Chereads / Ka-ibigan [BL] / Chapter 10 - Ka-ibigan - Chapter 10

Chapter 10 - Ka-ibigan - Chapter 10

Narating na namin ang katong sakayan sa Sunshine. Madilim na sa lugar na iyon at walang street lights tulad ng kalsadang tinahak namin mula sa amin.

Napansin ni Rafael ang biglang pagkabalisa ni Jeremy na nakatingin sa madilim na kanto mula sa aming kinatatayuan.

"Anong meron Jeremy?" ang tanong ni Rafael.

"Wala." Ang agad na sinagot ni Jeremy kay Rafael.

"Nalulungkot lang ako. Gusto kong ibalik ang nakaraan. Ang mga araw ng aking kabataan. Sa sulok na iyon madalas kaming tumambay ni Kevin noon bilang magkaibigan. Nang tanungin mo ako kung kamusta na si Kevin, ngayon ko lang naalala kung gaano na katagal na huli kaming nagharutan. Mahal ko rin si Kevin bilang nakatatandang kapatid at isang napakabuting kaibigan. Ang hirap ng dinanas niya noon. Alam kong hanggang ngayon siguro ay…" ang natigil na pamamahagi ni Jeremy sa aming pagbabalik tanaw niya sa masasayang araw niya at ng kanyang kaibigan. Tumulo na ang mga luha niya.

"Nangungulila lang ako sa samahan namin. Mula kasi nung highschool kami pinupuntahan ko siya dito madalas. Walang ibang iniisip kundi ang matapos ang aming nilalarong computer game. Nakukulit ko siya kung gugustuhin ko. Siya lang kasi ang naging kaibigan ko dito sa lugar na ito. Ngayon, nasa ibang lugar na siya at nasa piling ako ng mahal na mahal kong pinsan niya. Eto ako ngayon nagpapakahirap magtrabaho samantalang dati wala akong iniisip kundi ang mga simple kong problema. " sabay punas na si Jeremy ng kanyang patuloy na umaagos na mga luha sa pangungulila.

"Ngayon ko lang napagtanto na maganda pala ang aking nakaraan. Ngayon ko lang din napagtanto na nasasabik ako sa matalik kong kaibigan. Hindi ko na siya malambing. Wala na. May sarili na kaming mga buhay. Matatanda na kami. Hindi na tulad ng dati. Pasensiya na mga tol, madalas kasi noon kapag may dinadala ako sa kanya ko ihinihinga lahat. Ngayong kailangan ko siya…. Wala na siya." Ang sabi niya habang pilit na inaayos ang sarili.

"Jeremy… tahan na… Monday sickness lang yan…." ang maamong sabi ko sa kanya habang tinatapik ang kanyang balikat.

Hindi ko rin maitago ang pagbagsak ng sarili kong mga luha. Niyakap ko siya ng mahigpit. Alam kong nabasag ko ang pader niya. Pareho kasi kami. Magagalitin at masungit para mapagtakpan ang mahinang bahagi ng pagkatao namin.

Alam ko sa oras na iyon ay naalala niyang lubos si Kevin. Dahil sa gusto niyang bumalik sa kanyang nakaraan. Kung saan, hindi niya hinaharap ang mga katulad ni Jamal na sa araw-araw na ginawa ng may Likha. Pilit gusto nang tumakas din ni Jeremy sa hirap sa pagtatrabaho. Ako rin sa mga oras na iyon, kung hindi lang nakakasilaw ang aming kinikita gusto ko nang itigil ang pagpapahirap sa aking sarili. Ang pagpupumilit na iharap parin ang durog na durog naming pagkatao sa indyanong iyon.

Hindi nagtagal ay dumating ang hinihintay naming biyahe patungong Alabang. Malungkot kaming bumyahe na lutang na lutang ang aming mga isip. Ilang taong paghihirap. Hindi kami nag-usap. Marahil ay hindi na namin pinag-usapan ang pareho naming mga nasa isip ng mga oras na iyon. Baka lang din kasi umiyak si Jeremy.

Parang ang bigat ng mga paa naming kinakaladkad na naglakad papasok sa opisina. Pilit na ngiti ang mga bingay namin sa aming mga kakilala sa opisina. Nanatiling ganito kami hanggang sa makaupo kami sa kani-kaniyang mga lamesa.

