Chereads / Ka-ibigan [BL] / Chapter 15 - Ka-ibigan - Chapter 15

Chapter 15 - Ka-ibigan - Chapter 15

Nanatiling mahinang tumutugtog ang iphone ni Rafael na nakapatong sa ibabaw ng aking tukador na naiwan niya kagabi.

Nagising akong dahan-dahang iminulat ang aking mga mata. Naramdaman kong nakayakap pa rin sa akin si Rafael na para lang akong unan.

Hindi ko na siya inayos dahil magigising siya at baka mahiya dahil mahigpit ang kanyang yakap sa akin at ang mga braso naman niya ay hawak ko rin na para bang ibinabalot ko pang lalo ang kanyang mga yakap sa akin.

Lubos nga lang akong kinabahan nang mapansin kong basang basa ang aking suot na panloob, ang aking hita, at lalo na ang aking singit na para bang naupo ako sa basang upuan.

"Hay nako Rafael… ikaw talaga!!! Dinidiligan mo ko tuwing umaga para akong halaman naman niyan eh!!!" ang naiinis kong sabi sa akin sarili.

Sa kabila ng lahat ay lumambot ang aking puso para kay Rafael. Sa oras ng aking kalungkutan ay nariyan siya sa akin upang ako'y kalingain. Yun nga lang, habang inaakala niyang ako ay tulog.

Minarapat ko na lang na palabasin na lang sa aming dalawa na nauna siya na magising kaysa sa akin.

Marahan akong bumitiw sa kanyang mga nakayakap na bisig at nang makawala ay unti-untian kong kinamot ang aking tagiliran upang kunwari ay may kumagat sa akin na kung ano.

Naramdaman kong nagising si Rafael sa pag-uga ng kama sa aking ginawa. Tila kunwari ay nabuwisit lang ako sa kumabat at bumalik nanatiling natutulog.

"Ngayong gising na siya… ano kaya ang gagawin niya upang pagtakpan niya ang nangyaring ito nanaman sa amin." Ang natatawa kong sinabi sa aking sarili.

Marahang bumangon si Rafael sa aking likuran. Marahan ding nahugot ang namimintog niyang kanya ngunit naibaon niya ito bigla siguro marahil sa dulas na gawa ng basang ikinalat niya ng hindi niya alam.

"Patay tayo diyan…" ang naiinis sa sarili na bulong ni Rafael na aking narinig habang pinupunasan ang aking likuran.

Marahan siyang bumangon sa kama. Nanatili naman akong nagpapanggap na tulog lang. Nahinto ang musika sa kanyang iphone marahil pinatay na niya.

Naramdaman ko ang pagdampi ng medyo magaspang niyang tuwalya sa aking hita na pinupunasan ang basang bahagi ko.

Nang siya ay matapos naramdaman ko na lang na parang hinihipan niya ang ilalim ng aking alaga at likuran hangang hita.

Gusto ko nang matawa sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung ano na kabaliwang pumasok nanaman sa isip ngayon sa takot na magising akong pinaliguan nanaman niya ako.

Nakakakiliti ang bawat ihip niya at di ko na napigilan ang aking alagang magalit.

"Nako… paano na to…" ang narinig ko namang buong niya nang mahalata niyang kumikislot na ang akin.

"Seph… Seph… Gutom na ako Seph… kain na tayo…" ang sabi niya sa akin habang ako ay inuuga upang magising.

"Ano kaya ang naisip nitong mokong na ito." Ang sabi ko sa aking sarili habang kunwari ay nagigising na niya ako.

"Gutom ka nanaman Rafael?" ang sabi ko sa kanya kunwari ay bagong gising lang ako.

Naalis ang mga titig niya sa akin at tinitigan ang aking mamasa-masa pa ring bahagi.

"Pasensiya na tol… hindi ko alam eh…" ang nagmamakaawa niyang sinabi sa akin habang ako naman ay nagpanggap na kunwari ay nagulat sa aking nakita.

"Magagalit ba ako o hahayaan na lang siya?" ang dalawang sumulpot na tanong sa aking isipan sa gagawin kong pekeng reaksyon.

"Ano yan?" ang tanong ko habang kinakapa ang basang bahagi ng aking katawan.

"Tol pasensiya na talaga…" ang nasabi na lang sa akin ni Rafael.

