Chereads / Ka-ibigan [BL] / Chapter 9 - Ka-ibigan - Chapter 09

Chapter 9 - Ka-ibigan - Chapter 09

Nagising kaming bigla sa tunog ng aking nagriring na telepono.

"Gising na mga barako!!!!" ang malakas na boses ni Jeremy na hindi niya nilalaro at binatang-binata. Balik na siya sa normal dahil sa tuwing papasok na siya sa opisina ay para siyang sinasapian ng propesyonal niyang katauhan. Ang pagiging bata niya sa harap ni Dexter ay ang isang paraan niya upang ipadama niya kay Dexter ang kanyang lubos na pagmamahal. Tuwang tuwa kasi si Dexter pag naggaganun siya.

Ang hindi lang nawawala kay Jeremy ay ang pagiging masungit niya at pagiging alaskador niya. Sabagay, hindi ko siya masisisi kung hindi siya magiging masungit dahil sa hirap ng trabaho namin kailangan mo talagang maging ganoon.

Hindi daw siya dating ganoon sabi ni Dexter, malumanay siyang tao at hanggang pikon lang ang kaya niyang ilabas pag siya'y nagagalit. Nasaksihan ko dati si Jeremy na sobrang pressured sa trabaho tulad ng pinagdaraanan naming lahat. May pumitik sa kanya habang dinuruo siya noo ng isang indyanong pahirap sa aming lahat sa harap naming mga kaopisina niya.

Matapos siyang sigaw-sigawan noon ay lubos na kalungkutan ang bumalot kay Jeremy na kahit anong gawin ni Dexter ay wala siyang magawa. Isang araw na naulit ang ginawa sa kanya ng indyanong nang-aalipin at mapang-mata hindi niya napigilan ang kanyang sarili na magsalita.

In fairness, kalmado siya pero ang mga salitang binitiwan niya ay talagang malalaman at tumatagos sa buto. Ni isang mura wala kang maririnig sa kanya ngunit dahil sa mataas ang pusisyon ng indyano at talaga namang durog ang kredebilidad niya, siya ang napahiya kay Jeremy at sa aming lahat ng nakasaksi.

Mula nga lang ng araw na iyon ay hindi na si Jeremy ang pinupuntirya ng indyano kundi ako at si Rafael na.

"Oo na Jeremy, gising na kami. Nakabihis ka na ba?" ang inaantok ko pang sagot sa kanya.

"Eh… Maliligo pa lang din eh. Sige daanan niyo na lang ako dito." Ang sagot niya.

"Okay, we're ready in an hour. See you!" ang paalam ko sa kanya at ibinaba na ang tawag.

"Tol… hang-on til Friday!" ang bati sa akin ng pupungas-pungas na si Rafael habang nakahawak patago sa kanyang magang pututuy. Ang ngiti niya ay napakagandang tignan kapag bagong gising. Hindi ko alam kung bakit.

"Yan!! Wag mo ko sinisindak pag gumigising tayo!! Nice development, bro! Gustong gusto na kita kasama dito sa bahay para na tayong magkapatid pag ganyan." ang sagot ko sa kanya pansin ang kanyang ginawa.

Namula ang pisngi ni Rafael sa di malamang dahilan at yumukong kinakamot ang ulo.

"Tara na tsong! Ligo na tayo." Ang yaya ko sa kanya.

"Ikaw na mauna, Seph. Sunod na lang ako." Ang sabi niya.

Tumango lang ako at inabot ang aking telepono upang batiin si Harold at ipaalam sa kanya na sabik na akong makita siya.

"Hmph… ako naman ang nauna…" ang bulong ni Rafael at nilingon ko siya pagkarinig ko.

Nagulat siya nang tignan ko siya.

"Naalala ko lang yung report at yung email nanaman ni Jamal." Ang depensa niya at hindi ko na lang initindi kung may sasabhin pa siya.

