Chereads / Unravel Me TAGALOG(PREVIEW ONLY) / Chapter 7 - CHAPTER FIVE

Chapter 7 - CHAPTER FIVE

GULAT at pagkamangha ang bumalot sa sistema ni Pamela ng makaharap niya si Varun. Hindi niya aakalain na makikita niya ito. Oo, matagal na niyang  hinahanap ang lalaki sa mga nakalipas na taon. Mabuti na lang at nasabi ng Ate Camella niya na umuwi na ng bansa ang binata. 

Labis-labis na kasiyahan at pagkasabik ang namayani sa puso niya nang ma-confirm niya mismo na narito na nga ito ng Pilipinas. Heto nga't nasa harapan na niya ito mismo. At katulad ng inaasahan niya, napakaguwapo pa rin nito. Sa dami ng mga naggagwapuhang adonis na nakilala niya'y isa ito sa mga lalaki na habang nagkakaedad ay lalong gumagwapo. Kaya magpahanggang ngayon ay wala pa siyang nagiging nobyo. Nakikipag-date din naman siya pero hanggang doon lamang siya.

Sa mga lumipas na taon, bagamat walang araw na lagi siyang nahihirapan sa pakikisama sa Daddy niya'y pinanatili niyang focus at hindi siya tinatablan sa mga ginawang pagpapahirap nito sa kaniya. Malaki ang pasasalamat niyang naging matibay ang loob niya at ginawa niyang inspirasyon ang lahat ng dinanas niya magmula noong bata siya. Nakapagtapos naman siya at nakuha ang pinakamataas na parangal. Kaya nang makatapos agad siyang nagbalak lumuwas pa-Maynila upang hanapin ito at para makahanap na rin siya ng trabaho. 

Nakakalungkot man aminin na ang lahat ng ipinundar ng kaniyang Mommy at maski ang Hacienda na pagmamay-ari ng pamilya nila'y mareremata na ng bangko sa susunod na buwan.

Ang pagkakaalam niya'y nagkaroon ng malaking pagkakautang ang ama niya sa isang malaking negosyante rito sa Manila. Ang balak niya, kapag nakahanap siya ng trabaho'y uumpisahan na niyang hanapin ang taong pinagkakautangan ng Daddy niya. Nais niyang makiusap dito na sana pagbigyan pa sila ng ilang buwang palugit. Magkagayunman kabilang sa mga plano niya ay ang paghahanap kay Varun. Laking pasasalamat niya dahil tila umaayon sa kaniya ang tadhana. Hindi niya aakalain na magiging madali sa kaniyang matagpuan ito.

"Ahmm, a-ayos lang. . ." ang nauutal na sagot ni Pamela sa binata. Kitang-kita niya ang paglalakbay ng tingin nito sa kabuuan niya. Kasalukuyan lang naman siyang nakasuot ng puting office attire. Kung saan hapit na hapit sa kaniyang magandang kurba ang tabas ng kasuotan niya. May malaking slit sa gilid ng skirt niya. Naka-V neckline rin siya, kung saan kitang-kita ang cleavage niya. Hindi man siya kaputian ay biniyayaan naman siya ng magandang mukha, exotic kumbaga ang beauty niya. May balingkinitan din siyang katawan na binagayan ng mahahabang biyas.

"Have a seat, Ms. Juan," utos ni Varun. Kasabay nga ng pag-upo ng dalaga ay isang magandang ngiti ang ipinaskil ni Pamela. Ewan niya pero may pakiramdam siyang hindi magiging madali ang pagpasok niya sa kumpaniya ng binata. Inumpisahan nang magtanong ng binata sa dalaga at ang bawat tanong niya'y nasasagot naman ng maayos ng dalaga. Hanggang sa sambitin na nga ni Varun ang huling tanong niya kay Pamela.

"For the last question, sa tingin mo, what is the best thing you will contribute to my company, Ms. Juan?" tanong ng binata kasabay ng pagtutok ng tingin nito sa dalaga.

Napalunok muna ng laway ang dalaga. Kitang-kita niya kasi ang makahulugang titig ng binata. Tila nanuyo ang kaniyang lalamunan. Hindi niya maiwasan ang matensyon habang kaharap si Varun.

"I will do my best to work out with your company, sir. I believe if you will hire me to become your secretary, I'll promise to give you my loyalty," sagot niya rito.

Nanatili lamang siyang tinitigan ng binata, tila may gumapang na mainit na kamay sa puso ng dalaga ng mahuli niya kung gaano pagmasdan ni Varun ang labi niya. Tila siya sinisilihan sa paraan ng pagtitig ng binata sa kaniya.

Pinanatili na lamang ni Pamela ang ngiti sa labi. Mayamaya'y tuluyan nang inalis ng binata ang pagkakatitig sa magandang dalaga.

Matapos siyang magsulat ng ilang mga importanteng bagay sa mga documents ni Pamela'y tuluyan na niyang sinabihan itong umalis. Ramdam ng binata ang mga titig ng dalaga, ngunit ipinagwalang-bahala na lang niya iyon. Ilang segundo pa itong nakatayo sa harap niya. Ngunit hindi na niya muling binalingan ng atensiyon si Pamela kahit ang totoo'y grabe-grabeng pagpipigil ang ginawa niyang huwag itong lingunin.

MATAGAL nang nakaalis si Pamela ngunit nanatili pa rin ang binata sa loob ng pribado nitong opisina. Kung saan nanatili lamang siyang nakaupo sa swivel chair niya habang mataman na nakatitig lang sa litrato ni Pamela na nasa kaniyang lamesa.

Muli niyang naramdaman ang piping pakiramdam na matagal ng namamahay sa kaibuturan niya. Maski ang mga alaala na unti-unting nagbabalik sa kaniyang gunita.

Patuloy lang siya sa paglalaro sa ballpen na hawak niya, hanggang sa tuluyan niyang hawakan iyon ng mahigpit at maitarak iyon sa lamesa niya kung saan nakaibabaw roon ang resume at lahat ng larawan ni Pamela.

A/N

The remaining chapter are available at Goodnovel.

Related Books

Popular novel hashtag