"Salamat talaga." Ang nasabi niya lang sa akin at lalong humigpit ang kanyang yakap.
Bigla lang siyang nag-ayos sa kanyang upo at kumalas sa aming yakapan. Nakatingin siya sa harap ng bus na akin din tinignan. Umaandar na pala ang bus at nasa SLEX na kami. Naniningil na ang kunduktor ng pamasahe hanggang sa kami na ang nilapitan niya.
Nagmakapagbayad kami ng sarili naming mga pasahe at nakuha ang aming ticket ay agad din naman bumalik ang kunduktor sa bandang unahan ng bus.
Nagtinginan kaming dalawa at nagtawanan bigla. Exciting ang ginawa naming lambingan sa likuran.
"Teka Joseph, nautakan mo ako ha! Sabi ko sa iyo sagot ko lahat diba?" ang sabi niya.
"Kanya-kanya tayong bayad sa date natin yan ang gusto ko." Ang kundisyon ko sa kanya. Naisip kong marahil sa mga nakadate niya dati ay madalas siya ang sumasagot. Matinding awa ang naramdaman ko para sa kanya kaya mas lalong napalapit ang loob ko.
Bumaba na kami sa Mantrade at naghintay ng masasakyan ng papuntang Lawton ngunit puro ordinary na bus ang dumadaan noong mga oras na iyon.
Napag-isipan na lang namin magtaxi upang mmas mabilis at ligtas kaming makarating sa Malate.
"Manong, Orosa-Nakpil lang po." Ang sabi niya sa driver matapos naming makasakay sa loob.
Malimlim ang ilaw sa loob ng kotse kaya sinungabad ako muli ni Harold ng isang mahigpit na yakap at nakangiting nakatingin sa akin.
"Ang lambing mo pala." Ang aking binulong sa kanyang tenga.
Humagikgik siyang bigla sa aking ginawa.
Sandali lang ang aming binyahe ngunit sinalubong kami ng isang lubos na mabagal na daloy ng trapiko at maraming tao sa kalsada. Sa di kalayuan ay makikita mo ang mga iba't-ibang ilaw na kumukutitap at tila may malalakas na tugtog na nagmumula sa labas na naririnig namin sa loob ng taxi.
"Pwede na tayo bumaba dito Joseph. Tag singkuwenta pesos tayo. Sabi mo share eh." Ang sabi niyang pabiro.
Inabot namin ang aming bayad sa driver at lumabas na ng taxi.
Malakas na tugtugan talaga ang maririnig sa buong paligid tila naglalaban ang mga tugtugan ng magkabilaang mga bar sa aming kinatatayuan. Ngunit sa kabila nito ay mas malakas ang naririnig naming tugtog na gustong gusto kong pakinggan. Ang "Kingdom of Pretty" ni Bonnie Bailey.
Akmang-akma sa lugar na aming pinuntahan dahil maraming beki ang naglipana doon na lubos kong ikinatuwa. Tila langit nga ito ng mga katulad namin dahil marami akong nakikitang malayang naglalampungan sa mismong mga tables ng mga bar na nakaset sa bandang kalsada. Karamihan talaga sa mga nandoon ay may mga itsura pa.
"Gustong gusto ko yung Kingdom of Pretty!!!" ang sinabi kong pilit ipinarinig kay Harold.
"Talaga? Favorite ko rin yan! Ever After, Firefly, Rise, at Safe… basta Bonnie Bailey!!" ang sabi rin niyang pilit ipinaparinig sa akin dahil halos hindi kami magkaintindihan.
Tama naman siya sa kanyang sinabi. Di masyadong marami ang nakakaalam kung sino si Bonnie Bailey at ang karamihan sa nagkagusto sa isa niyang kanta ay alam lang ang title na "Ever After" dahil naging theme song iyon ng isang pelikula.
"Doon tayo sa BED!!! Masaya doon!!" ang yaya niya sa akin. Nagtaka ako kung bakit kami sa kama.
"Nangyayaya na ba ito? Parang ang bilis naman yata." Ang nasabi ko sa aking sarili.
Tinungo namin ang sinasabi niya na akala ko ay kung ano na. Isang bar pala ito sa loob ng eskinita sa Malate.
Medyo mahaba ang pila pero okay lang. Maganda naman ang music at ang dami kong nakikitang bago lang sa aking paningin ngunit hindi kasama dito ang mga kauri namin. Lugar lang ang aking kinikilatis sa mga oras na iyon. May isang bahagi pala ng Maynila na para lang sa amin.