Tumayo ako at inabo ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pintuan ng aking silid at tinungo na ang banyo. Saglit lang ako naligo dahil gabi na ay malamig na ang tubig na lumalabas sa shower.

Umakyat akong nanginginig sa lamig dahil mamasa-masa pa ang buong katawan ko sa kadahilanang hindi na ako nakapagpunas maigi upang makaligo na si Rafael.

Pagpasok ko sa aking silid ay inabutan kong nakadapa si Rafael at nakapatong ang mukha sa ginamit kong unan.

"Natutulog ba ulit ito?" ang natanong ko sa aking sarili ngunit gumagalaw naman si Rafael sa kanyang pagkakahiga at malalalim ang hinga.

"Tol… ligo ka na tapos na ako." Ang imbita ko sa kanya.

Bigla siyang napaigtad at nagulat na makita ako at napansin kong tayo pa rin ang kanya.

"Good luck na lang diyan kung makapagtapis ka pa kahit nakaganyan yan. O baka balewala lang ang pagtapis mo ng tuwalya dahil magtututuro iyan." Ang pabiro kong sabi sa kanya.

Namula lang siya sa aking sinabi at tumayo ng hirap.

"Tsong sa totoo lang hindi kasi ako natutulog ng naka brief kaya hindi ako sanay bumangon ng may suot na ganito." Ang paliwanag niya sa aking matapos tumayo.

Nagsuot na ako ng aking panloob habang nakatapis ang tuwalya at inabot sa kanya ang tuwalya matapos kong maisuot ang aking brief.

"May ipagmamalaki ka rin naman pala eh. Behave lang yang sa iyo." Ang pabiro niyang sabi nang nakatingin sa aking ano.

"Kala mo ikaw lang. Kontrolado ko kasi to yung sa iyo wild." Ang pabiro ko namang sabi sa kanya.

"Bilis! Maligo ka na nakakahiya kung maghihintay si Jeremy." Ang sabi kong minamadali na siya.

"Di ba pwede magparaos man lang muna?" ang tanong niyang kinuryete ang buo kong katawan.

"Taena pre! Seryoso? Nagmamadali na tayo." Ang sagot ko sa kanya.

"Yun lang eh. Sa susunod kahit sa harapan ko pa kung gusto mo." Ang dagdag kong pabiro sa kanya.

Isang ngiting pilyo lang ang sinagot niya sa akin at tinungo na niya ang banyo.

"Seryoso ka sa sinabi mo ha! Palilipasin ko to! Maliligo na lang ako." Ang sigaw niya habang bumababa na ng hagdan.

"Timang!" ang sagot ko naman sa kanya.

Nagbihis na akong nagmamadali na. Hugot na lang ng kung anong masusuot mula sa aking cabinet. Napansin kong kailangan ko na pala iusog ang iba kong gamit upang makagamit na rin si Rafael ng aking aparador.

Tulad ng aking naisip ay binakante ko ang kalahati ng aking kabinet at ipinag patong-patong ang aking gamit upang pagbalik ni Rafael ay malaman niyang pwede na niya ayusin ang kanyang gamit sa loob kailan man niya naisin.

"Tol ang lamig ng tubig dito pag gabi!!!" ang sagot niya pagkapasok niya sa aking silid. Napansin kong hindi siya nagtapis at itinakip lang ang tulaya sa kanyang harapan.

"Anong nangyari sa iyo?" ang natatawa kong tanong sa kanya nang makita ang kanyang itsura. Ngunit kinikilig ako ng lubos na makita siya sa ganoong ayos.

"Hindi bumaba eh! Ang lamig lalong namaga." Ang sabi niya habang hinahalungkat ang kanyang gamit mula sa kanyang bag.

"Di ba dapat nga liliit yan sa lamig? Napala lipat mo na gamit mo sa aparador nakapag-ayos na ako." Ang sabi kong iniiba ang aming topic.

