Chereads / Ka-ibigan [BL] / Chapter 3 - Ka-ibigan - Chapter 03

Chapter 3 - Ka-ibigan - Chapter 03

Tagilid akong nakahiga sa kama patalikod kay Rafael.

Nagising ako nang biglang niyakap ako ni Rafael na parang unan lang. Mataas na ang sikat ng araw kaya kita ko ang buong mukha niya nang siya'y aking dahan dahang nilingon.

Natutulog pa rin siya ng mahimbing. Binalot ako ng kilig at ginusto na rin siyang yakapin ngunit nanaig ang matinding paggalang sa kanya bilang kaibigan.

Hinayaan ko na lang na nakabalot sa aking baywang ang kanyang kamay at muling natulog.

Napahimbing ang aking pagtulog at gabi na nang ako ay gumising. Nang imulat ko ang aking mga mata aninag ko lang ang aking malilim na silid. Ilaw lang na nagmumula sa poste labas ang nagbibigay liwanag sa aking silid.

Naramdaman kong nakayakap pa rin si Rafael sa aking baywang ngunit parang sa pagkakataong ito ay malapit ang kanyang mukha sa aking batok dahil damang dama ko ang malalim niyang paghinga.

Dahan-dahan sana akong babangon sa aking pagkakahiga at kumalas sa kanyang yakap ngunit bigla siyang nagsalita.

"Seph.. Nagugutom na ko.." ang bulong niya mula sa aking likuran at nakiliti ang aking batok sa pagdampi ng kanyang hininga..

Kinilabutan ako sa kanyang ginawa sa di ako sanay sa ganon. Tumusok ang kanya sa aking likuran at bigla akong napabangon sa kama tungo sa switch ng ilaw at binuksan ito.

"Nakakatakot ginawa mo kala ko kung anong maligno na katabi ko loko ka!" ang galit na galit kong sabi sa kanya ngunit nakaramdam ako ng matinding kilig nang makita siya sa kanyang itsura.

Bigla siyang dumapa sa kanyang magkakahiga.

"Morning wood!! Wag ka tumingin!!" ang nahihiya niyang isinigaw habang namumula ang kanyang mukhang nakaharap sa akin habang ang buong katawan niya at nakadapa..

"Kala ko kung ano yan kumag ka wag mo nga ko tinatakot at ginaganyan! Kadiri!" ang sabi kong pilit itinatago ang matinding kilig at pagnanasa.

"Sorry naman! Di ka na mabiro." ang sagot niya.

Tinignan ko ang oras sa wall clock sa aking kuwarto nang maramdaman ko na rin ang gutom. Alas otso na ng gabi.

"Walang restaurant dito at mga bilihan ng ulam wala nang bukas ngayon." ang ikinalulungkot kong ibinahagi sa kanya.

"Wala ka bang stock jan? Kahit ano makakain lang tayo. O kaya kumatok naman tayo kila Jeremy. Palitan ko na lang bukas maggrocery ako." ang sinabi ng kaawa-awang si Rafael.

"May instant pancit canton na hot and spicy lang akong naka stock niyan kasi madalas tamad akong magluto kahit hilig ko ang pagluluto. Isa pa paborito ko kasi yon." ang nagbabakasakali kong sabi kay Rafael kung magugustuhan niya iyon.

Tumawa siya sa aking sinabi at nagtaka naman ako kung bakit.

"Ang dami ko pa palang hindi alam sa iyo. Hindi ko siguro malalaman to kung hindi pa tayo naging housemates. Paborito ko rin hot & spicy na canton! Kaya ano pa hinihintay natin? Luto na tayo baka hindi na ako makatayo dito." ang sabi niya. Hindi ko maintindihan ang kanyang ibig sabihin.

"Eh pano ka tatayo jan kung nakatayo pa yan?" ang sabi kong sabay turo sa kanyang baywang.

"Kung okay lang ba sa iyo at hindi nakakahiya tatayo na ako dito." ang pabiro niyang sagot habang inaayos ang sarili at ambang tatayo na mula sa kanyang pagkakadapa sa kama.

Hindi ako nakasagot at nanatiling nakatingin lang sa kanyang kabuuan. Lalong tumindi ang aking kilig sa kanyang sinabi at akmang gagawin at pakiramdam ko nawala na ang dugo sa aking mukha at mga kamay.

"O, bakit natulala ka na diyan? Ano? Okay lang ba?" ang sabi niyang nanghahamon na tatayo talaga siya makuha man o hindi ang aking sagot sa kanyang katanungan.