Hindi ko namalayan na sumasayaw na pala si Harold sa aking harapan at gumigiling-giling pa.
Hindi ako marunong sumayaw at lalong hindi ko alam kung ano ang aking gagawin sa kanyang ginagawa.
Natigilan lang ako sa panonood kay Harold at siya rin ay natigil sa pagsasayaw nang biglang may naghuhuramentadong beki sa aming harapan.
"Malandi ka!!! Sabi mo natutulog ka lang pero nandito ka pala!!" ang talak ng isang guwapong lalaking fitted ang buong kasuotan.
"Eh ano ginagawa mo rito kong sinabi mo sa akin na pupunta ka sa Baguio kaninang hapon?" ang sagot naman ng isa ring gwapong lalake na tinatalakan ng nauna.
"Para hulihin ka! At sino naman itong bangkay na kasama mo?" ang sabi ng nagtatalak na gwapo habang dinuduro ang isang payat nga at tuyot nang beki na walang itsura kasama ng lalaking natatalakan.
"Hoy! Hindi ako bangkay at di hamak na mas may itsura ako sa iyo!! Pinagpalit ka na ng jowa mo dahil mas mahal niya ako kesa sa iyo!!!" ang sabat naman ng dinudurong payat na beki.
"Mahaderang ahas ka na chaka ka pa!! Kapatid mo ba si Golum? Wit ka sa beauty ko neng ni butas ng pwet ko wala kang panama!!! Magsama kayo ng may tulong jowa mo!!!" ang huling pasigaw na sinabi ng gwapong lalake na nagtatalak at biglang nagwalkout. Sinundan siya ng lalakeng natatalakan. Pareho sila talagang may itsura. Naiwan naman ang payatot na tinawag nang nauna na ahas. Sa aming direksiyon sila papunta.
"Dude akin ka na lang dude, tayo na lang pre." Ang mga narinig ko na lang na sinabi ng mga lalaking hindi namin kasama sa pila at nakatayong nagtatambay lang sa gilid ng pader na likod ng Sonata.
Nagtinginan kaming dalawa ni Harold at nagtawanan.
"Ganito ba lagi dito?" ang tanong ko sa kanya dahil sa buong talambuhay ko noon lang ako nakakita ng ganoon.
Tumango lang siya at parehong hinawakan ang aking mga kamay.
"Hayaan mo na sila… Tignan mo nga yung iba oh… nakatitig na sa iyo kanina pa… papaagaw ka ba?" ang sabi niya sa akin na may panunukso habang pareho naming kinikilatis ang mga kanina pa palang nakatitig na mga beking tambay sa labas ng bar.
"Hindi ako ganon. Old fashioned ako, sorry. Hopeless romantic ang hanap ko at wala akong makikita sa kanila sa ganitong lugar at pagkakataon. Isa pa, ikaw ang nagdala sa akin dito ikaw din ang kasama kong uuwi. Bukod sa lahat, wala akong karanasan sa ganyan at malaki ang respeto ko sa isang relasyon at sa relasyon ng iba." Ang seryoso kong sinabi sa kanya.
Ngumiti lang siya at muling nagsasayaw na parang inaakit ako. Ang galing niyang umindayog.
Nahihiya akong hindi ako makasunod sa kanyang ginagawa. Sa bagay, mas may karanasan na siya kaysa sa akin o baka lang talagang wala akong talento sa mga ganoong paggiling.
Hindi nagtagal ay nakapasok din kami sa loob. Tinatakan lang ng stamp ang aming mga braso at binigyan kami ng dalawang stub ng ticket sa sinehan dati na nabibili na lang ngayon sa National Book Store.
Mausok, madilim, saksakan ng sikip, nakakabingi ang tugtugin, at bukod sa lahat nakakabulag ang patay sinding mga ilaw sa pinakalooban ng bar.
Halos hindi kami makalakad o makagalaw man lang sa sobrang sikip. Nakiusap na lang ako sa kanya na doon na lang kami sa bar kung saan marami ang nakatigil na kumukuha ng maiinom.
Naupo lang ako sa bakanteng stool habang siya naman ay nakatayong nagsasayaw sa aking harapan.
Inabot niya ang isa kong ticket at ibiniga ito kasama ng kanya.