"Hay… Rafael…! Buti na lang hindi sa bedsheet natin napunta. Kailangan ko na siguro masanay dito. May magagawa pa ba ako?" Ang malumanay kong sagot sa kanya.

Ngumiti siya abot tenga at bigla akong niyakap ng mahigpit. Marahi dahil sa nagihnawaan siyang hindi ako nagalit.

"Tol… salamat sa pang-unawa!" ang sabi niya sa akin.

"Ano ba ang drama drama mo naman ang aga-aga. Ako lang may karapatan ngayon Rafael wag ka na sumabay." Ang patawa kong sinabi sa kanya. Kumalas siya sa kanyang pagyakap sa akin.

"Ano ba gusto mong kainin?" ang tanong niyang masigla.

"Ako pa naging mapili sa pagkain? Kahit ano basta kung ano mayroon diyan." Ang sabi kong parang nabubugnot sabay kuha sa kanya ng tuwalya at pinunasan ang sarili.

"Tara handa na tayo ng makakain natin!" ang masigla pa rin niyang yaya sa akin sabay hawak sa aking kamay ay hinila na ako pababa sa kusina. Tamad na tamad akong sumunod sa kanya.

Sa kusina ay naghanda lang kami ng sardinas at itlog pang ulam sa kanin.

Habang inaabot ko ang sardinas sa cupboard upang magbukas ng dalawang delata, hindi ko alam na tumayo pala si Rafael sa aking likod at mariing pinindot niya ang magkabila kong tagiliran ng kanyang hintuturo.

"AAAAAAAAAAHHHH!!!!!!" ang sigaw ko sa magkahalog pagkabigla at malakas na kiliti dala ng kanyang ginawa.

Malalakas na halakhak ang pinakawalan ni Rafael sa tuwang makita ako na mahulog ko bigla ang hawak kong delata at sa aking pagkabigla.

"Punyeta ka naman Rafael oh!!" ang bwisit na bwisit kong sagot sa kanya habang pinupulot ko ang nahulog na delata.

"Lakas talaga ng kiliti mo no?" Ang natatawa niyang sinabi sa akin. Sumimangot lang ako at nagpatuloy sa pagbukas ng delata. Hindi ako natutuwa pag inaasar ako hangang hindi pa gising ang diwa ko matapos matulog.

Kumuha si Rafael ng apat na itlog sa refrigerator at isang mangkok mula sa lalagyanan ng mga plato at tumabi sa akin upang doon ihanda ang itlog na hahaluan ng sardinas.

Malakas na halakhak ang aking biglang pinakawalan nang bigang muling pindutin ng lahat ng daliri ni Rafael ang aking magkabilang tagiliran.

Hindi ko namalayan na pumunta nanaman pala siya sa likod ko habang seryoso akong nakikipagtalo sa abrelata at delatang nahihirapan akong mabuksan. Mapurol na kasi ang abrelata ko dahil lumuwag na ang mga nakakabit dito.

"Tarantado ka talaga!!! Ano ba?!!! Bakit di mo na lang ipagpatuloy yang specialty mo sa pagbabate?!" ang naiirita kong sabi kay Rafael habang nakaturo sa bowl na nilagyan niya ng itlog at hindi pa nababate.

"Ah ganon? Gusto mo kong magbate ngayon ha!!" ang pilyo't pabiro niyang isinagot sa akin habang hinihimas ang kanyang harapan. Di ko namalayang dalawa na pala ang ibig kong sabihin sa kanya.

"Sira ulo!! Uulamin natin yan?!!" ang galit ko nang sagot sa kanya habang binubuksan ang huling delata.

"Pwede! Kaya lang baka kailangan pati ikaw rin kasi kululangin tayo dito ngayon sa ilalabas ko." ang pilyo at naghahamon na niyang sagot s akin.

"Baliw!! Ihalo mo na nga lang ito sa itlog mo!!!" ang sagot ko sabay labas sa kusina. Tumawa lang siya ng malakas dahil double meaning nanaman ang aking mga nasabi nang hindi ko namamalayan.

"Sige ako na rin ang magsasaing! Relax ka lang diyan tol!" ang natatawa pa ring sabi ni Rafaelnang makalabas ako sa kusina.

Umupo lang ako sa sofa at nanood ng TV. Hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa amin ni Harold. Hindi ko na naiintindihan ang napapanood ko.

"Bakit? Bakit bigla niyang ayaw magpakita? Tapos na kami matapos ko siyang sagutin? Ganon lang ba yon? Ang makuha ang pag-payag kong maging kami?" ang mga katanungan ko sa aking isipan.