Sa aking upuan ay binuksan ko na ang aking computer.

"1567 emails?!!!! Dalawang araw lang kaming nawala?!" ang nasigaw ko sa aking sarili matapos kong buksan ang aking Lotus Notes.

Binasa ko kung kanino galing at ano ang karamihan sa aking mga mensahe. Tulad ng inaasahan. Galing lahat kay Jamal mula sa kanyang Blackberry. At saktong sakto may dumating na bago nanaman mula kay Jamal.

Ang nakalagay sa unang mensahe ay…

"Why is my Paid Hours so high? My Contacts per Paid Hours dropped from last month. I don't believe your report is accurate. Please revise."

Nakita ko nang nireplyan ito ni Jeremy ng explanation niya kung bakit. Ito ang sagot ko naman sa kanya. Ito naman ang sagot ni Jamal sa kanya:

"Your calculations are incorrect. Training Hours should be deducted from the Paid Hours. Also, please combine the number of contacts from Inbound to Outbound and reflect it as Outbound. Please revise I need it by 9:00 PM. Kindly prepare a Powerpoint presentation of it."

"Tol, nakita mo ba sagot ni Kupal? 8:50 PM na tol!! Papahabol na siya ng pandurugas niya tapos papagawa pa ng Powerpoint presentation!! Eto nanaman siya." Ang natatawang reklamo sa akin ni Rafael.

"Ako na bahala tsong. Ako na titira nito." Ang sagot ko kay Rafael na naiirita na dahil kay Jamal.

Halos pasado 9:00 PM na nang ipapadala ko na sana ang minadaling report ay nakatanggap nanaman kami ng mensahe mula sa kanya:

"Please revise.. remove the Contacts per Paid Hours on the report and remove the Expected Value per Operator Hour. Why is my Paid Hours lower than the sister site when I have a lot more people than the do? Are we deducting the hours correcty?"

"Tol, ano to mood swing? Sesend ko pa lang report niya biglang kabig na siya sa mga pinapagawa niya? Tang!! Ano to laro-laro? Hindi na nga tayo gumagamit ng macro sa pinaggagawa niyang katarantaduhan. Shhhhhh!!!!" ang pigil kong paglalabas ng sama ng loob kay Rafael.

"Seph, start pa lang ng shift natin. Tignan mo yung isang email niya ngayon. "I am the business" talaga tingin niya sa sarili niya." Ang kwento ni Rafael.

Eto ang mensahe ni Jamal na bagong dating tungkol naman sa mga Vacation Leave ng aming mga ahente.

Tinignan ko ang email ni Rafael na sinagot ni Jamal.

"Sir, the agent was not approved of a vacation leave today and per policy it will be automatically considered as unscheduled even if it has your approval." Ang pagpoint out ni Rafael sa kanyang sarili.

"I am the department head and I can do anything I want. When I say that the agent is approved by me then it is scheduled even if the agent didn't came in today so long as I give my approval it is still scheduled." Ang sagot ni Jamal.

"Whaaaa?!! Pati absenteeism nila dadayain na rin natin?!! Wag na lang kaya natin gawin report niya?? Lagay na lang natin na zero percent lagi absenteeism niya?" ang pabiro kong sagot sa kanya.

Maya-maya ay biglang dumating si Jeremy sa aking tabi na umiiyak at agad akong niyakap ng mahigpit na parang batang umiiyak.

"Joseph… tol… hirap na ako… ilang taon kong tiniis ito… ayaw ko kayong iwan… pero di ko na kaya… hirap na ako talaga… " ang hinaing sa aking ng nananaghoy na si Jeremy.

Mas matagal na rin nga pala siya sa amin ni Rafael.

Habang nasa ganoong kaming lagay. Tumayos si Rafael at bigla kong natanong.

"Rafael… san ka pupunta?... tulungan natin si Jeremy…" ang pakiusap ko sa kanyang patahanin namin ang aming kaibigan.

"Tol… pinapapunta ako dun sa floor papatroubleshoot yung pc nung isang agent natin… hindi pa rin daw sila natutulungan ng support." Ang kwento ni Rafael na mukhang aburido na rin.