"Vodka Ice!! Dalawa!!" ang sigaw niya sa barista at inabutan kaming dalawa ng tag-isang bote. Masarap pala yon. Puro beer, gin, at lambanog lang kasi dati iniinom ko. May rhum at brandy pero allergic ako doon.
"Nag-eenjoy ka ba Joseph?!" ang nakangiti niyang tanong na kailangan niyang isigaw at kahit nakalapit na ang aking tenga sa kanya dahil lubos na malakas ang tugtugin. Sinagot ko lang siya ng pagtango.
Hindi kami makakapag-usap ng ganito dito. Maingay at magulo. Gusto ko ang lugar pero hindi akma para sa akin na ipagdiwang ang isang date sa ganitong lugar.
Nanatili lang kami ni Harold sa sa aming lagay ng ilang oras. Nagulat na lang ako nang may tumabi sa aking gilid na akala kong oorder lang ng inumin. Bigla niya akong inakbayan at dinilaan ang aking leeg hanggang sa aking tenga.
Kinilabutan ako ngunit nagustuhan ko ang ginawa ng hindi ko kilalang lalakeng tumabi sa akin.
Agad kong nilingon ang lalake na magkasalubong ang aking kilay. Dama kong nabastos kasi ako sa kanyang ginawa at sa harap ng aking kasama.
Ngumiti lang siya at umalis.
"Okay ka lang Joseph?!" ang seryosong tanong sa akin ni Harold.
"Lumabas na tayo dito medyo nahihilo na kasi ako!!" ang palusot ko kay Harold para makaalis na sa magulong lugar na iyon.
Hinawakan niya ako sa kanang kamay at dinala na ako sa labas.
"Okay ka na?" ang nag-aabalang tanong niya sa aking kalagayan.
"Okay na ako, medyo may tama lang kasi nakarami na yata ako ng ininom tapos di pa ako kumakain. Masakit lang ulo ko sa ilaw at tenga ko sa tugtog pero okay na lang ako." Ang sabi ko sa kanya habang hinihilot ang aking magkabilang noo.
"Kawawa ka naman. Doon tayo sa Silya kumain." Ang agad niyang yaya sa akin. Napaisip nanaman ako kung bakit kami kakain sa upuan kung may mga restaurant naman sigurong sa lamesa kakain.
"Anong silya? Bakit sa silya tayo kakain?" ang inosente kong tanong sa kanya.
"Ayaw mo ba sa silya? Alam mo ba yon?" ang tanong niya.
Wala nga akong alam sa lugar na ito at unang beses ko pa lamang napunta sa lugar na iyon. Natawa na lang ako sa kanya at nagpaubaya,
"Sige sa silya na tayo kumain." Ang sabi ko sa kanya at hawak kamay niya akong dinala doon.
Habang kami ay naglalakad hindi ko talaga maiwasang mag-isip.
"Bakit sa silya kung pwede naman sa mesa kumain? Weird naman dito." Ang napako sa aking isipan ng mga oras na iyon.
Nakapunta kami sa isang restaurant na may mga lamesa at umupo kami malapit sa may telebisyon ng videoke nila na malapit sa counter.
Sa aking pagtataka ay namansin kong sa mesa naman kumakain ang mga customer doon.
"Kala ko ba sa silya tayo kakain pwede naman pala sa mesa." Ang sabi ko kay Harold habang inaabutan kami ng menu ng waiter. Pareho silang tumingin sa akin at natawa.
"Joseph nasa Silya na tayo! Ano ba nasa isip mo kanina?" ang natatawa niyang sinabi sa akin.
"Kasi sabi mo sa silya tayo kakain kaya napaisip ako tapos dito sa mesa naman kumakain ang mga tao." Ang inosente kong sinabi sa kanya na lalong nagpatawa sa kanya.
"Silya po ang pangalan ng restaurant na ito. Dito kami madalas magkita ng mga agents namin mamaya baka nandito na sila papakilala kita." Ang sabi niya.
Ayaw kong malaman sa opisina namin ang aking pagkatao.
"Wag na. Pilit kong inililihim sa office eh. Kaya nagdadalawang isip akong makipagkita sa iyo dahil doon." Ang kwento ko sa kanya.
"Wag mong sabihin na hindi rin alam ni Rafael at ni… Sino nga ulit yung beki niyong kasama?" ang tanong niya.