Nagriring ang telepono ko at narinig ko ang mahinang pagtunog nito. Agad ko itong pinutahan sa aking silid at sinagot.

Si Harold ang tumatawag.

"Seph... Thank you sinagot mo na ako.... sorry kagabi... naguguluhan lang kasi ako... may problema ako sa bahay... dumating ang mga lolo ko at nakita nila ang picture mo sa facebook na hinahalikan ko sana maunawaan mo... please kalimutan mo na yung mga sinabi ko..." ang agad na sinabi ni Harold sa akin matapos kong sagutin ang kanyang tawag. Umiiyak siya sa kabilang linya.

"Wag mo kong bibiglain ng ganoon ng walang paliwanag Harold. Iyan ang isa sa dahilan kung bakit pa ako nagpaligaw sa iyo dahil gusto kong makasigurado na hindi mo ako sasaktan." ang nasabi kong galit kay Harold ibig lang ilabas ang aking sama ng loob sa kanyang ginawa. Hindi ko na rin mapigilang umiyak.

"Tiniis kong itago at ipagkait ng saglit sa aking sarili na minamahal na rin kita Harold dahil lang natatakot akong masaktan sa unang pagkakataon na magkakaboyfriend ako. Kung wala kang planong makasama ako sa kinabukasan mo mabuti pang tapusin na natin ang kalokohang ito." ang dagdag kong sinabi sa kanya.

"Sige because of that I'll give you space..." ang kaawa-awang sagot sa akin ni Harold.

"Wag muna tayo magkita ng ilang araw. Kailangan kong makapag-isip. Kung talagang mahal mo ako tulad ng sabi mo maghihintay ka." ang sagot ko naman sa kanya.

"Kung yan ang gusto mo Joseph... sige maghihintay lang ako sa iyo. Mahal na mahal kita." ang pamamaalam niya.

Ibinaba ko na lang ang tawag at inayos ang aking sarili dahil narinig kong tinatawag ako ni Rafael sa ibaba. Nang makita ko sa salamin ang sarili ay bumaba na akong pinuntahan si Rafael.

"Dude pwede pabantay ng sinaing? Jejebs lang ako. Naluto ko na yung ulam." ang wika niya.

"Sige, ako na bahala dito." and sagot ko sa kanya at tumungo na siya sa palikuran na nagmamadali.

Napatitig lang ako sa kalderong nasa ibabaw ng kalan. Malalim ang iniisip at matindi ang kirot ng damdamin. Nasasabik akong marinig ulit si Harold ngunit hindi na sana sa ganoong lagay.

Marahil dahil sa pinagsauhan namin ni Harold sa sinehan kaya ako nagkakaganito. Nagustuhan ko ang aming ginawa at parang hahanap-hanapin ko iyon.

Ilang saglit lang ang nakakalipas at naluto na rin ang sinaing at sabay din bumalik si Rafael sa aking tabi.

"Walang-wala ng laman ang tiyan ko... nagugutom na ako Seph!!" ang hinaing sa akin ni Rafael matapos niyang umakbay pagkalapit niya sa akin.

"Sige eto kainin mo na dito sa kaldero." ang sagot ko sa kanya matapos alisin ang takip ng kaldero.

"Bakit ba... ang sungit mo ngayon Seph? Anong meron?" ang naiintrigang tanong sa akin ni Rafael tila nagpapainosente siyang walang alam kunwari sa naabutan niya kagabi.

"Wala..." ang mataray kong sagot sa kanya habang padabog na tinakpan ang kaldero ng kanin.

Kinuha ko ang aming gagamitin sa pagkain upang ihanda na ito sa hapag kainan. Si Rafael naman ay inalagay sa isang bandehado ang umuusok pang isang gatang na kanin para sa amin dalawa.

Nauna ako kay Rafael sa hapag at nang siya'y papalapit na sa kung saan ako naroon ay may tumawag sa labas ng bahay.

Ako ang sumagot sa pintuan.

"Nandito po ba nakatira si Joseph Garcia?" ang tanong ng delivery boy na moreno dahil marahi na rin sa kanyang trabaho.

May edad na si kuya at medyo nakakaawa ang kanyang kapayatan. May bitbit siyang malaking box na kalahati ng katawan ni kuya na payat at 5'4 lang ang taas.