"Sige, lipat ko na lang pag uwi natin bukas." Ang sabi ni Rafael habang nakatalikod na nagsusuot ng underwear. Nakita kong hubad ang kanyang tuwalya at saglitan kong nakit ang maubok niyang likod na maganda rin ang hubog.

Agad kong inilayo ang aking tingin at nagpatuloy sa pag-aayos ng aking sarili. Nang matapos ay nagpaalam na akong maghihintay sa sala. Baka kasi kung ano pa mapag-usapan namin o maaaring makita ko pa sa kanya.

Hindi talaga ako sanay pag-usapang lalake na. Lagi na lang tungkol sa ari nila o mga babae nila at kung ano-anong ginagawa nila sa mga babae nila. Marahil dahil sa Catholic school kasi ako nag-aral mula pa nung pre-school ako hangang magcollege.

Sa San Sebastian Recolletos naman ako nagcollege kumuha ng Information Technology na kurso. Saan ka pa? Lahat yata ng litanya hanggang ngayon kabisado ko pa.

Sa sala habang ako ay naghihintay ay naisipan kong tawagan si Harold.

"I miss you!" an malambing kong sinabi kay Harold sa kanilang linya nang sagutin niya ang aking tawag.

"I missed you too!! Hindi na ako makapaghintay na makita kita mamaya. On the way na ako, ikaw ba?" Ang sagot niya.

"Ingat ka papuntang opisina. Paalis pa lang kami nila Rafael." Ang sabi ko sa kanya.

"Sige po! Later!" ang malambing niyang paalam.

Pababa na si Rafael at hirap na hirap isara ang kanyang maong.

"Tol… ayaw eh.. hirap… hindi ko mailock… naiiipii!!!!!!!" ang hinaing ni Rafael habang ikinakabit ang butones sa harapan ng kanyang maong habang nakausli ang ulo ng kanyang namamaga pa ring alaga. Nasaktan siya nang pilitin niyang isara ito habang bumababa ng hagdan.

Bigla lang akong napalingon papalayo sa kanya sa hiya dala ng aking nakita.

"Ano ba yan Rafael Castro!!! Nagviagra ka ba?!!!!" ang inis na sinabi ko sa kanya na hindi niya sinagot dahil abala siyang umiinda sa sakit habang naglalakad palapit sa akin upang umupo sa aking tabi.

"Anak ng!!! Rafael!!! Malelate na tayo niyan eh!!!! Baka dumating na si Jeremy makita pa niya yang ulo mong naka ulsi jan!!!" ang irita ko pa ring sabi kay Rafael habang sa mukha lang niya ako nakatingin pilit iniiwasang tignan ang kanya.

Hindi siya makaupo ng maayos.

"Slim-fit low-rise ka pa kasi lagi!! Tapos hangging na muscle shirt pa yang suot mo!! Wala ka pang sinturon!!!" Hintayon mo nga ako dito!!! Kukuha ako ng sinturon at jacket!!!" ang galit ko nang sinabi sa kanya at tinungo ko ang aking silid upang kumuha ng jacket kong medyo mahaba at isa sa aking mga sinturon.

Pagbalik ko sa kanyang tabi ay inabot ko ang jacket at sinturon.

"Happy thoughts…. Happy thoughs… ice cream… vanilla ice cream… hazelnut brownie ice cream…" ang sinasabi ni Rafael habang pikit na iniinda ang kirot at pilit iniisip ang kanyang mga sinasabi. Puro pagkain.

Hindi ko naman maiwasang tignan ang namumula at nangingintab na nakausli sa garterline niya.

"Ayusin mo sarili mo!! Eto ang sinturon! Isuot mo muna!! Tapos magjacket ka pra matakpan yan!!" ang mataray kong utos sa kanya.

"Eto naman oh… patulong naman… pakialalayan yung maong ko para di humapit kay junior tapos magsisinturon ako para masakto ko lang ang higpit ng maong nang hindi naiipit yan." Ang paikusap niyang nahihirapan.