"O-okay lang sa akin p-pareho naman tayong m-meron nyan." ang nauutal kong sagot sa kanya sa sobrang kaba na rin na mahalata niya ang tinatago kong pagnanasang gawin niya ang gagawin niya.

"Bakit ka nauutal at namumutla?" ang tanong niyang nagparamdam sa akin ng matinding kaba.

"Nako patay na baka bigla siyang umalis dito pag nalaman niya at magalit pa siya sa akin dahil itinatago ko ang tunay kong pagkatao sa kanya." ang nasabi ko sarili bago humagilap ng isasagot sa kanya.

"Wala n-nanlalambot n-na yata ak-ko s-sa gutom." ang nauutal ko pa ring sagot sa kanya.

Bigla siyang bumangon at bumulaga sa akin ang malaki nagmumura niyang pututuy sa loob ng kanyang panloob na salawal. Matapos ang isang minutong pagtitig ko dito sa aking pagkabigla at tinakpan ko ng kamay ko ang aking dalawang mata at marahang tumalikod sa kanya. Naramdaman kong dumaloy ang lahat ng dugo sa aking ulo at nag-init ang aking mukha.

"Tol!! Bakit? Pareho naman tayong lalake. Huy! Humarap ka!!" ang natatawa niyang sabi sa akin.

Ibinaba ko ang aking mga kamay at marahang humarap sa kanya na pikit ang aking mga mata.

"Hindi ako sanay makakita ng ganyan na ganyan ang lagay maliban sa akin!! Nakuwento ko naman sa iyo na galing ako sa mga catholic schools diba?" ang naiinis kong sagot sa kanya habang nanatiling nakapikit.

"Namumula ka Seph! Ang pula pula ng mukha mo!!" ang malakas na sabi ni Rafael habang nakaturo sa aking mukha at natatawa.

Tumalikod na lang ako at tinungo ang pinto palabas ng aking silid diretcho sa hagdan tungong kusina. Nagmamadaling sumunod si Rafael sa akin dahil alam niyang magluluto ako ng canton.

Agad kong tinungo ang cupboard sa aking kusina kung saan nakalagay ang mga pancit canton at naglabas ako ng tatlo.

Nang mapansin ni Rafael na tatlo lang ang aking kinuha at akmang isasara ko na ang pinto ng cupboard ay hinawakan niya ang aking balikat.

"Tol anim na lutuin mo. Kulang sa atin yan!" ang sabi niya.

Hindi na ako sumagot at kumuha pa ng tatlo bago muling isinara ang cupboard.

Kinuha ko ang isang kaserola sa ilalim na cabinet na kasya ang anim na pack ng canton at ipinatong sa counter sa mismong ibaba ng cupboard.

Isa-isa kong binuksan ang mga wrapper. Tumulong naman si Rafael sa pagbubukas. Hindi ko maiwasang tumungin na ikinukuskos ni Rafael ang kanya sa kanto ng counter habang binubuksan ang wrapper. Nakakabaliw talaga ang aking nasasaksihan ngunit kailangan ko magpigil.

"Malaki ba?" ang mayabang na tanong niya sa aking habang nakatingin sa pack na kanyang binubuksan.

Nagulantang ako sa kanyang tanong at nanlamig ang aking mga kamay. "Patay!!! Nakita niya akong tumitingin!!! Ano na gagawin ko?!!!" ang sigaw ko sa aking sarili.

"Oo" ang sagot ko namang kalmado lang habang isa-isang inilalagay sa kaserola ang noodles ng mga nabuksan na naming pack. Pilit kong sinasabi sa aking isipan na ang tinutukoy niya ay ang kaserolang nilalagyan ko ng noodles.

"Mabilis lumambot yan." ang sabi ni Rafael habang binubuksan ang huling pack at idinidiin muli ang galit na kanya sa kanto ng counter. Ako naman ay maglalagay na sana ng tubig galing sa thermos upang isalin sa kaserolang may noodles.

"Ay ang dulas!" ang aking biglang nasabi nang biglang naihulog ko ang tasa sa kaserola nang marining ang kanyang sinabi. Pinulot ko ang tasa sa kaserola at sumalok ulit sa thermos.

"Oo madulas yan." ang sabi naman ni Rafael na siyang nagpataranta sa akin upang maihulog ko na ang tasa sa sahig at mabasag ito.

Inilagay ko na ang kaserolang may tubig sa kalan na una ko munang sinindihan ng malakas ang apoy.