"Kuya ako po si Joseph Garcia. Ano po yan?" ang pakilala ko't tanong agad sa kanya dahil alam kong may padala para sa akin ngunit sino nagpadala?

"Hindi ko alam jiho eh. Eto, pakipirmahan na lang din itong resibo." ang sabi ng delivery boy sa akin sabay abot ng kanyang dala at naglabas ng ballpen upang pirmahan ang nakakabit ne resibo.

"Salamat kuya! Wala po bang detalye kung sino ang nagpadala?" ang tanong ko para makilala ang nagpadala.

"Jiho yung nasa resibo lang eh. Mukhang ayaw magpakilala sa iyo." ang sabi niya.

Agad kong tinignan ang detailye ng resibong aking napirmahan na.

"SYBIL"

Yun lang ang nakalagay sa sender at may pirmang ngayon ko lang nakita.

"Baliw din ba ang nagpadala sa akin nito?" ang tanong ko sa akin sarili matapos mabasa ang sender name.

Nginitian ko ang delivery boy at sa awa sa kanya ay inalok ko siyang uminom muna at magpahinga dahil medyo tanghali na rin kasi,

"Ay jiho wag na lang pero makikiinom ako ng tubig." ang parang naginhawaang sagot sa akin ni kuya.

Iniwan kong bukas ang pintuan at ipinatong ang box na purple sa sofa upang kumuha ng baso at pitsel ng tubig.

"Ano yon? Ano yan?" ang tanong ni Rafael sa akin habang ngumunguya ng pagkain nang ako'y dumaan sa harap niya. Nakatingin lang siya sa box na ipinatong ko.

Saglit lang at nakabalik ako agad sa delivery boy at pinainom siya.

Bumalik ako sa hapag kainan at ipinatong ang pitsel at baso sa tabi.

"Dude hugasan mo muna yang baso ha? O kaya share na lang tayo sa baso ko." ang sabi ni Rafael habang may pagkain pa rin siya sa kanyang bibig. Tumango lang ako sa kanya.

Kahit nakaupo na ako sa hapag ay hindi pa rin ako kumain dahil lubos akong napapaisip kung sino ang napadala ng box na iyon.

Nanatiling nakatitig sa akin si Rafael.

"Anong meron? Ano yung dumating?" ang tanong niya sa akin. Naalala kong di ko pa pala tinitignan ang box.

Agad kong binalikan ang purple box at nalamang isang bugkos ng sariwang pulang tulips ang laman nito. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita dahil alam ko ang ibigsabihin nito na nalaman ko sa aking pinsan sa kanyang kuwento.

Si Rafael naman ay naiintrigang tignang din ang laman ng box kaya tumayo siya at tumungo sa aking tabi.

"Tulips? Bakit? Galing ba yan kay Jamal? Kasi inaway mo? Peace offering?" ang sunud-sunod na mga tanong sa akin ni Rafael.

"Gaig!!! Nakwento na sa akin ni Jeremy ito na binigyan siya ni Dexter. Puntahan ko si Jeremy mamaya pagkakain. Nagugutom na rin ako." ang sabi ko sa kanya habang ibinabalik ang takip ng box at ipinapatong sa ibabaw ng sofa kung san ko rin ito kanina iniwan.

"Ano ba yan tol... pinapadalhan ka na ng babae ng bulaklak... siguro agent natin to na may pagtingin sa iyo kasi nagresign na tayo baka nagpapahabol hindi niya naamin sa iyo." ang natatawang sabi sa akin ni Rafael habang kami ay patungo pabalik sa hapag kainan.

Nang makaupo ako sa hapag ay napansin kong hindi hinalo ni Rafael ang sardinas sa itlog. Hiwalay niya itong niluto.

"Anong nangyari sa luto natin?!" ang gulat kong tinanong sa kanya.

"Eh... malansa na nga yung itlog lalansa lalo paghinalo ko pa yung sardinas." ang sabi sa akin ni Rafael na aktong susubo na ng pagkain.

"Hay.. parehas naman itsura niyan sa tiyan natin at paglumabas." ang natatawa kong biro sa kanya.

"Health conscious lang tol... isa pa... quality food.. nilagyan ko ng rosemary at quick melt cheese yang itlog... tikman mo." ang mayabang na sabi ni Rafael at ako naman ay tumikim sa omelette na ginawa niya.

