Chapter 2 - PROLOGUE

MATAMAN na nakatanaw mula sa labas si Varun kung saan tanaw na tanaw niya ang lawak ng siyudad. Nagkukumpulan at nagliliitang sasakyan mula sa ibaba ang paroo't parito.

May mga nagtatayugang buildings din ang kalapit ng konkreto na kaniyang kinaroroonan. Kasalukuyan siyang nasa ikadalawampu't limang palapag ng kumpanyang pag-aari niya mismo.

Sa mga nakalipas na araw ay naging busy siya sa mga business meetings at proposals niya sa iba't ibang panig ng Bansa. 

Ngayon lang siya nakapagmuni-muni.

Nasa kasarapan na siya sa pagmamasid nang isang katok ang umagaw sa kaniyang atensyon.

Hindi na niya pinagkaabalahang usisain kung sino ito dahil tanging si Mrs. Francia lang naman na kaniyang personal secretary ang inaasahan niya sa mga oras na iyon. Natitiyak niyang bitbit na nito ang mga ipinaasikasong dokumento.

"Come in," bigkas niya. Lumukob ang baritonong boses ng binata sa bawat sulok ng silid na kaniyang kinaroroonan.

Narinig nito ang marahang pagbukas ng pintuan kasabay ng pag-lock nito. Agad niyang pinaikot ang swivel chair na kaniyang kinauupuan hanggang sa ang ngisi na nakapaskil sa labi niya'y tuluyang naglaho. Napalitan iyon ng kalamigan.

Ang kaharap naman niya ay kababakasan ng kaba ngunit hindi mapagsisinungaling ang nakikita niyang pagtatapang-tapangan nito sa kaniyang harapan. Para sa binata'y lalo iyong nagbigay ng kakaibang dating sa simpleng ganda ng dalaga.

Tumikhim muna siya, bago tuluyang nag-salita. "What brought you in my office, Ms. Juan? Alam mong oras na ng uwian. At sigurado naman akong sa ganitong oras ay alam mong may mahalaga akong inaasikaso. Maliwanag naman iyang nai-discuss ng nag-orient sa inyo bago kayo pumasok sa aking kumpanya," malamig niyang paliwanag sa dalaga na nanatili lamang nakatitig sa  kaniya nang mga sandaling iyon.

Nagtagis ang kaniyang mga ngipin, kasabay ng pagkuyom ng kaniyang mga kamao. Marahas siyang napabuntong-hininga pagkatapos para kahit paano'y mailabas niya ang tensyon sa katawan na pilit niyang ipinagwawalang-bahala sa mga nakalipas na buwan.

"Kailangan natin mag-usap Varun, please. Hayaan mo naman akong magpaliwanag," masuyong bigkas ni Pamela. Tila maiiyak ang itsura nito dahil kitang-kita niya ang pagkagat ng labi ng babae. Tila nagpipigil na mapabulalas lamang ng iyak.

Agad niyang iniiwas ang pansin sa mga labi nito. Ang labi nitong namumula na lalong nagbigay sensual sa mukha nitong kaakit-akit. Para sa kaniya'y lalo lamang nagbibigay iyon ng init sa kaniyang katawan. Bagamat simple ang ganda nito'y hindi iyon naging hadlang para hindi siya maakit sa angkin nitong kagandahan.

Napalunok si Varun nang mag-umpisang lumapit ito mula sa kaniyang kinaroroonan. Ramdam niya ang masuyong pagdampi ng malambot nitong palad sa nakalihis niyang suot na suit. Tila tumaas ang temperatura sa loob ng kaniyang opisina sa mga sandaling iyon. Tila may kuryenting gumapang mula roon papunta sa kaniyang kaibuturan.

Lihim siyang napamura nang sunod-sunod mula sa isip. Maski ang mabining samyo ng katawan nito na hinahanap-hanap niya kapag umaalis siya ng bansa ay nagbibigay tuliro sa kaniya.

Para kahit paano'y makatakas siya sa presensiya at damdamin na lumukob sa kaniya sa tuwing nagkakalapit sila ni Pamela, mayamaya'y muling napadako ang pansin niya rito sa sunod nitong sinabi.

"Believe me or not, matagal na kitang hinahanap. A-and I-I'm glad that I finally found you, Varun," puno ng kasiyahang saad nito sa binata.

Ikakatuwa sana niya iyon ngunit bigla rin nawala ang sayang nadarama niya nang muli niyang maalala ang nangyare kahapon sa Cafeteria ng Canteen sa mismong company niya. Kung 'di pa dumating ang Ate Camella nito'y tuluyan na siyang nautong muli sa katulad nitong Eba! Hinding-hindi na niya muling hahayaan ang sarili na mapaikot at mapasunod ng isang katulad nito, lalo't nanggaling din ito sa pamilyang umalipusta sa kaniyang kamusmusan . . . na siyang nagbigay ng ibayong pag-asa sa kaniya para makarating siya sa kinaroroonan niya ngayon.

"Stop that nonsense argument, Pamela. You can get out of my office now," nanggigigil niyang sabi.

"But, Varun, I-I really need you badly right now. . ." patuloy na pagsusumamo ni Pamela sa kaniya ngunit nanatili lamang siyang tahimik sa mga sumunod na sandali.

Nagulantang siya sa sumunod na ginawa nito dahil agad itong naghubad ng kasuotan . . . wala itong itinirang kahit ano. Maski ang panloob nito'y hinayaan nitong mahulog nang tuluyan sa lapag.

Mabilis niyang iniiwas ang tingin at biglang naggitawan ang butil ng pawis sa noo niya. Maski ang mga palad niya'y bigla ang pamamawis.

"What are you doing, P-Pamela? A-ayusin mo ang sarili mo at baka may makakita pa sa 'yo!" natetensyon na utos ni Varun sa babae. Nilangkapan niya ang boses ng galit. "R-Remember, you're still in our office primises and I'm your boss!" dagdag pa niya. Palihim siyang sumulyap rito. Nakita pa niya ang kakaibang ngiti nito sa kaniya. 

Tila siya nalulunod sa sariling hangin na kaniyang nilalanghap sa mga sandaling iyon. Tuluyan na siyang nanigas, maski ang paghinga niya'y nahigit niya nang mag-umpisa itong umupo sa kaniyang kandungan. Ramdam niya ang kalambutan ni Pamela at kabanguhan nito. Marahang inilapit ng dalaga ang mukha. Ramdam niya ang mainit nitong hininga mula sa gilid ng kaniyang tenga.

"Sa ayaw at sa gusto mo'y magiging akin ka. . ." anas niya na nagbigay ng matinding sensayon sa binata.

Lalaki lang siya, kaya kahit anong pagpipigil at babala mula sa isip niya ay tuluyang naglaho. Muli ay nagkatagpo ang mga mata nilang nangungusap. Hindi niya aakalain na hihigit pa sa pagtinging kapatid ang magiging tingin ni Varun kay Pamela. Hindi niya inakala na maniniwala ito sa ipinangako niya noong mga sampung taon pa lamang ito. Na titimo sa musmos at inosente nitong isip na pakakasalan niya ito kapag umedad ito ng dalawampu.

Ang dating  sa pangarap lamang niya maangkin ito ay tuluyan na niyang makakamtan dahil  ito na rin mismo ang lumapit at naghain ng sarili sa kaniya.

Sa tuluyan pagdampi ng labi nila'y unti-unting natibag ang yelong ibinalot niya sa puso ng nagdaang sampung taon.