"Ano ba talaga tinutukoy nito? Yung kanya o yung pagkain namin?" ang sabi ko sa aking sarili. Kinuha ko ang walis at dustpan upang walisin ang basag na tasa.

Ilang sandali ang lumpipas.

"Malambot na o! Dali!" ang sabi ni Rafael at napatingin ako sa malambot na niyang alaga.

"Bakit diyan ka nakatingin?" ang nagtatakang tinanong niya sa akin habang nakapamaywang.

"Eh sabi mo malambot na diba?!!!" ang sigaw kong sagot sa kanya sa sobrang hiya.

"Yung noodles ang tinutukoy ko timang!" ang sagot naman niya sa akin.

"Eh ikaw naman kasi yang mga sinasabi mo na may "malaki", "madulas", "mabilis lumambot", tapos "malambot na yan"! Ano sa tingin mo iisipin ko? Bumaba tayong ganyan yan kaya nga hindi ako makaharap sa iyo!" ang naiirita kong sagot sa kanya. Tinawanan niya ako ng malakas.

"Napakadefensive mo" ang kanyang nasabi.

"Hay, ang sarap talaga magkantunan." ang pabiro niya pang idinagdag.

"Pasensiya na ha? double meaning na pala sinasabi ko." dagdag pa niya.

Pinatay niya ang apoy sa kalan at sinala ang noodles. Nagpatuloy naman ako sa pagwawalis.

"Ako na ang bahala dito. Handa mo na lang ang plato natin sa mesa para makakain na tayo tapos mamaya bulabugin natin si Jeremy." ang sabi niya habang nakalabas ang matamis niyang ngiti.

Hindi ako sumagot sa kanya dala ng matinding hiya. Kinuha ko lang ang dalawang plato at tinidor at inilapag iyon sa mesa.

Ang sala at hapag kainan ng bahay ko ay magkalapit lang. Binuksan ko ang telebisyon upang manood at habang hinihintay siya.

Di nagtagal ay palabas na siya sa kusina. Isang napakagandang tanawin si Rafael na tulad ng mga lalaking nasa magazine na nasa kusina at kakaunti lang ang saplot.

Ang ganda ng katawan na medyo namamawis na ng kaunti dahil mainit sa kusina at may dalang pagkain. Parang nagslow-motion siyang papalapit sa akin.

"Bakit lagi ka na lang tulala Seph? Matindi na siguro ang gutom mo! Kain na tayo!" habang ibinababa niya ang bandehado ng nahalong pancit canton sa mesa.

Nginitian ko na lang siya at hindi na nagsalita. Dreamy na ako. Sinalinan ko ng canton ang plato niya at inubos ko ang natira sa akin.

"Hindi pantay. Damukal nilagay mo sa plato ko kakarampot yang nasa plato mo." ang sabi niya.

"Ah eh.. sorry palipat na lang sa plato ko ng iba. Thank you!" ang sabi ko nang natauhan ako nang mapansing kong marami nga ang nailagay ko sa plato niya.

"Ano ba iniisip mo 'tol? Wala ka nanaman sa sarili mo. Ganyan ka pag nasa office ka." ang sabi niyang nag-aalala.

"Wala! Masaya lang akong may kasama na ako sa bahay ngayon. Dati kasi may sariling mundo na ako pag dumadating ako sa bahay." ang nakangiti kong palusot sa kanya.

Hindi na siya umimik at sinungaban na ang canton sa kanyang harapan.

Kumain na kami habang nanonood ng telebisyon na may maya-mayang reaction sa mga nakikita at kaunting kwentuhan sa mga bagay sa pinapalabas sa telebisyon. Noon lang kami nagkaroon ng maayos na bonding moment ni Rafael.

Natapos kaming dalawa at iniwan na lang sa hapag ang aming kainan dahil nagbabakasakali kaming gising na sila Jeremy. Agad kaming nagbihis sa aking silid bago pinuntahan ang bahay nila Jeremy.

"Jeremy! Jeremy! Jeremy!" ang salitan naming tawag kay Jeremy sa tapat ng pintuan nila.

Maya-maya lang ay bumukas ang pintuan at nakita namin si Jeremy na naka sando at boxers lang at puno ng kiss mark ang dibdib at leeg na pilit tinatakpan ng tuwalyang nakapalibot sa kanyang magkabilang balikan.

"Ano po bibilin niyo?" ang pabirong sabi ni Jeremy sa amin na parang nagtitinda lang sa sari-sari store.

"Pabili po ng isang Jeremy." ang sagot ko naman sa kanya.

Natawa si Rafael sa aming dalawa ni Jeremy.

