... alam mo... naririnig ko lahat ng sinasabi mo sa akin habang akala mong tulog ako... Yun lang ang nagpatunay sa akin na binebaby mo ako... tuwang tuwa ako noon alam mo ba? Pero... di ako talaga sanay sa ginagawa mo mbago matulog kasi di tayo talo pero okay lang sa akin kung yun ba ang ikaliligaya mo sa mga nagawa mo sa akin noong nasa office pa tayo..." ang sabi ko Raffy upang aminin sa kanyang alam ko at tanggap ko ngunit ayaw kong malaman niya na bakla ako.

"Baby bro ko talaga!!!"" ang sabi ni Raffy sabay ng paghigpit muli ng kanyang yakap.

"Sorry talaga hindi ko na uulitin yung ginagawa ko sa iyo. Nahihiya ako." ang wika niya habang nakadikit ang kanyang baba sa aking bunbunan at nanatiling nakayakap.

"Raffy ayaw kong napapahiya ka kaya as much as possible tanggap ko lahat ng mali mo kasi kuya kita. Tinitingala kita. Yun nga lang, pilyo ka talaga. Pero tanggap ko na iyon na malibog ka. Naknakan ng libog. Siguraduhin mong kakaunti lang ang magiging pamangkin ko ha? Hindi ko kayang magninong sa kanilang lahat." ang sabi ko sa kanya na may halo nang pang-aasar upang mabago ang mood ng usapan namin.

Natawa si Raffy sa aking sinabi at ihinarap niya ang mukha ko sa kanya upang halikan ng mariin ang aking noo.

Baby bro na ang tawag sa akin ni Raffy at Big Bro na ang tawag ko sa kanya. Naging masaya ang buong araw namin ni Raffy. Puno ng kulitan at asaran na makikita mo sa isang magkalapit na magkuya. Laging binubully ng kuya ang kanyang bunsong kapatid at pag napipikon na ang bunso ay agad niya itong inaamo at nilalambing.

Dahil sa pagiging malapit namin ni Raffy ay naikuwento niya ang mga bahagi ng kanyang buhay na lubos na nakaaawa. Hindi pala siya babaero, siya ang niloloko ng mga babae dahil sa likas nga naman na mabait siya. Nagmukha lang siguro siyang babaero dahil paiba-iba ang mga nagiging girlfriend niya at kadalasan pa ay pinaglalaruan lang siya. Sobrang parang magkapatid talaga kami.

Nang gabing sumapit. Siya na ang nagluto at ako ang naghugas ng aming kinainan. Habang ako ang naghuhugas ng pinggan ay nanonood naman siya ng telebisyon sa sala.

"Baby bro!!! Baby bro!!! Baby bro!!!" ang makulit na paulit-ulit niyang tawag sa akin.

"Ano yon Kuya Raffy?" ang pasigaw na sagot ko sa kanya upang marinig niya.

"Baby bro!!! Baby bro!!! Baby bro!!!" ang patuloy pa rin niyang pagtawag sa akin.

Iniwanan ko ang aking hinuhugasan at tinungo siya sa sala.

"Kuya Raffy ano po iyon?" ang tanong ko sa kanya habang nagkakamot sa ulong naglalakad palapit sa kanya.

"Baby bro.. dito ka muna sa tabi ko. Nood muna tayo TV." ang yaya niya sa akin habang nakabukakang nakaupo sa sofa at nakaabot sa akin ang kaliwa niyang kamay.

Umupo ako sa kaliwang tabi niya at inakbayan niya lang ako. Inilipat niya ang chanel sa Cartoon Network at nagbiro. Hindi ko maiwasang makiliti sa buhok niya sa kilikili. Natatawa akong pigil ngunit di niya ito pinapansin. Walang suot na pang-itaas si Raffy dahil pareho kaming mas kumportableng walang pang-ibabaw.

"Baby bro Ben Ten oh... gusto mo nood tayo ng Ben Ten?" ang lambing niya sa akin habang niyuyugyog ako ng nakaakbay niyang brasosa aking balikat.

"Kuya Raffy naman... bunso mo ko... pero hindi ako isip bata..." ang sagot ko sa kanyang napipikon.

Tumawa lang siya ng malalakas na halakhak.

"Hindi ka talaga nakukuntento na hindi ako mabuwisit sa iyo no?" ang sabi ko sa kanya sa pikon.

"Ikaw naman baby bro... sorry na... relax ka muna tulungan ka ni kuya magwash ng dishes mamaya tapos wash na tayo at toothbrush bago tayo matulog." ang sabi niya sa akin. Lumambot agad ang puso ko sa kanyang mga sinabi. Ang sarap talaga ng may isang kuya.

Nanood kami sandali at nangmakaramdam na ako ng antok.