"Rafael! Tama na! Please… tama na… hindi natin trabaho yan… bahala na… Sawa na ako… naaawa na rin ako sa inyo…" ang pakiusap ni Rafael.

9:00 PM ang shift namin at hindi pa natatapos ang unang oras namin ay tuyo na kaming tatlo. Si Jeremy, nagbreakdown na. Pakiramdam ko kami ring dalawa ni Rafael bibigay na.

"Jeremy, saglit lang… babawi lang ako sa kanya…" ang sabi kong nakangiti kay Jeremy at sabay naming tinignan ang aking monitor habang nagcocompose ako ng reply ko kay Jamal sa email niya sa PLA report ng group niya.

"Sir, I would like to apologize but you have confused us with all the email trail that you have sent us. For us to action on our fault and correct our mistakes should there be any, would you kindly provide us a complete documentation on how your measurements should be calculated, where should it be gathered, and what metric should we include and/or exlude in our report. With all due respect, we would like to inform you that we will not make any changes in our report that has already been sent out without the documentation we require." Ang mensahe kong ipinabasang muli kay Jeremy at Rafael bago ko ipadala kasama ang boss ng head ng departamentong naging pabigat sa buhay namin.

"Tol, kinalaban mo na head ng department!" Ang natatakot na sabi ni Rafael.

"May mali ba sa mga sinabi ko?" ang malumanay kong sagot kay Rafael.

"I like it Seph. You just declared war sa buong bansa nila." Ang natatawang parang nakunentong si Jeremy.

Nagtawanan na lang kaming tatlo sa aking nagawa. Parang nag sarap ng aming pakiramdam na lumaban na kami sa mga kalokohan niyang pinaggagawa sa amin sa matagal nang panagon.

"Why would you keep the email trail and include everyone in the distribution of your reply?!!! Why do you need to do that Joseph if you can just call me over the phone?!!! What are you trying to prove to me?" ang nanginginig at nanggagalaiting mga tanong ng indyanong si Jamal na pinahiya namin mismo sa kanyang boss.

"Sir, like I said, your instructions has been a confusion for us in creating your reports… for a long time now." Ang malumanay ngunit may pagdiin kong mga sagot sa aking huling mga sinabi.

"If you can't answer people who sees our report then why would we change it for you? If you don't know why your department is failing then it's not our problem because we only generate the report based on the data that we gather and make our analysis and give our recommendations that seems you'll never understand even if it is in English since you've been bus engaging with your people building your image like a politic. Cheating your numbers out like it's an every day election and promoting your projects that until now hasn't created a profitable outcome. Pardon, but these are just based on my analysis on the trend from the data that we still have until now for the past four years." Ang pangangatwiran ko pa sa kanyang ipinamumukha ang katangahan niya at pinagagagawa niya.

"This is absurd!!! Do you have basis for your claims?!! I have been in this department for three years!!" ang nanginginig pa rin sa galit ni Jamal.

"Like I said sir… with all due respect… I am only giving my analysis on what had we see in numbers… and I have been in this position for four years and for the past three years this department did not improve a bit. Now, should you need us to revise the report for you as you may call it. Kindly email us the documentation we require else no action will be taken." Ang mariin kong sinabi sa kanya.

"This is insubordination! You're all fired!!!" ang sigaw ng nanginginig pa lalong indyanong si Jamal.

"You need not to do that sir. I'm going to send an email to all concerned parties to consider that as my resignation. You can't fire me since you don't own the company and I'm not reporting directly to you. I have my rights as a Filipino citizen and I will my rights now. Do you have powers over that too?" Ang mariing kong sinagot sa kanya na may halong pang-aasar.

Hindi nakatiis ang inyano at umalis na lang siya.

Nang lingunin ko si Jeremy at Rafael ay tulala sa kalawan ang dalawa.

Tulad ng aking sinabi ay gumawa agad ako ng resignation email tungo sa boss naming, kasama ang lahat ng kalangan naming sabihan. Isinaad ko rin na ipapasa ko ang printed letter upang kanilang pirmahan.

Nanood lang ang dalawa sa aking ginagawa.