"Ano?!! Ihahawak ko kamay ko sa pagitan ng manoy mo at maong mo?!!!!!" ang patuloy kong pagtataray sa kanya ngunit kinuryente ako ng mga pumapasok sa aking isip sa kanyang gustong ipagawa sa akin.

"Matatatya mo ba sikip ng maong ko?" ang tanong niya. Hindi na ako nakasagot at sumimangot na lang.

Hindi rin ako makapagsalita sa maghalong pagnanais at pag-ayaw sa gusto niya. Ang halay ng kasambahay ko. May magagawa pa ba ako? Hindi naman siya ganito sa office dahil lahat kami propesyunal don at di naman nga magaganap ang mga ganito doon.

"Oo na sige na matapos lang ito! Ano ba gagawin ko?" ang tanong ko sa kanya.

"Ipasok mo daliri mosa maong ko bandang ibabaw ni junior tapos iangat mo yung maong ko tapo hihigpitan ko yung sinturon hanggang sa matantya ko na okay na." ang sabi niya.

"Pano ka pumapasok sa office kung ganito to araw-araw?" ang tanong ko sa kanya habang inabot na niya ang kamay ko at ipinasok ang aking apat na daliring dumikit na rin sa kanyang naka usling alaga. Namimintog ito.

Bigla kong naialis ang aking kamay nang makalabit nito ang aking mga daliri. Natawa lang si Rafael.

"Ano ba yan!! Ang hirap naman!! Kay Jeremy mo na lang kaya pagawa to!!" ang reklamo ko sa kanya.

"Ay kung kay Jeremy lang walang problema magpapalambot ako sa tulong niya kung wala lang siyang kuya Dexter." Ang pilyo niyang isinagot sa akin na ibig niyang sabihin ay wala akong choice kundi ang tulungan siya o hintayin siyang magparaos.

"Lusog-gana eh no? Lusog-gana siya!!" ang reklamo ko na lang na sinabi sa kanya habang ibinabalik ni Rafael ang aking kamay sa dating gawi.

"Huwag kang bibitiw hanggang sabihin kong pwede na ha? Uulit lang tayo ng uulit." Ang sabi niya. Isang signhal lang ang sinagot ko sa kanya.

Dahan-dahan ni Rafael na sinikipan ang sinturon hangang sa dumikit na sa tatlong daliri ko ang kanyang kumikislot pang-alaga. Mainit-init ito.

Nanlambot ang mga tuhod kong parang nagiginig pa habang ang dugo sa akin mukha ay parang nawalang lahat. Kinakabahan ako.

Nanunuyo ang aking lalamunan. Nakukuryente ako sa lalong paghigpit ng sinturon at pagkislot ng kanya sa aking mga daliring parang nanghahamot ng away.

"Tsong tama na!! Masikip na baka di ko na maalis kamay ko diyan!! Halos hawakan ko na yan pre!!! Ano ba!!! Hindi ko pa ba aalisin?" ang nanginginig kong sinabi kay Rafael na pawang nagmamakaawa ang loob kong hayaan niya na akong laruin iyon.

Isang pilyong ngiting abot tenga lang ang ginawa niya matapos marinig ang aking sinabi. Parang tumigil ang oras. Natutukso na ako ni Rafael. Sobrang init ang aking nararamdaman.

"Tol… pwede na.. kanina pa… hindi mo ba ako narinig?" ang nakangiti pa ring sabi niya.

"Ha?! Ah… Eh.." wala na akong masabi. Hinugot ko na lang ang aking kamay ng dahan-dahan. Sa bawat dikit at kuskos ng aking daliri ay sumasagot ito ng pagkislot.

"Sensitive yan eh." Ang sabi ni Rafael sa akin.

Nang mailabas ko ang kamay ko ay napabuntong hininga lang ako at nakaramdam na parang naiihi.