"Ay jiho nahuli ka na. Nabili na nung guwapong guwapong binatang matangkad na nasa itaas." ang pabiro naman niyang sagot sa akin.

"Para kayong timang." ang natatawang sabat sa amin ni Rafael. Tinawanan namin ni Jeremy ang aming mga sarili.

"Seryoso. Ano plano niyo ngayong gabi?" ang tanong ni Jeremy sa amin.

"Wala lang. Balak lang namin manggulo kung okay lang sa iyo at sa jowa mo." ang sabi ko kay Jeremy.

"Ay! Maiwan ko muna kayo saglit kukunin ko lang cellphone ko. Naiwan ko sa maong ko. Kailangan kong sabihan girlfriend ko na nandito na ako kay Joseph nakatira." ang paalam sa amin ni Rafael na nagmamadaling tumungo pabalik ng bahay.

"Mabalik tayo sa ating usapan." ang sabi ni Jeremy sa akin nang nakaalis na si Jeremy.

"Sige. Off naman nating lahat at... " natigil si Jeremy sa kanyang sasabihin nang biglang lumabas sa kanyang likod ang kanyang nobyo at hinalikan siya sa kanang pisngi at niyakap si Jeremy mula sa kanyang likod.

"Saan tayo ngayong gabi Jemykoy ko?" ang tanong ng nobyo ni Jeremy na matangkad pa sa kanya.

"Kuya pareho naman tayong lahat walang pasok na. Punta naman tayo sa Starbucks sa Tagaytay tapos kuwento natin sa kanila ang nakaraan natin doon!!! Miss ko na yung place kung saan tayo unang nagkiss!!!" ang kinikilig naman na paanyaya ni Jeremy sa kanyang nobyo.

"Mahal ko... baka hindi pa sila handa sa ganoon. Sa ibang pagkakataon mo na lang ikuwento sa kanila ang storya natin. Kung maaatim nila ang mga detalye na ibibigay mo." ang malambing na sabi ni Dexter kay Jeremy habang natatawa.

Ang tamis ng kanilang mga titig at ngitian. Sobrang naiinggit ako sa kanila. Nadudurog ang aking puso na makita ang isang napaka perpektong pagsasama nila.

Nakaramdam ako ng lubos na pag-iisa. Matinding awa sa sarili na matagal nang gustong magmahal na tulad nila at ibigay ng buong pagkatao sa taong pinakamamahal niya.

"Ako? nag-iisa. Walang pag-asang makakakilala ng taong tulad ni Dexter at Jeremy. Hindi na nga ako nag-iisa sa bahay pero straight pa sa mga linya ng ledger ang lalaking ito at napakalaking tukso. Sana maging kasing ligaya ko na rin sila." ang sabi ko sa aking sarili habang hindi ko naman maitago ang lungkot sa aking mga mata at ang aking pilit na mga ngiti.

"Joseph.. anong problema?" ang sabi ni Dexter nang mapuna niya ang lungkot sa aking mga mata at namumuo na ang mga luha. Napatingin na rin sa akin si Jeremy.

Hindi ko naiwasang tumulo ang aking mga luha sa harapan nila.

"Ah tol... wala ito.. ang saya niyong dalawa.. napabilib ako sa pagmamahalan niyo kahit pareho kayong hindi makagagawa ng isang supling pero iba talaga ang pag-ibig no? Napakamakapangyarihan, kahit parehong lalaki pinagtatagpo nito." ang sabi ko kay Dexter. Kinabahan akong punasan ang aking mga luha sa harapan ni Rafael.

"Seph, tulungan mo ko sa kusina at magluto tayo ng poppy corn ni Jemykoy." and wika ni Dexter habang hihinila ako papasok sa bahay na hinahayaang pumatak na ang mga sariling luha.

Kinindatan lang ni Dexter si Jeremy at mukhang nakuha na nito ang ibig niyang sabihin.

Si Jeremy naman ay inanyayahan na ring pumasok ang papalapit nang si Rafael na sala na walang kaalam-alam sa magaganap.

Nang makarating kami ni Dexter sa kusina ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang aking mga luha.

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat.

"Joseph, magsabi ka sa akin. Huwag ka matakot. Ano ang problema mo?" ang malumanay na sabi sa akin ni Dexter habang nakangiti.

"D-dex... k-kasi... nn-ahihiya ako... s-sa inyo ni J-jeremy... p-pero... matagal ko na gusto u-u-umamin... n-na tulad niyo a-ako..." ang sabi ko kay Dexter at hindi na napigilan ang aking pag-iyak.