"Gusto niyo ng template? Gawa na rin kayo!!" ang masaya kong bati sa dalawa.

Sa mga oras na iyon ay nakaramdam ako ng kalayaan na may kakaprangot na lungkot dahil wala na ako sa mahal kong trabaho. Wala naman akong iniisip na bayarin maliban sa tubig, kuryente at ang aking kakainin sa araw-araw.

"Mga tol… pag-isipan niyo na… magpapaalam na ako sa inyo sa impyernong ito… mahal ko pa buhay ko… sana Makita niyo rin ang nakikita ko ngayon…" ang masaya kong imbita sa dalawa na sumunod na.

Tumayo ang dalawa at tinungo ang kanilang mga mesa.

Maya-maya matapos kong ipadala ang aking email sa lahat at magpprint n asana ng letters.

"Tol, sabay na tayong pumunta sa printer." Ang sabi ni Rafael habang ipinuturo sa aking monitor ang kanyang email na ang laman ayu tulad din ng aking nais.

Niyakap ko siya ng mahigpit dahil pareho na kaming malaya na.

"Papano ka na?" ang tanong ko sa kanya.

"Makikiusap sana kasi ako sa iyo na kung pwede kahit wala na akong trabaho ay sa iyo pa rin ako titira. Sabay na tayo maghanap ng mapapasukan ulit." Ang malungkot na pakausap ni Rafael.

"Tsong… wala lang iyon. Parang kapatid na kita dito sa office tapos maayos ka naman kasama sa bahay maliban lang sa kahalayan mo." Ang pabiro kong sabi sa kanya habang naiiyak na.

"Sama niyo ko jan…" ang parang nagtatampong sambit ni Jeremy na niyakap kaming dalawa ni Rafael.

"Nagpadala na rin ako… kaya ko naman eh… nandiyan si kuya Dexter… ako lang nagpumilit magtrabaho kasi nababagot ako sa bahay." Ang dagdag pa ni Jeremy habang lumuluha nang kumakausap sa amin.

"Kawawa naman si Jemykoy ni kuya Dexter!!!" ang nanlalambing kong sinabi sa kanya habang matinding kirot sa dibdib ang makita siya sa ganoong lagay. Para na rin kami magkakapatid sa pinagdaanan namin sa nakalipas na mga taon sa trabahong iyon.

"Teka… bakit ba tayo nalulungkot eh sama-sama naman tayong pupunta na ng purgatoryo?!!" ang pabirong sabi ni Rafael.

Tinawanan na lang namin ang aming mga sarili at tinungo na ang printer.

Habang kami ay napapadaan sa aming ibang kasamahan ay isa-isa silang nag-iyakan. Batid nila ang lungkot na mawala kaming tatlong kengkoy ng grupo. Ang trio team ng departamento naming nanatiling humawak sa sinusumpang departamento ng kumpanyang iyon.

Pilit namin silang nginitian habang lumuluhang nagdaraan sa harapan ng kanilang mesa.

Natapos namin ang proseso ng aming immediate resignation tumungo na sa kainan sa labas ng opisina. Bilang pampalubag loob. Tumambay muna kami sa Starbucks.

Sa pagkakataong ito. Kaming tatlo ay sumunod sa gustong inumin ni Rafael na Dark Chocolate Mocha frappuccino.

Habang kami ay nakatambay at abala ang dalawang may katext ang dalawa sa kanilang mga telepono ay naisip kong itext si Harold.

"Harold, pnta k nmn d2 s Strbcks and2 kming 3.Knwri npdaan k lng h?Pro ssma k mna s akin." Ang sabi ko.

"Ok.c u!mwah! ;-j" ang reply niya na agad kong ikinagulat dahil alam kong bawal magdala ng telepono sa loo ng opisina. Hindi ko na lang siya nireplyan dahil alam kong pupunta na rin naman siya sa aming kinaroroonan.

Hindi nagtagal ay dumating na siya.

"Uy!!! Musta mga tsong!!" ang masayang bati niya sa aming mga biyernes santo ang mga mukha.

"Anong problema?" ang natanong niyang bigla ng mapansin ang aming mga malulungkot na mukha.