"Hmmm.. masarap nga... ha... asawahin mo na mga babae mo pagnagkatrabaho ka na." ang bilib ko namang nasabi sa kanya nang matikman ang lutuin niya na may halong pang-aasar.

"Pag nagpakasal na ako ermitanyo ka na ikaw na lang mag-isa dito." ang sabi niyang natatawa at nang-aasar.

Hindi ako nakasagot sa kanya dahil tama siya. Wala akong kasiguraduhan kay Harold pero mahal ko na rin siya.

"O... bakit ka naging seryoso bigla diyan? Mamaya nga pag-usapan natin yan." ang wika niya.

Natapos kaming kumain at kaunti lang ang nakain ko dahil sa aking dinadala. Si Rafael na ang naghugas ng amin pinagkainan.

Pumunta ako kila Jeremy dala ang mga bulaklak at pinagbantay ng bahay si Rafael. Marapat na ako na lang din ang pumunta dahil kailangan ko ng may makakausap tungkol kay Harold.

Pinapasok ako ni Dexter sa loob ng bahay. Sa sala nila kami nag-usap tatlo. Minarapat kong hindi muna sa loob lang ng box ang mga tulips.

Nakaharap na nakatayo ako sa magjowang nakaupong magkatabi sa sofa. Para lang akong magpepresent ng isang tula sa harap ng classroom sa mga oras na iyon.

"May... nagpadala sa akin... nito..." ang nahihiya kong sabi sa dalawa habang binubuksan ang box na purple.

"Ay!!! Insan!!! Alam mo ba ang ibigsabihin niyan?!!!! Binigyan din ako ni Dexter ko niyan!!" ang masaya't masiglang sabi sa akin ni Jeremy.

"Yun nga eh nakalimutan ko kasi pero alam ko nakuwento mo na sa akin ito." ang nahihiya ko pa ring sabi sa kanila.

"Ang ibig sabihin ng red tulips mga kaibigan ay maniwala ka at sumisimbulo din ito sa pagdeklara ng isang tunay na pag-ibig." ang parang trivia na sinabi ni Dexter. Natawa kami n Jeremy sa ginawa niya.

"Kuya Kim, ikaw ba iyan?" ang pabiro kong sabi kay Dexter na tinawanan din nilang dalawa.

"Jeremy pinadalhan ka ni Harold niyan?" ang tanong ni Jeremy na sabik na makumpirma mula sa akin ang kasagutan. Interesado namang nakinig ang si Dexter sa amin.

"Hindi eh... SYBIL lang yung nakalagay sa sender's name" ang sabi kong ikinadismaya rin nilang dalawa.

"Nako insan.... pero nakausap mo na ba si Harold?" ang agad na naisip ni Jeremy.

"Hindi pa. Dito ko siya balak tawagan sa harap niyo pero may ibabahagi lang ako sa inyo." ang malungkot kong sinabi sa dalawa.

Pinaupo nila ako sa kanilang tabi na pinagigitnaan nilang dalawa.

Hindi ko maiwasang umiyak habang kinukuwento sa kanila ang mga nangyaring pag-uusap namin ni Harold.

Nahihirapan akong magpatuloy na ikuwento sa kanila dahil labis na sakit ang aking nararamdaman habang ibinabahagi ko sa kanila ang lahat mula sa aming unang pagkikita ni Harold hanggang sa pakikipagcool-off ko sa kanya kanina.

Tanging haplos lang sa likod at pisil sa aking kamay at balikat ang pagkalingang ibinigay sa akin ng dalawa. Inamin ko sa kanila na pinipigilan ko lang ang aking sarili na mahulog kay Harold pero ngayong ganito na ay nalaman ko lang sa aking sarili na mahal na mahal ko na pala siya.

Nang ako'y matapos ngunit hindi pa rin napipigil ang pag-iyak.

"Okay lang jan Seph... iiyak mo lang yan... ganyan talaga ang unang pag-ibig." ang wika ni Dexter habang pinupunasan ang aking luha.

"Sephy... baka nga galing sa kanya ang bulaklak na iyan..." ang wika ni Jeremy habang nakayakap sa akin at nanlalambing.

Inayos ko ang aking sarili at kinuha ang aking telepono. Tinawagan ko ang numero ni Harold.

Sadyang di ko alam ngunit nasasabik akong marinig ang kanyang boses at malaman mula sa kanya na galing sa kanya ang mga bulaklak na kalong-kalong ko ngayon.

Nagriring na ang telepono niya.