"Saglit lang ha?!" nagmamadali akong tumungo sa palikuran ngunit matapos kong lumakad ng ilang hakbang ay napaluhod ako at namilipit sa matinding kilig.

"Ahhhhhhh!!!!" para akong nagnhina.

Naramdaman kong basa ang aking panloob.

Agad akong tinungo ni Rafael at inalalayan.

"Oh tol… nahihilo ka ba?" ang nag-aalala niyang sinabi sa akin.

"Hindi… may kumirot lang… akyat lang ako sa itaas… may nakalimutan ako." Ang nasabi ko lang na palusot sa kanya at mabagal na naglakad tungo sa aking silid. Pagpasok ko ay agad akong nagpalit ng panloob.

Natapon ang aking honey sa aking brief. Ang dami.

"Anong meron?!! Bakit ako nagkakaganito?!" ang nasabi ko sa aking sarili.

Sa aking pagmamadali ay ibinalunbon ko lang ang aking basang brief at naihagis ito sa ibabaw ng aking kama. Nagmadali akong nag-ayos at binalikan si Rafael sa sala.

"Okay ka lang tol?" ang sabi niya sa aking habang bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Okay lang. Tara na!" ang yaya ko sa kanya.

Nang palabas na kami sa bahay at isasara na sana ang pintuan.

"Tol nakalimutan ko ID ko saglit lang." ang sinabi ni Rafael at nagmadaling inakyat nang silid nang hindi lumilingo sa akin.

Bigla kong naalala ang ihinagis ko lang na brief sa ibabaw ng kama. Katabi lang nito ang ID niya.

"Hala!!! Patay na!!! Ano na sasabihin ko pag nakita niya yung suot ko kanina ganon." Ang nasabi ko sa aking sarili.

Mabagal na naglakad si Rafael pabalik sa pintuan ng bahay. Nakangisi na abot tenga.

"Tol… umamin ka… nilabasan ka ba bigla? Bakit?" ang tanong niya sa akin.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang tanong.

"Hindi ko naman pwedeng sabihin na sipon yun dahil bakit ko gagawin yun? Una, wala akong sipon. Pangalawa, marami at maputi yun para sa isang sipon. Pangatlo, bakit sa bagong brief ko pa ako sisinga at dun pa sa suot ko?" ang pagtatalo ko sa aking sarili.

Wala na. Kailangan ko na magpakatotoo.

"Tol… di ba… sabi ko sa iyo hindi ako sanay? Pagnakakakita kasi ako ng iba bukod sa akin… nagbabalik lahat ng porn movies na napanood ko… Eh yung sa ginawa natin kanina naalala ko yung babae kasi ganon din ang ginawa…" ang sabi kong humihiling na sa kataas-taasan na sana bumenta tong kasinungalingan na ito.

"Isa pa… tagal ko na rin kasi… bukod sa… virgin ako…" ang sabi ko sa kanya.

Tumawa lang si Rafael na parang wala lang ang lahat.

"Matindi pala memorya mo tol! Okay lang iyon. At least alam ko na ngayon na pareho tayong sabik." Ang sabi niya sa akin.

"Pero may girlfriend siya." ang naisip ko bigla.

"Ah… hindi mo nagagalaw mga girlfriend mo?" ang tanong ko sa kanya.

"Dati lahat pero ngayon medyo matumal pa sa negosyo ang nadidiligan ko. Bukod sa pagod tayo lagi, ang lalayo nila, wala pa akong lugar at ayaw ko na magmotel nagkalat na mga scandals ngayon eh. Kaya sana maunawaan mo kung sa harap mo mismo magparaos ako. Kahit sabayan mo pa ako dahil parehas naman tayong di bakla." Ang paliwanag niiyang sinabayan pa niya ng biro.

Napansin kong nasa harap na si Jeremy ng kanyan bahay at naghihintay.