"Nagresign na kami kanina. Immediate." Ang sagot ni Rafael.

"Woooaaahh!! Bakit?" ang pagkabigla ni Harold habang umuupo sa bakanteng upuan sa gitna namin ni Rafael.

"Tinatanong pa ba yan sa mga tulad naming alipin ng…" ang naiinis na sagot ni Jeremy na hindi na natuloy ang kanyang sasabihin.

"Sabagay. Nakaleave pala ako ngayon." Ang surpresa sa aming tatlo.

Nang tingan ko si Harold sa pagkabigla ay nakita kong hinihimas niya ang balikat ni Rafael na hindi naman pinapansin ang ginagawa sa kanya.

"Nagseselos ba ako? Para kay Harold or kay Rafael? Bakit siya ang hinahaplos nito hindi ako?" ang natanong ko sa aking sarili sa aking nasaksihan.

"Ahem… oo nga eh… pero okay lang yan… malungkot kami kasi iiwan namin ang aming trabahong minahal…" ang kunwari kong pag-arteng kawawa na kinagat naman ni Harold at ako na ang hinahaplos niya.

"So ano balak mo ngayong gabi?" ang tanong ko sa kanya sabay bitiw ng isang nakaw na kidat na hindi napansin ni Jeremy o Rafael.

"Ah… wala eh gusto ko sana…" ang hindi natapos na sasabihin ni Harold.

"Punta ko sa inyo! Taga inyo girlfriend ko papakilala kita." Ang sabi ko sa kanya na ikinagulat ng dalawa kong kasama.

Kinindatan ko si Jeremy at mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin.

"Rafael… papasundo ako kay kuya samahan mo naman ako sabay na tayo umuwi." Ang sabi ni Jeremy. Hindi naman nakaalma si Rafael na mukhang gustong sumama rin sa amin sana dahil bakas ito sa kanyang mga titig sa akin.

"Tara Seph. Magpapahinga na ako sa bahay pagkatapos mo kong pakilala jan sa girlfriend mo." Ang wika ni Harold na may pinyong ngiti at sabay na kaming tumayo at pumunta sa kanila sa Pacita.

Sa biyahe, sa loob ng isang ordinary bus papuntang Pacita ay magkayakap ulit kami sa dulo ng bus tulad ng dati kaya lang sa pagkakataong ito ay naaabala kami ng malakas na hangin mula sa bintana na gawa ng mabilis na pag-andar ng bus.

"Seph… punta tayo sa Club Coco…" ang yaya niya.

"Hindi ko alam yun eh pero… sige." Ang sagot ko sa kanyang may mamalbing na ngiti.

"Bago magPacita Complex lan iyon sa likod ng gas station." Ang sabi niya at yumakap ng mahigpit at humalik sa aking pisngi.

May isang bar pala malapit sa Complex. Yun pala ang tinutukoy ni Harold. Hindi siya pangbeki pero marami pa ring beki doon nang kami ay nakarating. Dahil Lunes, medyo kaunti rin ang tao.

Nag-inuman kami ni Harold. Red Horse lang tinira namin. Nakarami na kami at nagsimula nang maglambingan sa kabila ng hindi queer crowd ang pinuntahan naming lugar. Tila wala kaming pakialam sa mga nandoon sa bar.

"Seph… okay ka naman ba?" ang tanong ni Harold sa akin habang nakangiti ng matamis sa akin.

"Okay naman. Pakiramdam ko nakalaya ako sa ilang taong pagkakakulong." Ang sagot ko.

Inabot niya ang aking mga kamay at parehong hinalikan ito. Inilapit niya ang aking mukha at kami ay naghalikan. Habang nasa ganoon kaming gawa ay niyakap niya ako kahit nakapagitan sa amin ang isang maliit na mesa.

Madali akong nag-init dahil sa ako'y lasing na marahil ganoon rin siya ngunit nasa katinuan pa akong walang mangyayari sa amin ngayong gabi sa kadahilanang hindi pa kami ni Harold.

"Alam mo Joseph.." ang wika niya matapos naming maghalikan habang nakatitig ang mga nangungusap na niyang mga mata sa akin.

"Mahal na yata kita." Ang sabi niya.