"Sshhhh... mahina lang Seph baka marinig nila sa labas." ang sabi ni Dexter habang hinahaplos ang aking likod.

"A-ayaw ko k-kasing magbago ang t-tingin sa akin ng mga tao sa opisina... kahit inaasar na ako ni Jeremy na umamin pilit kong itinatanggi... kasi n-natatakot ako... na kamuhian ng mga tao... h-hindi naman l-lahat k-kasi n-ng m-mga naglaladlad ay tinatanggap ng perpektong lipunan na ito... Alam mo ba Dex?... matagal ko na talagang gustong magka... alam mo na..." ang tuloy kong paliwanag kay Dexter.

"Kaya nga gumagawa tayo ng maliit na parte natin sa mundong ito. Tulad ng bahay namin ni Jeremy..." ang sabi ni Dexter. "Pero.. alam mo.. dahil sa pagmamahalan namin siguro ay wala na kaming pakialam sa mga nasa paligid namin kung kelan namin gusto ipadama ang pagmamahal namin sa bawat isa. Kung matatagpuan mo ang taong magmamahal sa iyo ng higit pa sa pagmamahal niya sa kanyang buhay balang araw tulad namin ni Jemykoy ko magiging maligaya din kayo." ang payo naman sa akin ni Dexter.

Nagngitian kami ni Dexter at pinunasan ko na ang aking mga luha.

"Dali, kunwari naghiwa ka ng sibuyas!" ang sabi ni Dexter habang nagmamadaling kinuha ang sibuyas na nasa basket sa ibabaw ng counter ng kusina nila at hiniwa-hiwa ito ng mabilis.

"Kuskos mo kamay mo dito." ang utos ni Dexter na agad kong sinunod.

"Eh yung popcorn ng asawa mo?" ang tanong ko nang maalala ko ang sinabi niya kay Jeremy.

"Ay oo nga pala! Salamat! Magtatampo yun eh." ang nakangiting sinabi ni Dexter sa akin.

"Hindi tol. Sa iyo ako nagpapasalamat na binigyan mo ako ng pagkakataong ilabas ko ang aking saloobin. Huwag mo muna sasabihin kay Jeremy ha?" ang masaya kong sagot kay Dexter.

"Huwag kang mag-alala. Matagal na niyang alam. Kaya ka nga inaasar noon eh kasi sabi ko asarin ka para umamin ka na sa kanya." ang sabi ni Dexter.

Nagpasok ng isang bag ng popcorn si Dexter sa microwave hanggang sa magpop lahat ng laman nito.

"Teka. Para saan itong sibuyas?" ang tanong ko kay Dexter nang bigla kong maalala.

Tinignan ako ni Dexter sa mga mata at sinuri kung halata pa bang umiyak ako.

"Okay na mata mo. Palusot mo na lang kay Rafael na tinuruan kitang maghiwa ng sibuyas." ang natatawang sinabi ni Dexter.

Inilipat ni Dexter sa bowl ang laman ng bag ng popcorn at tinungo na namin ang sala kung saan nanonood na ng palabas sa cable ang dalawa.

Tuwang tuwa na parang bata si Jeremy nang iabot sa kanya ni Dexter ang bowl ng popcorn at hinalikan siya sa kanyang mga labi. Napansin kong si Rafael ay nakatingin sa kanila at walang bahid na pandidiri man lang ang kanyang mukha sa kanyang nakikita.

"Bakit ganon? Matagal na kayang nakakakita ng dalawang lalaking naghahalikan tong si Rafael?" ang tananong ko sa aking sariling pagtataka.

Nang mapansin ako ni Rafael na nakatingin sa kanya ay tumawa siya ng malakas.

"Ganito pala yun?" ang sabi niya sa akin sa kanyang nakita.

"Masanay ka na sa dalawa. Lubos na nagmamahalan sila. Kakainggit." ang hindi ko naiwasang sabihin kay Rafael nang makita ko ang ginagawa ng dalawa habang tuloy pa rin ang tukaan nila. Natulala si Rafael sa akin.

"Ahem ahem ahem... Bunso later na lang." ang wika ni Dexter nang marinig niya ang aking sinabi

"Seryoso ka Seph?!" ang sabi ni Rafael.

"Ako? Hindi ah.. biro lang yun!!" ang palusot ko sa kanya.

Nagtawanan kaming tatlo habang si Rafael naman ay bakas ang pagdududa sa kanyang mga mukha.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang maisip kong baka nakahalata na si Rafael.