"Tara na Rafael. Kalimutan na natin to o kaya bukas na lang natin tuloy usapan natin. Si Miss Minchin nandiyan na." ang pabiro kong sinabi kay Rafael nang makita kong si Jeremy ay salubong nanaman ang mga kilay na nakatingin sa langit.

"Miss Minchin. Sorry po. Naghintay ka ba?" ang tanong kong nilalambing si Jeremy.

"Hindi. May iniisip lang ako, Seph. Nahihirapan na kasi akong pumasok. Kung di lang dahil sa inyo baka nagresign na ako sa office. Ang hirap kasi, araw-araw na lang. Kung makapag-utos sa atin kala mo ganon ka-automated ang Microsoft Office sa mga pabago-bago nila sa mga reports natin. Cause of delay na, sira pa template natin. Higit sa lahat, wala nang credibility ng report natin kasi ipinapatago nila yung gusto nilang itagong mga bagsak at ipinapakita lang yung mga pumapasang metric. Tapos yung mga trabahong pinagagawa nila na hindi naman natin trabaho sa atin na rin parami pa ng parami. Ang kumpanya walang ginagawa sa job description natin lagi na lang may mga unwritten responsibilities dahil dun sa "Any administrative tasks given" na last bullet ng contract." Ang malungkot n ibinahagi sa amin ni Jeremy. Tumutulo na ang kanyang mga luha.

Nababasag ang puso kong makita siyang umiiyak. Napakalakas at napakatapang niyang tao at bihira kong nakikita siya ng ganito. Nakakahawa ang kalungkutan niya.

Naglakad na kami tungong sakayan ng jeep sa Sunshine habang kami ay nag-uusap.

"Alam mo Jeremy, hindi ka nag-iisa. Kami rin di ba? Dahil sa buwisit na namumunong si Jamal na kupal. Alam naman natin kung gaano kasama ang mga lahi niya di ba? Mga lahi sila ng mga walang utak na mga dobble heads. Amoy pa lang nila masama na. Ganon sila kasama. Sa sobrang sama nila naaamoy mo na." ang pilit kong pagpapatawa kay Jeremy. Ngumiting pilit lang siya.

Si Rafael ay sumusunod lang sa aming paglalakad na nahuhuli ng kaunti. Nakayuko at nagdadalamhati na rin yata.

"Pare-parehas lang tayo ng dinaranas. Mahal natin ang mga kasama natin sa opisina at mahal din natin ang trabaho natin pero isa lang talaga silang mga naglalakad na problema ng opisina. Bibo na bobo naman. Slave drivers pa." ang sabi ni Rafael na nilalabas din ang kanyang hinaing.

Lagi naman ganoon. Lagi na lang kami kami ang naglalabasan ng sama ng loob ng dahil sa iisang tao. Si Jamal, ang head ng department na hawak namin. Isang indyanong saksakan ng sama ng ugali. Mukhang mabait at lalambot-lambot. Pero sa likod ng ito ay ang mga hahahaba niyang mga sungay at mga galamay niyang pinagagalaw niya upang masunod lang ang gusto niya sa kabila ng mga polisiya ng opisina.

"Na pala, maiba lang ako. Nasaan na best friend mo?" ang tanong ko kay Jeremy nang maalala ko.

"Ay okay na sila ng boyfriend niyang si Alex. Umuwi na siya agad kagabi para magkausap sila sa phone tapos don na natulog sa kanila para maaga siyang makakaalis papuntang QC kasi sa kantong sakayan lang natin bahay nila." Ang kwento naman ni Jeremy sa nangyari kay Kevin.

"Nagulat kasi akong wala siya kagabi sa inyo pag dating ko." Ang naibahagi ko kay Jeremy at hindi na itinuloy na inakala kong kasama niya si Rafael sa kama at baka gapangin niya si Rafael sa kama ko pa mismo.

Ewan ko ba pero mahalaga sa akin si Rafael. Gusto kong ipagtanggol siya at bantayan siya kahit mas lalaki pa siya sa akin.