"Si Jeremy. Kahapon ko lang kinumpirma kutob nilang magjowa pero sa jowa niya ako umamin. Si Rafael hanggang ngayon clueless lalo na't housemates kami ngayon di niya dapat malaman. Mabuti kong kaibigan si Rafael." Ang kwento ko.
"Ay ganoon ba? Buti na lang at least bukod sa akin alam na ni Jeremy at nung boylet niya na beki ka rin." Ang nakangiti niyang sinabi.
Umorder na kami at agad itong dumating sa aming hapag.
Nagkuwentuhan kami habang kami ay kumakain at pareho naming nagustuhan na kasama namin ang isa't-isa. Sa madaling salita, may pinatutunguhan na kami ngayon. Ngunit ngayon ko lang napansin na parang madalas siyang magtext na parang may nangungulit sa kanya. Hindi ko ito masyadong pinuna dahil una hindi naman kami at ano ba ang pakialam ko sa mga kinakausap niya sa text.
Tapos na kami kumain at pasado alas dos na ng madaling araw.
"Nga pala, dalian natin dito baka may makakita pa sa iyo na kasama kita malalaman na sa office tinatago mo." Ang paalala niya sa akin.
"Uwi na ba ako?" ang malungkot kong tanong sa kanya.
"Anong uwi? May oras pa tayo pero kung gusto mo okay lang sa akin naiintindihan ko." Ang sabi niya na para bang nagbago siya ng katauhan na di tulad kanina nang nasa bus kami ay parang ayaw niya akong mawala. Siguro dahil sa dami na rin ng kanyang nainom.
"Saglit lang ha? Ihi lang ako." ang paalam ko sa kanya at tinungo ang palikuran sa kaniyang likuran.
Sa loob ay inilabas ko ang aking telepono at napansing may miscall si Rafael na sampu. Nagtaka ako sa ginawa niyang iyon. Napansin ko rin na may kinseng mensahe akong natanggap sampu mula kay Rafael at lima kay Jeremy.
Inuna kong basahin ang kay Jeremy nang ayon sa pagkakalista sa aking inbox.
Message 1: Ngkta n kau? Kmusta nmn? Luv u frend! Gudlak! ;-j
Message 2: d k rply tmpo q.Sn n kau pmnta? Kmsta n d8 m? ok b? ^_^
Message 3: d k n rply.Pssst! Nkilang round kau s kama? ^_^
Message 4: Oist!Prmdm k nmn.wori n kmi ni kuya q sau >:-O
Message 5: P@#%&^ INA MO BALIK MO PHONE NG TROPA KO!!! MAGNABEKI!!
Natawa ako sa huling message ni Jeremy. Akala niya siguro nanakaw ang phone ko. Para malubag ang kanyang loob at tinawagan ko siya. Alam kong gising pa sila sa oras na ito dahil sa movie marathon. Agad na sumagot si Jeremy.
"Seph?!! Letche ka nag-alala ako sa iyo!!" ang ang naiinis niyang pabati sa akin.
"Jeremy okay lang ako busy lang ako kaya hindi ko napansin texts mo." Ang sabi ko sa kanya.
"Eh… nakailang round kayo?" ang parang batang nagtatanong niyang interesado talagang malaman.
"Wala po sorry po. Date lang kami dito sa Malate." Ang sagot ko sa kanya.
"Malate?!! Nako patay kang bata ka impyerno diyan. Magkakasala ka sa kadate mo! Maraming relasyon ang nawasak sa lugar na iyan!" ang gulat na sinabi ni Kevin.
"Kevin? Nakaspeaker phone ba ako Jeremy?" ang naitanong ko nang marining ang boses ni Kevin.
"Opo. Hihihih… si kuya Dexter po sumagot ng tawag mo kami na lang naman kasi tatlo dito sa bahay umuwi na si Raffy." Ang kuwento ni Jeremy.
"Sinong Raffy?" ang tanong ko sa kanya.
"Si Rafael, Seph... Bagal mo pumik-ap!" ang seryosong sagot ni Jeremy gamit ang kanyang normal na boses.
"Ah… anong oras po umuwi si Raffy?" ang tanong kong parang kumakausap lang ng bata.