"Raffy... inaantok na ako tulog na tayo.." ang yaya ko sa kanya.

"Wash muna natin yung dishes tapos hilamos tapos tootbrush tapos sleep na." ang sabi niya.

Para akong hinihila ng sofang bumangon sa pagkakaupo. Sumabay na rin tumayo si Rafael at napatingin ako sa harapan niya.

"Raffy!!!! Ano ba yan!! Bakit naman lagi na lang yan ganyan sa akin!!! Di tayo talo ha!!" ang gulat kong nasabi habang nakaturo sa kanyang nakausling boxer shorts habang siyang nag-uunat.

"Happy lang ako baby bro ko. Ganyan talaga yan di ka pa ba nasasanay?" ang mayabang niyang sagot sa akin.

Sininghalan ko na lang siya at tinungo ang kusinang di siya nililingon. Sumunod lang sa akin si Raffy. Nagsimula na akong maghugas pagkarating ko sa lababo.

Parang kinuryete ako nang maramdaman kong pumindot sa pinsgi ng aking likuran ang kay Raffy at napaharap ako sa kanya sa pagkabigla.

"Toink!! Sorry baby bro!!" ang natatawa niyang sinabi sabay halakhak.

"Rafael!!! Pinggan!!! Hilamos!! Toothbrush!! Tulog!!" ang inis na inis kong sinabi sa kanya.

"Di ka na malambing baby bro. Ako na diyan watch ka lang ha?" ang sabi niya sa akin.

"Anong watch? Ano papanoorin ko? Yan or yang paghuhugas mo ng pinggan? Parehong boring!!" ang pikong ko paring sagot sa kanya.

"Sige baby bro hilamos ka na tapos sunod na lang si kuya ha?" ang sabi niya habang siya na ang naghuhugas ng pinagkaininan.

Naghilamos ako at nagtoothbrush nang nagmamadali habang si Raffy naman ay panay ang halakhak na nakakaloko sa tuwing kami ay magkakatinginan na para bang nang-aasar pa lalo.

Nauna akong mahiga sa kanya. Halos makakatulog na ako nang siya'y makasunod sa akin.

"Baby bro... you know the drill.. Big bro can't sleep without it... is it okay?" ang sabi sa akin si Rafael nang siya'y makapasok sa pintuan ng aking silid habang abot tenga ang pilyo niyang mga ngiti.

"Hell no pare!.. Hell no!" ang kinikilabutan kong pagayaw sa gusto niya.

Sumimangot lang siyang lumapit at sumampa sa kama. Pareho kaming nakatalikod ang higa ngunit sa pagkakataong ito ay magkadikit ang mga likod namin. Naawa naman ako sa kanya dahil iyon lang ang hiling niya ngunit matinding kaba talaga ang aking nararamdaman kung malalaman niya ang pagkatao ko at kung haharapin pa niya ako kung malalalaman niya. Gusto ko siyang pagbigyan dahil yun lang naman din ang gagawin niya sa akin tapos babasain sa umaga.

Natatawa ako at di ko na napigilang mauga ang kama sa pagtawa. Tumagilid siyang paharap sa akin dahil naramdaman kong nag-iba siya ng pusisyon sa aking likuran.

"Sige na!! Tang ina talagang puputulin ko yan pag sumuot pa sa kung saan yan!!!!" ang sigaw kong natatawa at naiinis sa kanya.

"Thank you baby bro!! Hug lang naman kita tapos hug mo lang din naman si honey maker ko diba?" ang sabi niya at muling sinilid sa pagitan ng aking hita ang namamaga na panag kanya sabay na niyayakap akong parang unan na tulad ng dati.

"Tang ina ambilis naman niyan!!" Jan lang yan ha papatayin kita pag sinabi mo to kila Jeremy at lalong lalo na sa girlfriend mo o sa girlfriend ko!!" ang babala ko sa kanya.

"Hindi po baby bro... tulog na tayo... Good night!! Sweet dreams bunso!!" ang sabi niya.

Nagtatalak lang ako matapos non at hindi na namalayang nakatulog na pala si Raffy nang makarinig ako ng mahina niyang hilik. Wala na rin akong nagawa kundi ang matulog. Sa unang pagkakataon ng buhay ko. Nakatulog ako nang may ngiti sa aking mga labi.

Naging ganoon ang aming pagsasama. Masaya at makulit. Tila ba sinusulit namin ang mga natitirang oras namin ni Raffy bago siya umalis.

Lubos kong nakilala si Raffy sa lalo naming napalapit na pagsasama tila ba ako na ang naging journal niya.

Dahil sa kanya natutunan ko na rin makalimutan ang sakit na dala ni Harold kaya habang nilalakad ni Raffy ang kanyang papeles. Nakapagdesisyon na akong makipagkita ulit kay Harold.