"Mga ten o-clock po umuwi na siya. Malungkot siya kanina mula nang umalis ka. Bitin yata sa bondin at puro kasi kami beki dito kaya kami na lang nag-enjoy. May kasalanan ka pa pala. Naiwan mo yung M2M na binili mo buti na lang si kuya Dexter ang nagsasaksak ng DVD sa player tinago niya muna yung tatlong DVD mo kunin mo na lang pagdating mo kung gising na kami." Ang kwento ni Jeremy.
"Okay po. Sige po punta na ako kay Harold." Ang paalam ko sa kanya at ibinaba na ang aking tawag.
Naalala kong balikan ang mga mensahe ni Rafael.
Message 1 – 4 (iba-iba ang timestamp): Tol prmdm k nmn.nbbgot n q d2.
Message 5 – 8 (iba-iba ang timestamp): Tol txbak pls.prmdm k nmn.
Message 9 : Tol nagaala2 lng me.d p q mk2log.txbk
Message 10: Tol ingt k pauwi.tbi k n lng s akn pgdtng m kng 2log n q.
"Ano kaya nakain nito. Bakit di na lang kasi siya magparaos ng magparaos sa bahay para naman malibang siya." Ang nasabi ko sa aking sarili sa mga pawang tulirong mga mensahe ni Rafael.
Lumabas na ako ng palikuran at naghihintay na nagyoyosi sa aming mesa si Harold.
"Tol… pasama naman ako sa pwede kong masakyan ng taxi pauwi." Ang pakiusap ko sa kanya.
Sinama niya ako sa malapit na pa lang kalsada ng Taft. Doon pumara ako ng taxi at bago ako sumakay.
"Ingat ka Joseph! Nag-enjoy ako ngayong gabi. Wala bang good bye kiss man lang?" ang naghihiya niyang pagpapaalam sa akin.
Hindi ako nagdalawang isip at agad ko siyang niyakap at hinalikan. Hindi ko inaasahan na ganoon kasarap makipaghalikan sa kapwa lalaki. Agad akong nakaramdam ng kakaibang init. Lumambot na ang puso ko para kay Harold. May namuo na akong pagtingin sa kanya.
Wala kaming pakialam sa paligid namin ng mga oras na iyon hanggang sa maudlot kami nang bumusina ang pinara kong taxi. Nagtawanan na lang kami.
"Ingat ka Harold pauwi ha? Text text na lang. Kita tayo bukas sa office sabay tayo maglunch." Ang paalam ko sa kanya habang pasakay na sa likod ng taxi.
Umusad na ang taxi tungong Cavite sa nang mapagkasunduan namin ng driver na presyo. Lubos na kasayahan ang aking nararamdaman at parang sa mga oras na iyon ay agad akong nanabik na makita at makasamang muli si Harold. Sa pagkakataon na ako'y mag-isa na lang. Hinanap ko na agad siya sa aking tabi.
Nanatili akong ganoon ang aking damdamin at hindi umidlip sa biyahe sa kakaisip kay Harold habang tinuturo sa driver ang diresyon pauwi.
Hindi ako makapaniwalang sa wala pang isang oras ay nasa harap na ako ng aking bahay. Bukas pa ang ilaw sa bahay ni Jeremy at may ingay pa rin na nagmumula sa pinanonood nilang nakakatakot.
Tinungo ko ang bahay nila Jeremy at diretsong pumasok sa loob ng bahay sa sobrang saya.
Pumasok akong nakangiti na halos abot tenga. Nang makita ako ni Jeremy at Dexter ay agad silang tumayo sa kanilang malambing na pagkakaupo sa sofa at pareho akong niyakap.
"Congrats!!! Dalaga ka na Seph!!!" ang pabirong bati ni Dexter sa ligayang aking naranasan. Alam niyang tapos na ang aking problema kahit papano sa pagiging malungukit dahil kita nila sa akin ang pag-asa.
"Thank you sa inyong dalawa!!! Ang saya-saya ko!!! Sana maging kami sa bandang huli!!! Okay na okay siya para sa akin!!!" ang naibahagi ko na lang sa kanilang dalawa.
Napansin kong wala si Kevin at hindi na tinanong ang dalawa. Nagpaalam na lang ako sa kanila at dali-daling umuwi ng bahay. Napansin kong bukas ang ilaw sa aking silid. Lalo akong nag-alala sa aking nakita.
Nasa tarangkahan na ako ng aking silid at nagulat ako sa aking nakita nang mabuksan ko ang hindi nakalock na pinto ng aking silid.